You are on page 1of 2

Bago niyo matutungahayan ang dulang aming inihanda ako muna ay tutula tungkol sa aming paksa

upang kayo ay magkaroon ng ideya sa inyong makikita.

Ang tulang ito ay pinamagatan kung opinyon.. Itong tulang ito ay basi sa aking opinyon sa katanungang
saan ba nagagamit ang media?

Media halos lahat alam ang media mapa bata,matanda lolo lola gumagamit na ng media.

Noong ako ay bata pa. Hindi ko maipapag kakailang wala akong muwang sa media. Hindi ko alam kung
ano, para saan at bakit ito kailangan. Ngunit masdan mo ang bagong hinirasyon mga bata ay sa gadget na
ang atensyon. Lahat ay nagbabago dahil wala namang bagay na mananatiling pareho. Mga pag babagong
dalawa lang ang dahilan upang tayo ay tulungan o maging dahilan ng ating kasawian. Media bakit ka ba
na imbento? Para ba kami ay magkakaintindihan o mag kasakitan? Maraming mga katanongan.
Maraming mga dahilan ngunit ang tanong ito ba ay nakaka buti sa mamamayan.

Media partikular sa social media. Social media halos lahat ay may alam. mapa facebook tweeter
instagram at iba pa halos lahat ay may kinalaman. Post ng mga sweet na larawan pero pag iniwan daig pa
ang namatayan may pa caption pa na WALANG FOREVER at MAGPAPAKAMATAY NA DAW at may sad
emoji pa. Ang tanong ito ba ay nakakatulong sa bayan o ikaw ay nanghihingi lang ng simpatya sa
kaibigan. Post ng magagandang larawan, mga pagkain at bakasyonan. Please.. Wag mo naman sanang
masyadong ipaglandakan na ikaw ay mayaman baka sa makalawa ikaw ay nakidnap na niyan. Media ay
ginagamit din sa kasakiman chat sa mga kano upang magkalaman ang bulsa. hindi niyo ba naiisip kung
ano ang kahihinatnan niyan. Like sad happy react ng react sa mga post ng iba pero ang tanong ito ba
talaga ang iyong nararamdaman.

Wag na nga nating pag usapan ang social media at baka ay may natamaan na dumako naman tayo sa
mahalagang parte ng media sa eleksyon. Ang talagang mas mahalagang parte ng aking piyesa.

Eleksyon Oras ng kampanya, mga mababangong salitang galing sa mga kandidatong nag aasam ng boto.
Maraming mga planong inihahayag para daw sa kinabukasan pero ang tanong ito ba ay totoo at talagang
gagawin ng mga mananalo.

Isa sa magagandamg katangian ng media ay ang parte nito sa halalan.


Media ay hindi lang ginagamit sa pangkatuwaan at sosylan ito ay mahalagang sangkap upang malaman
ang impormasyong dapat malaman tungkol sa halalan. Media ay busy sa mga panahong iyan. News sa tv,
radyo social media at news papaer ay nagbabalita sa mga kaganap sa halalan. Debate ng mga kandidato
ay binabalita upang malaman kung karapat dapat ba silang manalo.

Mga politikong malikhain ang daming mga pakulo para manalo. Mga karatulang may mga malalakhing
mukha ng kandidato nakadikit sa mga pasilyo. Mga jingle na pa ulit ulit na nag piplay sa radio at tv Pa ulit
ulit nalang hanggang sa hindi mo na namamalayan ito ay iyo ng nasa ulo..Mga pamaypay. tarpolin
kalindaryo at towel na may mukha ng kandidato na ipinamimigay sa tao. Talagang ang babait ng mga
kandidato sa oras ng kampanya. Ngumingiti at nakikipag kamay sa mahihirap para makita sa tv para
sabihing ang bait na niyang talaga pero lagi kong naiisip na ito ba ay totoo o pakitang tao. Mga politikong
ginwanang kasangkapan ang Media para sila ay makilala at i boto. Sa oras talaga ng eleksyon nagigiging
malikhain ang mga politiko.

Oras ng pag boto ay dadating. Mga taoy naghahanda para bumuto .Media ay hindi papahuli.News sa tv
radio at dyaryo at social media para malaman ng sambayanan ng mga kaganapan sa ibat ibang syudad at
bayan. Patuloy na nagbabalita upang maging matiwasay ang halalan. Lahat ay naghihintay kung sino ang
mananalo. Lahat ay may kaniya kaniyang pambato pero talagang may nanalo at natatalo. Parang pag ibig
lang yan kahit anong effort mo pa minsan minsan talaga ikaw ay natatalo.

Media ay mahalaga, nag babalita at nagbibigay ng impprmasyon para sa katahimikan. Ngunit malungkot
isiping may mga balitang nagpapa galit sa ating kalooban. Mga kandidatong bumibili ng boto binabalita
upang malaman ng publiko at mapag isipang mabuti kung siya ba ay karapat dapat na i boto.

Media tulay sa komunikasyon at gamit para makakuha ng bagong impormasyon. Media tulay para
magkaroon ng pantay pantay na pananaw sa eleksyon. Sangkap sa matiwasay at maayos na eleksyon.

Media ay mahalaga, gamitin sa tama upang makatulong sa kapwa.

You might also like