You are on page 1of 7

Angel Tristan S.

Lim

Wikang Judoka

Kadalasan, tinitignan ng karamihan ang larong Judo bilang isang larong mababaw. Ang

pagiging agresibo ang kapansin-pansin na damdamin na nangingibabaw dito.Hindi nalalaman ng

tao ang rason kung bakit ba ganito ang mga manlalaro ng Judo. Bakit ba ganito sila kumilos, at

magsalita na tila parating galit? Dahil sa mga maling akala at sa maraming ko’ng katanungan,

ang speech community na aking pag-aaralan ang Judo Team ng Nakatatandang Mataas na

Paraalan ng Ateneo de Manila. Binubuo ang ASHS Judo Team ng labintatlong miyembro: anim

na manlalaro mula sa ika-labing-isang baitang at pitong manlalaro naman mula sa ika-labin-

dalawang baitang. Binubuo ang Judo Team ng mga manlalaro na nag-aaral sa Nakatatandang

Mataas na Paraalan ng Ateneo de Manila. Ang edad ng mga manlalaro ay nagmumula sa

labinlima hanggang labimpito. Tulad ng naibanggit sa simula, marami pang katanungan tungkol

sa Judo, at nais ko’ng matuklasan ang katotohanan at rason kung bakit nga ba nangingibabaw

ang pagiging agresibo sa mga manlalaro ng Judo. Nais ko’ng malaman kung bakit sila kumikilos

at nakikipag-usap sa isang paraan na masasabing kakaiba. Nakilala ko ang Speech Community na

ito dahil sa aking mga matalik na kaibigang kasama sa Judo Team. Naririnig ko palagi ang mga

kuwento nila tungkol sa kanilang pagsasanay at isang araw, napukaw lamang ang aking

atensyon. Nabigla ako sa tindi ng kanilang pagsasanay.

“Ngunit, bakit hindi na lang basektbol, putbol o isang mas kilalang laro?” Sa

pinakasimpleng sagot, hindi gaanong pinag-aaralan ang laro ng Judo at nais ko’ng malaman

kung ano ang epekto nito sa sikolohikal na aspeto ng manlalaro nito. Mahalaga ang pananaliksik

tungkol sa paksa na ito dahil maaaring makadulot ito ng bagong pananaw tungkol sa laro ito.
Mula rito, maaaring mahinuha ang iba pa’ng sikolohikal na aspeto ng iba’t ibang martial arts

dahil, kadalasan, pareho ang intensidad at estilo ng pagsasanay ng mga ito.

Kaugnay nito, nais sagutin ng pananaliksik na ito ang sumusunod na tanong: “Ano ang

mga salitang ginagamit sa larong Judo at paano nito nasasalamin ang sikolohikal na aspeto ng

isang manlalaro?” Base sa mga nakaraang dayuhang pananaliksik tungkol sa larong ito,

nagkakaroon nga ng pagkakaiba sa sikolohikal na aspeto ngunit mas bibigyang-pansin ng aking

pananaliksik ang nangingibabaw na damdamin, ang mga rason o rason kung bakit naaapektuhan

ang damdamin ng mga manlalaro at kung nakakaapekto ba ito sa pananalita at pagkilos nila.

Ayon sa aking pagsuri sa kaugnay na panitikan, naibanggit na nagkakaroon ng pagbabago

sa sikolohikal at pisyolohikal na aspeto ng manlalaro dahil sa mabilisang pagpapayat at pagsasali

sa isang kumpetisyon (Deguotte et al. 5). Kadalasan, kumukuha ng dietary supplements ang mga

manlalaro ng Judo upang makatulong sa pagkakamit sa mithiing timbang para sa kumpetisyon.

Nagiging isa ito sa pangunahing sanhi ng mga pagbabago sa sikolohikal at pisyolohikal sa

aspeto.

Ayon naman sa ng isa pang aralin na nagkakaroon ng pagbabago sa pagiging agresibo

ang mga manlalaro ng Judo. Nagiging mas agresibo ang manlalaro ng Judo kaysa sa ibang

indibidwal na hindi naglalaro dahil sa mga disiplina na itinuturo at sa intensidad na nararanasan

tuwing nag-eensayo o kaya tuwing nasa kumpetensiya (Vertonghen at Theeboom 5). Sa maikling

salita, umiiba ang sikolohikal na aspeto ng manlalaro dahil sa mga karanasan na kasama sa Judo.

Huli, nagkakaroon din ng pagbabago sa ego ng isang bagong manlalaro ng Judo kaysa sa

isang manlalaro na may matagalang karanasan. Mas binibigyang pokus ng isang manlalaro na

may matagalang karanasan ang kanyang ego kaysa sa isang bagong manlalaro. Naitala rin na
may pagbabago sa mga katangian ng: pagiging agresibo, pagiging matakutin, at sa pagbubuo ng

mga pakay (Kavoura et al. 9-11).

