You are on page 1of 52

abs-cbnNEWS.

com - The Correspondents

Pinoy na doktor at nars tagumpay sa serbisyo sa Kenya


KENDU BAY, Kenya - Maraming mga bundok ang kailangang tawirin bago makarating sa Kendu Bay sa
Kisumu, Kenya. Mahigit 500 kilometro ang layo nito sa kabisera ng Nairobi. Pero sa lugar na ito, totoo
ang kasabihang "sa lahat ng sulok ng mundo, mayroong Pilipino."

Kwentong Kenya: Kakaibang mukha ng Africa


NAIROBI, Kenya - Kilala ang bansang Kenya sa awitin ng mga awiting pantribo na minana ng mga
katutubo sa kanilang mga ninuno.

Kwentong Japan: Pagsubok ng Pinoy sa ibang bayan


TOKYO - Paglatag ng dilim, tinugis ng The CORRESPONDENTS ang mapang-akit na mga ilaw ng Osaka,
Japan, upang hanapin ang mga Pilipina na nagtatrabaho sa mga bahay-aliwan ng lungsod na ito.

Shalom: Digmaan, kapalaran, Pinoy sa Jerusalem


JERUSALEM, Israel - Ang binansagang "lungsod ng kapayapaan" ay pumapagitna sa walang
katapusang pag-aaway ng mga Arabo at Hudyo. Sa gitna ng alitang ito naghahanap ng kapalaran ang
mga Pilipino.

Pangarap ng Pinoy natupad sa New Zealand


AUCKLAND, New Zealand - Para sa tinatayang 25, 000 na mga Pilipinong narito, kilala ang New
Zealand bilang isang bansang lihis sa pangarap ng kaginhawahang hatid ng Amerika at Canada.

New Zealand: Bagong lupain ng pangako para sa Pinoy


AUCKLAND, New Zealand - Kadalasan, sa Amerika at Canada nakatuon ang pansin ng mga Pilipinong
naghahangad na lumabas ng bansa. Pero sa pagkakataong ito, matutuklasan nating mayroon pang
ibang bansa na maaaring puntahan ng mga Pilipino.

Trahedya sa karagatan malayo sa bansang pinagmulan


BERGEN, Norway - Labingwalong mga tripulanteng Pilipino ang nasawi sa isang trahedya sa karagatan
noong Enero. Ngunit ang kaibahan nito, nangyari ang aksidente sa isang lugar malayo sa tinubuan
nilang lupa. Nangyari ito sa Bergen, Norway.

Pagtatapos ng kabanata sa kwento ni Saddam


BAGHDAD - Sa loob ng isang buwan, nasaksihan namin ang pagsasara ng isang kabanata sa
mayamang kasaysasayan ng Iraq. Ito ang pagtatapos ng kasaysayan ni Saddam Hussein.

Buhay-correspondent sa gitna ng giyera


Mula sa salaysay ni Correspondent Ed Lingao na tatlong linggo na namalagi sa Baghdad kasama si ABS-
CBN cameraman Val Cuenca upang maghatid ng mga ulat sa digmaang U.S.-Iraq.

Iraq sa gitna ng nakaambang digmaan


BAGHDAD - Kapayapaan ang misyon namin sa Baghdad, Iraq pero kinailangan naming lumisan dahil
sa madilim na ulap na dulot ng nakaambang giyera.

Hua Chi'ao: Istorya ng migranteng Chino


Kilala ako sa pangalang Jade Lopez. Ako ay isang Pilipino na mayroong lahing Chino. Mahigit 80 taon
na ang nakakaraan, dumating sa Pilipinas ang aking lolo mula China upang magtayo ng bagong buhay,
negosyo at pamilya.

"Mga Pinoy sa London"


LONDON - Kung sa Hong Kong ay kilala ang mga Pilipino bilang domestic helper, sa London ay tanyag
sila bilang nurse at caregiver.

Kuwentong pagtatagpo ng mga 'Japino'(12/16/02)


FUKUOKA, Japan - Sa isang bayan sa Cavite, kapansin-pansin ang isang bata. Maganda ang makinis na
kutis ni "Naoko" kahit sa lugar ng mga iskwater sila nakatira. Ito ay dahil ang kanyang ama ay isang
Hapon.

'Di lang si Joma ang Pinoy sa Olandia (11/11/02)

http://www.abs-cbnnews.com/images/news/microsites/TheCorrespondents/overseas.htm (1 of 2) [23/08/2005 18:42:40]


abs-cbnNEWS.com - The Correspondents

UTRECHT - Kilala ang bansang Olandia, o The Netherlands, sa Pilipinas dahil kay Joma Sison. Pero ang
hindi alam ng marami, mayroon pang ibang mga Pilipino dito na may kani-kanilang kwento ng
pagsubok at tagumpay.

Titser sa Amerika: Pagsubok sa edukasyong Pilipino (11/04/02)


HOUSTON, Texas - Istoryang luma na ang mga Pilipino na nangingibang-bansa para maghanap ng
trabaho. Kadalasan, nakakakita sila ng hanapbuhay bilang nurse o domestic helper.

Biyahe ni Ma'am: Ang 'brain drain' ng gurong Pinoy (10/28/02)


HOUSTON, Texas - Sa mga nakaraang taon, karaniwan nang tanawin sa departure area ng Ninoy
Aquino International Airport ang ganito: mga inang mawawalay sa kanilang mga anak upang
maghanapbuhay sa ibang bansa.

9/11: Trahedya ng mundo sa mata ng Pilipino (9/09/02)


NEW YORK - Iniwan ng trahedya sa World Trade Center (WTC) noong Setyembre 11, 2001 ang isang
bangungot na nararanasan pa rin ng buong mundo hanggang sa ngayon.

Dateline: Kabul 2001(12/03/01)


Limang oras lang daw ang biyahe mula Jalalabad hanggang Kabul. Binalaan kaming ito ang
pinakapeligrosong parte ng biyahe. Akala namin, nanakot lang sila.

Pagkagat ng karahasan sa New York (9/17/01)


Maraming Pilipino ang nagpupunta sa Estados Unidos upang takasan ang kaguluhan sa sariling lupa
subalit ang trahedya noong Setyembre 11 ay paalala na walang kinikilalang bansa ang terorismo.

‘Inside Libya: Paglalakbay sa Hilagang Africa’ (3/18/01)


Espesyal na itinanghal ng The CORRESPONDENTS mula sa Tripoli, Libya

HOME
www.abs-cbnNEWS.com

http://www.abs-cbnnews.com/images/news/microsites/TheCorrespondents/overseas.htm (2 of 2) [23/08/2005 18:42:40]


abs-cbnNEWS.com - The Correspondents

Pinoy na doktor at nars tagumpay sa serbisyo sa Kenya

"Kenya diaries"
Itinanghal ng The CORRESPONDENTS, Lunes, 11:30 p.m.

Ulat ni Karen Davila

KENDU BAY, Kenya - Maraming mga bundok ang kailangang tawirin bago makarating sa Kendu Bay sa
Kisumu, Kenya. Mahigit 500 kilometro ang layo nito sa kabisera ng Nairobi.

Bihira ang dayuhan sa lugar na ito. Sa katunayan, iisang bus lang ang bumibiyahe sa Kendu. Wala ring
sementadong kalsada rito.

Ang tinatawag nilang mga "hotel" ay maihahalintulad sa mga bahay kubo sa Pilipinas na pinatungan ng
yero para magsilbing bubong.

Pero sa lugar na ito, totoo ang kasabihang "sa lahat ng sulok ng mundo, mayroong Pilipino."

Ang mga Pilipino sa Kendu Bay ay matatagpuan sa Kendu Seventh Day Adventist Hospital. Sa
katunayan, dalawa sa mga Pilipino rito ay mag-asawa, ang mga doktor na sina Elfred at Marialita Solis.

Wika nga, "husband and wife team" sila.

Mapanganib ang trabaho ng mag-asawang Solis. Araw-araw, umaabot sa 100 pasyente ang kanilang
sineserbisyuhan at 85 porsyento sa mga ito ay pawang positibo sa HIV o kaya ay mayroong AIDS.

Tinanong ng The CORRESPONDENTS si Elfred kung bakit niya naisipang magtungo sa Kenya kung
kailan karamihan sa mga doktor na Pilipino ay nagkukumahog bumiyahe papuntang Amerika.

Aniya, nagdesisyon siyang umiba ng landas upang makapagserbisyo sa kanyang kapwa.

'Walang kwenta ang malaking sweldo'


Tulad ng mga Solis, matagal na rin sa Kendu Bay si Rudy Santos na nagtatrabaho roon bilang nars.
Tulad din ng mga Solis, kasama niya sa trabaho ang asawang nars.

Dalawampung taon na bilang nars sa Africa si Santos. Bago ang Kendu Bay, pitong taon siyang
nanilbihan sa Ethiopia.

Aniya, sa Ethiopia niya nakita ang kahalagahan ng pagiging nars.

"Kahit hindi namin naiintindihan ang salita nila, makita lang namin na maayos ang buhay ng pasyente
sa pamamagitan ng wastong pangangalaga ay masaya na kami," ani Santos.

Maliit ang sweldo ni Santos sa Kenya kumpara sa mga nars sa ibang bansa.

Sa isang buwan, sumusweldo lang siya ng $230 o halos P13,000 na hindi malayo sa karaniwang sahod
sa Pilipinas.

Kung gayon, bakit pa siya nangibang bansa?

"Sa akin, hindi ko iniisip 'yung kumita ng malaki o magkaroon ng materyal na bagay. Ang paglilingkod,
iyan ang tanging ligaya sa puso ko," sabi ni Santos.

http://www.abs-cbnnews.com/images/news/microsites/TheCorrespondents/kenya.htm (1 of 2) [23/08/2005 18:42:47]


abs-cbnNEWS.com - The Correspondents

ARCHIVE

www.abs-cbnNEWS.com

http://www.abs-cbnnews.com/images/news/microsites/TheCorrespondents/kenya.htm (2 of 2) [23/08/2005 18:42:47]


abs-cbnNEWS.com - The Correspondents

Kwentong Kenya: Kakaibang mukha ng Africa

'Pinoy heroes sa Kenya'


Itinanghal ng The CORRESPONDENTS, Lunes, 11:30 p.m.

Ulat ni Karen Davila

NAIROBI, Kenya - Kilala ang bansang Kenya sa awitin ng mga awiting pantribo na minana ng mga
katutubo sa kanilang mga ninuno.

Kilala rin ang bansang ito mga hayop na malayang nakakagala kaya hindi nakapagtataka na isa ito sa
mga lugar na paboritong bisitahin ng mga turista mula Amerika at Europa.

Ngunit para sa isang Pilipinong doktor na nakilala ng The CORRESPONDENTS dito, ang Kenya ay hindi
lang bakasyunan kundi pangalawang tahanan.

Pero kumpara sa karaniwang mukha ng Kenya, ibang larawan ng bansa ang kinakaharap ni Dr. Hector
Jalipa na 11 taon nang naninirahan sa bansa.

Si Jalipa ang hepe ng Africa Regional Office ng WorldVision, isang grupong kumakalinga at tumutulong
sa mga Kenyan na mayroong HIV/AIDS.

Bilang pinuno ng WorldVision para sa programa nito kontra sa HIV/AIDS, sinusuyod ni Jalipa ang pusod
ng Kenya. Ito ang mga lugar na liblib at hindi pa napapasok ng mga turista.

Kasama ang grupo ng The CORRESPONDENTS, nagtungo si Jalipa sa bayan ng Lambwe na walong oras
ang biyahe mula sa kabisera ng Nairobi.

Ang bayan ng Lambwe ay isa sa mga lugar na pinagsisilbihan ni Jalipa. Sa lugar na ito, walang semento
ang mga daan. Wala ring kuryente at telepono rito.

Nag-iisa ang eskwelahan sa Lambwe. Hindi man mabisita ng mga estudyante rito ang Pilipinas,
magandang imahen nila sa mga Pilipino ay ang pagkatao ni Jalipa.

Isa si Jalipa sa mga tauhan ng WorldVision na nagtitiyaga sa pagpunta sa mga paaralang tulad ng
matatagpuan sa Lambwe para turuan ang mga estudyante tungkol sa HIV/AIDS.

Saksi ang The CORRESPONDENTS sa pagiging prangka ni Jalipa. Ito ay dahil nakakaalarma ang
pagkalat ng HIV/AIDS sa Kenya.

Noong 2002, nakapagtala ang mga awtoridad ng 700 katao na namamatay araw-araw dahil sa AIDS.

Sa kabuuan, isa sa bawat walong Kenyan o walong milyong mamamayan ang mayroong HIV/AIDS.

Ayon kay Jalipa, madaling kumalat ang HIV/AIDS sa Kenya dahil sa edad 14, nakikipagtalik na ang mga
kabataang Kenyan at papalit-palit sila ng kasintahan.

Bukod pa rito ang kulturang kinagisnan kung saan ang babae na nabiyuda ay inaangkin ng kapatid o
kaanak ng kanyang asawa.

Ang lahat ng ito ay nangyayari noong unang panahon dahil walang karapatan ang mga babae.

http://www.abs-cbnnews.com/images/news/microsites/TheCorrespondents/tc02142005kenya.htm (1 of 2) [23/08/2005 18:42:51]


abs-cbnNEWS.com - The Correspondents

Pero ngayon, para sa WorldVision, edukasyon ang sandata ng grupo para sa mga kabataang Kenyan.
Kaya layunin ng grupo na mapag-aral ang mga kabataan bilang iskolar nang sa gayon ay
makapagtapos sila ng pag-aaral at magkaroon ng trabaho.

Sa pamamagitan nito, nais ng grupo na malihis ang landas ng mga kabataang Kenyan patungo sa
kabutihan.

Condom vs HIV/AIDS
Laganap ang AIDS sa Lambwe. Sa 50, 000 nitong populasyon, kalahati ay positibo sa HIV habang ang
iba ay mayroong AIDS pero ang nakakagulat, ang iba sa kanila ay hindi batid na mayroon silang sakit
na ganito.

Dahilan sa kawalan ng kaalaman, ang iba sa mga mamamayan ng Lambwe na mayroong AIDS ay
nakakapagpasa ng sakit.

Bukod sa pagpapamana ng asawa, kumakalat din ang AIDS sa Kenya dahil sa tradisyong pakikipagtalik
ng babae sa bangkay ng yumao niyang mister. Kaya kung AIDS ang ikinamatay ng lalaki, tiyak na
maipapasa ito sa iba.

Kawalan ng wastong kaalaman sa HIV/AIDS ang pangunahing dahilan ng pagkalat ng sakit na ito sa
mga Kenyan. Ikalawa ay ang kahirapan kaya walang salapi na maipambili ng proteksyon ang mga
Kenyan sa nabanggit na karamdaman.

Bahagi ng kampanya ni Jalipa ay ang pamamahagi ng libreng "condom" sa mga Kenyan. Kahit saang
lugar sa bansang ito, may mga karatula tungkol sa wastong paggamit ng condom.

Kahit saan din, mayroong makikitang karatula na may impormasyon tungkol sa HIV/AIDS.

Sa layunin ding hindi na kumalat pa ang sakit, maging sa pampublikong mga palikuran ay may libreng
condom.

Kung kalahati ng mga mamamayan ng Lambwe ay mayroong AIDS, sa 32 milyong populasyon ng


Kenya ay tatlong milyon ang positibo sa sakit na ito.

Batay sa estadistika, isa sa bawat walong Kenyan sa mga probinsya ay mayroong HIV/AIDS. Isa sa
bawat limang Kenyan sa mga lungsod ay pinaniniwalaan ding positibo sa HIV/AIDS.

ARCHIVE

www.abs-cbnNEWS.com

http://www.abs-cbnnews.com/images/news/microsites/TheCorrespondents/tc02142005kenya.htm (2 of 2) [23/08/2005 18:42:51]


abs-cbnNEWS.com - The Correspondents

Pangarap ng Pinoy natupad sa New Zealand

"Pinoy New Zealand dream, ikalawang yugto"


Itinanghal ng The CORRESPONDENTS, Lunes, 11:30 p.m.

Ulat ni Abner Mercado

AUCKLAND, New Zealand - Para sa tinatayang 25,000 na mga Pilipinong narito, kilala ang New Zealand
bilang isang bansang lihis sa pangarap na karangyaang hatid ng Amerika at Canada.

Dito nakilala ng The CORRESPONDENTS ang mga Pilipino na nakatagpo ng ginhawang naging mailap sa
kanila sa Pilipinas. Isa sa kanila si Salvacion Navarette na mula Las Piñas. Sa New Zealand
nagtatrabaho si Navarette bilang mayordoma ng isang mayamang pamilya.

Natagpuan ni Navarette sa bansang ito ang isang pangarap na hindi niya inakalang magkakatotoo: ang
maginhawang pamumuhay.

Gayundin, dito nakilala ng The CORRESPONDENTS si Rose Scholes, anak ni Navarette na nakapag-
asawa ng isang "Kiwi," palayaw ng mamamayan ng New Zealand. Mahigit 17 taon nang naninirahan si
Scholes sa bansang ito. Siya rin ang naging dahilan kung bakit napunta rito ang mga miyembro ng
pamilya niya sa Pilipinas.

Ilan lang sila sa mga Pilipinong nakipagsapalaran at pinalad sa New Zealand, isang bansang hindi
maramot sa mga oportunidad para sa mga taong handang humarap sa pagsubok.

'Tokayo'
Sa ikalawang yugto ng paglalakbay ng The CORRESPONDENTS sa bansang ito, nakilala ng grupo si
Abner Natividad, isang nars, 29, na tubong Tanauan, Batangas.

Ani Natividad, malaki ang pangangailangan ng New Zealand para sa mga nars na tulad niya. Kaya
noong magkaroon siya ng pagkakataong mangibang-bansa, umalis siya sa pinaglilingkurang ospital sa
Pilipinas at lumipad patungong New Zealand.

Kung tutuusin, katumbas ng P80,000 kada buwan sa Pilipinas ang sweldo ni Natividad sa kanyang
trabaho rito. Bunga nito, nakapagpundar na siya ng mga ari-arian para sa pamilyang naiwan sa
Pilipinas tulad ng asawang si Mary Ann at mga anak na sina Aaron at Aliza na pinagsusumikapan niyang
mabigyan ng magandang kinabukasan.

Isinama ni Natividad ang The CORRESPONDENTS patungo sa kanyang trabaho sa Auckland City
Hospital. Sa loob ng sasakyan, pawang mga awiting Pilipino ang pinapatugtog ni Natividad, patunay na
hindi pa niya lubusang nalilimutan ang tinubuang bayan.

Pag-uwi mula sa trabaho, dumaan sa isang tindahan si Natividad upang bumili ng birthday card para sa
kaarawan ng panganay niya sa Pilipinas.

Sa kanyang inuupahang bahay, ipinakita ni Natividad sa The CORRESPONDENTS ang mga larawan nina
Mary Ann, Aaron at Aliza. Bakas sa mga mukha nila ang katuwaan sa mga litratong ipinadala nila kay
Natividad.

Nakapanayam din ng The CORRESPONDENTS si Mary Ann. Anang babae, batid niya ang sakripisyo ng
asawa sa New Zealand at kung papaano binabalikat ni Natividad ang matinding pangungulila sa kanila.

Pinatotohanan ni Natividad ang kalungkutan nang minsang isama ang The CORRESPONDENTS sa

http://www.abs-cbnnews.com/images/news/microsites/TheCorrespondents/overseasnewzealand2.htm (1 of 2) [23/08/2005 18:42:57]


abs-cbnNEWS.com - The Correspondents

liwasang pasyalan ng mga pamilya. Aniya, sa ganitong mga pagkakataon ay lumalatay ang kalungkutan
kapag naaalala niya ang pamilya sa Pilipinas.

Ani Natividad, nalulungkot siya dahil nakikita niya ang katauhan ng kanyang mag-iina kapag nakikita
ang katuwaan ng mga pamilya sa parke. Pero sa kabila nito, umaasa rin siyang balang araw ay
magkakapiling niya ang pamilya kung hindi man sa Pilipinas, dito sa New Zealand.

Mula Capiz hanggang Auckland


Nagmula sa Capiz si Genelyn Brabet, 41, kasalukuyang naninirahan sa New Zealand. Nakapag-asawa
siya ng isang Kiwi, si Reginald Brabet, 77.

