Professional Documents
Culture Documents
Don Honorio Ventura State University: College of Social Sciences and Philosophy
Don Honorio Ventura State University: College of Social Sciences and Philosophy
Psychology 2-E
Iba’t-ibang depinisyon ng Panitikan
May iba’t ibang mga manunulat at mga dalubahasang Pilipino ang nagbigay ng
kahulugan sa panitikan ayon sa kanilang pananaw bilang mamamayan ng Pilipinas. Kabilang sa
mga ito sina Jose Arrogante, Zeus Salazar, at Patrocinio V. Villafuerte, bukod pa sa iba.
Noong 1983, para kay Arrogante, isang talaan ng buhay ang panitikan kung saan
nagsisiwalat ang isang tao ng mga bagay na kaugnay ng napupuna niyang kulay ng buhay at
buhay sa kanyang daigdig na kinabibilangan. Ginagawa ito ng isang tao sa pamamagitan ng
malikhain pamamaraan.
Noong 1995, inilarawan ni Salazar ang panitikan bilang isang lakas na nagpapagalaw sa
lipunan. Dinagdag pa niyang isa itong kasangkapang makapangyarihan na maaaring magpalaya
sa isang ideyang nagpupumiglas upang makawala. Para sa kanya, isa rin itong kakaibang
karanasang pantaong natatangi sa sangkatauhan.
Uri ng Panitikan
g. Dula – isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo.
Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado.
c. Epiko – isinalaysay ang kabayanihan atpakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban
sa mga kaaway na kadalasang hindi mapaniwalaan dahil sa mga tagpuang
makababalaghan at di-kapani-paniwala.
Panahon ng Katutubo
Bago pa man dumating ang mga Kastila sa Pilipinas, mayroon nang sining at panitikan
ang mga sinaunang Pilipino. Karamihan sa mga panitikan nila’y yaong mga pasalin-dila gaya
ng mga bulong, tugmang-bayan, bugtong, epiko, salawikain at awiting-bayan na anyong patula;
mga kwentong-bayan, alamat at mito na anyong tuluyan at ang mga katutubong sayaw at ritwal
ng babaylan bilang pinakaunang anyo ng dula sa bansa.
Karamihan sa mga panitikang ito ay pasalin-dila. May mga panitikan ring nasulat sa mga
piraso ng kawayan, matitibay na kahoy at makikinis na bato. Ngunit iilan na lamang ang mga
natagpuan ng mga arkeologo (archeologists) sapagkat batay sa kasaysayan, pinasunog at pinasira
ito ng mga prayle nang dumating sila sa bansa sa paniniwalang ang mga ito ay gawa ng
demonyo.
Pananakop ng Kastila
Dumating ang mga Kastila sa bansa taglay ang tatlong Gs – GOD, GOLD at GLORY.
Dumating sila na ang pangunahing layunin ay ihasik ang Kristiyanismo, maghanap ng ginto at
upang lalong mapabantog sa pamamagitan ng pagdaragdag ng kanilang nasasakop. Mahahati ang
panitikan sa dalawa sa panahong ito: una ay pamaksang pananampalataya at kabutihang-asal at
ang ikalawa ay ang panitikang panrebolusyon.
(1) Panitikang Pamaksang Pananampalataya at Kabutihang-asal
Sa panahong ito, piling-pili lamang ang nakasusulat sapagkat wikang Kastila lamang ang
kinikilala sa ganitong larangan. Kaunti lamang ang nakasusulat sa Kastila dahil sa pagpipigil, sa
nadaramang takot at pagiging madamot ng mga Kastila. Sa panahong ito nalimbag ang
pinakaunang aklat sa bansa; ang Doctrina Christiana na nalimbag noong 1553 na isang
panrelihiyong aklat.
Ang pasyon ang isa sa patulang anyo na makarelihiyon. Samantalang ang mga dula sa
nama’y ang mga senakulo, Santa Cruzan, at tibag. Ang mga dulang Moro-Moro naman ay
pumapaksa sa tagumpay ng mga Kastila, isinasadula rito ang mga himagsikan sa pagitan ng mga
sundalong Kastila at mga Muslim sa Mindanao at sa wakas ng dula, palaging nagwawagi ang
Kastila at talunang niyayakap ng mga Muslim ang Kristiyanismo. Nauso rin ang carillo o mga
dulang puppet na yari sa karton na gumalaw sa likod ng isang mailaw at puting tela.
Ang mga panitikan namang ukol sa kabutihang-asal ay ang Urbana at Feliza ni Padre
Modesto de Castro.
Nalimbag rin sa panahong ito ang pinakaunang newsletter sa bansa noong 1637 – ang
Successos Felices (Fortunate Events) ni Tomas Pinpin na may 14 na pahina. Ngunit noong
Agosto 8, 1811 lamang nalathala ang pinakaunang pahayagan sa bansa – ang Del Superior
Govierno na umabot hanggang labinlimang tomo.
Dahil sa mahigpit ang pamahalaan, nagsitago ang mga manunulat sa ilalim ng iba’t ibang
sagisag-panulat upang maprotektahan ng mga sarili laban sa mapang-alipustahang Kastila at
upang patuloy na makasulat.
