You are on page 1of 1

Ang Trahedya ng Masa

By: Dwight B. Ciervo

Mula sa pagtaas ng temperatura hanggang sa paglaganap ng usok sa atmospera ay


nararanasan na ng mga mamamayan sa kanilang araw araw na pamumuhay . Ito ay nagsiklab ng
debate sa masa kung ano ba at sino baa ng dapat sisihin sa kalagitnaan ng mga suliraning ito.

Ang Trahedya ng Masa o Tragedy of the Commons ay isang pilosopihang pagiisip tungkol
sa epekto ng magpagindibidwal ng lohika at kung paano ito nakakaapekto sa lipunan. Ang mga
katangian ng pagiisip na ito ay naging gabay ng ating lipunan upang makita ang problema na
hinaharap ng bansa. Inilalahad nito ang isang simpleng sitwasyon. Kung mayroong apat na
mangingisda na kinakailangan kumuha ng isda sa isang lawa at mayroong limitadong numero ng
isda sabay sa limitado nitong pagrami, magiging maaayos baa ng kalagayan ng apat na
mangingisda kung sila ay kukuha ng mas maraming isda kaysa sa kanilang mga kapwa
mangingisda. Dito pumapasok ang lohika na ang indibidwal na layunin ay maaaring makasira sa
layunin ng isang lipunan.

Ang mabilis at murang paggawa ng enerhiya mula sa fossil fuels ay may benepisyo sa
mayari at consumer ngunit ang pangmatagalang epekto nito ay umaabot sa buong lipunan. Ang
maraming isda ngayon ay mauubos sa kamangmangan ng mangingisda. Ang masarap na hapunan
ngayong araw ay hindi kokompara sa gutom na mararanasan kinabukasan.

Upang makita ang masayang kinabukasan kailangan maging alerto sa mga desisyon sa
isinasagawa sa kasalukuyan. Ang ngayon ay ang pundasyon ng mamaya at ito dapat ang pagiisip
ng bawat isa.

You might also like