Nabigo sa una niyang pag-ibig si Reginald. Pero sa ikalawang pagkakataon, natagpuan ng Kiwi ang
tunay na pag-ibig sa piling ng Pilipinang si Genelyn.

Nagkakilala ang dalawa sa isang malaking tindahan sa Malate, Maynila, noong 1986. Matapos
pakasalan, sa New Zealand nanirahan ang mag-asawa.

Biniyayaan ng dalawang anak ang mga Brabet--sina Paul, 16, at Lance, 5.

Sa ngayon, sa kulturang Kiwi na lumalaki ang mga anak ni Genelyn. Maging siya, naimpluwensyahan
na rin ng pamumuhay dito.

Pero aniya, noong mga unang taon ay naging mahirap para sa kanya na makisalamuha sa mga Kiwi.
Anang babae, minamaliit ng mga Kiwi ang mga taong kaiba sa kanila, lalo na ang mga Asyano.

Ngunit sa pagtagal ng panahon, napagtanto rin ng mga Kiwi na mabubuting tao ang mga Asyano,
partikular ang mga Pilipino.

Bagama't malayo sa lupang pinagmulan, tinanong ng The CORRESPONDENTS si Genelyn kung nasaan
ang puso niya: sa Pilipinas na kanyang tinubuan o sa New Zealand na naging tahanan niya sa loob ng
17 taon.

Ani Genelyn, kahit ano ang mangyari ay mahal pa rin niya ang Pilipinas. Iyon nga lang, dito na siya
naninirahan kaya kailangan niyang makibagay sa pamumuhay bilang mamamayan ng New Zealand.

ARCHIVE

www.abs-cbnNEWS.com

http://www.abs-cbnnews.com/images/news/microsites/TheCorrespondents/overseasnewzealand2.htm (2 of 2) [23/08/2005 18:42:57]


abs-cbnNEWS.com - The Correspondents

New Zealand: Bagong lupain ng pangako para sa Pinoy

"Pinoy New Zealand dream"


Itinanghal ng The CORRESPONDENTS, Lunes, 11:30 p.m.

Ulat ni Abner Mercado

AUCKLAND, New Zealand - Kadalasan, sa Amerika at Canada nakatuon ang pansin ng mga Pilipinong
naghahangad na lumabas ng bansa para hanapin ang magandang kapalaran.

Pero sa pagkakataong ito, matutuklasan nating mayroon pang ibang bansa na maaaring puntahan ng
mga Pilipino, isang lugar na naghahatid ng maraming pagkakataon lingid sa kaalaman ng iba.

Mula sa Maynila, bumiyahe muna ang The CORRESPONDENTS ng mahigit isang oras patungong Hong
Kong. Pagdating sa Hong Kong, lumipat ng eroplano ang grupo upang maglakbay ng 10 oras patungo
sa Australia at sa wakas, sa New Zealand.

Sa bansang ito nakilala ng grupo ng The CORRESPONDENTS ang iba't ibang mukha at kwento ng mga
Pilipinong sumugal, nagtagumpay at patuloy na nakikipagsapalaran sa guhit ng tadhana..

Isa sa kanila si Salvacion Navarette na naglilingkod bilang mayordoma sa isang pamilyang Lebanese sa
Auckland, si Rose, anak ni Navarette, na naging susi ng buong pamilya upang makarating lahat sa New
Zealand, at si Vic Guidote na dinala ang buong pamilya dito upang gumawa ng panibagong yugto ng
buhay.

Ilan lang sila sa tinatayang 25,000 mga Pilipino na nasumpungan ang kapalaran sa New Zealand.

Higit na malaki ang New Zealand kaysa Pilipinas pero mas kakaunti ang tao rito. Batay sa mga kwento,
mas marami ang bilang ng mga tupa rito kaysa tao sa New Zealand.

Sa pinakahuling pagtataya, umaabot sa 70 milyon ang mga tupa sa buong New Zealand pero kulang na
kulang ang mga manggagawa. Bunga nito, umunlad agad ang mga Pilipino na nakatuklas ng
kayamanan ng bansa dahil sa angkin nilang sipag at tiyaga.

Pero sa kasaysayan, una ang mga Europeo sa mga tao na nakarating sa mga isla noong kalagitnaan ng
ika-16 na dantaon. Sa kabila nito, tanging mga Ingles lang ang nagtagumpay na makasakop sa mga
isla noong kalagitnaan ng ika-17 dantaon.

Nagtagumpay ang mga Ingles na kaibiganin at noong kalaunan, ay sakupin ang mga katutubong Maori
na dantaon nang naninirahan sa mga isla na tinagurian nilang "Aoteroa" o kung isasalin sa Filipino,
"lupain ng mahabang puting ulap."

Biyaheng sa lugar ng Kiwi


Nitong Marso, bumiyahe ang The CORRESPONDENTS sa Auckland upang saksihan kung papaano
mamuhay dito ang mga Pilipino.

Dito sa Manurewa, isang lugar sa timog na bahagi ng Auckland, natagpuan ng grupo si Gng. Salvacion
Navarette, 75, na mula sa Las Piñas sa Pilipinas.

Dinala si Navarette sa New Zealand ng anak niyang si Rose na mahigit 18 taon nang naninirahan dito.

Sa kabila ng kanyang edad, ninais ni Navarette na magtrabaho pa rin. Nabiyayaan siya ng mabait na
amo kung saan siya nagtatrabaho bilang mayordoma sa bahay.

http://www.abs-cbnnews.com/images/news/microsites/TheCorrespondents/overseasnewzealand.htm (1 of 3) [23/08/2005 18:43:01]


abs-cbnNEWS.com - The Correspondents

Aniya, wala na siyang mahihiling sa mga amo dahil lubha silang mababait sa kanya. Gayundin, ani
Navarette, higit na maginhawa ang kanyang buhay sa New Zealand kumpara sa Pilipinas.

Ngunit sa kabila ng ginhawang tinatamasa kasama ng pamilya, naroon pa rin ang pangungulila ni
Navarette sa mga mahal sa buhay na naiwan sa Pilipinas.

Araw ng Linggo, nagtungo ang The CORRESPONDENTS sa bahay ni Rose Scholes, anak ni Navarette, sa
lugar ng Devenport sa Auckland. Kasama ng grupo sa pagbisitang ito si Navarette.

Si Scholes ang nagdala sa kanyang ina at mga kapatid sa New Zealand.

Sa pamamagitan ng pag-iimbita para sa salo-salo noong araw na iyon ng Linggo, pinatunayan nina
Scholes, Navarette at ng kanilang mga kapamilya na hindi pa rin nawawala ang tradisyong Pinoy sa
puso nila kahit wala na sila sa lupang tinubuan.

Mayroong dalawang anak si Scholes sa asawang si Steve, isang Kiwi. Kiwi ang tawag sa mamamayang
ipinanganak sa New Zealand.

Sa loob ng 18 taon na paninirahan sa New Zealand, nakamtan na ni Scholes ang masaganang buhay.
Kaya ngayon, siya ang tumutulong sa mga kababayang Pilipino na napapadpad sa bansangi to.

Sa bahay ni Scholes naninirahan ang ilan sa mga Pilipino na nag-uumpisang mamuhay sa New Zealand,
tulad ni Malou Botor na nagmula sa Makati at Myra Sanchez na galing Cebu.

Iisa ang kwento nina Botor at Sanchez. Nais nilang humanap ng higit na magandang kapalaran kaya
sila nagtungo sa New Zealand. Pero tulad ng mga Pilipino na bagong salta sa ibang lugar, dumanas din
sila ng kalungkutan.

Ani Sanchez, hindi niya napigilan ang pagtulo ng mga luha noong mga unang araw niya rito.

Samantala, sa kalapit na pamilihan sa bahay ni Scholes nagtatrabaho ang kapatid niyang si Jun
Navarette. Aniya, madali ang trabaho sa New Zealand kung hindi magiging mapili ang Pilipino.

Sa mga pamilihan tulad ng pinaglilingkuran ni Jun Navarette madalas unang masabak ang mga Pilipino
sa trabaho. Ito ang pinakamadaling tuntungan para makapagsimula ng bagong buhay sa New Zealand.

Patunay dito ang tagapangasiwa ng pamilihan na nakilala lang ng <i>The CORRESPONDENTS</i> sa


pangalang Alex. Ani Alex, nagmula siya sa Surigao.

Ganito ang uri ng buhay na sinuong ng mga tulad nina Navarette, Scholes at Alex sa unang mga araw
nila sa New Zealand. Ganito ang naging kapalaran nila sa unang mga panahon ng pagtakas sa bayan na
pinagmulan para makamit ang inaasam na mabiting kapalaran.

Alsa-balutan
Noong Nobyembre 2003, hinakot ni Vic Guidote ang kanyang pamilya mula Pilipinas patungo sa New
Zealand. Ngayon ay nakabase sila sa Auckland.

Si Guidote at asawang si Estrella ay iilan sa mga Pilipinong lumihis sa tinaguriang "American o Canadian
dream." Sa halip, dito sila sa New Zealand humanap ng pangarap na magandang buhay.

Ani Guidote, mayroon siyang matatag na trabaho sa Pilipinas, gayundin ang kanyang asawa. Sinabi ng
lalaki na naglilingkod siya bilang nakatataas na opisyal sa isang kompanya sa Makati at empleado ng
kompanya ng telepono ang asawa.

Ngunit anila, higit pa sa mga benepisyong alok ng mga kompanya sa Pilipinas ang nakita nilang
pangako sa New Zealand.

Halos apat na buwan pa lang naninirahan ang mag-asawa sa New Zealand pero naging mapagbigay ang
hamon ng kapalaran sakanila.

http://www.abs-cbnnews.com/images/news/microsites/TheCorrespondents/overseasnewzealand.htm (2 of 3) [23/08/2005 18:43:01]


abs-cbnNEWS.com - The Correspondents

Nagkaroon agad ng trabaho si Guidote at madaling nakabili ng sariling sasakyan.

Kumpara sa mga siyudad sa Amerika o Inglatera, kakaiba ang uri ng buhay sa New Zealand dahil hindi
kinakailangang magmadali para kumita ng pera.

Sagot ni Guidote, nagsisikap din ang mga Kiwi sa kanilang mga trabaho pero hindi sila alipin nito dahil
mahalaga ang konsepto ng pamilya para sa kanila.

Alikabok lang ang mga Guidote sa malawak na lupain ng New Zealand. Pero anila, higit nang mabuti ito
dahil natagpuan nila sa New Zealand ang katuparan ng kanilang mga pangarap sa buhay.

Pinatunayan ng mag-asawa ang kanilang katapangan nang sumugal sa kapalaran para maglakbay sa
ibang bansa. Anila, wala silang kakilala at wala ring kamag-anak na sinilungan noong dumating dito.

Anila, kung sugal na maituturing ang kanilang ginawa, matatawag din nilang sugal ang ginagawa ng
mga Pilipino na nananatili sa Pilipinas dahil di-tiyak ang kapalaran doon.

Pero sa dalampasigan ng New Zealand, anang mag-asawa, nakatitiyak silang magiging maganda ang
kanilang kapalaran.

ARCHIVE

www.abs-cbnNEWS.com

http://www.abs-cbnnews.com/images/news/microsites/TheCorrespondents/overseasnewzealand.htm (3 of 3) [23/08/2005 18:43:01]


abs-cbnNEWS.com - The Correspondents

Trahedya sa karagatan malayo sa bansang pinagmulan

"Trahedya sa karagatan"
Itinanghal ng The CORRESPONDENTS, Lunes, 11:30 p.m.

Ulat ni Henry Omaga-Diaz

BERGEN, Norway - Labingwalong mga tripulanteng Pilipino ang nasawi sa isang trahedya sa karagatan
noong Enero. Ngunit ang kaibahan nito, nangyari ang aksidente sa isang lugar malayo sa tinubuan
nilang lupa. Nangyari ito sa Bergen, Norway.

Sinasabing aksidente ang pagtaob ng barkong M/V Rocknes sa karagatan ng Bergen. Lulan ng barko
ang 30 tripulante, karamihan sa mga ito ay Pilipino.

Sa kabuuan, walong mga Pilipino ang nakaligtas samantalang 18 ang nailibing nang buhay sa loob ng
barko.

Ilang araw matapos ang trahedya, inilipad ng Jepsen Shipping Company na ahensya ng mga tripulante
ang pamilya ng mga biktima patungo sa Bergen.

Ayon sa ulat, naglalayag ang Rocknes sa karagatan ng Bergen bandang hapon noong Enero 20, 2004.
Bunga ng panahong tagyelo, madilim na ang paligid noong mga oras na iyon. Halos nagyeyelo na rin
ang tubig.

Kargado ng langis at buhangin ang barko nang mangyari ang aksidente.

Nakunan ng isang Pilipina sa Bergen ang pangyayari sa pamamagitan ng video camera.

Matapos matanggap ang alarma sa sakuna, tinangka ng mga barko at helicopter na pansagip-buhay na
tulungan ang mga tripulante.

Ngunit ang tanging nagawa nila ay lumigid sa nakataob na barko. Hindi mapasok ng mga operatiba ang
loob ng barko dahil nangangamba sila na lalo pa itong lumubog kapag binutas ang bakal na katawan
nito.

Sinubukan ng mga awtoridad na kumatok sa bakal. Nabuhayan sila ng loob nang may sumagot sa
katok.

Kasunod nito, binutasan nila nang maliit ang bakal at naghulog ng papel at panulat.

Sumagot agad ang mga tripulante at sinabing sugatan ang isa sa kanila. Anang mga tripulante,
natatakot sila na mawasak ang silid na kinalalagyan nila.

Nabatid na nasa loob ng engine room ng barko ang mga tripulante. Selyado ang silid na ito kaya't
walang makapasok na tubig.

Samantala, hindi magalugad ng mga diver ang tubig-dagat na pinaglubugan ng barko dahil lubhang
mapanganib ito bunga ng kadiliman at yelo sa paligid.

Nawalan ng pag-asa
Bumutas muli nang panibago ang mga awtoridad sa ibabaw ng nakataob na barko. Bunga ng presyon
sa loob, ibinuga papalabas ng butas ang isang tripulante. Sumunod sa kanya ang dalawang iba pa.

May isa pang tripulante na nakalangoy papaitaas ngunit nang sasagipin na siya ay biglang nawala.
Hindi na siya nakita muli.

Sa kabuuan, walong Pilipino ang nakaligtas at 18 ang hindi pinalad.

Itinuloy ang tangkang pagsagip hanggang Enero 21 ngunit dahil sa lamig ng tubig, inihayag ng mga
awtoridad na walang makatatagal na buhay dito nang mahigit sa dalawang oras.

Makaraan ang ilang araw, naubos na ang pag-asa ng mga awtoridad sa Bergen.

http://www.abs-cbnnews.com/images/news/microsite...ondents/TheCorrespondents/tctrahedya02092004.htm (1 of 2) [23/08/2005 18:43:04]


abs-cbnNEWS.com - The Correspondents

Wala silang nagawa kundi hilahin ang barko patungo sa isang pier. Hinila ito nang nakataob upang hindi
malansag ang mga bangkay na maaaring naipit sa loob.

Umabot ang dalawang linggo bago nagalugad ng mga diver ang loob ng barko.

Sa kabila nito, 10 pang mga Pilipino ang inilistang nawawala. Walo sa 18 nasawing mga biktima ay
kilala na.

Sa gitna ng malamig na panahon sa Bergen, naging mainit na isyu ang paglubog ng Rocknes. Agad
sinimulan ng mga awtoridad ang pagdinig sa kaso.

Matapos ang pagdinig, lumitaw na patong-patong na mga dahilan ang pinag-ugatan ng sakuna.

Una, sobra sa kargamento ang barko. Ikalawa, mali umano ang dinaanan nitong linya sa dagat.

Ayon sa imbestigasyon, masyadong gumilid ang barko kaya't tinamaan nito ang bahura o reef sa ilalim
ng mababaw na dagat.

ARCHIVE

www.abs-cbnNEWS.com

http://www.abs-cbnnews.com/images/news/microsite...ondents/TheCorrespondents/tctrahedya02092004.htm (2 of 2) [23/08/2005 18:43:04]


abs-cbnNEWS.com - The Correspondents

Pagtatapos ng kabanata sa kwento ni Saddam

'Baghdad diaries'
Itinanghal ng The CORRESPONDENTS, Lunes, 11 p.m.

(Narito ang ikalawang bahagi ng salaysay ni Correspondent Ed Lingao na nakasaksi nang personal sa
pagsisimula at kainitan ng pambobomba ng pwersang U.S. sa rehimeng Saddam Hussein.)

BAGHDAD - Marahil, kung mabuhay ka rin ng higit dalawang dekada sa ilalim ng anino ni Saddam Hussein,
mayroong kakaibang kahulugan ang pangalan ng rotunda ng Freedom Square sa pusod ng Baghdad.

Ang rehimeng nagtagal ng 24 na taon, naigupo matapos ang 22 araw mula nang bumagsak ang unang bomba ng
ikalawang digmaan sa Gulpo.

Ang dating kinatakatakutan, ngayon ay inaapakan. Ang mga dating iniluklok sa pedestal, ngayon ay kinakaladkad
sa daan.

Sa iba't ibang lugar sa Baghdad, sa mga siyudad ng Basra, Mosul at Irbil, dinumog ng mga galit na tao ang
nagkalat na estatwa at larawan ni Saddam.

Biglaan ang pagbagsak ng Baghdad. Taliwas sa pagmamalaki ng rehimen, hindi nangyari ang kinakatakutang
pagdepensa ng karaniwang mga Iraqi.

Kaya naman, nakahinga nang maluwag ang mga Iraqi nang magdesisyon ang karamihan sa kanilang huwag nang
labanan ang mga banyagang pwersa.

Ngunit ang mga pangyayaring ito ay ilang linggo pa lang ang nakalilipas mula nang panoorin namin ang mga
parada ng sundalong armado at sibilyan sa mga lansangan ng Baghdad.

Nagkalat din ang mga babae na armado ng pistolang .45 at mga bata na kargado ng ripleng AK-47. Lahat sila,
nangakong makikipagpatayan sa ngalan ni Saddam at para sa Iraq.

Bigla ang pagpapalit ng ihip ng hangin. Ang dating hayagang lumalaban sa Estados Unidos, sila pa ngayon ang
bumabati sa mga Amerikano. Ngunit maaari rin kaya na sila ang mga suicide bomber na sumasalubong sa pwersa
ng koalisyong U.S. at Britanya?

Sa loob ng isang buwan, nasaksihan namin ni cameraman Val Cuenca ang pagsasara ng isang kabanata sa
mayamang kasaysasayan ng Iraq. Ito ang pagtatapos ng kasaysayan ni Saddam Hussein.

Hinaharap at nakaraan
Dumating kami sa Baghdad noong Pebrero 26. Hindi pa namin alam noon kung kailan ang giyera dahil tatlong
linggo pa bago ito sumiklab.

Pero alam na namin na mayroong paparating na unos sa Baghdad. Paglapag pa lang ng eroplano sa airport,
kinumpiska na agad ang cellular phone ko.

Ang kwarto sa hotel ang ginawa naming opisina. Alam namin na peligro ang ipinunta namin dito kaya naman,
naghanda kami ng helmet, flak jacket, pagkain at mga "agimat" tulad ng stuffed toy. Maging ang radyo, bitbit
namin.

Ilang araw pa lang kami sa Baghdad, ramdam na namin ang lungkot ng pagkakawalay sa pamilya.

Sobrang higpit sa mga reporter ang awtoridad dito. Bawat kilos namin, mayroong nakabantay. Si Jabbar Hussein
ang nakatoka sa amin na magbabantay.

Lahat ng pupuntahan naming lugar, dapat may pahintulot niya. Lahat ng pakikipagpanayam namin, dadaan sa

http://www.abs-cbnnews.com/images/news/microsites/TheCorrespondents/overseasdiaries.htm (1 of 4) [23/08/2005 18:43:09]


abs-cbnNEWS.com - The Correspondents

kanya. Lahat ng pagsasalin ng wika, siya ang gagawa.

Minsan kahit ano ang tanong, sinasala niya.

Nagulat din kami sa halagang sinisingil ng gobyernong Iraqi sa mga peryodistang banyaga.

Para sa mga TV crew, $375 kada araw, sa satellite phone, $100/araw at paggamit ng satellite link, $7,000/linggo.

Ang lahat ng ito, bayad sa paggamit ng press center kahit malinaw na walang kagamitan ang lugar na ito.

