You are on page 1of 7

Dokumentasyon

Isang Kampanya
Para sa
Kinabukasan
(Pangkat Isa)

Mga Kasapi:
Alimagno, Jan Gabriel
Coderes, Jacob Christian
Español, Angelo Franco
Malaluan, Mjolnir Erasmus Leif
Salgado, Ahron Nash
Dela Cruz, Ezrah Simone
Perez, Kamia Miracle Anne
I. Introduksyon

Naranasan mo na bang makapanood o makarinig ng balita ng mga taong


nagugutom sa Pilipinas? Nakakalungkot man ito, nagkakaroon ng ganitong
pangyayari dahil sa mga nagaganap na kakapusan ng pangangailan dahil dito,
tumataas ang mga presyo ng bilihin. Naranasan mo man na mauubusan ng baon
sa paaralan? Ito naman ay dahil sa pasamantalang kakapusan o kakulangan
sapagkat ito ay madali nating masosolusyonan, isang halimbawa ay maari kang
mangutang. Narinig mo na ba ang katagang law of conservation?
Narinig mo na ba ang katagang law of conservation? Hindi lang ito
pang siyensa, sinasaad nito na ang enerhiya ay hindi nawawala kundi nababago
o nililipat. Magagamit mo rin itong batas na ito sa ekonomiks sa pamamagitan ng
pag-iwas sa pag-aaksaya ng mga likas na yaman. Ang mga ito ay maari mong
marinig o magawa sa pang araw-araw. Dahil sa mga napapanahon na isyu na ito
ay gumawa kami ng campaign patungkol sa kakapusan, kakulangan at
conservation.

II. Pagsasalaysay
Sa loob ng tatlong araw, pinaghandaan at isinagawa ang
pangangampanya. Patungkol sa “Kakapusan at Kakulangan” ang isinagawa
naming kampanya at kung paano ba natin makokonserba ang ating mga likas na
yaman. Layunin ng kampanyang ito na maiparating sa mga mag-aaral na palaki
na nang palaki ang ating populasyon, nagkakaroon na tayo ng kakulangan sa
likas na yaman, hihintayin pa ba natin itong umabot sa punto ng kakapusan?
Kung kaya’t ipinapahiwatig ng kampanyang ito na kailangan nating gumawa ng
aksyon upang ito’y maiwasan.

Unang araw ng paghahanda, ang aming grupo ay nagsagawa muna ng


plano kung ano ba ang aming magiging konsepto. Ang isang oras ay ginugol sa
pagbubuo ng plano ngunit aming napagtanto na mali ang nagawa naming
diskarte. Dapat sa loob ng isang oras ay marami na kaming isinagawa tulad ng
pagguhit ngunit dahil sa magulong isipan at pabago-bagong plano ito’y hindi
nagawa. Kaya’t ang natutunan namin ay huwag gugulin ang bawat oras na
lumilipas sa isang bagay lamang dahil sa bawat segundo, minuto, oras o araw ay
maraming responsibilidad ang naghihintay sa atin kung kaya’t gawin na ang mga
bagay na nararapat ng tapusin bago ka gumawa ng panibagong responsibilidad.
Isa pang natutunan namin ay sa pagbuo ng plano huwag maging pabago-bago
dahil nakakaubos ng oras. Kailangan ng mabilis ngunit tamang desisyon.

Pangalawang araw, isinagawa ang pagguhit at pagkukulay ng bawat


poster. Kami’y ginahol sa oras dahil nga sa maling estratehiya namin noong
unang araw ngunit nakakatuwa lang na ang bawat miyembro ng aming grupo ay
gumagalaw at nagtutulungan. Ito’y natapos ng maayos at tama napakita naming
sa aming ginuhit ang nais naming iparating sa mga mag-aaral. Talaga nga
namang mahalaga ang pagtutulungan sa isang grupo dahil ito’y binubuo ng iba’t-
ibang miyembro at dapat na ang lahat ay gumagalaw.
Ikatlong araw, naganap na ang pangangampanya. Halos lahat ay may
nararamdamang kaba dahil lahat ay haharap sa mga mag-aaral na bago lang sa
kanilang paningin. Naroon din ang kaunting kagalakan dahil ikaw ay
magbabahagi ng mga kaalaman at kung iispin mo din ay para ito sa ating bayan.
Naging maayos ang nangyaring pangangampanya lahat ay natuwa. Ang lahat ay
nakapagbahagi ng kaalaman at ang kakapusan ay maaari nang masolusyunan.

III. Katunayan

A. Katibayan

1. Liham

2. Reflection Papers
3. Larawan
Ito ang naging proseso ng aming
paggawa ng poster. Ginawa ito
noong ikalawang araw at ipinasa
din sa araw na iyon. Ang lahat ay
nagtulong- tulong upang ito’y
matapos. May ipinaparating na
mensahe ng aming iginuhit tulad
ng kulay bughaw na pumupuna sa
mundo inirerepresenta nito ang
mga likas na yaman na kailangan
ng mga tao. Ang gripo naman ay
kung saan inilalabas ang mga
nababawas na likas na yaman
dahil nga sa ginagamit ito ng mga
tao upang mabuhay. May butas sa
ilalim ng mundo dahil sa maling

paggamit ng mga likas na yaman. Ang mga arrow ay ang simbolo ng conservation.

