You are on page 1of 2

KONKLUSIYON

Ang mga katutubong Ayta ay nagsisilbing yaman ng ating bansang Pilipinas. Sila
ay namuhay ng simple at payak ng higit pa sa inaakala natin. Sila ay namuhay ng
katulad din nating may sariling kultura, tradisyon, paniniwala at kaugaling
sinusunod. May sarili silang damit na isinusuot upang takpan ang kanilang maselang
bahagi ng katawan. Kulot ang buhok, makapal na labi, matipunong pangangatawan,
maitim na balat at pango ang ilong kung sila’y ilarawan ng iba, gayunpaman, sila ay
bukod tangi kung ikukumpara sa iba pang pangkat etniko. Ang kanilang hanapbuhay
tulad ng pagyuyuro, pangangaso at pangingisda ay itinuturing na simple pa sa
pinaka simple subalit ito naman ay marangal. Marangal na hanapbuhay na kanilang
inaasahan pang mapagkunan ng makakain at pambili ng iba pang pangangailangan.
Ang ating yamang katutubong Ayta ay hindi lamang nanirahan sa iisang lugar,
bagkus sila ay watak-watak at nanirahan sa iba’t-ibang parte ng Pilipinas. Kung atin
mang sila ay makasalubong sa kahit saan nawa’y atin silang igalang tulad ng
kaugaliang kanilang ipinamalas. Atin rin silang tanggapin ng buong puso dahil atin
mang pagbalik-baliktarin ang mundo, sila ay tao at nakakaramdam din tulad natin.
INTRODAKSIYON
Sa kultura nakalaan ang pagtuklas at paglinang sa isang lahi ng isang etnikong
pangkat. Dahil sa paghubog at pagpapakita nila nito, nasisilayan natin at nagiging
tanda rin ito ng kanilang pagkakakilanlan nila sa isang lipunan o maging sa buong
bansa. Kaya ang mga katutubo na lumaki sa bawat pangkat nila ay may sari-sariling
pananampalataya sa kanilang sinasamba, pagkakaroon nila ng natatanging wika at
pamamaraan sa pamumuhay.
Sa bawat pook sa ating bansa makikilala ang pinagmulan ng bawat tao sa
pamamagitan ng kanyang pananalita, pananamit at pisikal na kaanyuan. Tulad na
lamang ng pangkat etnikong Ayta na namumukod tanging kakaiba sa lahat ng
katutubong grupo dito sa ating bansa. Pinagaaralan natin sila upang maunawaan
natin ang kanilang pinagmulan at maging kung anung kaya pa nilang gawin sa
hinaharap.

You might also like