Wala pa dito ang mga ordinaryong "lagay" na inaasahan ng lahat ng opisyal.

Kunsabagay, biro nga ng mga kapwa peryodista, kung bobombahin na rin lang sila, dapat nang pagkakitaan ang
media.

Pero higit sa lahat, nagulat kami sa Baghdad na nakilala namin. Para sa maraming Pilipino, iba ang pagkakaalam
nila sa bayan na mas kilala dahil sa armas-kemikal at kay Saddam.

Bago ang unang giyera sa Gulpo noong dekada '90, maraming manggagawang Pilipino dito. Umabot sila sa
mahigit 50,000. Sila ang gumawa ng malalaking gusali at kalsada dito.

Sila rin ang nagkalat ng kaunting kalokohan.

Itong isang serbidor sa hotel namin, natuwa nang malaman na Pinoy kami. Bigla siyang nagsalita ng wika natin.
Aniya, "Salamat, mabaho kili-kili mo!"

Anang serbidor, hindi niya alam ang ibig sabihin nito. Basta mayroon lang nagturo sa kanya.

Sa Basrah Sheraton Hotel naman, makakarinig ka ng "Magandang umaga, magandang gabi" mula sa hotel staff.
Sa lansangan naman ng Baghdad, makakarinig ka ng "Kumusta ka?" mula sa mga tao.

Kahit wala nang mga Pilipino sa Baghdad, kilala pa rin sila dito. Paano nga naman silang makakalimutan, lahat ng
naghahanap ng gimik, nagtutungo sa embahada ng Pilipinas o sa bahay ni Grace Escalante, ang charge' d'affaires
ng embahada.

Anuman ang sabihin nila sa Iraq, hindi namin maiwasang mainggit sa bayan na ito.

Mayroong kabaligtaran
Kahit puro disyerto dito, higit silang sagana sa pagkain kaysa Pilipinas. Sa dalawang dolyar ng kanilang pera,
mabubusog ka na sa dami ng pagkain, pwede ka pang magbalot ng pasalubong.

Sa totoo lang, sa katumbas ng $2 ng U.S., halos mapaiyak ang aming lamesa sa dami ng pagkain.

Mahirap isipin na ito umano ang bayan kung saan maraming tao ang sadyang ginugutom. Totoong 'di hamak na
mas maraming nakakain sa Pilipinas ang mga tao pero higit na marami ang nagugutom.

Ayon sa United Nations Children's Educational Fund (UNICEF), isa sa bawat apat na bata sa Iraq ay kulang sa
sustansya ang katawan.

Pero natuklasan namin na sobrang mababa ang buwanang suweldo ng mga tao dito. Sumusuweldo lang sila ng
katumbas ng $8 sa isang buwan.

Samakatuwid, ang tatlong beses naming pagkain ay katumbas ng isang buwan na suweldo ng pangkaraniwang
Iraqi.

Bago ang unang giyera, abanteng abante ang mga Iraqi sa rehiyon ng Gitnang Silangan. Kinaiinggitan ang mga
Iraqi ng mga kapit-bansa nito dahil sa modernong sistema ng edukasyon.

Ang palitan ng dinar sa dolyar noon, 1:3. Matapos ang giyera, naging $1:2,200 dinar. Nag-ugat ang pagbagsak ng
dinar sa parusa ng U.N. sa Iraq matapos ang unang giyera.

Sa kabila nito, ipinagmamalaki pa rin ng Iraq ang sistema ng edukasyon nito. Ang mga estudyante ng high school

http://www.abs-cbnnews.com/images/news/microsites/TheCorrespondents/overseasdiaries.htm (2 of 4) [23/08/2005 18:43:09]


abs-cbnNEWS.com - The Correspondents

na nakita namin, nag-aaral ng wikang Pranses, Ruso at Latin. Ang matrikula, wala pang katumbas ng $5 kada
taon.

Batay sa datos, 80 porsyento ng mga Iraqi ay tapos ng kolehiyo. Iyon nga lang, mayroong kasamang
propagandang pulitikal ang curriculum.

Mayroon ding kabalintunaan


Bumabawi ang mga Iraqi sa mga subsidy ng gobyerno. Kaya kahit mababa ang suweldo, masaya sila dahil mura
ang presyo ng pagkain, mura ang bayad sa hotel. Ang bayad sa tubig, kuryente at telepono, halos libre na.

Sa kabila ng mababang sweldo, disiplinado ang mga tao. Ang video camera namin, pwedeng iwanan sa loob ng
kotse na walang gagalaw.

Mahigpit din kasi ang batas dito. Mahirap man ang tao, bihira ang mga insidente ng nakawan. Higit sa lahat,
walang nagbebenta ng ilegal na droga.

Matatawa ka lang dahil kahit laban sa U.S. ang mga tao dito, mahilig naman sila sa Pepsi. Matapos ang unang
digmaan, ipinagpasya ng gobyerno na magtayo ng prangkisa ng Pepsi.

Sa madaling salita, walang paalam sa kompanyang Amerikano. Ngunit sino nga ba naman ang magdedemanda
kay Saddam?

Mayroon din ditong Kentucky Fried Chicken. Pero huwag mong babanggitin si Colonel Sanders dahil baka
damputin ka ng ahente ng military intelligence.

Sa ilang bagay, progresibo dito kumpara sa mga kapit-bansa tulad ng Saudi Arabia. Dito, pwede kang sumamba
bilang Kristiyano o kahit Hudyo.

Higit sa lahat, pwede kang bumili ng beer. Pwede kang tumambay sa kalye basta hindi mo kakalabanin si
Saddam.

Kultura din dito na hindi na kailangang yayain ang bisita ng pagkain kapag nasa ibang bahay. Basta umupo ka na
lang at kumain.

Ang pagtatapos ni Saddam


Naabutan pa namin ang piyesta nila ng Ashuraa kung kailan hindi matutulog magdamag ang mga pamilya upang
magluto ng maraming pagkain.

Sa umaga, lahat ng kumatok sa pintuan ay kailangang pakainin nila, kahit pa estrangero ang mga ito.

Obligado rin ang mga Iraqi na patuluyin ang mga estrangero na kumatok sa kanilang pintuan. Hindi nila maaaring
tanungin ang pangalan ng kanilang bisita sa loob ng tatlong araw.

Ito ang tunay na mukha ng Iraq, ang mukhang hindi mo makikita sa balita. Ito ang mga mukhang matagal nang
natabunan ng anino ni Saddam Hussein.

Pero minsan, mangingilabot ka dito sa Iraq. Dito, dalawang klase lang ang monumento: monumento para kay
Saddam at monumento para sa mga patay.

Minsan pa nga, nagkakalaban kung sino sa dalawa ang mayroong mas maraming monumento.

Sa Baghdad, namumukod-tangi ang Unknown Soldier's Monument. Ito ay monumento sa ngalan ng mga
sundalong Iraqi na namatay sa sunod-sunod na digmaan sa rehiyong hindi makahanap ng katahimikan.

Sa loob ng monumento, nakaratay ang mga uniporme ng mga bayani ng Iraq. Sila ay ang mga sundalo na
namatay nang walang pangalan.

Sa Basrah, mahigit 500 kilometro sa timog ng Baghdad, nakahilera ang mga estatwa sa pampang ng mga ilog ng
Shat al-Arab.

**Lahat ng mga ito, pagpupugay sa pagiging martir ng mga sundalong Iraqi. Pero lahat din ito ay paalala ng
madugong kasaysayan ng Iraq bilang bansa.

http://www.abs-cbnnews.com/images/news/microsites/TheCorrespondents/overseasdiaries.htm (3 of 4) [23/08/2005 18:43:09]


abs-cbnNEWS.com - The Correspondents

Ang hindi ko lang alam, ay kung mangangailangan sila ng mas marami pang monumento kapag natapos ang
kasalukuyang kabanata sa kasaysayan ng Iraq.

ARCHIVE

www.abs-cbnNEWS.com

http://www.abs-cbnnews.com/images/news/microsites/TheCorrespondents/overseasdiaries.htm (4 of 4) [23/08/2005 18:43:09]


abs-cbnNEWS.com - The Correspondents

Buhay-correspondent sa gitna ng giyera

"War correspondent"
Itinanghal ng The CORRESPONDENTS, Lunes, 11 p.m.

(Mula sa salaysay ni Correspondent Ed Lingao na tatlong linggo na namalagi sa Baghdad kasama si


ABS-CBN cameraman Val Cuenca upang maghatid ng mga ulat sa digmaang U.S.-Iraq.)

BAGHDAD - Umaga ng Marso 4, 2003 nang gisingin ko si Val. Malungkot na umaga ito dahil pauwi nang Pilipinas
ang mga kasama naming reporter na si Howie Severino. Kahit magkaribal ang aming mga himpilan, magkasama
naman kami sa lahi at magkapatid sa trabaho.

Habang papalapit na ang oras de peligro, pakaunti nang pakaunti ang mga mamamahayag na nagdesisyong
manatili sa Baghdad. Nagsimula sa 400, naging 100 at ngayon, 50 na lang.

Kahit ang mga beterano ng coverage sa Afganistan, nagdadalawang-isip.

Habang papalapit ang pagtatapos ng ultimatum ni President George W. Bush, napapadalas ang tawag ng isa't isa
sa pamilya sa Pilipinas. Si Val, laging tumatawag sa kanyang anak.

Noong Marso 18, biglang naglabas ng kautusan ang gobyernong Iraqi. Lahat ng mamamahayag, pwede lang
tumira sa tatlong hotel. Ang mga ito ay ang Al-Mansour, Al-Rashid at Palestine.

Napunta kami sa Al-Mansour na katabi lang ng Ministry of Information ng Iraq. Katabi rin ito ng himpilan ng Iraqi
TV, kapwa pangunahing target ng mga bomba ng U.S. kinalaunan.

Marso 20 ang araw na kinakatakutan ng lahat. Alas kwatro ng umaga ang pagtatapos ng ultimatum ni Bush. Kaya
naman, wala sa amin ang nakatulog.

Tahimik na dumaan ang alas kwatro. Pero bago dumating ang bukang liwayway kinabukasan, habang kausap ko
ang asawa ko sa telepono, biglang tumunog ang air raid siren.

Nagliyab ang langit sa papaitaas na tracers ng anti-aircraft fire. Para itong mga alitaptap na naghahanap ng
madadapuan. Noon namin nalaman na mayroong katabing anti-aircraft gun ang aming hotel.

Pilit na hinanap ng mga anti-aircraft gun ang eroplanong U.S. pero mga stealth jet ang ginamit sa unang bugso
kaya walang natamaan ang mga Iraqi.

Nagtagal ng ilang oras ang air strikes at inabot ng umaga o tanghali sa Pilipinas.

Habang nagpuputukan sa labas, tumatawag naman ang ABS-CBN para sa pinakahuling pangyayari.

Ito ang unang araw ng ikalawang digmaan sa Gulpo. Dumaluyong na ang sigwa sa lupang matagal nang diniligan
ng dugo at kami ay inabot na dito.

Makaraang sumilip ang araw sa silangan, hindi namin batid kung ang liwanag nito ay magbabadya ng panibagong
pag-asa o kakaibang kadiliman.

Multo sa gabi
Pagsapit ng takip-silim ng Marso 20, naglabasan muli ang mga multo. Sila ang mga ahente ng karahasan, sa
madaling salita.

Sa bubong ng aming hotel, naglagay na rin ng anti-aircraft gun ang mga Iraqi.

Sa gabing ito, lumapit sa aming hotel ang bagsak ng bomba. Napulbos ang Ministry of Planning na walang pang
isang kilometro ang layo sa aming hotel.

http://www.abs-cbnnews.com/images/news/microsites/TheCorrespondents/EdLingao03312003.htm (1 of 3) [23/08/2005 18:43:12]


abs-cbnNEWS.com - The Correspondents

Lumapit din bigla sa amin ang katotohanan. Sunud-sunod na nagdatingan ang mga ambulansya. Ayon sa mga
nakausap naming reporter, siyam katao na raw ang namamatay.

Sa puntong ito, hindi lang pala kasaysayan ang aming itinatala kundi kamatayan din.

Noong Marso 21 ang ikalawang gabi ng air strikes.

Noong gabing iyon, nayanig ang mundo namin dahil mistulang ulan kung pumatak ang mga bomba sa gusali ng
Council of Ministers, Ministry of Military Industry at Ministry of Planning. Gayundin, pinaulanan ng bomba ang
punong himpilan ng Ba'ath Party na partido pulitikal ni Saddam Hussein.

Ang Ministry of Planning, pinulbos ng mga bomba sa sunud-sunod na patak ng mga pampasabog. Napapayuko na
lang kami sa lakas ng mga pagsabog.

Ang katabi naman naming anti-aircraft gun, nakipagdwelo sa mga eroplano.

Sa lakas ng hampas ng mga shock wave, nagiba ang kisame ng aming kwarto sa hotel. Sa lakas ng mga
pagsabog sa labas, hindi na namin narinig ang pagkagiba ng kisame.

Busal sa umaga
Sa pangalawang araw ng giyera, pinayagan kaming bumisita sa mga nasalanta ng bombahan. Pero agad ding
iniba ang patakaran.

Ngayon, sasakay ang lahat ng reporter sa mga bus at dadalhin lang sa mga lugar na nais ng mga opisyal na Iraqi.

Bagama't malinaw na mayroong mga sibilyang tinamaan ng bomba, hindi kami binigyan ng pagkakataong makita
ang mga biktima dahil sa higipit ng regulasyon. Kakaiba talaga ang coverage ng mga reporter sa bansang ito.

Ang bawat reporter ay binibigyan ng isang "minder" o censor. Kumbaga sa basketball, man-to-man ang bantayan.
Sasabihin ng minder kung ano ang pwedeng kunan ng camera at kung ano ang hindi.

Ang minder namin, si Jabbar Hussein, ay siya ring tagasalin ng kanilang lenggwahe sa Ingles. Ang mahirap, hindi
mo alam kung ang mga salin niya ay mayroong bahid ng pulitika o wala.

Noong magsimula ang bombahan, lahat ng video na aming nakunan ay kailangan munang panoorin ni Jabbar
bago ipadala sa Pilipinas.

Magastos ang maging reporter sa Baghdad. Kailangan mong magbayad ng halos $400 bawat araw sa Ministry of
Information para sa kanilang press services. Ang mahirap, babayaran mo na nga, didiktahan ka pa.

Kaya kapag kumuha kami ng video ng mga bombahan, patay ang mga ilaw upang hindi kami makita ng mga
awtoridad. Sa kasamaang palad, mayroong mga reporter na nakumpiskahan ng tape dahil hindi maingat ang
kanilang pagkuha.

Natutunan namin ang dalawang katotohanan. Sa bansang ito, dalawa ang iingatan mo: una, hindi ka matamaan
ng bomba at, pangalawa, 'di ka makainitan ng gobyernong Iraqi.

Kabaligtaran ng lahat
Kung minsan, hindi maiiwasang maapektuhan ka ng mga pangyayari sa paligid. Mahirap pala ang
makipaglambingan sa anak mo kahit sa telepono habang nakasuot ng helmet at flak jacket.

Kaya kahit mga beterano sa pag-uulat tungkol sa giyera, mayroong mga sandaling nagkakamali pa rin sa
pagsasalita.

Minsan naman, nagpakilala ako sa isang Iraqi bilang Pilipino. Bigla itong nagsalita ng wikang Español. Wala akong
nagawa kundi ang tumango.

Ang naintindihan ko lang sa sinabi, "muchas gracias."

Ang tanong ko sa sarili ko, paano'ng hindi iikot ang mundo mo sa isang bayan na puno ng kabalintunaan?

Isa itong malawak na disyerto kung saan sagana ang pagkain na itinatapon lang.

http://www.abs-cbnnews.com/images/news/microsites/TheCorrespondents/EdLingao03312003.htm (2 of 3) [23/08/2005 18:43:12]


abs-cbnNEWS.com - The Correspondents

Ito ang bayan kung saan makakabili ka ng murang gamot; katumbas lang ng P12 ang isang banig ng tabletang
antibiotic. Kung sa Pilipinas ito, P12 na ang isang tableta ng gamot.

Pero dahil sa pagbabawal ng United Nations, kulang sila sa ibang uri ng gamot tulad ng medisina laban sa
leukemia na dumami ang kaso matapos ang unang giyera noong dekada '90.

Ito ang bansa kung saan nagkakahalaga lang ng katumbas ng $5 ang bayad sa isang taon ng pag-aaral sa
eskwelahan. Setenta porsyento daw ng mga Iraqi ay nakapag-aral sa kolehiyo. Pero, ito ay sa katotohanan na
ang karaniwang 13-anyos na bata ay marunong nang humwak ng ripleng Kalashnikov at naghuhukay ng bomb
shelter sa likod ng kanyang bahay.

Ito rin ang bansang nakipaggiyera sa kalapit bayan ng Iran sa loob ng walong taon. Giyera na ikinimatay ng isang
milyon katao.

ARCHIVE

www.abs-cbnNEWS.com

http://www.abs-cbnnews.com/images/news/microsites/TheCorrespondents/EdLingao03312003.htm (3 of 3) [23/08/2005 18:43:12]


abs-cbnNEWS.com - The Correspondents

Iraq sa gitna ng nakaambang digmaan

"Dateline: Iraq"
Itinanghal ng The CORRESPONDENTS, Lunes, 11 p.m.

(Mula sa salaysay ni Correspondent Jim Libiran na namalagi sa Iraq mula Marso 13-20, 2003 bilang
bahagi ng Asian Peace Mission.)

BAGHDAD - Kasama ang The CORRESPONDENTS sa Asian Peace Mission na dumating sa lugar na ito noong Marso
14 ng gabi.

Pagdating ng grupo, mainit na ang ugong ng digmaan pero higit na mainit ang pagkikina namin nina
Correspondent Ed Lingao at Val Cuenca, cameraman ng ABS-CBN, sa Baghdad International Airport.

Noong magkita kami, 17 araw na silang nasa Iraq at hirap nang mag-cover dahil sa higpit ng gobyerno ni
Saddam. Higit pang pinahirap ang kanilang sitwasyon ng pangamba na anumang oras ay sumiklab ang giyera.

Bukod dito, iniinda rin ng mga mamamahayag na nakaistasyon sa lungsod ang pagod, hirap at kawalang-
katiyakan ng sitwasyon.

Habang kami na bagong dating ay nagsisiyasat pa lang ng mga kalagayan, sina Ed at Val ay marami nang kwento
at karanasan.

Kahit pagod at puyat, inimbita nila kami sa maliit na kwartong kanilang inuupahan sa Al-Manzour Hotel upang
makipagkwentuhan.

Sa haba ng itinagal nina Ed at Val sa Baghdad, may mga araw na nabuburyong na sila at kailangang aliwin ang
mga sarili.

Nariyan naman ang mga kakaibang pagkain ng Iraq pero siyempre, palaging naroon ang pangamba na anumang
oras ay maaaring pumutok ang digmaan.

Ipinakita ng dalawa sa amin ang mga flak jacket at helmet na dala nila mula Pilipinas. Si Ed, mayroon pang
dalang mascot na agimat daw niya sa mga Iraqi.

Kasiraang maituturing
Marami ang nag-akalang nasisiraan na kami ng bait. Narito ang isang grupo ng mga Pilipinong kongresista,
aktibista at mamamahayag ang pupunta sa Iraq sa gitna ng umiinit na sitwasyon at banta ng giyera.

Sa Baghdad, makakasama namin ang isang kongresistang Pakistani at isa pang lider-manggagawa mula
Indonesia.

Ito ang Asian Peace Mission na nagtungo sa Iraq hindi upang maging panangga ni Saddam kundi para malaman
ang katotohanan sa tunay na kalagayan ng mamamayang Iraqi.

Nakaamba na ang giyera sa Iraq nang dumating kami dito. Pero panatag at kalmado pa rin ang Baghdad na
dinatnan namin.

Para sa isang bansa na nakatakdang paulanan ng mga bomba, nakagugulat na palangiti at palabati angmga tao
dito.

Pero kung tutuusin, nakakatakot ang sitwasyong kakaharapin ng mga Iraqi.

