You are on page 1of 1

SABAYANG PAGBIGKAS

Wika, ito ang kaisahan ng tao,


Mula sa kultura, hanggang sa salita,
ito’y nagpapakita ng pagkatao,
Hindi lang sa buhay, patirin sa gawa.

Tanong ko lang, Ikaw ba ay Pilipino?


Ang Wika mo ba ay isang katutubo?
Ikaw ba’y nagtatagalog o bisaya?
Ano sa tingin mo sayo’y nakatala?

Sa biglang pagdating na di inasahan,


Diri ak maaram namaabot ngay-an,
Nang banyaga ay mangbago ng salita,
Ngan an banyaga bag-o san salita.

Kinulong sasariling pinanggalingan,


Napreso sa lugaring nagigikanan,
Pero di maawat ang kalooban,
Dili gayud mapugngan ay iyong dughan.

Sa pagsakop ng banyaga sating bansa,


Tayo’y lumaban,upang maging Malaya,
Nagkaisa ang lahat ng Pilipino,
Ngunit bakit ba tayo nagkaganito?

Bakit ng ba tayo nagpapaalipin?


Sa iba’t ibang wikang hindi saatin?
Tila nasayang ang ating pagkatao,
Ngunit hindi dapat tayo magpatalo.

Nakalaya tayo sa mga banyaga,


Matapos ang madugong pakikidigma,
Sa wakas ang ating bansa’y nakalaya,
Namulat muli, ating mahal na wika.

Bigyan ng importansya ang ating wika,


At huwag nating hahayaang mawala,
sapagkat ito lamang ang ating yaman,
Na hindi maaagaw ng kung sino man.

You might also like