Professional Documents
Culture Documents
Panitikan
Panitikan
12. Enero 12, 1937 Hinirang ng Pangulong Manuel L. Quezon ang mga kagawad
na bubuo ng Surian ng Wikang Pambansa alinsunod sa tadhana ng Seksiyon 1,
Batas Komonwelt Blg. 184, sa pagkakasusog ng Batas Komonwelt Blg. 333
13. Ang mga nahirang na kagawad ay ang mga sumusunod: Jaime C. Veyra
(Visayang Samar) – Tagapangulo Cecilio Lopez (Tagalog) – Kalihim at Punong
Tagapagpaganap Santiago A. Fonacier (Ilokano) - Kagawad Filemon Sotto –
(Visayang Cebu) - Kagawad Felix S. Rodriquez (Visayang Hiligaynon) –
Kagawad Casamiro F. Perfecto (Bikol) – Kagawad Hadji Butu (Muslim),
Kagawad Mga Kagawad Lope k. Santos (Tagalog) Jose I. Zulueta (Pangasinan)
Zoilo Hilario (Kapampangan) Isidro Abad ( Visayang Cebu)
17. Noong Abril 1, 1940 Inilabas ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263.
Ipinag-uutos nito ang: 1. pagpapalimbag ng A Tagalog-English Vocabulary at
ng isang aklat sa gramatika na pinamagatang Ang Balarila ng Wikang
Pambansa; at 2. pagtuturo ng Wikang Pambansa simula Hunyo 19, 1940 sa mga
Paaralang Publiko at Pribado sa buong kapuluan.
19. Nang lumunsad sa dalampasigan ng Pilipinas ang mga Hapon noong 1942,
nabuo ang isang grupong tinatawag na “purista”. Sila ang mga nagnanais na
gawing Tagalog na mismo ang wikang pambansa at hindi na batayan lamang.
Malaking tulong ang nagawa ng pananakop ng mga Hapon sa kilusang
nabanggit.
20. Ayon kay Prof. Leopoldo Yabes, ang Pangasiwaang Hapon ang nag-utos na
baguhin ang probisyon sa konstitusyon at gawing Tagalog ang Pambansang
Wika. Sa layunin ng mga Hapon na burahin sa mga Pilipino ang anomang
kaisipang pang-Amerikano at mawala ang impluwensya ng mga ito, Tagalog
ang kanilang itinaguyod.
21. Nang panahong iyon, Niponggo at Tagalog ang naging opisyal na mga
wika. Pinasigla ng pamahalaang Hapon ang Panitikang nakasulat sa Tagalog.
Maraming manunulat sa wikang ingles ang gumamit ng Tagalog sa kanilang
mga tula, maikling kuwento, nobela, at iba pa.
23. Hunyo 7, 1940 Pinagtibay ang Batas Komonwelt Blg. 570, na nagtatakdang
wikang opisyal na ang pambansang wika (Tagalog) simula Hulyo 4, 1940. Nang
matapos ang digmaan, ilang taon ding hindi Napagtuunan ng panahon ang
pagpapalaganap sa Wikang Pambansa hanggang sa mailuklok bilang
pangulo ng bansa si Ramon Magsaysay. Marso 26, 1954, Nilagdaan ng
Pangulong Ramon Magsaysay ang proklama blg. 12 na nagpapahayag ng
pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa simula sa Marso 29 hanggang
Abril 4 taon-taon, sang-ayon sa tagubilin ng Surian ng Wikang Pambansa.
Napapaloob sa panahong saklaw ng pagdiriwang ang Araw ni Balagtas (Abril
2).
26. Hulyo 21, 1978 Nilagdaan ng Ministro ng Edukasyon at Kultura Juan L. Manuel
ang Kautusang Pangministri Blg. 22 na nag-uutos na isama ang Pilipino sa lahat
ng kurikulum na pandalubhasang Antas/kolehiyo. Magkakaroon ng anim na
yunit ng Pilipino sa lahat ng kurso, maliban sa kursong pang-edukasyon na
dapat Kumuha ng labindalawang (12) yunit.