You are on page 1of 6

Gwinnet Catrina

ni Wizards_Pen

SI Gwinnet ay nakaantabay sa pagsusulat sa computer screen. Ang ginagawa niya ay


nagsusulat sa kanyang diary sa pamamagitan ng one-note. Sa pahinang iyon nakasaad ang petsa.
August 12, 4017, isinulat niya ang “Ngayong araw na ito si Jeffrey ay nakakita ng totoong libro.
Hindi ako nagbibiro. Nakakita talaga siya. Nakakita. Hindi lang sa computer screen namin
makikita ang tunay na libro dahil totoong may libro. Totoo.” Ito ay isang ordinaryong libro.
Napakakapal dahil sa napakaraming pahina. Makikita mo sa itsura ng libro ang kalumaan pero
galante. Mukhang galing pa ito sa mga alikabok o baka nabaon sa mga kahon ng napakaraming
taon. Kapag pinapag mo ay umiigkas ang mga alikabok na dahilan ng pagkati ng lalamunan ni
Gwinnet.

“Easy, Gwin” natatawang sabi ni Jeffrey.

“Teka nga- Uh-ho-uh-ho! Sa-saan moba natagpuan yan?” tanong niya.

“Sa bahay. Nakita ko sa basement. Nag-iisa lang siya. Nabaon sa alikabok at nabaon na
rin siguro sa limot” sagot ni Jeffrey.

Kwento ng lolo ni Gwinnet bago ito nawala sa mundo, noong mga nakaraang araw ay
isinulat sa libro ang mga mahahalagang dokumento, mga kwento at marami pang iba.
Gumagamit raw ang mga tao noon ng papel at ball pen para magsulat o kaya ay lapis para
gumuhit. Naiisip niyang siguro ay naghihirap ang mga tao noon sa pagsusulat dahil mano-mano
lang. kung tinatamad siyang mag-aral ngayon paano pa kaya ang mga tao noon? Tanging nasa
bahay lang siya at tinatamad pang mag-aral. Nakita niya si Jeffrey na nagbabasa na.

“Uy, Jeff. Pwede pahipo? Kahit saglit lang? please…” pasuyo niyang sabi.

“Ay naku, Gwin, sobra ka naman ha? Ano ka sinuswerte? Ayoko nga! Hindi nga tayo
mag syota tapos may pahipo-hipo ka pang nalalaman. Sabi ng may ulterior motive ka sa bespren
mo eh” maktol na saad ni Jeffrey.
“Hoy! Langyang taong to! Wag kang feeling, Mr. OA. Hindi naman ikaw. Palagay mo
hihipuin kita? Baka tamaan ako ng kidlat pag nagkataon. Ang libro lang naman ang gusto ko”
pabalang na paliwanag niya.

“Eh—sabi ko nga diba? Wag ka ngang ano diyan! Wala nga akong sinabi! Ikaw lang
naman itong over makareact. Ito oh, hipuin mo ng bonggang-bongga.” Sabi ni Jeffrey sabay
halakhak ng bonga.

“At talagang ang feeling mo ano? ako pa ngayun ang OA? Ang bastos mo! Di bali
nalang. Kahit ikaw nalang ang nag-iisang lalaki sa mundo, magiging old maid nalang ako kesa sa
pumatol sa kabaliwan mo!” sabi niya sabay hablot ng libro.

“Uy Gwin, ano ba. Baka masira. Ang careless mo talaga. And for the information
Gwinnet, may sinabi ba akong gusto kita? Na liligawan kita? Na papakasalan kita? Naku, ayoko
sa mga amasonang kulang na lang suminghot ng tao” sabay tawa ng malakas. Binatokan naman
siya ni Gwinnet.

Habang iginigiya ng kanyang mga mahahabang daliri sa mga pahina ng libro ay


namangha siya. Makinis hawakan ang bawat pahina pero natuwa siya sa mga naka-imprentang
mga titik at salita na dapat sa mechanical machine lamang makikita. Yung mga bagay na imbis
gumagalaw ay prenting isinulat na lamang. Natatawa ang kanyang isipan. Tinutuya ang isang
lumang librong puno ng kaalaman.

“Gwin, naiisip moba ang iniisip ko? Kinakain ng oras ang pagbabasa ng mga maliliit na
salitang nakalimbag sa librong ito. Kapagka tapos ka na sa pagbabasa, iiwan mona at
maghahanap ng iba. Itsapwera, ilalagay sa basurahan. Mas mabuti pang magbasa sa computer
machine dahil pag tapos ka na hindi mo naman maabanduna ang screen, hindi ba?” mahabang
litanya ni Jeffrey habang binabasa ang libro.

