You are on page 1of 2

Ako si Jhazztin Paul Dalay Amaro, ipinanganak noong May 18, 2004 sa Quezon City.

Kasalukuyang nakatira sa Rivera Compound, Bgy. Kaligayahan Novaliches Quezon City. Ako ang
nakatapos ng elementarya sa Kaligayahan Elementary School noong March 2016. At nasa sekondarya ng
Lagro High School nasa grade 9. Ang aking mga magulang ay sina Patrick Raymund Matignas Amaro,
isang company/family driver. Ang aking Ina naman ay si Sheila Dalay Amaro, isang Accounting Staff. Ang
aking kapatid ay si Denzle John Dalay Amaro, katatapos lamang niya ng Bachelor of Education major in
General Education last April 23, 2018.

Ako ay makulit minsan lalo na nung ako ay nasa elemntarya pa lamang kaya madalas ipatawag
si mama noon. Noong ako ay nasa elementary ako ay miyembro ng Drum n Lyre kami ay sumasali sa
mga competion sa ibat ibang school , Naging member ako ng ibat ibang organization sa aming school .
Sa aking buhay panlipunan, nagkaroon ako ng pagkakataon na mahubog ang ibang bahagi ng aking
pagkatao , sa mag bagay na hindi ko pa gaanong nalilinlang sa aming pamilya. Ako din ay pala kaibigan.
Ang paborito kong kulay ay pula, mahilig ako sa sapatos, mahilig ako sa fried chicken, mahilig ako sa
makinig sa musika, libangan ko ang pag guhit. Ang aking hilig ay ang paglalaro ng basketball kaya
madalas ako ay dumadayo sa ibang lugar upang sumali sa mga liga. Minsan kasama ko pa si Papa at si
kuya sa paglalaro ng basketball . Hilig ko ang panonood ng NBA at Nat Geo sa tv .Hilig ko rin ang
paglalaro ng mga online games.

Masaya naman kami ngsasama ng aming pamilya dahil pinaglalaanan namin ng oras at panahon
ang pagkakroon ng bonding kahit sa simpleng paraan ngunit may mga pagkakataon na may dumarating
na problema sa amin. At amg mga problemang ito ay nagsisilbing isang bagay na mas magpapatatag sa
aming pamilya dahlia ang bawat problemang ito ay hinaharap ng may paninindigan at sama sama
kaming ngdadasal at humingi ng tulong sa ating Panginoon.

Sa paglipas ng mga panahon, alam nating mas bumibigat at dumadami an gating responsibilidad
bilang isang miyembro ng pamilya . Minsa sa sobra nating busy, hindi na nagkakroon ng komunikasyon ,
na madalas pang nagdudulot sa pagkasira ng isang pamilya. Para sa akin, kahit papaano nabibigyan
naman namin ng sapat na oras ang bawat isa. Ang sabay na pagsisimba, ay magpapatibay hindi lamang
sa samahan, kundi sa pananampalataya sa Diyos .Nalagpasan naming an gaming problema ng sama
sama bilang pamilya. Tuwing ako ay may problema madalas akong humihingi ng tulong at lakas ng
loob sa Panginoong Diyos. Sa Kanya ko po sinasabi ang mga sama ng loob, kasiyahan, at paghingi
ng kapatawaran ko po sa lahat ng aking kasalanang nagagawa sa araw-araw kung pamumuhay sa
mundong ibabaw. Ako din po ay humihiling sa kanya na iligtas niya ako sa mga kapahamakan at
tulungan niya ako sa tuwing ako ay malungkot at nawawalan ng pagasa sa buhay. Patuloy rin po
ako sa pananalangin ng mga mabuting pangyayari sa aking buhay dahil ako ay naniniwala na ang
tao, habang buhay ay may pag-asa at nasa tao ang gawa nasa Diyos ang awa sa lahat ng ating
mga gawain sa buhay. Pinapanalangin ko rin po sa kanya na sana po ay hindi pabayaan ang aking
mga mahal sa buhay at bigyan niya silang lahat ng malulusog na pangangatawan at iligtas din niya
sa mga nakaakbang mga kapahamakan. At sana po ay makamit na ng lahat ng tao sa buong
mundo ang katahimikan at kapayapaan

At ngayon sa panibagong yugto ng aking buhay bilang isang student, haharapin ko ang
isang paglalakbay upang maabot ko ang aking mga pangarap. Ngayon ay sinisimulan ko po ito sa
pagseseryoso sa aking pag-aaral, pagsisikap at pananalig sa Diyos. At ako ay umaasang balang
araw ay makakamit ko rin ang lahat ng aking mga pangarap sa buhay. Na sana po balang araw ay
makamit ko ang aking pangarap na maging isang PBA player o di kaya isang mahusay na sundalo.
Sa tulong po at awa ng mahal nating Panginoong Kristo.

Ang mithiin ko sa buhay ay masuklian ang paghihirap ng aking magulang, paglingkuran ang
Diyos habambuhay, maging matagumpay sa buhay, at magkaroon ng asawa at anak sa
tamang panahon. Ngayon ay sinisimulan ko to sa pag-aaral, pagsisikap at pananalig sa
Diyos.

You might also like