You are on page 1of 8

The Man that Corrupted Hadleyburg

Table of Contents
A. Ang Maikling Kwento

Buod ng

“The Man that Corrupted Hadleyburg”

Ang Hadleyburg ay tinaguriang nayon na pinahahalagahan ang reputasyon ng katapatan at sinserong


pamumuhay. Sa kabilang banda, hindi ganoong kainit ang kanilang pagtanggap sa mga panauhing nagagawi sa
kanilang lugar. Isang araw, may isang estrangherong napadaan sa nasabing nayon. Sa pagdating nito, naiparamdam sa
kanya ng mga tao na tila ba siya’y hangin. Ito ang naging dahilan ng kanyang labis na pagdaramdam at dahil alam
niyang tapat ang mga tao sa Hadleyburg, sinubok niya ang katapatan ng mga ito.

Makalipas ang ilang buwan, nakagawa siya ng planong patibong. Kung saan may isang kaban ng ginto na
naglalaman ng munting liham. Nakasaad sa liham na ito ang pabuya sa taong tumulong sa kanya noong mga
panahong siya ay nasa kagipitan buhat ng pagsusugal. Tinatayang apatnapung dolyar ang halaga ng pabuya bilang
pasasalamat. Kaakibat ng liham ang payo ng tumulong sa kanya. May labing siyam na mag-asawa ang nabigyan din ng
liham na nagsasaad ng pare-parehong mensahe. Unang binigyan sina G. at Gng. Richards. Binuksan ng mag-asawa
ang liham at nakasaad dito ang isang paalala; “You are far from a bad: go and reform”. Napukaw ang interest ni Gng.
Richards na kunin ang ginto. Wala silang kaalam-alam na ang katulad na liham ay naibigay din sa labing labing-siyam
na mag-asawa. Bawat isang mag-asawa ay nagtungo sa Burgess upang kuhanin ang pabuya. Napuno at dinumog ang
bulwagan ng mga mamamayan ng Hadleyburg, mga bisita mula karatig nayon at mga mamamahayag sapagkat
kaabang-abang kung sino ang nagmamay-ari ng naturang pabuya.
Isa-isang binasa ng Burgess ang mga sulat na patunay na sila ang nagmamay-ari ng pabuya. Nabigla ang lahat
ng malamang magkakatulad ang nakahayag sa sulat. Nang matapos basahin ang mga patunay ay nagulantang ang
mag-asawang Richards sapagkat hindi nabanggit ang kanilang pangalan. Matapos mabasa ang lahat ng pahayag
mayroong panibagong sulat na nabuksan. Naglalaman ito ng mga pahayag ng estranghero patungkol sa paghihiganti
nito. Nakasaad dito na isang kahibangan ang isip na hindi kayang umiwas sa tukso, ang sinumang nakatira sa
Hadleyburg sapagkat mas madaling masubok ang mga taong hindi pa nakararanas gumawa ng masama.

Matapos mabuksan ang kaban ng ginto ay nagulat sila sa kanilang nasaksihan. Hindi ginto ang nilalaman nito
kung hindi mga piraso ng tingga. Napagdesisyunan ng mga mamamayan na isubasta na lamang ang sako na
naglalaman ng tingga at ibigay ang nakuhang pera sa mag-asawang Richards sapagkat sila lamang ang nanatiling mag-
asawang hindi nabasa ang pangalan.

Ang mag-asawang Richards ay nabahala. Iniisip nila kung ititigil ang nasabing subasta upang linisin ang
kanilang pangalan o ipagpatuloy upang makuha ang pera. Ang estrangherong gumawa ng lahat ay nakilala noong
nangyari din ang paghahatol sa bulwagan. Ang estranghero na din ang umako na bilhin ang kaban ng tingga na kasing
halaga ng ginto.

Ang mag-asawa ay labis na nabalisa, nalungkot at hindi na kinaya ang kanilang lugmok na kasinungalingang
nagawa. Ito ang naging dahilan kung bakit nagkaroon sila ng karamdaman. Kinalaunan, bago sila mamatay ay
isiniwalat nila ang buong katotohanan. Simula noon, ang pangalang Hadleyburg ay nasira ay napalitan at nag-iwan ng
mga katagang, “Minsan pa ito’y naging isang tapat na nayon, at kahit sa pag-idlip ay masusumpungan ng bawat isa”.
B. The Biography of the Author
C. Ang koneksyon gamit ang kritisismong biograpikal

Elemento In Story In Authors Life Exemplars


Tauhan

Tagpuan

Tema

Mga
mahahalagang
pangyayari
Bibliography

You might also like