You are on page 1of 2

LAGUNA UNIVERSITY

Laguna Sports Complex, Brgy. Bubukal


Santa Cruz, Laguna

DEPARTMENT OF ACCOUNTANCY

Pumili ka ng Inidoro
Ni Dezerie Gay Trinidad

Parating na naman ang eleksyon,


Naglipana na naman ang mga politikong agaw atensyon,
Kabilaan ang inilalatag na pangako,
Sa bandang huli din nama’y mapapako,
Panahon na daw ng pagbabago?
Ilang henerasyon na bang hatid lang ay pagkabigo?

Oo may pagbabago,
Si Mayor Matulungin, maaga pa lang ay nasa barangay nyo na,
Barangay ninyong binaha dahil sa bagyong lumikas na,
Dala-dala’y relief goods para sa pamilya mong nangangailangan,
Nakangiti pa ng sinabing sya’y inyong maaasahan,
Ngunit pre alam mo ba?
Na ang mga donasyong yan ay maliit na bahagi na lang ng mga ibinigay para sa taong
bayan,
At ng iba? Nandoon sa tindahan ni mayor sa pamilihang bayan,
Ingat mayor, para kang inidoro,
Kahit anong linis mo ay sisingaw pa din ang iyong baho.

Si Chief Dakila balita ko’y tatakbo na daw sa pagkagobernador?


S’ya na balitang sa ulak ng droga’y tirador,
Sa taong-bayan s’ya ay protektor,
Sindikato ng droga’y syang terror,
Kakampi ng bayan laban sa droga,
Galit pa sa tv na naninindak ng mga adik ‘di baga?
Ngunit pre alam mo ba?
Na may mga taong tapalan mo lang ng salapi’y nabubulag na?
Si Dodong Baton a adik sa kanto’y patay na,
Ngunit ang kapatid ni chief na pinuno ng sindikato’y Malaya pa din at nakakangiti pa,
Chief, magkano ba ang sa atin d’yan?
Ingat chief, para kang inidoro,
Kahit anong linis mo ay sisingaw pa din ang iyong baho.

Si Atty.Tapang ay tatakbo na din daw na bise mayor?


Hanga din ako sa taong ‘to,
Pinagtatanggol n’ya ang mahihirap na hindi kayang magbayad ng serbisyo ng isang
mahusay na manananggol,
LAGUNA UNIVERSITY
Laguna Sports Complex, Brgy. Bubukal
Santa Cruz, Laguna

DEPARTMENT OF ACCOUNTANCY
Siya’y tinitingala’t nirerespeto,
Nang mga maliliit na taong kagaya mo at kagaya ko,
Nakangiti sa kamerang nagkikislapan,
Naipanalo ang kaso ni Neneng na napaglarua’t nilapastangan,
Ngunit pre alam mo ba?
Na ang tunay na may sala’y ‘di yaong taong nakapiit at nabubulok na sa kulungan,
Kundi yaong taong nagpapasasa na sa kapatid mong kandungan,
Ngiting tagumpay sa kaniyang putting polong kala mo anghel sa korteng
pinanggalingan,
Ngunit sa isipa’y ang saya ng demonyong s’yang hari ng kay Neneng’ kadiliman,
Ingat Atty., para kang inidoro,
Kahit anong linis mo ay sisingaw pa din ang iyong baho.

Ilan lamang sila sa mga kilala kong politikong nangangako ng pagbabago,


Natatakot ako para sa ating baying nabubulag sa panlabas at katotohanang
nakabilanggo,
Pilipinas, kalian ka ba gigising?
Hihintayin mo pa ba ang mga politikong ‘to ang manalo?
Mga politikong nagsasanga na ang sungay ngunit sa konting balita ng kabutiha’y
yayakapin mo ng nakapiring,
Mga politikong hindi pa ma’y nagpapasasa na sa kaban ng bayan,
Parang mga inidorong hinuhulugan kapalit ng kaginhawahan,
Hulog mula sa buwis ng tatay at nanay mong sa bukid ay pinagpawisan,
Hulog mula a kandungan ng kapatid mong nang dahil sa hirap ay pumapayag ng
pagmalupitan,
Hulog mula sap era ng kuya mong pinagpawisa’t pinagpuyatan,
Aantayin mo pa bang ikaw naman ang mahulog,
Mahulog sa kumunoy ng dumi sa kalooban ng mga inidorong ito?

Kalian k aba makakakita?


Kapag ba ang baya’y wasak na?
Pumili ka ng inidorong kakayanin mo ang baho,
Pumili ka ng inidoro.

You might also like