“Isang malaking Korek iyan bespren” sampung taon pa lamang siya at hindi masyadong
pamilyar sa mga telebooks hindi tulad ng labing dalawang taong gulang na si Jeffrey.
“Dahil ikaw lang naman ang nagbabasa niyan dahil madamot kang tao at hindi ka
sharing, ano ba ang tungkol riyan?” nguso niya sa librong hawak nito.

“Paaralan, Gwin.” Sabay ngisi ng mapang-asar.

“Paaralan? Ano bang meron sa Paaralan? Bakit, may espesyal ba? Ayoko sa Paaralan
alam mo iyon”

Ayaw na ayaw talaga ni Gwinnet ang Paaralan pero habang patagal ng patagal ay palaki
ng palaki ang pagkaayaw niya rito. Ang machine teacher niya ay nagbigay ng pagkahaba-habang
exam sa Biology, nag quiz pa ito tungkol sa Geometry tapos may asignatura pang ibinigay sa
Science. Naloloko na bang ang guro na ito? Kaya naman ang ina niya ay napilitang kontakin ang
isang mechanical doctor na sikat sa syudad nila. Matangkad at slim ang lalaki at may dala-dalang
wires at mga kawil-kawil na gagamitin sa pagkukumpuni ng kanyang guro. Naipagdasal niya sa
sariling sana hindi na niya maayos pa ang machine. Pero sadyang henyo ang lalaki. Nakuha
nitong paganahin muli sa dating gawi ang kanyang guro. Ang pinakaayaw talaga niya ay ang slot
kung saan niya ilalagay ang mga assignments, quizzes, at test papers. Tapos ang kanyang
remarks ay lalabas ng limang sigundo lang. Tapos may Identical Card pang ipapasok para
marecognize na siya nga ang estudyante nito. Kaya magkakaroon na naman siya ng sakit ng ulo
dahil naayos na ang guro niya. Kahit naman hindi maayos ay bibili at bibili ang kanyang ina ng
panibagong tagapagturo.

“Whoa! Grabe!!! Totoo?” bunganga iyon ni Jeffrey. Tila amazed na amazed sa nabasa.

“Jeff, bakit may nagsusulat tungkol sa Paaralan?” curious na tanong niya.

“Dahil hindi ito gaya ng ating Paaralan ngayon. Ito ang kanilang eskwelahan na nag e-
exist noong una’t-una pang mga panahon. Mga panahon ng lolo ng lolo ng lolo ng lolo natin.
Centuries ago, Gwin” napapangiti si Jeffrey. Syempre, nasaktan siya sa mga sinabi ni Jeffrey.
Ano nga ba ang kaibahan ng Paaralan nila ngayon sa Paaralan nila noon?

“Well, Jeff, alam mo namang wala akong alam sa mga nangyayari noong unang panahon
lalong-lalo na kung anong klaseng paaralan mayroon sila. At sigurado naman akong may
magtuturo sa kanila, tama ba ako?” nakikibasa na rin siya sa likod ni Jeff. Marahil napukaw ang
interes niya sa mga sinabi nito.

“Oo tama, Gwin. Pero ayon dito ay hindi ordinaryong guro ang kanilang guro dahil ito ay
tao.”

“Ano?! Tao? Imposible, Jeff. Paano? Ang ibig kong sabihin, paano naging tao ang guro
nila gayong—“

“Well, alam mo na. Pagsasabihan lang niya ang kanyang mga estudyante sa mga dapat
gawin. Binibigyan rin sila ng mga assignments at magtatanong rin ang guro nila. Ganon lang yun
kasimple”

“Ang tao ay magkakamali rin hindi ba? Bakit nagiging guro sila?”

“Alam niya, Gwin. Mas may alam pa ang ama ko kesa sa guro ko”

“Hindi, Jeff. Walang maraming alam ang tao. Mas may alam ang mga guro”

“Pareho lang, Gwin. Sabi ng lolo ko saan raw ba nanggaling ang ating guro? Diba sa
tao?”

