You are on page 1of 20

Colegio De San Lorenzo

Epekto ng Bawal na Gamot sa buhay ng Kabataan.


DAHON NG PAGPAPATIBAY

Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Filipino 102,,

Pag-basa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, ang pamanahong papel na ito na

pinamagatang Epekto ng Bawal na Gamot sa buhay ng Kabataan bilang isang sining ay

iniharap ng mga mananaliksik mula sa 1BA-B na sina:

Ethan Ira Mendoza

Emmanuel Izaak A. Mendoza Ralfkeiser Rotamola

Tinanggap ng pangalan ng Kagawaran ng Filipino, kolehiyo ng Business

Administration, Colegio De San Lorenzo , bilang isa sa mga pangangailangan sa

asignaturang Filipino 2 , Pag-basa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik.

Ronaldo Berona

Propesor

1
PASASALAMAT

Kami ay nagpapasalamat sa mga sumusunod na indibidwal dahil sa mahalagang

tulong, kontribusyon at suporta tungo sa matagumpay na reyalisasyon ng pamanahong

papel na ito:

• Kay Mr. Ronaldo Berona, sa paggabay at pagturo sa paggawa/pagsulat ng

pamanahong papel na ito.

• Sa mga nagsulat ng mga akdang aming pinagkuhanan ng mahahalagang

impormasyon para magawa ang pamanahong papel na ito.

• Sa aming mga respondante na ng bigay ng oras o panahon para sagutin an

gaming mga tanong patungkol sa aming papel.

2
TALAAN NG NILALAMAN

Kabanata I, Panimula 4

A. Paglalahad ng suliranin 5

B. Kahalagahan ng Pag-aaral 5

C. Layunin ng pag-aaral 6

D. Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral 6

E. Daloy ng Pag-aaral 6

Kabanata II, Rebyu ng Kaugnay na Literatura 7

Kabanata III, Teoretikal ng Balangkas 11

Kabanata IV , Disenyo at paraan ng Pananaliksik 12

Kabanata V, Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon

1. Lagom 13

2. Kongklusyon 13,14

3. Rekomendasyon 14

Bibliyograpiya 15

3
Kabanata I

Panimula

Isa sa pinamakatinding pagsubok na kinakaharap ng ating bansa sakasalukuyan ay

ang problema sa iligal na droga. Ang pagkalat nito ay isang malaking dagok sa ating

lipunan hindi lamang dahil sa maraming buhay nanawawasak at napipinsala kundi

gayundin ang kayamanan/pag-aari na nasasayang. Ang pag-aaral na ito ay

naglalayong maipahayag at maipakita ang kalagayan ng mga kabataang lulong sa

bawal na gamot. Nakapaloob rito ang iba’t ibang konsepto tulad na lamang ng

pagdiskubre sa personalidad, mag paksa ukol sa bawal na gamot tulad na lamang

ng mga dahilan kaya sila naligaw ng landas at mga ahensiyang tumutulong sa mga

kabataan at mga paksa ukol sa tamang pakikitungo sa mga kabataang naligaw ng

landas. Ang pag-aaral na ito ay para sa mga guro, mag-aaral, propesyunal at iba

pang mambabasa na naghahangad na mas lalo pang maunawaan ang kabataang

lulong sa bawal na gamot. Ang nilalaman ng pag-aaral na ito ay nakaayos ayon sa

kahalagahan upang magamit at makatulong sa ibang tao.

4
A. Paglalahad ng suliranin

Ang pag-aaral na ito ay naglalayon na malaman ang mga sagot sa mga tanong na

ito :

1. Ano ang mga sintomas ng bawal na gamot?

2. Ano ang mga pinsalang dulot ng bawal na gamot?

3. Ano ang mga pwedeng gawing prebensiyon sa bawal na gamot?

4. Pwede pa bang marehabilitasyon ang mga kabataang lulong sa bawal na

gamot?

B. Kahalagahan ng pag-aaral

Madaming iligal na gamot iba pang adiksyon na nagkakahalaga ng milyon-

milyong pera sa isang taon. Mahigit isang daan libo ang namamatay dahil sa

pag-abuso ng droga taon-taon sa iba’t ibang bansa kaya ang pag-aaral ng ito ay

napakalahalaga sa mga mambabasa. Ang mga gumagamit ng droga ay

kailangang maidiskubre at mabigyan ng payo dahil madami ang naaapektuhan,

hindi lamang ang kanilang sarili kundi pati na rin ang mga tayo sa paligid nila.

