You are on page 1of 3

Ang Kadayawan ay isang pistang ipinagdiriwang

sa lungsod ng Dabaw sa Pilipinas. Ang pistang ito


ay ipinagdiriwang sa ikatlong linggo ng Agosto. ang
kapistahang ito ay pinalitan ng “Kadayawan” upang
ipagdiwang ang masaganang ani ng Davao.
Hanggang ngayon ang “Kadayawan” ay patuloy na
ipinagdiriwang upang parangalan ang lungsod na
mayaman sa iba’t ibang artistikong kultural at
makasaysayang pamana sa isang enggrandeng
pagdiriwang ng pasasalamat. Ang kapistahang ito
ay dinadayo ng mga Pilipino mula sa iba’t ibang
sulok ng Pilipinas at dinadayo rin mga dayuhan
upang makisaya sa napakalaking selebrasyon na
ginaganap tuwing buwan ng Agosto.
Ang mga kalalakihan ay nagsusuot ng pang-itaas na damit na
kung tawagin ay Saul Laki at ang kanilang pang-ibabang
kasuotan ay tinatawag na Salwal B’laan.
Mula sa Tribong B’laan ng Mindanao. Ang mga kababaihan
naman ay nagsusuot ng pang-itaas na damit na kung tawagin
ay Saul S’lah at ang kanilang pang
ibabang kasuotan ay tinatawag na Dafeng. Gumagamit sila ng
mga maliliit na beads at tila sequins na mula sa kabibe ang tawag
nila dito ay Takmon bilang palamuti.

Ang mga kalalakihang Yakan ay nagsusuot ng pang-ibabang


kasuotan na “sawal” ito ay isang tila pantaloon na masikip at
banat, pang-itaas namasikip at banat na kung tawagin ay “badyo”,
mayroon din silang tela na panali sa ulo na tinatawag na “kandit”.

Ang mga kababaihang Yakan ay nagsusuot ng “sablay”o “habol”


isang malaking piraso ng telana isinusuot sa katawan na kalaylay
sa balikat o kaya ay “patadyong” na isinusuot mula baywang
hanggang sa ibaba. Ang mga ito ay nagsusuot din ng masikip at
banatnablusana may palamutingbutones at angibanaman ay
nagsusuot ng mgablusang may maluwangnamanggas.

Ayon sa kanilang tradisyon ang


karaniwang kasuotan ng mga Badjao ay ang
patadyong. 'to ay maraming gamit. Ito ay sinadyang Malaki
ang yari upang kumasya sa parehong babae o lalaking
magsusuot. Ang ibang kababaihan ay nagsusuot ng blusang
may maluwag na manggas.
NAKED ISLAND

Ito ay isang isla kung saan wala kang makikitang mga


puno kundi malinaw na tubig at puting buhangin lamang.
Ito ang pinakamagandang lugar para lumangoy, ngunit
inaasahan namang napakainit ng lugar dahil wala kang
masisilungan. Kaya huwag kalimutang magdala ng
sunblock. Matatagpuan ang Naked Island sa tinaguriang
“Surfing Capital of the Philippines.” ang Siargao, Surigao
Del Norte, Mindanao.

ENCHANTED RIVER OF HINATUAN

Matatagpuan ang mahiwagang ilog na ito sa probinsya


ng Surigao del Sur sa Mindanao, na siyang
nakapagpapabihag ng mga turista dahil sa pagiging
malinis, parang kristal dahil sa kalinawan na makikita
mo ang kailaliman nito, maaasul na tubig na dumadaloy
patungong karagatang Pasipiko. Paniniwala ring ang
tubig-alat ng ilog na ito ay mapaghimala at meron ring
mas kabigha-bighani maliban sa kagandahan nito.

MT. APO
Ang Mount Apo ay matatagpuan sa Isla ng Mindanao.
Ito ay may taas na 2,954 m(9,692 ft) Ito ang
pinakamataas na bundok sa buong Pilipinas. May anim
na grupo ng mga katutubong Pilipino ang nakatira
dito. Dinadayo ito dahil sa pagakyat sa tuktok nito o
"mountain climbing" ito ang kadalasang ginagawa sa Mt.
Apo lalo na ang mga dayuhang turista.

You might also like