Mula sa mga nakaraang pag-aaral, maaaring sabihing nagkakaroon nga ng pagbabago sa

sikolohikal na aspeto, ngunit nakabase ito sa internasyonal na pag-aaral. Dahil iba ang kultura

nating Pilipino, marahil iba rin ang magiging kalabasan. Kailangan aralin ang mga manlalaro ng

Judo sa konteksto ng ating kultura at kung paano rin nahuhubog ang kanilang pananalita.

Upang makakuha ng panibagong datos at impormasyon ukol sa Judo, inobserbahan ko

ang Judo Team tuwing panahon ng kanilang pag-eensayo. Napapansin ang pagbabago sa

sikolohikal at pisyolohikal na aspeto ng mga manlalaro tuwing naglalaro o nag-eensayo sila. Sa

loob ng isa hanggang dalawang linggo, na-obserbahan ko ang mga ensayo ng Judo Team sa

tulong ng kaibigan ko’ng kasapi ng koponan at aking binigyang pansin ang kanilang ugali at

pananalita tuwing naglalaro at nag-eensayo sila. Nais ko’ng makita ang paraan ng kanilang

pananalita at paggamit ng wika tuwing naglalaro sila, kasama na rin ang kanilang ugali, pisikal

na kilos at ang kanilang pagmumukha. Upang mas makilala ko ang mga manlalaro sa isang

personal na nibel, kinaibiganin ko ang ilan sa kanila. Bunsod nito ang isang pagkakataon upang

kapanayamin sila ukol sa karagdagang tanong at paglilinaw tungkol sa nakuhang datos at

impormasyon mula sa pag-oobserba. Nais ko’ng kapanayamin ang mga manlalaro sa isang

karaniwang kapaligiran para rin makumpara ko ang kanilang pananalita, paggamit ng wika,

ugali, pisikal na kilos at ang kanilang pagmumukha sa dalawang magkaibang sitwasyon.

Mula sa mga obserbasyon ko at sa pakikipagpanayam, nakita ko na mayroong

pagkakaiba sa sikolohikal na aspeto ng isang manlalaro ng Judo dahil ang nangingibabaw na

emosyon ay ang pagiging agresibo ng mga manlalaro, nag-uugat naman ito sa tindi ng kanilang
pag-eensayo at sa disiplinang itinuturo sa mga Judoka. Kaugnay naman nito ang mga salita na

ginagamit ng mga manlalaro. Maaaring hatiin ang mga salitang ginagamit sa dalawang

kategorya, mga salitang ginagamit habang naglalaro o nag-eensayo o kaya mga salitang

ginagamit sa labas ng Judo. Para sa mga salitang ginagamit sa loob ng Judo, ang mga salitang ito

ay umuugat sa bansang Hapon. Ginagamit nila ang salitang ito dahil nagmula ang larong Judo sa

bansang ito, at dahil binibigyang halaga ng Judo ang displina, ginagamit pa rin ang mga

tradisyonal sa salitang Judo. Ang mga salitang “Seoi Nage” (shoulder throw), “Ura Nage” (rear

throw), “Uchi Mata” (inner-thigh throw), “Tai Otoshi” (body drop), “Te Guruma” (hand wheel),

“Hajime” (start match), “Randori” (fight), at “Moto Dach” (four rounds straight) ay ang mga

halimbawa sa mga salitang ginagamit sa loob ng Judo. Kadalasan, ang mga salitang ito ay mga

utos o kaya mga kilos na karaniwang ginagawa sa Judo. Napansin ko na ang paraan kung paano

binibigkas ang salitang ito ay palanging pasigaw, marahil dahil ito sa pakiramdam ng galit/

agresibo. Para naman sa salitang ginagamit sa labas ng Judo, hinahalo ito sa pang araw-araw na

pag-uusap. Iilang halimbawa sa mga salitang ginagamit sa Judo ang mga salitang,

“Ippon” (perfect), “Shido” (foul), at “Uchi Komi” (train). Kadalasan, ginagamit ang mga salitang

ito bilang kahalili sa mga katapat nitong salita. Kung kaya, nabubuo ang mga pariralang, “Ippon

siya” (perpekto siya), “Shido na ‘yan” (masama na ‘yan), at “ Tara, Uchi Komi Tayo” (mag-

ensayo tayo). Ang salitang ginagamit sa Judo ay ginagamit pa rin sa loob, ngunit mas madalas na

itong ginagamit sa kaswal na usapan. Dahil ginagamit ito sa kaswal na konteksto, kontrolado ang

paraan ng pagkakabigkas nito.

