You are on page 1of 2

Sa pagsisimula nya sa kanyang pang apat na State of the Nation Address (SONA),

Madaming naisalaysay ang ating Presidenteng si Rodrigo Roa Duterte noong ika-22 ng
Hulyo 2019. Isa sa mga ito ay tungkol sa West Philippine Sea na siyang inaangkin nga
bansang China. Maraming naiintriga dahil ang ating mangingisda ay pinapaalis ng mga
Tsino sasarili nating karagatan. Ipinahayag ng pangulo na kung tayo ay aatake o
magbibitaw ng salita, hindi natin alam kung ano ang igaganti nga mga Tsino.Pinaka
unang bagay na hiniling ng Pangulo sa Kongreso sa kanyang pagsasalita ay upang
ibalik ang parusang kamatayan para sa mga kasuklam-suklam na krimen na may
kaugnayan sa iligal na droga at pandarambong.Sa kanyang estado sinabi niya “Tatlong
taon na ang nakalipas mula noong kinuha ko ang aking panunungkulan, at nasasaktan
ako na sabihin na hindi namin natutunan ang aming aralin. Ang patuloy na problema sa
iligal na droga. Nagpapatuloy ang katiwasayan at pinalalakas ang lakas ng loob na
kailangan natin upang mapanatili ang mga pagkukusa sa moral na pagbawi.”. Parusang
kamatayan para sa mg aka suklam-suklam na krimen, Para sa aking opinyon Kilala ang
Pilipinas bilang isang Katolikong bansa, bansang nakasentro sa paniniwala sa Diyos at
pagsunod sa utos nito. Ngunit sa kabila nito hindi pa rin maiiwasan ang mga karumal
dumal na krimeng gawa ng mga taong walang takot sa Diyos at sa batas, mga krimeng
kinabibilangan ng pagpatay, panggagahasa, pagnanakaw at marami pang iba. Ang
bawat krimeng ito ay may katumbas na kaparusahan kung saan ang sintensyang
pagpatay ang pinakamalupit na kaparusahan. Ilang taon lang ang nakalipas ng ang
batas sa pagpatay ay patayin, ipinawalang bisa.
Ang pagbalik sa batas na ito ay muli na namang umalingawngaw kamakailan lang,
marami nanamang isyu at usapan ang nagkalat. Ang balita ukol rito ay siya mong
maririnig sa radio, makikita sa pahayagan at mapapanuod sa telibisyon. Isang malaking
komosyan idinnulot pag-asa sa mga naghahanap ng hustisya at kasawian sa mga
nagkasala. Isa sa dahilan kung bakit ang tao ay nakakapatay ng tao ay dahil narin sa
illegal na droga, nararapat lamang na sugpuin ang mga taong nagbebenta ng mga
druga.
Ang Republic Act No. 7659 o mas kilala bilang ang Death Penalty Law, isang
kaparusahan na syang ipinapataw para sa mga taong nagkasala at lumabag sa batas,
pinakamataas na parusa na wala sinuman ang nagnanais. Ito’y isang sintensyang
nalimot na sa nagdaang panahon ngunit ngayo’y nais magbalik. Sa batas na kaya na ito
malilinis an gating bansa o wala lang ito sa mga criminal.
Sa muling pagalingawngaw ng parusang ito, maraming isyu ang bumulalas, mga panig
na may iba’t ibang pananaw ukol rito. Katarungan nga ba ang dulot ng death penalthy
para sa mga naghahanap ng hustisya, paglabag sa karapatang pantao o isang
kasalanan sa mata ng Diyos. Ang pagpatay ay isang malaking kasalanan pero, ang
ipagpa tupad ang death penalty ay malaki ng kasalanan sa Diyos.Korapsyon isa sa
mga sinabi nya sa kanyang SONA. Korapsyon ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi
umuunlad ang ating bansa, bakit nga ba hindi umuunlad ang ating bansa. Maraming
nakakapagsabi na mayaman daw ang ating bansa sa ibat ibang klase ng yaman gaya
na lamang ng yamang dagat sagana tayo sa mga ibat ibang isa at mayaman din tayo
sa ibat ibang mineral at mga pampalasa. Pero dahil daw sa maling pamumuno dito di
raw nalinang at napaunlad ang mga yaman na ito kaya di ito nakatulong sa pag unlad.
Pero para sa aking sariling palagay hindi lamang ang namumuno ang tanging may
kasalanan pati rin ang mga mamamayan na walang ibang ginawa kung di magreklamo
ng magreklamo. Pano na lamang uunlad ang Pilipinas? kung mga simpleng batas ay di
man lang matutunang sundin. Gaya na lamang ng pagtatapon ng basura sa tamang
basurahan at pagtawid sa tamang tawiran
Atin nalang isipin kung mga simpleng batas ay ating nasusunod edi mag mumukhang
malinis at maayos tignan ang ating bansa at tataas ang tingin sa atin ng mga ibang
bansa .Pwede rin itong mag dulot ng maganda kung mananatiling malinis ang ating
bansa maari ring tumaas ang turismo sa ating bansa na mag reresulta ng unti unting
pag-unlad ng bansa.
Si Presidente Rodrigo Roa Durtete ay ang pangulo na may maraming mga pangako at
desisyon sa ating bansa. Siya ang taong nagtutulak sa sarili upang patunayan ang
ibang tao na siya ay katumbas ng halaga. Para sa akin siya ay hindi isang perpektong
pangulo ngunit naniniwala ako sa kanya, dahil mayroon siyang lakas ng loob na ituloy
ang kanyang mga layunin para sa mga pagbabago ng ating bansa. Napagtanto ko na
dapat nating piliin ang tamang tao sa tamang posisyon dahil ito ay hindi para sa ating
sarili kundi para sa maraming tao na naninirahan sa Pilipinas. Ang aking reaksyon ay,
umaasa ako na humahanap sila ng mas maraming isyu sa ating bansa na inaprubahan
ng mga senador dahil sa aking panig ay nakikinig lamang sila sa mga isyu sa lunsod
ngunit hindi nila natagpuan ang mga taong nasa kanayunan na mayroon din silang mga
alalahanin problema . Bilang karagdagan, inaasahan ko na ang lahat ng kanilang
pangako sa SONA ay makapagpabago sa ating bansa sa isang mas mahusay at mas
pinahusay na pagkakaisa sa bawat isa at sa lahat

You might also like