You are on page 1of 1

Danika B.

Borja 12-Astrodon
Chara Mae Ramirez

Ang Quezon's Game, sa direksiyon ni Matthew Rosen, ay isang pelikulang


tumalakay sa pambihirang pagtulong ni Manuel Quezon at iba pang maimpluwensuyang
personalidad sa mga hudyo mula sa Germany, Austria at Nazi noong World War II. Ito ay
bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas na nakatago at hindi dokumentado sa mga librong
pangkasaysayan ng Pilipinas. Maging ang mga pilipino ay hindi alam ang tungkol dito.
Mayroon palang naging kontribusyon ang Pilipinas sa panahon ng World War II.
Makikita sa pelikula na noong una ay tinanggihan ni Manuel ang pagtulong sa mga
hudyo. Ngunit nagbago ang kanyang pananaw at napag-pasyahang tulungan sila sa mga
panahong walang ibang nariyan upang tulungan sila. Isa sa mga eksenang nakapag-dala
ng aming emosyon sa pelikula ay noong nadatnan ng kanyang asawa na si Aurora na
wala siya noong panahong lumubha ang sakit niyang tubercolosis. Iyon pala, si Manuel
ay nasa opisina at sinusubukang magtrabaho at gumawa ng plano upang maligtas ang
mga hudyo. Doon ay kinausap siya ng kanyang asawa at anito'y pagod na siyang maging
malakas sa harap ng kanilang mga anak dahil alam niyang ang kanyang mahal ay may
sakit na hindi dapat iniinda. Doon ay napagtanto ni Manuel ang sinabi ni Aurora. Humingi
siya ng tawad dito sapagkat nawawalan na siya ng oras sa kanyang pamilya. Ang eksena
ay naging emosyonal para sa dalawang mag-asawa. Makikita na labis ang pagmamahal
ni Aurora kay Manuel na hindi niya kakayaning mawala ito sa kanya. Makikita rin ang
sinseridad ni Manuel sa paghingi ng paumanhin kay Aurora at ang kalungkutan noong
napagtanto ang lahat ng sinabi ng mahal na asawa.
Sa araw ng pagdating ng mga hudyo sa Pilipinas, naging emosyonal rin ang
atmospera sapagkat makikita ang unti unting pagdami ng mga river taxis na kung saan
ay nakasakay ang mga hudyo. Ang kaibigan ni Manuel na si Alex ay naging emosyonal
sa pagkakakita sa mga kapwa niya hudyo. Sila Manuel, Aurora at iba pa ay nakaabang
rin kasama ang kanilang anak upang salubungin sila. Ang maligtas ang mga hudyo mula
sa mapait na karanasan ay malaking tagumpay para sa kanila. Ayon nga kay Quezon,
kung walang ibang bansa ang tutulong sa kanila, bakit hindi ang Pilipinas kung mayroon
namang kakayahan upang sila'y tulungan. Makikita rito ang kabaitan ni Manuel. Tunay
na siya'y isang bayani na ngayo'y ipinagmamalaki ng mga pilipino. Marami na siyang
nagawa sa ating bansa. At lingid pa sa kaalaman nating mga Pilipino ang malaking tulong
niya sa mga hudyong walang alam sa mga paghihirap na kanilang haharapin.
Si Quezon ay isang bayani na may malaking puso, may tapang at may
paninindigan. Kahit na ano pang humadlang sa kanya, hindi nito mapipigilan ang
kagustuhan niyang tumulong sa mga hudyo kahit na siya ay may sakit na. Dahil sa
pelikulang ito, namulat ang aming mga mata at nasabing masarap palang maging pilipino.
Si Manuel Quezon, dating presidente ng Pilipinas, ay tunay na maipagmamalaki at hindi
malilimutan ng mga pilipino kahit kailan man.

You might also like