You are on page 1of 1

Sa ating mga panauhin ngayong hapon,an gating mga masisipag na tagamasid

pampurok an sina ____________________________,mga kaguro,minamaghal naming


mga mag-aaral,mga magulang,Isang mapagpalang hapon sa ating lahat.

Wika ang pinakamagandang regalo ng Maykapal sa kanyang mga nilalang. Ito ang
tanging kasangkapan ng tao sa pakikipag-ugnayan niya sa kapwa, sa asosasyon, sa
institusyon at maging sa dakilang Bathala. Malaki ang nagagawa ng wika sa
pagkakaroon ng magandang unawaan, ugnayan at mabuting pagsasamahan.

Kung wala ang wika, paano kaya magkakaintindihan ang mamamayan, paano kaya
mapabibilis ang pagsulong ng kaunlaran at paano kaya mapalalapit ang tao sa isa’t isa?
Sa bawat isang tanong at marami pang kasunod na katanungan, hindi sapat ang
senyas, drowing, ang kulay, ang ingay o anumang paraang maaaring likhain ng tao
upang matugunan ang lahat ng mga katanungan. Sa lahat ng ito, kailangan ng tao ang
wika.

Sa kauna-unahang pagkakataon, itutuon ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa mga


katutubong lengguwahe dahil "kung pababayaan, maaari pang maglaho nang tuluyan"
ang mga ito,

“Bakit natin ito ginagawa? Dahil nais nating pagpugayan at patunayan na mahalagang
bahagi ng ating pagkamabansa ang 130 katutubong wika sa Pilipinas. Ito ang buong
pagmamalaking ipinapahayag ng ating tema Ngayong taon ‘Wikang Katutubo: Tungo sa
Isang Bansang Filipino,’

Para umpisahan ang ating paligsahan, tayo pong lahat ay tumayo at ating awitin ang a
pambansang awit. Ng Pilipinas na susundan ng panalagin at Hymno ng pangasinan.

You might also like