You are on page 1of 2

“MALIGAYANG PAGDATING SA MAKABAGONG MUNDO NG INTERNET”

Narinig mo na ba ang salitang Internet? Alam mo ba ang ibig sabihin nito? Hanggang
ilang oras ka gumagamit ng Internet? Lahat ba ng tao sa mundo ay mayroon nito?

Ang Internet ay mga magkakabit na mga computer network na maaaring gamitin ng mga
tao sa buong mundo. Binubuo ito ng milyun-milyong pampribado at pampublikong
impormasyon, pampaaralan at pampamahalaan na mga network na may local hanggang
malawakang saklaw at pinag-uugnay ito ng mga wireless na koneksiyon at iba pang
makabagong teknolohiya. Ginagamit natin ito sa pakikipagkomunikasyon sa mga tao na
nasa malalayong lugar, sa pagsasaliksik ng mga impormasiyon na magagamit natin sa
ating pag-aaral, pagbabahagi ng mga ganap sa ating buhay kagaya ng pag post ng mga
litrato sa ating Social Media Accounts. Maging sa pagpapatayo ng negosyo ay
magagamit din ito. Base sa pag-aaral ng mga eksperto, ang kadalasang oras na inaalok
ng mga tao sa mundo sa paggamit ng Internet ay umaabot mula dalawa hanggang
sampung oras araw-araw. Karamihan sa kanila ay gumagamit ng mga makabagong
teknolohiya. Halimbawa nito ay cellphone, tablet, computer at iba pa. Ayon naman sa
pag-aaral ng International Telecommunications Union, 56.1% o 3.2 bilyong katao sa
mundo ang mayroong Internet sa kanilang tahanan, opisina at maging sa paaralan.
Ngunit ang pinakamahalagng tanong na patungkol sa Internet, ano ba ang mabuti at
masamang epekto nito sa mundo lalo na’t ang mundo’y patuloy pa rin umuunlad at
nagbabago sa paglipas ng panahon?

Ang Internet ay mahalaga sa ating pang araw-araw na gawain. Napakaimposibleng isipin


ang isang lugar na walang Internet. Halimbawa na lang nito, bilang isang estudyante
nagagamit natin ang Internet sa mga takdang aralin, proyekto, thesis at iba pa.
Napapadali at napapabilis nito ang pag-aaral natin sa bawat asignatura. Isang pindot
lang sa search button ay mahahanap mo na ang iyong gustong mahanap. Ikaw rin ay
nagiging updated sa mga nangyayari araw-araw kagaya ng ulat tungkol sa panahon,
presyo ng mga bilihin, at maging sa buhay ng iyong mga iniidolo. Nagagamit din natin
ang Internet bilang libangan. Halimbawa na laman nito ay Online Games at Social Media.
Maraming mabubuting dulot ang Internet sa atin. Ngunit hindi lahat ng bagay ay may
mabuting epekto, mayroon din itong masamang epekto sa ating mga tao.
Unang-una na dito ang labis na paggamit ng Internet. Bilang kabatan, kapag tayo ay
napapasobra sa paggamit nito ay nawawalan na tayo ng oras at gana sa pag-aaral. Tayo
ay nagkakaroon ng adiksiyon sa kakaibang uri ng libangan na mayroon ang makabagong
mundo. Maging sa ating pamilya at kaibigan ay nawawalan na rin tayo ng oras para
kamustahin at kausapin sila. Ang Internet din ang dahilan kung bakit nag-iiba ang pag-
uugali ng isang indibidwal. Halimbawa na lang nito ay ang pagtingin ng mga post at
websites na hindi dapat naipapakita sa isang tao lalo na sa mga kabataan. Cyberbullying
at Online Sexual Exploitation ang mga halimbawa nito. Ang cyber bullying ay maaring
panunukso, panglalait, pang-aasar o anumang aksyon na hindi angkop sa tamang
pakikitungo sa isang tao gamit ang mga social networking sites samantala ang Online
Sexual Exploitation naman ay paggamit sa isang tao upang magpakita o gumawa ng
malinaw na seksuwal na mga larawan, videos o live shows sa harapan ng internet kapalit
ng pera. Maari rin tayo maka-ipon ng sakit sa labis na paggamit ng Internet gaya ng
paglabo ng mga mata, paglimot ng pagkain sa umagahan, tanghalian at hapunan, at
maging sa pagligo at pag-ihi.

Tandaan natin hindi lahat ng bagay ay may mabuting epekto sa atin. Matuto tayong
alamin ang limitasyon sa bawat bagay na mayroon tayo ngayon. Ang ating mga sarili ay
patuloy na umunlad maging ang ating mundo kaya kung matuto tayo sa paggamit nito
ay mapapadali ang pagbabago patungo sa maganda, maunlad at makabagong mundo.

Mark Antonie B. Pauig

9 – St. Albert the Great

You might also like