Isang grupo ng mga experto ang nagsabi noong Enero na sakaling matuloy ang giyera, pinakamatinding tatamaan
nito ang 12 milyong kabataang Iraqi.

http://www.abs-cbnnews.com/images/news/microsites/TheCorrespondents/datelineiraq03242003.htm (1 of 3) [23/08/2005 18:43:15]


abs-cbnNEWS.com - The Correspondents

Sa bilang na ito, 6 milyon ang "acutely malnourished" at malamang na makaranas ng higit na matinding gutom,
sakit o tiyak na kamatayang dulot sa kanila ng giyera.

Ang nakaimbak na pagkain ng Iraq ay para sa isang buwan lang.

Kapag gumuho ang gobyerno, tiyak na magkukulang ang pagkain, lulubha ang problema sa malnutrisyon, titindi
ang taggutom at madaragdagan ang maysakit.

Bagama't si Saddam ang puntirya ng U.S., higit 16 milyong sibilyan ang makakaranas ng matinding paghihirap.

Sa lenggwahe ng militar, sila ang mga "collateral damage."

Matapos ang giyera


Matapos ang giyera sa Iraq noong 1991, naging triple ang kaso ng mga nagkasakit ng leukemia sa buong Iraq.
Karamihan sa mga dinapuan ng sakit ay mga bata.

Sa Al-Manzour Children's Hospital, tatlong palapag nito ay nakalaan sa mga bata na mayroong leukemia.
Karamihan sa kanila ay naghihintay ng mga gamot na hindi naman darating.

Bunga ng economic sanction ng United Nations, karamihan sa mga pagkain, gamot at kagamitang pang-ospital ay
mabagal ang pasok o tuluyang ipinagbabawal ng U.S.

Nangangamba ang mga Amerikano na maaaring gamitin ni Saddam ang gamot sa paggawa ng armas-kemikal.

Sa halos 12 taon na parusa ng U.N., walang bombo cruise missile na bumagsak sa Iraq. Pero marami ang
namatay. Karamihan sa kanila ay unti-unting nalalagutan ng hininga sa mga sakit na maaari namang malunasan.

Nilibot namin ang palengke ng Baghdad at nakitng normal ang pamumuhay ng mga Iraqi. Hindi sila nag-iimbak
ng pagkain sa takot na datnan ng giyera. Gayundin, wala kang takot na makikita sa kanilang mga mukha.

Ang sarap sanang maging turista sa matandang kabihasnan ng Baghdad. Ngunit hindi ito ang panahon upang
mamasyal.

Mayroong digmaang nakaamba at kahit sa hotel namin, naghahanda na ang lahat para sa pagbagsak ng bomba.

Elegante ang siyudad ng Baghdad masdan mo man ito sa gabi o araw.

Laman ito ng mga aklat-kasaysayan at pampanitikan at kuna ng sibilisasyon.

Napakarami nang mandirigma ang sumalakay at sumira sa magagandang lugar dito tulad ng Mesopotamia,
Babylon, Nineveh at Kerabala.

Pero ngayon, isa itong sibilisasyong antigo na inuumangan ng iba't ibang uri ng armas.

Dinalaw namin ang gusali ng Parliament at nakapanayam ang Speaker of the House.

Ani Dr. Sadoon Hammadi, handa na silang humarap sa giyera.

Noong Marso 17, ang araw na itinakda ng embahada ng U.S. sa lahat ng mga banyaga sa Baghdad. Anang mga
Amerikano, dapat nang lumikas ang mga dayuhan.

Sinabihan na rin kami ng embahada ng Pilipinas, pati na ang mga residenteng Pilipino, na hindi nila masasagot
ang kaligtasan namin.

Kaya kahit hindi pa tapos ang misyon namin, kinailangan na naming umalis.

Kapayapaan ang misyon namin sa Baghdad pero kinailangan naming lumisan dahil sa madilim na ulap na dulot ng
nakaambang giyera.

http://www.abs-cbnnews.com/images/news/microsites/TheCorrespondents/datelineiraq03242003.htm (2 of 3) [23/08/2005 18:43:15]


abs-cbnNEWS.com - The Correspondents

ARCHIVE

www.abs-cbnNEWS.com

http://www.abs-cbnnews.com/images/news/microsites/TheCorrespondents/datelineiraq03242003.htm (3 of 3) [23/08/2005 18:43:15]


abs-cbnNEWS.com - The Correspondents

Hua Chi'ao: Istorya ng migranteng Chino

"Hua Chiao: Migranteng Chino""Mga Pinoy sa London"


Itinanghal ng The CORRESPONDENTS, Lunes, 11 p.m.

H O S T:

(Mula sa salaysay ni Correspondent Jade Lim Lopez, apo ng isang "Hua Chi'ao" o migranteng Chino na
napadpad sa Pilipinas noong 1914.)

Sa Pilipinas karaniwang tawag sa mga mamamayan o mayroong Chino ang Intsik, Chinoy at Chekwa.

Kilala ako sa pangalang Jade Lopez. Lopez ang apelyido ng aking asawa ngunit ang apelyido ko noong ipanganak
ay Lim. Ako ay isang Pilipino na mayroong lahing Chino. Mahigit 80 na taon na ang nakakaraan, dumating sa
Pilipinas ang aking lolo mula China upang magtayo ng bagong buhay, negosyo at pamilya.
Karen Davila

Hindi ko alam kung papaano nakarating sa Pilipinas ang aking mga ninuno mula China. Bagama't nababanggit sa
aming magkakapatid ang tungkol sa lahi na mula sa China, natuklasan ko ang buong istorya ng paglipat ng aking
mga ninuno sa Pilipinas nang magkaroon ako ng pagkakataon na magpunta sa nabanggit na bansa noong Enero
2003.

Ito ang kwento ng aking pinagmulan pero higit sa lahat, ito ay salaysay na rin ng bawat Pilipino.

Pinag-ugatan sa Lamwa
Malapit lang sa Lungsod Xiamen sa China ang pinagmulan ng aking mga ninuno. Nakita ko sa bayan ng Lamwa,
partikular sa baryo ng Chunling ang bahay ng aking tiyuhin, si Lim Shi Ke. Siya ang kuya ng aking ama.

Ayon kay Oteng, balo ng aking tiyuhin, yumao ang kanyang asawa walong taon na ang nakakaraan. Iniwan ang
aking tiyuhin ng buong pamilya nang lumipat sila sa Pilipinas. Anim na taong gulang lang siya noon kaya lumaking
walang ama at ina.

Bagama't nagpapadala ng pera ang aking lolo at lola, hindi ito naging sapat upang siya ay makapag-aral. Lumaki
siya at nagkaisip nang hiwalay sa pamilya. Gayundin, hiwalay siya sa mga kapatid nang pumanaw.

Simple lang ang naging sagot ng aking tiyahin sa tanong kung gaano kahirap ang buhay ng yumao kong tiyuhin
at ng kanyang mga magulang.

Ipinakita niya sa akin ang bahay na luma ng pamilya Lim. Iisa lang ang kwarto ng orihinal na bahay. Dito sila
kumakain, natutulog at sinisikatan ng panibagong araw.

Hanggang sa Dagupan
Pumayag ang dalawang nakatatandang kapatid ng aking ama na makapanayam tungkol sa istorya ng aming
angkan. Nananatili sila sa Lungsod Dagupan, Pangasinan.

Ayon kay Uncle Simon Lim, 82, at Auntie Benita Lim Cuason, 80, walong dekada na mula nang dumating sa
Pilipinas ang aking mga ninuno.

Aniya, dumating ang aking lolo na si Lim Eng Po sa Pilipinas noong 1914, panahon ng mga Amerikano. Siya ay 14
taong gulang noon.

Tulad ng maraming migranteng Chino, sinagot ng isang malayong kamag-anak, si Go Hong Kee, ang pasahe ni
lolo. Ito ay upang magtrabaho si lolo sa tindahan ng tela ni Go sa Dagupan.

Pagkatapos ng 16 taon, nakapagpatayo si lolo ng sarili niyang tindahan sa Dagupan.

Bunga nito, napasunod niya sa Pilipinas si Uncle Simon noong 1930, ang aking lola at dalawa pang anak na sina
Benita at Jimmy. Ang mga anak na sina Benito, Pacita at Teofila ay ipinanganak sa Pilipinas.

http://www.abs-cbnnews.com/images/news/microsites/TheCorrespondents/HuaChiao.htm (1 of 2) [23/08/2005 18:43:20]


abs-cbnNEWS.com - The Correspondents

Matapos maipatayo ng aking lolo ang tindahan at makuha ang kanyang pamilya sa China, sumiklab ang
Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Nakulong ang aking lolo dahil sa pagtulong sa partidong Kuomintang, isang kilusan sa China na lumaban sa mga
Hapones. Namatay siya tatlong taon matapos ang gera dahil sa mga sugat na tinamo habang nakakulong.

Sina lolo, lola at ang aking tiyuhing si Jimmy ang mga kauna-unahang miembro ng aking angkan mula China na
inilibing sa Pilipinas at naging bahagi ng lupang itinuring nilang tahanan.

Patungo sa Maynila
Sa walong magkakapatid, ang aking ama na si Benito ang pinaka-Pilipino. Siya lang sa magkakapatid ang nag-
asawa ng Pilipina at nagpalaki ng mga anak na ang pangunahing wika ay Filipino at Ingles, hindi Mandarin.

Higit doon, pinag-aral niya kaming magkakapatid sa mga paaralang publiko tulad ng kanyang pinagdaanan.

Hindi naging madali ang pinagdaanan ng aking ama upang maging ganap na Pilipino.

Pinakamasaklap niyang karanasan ay noong subukan niyang palitan ang kanyang citizenship na Chino patungo sa
Pilipino. Tatlong beses siyang humiling na maging ganap na Pilipino mula 1961 pero 1976 lang ito natanggap.

Nakita ko ang buong record ng aking pamilya sa Bureau of Immigration sa Dagupan at Maynila noong sila ay
itinuturing pang mga Chino.

Kahit ang mga pinsan ko na dito na ipinanganak at walang kaalam-alam tungkol sa China, itinuturing pa rin ng
pamahalaan at lipunan bilang Chino. Maging ako na pinayagan lang maging ganap na Pilipino nang umabot sa
edad na 29.

Sa mahabang panahon, hindi ako binigyan ng karapatang bumoto. Bawal akong maging abogado, doktor o bumili
ng sariling bahay at lupa. Mahigit kalahati ng aking buhay ay lumipas bilang isang banyaga sa lupang tinubuan.

Lahing Tagalog ang aking ina na Pilipina, Ilocanong Chinoy naman ang aking ama.

Inaamin ko na tunog-Chino man ang aking apelyido sa ama, hanggang dito lang ang aking pagiging banyaga.

ARCHIVE

www.abs-cbnNEWS.com

http://www.abs-cbnnews.com/images/news/microsites/TheCorrespondents/HuaChiao.htm (2 of 2) [23/08/2005 18:43:20]


abs-cbnNEWS.com - The Correspondents

"Mga Pinoy sa London"

"Mga Pinoy sa London"


Itinanghal ng The CORRESPONDENTS, Lunes, 11 p.m.

H O S T:

LONDON - Totoo talaga ang kasabihang, "sa lahat ng sulok ng mundo, makakatagpo ka ng Pilipino." Ito ang
napatunayan ng The CORRESPONDENTS nang magtungo sa London, England.

Hindi mahirap maghanap ng kababayang Pilipino sa London.

Sa katunayan, nag-aabang lang ng masasakyang bus ang The CORRESPONDENTS sa harap ng Kensington Palace
nang makilala ang grupo ng mga nurse na Pilipina. Isa na rito si Dinah Sulit.
Karen Davila
Nagmula sa Balintawak sa Lungsod Quezon. Mula Balintawak, nagtungo siya sa Saudi Arabia upang maglingkod
bilang nurse.

Mula naman sa Saudi Arabia, napadpad siya sa London. Aminado si Sulit, higit na maganda ang trabaho at
sistema sa London kahit iisang taon pa lang siyang namamalagi doon.

Sa katunayan, triple ang suweldo sa London kumpara sa Saudi Arabia.

Kung ang mga pasyente naman ang tatanungin, walang problema ang grupo ni Sulit. Anila, hindi mahirap alagaan
ang mga Ingles. Palagi silang may "thank you," aniya.

Sa tagal ng pamamalagi sa ibayong dagat, masasabing higit na napaglingkuran ng mga nurse na ito ang mga
banyaga kaysa sarili nilang kababayan.

Sa isang dormitoryo naninirahan si Sulit kasama ang iba pang nurse na Pilipino.

Karaniwan ang ganitong mga tirahan sa London. Kahit maliit at masikop, napakamahal ng renta kaya naman,
naghahati-hati sa bayad ang mga umookupa dito.

Ang isang tinatawag na "flat," mayroong anim na maliliit na kwarto. Wala itong maituturing na salas at iisa lang
ang banyo pero ang buwanang renta, 346 pounds.

Ngunit higit sa laki ng pasahod o kahit maliit ang bahay na tinitirhan, higit na gusto ni Sulit sa London kaysa
Pilipinas.

Aniya, mayroong respetong natatanggap ang mga nurse sa London.

Pero sa harap ng respetong ito, magkahalong hirap at sarap ang nararanasan ng isang nurse na malayo sa sarili
niyang bayan.

Mahirap dahil kapalit ng pagpunta sa London ay ang pag-iwan ni Sulit sa kaisa-isa niyang anak sa Pilipinas.

Mag-isang binubuhay ni Sulit ang anak na lalaki. Pitong taon ang bata nang kanyang iniwan at tuwing ika-10
buwan lang niya kung makita ang bata.

" Hindi na baleng gumastos ako ng tawag sa telepono, 'yan na lang ang consolation ko sa anak ko," ani Sulit.
"Mahirap talaga ang maging single parent."

Sa tagal ng panahon na wala siya sa piling ng anak, aminado si Sulit na marami na siyang okasyon na hindi
nasasaksihan sa buhay nito.

Mahirap lumayo sa piling ng anak ngunit kinakailangan, ayon kay Sulit.

http://www.abs-cbnnews.com/images/news/microsites/TheCorrespondents/pinoylondon.htm (1 of 3) [23/08/2005 18:43:30]


abs-cbnNEWS.com - The Correspondents

Ang bawat salapi na kinikita niya sa London ay itinuturig niyang ginto upang sa lalong madaling panahon,
makaipon siya at makapiling ang anak sa sariling bansa. Bukod sa anak, sinusuportahan din ni Sulit ang mga
magulang.

Sa suweldo niyang 1,700 pounds o P136,000 kada buwan, nagpapadala siya ng mula P50,000 hanggang P69,000
sa Pilipinas. Ang nalalabi, para naman sa kanyang pamumuhay sa London.

Malaki kung iisipin ang suweldo ni Sulit kumpara sa isang nurse sa Pilipinas. Ngunit sa antas ng pamumuhay sa
London, kinakailangan pa rin niyang magtipid.

Sa Marks and Spencer namamalengke sina Sulit at kanyang mga kasambahay. Maaaring isipin na nakatataas ang
pamilihan ito kumpara sa ordinaryong palengke sa Pilipinas ngunit iba talaga ang mabuhay sa sariling bayan.

Lahat ng mabibili sa Marks and Spencer ay mayroong preservative tulad ng gulay. Kumpara sa palengke ng
Balintawak kung saan sila malapit, malaking kaibahan talaga.

Lungkot ang kalaban ng mga Pilipino sa London. Kaya naman kapag mayroong pagkakataon, nagsasama-sama
sila. Paboritong pasyalan ng mga Pilipino ang Oxford, ang katumbas ng Makati commercial district sa Pilipinas.

Pero kadalasan, pampalipas-oras lang ang pamamasyal.

Palaging abala sa trabaho ang mga kasambahay ni Sulit ngunit walang magagawa. Sila na ang itinuturing niyang
ikalawang pamilya.

Tinatayang mayroong 100,000 Pilipino sa London. Sa bilang na ito, 30,000 ang mga nurse.

Kung sa Hong Kong ay kilala ang mga Pilipino bilang domestic helper, sa London ay tanyag sila bilang nurse.

Ayon kay Cathy Dennis, recruitment officer ng National Health Services, iba pa rin talaga ang kalinga ng Pilipino.
Bukod pa ito sa kakayahang magsalita ng tuwid at matatas na wikang ingles.

Taon-taon, nagtutungo sa Pilipinas si Dennis upang mag-recruit ng mga nurse. Aniya, lubhang kakaunti ang nurse
sa London at hindi makakaya na punan ang pangangailangan.

Isa si Ronald Baloyo sa mga na-recruit ni Dennis sa Pilipinas. Sa ngayon, nagtatrabaho siya sa Saint Peter's
Hospital sa London. Gusto niyang mamalagi sa London dahil kumpara sa Pilipinas, higit na bukas ang isip ng mga
tao dito sa kultura at paniniwala.

Sa madaling salita, mas liberal ang mga tao sa London, ani Baloyo.

Sa panig naman ni Kalihim Richard Gordon ng Turismo, nakakatulong ang mga Pilipino sa London sa naiwan
nilang pamilya sa Pilipinas.

Dagdag-puntos pa dito ang magandang pagtingin ng mga Ingles sa mga Pilipino.

Pinoy sa Collingwood CourtSa Collingwood Court Nursing Home na matatagpuan sa Clapham Commons, London
nakilala ng The CORRESPONDENTS ang ilan sa mga caregiver na Pilipino.

Isa na rito si Abella Galeno, hepe ng lahat ng caregiver sa Collingwood.

Malaking kaibahan ang kultura ng mga Ingles at Pilipino. Sa pagnanais na kumita ng salapi, nakakalimutan ng
mga Ingles ang pagkalinga sa kanilang matatanda.

Kahit sabihin na maayos ang pangangalaga sa mga matanda at libre ang gamot, mahirap ipaintindi sa mga
Pilipino ang ganitong kultura.

Nakaugat ito sa kultura ng mga Ingles ng pagpapabaya sa mga matatandang kaanak. Ngunit para sa mga Pilipino,
isa naman itong oportunidad.

Ito ang ilan sa mga pagsubok na tinatawid ni Galeno, ang pakibagayan ang ugali ng matatandang Ingles.

Magtatatlong dekada na sa England si Galeno. Aniya, sanay na siya sa ugali ng mga Ingles.

http://www.abs-cbnnews.com/images/news/microsites/TheCorrespondents/pinoylondon.htm (2 of 3) [23/08/2005 18:43:30]


abs-cbnNEWS.com - The Correspondents

Kasamahan ni Galeno sa Collingwood si Claudio Calayag, isa pang caregiver na Pilipino.

Ayon kay Calayag, ang mahalaga lang naman ay habaan ang pasensya sa pag-aalaga sa mga matanda.

Madalas, ani Calayag, mahirap para sa kanya ang manatili sa ganitong hanapbuhay dahil inuusig siya ng
konsensya. Aniya, mahirap dahil ibang tao ang inaalagaan at ang sarili mong pamilya naman ang iiwanan mo.

Isa pang mukha ng pag-aaruga at pagmamalasakit sa London ang nasaksihan ng The CORRESPONDENTS sa
katauhan ni Father Claro Conde na mula sa lalawigan ng Bohol.

Isang pari na Redemptorista si Conde at tagapangasiwa ng shelter home para sa mga Ingles na iniwan ng
kanilang pamilya at wala nang mauuwian.

Bukod sa mga Ingles, si Conde rin ang takbuhan ng mga Pilipino sa London kapag mayroong problema.
Karamihan sa mga problemang ito, tungkol sa pang-aabuso sa trabaho.

Aniya, mabuti ang kalagayan sa trabaho ng mga Pilipino tulad ni Galeno ngunit hindi lahat ay ganito ang
karanasan, anang pari.

Ang London ay isang lugar na nangangako ng malaking pabuya sa mga dayuhang manggagawa. Kung papalarin
sa pagsubok at pakikipagsapalaran, malaki ang katumbas nitong grasya. Pero malaki rin ang kaakibat na
kalungkutan at pagtitiis.

Sa gitna ng mga usaping ito, habang tumaataas ang bilang ng mga aarugaing matatanda, dadating at dadating
ang mga Pilipino na mandarayuhan upang punan ang pangangailangan ng mga Ingles.

Kakambal na nila ang alalaala ng Pilipinas, kaakibat ng kanilang mga bagahe ang pagsusumikap at pag-iisip na
balang araw, babalik at babalik din sila sa lupang tinubuan dahil iba talag ang namumuhay sa sariling bayan.