“Duuuhh! Ayokong may estrangherong taong pumupunta sa bahay para turuan ako”

“Hahahahaha! Gwin, wala ka ngang alam. Hindi raw naman pumupunta ang guro nila sa
bahay ng mga tinuturuan. Ang mga estudyante raw nila ang pumupunta sa kanilang tinutuluyan,
ang paaralan na tinatawag. Doon raw nila bubunuin ang mga leksyon at hanggang sa
magsipaguwian na”

“At sinasabi mong lahat ng mga batang tinuturuan ng kanilang guro ay pareho lang ng
natutunan? Ganoon ba?”

“Oo! pero ayon dito sa hawak ko ay yun pag magkapareho kayo ng edad. Depende raw
kasi, Gwin. May mga level depende raw kung saan ka nababagay ayon sa sinasaad ng edad mo,
weird hindi ba?”
“Pero ayon sa nanay ko ang isang guro ay dapat mag aadjust dahil hindi sa lahat ng
pagkakataon magkatulad ang kanilang mga tinuturuan. Dapat ang isang bata ay tinuturuan ng
iba-iba tulad ng ginagawa ng guro natin hindi ba?”

“Gwin, pareho lang naman at walang pinagkaiba ang guro natin sa kanila. Kung talagang
ayaw mo, ay hindi ka naman inoobligang basahin ang librong ito.”

“Uy! Wala akong sinabing ganyan ah! Curious lang naman ako. Gusto ko pang basahin
ang mga bagay na nariyan sa masayang paaralan noon. Nakakaingit kasi sila. Pero mali ka Jeff.
May kaibahan ang guro natin sa kanila. guro nila ay tao samantalang guro natin ay--”

“Gawa ng tao, Gwin” putol ni Jeffrey sa sasabihin sana ni Gwinnet. Tumanggo lang
naman siya.

Patuloy lang sila sa pagbabasa. Hindi pa sila nakapangalahati sa binabasa, sa kapal ba


naman ng librong iyon…

“Gwinnet! Paaralan! Time na!” tawag-pansin ng kanyang ina.

“Ma, mamaya na. Hindi pa ako tapos” sabi naman niya.

“Ngayon na! At siguradong time na naman ngayong ni Jeffrey” ani ng mama ni Gwinnet.

“Bespren, pwede bang magbasa ng librong iyan kasama ka pagkatapos ng school?”


tanong niya kay Jeffrey sabay puppy eyes.

“Maybe. Huwag kang magpakyut dahil wa epek sa akin iyan” sabay pisil ng ilong niya at
tumatawang umalis na ng bahay nila dala-dala ang maalikabok at lumang libro na nakaipit sa
kanyang braso.

Naghanda na si Gwinnet sa pagpasok sa paaralan. Katabi lang ng kanyang kwarto ang


kanyang paaralan. Kaharap na naman niya ang isang pangit na guro. Buhay ang makina nitong
naghihintay sa kanyang pagdating. Lagi naman itong on maliban nalang sa sabado’t lingo dahil
rest day raw iyon sabi ng nanay niya. Inislide na niya ang kanyang ID card para makapagsimula
na ng klase. Nang maramdaman ng guro ang presensiya niya, nagsalita na rin ito “Today’s lesson
is all about addition of fraction but before anything else please pass your homework in the
proper slot so that I could see if you really learned something or we should review first” Ginawa
naman ni Gwinnet ang sinabi ng guro at napabuntong hininga. Naiisip niya ang maka-lumang
Sistema ng paaralan noon. Nakapag-aral sila ng parehong subject kaya makapagtulong-tulong
sila sa kanilang mga asignatura at mapag-uusapan ang tungkol sa bagay na iyon. Kapag tapos na
ang klase nila umuuwi sila ng sabay. Magtatawanan. Maghaharutan. “When we add 1/6+ 1/8----

Ang guro niya ay patuloy na nag di-discuss tungkol sa arithmetic pero ang kanyang
isipan ay busy sa pag-iisip. Iniisip niya na ang mga bata noon ay laging pumapasok at masayang-
masaya sa paaralang pinapasukan. Siguro noong mga panahon mahal na mahal ng mga
estudyante ang paaralan at mas gugustuhin siguro nilang laging mag-aral dahil ang guro nila ay
tao. Isipin mo tao. Kahit imposible, pero talagang tao at hindi isang makinang nagsasalita na
inuutusan ka na ganito o ganyan ang gagawin mo. Mahal na mahal siguro nila ang nag-aral.
Siguro noong mga panahon hindi boring ang pag-aaral dahil marami kang makakasalamuha
mag-aaral. Ang saya siguro.

WAKAS

You might also like