You are on page 1of 1

Matapang, may paninindigan, mga ilan sayo ay ang pagkakalinlanlan.

Di sa bisig na payak ang panglaban, kundi ang mga salitang kanyang pinanghahawakan.
Taga payo kuno, tagapagsalita ng mga nasasawi at tagapagtanggol ng naaapi.
Mga bagay na kilala ka, mga pagkakataong napatunayan na.

Ngunit sa iyong paglayag,


Naka ilang paalam at pagsambit ng huli na,
nakailan ka na ba?
Itinatatak ang bawat pag ayaw at pagsabi mo ng “tama na”
Ngunit bakit, anjan ka pa,
Dumadalamhati at humihikbi.
Sa iisang dahilan na hindi ko na rin maintindihan.

Ang hindi mawari, asaan ang mga salitang iyong binitawan at sa huli nilalamon ka ng kawalan.
Bakit ikaw hindi mo maihakbang ng dalawa?
Bakit hindi mo magawa ang mga binibitawan mong mga salita?
Na hanggang ngayon paulit-ulit mong minamahal ang iisang taong dahilan ng pagkakalugmok mo.

Ilang beses mong sinasabi na mahalin ang sarili,


Asaan ka ngayon? Saan mo hahanapin ang salitang sarili,
Ikaw mismo paulit ulit mong dinudurog ang puso mo.

Hindi ka kasing tapang ng kanilang inaakala.


Sa pagtalikod mo, dala moa ng bigat ng loob dahil ikaw mismo,
Ikaw mismo ay blanko sa totoo.
Hindi ka masaya.

Mga paniniwala nila ay sadyang kay inam Makita,


Ngunit sa kabila ng matatapang mong salita, kalakip nito ang pighati at tanong,
“Bakit hindi ko magawa?”
Madali magpanggap sa harap ng iba, ngunit hindi ka na makakatakas pag ikaw ay nag-iisa.
Bubuhos ang mga luhang sana pinakikinggan ka.

You might also like