Ipadala ang inyong opinyon o kuro-kuro sa newsfeedback@abs-cbn.com

ARCHIVE

www.abs-cbnNEWS.com

http://www.abs-cbnnews.com/images/news/microsites/TheCorrespondents/pinoylondon.htm (3 of 3) [23/08/2005 18:43:30]


abs-cbnNEWS.com - The Correspondents

Kuwentong pagtatagpo ng mga 'Japino'

"Japino"
Itinanghal ng The CORRESPONDENTS, Lunes, 11 p.m.

H O S T:

FUKUOKA, Japan - Sa isang bayan sa Cavite, kapansin-pansin ang isang bata. Maganda ang makinis na kutis ni
"Naoko" kahit sa lugar ng mga iskwater sila nakatira. Ito ay dahil ang kanyang ama ay isang Hapon.

Sa kabila nito, hindi siya tampulan ng tukso dito. Kahit siya ay "Japino" (pinagsamang Hapones-Filipino), hindi
siya tinatawag na singkit o sakang ng mga kalaro niya.

Aniya, marami pa nga ang natutuwa sa kanya dahil sa pagkakaroon ng dugong Hapon.
Karen Davila
Dating entertainer sa Japan ang ina ni Naoko Hiroha. Sa klab na nakilala ng inang si Shirley ang dating asawa.

Sa kasalukuyan, tiyempuhan na lang kung makausap nang matino si Shirley. Magbuhat nang umuwi mula Japan,
nagkaroon ito ng problema sa pag-iisip. Ayon sa mga kaanak, nalulong sa droga si Shirley kaya diniborsyo ng
asawang Hapon.

Ani Shirley, hindi na niya makakayang manirahan muli sa Japan. Bukod sa malungkot, hindi niya matagalan ang
ugali ng mga Hapon. Sobrang makwenta ang mga ito sa pagdating sa pera, aniya.

Ang dati niyang asawa, nananakit pa. Ito ang kanyang dahilan kung bakit napalapit siya sa droga.

Samantala, pinapangarap ni Naoko na muling mabuo ang kanilang pamilya. Sabik din siyang makita ang
dalawang kapatid na naiwan sa ama na nasa Japan.

Walang pinagkaiba ang kuwento ni Tsoyushi Imai. Nalulong din sa droga ang kanyang ina nang hiwalayan ito ng
asawang Hapon. Tatlong taon nang hindi nakikita ng bata ang kanyang ama.

Sa ngayon, ang kanyang lola ang nangangalaga kay Tsoyushi. Noong ipasok sa drug rehabilitation center sa Japan
ang ina, inilagak sa pangangalaga ng child care center ang bata.

Sinisi naman ng lola ni Tsoyushi ang manugang na Hapon sa naging kapalaran ng kanyang anak.

Aniya, tulad ng maraming Pilipina na nagtutungo sa Japan, hangad lang ng kanyang anak na maiahon ang
pamilya mula sa karukhaan.

Tuloy-tuloy
Sa kabila ng masalimuot na kuwento at mapait na karanasan ng mga tinaguriang "Japayuki," patuloy pa rin ang
pagdagsa ng mga Pilipina sa Japan dahil sa kaunting sayaw at kanta, katumbas na nito ay limpak-limpak na
salapi.

Ayon sa grupong Development Action Women Network (Dawn), isang grupo na nangangalaga sa kapakanan ng
mga Pilipina sa Japan, aabot sa 35,000 entertainers ang lumalabas ng bansa taon-taon. Siyamnapu't limang
porsiyento dito ay nagpupunta sa Japan.

Sa uri ng trabaho ng mga Pilipina sa Japan, 'di talaga maiiwasang magkaroon sila ng relasyon sa mga kostumer.
Hindi na rin nakapagtataka kung marami ang kaso ng mga entertainer na naanakan ng Hapon.

Sa opisina ng Dawn, nakilala ng The CORRESPONDENTS ang iba pang Japino.

Ang mga magulang nila ay dating entertainer sa Japan na naanakan ng Hapon.

Ang ibang relasyon, nauwi sa kasalan na hindi rin naging maganda ang kinahantungan tulad ng nangyari sa mga
magulang nina Tsoyushi at Naoko.

http://www.abs-cbnnews.com/images/news/microsites/TheCorrespondents/TheCorrespondentsJapino.htm (1 of 3) [23/08/2005 18:43:33]


abs-cbnNEWS.com - The Correspondents

Kabilang sina Jennifer Muroi at Jyun Ventura sa mga kabataang humingi ng tulong sa mga estudyanteng Hapon
na bumisita sa Pilipinas bilang bahagi ng Peace Boat, isang cultural exchange program sa pagitan ng Pilipinas at
Japan.

Bahagi ng programang ito ang Teatro Akebono, isang grupo ng mga nagtatanghal tungkol sa kultura ng dalawang
bansa.

Kasama sa grupo si Shira Azusawa. Nagkamit din siya ng honors sa klase. Anang bata, pinagbubuti niya ang pag-
aaral upang hindi siya ikahiya ng ama na 'di pa niya nakikilala o nakikita.

Noong Oktubre, umalis ang Teatro Akebono papuntang Japan kasama si Shira. Isang linggo bago sila umalis,
nakausap ni Shira sa telepono ang ama. Aniya, malambing ang boses ng kanyang ama at walang patid ang
paghingi ng tawad sa kanya.

Handa na ang mga gamit ni Shira, mga litrato at karangalang nakamit na siya niyang ipapakita sa ama.

Dadalhin din niya ang isa pang litrato ng kapatid sa ama na nakilala sa tanggapan ng Dawn. Nabatid ni Shira na
anak ito ng kanyang ama sa isang dating nakarelasyong entertainer sa Japan.

Sa Japan nagtagpo
Sa Ninoy Aquino International Airport pa lang, hindi na maitago ang tuwa ng mga kalahok ng Teatro Akebono.
Hindi na sila mapalagay lalo nang lumapag sa paliparan ng Fukuoka sa Japan. Sa Fukuoka ang unang
pagtatanghal ng grupo.

Apat na taon pa lang si "Jenny" (di-tunay na pangalan) nang huling makita ang ama. Mayroon itong sariling
pamilya sa Japan kaya hindi naging madali ang muling pagkikita ng mag-ama. Sa tuwing makakauwi ito ng
Pilipinas, manyika ang pasalubong nito kay Jenny.

Sa kanilang pagkikita noong Oktubre 17, 2002 sa Clover Plaza sa Fukuoka, walang imik ang Hapon. 'Di niya alam
kung papaano kakausapin ang anak.

Ngunit habang pinagmamasdan ng Hapon si Jenny, nangingilid ang luha sa mata nito. Anang Hapon, kamukhang-
kamukha niya si Jenny.

Makalipas ang ilang oras, kinailangan nang magpaalam ng Hapon. Nangako naman itong hindi pababayaan ang
anak.

Sa lungsod naman ng Osaka, naikuwento ng magkapatid na Stephanie at Nikka Seki ang kanilang pakikipagkita
sa ama. Anila, sandali lang ito dahil tumakas lang ang Hapon sa tunay na asawa upang makita sila.

Ito ay sa kabila ng pagiging bukambibig ng magkapatid sa ama noong bago lumipad patungong Japan. Kahit sa
kanilang mga kaklase sa Cavite, palagi nilang ikinukuwento ang nalalapit na pakikipagkita sa ama.

Tulad ni Naoko, ang kanilang lola ang nangangalaga sa magkapatid. Anim na taon nang hindi umuuwi ang
kanilang ina na nagpaalam lang na bibili ng gamit para sa eskuwelahan. Simula noon, hindi na nila nasilayan ang
anino nito.

Dati ring entertainer sa Japan ang ina ng magkapatid. Hindi rin nagtagal ang relasyon nito sa kanilang ama.

Sa kanilang pagkikita ng ama, umaasa si Stephanie na magagamot nito ang sugat na likha ng matagal na
panahon ng pangungulila.

Si Nikka naman, napawi na ang siyam na taon ng hinanakit na kinimkim sa kulang na isang oras na nakasama
ang ama.

Sa lungsod naman ng Saitama, nagkita si Jyun at ang kanyang ama. Ilang oras din ang lumipas bago sila
nagkapalagayan ng loob. Para kay Jyun, ang gabi ng Oktubre 21, 2002 ang hinding-hindi niya malilumutan sa
lahat.

Sa isang templo ng mga Buddhist naman natagpuan ni Shira ang amang si Kiyoshi.

Marunong magsalita ng Filipino si Kiyoshi. Aniya, natuto siya sa mga Pilipina na nakarelasyon niya.

http://www.abs-cbnnews.com/images/news/microsites/TheCorrespondents/TheCorrespondentsJapino.htm (2 of 3) [23/08/2005 18:43:33]


abs-cbnNEWS.com - The Correspondents

Noong maghiwalay sila ng ina ni Shira, hindi na niya nakita ang anak na sanggol pa lang noon. Aniya, nananabik
din siya sa anak ngunit ang problema, hindi naman niya alam ang tirahan nito sa Pilipinas.

Madamdamin ang pamamaalam ng mag-ama sa isa't isa. Nangako si Kiyoshi sa anak na ipapasyal ito sa Tokyo
Disneyland. Tinupad naman ng Hapon ang pangako.

Ayon kay Hiyoshi, kahit man lang sa maikling panahon, pupunan niya ang pagkukulang sa bata.

Ipadala ang inyong opinyon o kuro-kuro sa newsfeedback@abs-cbn.com

ARCHIVE

www.abs-cbnNEWS.com

http://www.abs-cbnnews.com/images/news/microsites/TheCorrespondents/TheCorrespondentsJapino.htm (3 of 3) [23/08/2005 18:43:33]


abs-cbnNEWS.com - The Correspondents

'Di lang si Joma ang Pinoy sa Olandia

"Refugees"
Itinanghal ng The CORRESPONDENTS, Lunes, 11 p.m.

H O S T:

UTRECHT, The Netherlands - Kilala ang pangalang Jose Maria Sison dahil sa pagiging tagapayong pulitikal ng
National Democratic Front-Partido Komunista ng Pilipinas. Ang CPP-NDF ang siyang may hawak sa Bagong
Hukbong Bayan (NPA) na patuloy sa pakikidigma sa pamahalaan sa nakalipas na 34 na taon.

Ngunit wala sa Pilipinas si Sison kundi narito sa Utrecht, The Netherlands. Dito siya napadpad mula nang pawalan
ng pamahalaan noong dekada '80. Detenidong pulitikal si Sison noong rehimeng Marcos ngunit nabigyan ng
amnestiya sa pagpasok ng dating pangulong Corazon Aquino.

Karen Davila Kasama niya sa Utrecht si Luis Jalandoni, opisyal din ng NDF, bagamat ganap nang Olandes (Dutch citizen)
makaraang manumpa ng katapatan sa bansang ito.

Si Sison, sa kabila ng aplikasyon, ay hindi ginawaran ng pagiging mamamayan ng Olandia kaya hanggang sa
ngayon ay nananatiling Pilipino.

Ngunit bukod sa dalawang personalidad na ito, mayroon pang ibang mga Pilipino sa Utrecht na hindi man ganoon
kalaki ang pangalan ay kabilang din sa kilusan.

Tumanggi silang humarap sa kamera at makapanayam ng The CORRESPONDENTS>.

Karamihan sa kanila ay nangangamba na makilala dahil sa naranasang pahirap sa kamay ng pamahalaang


Pilipino.

Ang iba naman ay mayroong iniiwasan sa Pilipinas at nangangambang magbalik ng bansa.

Isa sa mga ito si "Aldo" (di-tunay na pangalan). Aniya, aplikante siya sa paghingi ng asylum sa Olandia. Ngunit
isinunod niyang hindi siya orihinal na miembro ng kilusan sa Pilipinas. Sa Utrecht na lang siya napadpad at doon
sumali sa NDF.

Kuwentong kalayaan
Sinabi ni Aldo na naging biktima siya ng panunupil pulitikal ng pamahalaan noong 1986. Bukod dito, naging
bilanggong pulitikal din siya at nakaranas ng pagpapahirap sa kamay ng militar.

Nagtatrabaho siya bilang computer programmer sa Pilipinas, ani Aldo. Ngunit sa di-inaasahang pangyayari,
inaresto siya noong batas militar, pinagbintangang subersibo, ikinulong at pinahirapan.

Sa pagtatapos ng rehimeng Marcos, nagawang makaalis ni Aldo sa Pilipinas at napunta sa Utrecht.

Pero libo-libong kilometro man ang layo niya sa Pilipinas, napapaigtad pa rin siya tuwing makakarinig ng kaluskos
sa gabi, pagtatapat ni Aldo. Ito ang resulta ng matinding pagpapahirap na naranasan niya sa kulungan.

Nilinaw ni Aldo na hindi siya aktibista sa Pilipinas ngunit sa ganitong buhay na napadpad ang kanyang
kinabukasan.

Hindi legal ang paninirahan ni Aldo sa The Netherlands kaya pinagbabawalan siyang magtrabaho sa mga
tanggapan. Bunga nito, naglilingkod na lang siya bilang boluntaryo sa opisina ng NDF.

Taliwas sa mga usapin ng ideolohiya at usaping pulitikal, napunta ang kuwentuhan ng The CORRESPONDENTS at
ni Aldo sa maliliit na bagay na malapit sa puso ng mga Pilipino. Halimbawa na lang ay ang pagkain.

Sa ngayon, kayamanan nang maituturing ni Aldo ang isang bote ng alige ng alimango. Ito ang kanyang
pinagkakasya bilang mumunting alaala ng Pilipinas na kanyang iniwan.

http://www.abs-cbnnews.com/images/news/microsites/TheCorrespondents/TheCorrespondents11112002.htm (1 of 4) [23/08/2005 18:43:44]


abs-cbnNEWS.com - The Correspondents

Biro pa niya, "kung sasabihin sa Pilipinas na ang mga kinakain ng Pilipino sa Utrecht ay mga karne ng baka, baboy
at manok, iyun ang kinakain dahil iyon ang mura dito."

Aniya, "kapag naghanap kami ng gulay tulad ng ampalaya at kangkong, wala." Kung mayroon man, mahal ang
mga ganitong bilihin kaya mas pipiliin pa nilang bumili na lang ng karne.

Tulad ni Aldo, ang iba pang kamag-anakan ng mga aplikante sa asylum ay pinipilit na ring masanay sa
pamumuhay sa Utrecht.

Isa na rito si "Chico," 31. Matagal nang naninirahan si Chico sa Utrectht. Lumalabas sa usapan na sa Pilipinas siya
ipinanganak ngunit dinala dito ng kanyang pamilya dahil sa kasapi ng kilusan ang kanyang mga magulang.

Tanging alaala niya sa Pilipinas ang isang tulay na palagian niyang nakikita noong bata pa at ang kanyang lola.

Pero kumpara kay Aldo, nagtatrabaho bilang basurero si Chico sa Utrecht.

Mayroong 20, 000 Pilipino ang naninirahan sa The Netherlands pero iilan lang ang mga tulad nina Sison at Aldo na
naghahangad ng asylum sa pamahalaang Olandes.

Ang higit na nakararami dito ay masasabing lumikas din pero hindi dahil sa pulitika kundi sa kabuhayan.

Sila ang mga Pilipinong itinulak ng kahirapan ng buhay sa Pilipinas.

Nakilala ng The CORRESPONDENTS ang ilan sa mga kababayang ito na sa kabila ng kanilang kalagayan ay bukas-
palad na tumanggap sa grupo sa kanilang mga tahanan.

Tumangging magpakilala ng kanyang tunay na pangalan si "Ana." Ayaw na rin niyang humarap sa kamera.
Makaraan ang ilang taon at palipat-lipat na trabaho, nakilala niya ang isang Olandes na kasama ngayon sa buhay.

Kinupkop ni Ana ang grupo ng The CORRESPONDENTS sa bahay ng kanyang kaibigan sa bayan ng Eindhoven.

Mula doon, ipinasa naman niya ang grupo sa isang kaibigan sa lungsod ng Amsterdam.

Mula sa Talisay, Batangas ang mag-asawang sina "Rey" at "Fely." 'Di tulad ng iba, maayos ang trabaho ng mag-
asawa sa Amterdam.

Hindi nila lubusang kilala ang The CORRESPONDENTS ngunit ang pagsalubong nila ay kasing-init ng samahan ng
tunay na magkaibigan. Bukod pa diyan, naghanda sila ng pagkaing talagang maituturing na kakaiba sa
Amsterdam: sinigang na bangus.

Nagmula sa Taiwan ang bangus ni Fely at ang mga gulay naman, nabili sa mga tindahang Asyano sa lungsod.

Kumpleto si Fely sa pagkaing Pilipino maging ang bagoong at patis na siya rin ang gumagawa. Sa ganitong paraan
na lang niya sinasariwa ang bansang matagal nang kinasasabikan.

Aminado siyang naibebenta ang bagoong sa mga kapwa Pilipino sa Amsterdam pero karamihan dito ay
ipinamimigay lang niya sa mga kaibigan.

Inilibot din nina Rey at Fely ang The CORRESPONDENTS sa tinaguriang "red-light district" ng Amsterdam.

Legal ang prostitusyon dito at suportado ng lipunan maging ang mga tindahan na nagbebenta ng laruang kaugnay
sa sex.

Hindi lang din mga laruan sa sex at video tapes ang hayagang itinitinda sa mga estante. Maging ang mga
babaeng nagbebenta ng panandaliang-aliw ay malayang nang-aakit ng mga parokyano.

Tulad ng prostitusyon, legal din ang droga sa Amsterdam.

Ayon kay Rey, legal ang pagtatanim ng marijuana at pag-iingat ng pinatuyong dahon nito pero mayroong
limitasyon. Kaya ang resulta, maaaring magsindi ng "joint" kahit saan.

http://www.abs-cbnnews.com/images/news/microsites/TheCorrespondents/TheCorrespondents11112002.htm (2 of 4) [23/08/2005 18:43:44]


abs-cbnNEWS.com - The Correspondents

Sa kabila ng kalayaaang ito, mababa ang bilang ng krimen na kaugnay sa droga.

Sa piling ni kabayan
Mahigit 10 taon na dito ang mag-asawa. Ang kanilang trabaho: tagalinis ng mga bahay. Pero ang nakakatawa,
anila, tagalinis sila ng bahay ng iba ngunit mayroon naman silang binabayaran upang linisin ang kanilang sariling
bahay.

Nagustuhan ng mag-asawa ang lipunan sa The Netherlands dahil pantay-pantay ang kabuhayan ng mga tao dito.
Anila, madali ring makasanayan ang buhay.

Kung sa Pilipinas, ani Rey, ay saksakan ng tamad ang isang Pilipino, pagdating sa ibang bansa ay madali siyang
matuto ng trabaho.

Sa disiplina naman, higit na disiplinado talaga ang Pilipino sa labas ng Pilipinas.

Ang dahilan, aniya, ay ang kagustuhan ng Pilipino na umasenso. Kapag walang disiplina, walang asenso.

Ngunit sa kabila ng mga positibong bagay na ito tungkol sa The Netherlands, nais pa ring makauwi ni Rey sa
sariling bansa. Wika nga niya, "there's no place like home."

Ilan lang sina Rey at Fely sa mga Pilipinong naninirahan at nagtatrabaho sa The Netherlands. Ang iba sa kanila,
mayroong sinusuportahang pamilya sa Pilipinas pero ang karamihan, dito na bumuo ng pamilya.

Ayon sa grupong Migrante, isang non-government organization na tumatalakay sa mga usapin ng overseas
Filipino workers, nagsimula ang pagdating ng mga Pilipino sa The Netherlands noong dekada '60.

Ito ang panahon kung kailan malawakan ang paghimok ng pamahalaang Olandes sa mga dayuhan sa magtrabaho
sa kanilang mga pabrika at mga ospital bilang nurse. Sinundan ito ang pagdagsa ng mga Pilipino hanggang
dumating ang panahon ng "mail-order brides" noong dekada '90.

Sinabi din ng Migrante na hindi lahat ng Pilipino dito ay maayos ang pamumuhay. Marami ay TNT (tago nang
tago), walang kaukulang dokumento at bisa. Mayroon ding inaapi sa pamamagitan ng sistemang "au pair." Ito
ang ipinapain sa mga Pilipino na nais magtungo dito ngunit pagdating ay nagiging katulong lang sa mga bahay ng
kapwa nila Pilipino.

Ayon kay Grace Punongbayan ng Migrante, sinasamantala ng ilang Pilipino ang au pair para sa sarili nilang
kapakanan.