Para mas maunawaan kung bakit pasigaw ang pagbigkas sa mga salitang ginagamit sa

loob ng laro, kinakailangan balikan ang mga nakaraang pananaliksik. Umuugat ang pagiging
agresibo ng isang manlalaro sa sikolohiya niya na umiiba dahil sa mga karanasan niya sa larong

Judo. Isang halimbawa ang layunin ng laro. Ang pinatutunguhan ng mga manlalaro ay talunin

ang kanilang kalaban sa paraan ng paggagapi sa kanila. Para makamit ito, kinakailangan talaga

na ipakita sa kalaban na mas malakas ka kaysa sa kanya. Kadalasan, ginagawa ito sa pagpapakita

kapootan. Isa pang halimbawa na nararanasan ng mga manlalaro ng Judo ay ang pagkukuha ng

dietary supplements upang sila ay lumaki at maging mas malakas. Nakakaapekto ang pagkukuha

ng dietary supplements dahil sa mga kasangkapang ginagamit dito. Iilan lamang ito sa mga

halimbawa kung bakit ba nakakaapekto ang Judo sa sikolohikal na aspeto ng tao, at ito ang

nagiging rason kung bakit nga ba pasigaw nilang (manlalaro) binibigkas ang mga salita o

parirala. Ngunit, hindi sumasang-ayon ang datos na kinuha ko sa pananaliksik na tumutukoy sa

koneksyon ng sikolohikal na aspeto ng manlalaro at sa tagal ng paglalaro ng isang indibidwal.

Sa kabuuan, ang mga salitang ginagamit ng Ateneo Judo Team ay umuugat sa mga

tradisyonal na salitang Judo (na nagmumula sa Japan), na maihahati naman ang mga salita sa

dalawang kategorya, ang mga salitang ginagamit sa loob ng laro o ensayo (mga utos) at ang mga

salitang ginagamit sa labas ng laro (mga pangkaswal na salita). Ang mga salitang ginagamit ay

sumasalamin sa sikolohikal na aspeto dahil, unang una sa lahat, ang mga utos (na binibigkas na

pasigaw) ay sumasalamin sa kapootan ng mga manlalaro. Isinasalamin ng paraan ng pagbigkas

ang nangungunang damdamin na nararamdaman ng mga manlalaro. Isinasalamin din ng mga

utos at mga pangkaswal na salita ang disiplina, isa pa’ng sikolohikal na aspeto na makikita sa

mga manlalaro. Nakikita ang disiplina sa mga salitang ito dahil napapanatili ang tradisyon ng

orihinal sa salita. Hindi iniiba ang mga salita, ang naiiba lamang ang paraan ng paggamit ng mga

salitang ito.
Mula sa lahat na nakuhang impormasyon at datos, mabubuo ang kaisipan na

nakakaangkop ang mga manlalaro ng Ateneo Judo Team sa iba’t-ibang bagay upang mapadali

ang komunikasyon nila sa isa’t-isa para sa kahit anong rason. Nakaangkop ang mga manlalaro sa

wika dahil nakahanap sila ng paraan upang maiba ang anyo ng tradisyonal na salitang Judo para

maging komportable sa dalawang magkaibang sitwasyon habang napapanatili ang esensya nito at

ang diwa ng disiplina. Sa kabuuan, ipinapakita nito ang pagiging malikhain ng mga Pilipino, na

kinakayang umangkop sa iba’t-ibang sitwasyon o tradisyon na hinaharapan nila at naiiba sa isang

bagay kung saan komportable at nakakaunawa sila. Ipinapakita nito ang kagalingan ng mga

Pilipino na umangkop sa kapaligiran, na kayang ilapat ang dayuhang kaisipan sa kontekstong

Pilipino.

Hindi mababaw ang larong Judo. Nagsisilbi itong paalala sa ating lahat, na tayong mga

Pilipino ay napakamalikhain at napakagaling. Nagsisilbi itong halimbawa sa mga kakayahan

nating mga Pilipino. Bilang katapusan, nais ko lamang maglahad ng isang tanong para sa inyo,

“Ano ang inyong magagawa upang ipakita malikhain ka?”. Paano mo ipapakita sa buong mundo

na ika’y Pilipino? Isang indibidwal na napakagaling at napakamalikhain, at kayang umangkop sa

mga sari-saring sitwasyon.


Sanggunian

Degoutte, F., et al. “Food Restriction, Performance, Biochemical, Psychological, and Endocrine

Changes in Judo Athletes.” International Journal of Sports Medicine, vol. 27, no. 1,

2006, pp. 9–18., doi:10.1055/s-2005-837505.

Kavoura, Anna, et al. “Psychological Research on Martial Artists A Critical View from a Cultural

Praxis Framework.” Scandinavian Sport Studies Forum, vol. 3, no. 2012, ser. 23, 2012.

23.

Vertonghen, Jikkemien, and Marc Theeboom. “THE SOCIAL-PSYCHOLOGICAL

OUTCOMES OF MARTIAL ARTS PRACTISE AMONG YOUTH: A REVIEW,

JSSM-2010, Vol.9, Issue 4, 528 - 537.” http://Www.jssm.org, www.jssm.org/vol9/n4/1/

v9n4-1text.php.

You might also like