You are on page 1of 4

July 16,2019

LESSON PLAN
in
ARALING PANLIPUNAN 5
(Integration: ESP, Musika, Sining)

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ang mapanuring pag-unawa at kaalaman sa kasanayang
pangheograpiya, ang mga teorya sa pinagmulan ng lahing Pilipino upang mapahalagahan
ang konteksto ng lipunan/ pamayanan ng mga sinaunang Pilipino at ang kanilang ambag
sa pagbuo ng kasaysayan ng Pilipinas
B. Pamantayan sa Pagganap
Naipamamalas ang pagmamalaki sa nabuong kabihasnan ng mga sinaunang Pilipino
gamit ang kaalaman sa kasanayang pangheograpikal at mahahalagang konteksto ng
kasaysayan ng lipunan at bansa kabilang ang mga teorya ng pinagmulan at pagkabuo ng
kapuluan ng Pilipinas at ng lahing Pilipino
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto
Naipagmamalaki ang lipunan ng sinaunang Pilipino
-Natatalakay ang mga uri ng lipunan sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.
AP5PLP-if-6

II. NIALAMAN
Mga Sinaunang Lipunang Pilipino

III. KAGAMITANG PANTURO


A. Sangunian: AP 5 :Pilipinas Bilang Isang Bansa TM pp. 23-27
AP 5:Pilipinas Bilang Isang Bansa TX pp. 62-85
B. Kagamitan: lobo, puzzle pieces na larawan, mga larawan, video clip, powerpoint,
task card

IV. PROCEDURES
A. BAYANItaan
“Tampok na Bayani”
Sino ang ating tampok na bayani ngayong buwan ng hulyo?
Ano ang kanyang naiambag sa kasaysayan ng Pilipinas?

B. Review
“Putukan na!”
Habang tumutugtog ang musika ay pagpapasapasahan ng mga bata ang lobo.
Kapag tumigil na ang tugtog, kung sino ang batang may hawak ng lobo ay
puputukin nia ito upang makuha ang katanungan sa loob ng loob. Sasagutin ng mag-
aaral ang katanungan.
1. Ayon sa bibliya, sino-sino ang mga unang tao sa mundo?
2. Ayon sa siyentipikong si Charles Darwin, anong hayop ang pinagmulan ng
ebolusyon ng tao?
3. Sino ang may akda ng teorya ng Wave Migration?
4. Ayos sa teorya ng Core population ni Jocano, magbigay ng isang pangkat ng tao
na namuhay sa Pilipinas.
5. Anong teorya ang inilathala ni Peter Bellwood?

C. Paghahabi sa layunin
“Jigsaw Puzzle”
Tumawag ng apat na pares na mga mag-aaral. Bawat pares ay mag-uuna-unahan
na buuin ang puzzle pieces na nasa loob ng envelope.
(larawan ng (A)Datu, (B)maharlika, (C)timawa, (D)alipin)

D. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin


Bago magsimula ang talakayan ay itanong sa mga bata ang mga dapat gawin sa
oras ng klase.
Ipakilala sa mga bata ang antas sa lipunan ng mga tao sa larawan
(larawan ng (A)Datu, (B)maharlika, (C)timawa, (D)alipin)

E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1


Gamit ang “concept box” ay bubunot ang mga mag-aaral ng isang konsepto o
paglalarawan at ididikit niya sa ilalaim ng larawan na nagpapakita ng antas ng tao
sa sinaunang lipunan.
Gamit ang powerpoint presentation, talakayin ang paksa na Antas ng Tao sa
Sinaunang Lipunan.

F. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2


Upang mas mapagyaman ang kaalaman ng mga mag-aaral, magpapanood ng
isang maikling video tungkol sa paksa.
Pagpapahalaga:Nararapat ban a ikahiya o ipagmayabang mo ang iyong katayuan
sa lipunan?Bakit?

G. Paglalahat
Ano-ano ang mga antas ng tao sa sinaunang lipunan? Ilarawan ang bawat isa.

H. Paglalapat
Bago ang pangkatang gawain, itanong sa mga mag-aaral ang mga dapat at di
dapat gawin sa pagpapangkatang gawain.
Group Activity (Task Card)
Pangkat 1:
Gumawa ng maikling rap na nagpapakita ng iba’t ibang antas ng tao sa lipunan

Pangkat 2:
Talakayin ang pagkakaiba ng aliping saguiguilid at aliping namamahay

Pangkat 3:
Talakayin ang mga responsibilidad ng mga timawa sa lipunan

Pangkat 4:
Talakayin ang mga tungkulin ng datu

I. Pagtataya
Sagutin ang mga sumusunod na tanong

J. Takdang aralin

Prepared by:

Subject Teacher, AP 5

Checked:

You might also like