Sa tuwing magkakaroon ng problema dahil sa pananamantala sa au pair, naghihintay ng tulong ang mga
nabiktima mula sa embahada ng Pilipinas.

Pero ani Punongbayan, "kapag nagkakaproblema na, hindi nagagawang tumulong ng embahada."

Sa kabila nito, nagkakaroon naman ng positibong epekto sa komunidad ng mga Pilipino ang problema ng mga
biktima.

Ani Maiter Ledesma ng Migrante, hindi pinapabayaan ng mga Pilipino na maayos ang buhay ang kanilang mga
kababayang nabiktima ng mga mapagsamantala.

Sa tulong ng mga nagmamalasakit na Pilipino, nakakakuha ng suporta ang mga ilegal na dayuhan sa kanilang
mga kababayan. Tumatanggap ng tulong sa mga ito gayong hindi naman sila magkakakilala.

Ngunit para sa mga Pilipino dito, higit nilang nananisin na tulungan ng kapwa dahil nabigo ang pamahalaan sa
Pilipinas na bigyan sila ng pagkalinga.

Ito ang larawan sa The Netherlands ng mga Pilipinong tulad nina Sison, Aldo, Ana, Rey, Fely at marami pang iba
na nagtitiis makipamuhay sa lugar na napakalayo sa kanilang sinilangan.

Nakakaraos sila, totoo, at naninirahan sa isang bansa na maganda. Pero mayroon silang kanya-kanyang dahilan
ng pamamalagi dito. Ito ang mga pansariling dahilan na nagresulta sa paglikas nila mula Pilipinas, sugat na
tanging panahon lang ang makakapaghilom.

http://www.abs-cbnnews.com/images/news/microsites/TheCorrespondents/TheCorrespondents11112002.htm (3 of 4) [23/08/2005 18:43:44]


abs-cbnNEWS.com - The Correspondents

Ipadala ang inyong opinyon o kuro-kuro sa newsfeedback@abs-cbn.com

ARCHIVE

www.abs-cbnNEWS.com

http://www.abs-cbnnews.com/images/news/microsites/TheCorrespondents/TheCorrespondents11112002.htm (4 of 4) [23/08/2005 18:43:44]


abs-cbnNEWS.com - The Correspondents

Titser sa Amerika: Pagsubok sa edukasyong Pilipino

"Titser sa Amerika"
Itinanghal ng The CORRESPONDENTS, Lunes, 11 p.m.

H O S T:

HOUSTON, Texas - Istoryang luma na ang mga Pilipino na nangingibang-bansa para maghanap ng trabaho.
Kadalasan, nakakakita sila ng hanapbuhay bilang nurse o domestic helper.

Pero ngayon, isang grupo ng mga Pilipino ang nagpupunta sa Estados Unidos upang maging guro.

Siya si Leticia Quinto, isa sa libo-libong guro sa pampublikong paaralan na lumisan ng Pilipinas para magturo sa
Amerika.
Karen Davila
Tulad ng mga nauna sa kanya, nakipagsapalaran si Quinto sa pag-asang sa Amerika niya makakamit ang suwerte
sa buhay.

Beterana na si Quinto sa larangan ng edukasyon sa kanyang 25 taon sa pagtuturo sa Pilipinas. Ngunit ngayon,
nagsisimula muli siya sa nakagisnang gawain.

Sa Pilipinas, grade school ang tinuruan ni Quinto pero pagsubok sa kanya ngayon ang makapagturo ng mga
estudyante sa pre-school.

Ito ay dahil kinilala ng mga Amerikano ang 25 taon niyang karanasan sa pagtuturo sa Pilipinas.

Sa trabaho niyang ito, sumusuweldo si Quinto ng $5,000 o halos P30,000 kada buwan. Hindi pa kasama sa
halagang ito ang over time.

Kaya naman, nabibilang siya sa pinakamataas na salary bracket sa mga guro sa Texas.

Aniya, "Masaya naman ako dahil sa loob ng isang taon, nagkaroon ako ng bahay, sasakyan, narito na ang pamilya
ko at mayroon akong magandang hanapbuhay."

Lahat ng ito, nakamit ni Quinto sa loob ng isang taon niyang pagturuo.

Ito ang katotohanan dahil sa tagal ng pagtuturo niya sa Pilipinas, hindi naranasan ni Quinto ang magkaroon ng
sariling bahay. Ngunit ngayon, mayroon na siyang bahay. Ang maganda dito, aniya, babayaran ang bahay sa loob
ng 30 taon, o $1,000 bawat buwan.

Kung dati, plastic lang ang kanyang aparador, ngayon, mas malaki pa ang walk-in closet ng bahay sa dati niyang
kwarto sa Pilipinas.

Kamakailan din, nakabili siya ng kotse, ang kauna-unahang sasakyan sa buhay ng guro.

Bukod dito, H-1 ang visa na ibinigay sa kanya ng embahada ng Amerika. Kaya ang resulta, tangay niya ang
pamilya papunta sa Amerika.

Pero bilang mga dependent, hindi maaaring makapagtrabaho ang asawa ni Quinto

Bahay at lupa...sa Texas


Sa kabila ng materyal na biyaya, higit na mahalaga para kay Quinto ang makilala bilang mahusay na guro.

Ito ang dahilan kung bakit modelo ang pamilya Quinto para sa mga gurong Pilipino na napadpad sa Texas:
mayroong bahay, kotse at higit sa lahat, buo ang pamilya.

Tulad ng mga eksena sa Pilipinas, karaniwan ang salo-salo sa bahay ng mga Quinto. Ang mga putahe ng pagkain,

http://www.abs-cbnnews.com/images/news/microsites/TheCorrespondents/TheCorrespondents11082002.htm (1 of 3) [23/08/2005 18:43:48]


abs-cbnNEWS.com - The Correspondents

magkahalong Amerikano at Pilipino.

Ang mga kumakain, pamilya at kaibigan. Isa na rito si Rommel Romero, kasamahang guro ni Quinto.

Tulad sa Pilipinas, nagtutulungan ang mga Pilipino dito.

Kadadating pa lang ni Romero sa Amerika at tatlo pa lang siya nang makapanayam ng The CORRESPONDENTS.

Nakikitira siya sa bahay ni Quinto at nag-aambag ng $3,000 kada buwan para sa renta.

Edad 26 pa lang si Romero ngunit sinubukan niya at nagtagumpay na makapunta sa Amerika.

Pero may ibang guro, dito na nakatagpo ng pag-ibig tulad ni Divina Browne na nakilala ang asawang si Allan, isa
ring guro.

Sa kanilang kasal, tanging pamilya lang ni Allan ang nakadalo. Lubhang mahal ang pasahe sa eroplano kaya
ipinagpaliban na lang ni Divina ang pagpapakilala sa mga magulang sa kanyang asawa.

Karaniwan ang ganitong istorya sa Amerika ngayon: mga paaralang kinukulang ng guro. Halimbawa nito ang
William Burges High School sa El Paso, Texas.

Pagpasok ng 2002, kinulang ang paaralang ito ng guro sa Math at Science. Dito napadpad si Elsa David nito lang
Agosto 2002 bilang guro sa Science.

Bukod sa husay, mahalaga ang lakas ng loob at tapang upang 'di masindak ng mga estudyante, ani David. Para
sa baguhang tulad niya, katatagan ng loob ang naging armas ni David sa panibago niyang pakikibaka.

Anang guro, kaibang-kaiba ang karanasang ito sa pinagmulan niyang paaralan sa Santa Barbara, Pangasinan. Sa
pinagmulan niyang paaralan, si David ang tinaguriang tagapagsanay ng mga guro sa Science and Technology sa
loob ng 16 na taon.

Masakit para sa kanya na iwanan ang pamilya pero umaasa siyang pagkatapos ng ilang buwan, magkakasama sila
muli sa Amerika.

Masakit din para sa paaralang iniwan ni David, ang Daniel Maramba School sa Sta. Barbara ang mawalan ng isang
mahusay na guro.

Ngayon, mga estudyanteng Amerikano ang makikinabang sa husay ni David sa Science.

Sana sa 'Pinas din


Taon-taon, 200,000 guro sa Math, Science at Bilingual Education ang kinakailangan ng Amerika. Pinakamalaki sa
mga lugar na nangangailangan ang California at Texas.

Kaya naman, ang mga guro na mayroong sapat na karanasan sa pagtuturo, masipag, mahusay sa Math, Science
at English at malaki ang tiwala sa sarili ang kanilang kailangan.

Noong taong 2000, 45,000 guro ang kinailangan ng Texas. Pangunahing pinagkunan nito ay ang Pilipinas.

Sa kasalukuyan, tinatayang higit sa 49,000 pang guro ang kailangan ng estudyanteng Pilipino. Ito ay bukod sa
15,000 guro na nakuha ng pamahalaan sa taong ito.

Ang problema, mas malakas ang hatak ng pagtuturo sa Amerika, ayon sa Alliance of Concerned Teachers.

Sa Pilipinas, binubura na lang sa listahan ang posisyon ng isang guro kapag siya ay nagretiro. Sa madaling salita,
ito ay ginagawa dahil sa kakulangan ng pondo sa suweldo, kagamitan at pagsasanay.

Pero hindi lang suweldo ang kagandahan ng pagtuturo sa Amerika. Hindi kailangang bawasan ng buwis ang
suweldo ng gurong Pilipino dito sa loob ng dalawang taon.

Benepisyo ito na napapakinabangan ng mga gurong Pilipino dahil sa Laurel-Langley Agreement, isang kasunduan
sa pagitan ng mga pamahalaang Amerika at Pilipinas noong dekada '40.

http://www.abs-cbnnews.com/images/news/microsites/TheCorrespondents/TheCorrespondents11082002.htm (2 of 3) [23/08/2005 18:43:48]


abs-cbnNEWS.com - The Correspondents

Ayon kay Flor Tolentino, recruiter ng mga gurong Pilipino, pinakikinabangan ng mga Pilipino ngayon ang ginawang
pakinabang ng mga Amerikano sa Pilipinas noong mga nakakaraang dekada: ang 'di pagbabayad ng buwis.

Hindi na mahihinto ang bugso ng pag-alis ng mga guro sa Pilipinas. Sa harap ng bantang ito, ikinakampanya
naman ng isang guro sa Lungsod Quezon na huwag nang umalis ang kanyang mga kasamahan.

Siya si Saul San Juan, mula sa Pag-asa Elementary School at pangulo ng isang grupo ng mga guro sa lungsod.

Umapela si San Juan sa mga kapwa niya guro at sinabing 'di na kailangang mangibang-bayan.

Una, dahil ipinaglalaban nila ang pagkakaroon ng cost of living allowance (COLA) at pangalawa, ang P3,000 across-
the-board wage increase.

Sa kabila nito, aminado si San Juan na mahirap pigilan ang mga guro na nais magkaroon ng masaganang buhay.

Aniya, nais ng mga umaalis na guro na maibahagi ang kanilang talino sa mga estudyanteng Pilipino ngunit
nariyang ang katotohanan: maliit ang suweldo sa Pilipinas kaya napipilitan ang mga guro na magtungo sa ibayong
dagat.

'Di tulad ni Quinto na mayroon nang kotse matapos magturo sa Amerika ng isang taon, si San Juan ay bisikleta pa
rin ang sasakyan. Nakatira pa rin siya sa lugar ng mga iskwater sa kasalukuyan.

Tangi niyang hiling, disenteng pabahay para sa mga pampublikong guro.

Sa ngayon, higit na marami ang benepisyo ng pulis at militar kaysa guro sa pampublikong paaralan. Katumbas ng
suweldo ng Teacher 1 ang Police Officer 1 sa Pambansang Pulisya.

Ang ikinakasama lang nila ng loob, makailang ulit nang tumaas ang buwanang suweldo ng pulisya at militar,
napako na ang sa mga guro.

Maganda kung sa maganda ang opurtunidad ang naghihintay para sa mga gurong Pilipino sa Amerika. Pero
dekada na ang lumipas, hindi pa rin napupunan ng Pilipinas ang sarili nitong pangangailangan sa de-kalidad na
mga guro.

Ang mga umalis na at paalis pa lang, mahirap nang punan ang kanilang iniwan.

Pahayag ni Quinto, tulad ng mga kasamahan niyang gurong Pilipino sa Texas, mahal nila ang Pilipinas, ito ang
mahalaga. Pero dahil sa pangangailangan sa sapat na pasahod, kinailangan nilang lumisan.

Nakatuturang isipin na matapos ang mahigit 100 taon mula nang dumating ang Thomasites, Pilipino ang siyang
namamayagpag bilang tagahubog ng kinabukasan ng Amerika.

Pero ang katotohanan nito, estudyanteng Pilipino naman ang napagkakaitan ng tagumpay na ito sa edukasyon.

Ipadala ang inyong opinyon o kuro-kuro sa newsfeedback@abs-cbn.com

HOME ARCHIVE
www.abs-cbnNEWS.com

http://www.abs-cbnnews.com/images/news/microsites/TheCorrespondents/TheCorrespondents11082002.htm (3 of 3) [23/08/2005 18:43:48]


abs-cbnNEWS.com - The Correspondents

Biyahe ni Ma'am: Ang 'brain drain' ng gurong Pinoy

"Wanted: Titser sa Amerika"


Itinanghal ng The CORRESPONDENTS, Lunes, 11 p.m.

H O S T:

HOUSTON, Texas - Sa mga nakaraang taon, karaniwan nang tanawin sa departure area ng Ninoy Aquino
International Airport ang ganito: mga inang mawawalay sa kanilang mga anak upang maghanapbuhay sa ibang
bansa.

Ngunit sa pagkakataong ito, 'di lang sariling pamilya ng mga ina ng tahanan na ito ang kanilang iiwan kundi ang
buong sambayanan.

Ang mga babaeng ito ay bumubuo sa isang malaking grupo ng mga guro sa pampublikong paaralan. Paalis na sila
Karen Davila papuntang Estados Unidos.

Ilan lang sila sa daan-daang guro na umaalis taon-taon.

Isa sa kanila si Delia Morera na 16 na taon nang guro sa Toro Hills Elementary School sa Quezon City. Grade
three at five ang kanyang tinuturuan at kilalang mahusay sa pagtuturo ng Math at English.

Pag-alis niya ng Toro Hills, pawang Amerikanong estudyante na ang tuturuan niyang magbilang at magbasa.

Ito ang unang biyahe ni Morera sa labas ng bansa. Aniya, ni sa panaginip ay hindi niya akalaing makakatapak siya
sa Amerika.

Hindi biro ang isusugal ni Morera dahil isang taon din niyang iiwan ang asawa at mga anak.

Sa Toro Hills, P10,500 lang ang suweldo ni Morera kada buwan.

Pero sa bago niyang paaralan sa Texas, susuweldo siya ng $4,000 o P200,000 sa kasalukuyang palitan ng piso sa
dolyar.

Binubuo ang grupong nina Morera ng 80 guro. Ang kanilang destinasyon: Texas, U.S.A.

Iba't iba ang kanilang pinagmulan ngunit iisa ang pangangailangan. Ang ilan sa kanila ay nagsabing babalik sa
Pilipinas ngunit ang karamihan, hindi na.

Malaking pagsubok para kay Morera ang makilala bilang mahusay na guro sa Amerika.

Mula Toro Hills, sa Patterson Elementary School sa Houston, Texas humantong si Morera. Sa kanyang unang
araw, magkahalong tuwa at kaba ang rumehistro sa mukha niya.

Pawang papuri naman ang binanggit ng mga kasamahan ni Morera sa bago niyang trabaho. Malayo ito sa
pinagmulan niyang paaralan sa Pilipinas ngunit unti-unti, masasanay din siya.

Mula 'apple' patungong atis


Nangangailangan ang Texas ng mahigit 100,000 guro sa ngayon. Kaya naman sa buong Amerika, dito ang
bagsakan ng pinakamaraming bilang ng gurong Pilipino.

Si Flor Tolentino ang dahilan kung bakit napunta sa Texas si Morera at ang mahigit 1,000 gurong Pilipino sa Texas
sa kasalukuyan.

Siya ang may-ari ng Multicultural Educational Consultants, isang recruitment at placement agency na nakabase sa
Houston.

http://www.abs-cbnnews.com/images/news/microsites/TheCorrespondents/TheCorrespondents10282002.htm (1 of 2) [23/08/2005 18:43:51]


abs-cbnNEWS.com - The Correspondents

Noong una, ipinagbawal ng pamahalaan ang mga dayuhan guro sa Amerika. Bunga nito, naghanap ng paraan si
Tolentino upang mabago ang patakaran.

Pinetisyon niya ito sa lehislatura at noong 1992, ipinadala ng kanyang kompanya ang unang grupo ng mga gurong
Pilipino sa Amerika.

Sa panig naman ng mga Amerikano, ngayon nila kailangan ang mga gurong Pilipino. Kung pagpasok ng 1900,
mga guro lulanng <i>S.S. Thomas</i>, tinaguriang Thomasites, ang dumating sa Pilipinas, sa ika-21-siglo,
Filipinos na ang dumadating sa U.S.

Unti-unti nang nauubos ang mga kabataang Amerikano na nais maging guro. Para sa kanila, hindi na kailangang
magpakahirap magturo sa paaralan kung mayroon namang ibang trabaho na mas malaki ang kita at hindi pa
nakakapagod.

Dito papasok ang sipag at tiyaga ng mga Pilipino.

Ngunit mahigpit ang proseso at magastos din. Sa paglakad pa lang ng mga dokumento, gagastos ng $1,200 ang
isang aplikante. Kabilang dito ang pagsusulit, credentialling, transcript of records at bayad sa immigration. Pero
wala pa dito ang bahaging napupunta sa kompanya ni Tolentino.

Sa sandaling makapasa ang aplikante, hihingi ng $5,000 security bond si Tolentino. Ito ang seguro ni Tolentino
laban sa mga aplikanteng bigla na lang nawawala pagtuntong sa Amerika.

***

Ito ang katotohanan. Amerika na ang nakikinamabang sa mga guro na nahasa sa mga edukasyong Pilipino. Sa
madaling salita, ito ang panibagong bugso ng "brain drain" sa Pilipinas.

Sagot naman ni Tolentino, higit nang mabuti ang maging guro sa Amerika kaysa maging alipin at mabiktima ng
mga dayuhang kriminal.

Hindi naman pagtalikod sa lupang tinubuan ang pagtungo sa Amerika, anang mga guro doon. Ang masakit lang,
kinakailangan pang mangibang-bayan ng mga guro dahil sa kawalan ng oportunidad na umasenso sa sariling
bansa.

Ito ang bansang dating tinuruan ng mga Thomasites ng "A" for apple at "B" for basketball. Ngunit ngayon, aabot
sa 2 milyon ang kailangan nilang guro. Ang pangunahin nilang pagkukunan nito: Pilipinas.

Totoong baligtad na ang panahon. Amerikano ang nagturo sa mga Pilipino ng modernong edukasyon na sinusunod
hanggang sa kasalukuyan, pagbabasa at pagsusulat.

Pero ngayon, sila na ang tinuturuan ng mga Pilipino.

Para kay Morera, higit pa sa sarili niyang reputasyon ang nakasugal dito, kundi ang pagtatayo ng bandila ng
gurong Pilipino.

Totoong maituturing na karangalan na makilala ang Pilipinas na pinagmumulan ng mahuhusay na guro.

Taon-taon, maraming tulad ni Morera ang nagdedesisyong umalis ng basa. Sila ang mga guro na matapos
magsakripisyo ng mahigit 10 taon sa pagtuturo ay napagod na at naghanap ng kaginhawahan.

Ipadala ang inyong opinyon o kuro-kuro sa newsfeedback@abs-cbn.com

HOME ARCHIVE
www.abs-cbnNEWS.com

http://www.abs-cbnnews.com/images/news/microsites/TheCorrespondents/TheCorrespondents10282002.htm (2 of 2) [23/08/2005 18:43:51]


abs-cbnNEWS.com - The Correspondents

9/11: Trahedya ng mundo sa mata ng Pilipino (9/09/02)


"9/11: Isang pagbabalik-tanaw"
NEW YORK - Iniwan ng trahedya sa World Trade Center (WTC) noong Setyembre 11, 2001 ang isang bangungot
na nararanasan pa rin ng buong mundo hanggang sa ngayon.

Kabilang na rito ang mga pamilyang Pilipino na naapektuhan ng trahedya.