Ito na ang aktwal na


pangangampanya sa harap ng
mga mag-aaral ng Grade 10- St.
Thomas More. Dito naganap ang
pagpaparating ng mensahe ng
aming poster pati na rin ang
kaunting kaalaman tungkol sa
kakapusan at kakulangan, paano
nga ba ito maiiwasan at kung
ano ang maaaring gawing
pagkonserba ng mga likas na
yaman.

Ang litratong ito ay kinuhanan


noong ipinaskil namin sa labas ang
aming mga poster upang makuha ang
atensiyon ng mga mag-aaral at
maiparating ang mensahe nito.
B. Panayam
1. Transcript
Kinakapanayam: Princess Niebres; Grade 10 – St. Thomas More
Tagapanayam: Ezrah Simone C. dela Cruz
Araw ng Panayam: Agosto 1, 2019
Lokasyon: Student Lounge sa Ika-apat na Palapag
Mga Akronim: KP – Kinakapanayam, TP – Tagapanayam
[Simula ng Panayam 00:00:00]
TP: Magandang Tanghali po, Ate Princess. Maaari ko po ba kayong ma-interview
tungkol po sa aming ginawang kampanya noong nakaraan tungkol sa kakapusan
at kakulangan?
KP: Sure!
TP: Maraming Salamat po! Ang panayam po namin ay may dalawang tanong
lamang. Ito po ang unang tanong namin. Paano nakaapekto sa iyo ang
ginawang pangangampanya ng aming grupo patungkol sa konserbasiyon,
kakapusan at kakulangan?
KP: Nakaka-apekto ito sa akin dahil maging tayong lahat talaga ay naapektuhan
sa kakulangan at kakapusan na ito. Sa tulong ng kanilang pangangampanya, ay
mas nagiging mulat kami sa mga pangyayari sa ating bansa na nagiging dahilan
sa ating kapabayaan.
TP: Hmm. Ito naman po ang pangalawa naming katanungan. Bilang isang
kabataan na pag-asa ng ating bayan, ano ang maaari mong gawin upang
maiwasan ang kakapusan sa mundo base sa iyong naintindihan sa aming
kinampanya?
KP: Sa maliit na paraan katulad na lamang ng pagtitipid ng tubig habang naliligo
ay isang magandang halimbawa na tayo ay mulat sa nangyayari at tayo rin ay
nakakatulong sa ating bansa. Kung tayong lahat ay magkakakaroon ng
pagkakaisa, ay siguro hindi tayo makakaranas ng kakulangan o kakapusan sa
ating mga mineral at likas na yaman na natatangi sa ating bansa.
TP: Dito na po nagtatapos ang aming panayam. Maraming Salamat po!
KP: Thank you din at goodluck sa inyo!
[Wakas ng Panayam 00:01:14]

Kinakapanayam: Phoebe Sarmiento; Grade 10 – St. Thomas More


Tagapanayam: Ezrah Simone C. dela Cruz
Araw ng Panayam: Agosto 1, 2019
Lokasyon: Student Lounge sa Ika-apat na Palapag
Mga Akronim: KP – Kinakapanayam, TP – Tagapanayam
[Simula ng Panayam 00:00:00]
TP: Magandang Tanghali po, Ate Phoebe. Pwede po ba kayong mainterview
about po sa ginawa naming pangangampanya noong nakaraan tungkol sa
kakapusan at kakulangan?
KP: Oo naman.
TP: Maraming Salamat po! Ang panayam po namin ay may dalawang tanong
lamang. Ito po ang unang tanong namin. Paano nakaapekto sa iyo ang
ginawang pangangampanya ng aming grupo patungkol sa konserbasiyon,
kakapusan at kakulangan?
KP: Uhm. Malaki yung naging apekto nito sakin kasi narecall ko yung mga
napag-aralan naming noong Grade 9 palang kami. Salamat kay Sir Barado na
dati naming matalino at mapagmahal na adviser. Nagsilbi itong reminder sa akin
or shoul I say sa aming lahat na kailangan naming maging matipid at matalino sa
paggastos at sa pagkonsumo sa pang- araw araw na kagamitan. Pinaalala rin ng
campaign niyo sa amin ang kahalagahan ng pagco-conserve upang maiwasan
natin ang kakapusan at kakulangan.
TP: Ahhh. Ito naman po ang pangalawang katanungan. Bilang isang kabataan
na pag-asa ng ating bayan, ano ang maaari mong gawin upang maiwasan ang
kakapusan sa mundo base sa iyong naintindihan sa aming kinampanya?
KP: Sisimulan ko ito sa aking sarili at gagawin ko ito faithfully bago
iimpluwensiyahan ang aking pamilya at mga kaibigan upang maging magsilbing
modelo sa ibang tao lalo na sa mga mas nakababata sa akin.
TP: Ayun lang po. Dito na po nagtatapos ang aming panayam. Maraming
Salamat po!
KP: Maraming Salamat din!
[Wakas ng Panayam 00:01:16]

C. Katunayan mula sa Kamag-anak


IV. Panatang Makakalikasan

Bayang aking sinilangan,


Akin itong pag-iingatan at aalagaan
Bilang isang responsableng mamamayan
Pati na rin ang pagiging pag-asa ng bayan
Magaganda rin ang mga tanawin
Gampanan natin ang ating mga tungkulin
Kapaligirang malinis ay papanatilihin
Maaamoy ang sariwang hangin
Likas na yaman ay pag-ingatan
Gamitin ito sa tamang paraan
Kakapusan man o kakulangan ito’y maiiwasan
Ating mahalin ang inang bayan
Tungkulin nati’y gampanan
Nang may dangal at katapatan
Kaularan ay makakamtan

You might also like