You are on page 1of 1

Sa Panaginip Na Lang

Ni: Christine Joy S. Monteron

“Cruz, Juan D., Bachelor of Science in Civil Engineering, Cum Laude”

Dinig ko ang malakas na hiyawan at palakpakan ng mga tao sa loob ng gymnasium matapos

tawagin ang pangalan ko. Nakakatuwa dahil hindi ko inaasahang mapapabilang ako sa mga magiging Cum

Laude ngayong taon. Ang hiling ko lang naman ay ang makapagtapos ako ng kolehiyo sa kursong gustong-

gusto ko.

Tumayo na ako sa aking upuan upang salubungin ang aking ina. Kitang-kiyta ko sa kanyang mga

mata ang saying kanyang nadarama. Hindi ko mapigilang yakapin siya sa harap ng napakaraming tao. Ang

aking ina, siya ang katangi-tanging nilalang na tumulong sa akin para magpursige sa pag-aaral at tapusin

ito. Siya ang tanging nilalang na nakilala ko na gagawin ang lahat para lang maipagpatuloy ko ang aking

pag-aaral.

Matapos ko siyang yakapin ay inakbayan ko siya at sabay na kaming lumakad papuntang

entablado kung saan naghihintay ang iilan kong guro at ang pangulo ng unibersidad na pinapasukan ko.

Nasa entablado na kami ng aking ina at nakipagkamay na kami sa mga kagalang-galang na mga

taong naroroon. Ibinigay na sa aking ina ang medalyang limang taon kong pinaghirapan.

Nang isinuot na sa akin ang medalya ay may biglang bumato sa’kin ng bato at sa muling pagdilat

ko ay nasa harap na ako ng palengke, nakahiga sa isang gabundok na mga basurang gulay habang yakap-

yakap ang larawan ng aking ina na may nakasulat na August 23, 1970-January 1, 2018.

You might also like