HOST: Isa na rito ang pamilya ni Asuncion de Chavez. Nawalan si de Chavez ng isang anak sa nabanggit na trahedya.

Isang pangkaraniwang araw iyon ng Martes para kay Jaycerell, anak ni de Chavez. Maagang pumasok noon sa
opisina si Jaycerell sa ika95 palapag ng WTC.

Walang kaalam-alam ang mag-ina na iyon na ang huli nilang pagkikita.

Sa trabaho na rin narinig ni de Chavez ang balita. Tinangka niyang tawagan ang opisina ng anak ngunit walang
sumasagot.

Kinabahan si de Chavez kung kaya nagtungo siya sa simbahan.


Karen Davila Ngayon, makalipas ang isang taon, tanggap na ni de Chavez ang pangyayari. Tanggap na nilang nawawala lang
ang anak, nagkasakit ng amnesia ngunit balang araw ay uuwi rin sa kanilang tahanan.

Ngunit aniya, mahirap na nga ang mamatayan, mas masakit kung walang bangkay na mapagluluksaan ang
pamilya.

Para kay Jaycerell o JC, tanging abo mula sa mga gumuhong gusali ang alalala ng kanyang pamilya. Plano ng mga
de Chavez na ilagak sa isang mausoleo ang abo upang doon bisitahin ang namayapang anak. Isa si Jaycerell sa
18 Pilipinong nasawi sa atake ng mga terorista sa WTC.

Panganay sa tatlong magkakapatid, pangarap niya noon pa man na makapagtrabaho sa WTC. Natupad naman
ang kanyang pangarap. Sa edad na 24, isa na siyang portfolio analyst sa Fiduciary Trust International.

Sa kanilang bahay, wala pa ring binabago ang kanyang mga magulang sa ayos ng kuwarto ni Jaycerell. Ang
tanging nadagdag, isang bandila ng Estados Unidos na nakalatag sa kama. Kumpleto pa rin ang kanyang mga
damit sa tokador.

Sa isa pang kuwarto, naroon ang mga tropeo, sombrero at iba pang paboritong gamit ni Jaycerell na tila
naghihintay sa kanyang pagbabalik.

Matapos ang 365 na araw


Isang taon makalipas ang trahedya, hindi lang ang pamilya de Chavez ang patuloy na nagluluksa kundi ang buong
Amerika. Damay rin ang buong mundo.

Ang dating sentro ng kalakalan sa downtown Manhattan, ngayon ay mistulang sementeryo. Nabago ang mukha ng
New York para sa libo-libong nasawi at nagbuwis ng buhay noong araw na iyon ng Setyembre 2001.

Nasaksihan ng mang-aawit na si Carmen Patena ang malagim na pangyayari. Isang gusali lang ang pagitan ng
kanyang tinitirhang apartment building sa WTC.

Ngunit kahit minsan, hindi niya nabisita ang tinaguriang "Ground Zero."

Sa kauna-unahang pagkakataon, sinamahan niya ang The CORRESPONDENTS sa paglapit at muling pagbuhay sa
alalala.

Sariwa pa sa kanyang alaala ang kaguluhan, sigawan at iyakan ng mga tao. Makalipas ang isang taon, apektado
pa rin si Patena sa mga pangyayari.

Maging ang kanyang asawa ay nakaranas ng trauma bunga ng pangyayari.

Makalipas ang isang taon, naisalba man ang mga gusali, hindi pa rin normal ang takbo ng mga negosyo.
Hanggang ngayon, mayroon pa ring mga gusaling itinatayo muli at kinukumpuni. Mayroon ding bakante at
tuluyan nang inabandona.

Hindi rin nakaligtas ang malaking tanggapan ng koreo sa harap ng Ground Zero dahil isinara ito ng mga
awtoridad.

Sa kabila nito, isang viewing platform ang binuksan para sa mga turista.

Simula nang itayo ito, 25,000 tao kada araw ang bumibisita sa Ground Zero.

Sa dami ng turista, nalampasan pa nito ang dami ng tao na bumibisita sa Empire State Building.

http://www.abs-cbnnews.com/images/news/microsites/TheCorrespondents/overseas911.htm (1 of 2) [23/08/2005 18:43:54]


abs-cbnNEWS.com - The Correspondents

Tulad ng inaasahan, marami ang naluluha sa pagmamasid sa lugar ng trahedya. Ngunit marami rin ang
nagpapakuha ng litrato bilang alaala.

Tunay na nag-iiwan ng alalala ang lugar na ito para sa mga turista. Ngunit para sa nabiktiktimang pamila tulad ng
mga de Chavez, ang Ground Zero ay isang mapait na patunay na hindi na maibabalik ang nakaraan.

Patuloy ang paggunita


Samantala, sa likod ng trahedya, umusbong ang mga bayani ng nagmalasakit para sa kanilang kapwa.

Isa na rito si Rebecca Canalija na mula sa Cebu. Nagtatrabaho bilang nurse si Canalija sa New York University
Downtown Hospital. Ilang metro lang ang layo ng ospital sa gumuhong WTC.

Karamihan sa mga nasawi at agaw-buhay, sa ospital nina Canalija isinugod

Bunga nito, itinayo sa Battery Park sa Manhattan ang isang bantayog para sa alaala ng mga nagbuwis ng buhay.

Karangalan ang bantayog na ito para kay Canalija. Nakabilang siya sa mga bayani na itinuturing na mukha ng
Ground Zero ayon sa magasing LIFE.

Labing-limang taon na si Canalija sa New York. Umalis siya sa Cebu upang makipagsapalaran sa Amerika. Sa mga
nagdaang taon, hindi lang magandang buhay ang kanyang nakamit. Mapalad din siya dahil nakabilang sa
kasaysayan ang kanyang pangalan.

Kasabay nito, iginawad kay Canalija ang Front Line Heroes' Award ng Philippine Independence Day Committee sa
nakalipas na pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa New York.

Sa New York rin, isang diyaryo ang nagsilbing tagapaglarawan ng mukha ng trahedya para sa mga Pilipino.
Tatlumpung taon nang inilalathala ang Filipino Reporter at binabasa sa buong Amerika.

Nag-oopisina ang diyaryong ito sa ika-anim na palapag ng Empire State Building. Makaraang bumagsak ang WTC,
ang Empire ang itinuring na pinakamataas na gusali sa buong New York.

Pahayag ni Edmund Silvestre, peryodista, hindi naging madali para sa kanila na maghanap ng Pilipino na
nabiktima sa trahedya.

Mula noon hanggang ngayon, mahirap ang paghahanap at paglapit sa mga biktima. Ganito ang naranasan ng The
CORRESPONDENTS nang bisitahin si Nenita Grijalvo, taga-Iloilo na nakatira ngayon sa distrito ng Queens.

Biktima rin si Girjalvo ang trahedya. Namatay ang asawa niyang si Ramon, isang computer analyst sa ika-22
palapag ng isa sa mga tore ng WTC.

Ngunit 'di tulad ng karaniwang biktima, nabuhay si Ramon ng apat na araw. Sunog na sunog ang katawan ng
lalaki nang matagpuan ng mga awtoridad. Apat na araw siyang sumailim sa pangangalaga ng mga doktor. Ngunit
huli na ang lahat nang mabalitaan ito ng kanyang asawa.

Sa ngayon, kung mababago lang ang lahat, kung maibabalik ang nakaraan, nais ni Grijalvo na makitang buhay pa
ang kanyang asawa.

Isang pangkaraniwang araw ng Martes para sa lahat na binago ng trahedya. Para sa mga pamilya tulad ng mga
Grijalvo, permanente nang lamat ang pangyayaring iyon. Makalipas ang isang taon, patuloy pa rin ang paggunita
sa trahedya ng kahapon at pag-aabang sa sagot ng kinabukasan.

The CORRESPONDENTS OVERSEAS DISPATCHES


www.abs-cbnNEWS.com

http://www.abs-cbnnews.com/images/news/microsites/TheCorrespondents/overseas911.htm (2 of 2) [23/08/2005 18:43:54]


abs-cbnNEWS.com - The Correspondents

Dateline: Kabul 2001(12/03/01)


Ito ang personal na karanasan nina Jim Libiran, Ed Lingao at Patrick Paez ng The Correspondents, ang kauna-
unahang grupo mga Pilipinong mamamahayag mula sa ABS-CBN News and Current Affairs na nakatuntong sa
lupain ng Afghanistan nitong Nobyembre 2001 at makapaghatid ng ulat sa kalagayan ng isang bansang nilamon
ng digmaan sa loob ng tatlong dekada.

HOST: KABUL, Afghanistan - Limang oras lang daw ang biyahe mula Jalalabad, Pakistan, hanggang ng Kabul,
Afghanistan. Binalaan na kaming ito ang pinakapeligrosong parte ng biyahe.

Akala namin, nanakot lang sila. Paano nga naman, napakaganda ng paligid. Para kaming pumasok sa black hole
at napunta sa panahon ni Kristo.

Pero ito ang unang hukbo na sumalubong sa amin, hukbo ng mga kambing at tupa.

Para kaming mga turista. Manghang-mangha sa paligid. Panay ang picture-taking.


Karen Davila

Mahaba ang biyahe, maalikabok pero panlaban namin sa antok si Dennis (Sabangan, isang photojournalist.)

Sobrang ingat ng driver namin. Kaya tuloy, nadisgrasya kami. Hinarang kami ng mga (bandido). Armado at
maiinit ang ulo. Pinaakyat sa burol ang van namin, tinutukan kami ng baril.

Pinababa ng sasakyan at pinalakad palayo. Yari. Totodasin na yata kami.

Si Val Cuenca, beteranong cameraman namin, nagawa pa niyang mag-roll ng camera.

Nakiusap kami pero di nila kami naintindihan.

Unang pinagdiskitahan ang mga gamit namin tapos ay pera at iba pang laman ng bulsa namin.

Si Patrick (Paez) ang pinag-initan tapos, si Val at ang camera.

Panay ang kasa nila ng baril, nananakot habang ninanakawan kami.

Maya-maya, pinabalik na kami sa sasakyan. Papalayo na ay nililingon pa rin namin sila. Baka bigla kaming barilin
sa likod.

Kalmado kaming lahat -- asar pero kalmado. Takot, pero alerto.

Inagaw nilang lahat ang gamit at pera namin...pati 'yung akala nila'y Philippine dollars.

At home kami?
Dahas at armas ang batas dito. Mas mahal pa yata ang kambing kaysa buhay ng tao.

Ito pala ang Afghanistan. Di nalalayo sa gulo ng Pilipinas.

Wala kaming imikan sa sasakyan. Naintindihan namin ang babala nila -- peligrosong lugar nga ito.

Di lahat ng nakakapasok sa bansang ito ay nakakalabas nang buhay.

Walong oras na puro bundok, bato at alikabok. Tapos, mga wasak na gusali at bahay.

Ito ang siyudad ng Kabul, napasok namin apat na araw matapos lisanin ng gobyernong Taliban.

Bugbog na sa tatlong taong dekadang giyera, winasak pa itong lalo ng mga milyong dolyar na bomba ng U.S.

http://www.abs-cbnnews.com/images/news/microsites/TheCorrespondents/overseasKABUL.htm (1 of 4) [23/08/2005 18:43:58]


abs-cbnNEWS.com - The Correspondents

fighter jets.

Tahimik ang mga kalye ng Kabul, tahimik pero hindi payapa.

Oo nga't may busal na ang mga pangil ng giyera pero nakahanda pa rin itong sumabak sa labanan ano mang
oras.

Terible ang kasaysayan ng lugar na ito. Ang dating ganda at eleganteng siyudad, ilang ulit nang sinagasa ng
digmaan pero patuloy pa rin siyang ipinaglalaban.

Anong misteryosong ganda ang itinatago ng makapal na belo ng alikabok at giyera?

Narating namin ang Kabul sa isang makasaysayang yugto nito.

Nang mag-report kami ng live sa Pilipinas, ang pinakamalaking balita ay tungkol din sa sinapit namin.

Ang totoo, asiwa kami sa report na iyon. Nagpunta kami dito para maghanap ng balita, hindi para ibalita ang sarili
namin.

Di namin alam na marami pala silang [mga bandido] bibiktimahin. Journalists ang puntirya ng mga bandidong
'yun.

Mas masaklap ang sinapit ng apat na foreign journalists kinabukasan. Ni hindi daw sila ninakawan -- basta na lang
pinaulanan ng bala. Lahat patay.

Balisa na rin kahit 'yung journalists na beterano sa giyera lalo na nang biglang pagdadamputin ng Northern
Alliance ang Pakistani drivers at guides namin.

Maraming Pakistani ang sumali sa Taliban kaya hindi sila mapapatawad ng Northern Alliance.

Umaapaw sa journalists ang Kabul Hotel Intercontinental. Buti na lang at nabigyan kami ng five-star
accommodation sa isang bakanteng bodega sa halagang $100 bawat gabi.

Siksikan na sa bodega, nagawa pa naming kumuha ng Japanese boarders.

Sandaling tulog lang, gising agad. Kilos-peryodista, hindi turista.

Dito sinubok ang tatag at tino naming lahat. Handa kami sa hirap at peligro pero hindi sa sobrang ginaw.

Nagbibiro pa si Ed (Lingao) nang mag-report (birthday niya noong araw na iyon). Nakangiti pa kaming lahat pero
pagkatapos, ito ang hindi ninyo napanood. Gipit man at nagtitipid, di namin pwedeng pabayaan ang kasama lalo
na't bertdey niya.

Imbitado pati manager ng hotel, si Shahir Mohamad, saksi sa malupit na pamumuno ng Taliban.

'Philippine dollars'
Walang gobyerno dito sa Kabul. Nakikipaglaban pa ang Northern Alliance at salat sila sa tao.

Wala ding bangko. Mahina ang negosyo pero siksikan ang money changers sa isang palengke dito. Saku-sako ang
dalang pera.

Ayaw ng "Philippine dollars." U.S. dollars at rupees lang ang pwede.

Bagsak ang ekonomiya, pati ang kanilang pera. One hundred U.S. dollars ay katumbas ng 44,000 rupees.

Isang bayong ng pera ang isang itlog. Dalawang bayong ng pera nila, makakabili ng isang basket ng pagkain.

Biglang naghigpit ang Northern Alliance sa mga dayuhang peryodista at hinanapan kami ng visa.

Huhulihin daw nila kami 'pag gumala nang walang papeles. Ang problema, di pa naimprenta mga papeles. Ni wala

http://www.abs-cbnnews.com/images/news/microsites/TheCorrespondents/overseasKABUL.htm (2 of 4) [23/08/2005 18:43:58]


abs-cbnNEWS.com - The Correspondents

pa yatang marunong mag-process ng visa.

Dalawang araw kaming nakapila sa Home Ministry Office.

Laging ganito ang sitwasyon tuwing may bagong gobyerno dito. Noong panahon ng Taliban, pati minister, hindi
marunong bumasa.

Si Fatah Darwish, 21, ang aming naging guide at translator, tagaluto at runner namin kahit alam niyang gipit kami
sa budget.

Malalim mag-isip lalo't tungkol sa buhay at sa bansa niya. Malalim din ang mga sugat na iniwan sa kanya ng
giyera noon.

Labing-isang taong gulang lamang siya nang bagsakan ng bomba mula sa isang Russian helicopter. Walong taon
siyang naratay sa ospital bago muling nakalakad.

Walang katulad
Ngunit pinakagrabe daw ang pamumuno ng Taliban.

Pinakamatinding biktima ng konserbatibong Taliban ang mga babae ng Afghanistan.

Inalisan ng karapatan at sapilitang tinalukbungan ng kanilang tradisyunal na belo -- ang burqa.

Dahil burqa ang simbolo ng pang-aapi sa mga babae, ang paghuhubad nito sa kalye ang naging matapang na
porma ng protesta.

Nakita namin ang isang babaeng guro sa eskuwela habang hinuhubad niya ang kanyang burqa. Ayon sa babae,
kahit alisin ang burqa, wala pa ring trabaho ang mga babae.

Hindi nga bawal magtrabaho tulad noong panahon ng Taliban. Ang problema, walang bukas na negosyo, opisina o
eskuwela.

Nasaksihan namin ang kilos-protesta ng mga babae. Masyado daw nakatutok sa labanan ang media. Baka
nakakalimutan na ang mas mahalagang kuwento dito-- ang buhay ng mga ordinaryong Afghan, lalaki at babae,
matanda at bata.

Higit daw kaysa mga may hawak ng baril o mga pulitiko, ang pagbangon at muling pagsigla ng isang bago't
modernong Afghanistan ay nakasalalay sa mga tahimik at di-kilalang mga taong ito.

Nasaksihan namin ang teribleng kagandahan ng siyudad na ito, ang inosente at misteryosong mga mata sa likod
ng mga burka, ang mga pader, gusali, bahay na pinulbos ng sari-saring armas galing sa mayayamang bansa.

Nakita po namin ang simpleng pamumuhay ng mga taga-rito, ang kanilang mga sugat, tatag, tapang at kabaitan.

Oo nga't dinambong kami dito ng mga armadong bandido pero hindi sila ang Afghanistan na maalala namin.

Tiningnan namin ang mga guho sa Kabul at nakita ang mga batang halos lumpuhin ng mga bomba. Tiningnan din
namin ang mga natuyong sugat nila, at nakita namin ang mga gusaling pinulbos ng tingga.

Sa isip namin, darating din ang araw na sabay silang babangon.

Biyaheng-langit
Halos isang linggo din kami sa Afghanistan. Nakipagkiskisang-palad sa mga maperang dayuhan at walang perang
lokal (na mamamayan).

Kahit yata ang tinulugan namin, ang Hotel Intercontinental-Kabul, akala mayaman kami.

Natulog lang kami sa sahig, walang kama, walang banyo pero walang pakialam ang hotel kahit wala kaming
budget.

Nagsiksikan lang kami sa sahig. Iba pala 'pag nagkakaamuyan na kayo ng paa ng mga kasama mo, masusubukan

http://www.abs-cbnnews.com/images/news/microsites/TheCorrespondents/overseasKABUL.htm (3 of 4) [23/08/2005 18:43:58]


abs-cbnNEWS.com - The Correspondents

kahit ang pinakamatalik na pagkakaibigan.

Mayroon pang nakisiksik na mga Hapon pero wais, hindi nakihati sa bayad.

Sa pagtitipid, umabot sa puntong naglalaga kami ng itlog. Kung kakain ka nga naman sa Intercon, dalawa lang
pala ang putahe -- rice with meat at rice with chicken.

Di naglaon, nagpasya kaming umuwi gaya ng maraming peryodista. Ubos na ang pera namin, tumataas ang
presyo sa Kabul.

Tatlumpung litrong gas, katumbas ng P2,000, may libre pang tubig na hinalo.

Dumarami rin ang mga bandido't masasamang loob na nagsasamantala sa mga peryodista.

Sinara na ng mga bandido ang kalsada papuntang Pakista. Masuwerte ka raw makatawid nang buhay. Pagkatapos
problemahin ang papunta sa Kabul, problema naman ngayon ang pauwi.

Mayroong ilang... flights pero ang United Nations humihingi ng $2,500 bawat tao para makasakay sa eroplano
nila. Mabuti pa ang British Broadcasting Corp. $2,000 lang.

Hindi namin alam kung saan kukunin ang pera pero bahala na...si Batman. Kung itutulak kami sa eroplano, okey
lang. Basta hindi sa Kabul ang bagsak namin.

Mula Kabul, mahigit isang oras papuntang Bagram air base na hawak ngayon ng British Marines.

Kitang-kita sa daan ang init ng labanan sa lugar na ito. May ilang kaming nakitang patay sa tabing kalsada pero
ayaw tumigil ng driver.

Sa Bagram air base, nag-abang kami sa tarmac ng kahit anong eroplanong magsasakay sa amin.

Marami sanang eroplanong nagkalat sa air base, hindi lang umaandar at hindi pasahero ang sakay kundi bomba.

Susuko na kami nang biglang dumating ang isang C-130 cargo plane ng United Nations. Pansin kaagad ni Val
Cuenca na sa pagmamaneho ng piloto, akala mo, Sarao ang dala. Doon namin nalamang mapalad talaga ang mga
dukha.

Ang crew ng C-130, puro Pilipino na naghahatid ng relief goods sa Afghanistan. Higit sa lahat, babalik sila sa
Pakistan.

