You are on page 1of 2

KUBO

Dinala ako ng aking mga paa


Sa isang kubong paraiso ang ganda
Doon kita natagpuan
Nag aantay ng iyong kasamahan

Mga ngiting inialay


Titigang ayaw magkawalay
Tibok ng pusoy nag uunahan
Sa mga mata mong malamlam

CHORUS
Ngunit di ko sinasadyang
Mahalin ka kaibigan
Sa kubong tanglaw ng kinabukasan
Ako ay muling umibig sa iyong katauhan
Ngunit di ko sinasadyang mahulog
Sa iyong masalimoot na buhay
Sa kubong puno ng pagmamahalan
Ang sa atin ba’y may hantungan?

Sabay tayong tumayo at nangarap


Aabutin ang mga bituin
Susungkitin sa kailaliman ng gabi

Sa unos at pighati
Luha at mga ngiti
Tayo ay magkaakbay
Naglakbay ng sabay
Subalit ngayon ay nagbago na
May kanya kanya ng buhay

CHORUS
Ngunit di ko sinasadyang
Mahalin ka kaibigan
Sa kubong tanglaw ng kinabukasan
Ako ay muling umibig sa iyong katauhan
Ngunit di ko sinasadyang mahulog
Sa iyong masalimoot na buhay
Sa kubong puno ng pagmamahalan
Ang sa atin ba’y may hantungan?

Sana dalhin ulit tayo


Ng ating mga paa
Papunta sa kubo
At doon ipagpatuloy
Ang natitirang pagkakaibigan.

You might also like