Ang pambansang bayaning si Dr. Jose P. Rizal na may sagisag-panulat na Laong Laan ay
naging bahagi ng pahayagang La Solidaridad; at ang may-akda ng mga nobelang Noli Me
Tangere at El Filibusterismo na unang nalimbag at nalathala sa Espanya at naging mitsa sa mga
rebolusyonaryong Pilipino na mag-aklas laban sa mga Kastila. Sumulat din si Rizal ng mga
sanaysay gaya ng Hinggil sa Katamaran ng mga Pilipino at Sa Mga Kabataang Dalaga sa
Malolos.
Ang mga bayaning sina Marcelo H. Del Pilar (na may sagisag-panulat na PLARIDEL),
Graciano Lopez-Jaena, Antonio Luna, Mariano Ponce, Pedro Serrano Laktaw, Emilio Jacinto,
Apolinario Mabini, at marami pang iba ay nagsisulat din.
Pananakop ng Amerikano
Dahil sa pagnanais ng mga Pilipino na mapatalsik ang mga Kastila, naging tagapagsagip
ang mga Amerikano nang dumating sila noong 1898 na tuluyang nagpabagsak sa pamahalaang
Kastila. Kung relihiyon ang naging pamana ng mga Kastila sa Pilipino, edukasyon naman ang
naging pangunahing ipinamana ng mga Amerikano. Sa panahong ding ito isinilang ang mga
ilang imortal na makatang Pilipino na nagsisulat sa Ingles at Tagalog.
Sa mga unang taon ng pananakop ng Amerikano sa bansa, sumulat ang mga Pilipino sa
Kastila, Tagalog at iba pang wikang panlalawigan. Nagsimula lamang umusbong ang mga
panitikan sa Ingles noong 1910 dahil sa mga bagong silang na manunulat.
Kabilang sa mga manunulat sa panahong ito sina Cecilio Apostol na sumulat ng mga oda
para kay Rizal; Claro M. Recto na naging tanyag sa kanyang natatanging mga talumpati; si Lope
K. Santos na sumulat ng obra-maestrang “Banaag at Sikat” at nagpauso ng panitikang sosyalista;
si Jose Corazon de Jesus na tinaguriang Makata ng Pag-ibig at may panulat-sagisag na ‘Huseng
Batute;’ at si Jose dela Cruz na may panulat-sagisag na ‘Huseng Sisiw’ dahil sisiw ang
ipinababayad kapag nagpapagawa sa kanya ng tulang pag-ibig; si Severino Reyes na sumulat ng
imortal na dulang “Walang Sugat” at tinaguriang Ama ng Dulang Tagalog; si Zoilo Galang na
pinakaunang nobelistang (A Child of Sorrow) Pilipino sa Ingles at maraming-marami pang iba.
Ang mga Amerikano ang nagpakilala ng mga fairy tale sa mga Pilipino na ginamit ng
mga gurong Tomasites sa pagtuturo.Ipinakilala rin ng mga ito ang iba pang uri (genre) ng
panitikan gaya ng oda at nagpakilala sa pinilakang-tabing – ang pelikula.
Ang mga unang pelikulang ginawa sa bansa ay halos mga dokumentaryo ukol sa
pagsabog ng mga bulkan at iba pang kalamidad at ang iilang dokumentaryong bunga lamang ng
pagka-ignorante ng mga Amerikano sa mga katutubong Pilipino.
Ang mga unang pormal na pelikula sa bansa ay ukol sa buhay ng bayaning si Rizal at ng
kanyang dalawang nobela. Ang pinakaunang pelikulang Hollywood na ginawa sa bansa ay ang
pelikulang Zamboanga. Ito ang kauna-unahang Hollywood film na may underwater scene.
Ngunit ang pinakaunang pelikulang produksyon ng Pilipino ay sa pamumuno ni Jose
Nepumuceno hango sa dulang panteatrong Dalagang Bukid (dula ni Hermogenes Ilagan) na
malateatro rin ang kinalabasan.
Isa sa mga unang dulang itinanghal sa panahon ng mga Amerikano na umuusig sa mga
Amerikano at sedisyoso ay ang kay Juan K. Abad na itinanghal noong Mayo ng 1903 – ang
Tanikalang Ginto. Inakyat ng mga alagad ng batas ang Batangas habang itinatanghal ang dulang
ito dito at dinakip ang may-akda. Ngunti napawalang sala rin sa tulong ng isang mahusay na
manananggol na Pilipino. Ang dulang Kahapon, Ngayon at Bukas ni Aurelio Tolentino ay
tumuligsa rin sa Amerikano. Ngunit pinakamatindi ang paghihimagsik ng dulang “Hindi Ako
Patay” na hindi na nakilala ang may-akda dahil sa ginamit nito ang pangalan ng kanyang may-
bahay.
Pananakop ng Hapon
Dahil sa dinalang haiku (maikling tulang may tatlong taludtod at may bilang na pantig na
5-7-5 sa taludtod), nagkaroon ang mga Pilipino ng tanaga (maikling tulang may apat na taludtod
at ang bilang ng pantig ay 7-7-7-7).