Sila'y mga piloto ng kompanyang Transafrik, sina Capt. Rudy Petican at co-pilot Cesar Manzano. Sanay na sila sa
war zone at sila lamang ang mga pilotong pumayag magdala ng relief goods dito sa Afghanistan.

Suwerte pa namin dahil iyun daw ang una at huling beses nilang lumapag sa Bagram air base.

Laking gulat ng mga kasama naming peryodista nang malamang nakalibre kami ng sakay. Matapos maibaba ang
kargamento ng eroplano, nagmamadali kaming sumakay pero habang sumasara ang rampa ng eroplano,
nakaramdam kami ng biglang lungkot.

Kulang pa nga ang aming itinagal sa Kabul upang sapat na maintindihan ang bayang ito. Pero maraming
ipinabaon sa amin ang Afghanistan. Maraming bangungot, pero marami ring pangarap.

Nakilala namin ang mga pangkaraniwang tao na pilit itinatayo ang kanilang dignidad sa isang di pangkaraniwang
panahon. Ngunit higit sa lahat, sa salamin ng Afghanistan, minsa'y nakita rin namin ang aming mga sarili.

The CORRESPONDENTS OVERSEAS DISPATCHES


www.abs-cbnNEWS.com

http://www.abs-cbnnews.com/images/news/microsites/TheCorrespondents/overseasKABUL.htm (4 of 4) [23/08/2005 18:43:58]


abs-cbnNEWS.com - The Correspondents

Pagkagat ng karahasan sa New York (9/17/01)


Some folks like to get away
Take a holiday from the neighborhood
Hop a flight to Miami Beach
Or to Hollywood
But I'm taking a Greyhound
HOST: On the Hudson River Line
I'm in a New York state of mind

I've seen all the movie stars in their fancy cars and their limousines
Been high in the Rockies under the evergreens
But I know what I'm needing
And I don't want to waste more time
I'm in a New York state of mind

It was so easy living day by day


Karen Davila Out of touch with the rhythm and blues
But now I need a little give and take
The New York Times, The Daily News

It comes down to reality


And it's fine with me 'cause I've let it slide
Don't care if it's Chinatown or on Riverside
I don't have any reasons
I've left them all behind
I'm in a New York state of mind

-- Mula sa awiting New York State of Mind,


Panulat, musika, at awit ni Billy Joel

(Ang New York ang pangalawang tahanan para sa maraming Pilipino. Narito ang eksklusibong salaysay sa The
Correspondents ni Cecilia Datu, brodkaster at kasalukuyang estudyante sa New York University. Ito ang
kanyang nasaksihan bago at makaraan ang malagim na trahedyang dumatal sa tinaguriang "The Big Apple".)

Ika-siyam ng Setyembre, taong 2001. Piyesta dito sa Manhattan noon at kinunan ko ang selebrasyon bilang isang
estudyante ng TV news production sa New York University.

At nang mga sandaling iyon, bigla kong naalala ang Pilipinas na kalahating mundo ang layo.

Dito, para rin silang mga Pilipino kung magsaya.

Hindi ko inaasahan na makalipas lamang ang dalawang araw, pagluluksa ang aking makukunan.

Setyembre 11, 2001. 8:45 a.m.

Sino ba ang mag-aakalang mangyayari ito sa New York?

Hindi ba, ito ang Amerika, ang tinaguriang 'land of freedom and prosperity' ?

Hindi ba ito ang lugar na nasa panaginip daw ng maraming Pilipino?

Para sa isang Pilipinong nasanay na sa mga balita ng pambobomba at insidente ng pagdukot sa Pilipinas, kahit
ako ay nabigla.

Walang anuman na makapaghahanda sa kahit kanino sa ganitong mga tanawin.

Posible ang imposible

http://www.abs-cbnnews.com/images/news/microsites/TheCorrespondents/overseasNY.htm (1 of 3) [23/08/2005 18:44:16]


abs-cbnNEWS.com - The Correspondents

Nagdeklara ang mga awtoridad ng state of emergency. Pinauwi ang mga sibilyan, ipinatigil ang transportasyong
pampubliko.

Isinara ang mga kalye, tulay, at daungan.

Sa isang iglap, under siege ang Amerika bukod sa napakahirap ng komunikasyon.

Sa New York City, mistulang war zone ang kapaligiran.

Sabi nga ng iba, "nakaranas kami ng nuclear winter sa kapal ng usok at abo."

Sa downtown, puno ng militar ang mga kalye at halos imposibleng makapasok subalit pinilit ko pa ring makalapit.

Nakakapangilabot ang hitsura ng subway na parang mausoleo sa katahimikan at ang kaunting ingay na maririnig
mo ay mula sa mga bulung-bulungan ng mga anino.

Mula sa tren, kitang-kita ang dating kinatatayuan ng twin towers ng World Trade Center (WTC) at halos lahat ng
mga pasahero, nakatutok sa Manhattan skyline, hinahanap ang alam nilang hindi na nila makikita.

Nakarating din ako sa trauma hospital, sa lugar na siyang pinagdalhan sa mga sugatan.

Totoo nga ang kasabihang, "makakatagpo ka ng Pilipino sa bawat sulok ng mundo."

Sa Saint Vincent's Hospital, nakapila ang mga Pilipino na handang mag-alok ng tulong.

Isa sa mga nakilala ko doon si Dr. Louis Dizon.

Limang taon nang naninirahan sa New York si Dr. Dizon at sa loob ng panahong ito, ni minsa'y hindi niya inakala
na ang terorismong iniwan niya sa Pilipinas ay makakaharap din niya dito.

Si Dr. Zenith Yllana naman ay isa rin sa mga Pilipinong boluntaryo doon.

Aniya, ginawa raw niya ang pagtulong dahil sa personal na dahilan.

Ang kapatid daw ng asawa niyang Indian national ay nagtatrabaho sa 96th floor ng WTC at hanggang ngayon ay
hindi pa nila mahanap.

Ulila ng pagkakataon
Nakiisa ang mga Pilipino sa dalamhati ng mga taga-New York.

Dito lamang sa lungsod, may libo-libo ang mga Pilipino.

Marami ring pamilyang Pilipino ang direktang naapektuhan ng trahedya.

Ayon sa mga awtoridad, may [est no.] na Pilipinong nawawala mula nang bumagsak ang dalawang gusali ng WTC.

Si John Lacson naman, may anim na kaibigang Pilipino na nagtatrabaho sa WTC at mula nang pumasok sila sa
trabaho noong Martes, hindi pa sila nakakabalik.

Hindi rin alam ni John kung makakabalik pa sila.

Naabutan ko ang isang babae na nagpapaskil ng litrato ng pinsan niyang si Grace Cua sa mga pader ng
Manhattan.

Saan ka man lumingon ngayon sa Manhattan, ang mga pader at poste ay namumulaklak sa mga poster at litrato
ngmga nawawala.

Si Grace ay nagtatrabaho sa Mistui Corporation sa WTC.

Nangilabot ako nang makita ko ang litrato ni Grace sapagkat kamukhang-kamuka siya ng pinsan niya.

http://www.abs-cbnnews.com/images/news/microsites/TheCorrespondents/overseasNY.htm (2 of 3) [23/08/2005 18:44:16]


abs-cbnNEWS.com - The Correspondents

Nagdagsaan din ang mga Pilipino sa Philippine Consulate sa New York.

Mula nang maganap ang trahedya, bumuo na rin ang konsulado ng lupon ng Filipino counselors para sa mga
pamilyang balisa at patuloy na naghahanap sa kanilang mga mahal sa buhay.

Isa rin si Gng. Malu Mapa sa mga nakilala ko nang lubusan nitong mga nakaraang araw.

Si Gng. Mapa ang tagapangasiwa ng Children's Services sa City Hall at mismong sa tapat ng WTC ang kanilang
tanggapan.

Matapos tamaan ng eroplano ang unang gusali, agad nagtayo ng headquarters sa ilalim ng twin towers ang
kanyang boss, si Mayor Rudolph Giuliani.

Subalit hindi nagtagal, bumagsak din ang pangalawang gusali kaya't kasama na ang alkalde at si Governor
George Pataki sa mga inilikas.

Ang turistang si Philip naman, unang pasyal sa New York. Kitang-kita niya ang mga pangyayari nang unang
bumangga ang unang eroplano sa gusali.

Makaraan ang ilan pang minuto, ang pangalawang eroplano naman ang sumalpok sa isa pang gusali ng WTC.

Manghang-mangha siya sa mga naglalakihang gusali at hindi niya inaasahan na masasaksihan niya ang pagguho
ng mga ito.

Paghawi sa usok
Habang isinusulat ko ang bahaging ito, tatlong araw na ang nakaraan mula nang maganap ang trahedya.

Umaandar na rin ang karamihan sa pampublikong sasakyan, bukas na rin ang mga paaralan at balik trabaho na
ang mga New Yorkers.

Mismong si Mayor Giuliani raw ang nag-uudyok sa mga mamamayan na bumalik sa dati nilang gawi na para bang
walang naganap na karahasan sa kanilang lungsod.

Subalit ang isang malaking katotohanan, hindi na gaya ng dati ang Manhattan.

Mistulang makapal na usok ang bumabalot ngayon ang kalungkutan sa dating pinakamasayang lungsod sa
Amerika.

Saan ka mang sulok magpunta, susundan ka ng amoy ng sunog at amoy ng kamatayan.

Tauon-taon, daan-daang Pilipino ang nagpupunta sa Estados Unidos. Tinatakbuhan nila ang kriminalidad at
terorismo na tila pang-araw-araw na lamang balita sa Pilipinas.

Subalit ang trahedya ng Setyembre 11 ay isang paalala na walang kinikilalang bansa o hangganan ang terorismo
sapagkat ang multo ng isang bayan ay bangungot rin ng sangkatauhan.

The CORRESPONDENTS OVERSEAS DISPATCHES


www.abs-cbnNEWS.com

http://www.abs-cbnnews.com/images/news/microsites/TheCorrespondents/overseasNY.htm (3 of 3) [23/08/2005 18:44:16]


abs-cbnNEWS.com - The Correspondents

‘Inside Libya: Paglalakbay sa Hilagang Africa’ (3/18/01)


Espesyal na itinanghal ng The CORRESPONDENTS mula sa Tripoli, Libya

Sa imbitasyon ng pamahalaang Libya, nagtungo doon ang The CORRESPONDENTS sa pangunguna ni


Correspondent Abner Mercado upang masilayan ang bansa na di karaniwang naitatampok sa ganitong uri ng
programa.
HOST:
Buntot na lang ng taglamig ang inabutan ni Correspondent Abner Mercado sa Libya at papasok na ang tagsibol.
Doble ang lamig sa kabisera nitong Tripoli kumpara sa Lungsod Baguio.

Ang Libya ay nasa hilagang bahagi ng kontinente ng Africa. Mula Pilipinas, mayroong higit na dalawang oras na
biyahe at stop-over sa Bangkok, Thailand. Mula dito ay mahigit 14 oras naman ang patungong Frankfurt,
Germany, at mahigit dalawang oras ang huling yugto ng flight papuntang Tripoli.

Anim na oras ang abante ng Pilipinas sa Libya. Ibig sabihin, katanghaliang tapat na sa Maynila pero mag-uumaga
Karen Davila pa lang sa Tripoli.

Ang bansang ito ay nasa hangganan ng Dagat Mediterranean na humahati sa kontinte ng Europa at Aprika.

Kahit saan may Pinoy


Sosyalismo na nakayakap sa Islam ang porma ng gobyerno. Sa kahit saang panig ng Tripoli nakapaskel ang
matikas na imahen ng kanilang lider, si Col. Muammar Khaddafi.

Wikang Arabo laganap na ginagamit at swerte na kung may makausap ditong marunong ng wikang Ingles.

Kahit sosyalistang bansa, masasabing walang ipinag-iba ang bayan na ito sa isang demokrasya.

Malaya ang bawat isa pero ang batas ay ang gobyerno at ang gobyerno ay ang mga mamamayan.

Ang pamilihan ay nakabatay pa din sa paggamit ng pananalapi. Dinar ang umiiral ditong pera.

Sa Tripoli nakilala ni Correspondent Abner Mercado si Joseph Mallonga, tubong-Tuguegarao, Cagayan. Noon pang
1983 napadpad sa Libya si Mallonga.

Sa kompanyang Bilfinger siya nagtatrabaho, isang German construction company na nakabase sa Libya.

Siya rin ang pangulo ng komunidad ng mga Pilipino sa Tripoli.

Ayon kay Mallonga, madali niyang naiangkop ang sarili sa mga Libyan at sa kanyang mga among Aleman.

Ngunit aminado siyang mahaba ang prosesong ito at kinailangang magsakripisyo dahil bahagi ito ng kanyang
naging sugal sa ibang bansa.

Pagtatapat niya, kahit pa nakarating siya sa Tripoli, hindi niya kailanman tinalikuran at, sa halip, taas-noong
ipinagmamalaki ang bansang pinagmulan.

Isa lang si Mallonga sa mahigit 5,000 Pilipino na nagtatrabaho sa mga kompanya sa Libya.

Dahil na rin sa bilang na ito at sa patuloy pang paglago ng bilang ng mga Pilipino, kinailangan na ding magtayo
dito ng paaralan.

May 11 taon nang naitatatag ang Philippine Community School (PCS) sa Tripoli.

Sa PCS, mga anak ng mga mangagawang Pilipino ang mga mag-aaral. Ang iba ay dito na ipinanganak.

Ang mga guro ay karaniwang inaangkat -- mula Pilipinas.

http://www.abs-cbnnews.com/images/news/microsites/TheCorrespondents/overseasLIBYA.htm (1 of 3) [23/08/2005 18:44:23]


abs-cbnNEWS.com - The Correspondents

May anim na taon nang nagtuturo sa PCS si Rosalia de la Cruz na taga-Angono, Rizal. Aniya, sa Tripoli niya
natagpuan ang trabahong ipinagkait ng Pilipinas.

Pahayag ni de la Cruz, hindi lang pagiging praktikal ang natugunan ng Libya dahil mas payapa ang buhay niya
dito.

Sa kabila naman ng kanyang paghanga sa Libya, hindi gaanong inuusig ng kanyang damdamin si de la Cruz dahil
nangibambayan man siya, kapwa Pilipino pa rin ang kanyang pinaglilingkuran.

Dito rin sa PCS kilala bilang guro ng wikang Arabo si Jamal Abdalla al-Ghazal. Hindi siya Pilipino ngunit
namamangha ang lahat ng makakakilala sa kanya dahil natagpuan niya ang sarili kapiling ang overseas Filipino
workers (OFWs).

Ang itinuturo niyang wika ay isang required subject sa mga paaralang dayuhan tulad ng PCS.

Ugnayang Tripoli-Maynila
Sa Syrte, lungsod na may isang oras na biyahe mula Tripoli, idinaos ang African Heads of State Summit na siyang
nasaksihan ng The CORRESPONDENTS.

Tulad ng inaasahan, dumagsa ang mga mamamahayag mula sa iba’t ibang bansa na karamihan ay mula sa Africa.
Dumalo din dito si Khaddafi.

Buong pagmamalaking ipinakita ni Khaddafi sa mga mamamahayag pati sa kanyang mga panauhing pinuno ng
bansa ang mga ambisyosong proyekto tuald ng proyektong ilog na gawa ng tao.

Layunin ng proyektong ito na tugunan ang kakulangan sa tubig hindi lang ng Libya kundi ng buong rehiyon. Dito
sa Libya, higit na mahal ang presyo ng tubig kumpara sa langis.

Ngunit sino nga ba si Khaddafi at anong uri siya ng lider?

Taong 1969 nang maluklok sa kapangyarihan si Khaddafi sa pamamagitan ng kudeta na nagpatalsik sa


monarkiya.

Noong una, tumangging kilalanin ng mga mamamayan ang bagong lider ngunit sa paglipas ng panahon ang
pamumuno ni Khaddafi ay sinang-ayunan din ng mga Libyan.

Sa labas ng Libya, sa ibang bahagi ng mundo ay iba ang imahen ni Khaddafi bilang pinuno.

Bago pa si Saddam Hussein ng Iraq at si Osama bin Laden ng al-Qaeda, mayroon nang Khaddafi na terorista sa
paningin ng Estados Unidos at kaalyado nitong bansa.

Noon pa man, konektado na ang pangalang Libya sa terminong terorista. Taong 1992, pinatawan ng parusa ng
United Nations ang Libya upang pilayin nag ekonomiya nito dahil sa pagkanlong ng bansa sa mga terorista.

Nito lang 1999 ito binawi ng U.N. Sa kabila nito, nakapamuhay nang masagana ang Libya at mistulang hindi
lumatay ang parusa.

Naghudyat ng ugnayan ng Pilipinas at Libya sa kasagsagan ng rebelyon as Mindanao noong dekada ‘70.

Isa si Munir Abdullah sa mga nagtungo sa Tripoli noong 1983 upang maging Islamic scholar at, kalaunan,
empleado sa embahada ng Pilipinas. Aniya, madalas din siyang hagupitin ng pangungulila ng Mindanao na
pinagmulan.

Taong 1976 nang idaos sa Tripoli ang usapan sa pagitan ng Pilipinas at Bangsa Moro na tinawag na Tripoli
Agreement.

Sa siyudad na ito sinikap makamit noon ang kapayapaan at ang pagsasarili ng ilang bahagi ng Mindanao.

Ngunit tunay na mailap ang kapayapaan dahil lalong lumubha ang sugat ng Mindanao.

Nalagay sa mapa ng kahihiyan ang Pilipinas sa paningin ng buong mundo dahil sa Abu Sayyaf.

http://www.abs-cbnnews.com/images/news/microsites/TheCorrespondents/overseasLIBYA.htm (2 of 3) [23/08/2005 18:44:23]


abs-cbnNEWS.com - The Correspondents

Pumasok muli sa eksena ang Libya sa pamamagitan ng negosasyon para mapalaya ng mga bihag mula sa isla ng
Sipadan.

Ang anak ni Khaddafi ang siyang personal na nagtungo noon sa Pilipinas ngunit hindi sa ngalan ng pamahalaang
Libya kundi ng foundation na nakapangalan sa kanilang pamilya.

Habang nakakaladkad ang isyu ng Abu Sayyaf, inuulan din ng panunuya ang mga Pilipino sa Libya.

Ayon kay Agnes Quinto, isang OFW, apektado sila ng isyu ng Abu Sayyaf. Kapag naglalakad siya sa kalye, may
mga pagkakataong tinatawag siyang “Abu Sayyaf” ng mga Libyan.

Isa sa mga libangan ng mga Filipino dito sa Tripoli, ang karaoke bar. Pag-aari ito ng isang OFW na taga-Mindanao.
Libre dito ang kumanta pero bawal ang malasing dahil bawal ang alak sa Libya.

Ayon kay Manuel Moran, isang empleado ng embahada ng Pilipinas at laging nagtutungo sa karaoke bar, unti-unti
nang pinupuntahan ng mga dayuhan ang karaoke bar na ito.

Aniya, may nakakasama na rin silang mga dayuhang mahilig kumanta at naghahanap ng pagkaing Pilipino.

Pagtatapat niya, sa oras ng kalungkutan, karaoke bar ang kanyang pinupuntahan. Aminado si Moran na naging
mahirap ang mamuhay nang mag-isa sa Tripoli noong una ngunit ang lahat ay nakakasanayan.

Kung sa Pilipinas, Linggo ang pinakapiyesta opisyal ng mga mamamayan, sa Libya ay Biyernes. Sa araw na ito,
nagtitipon ang komunidad ng mga OFW upang magsaya, maglaro ng tennis at higit sa lahat, magkwentuhan
tungkol sa kanilang mga mahal sa buhay sa lupang tinubuan.

Ang mga OFW na nakapanayam ng The CORRESPONDENTS sa Tripoli ay ilan lang sa mga Pilipino na nag-asam ng
kaginhawahaan at nagsugal ng kanilang kapalaran sa ibang bayan.

Naghangad sila ng pansamatalang masisilungan ngunit dito sa Libya, pangalawang tahanan ang kanilang
natagpuan.

Nangibambayan man sila, iisang tinig na sinabi ng mga OFW na Pilipinas ang tunay nilang tahanan.

The CORRESPONDENTS OVERSEAS DISPATCHES


www.abs-cbnNEWS.com

http://www.abs-cbnnews.com/images/news/microsites/TheCorrespondents/overseasLIBYA.htm (3 of 3) [23/08/2005 18:44:23]

You might also like