You are on page 1of 3

Florante at Laura

Sa isang nasirang kaharian may dalawang magigiting na


mandirigma na ang pangalan ay Lorante at Ladin ang
nag-lalaban para sa kani-kanilang kaharian ngunit bago ito
mangyari ang mga kaharian nila ay magkaka-alyansa ngunit
dahil napatay ni Ladin si Lerida na pinakamamahal ni Lorante
sila ay naglaban. Ngunit nagsimula ang lahat pagkatapos
makasal sila Florante at Laura at Alladin at Flerida. Sila ay
nagkaroon ng sariling mga anak. Ang pangalan ng anak ni
Florante at Laura ay Lorante siya ay isang
masiyahin,makulit,pala biro at pala kaibigan habang ang anak
nila Alladin at Flerida ay si Ladin siya naman ang kabaliktaran
ni Lorante, si Ladin ay may nakatatandang kapatid ang
kanyang pangalan ay si Yato, si Lorante at si Ladin ay
magkaribal sa halos lahat ng bagay ngunit kahit ganito sila
matalik na magkaibigan pa rin ang dalawa. Sa pagpasok sa
eskuwelahan hinati-hati sila sa pitong grupo na merong tatlong
kasapi ang isang grupo at isang guro kada grupo. Ang mga
grupo ay halos binubuo ng mga estudyanteng magkakatulad
ang pinanggalingang kaharian. Ang huling grupo ay binubuo ni
Lorante,Ladin isang misteryosong babaeng at ng kanilang guro
na si Tenor siya ang anak ni Atenor ang guro ni Florante. Ang
unang ginawa ni Lorante ay nagpakilala at pagkatapos ay
sinundan ni Ladin at huli ang misteryosong babae na ang
pangalan ay Lerida. Sa pagbalik ni Tenor binigyan sila ng
unang pagsubok ni Tenor upang malaman ang kanilang mga
kahinaan at kalakasan ng isa’t isa sa kanilang tatlo sila ay
dapat makasagot sa mga katanungan ngunit upang masagot
nila ang katanungan dapat nilang makuha ang dalawang maliit
na bell na hinahawakan ni Tenor. Sa pagsubok na ito nagsarili
sila Lorante at Ladin na parang nag uunahan kung sino
makaka sagot ng katanugnan at maka kuha ng bell. Habang
ang dalawa ay pinipilit kunin ang bell si Lerida naman ay
nagtawag ng mga mga hayop na nasa paligid upang siya ay
tulungan habang si Ladin ay nakakuha ng isang bell dahil sa
taglay na bilis at liksi dahil bata pa lang siya tinuturuan at
sinasanay na siya ng kanyang ama. Ang kawawang si Lorante
ay nakakuha ng parusa dahil dito siya ay dapat maglinis ng
kanilang silid-aralan ng walang tulong kahit kanino, ngunit si
Ladin at Lerida ay hindi makapagpigil na hindi tumulong kaya
pasikreto silang tumulong kay Lorante ngunit hindi nila alam na
binabantayan pala ni Tenor si Lorante na nasa kabilang kwarto
nahuli ni Tenor ang dalawa na tumutulong kay Lorante sa
paglilinis, binati ni Tenor silang tatlo at sinabing “totoong
masamang lumabag sa tuntunin pero mas masamang iiwan o
pabayaan ang kapwa”. Sa pag-uwi pumunta muna si Ladin sa
palasyo nila Lorante upang maglaro ngunit sa pagdating nila
iba ang sumalubong sa dalawa isang nakahandusay na babae
na si Laura at dalawang kawal na puno ng dugo kaya ang
dalawa ay na alerto at kumuha ng mga armas na nasa patay
na kawal. Pagpasok nila nakita nila si Florante na
nakikipaglaban sa isang lalakig nakatakip ang mukha sa sa
sobrang galit ni Lorante sumugod siya ng hindi nag-iisip siya ay
na bihag at ginawang panangga kay Florante at dahil dito
natalo si Florante hinampas ng bandang hawakan ng espada
kaya nawalan ng malay si Lorante at sa huling saglit ni Florante
natanggal niya ang telang nakatabon sa lalake na si Yato
pagkakita ni Ladin sa kanyang nakatatandang kapatid tinanong
niya ito bakit niya ginawa ito, ang sagot naman niya dahil sa
pera sinuntok ni Ladin si Yato sa sobrang galit at hinampas ng
bandang hawakan ng kanyang espada kaya nawalan ng malay
si Ladin sabay alis si Yato. Pagkatapos mailibing at
makoronahang hari si Lorante siya ay nagsanay ng paggamit
ng dalawahang maiksing espada habang si Ladin naman ay
nakoronahang hari pagkatapos mamatay ang kanyang ama
dahil sa sakit. Si Ladin ay nag sasanay sa paggamit ng isang
mahabang espada. Si Lerida naman ay nagsanay ng mahika
kasama ng mga makakapangyarihang nilalang kaya niyang
palabasin at krontrolin ang mga harpias atiba pang mga hayop
sa paligid. Sa pag muling pagkikita ng ika-pitong grupo sila ay
nagkamustahan kung ano ang nangyari sa kanikanilang
ginagawa,at sa pagkikitang ring ito nalaman ni Lorante nasi
Yato ang pumatay sa kanyang mga magulang. Sa araw ring
iyon nakita ni Lorante si Yato, sa paglabas ng katotohanan ay
ganun diin ang dalawang espada ni Lorante kung saan
naglaban si Yato at Lorante sa harap ng palasyo at pagka alam
ni Ladin sa pangyayari dali-dali siyang lumabas at tumulong
ganun din si Lerida na tinawag ang mga harpias. Sa pagkatalo
ni Yato kinuha niya si Lerida upang maging bihag sa paglusob
ng dalawa wala silang magawa sapagkat hawak ni Yato si
Lerida at sa pagsugod ni Ladin nasaksak niya si Yato at si
Lerida. Nagalit at naglaban ang dalawa hanggang namatay sila
dalwa sa pagsaksak ng sabay sa isa’t isa.

You might also like