Katulad ng mga babaeng nagdadalang tao, maaring maging abnormal o

magkulang sa timbang ang batang nasa sinapupunan nila. Maaari din itong

makaapekto sa paglaki at pagdevelop ng bata. Para naman sa mga matatanda

ito ay madaling makakasama sa kanilang kalusugan. At ang epekto nito sa

kabataan ay ang pagkakaroon ng kahinaan sa pag-aaral.

5
C. Layunin ng pag-aaral

Layunin ng pag-aaral na ito ang maglikom at magbigay impormasyon sa mga

kabataan at magulang, hinggil sa nagiging epekto ng paglaganap ng bawal na

gamot sa bansa. Pinapaalala din ng manunulat na hindi lang simpleng sintomas

ang naidudulot ng droga. Ang gabay ng magulang ay isa din sa importanteng

layunin para maiwasan ng mga kabataan ang paggamit ng droga.

D. Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw lamang sa mga kabataan sa lugar ng

Bagong barrio, Caloocan city. Kukuha ang mga mananaliksik ng limampung

sasagot sa surbey patungkol sa paksa.

E. Daloy ng Pag-aaral

Sa unang kabanata, nagbibigay ng ideya ang mga mananaliksik kung tungkol

saan ang pag-aaral na ito, kung ano ang layunin, ang nais patunayan at ang

saklaw ng pag-aaral na ito.

6
Kabanata II

Rebyu ng kaugnay na literatura

Ang droga ay isang kemikal na substance na bumabago sa kondisyon

ngisip o katawan ng isang tao. Maraming nagagawa ng mga drogang produkto

ng modernong medisina. Maaari nilang pabilisin o pahinain ang katawan,

magtanggalng sakit, iwasan ang pagkabuntis, labanan ang mga impeksiyon,

nagpapababa ng tensiyon, nagpapaikli ng pagtulog at nagpapababa ng appetite.

Ang pinagbabawal na gamot ay nakakapagpabago ng takbo ng isipan at

katawan din ng tao. Kinabibilangan ang mga bawal na gamot ng mga produktong

drogang may kapeina, tabako, marihuwana, at heroina.

Mayroong mga kapangkatan ang illegal na mga gamot. Pinagpapangkat pangkat

ang mga ito ayon sa kanilang pang gitnang sistema ng nerbiyos ng katawan.

Kasama sa mga pangunahing mga pangkat na illegal na mga gamot ang mga

pampahina o pampakalma, mga pampasigla at mga pampatakbo ng guni-guni.

Kasama sa mga kapinsalaang naisasanhi ng mga bawal na gamot ang

ukol sa pagkakaroon ng problema sa katawan, sa kalusugan, sa mga relasyon

sakaibigan, mag-anak, at maging sa pamayanan. Maidaragdag din dito

angpinsala na nagaganap sa kanyang pamumuhay dahil sa paggamit ng bawal

nagamot, pati na ang sa hanap-buhay, pag-aaral, at akomodasyon.

Humahantong dinang paggamit ng bawal na gamot sa anumang paglabag sa

batas ng tao at lipunan.

7
Dahil sa paggamit ng masasamang gamot, naaapektuhan ang

kakayahangmagpasiya ng isang tao, at mas malamang ang paggawa niya ng

bagay namapanganib sa sarili at sa ibang mga tao.

Kaugnay pa rin ng kanilang pagkaadik, humahantong sila sapagsisinungaling at

pagnanakaw mula sa kapwa o kamag-anak upang matugunanang kanilang

pangangailangan.

Mga Pinsalang Dulot Ng Bawal Na Gamot

Kasama sa mga kapinsalaang naisasanhi ng mga bawal na gamot ang ukol

sa pagkakaroon ng problema sa katawan, sa kalusugan, sa mga relasyon sa

kaibigan, mag-anak, at maging sa pamayanan. Maidaragdag din dito ang pinsala

na nagaganap sa kanyang pamumuhay dahil sa paggamit ng bawal na gamot,

pati na ang sa hanap-buhay, pag-aaral, at akomodasyon. Humahantong din ang

paggamit ng bawal na gamot sa anumang paglabag sa batas ng tao at lipunan.

Dahil sa paggamit ng masasamang gamot, naaapektuhan ang kakayahang

magpasiya ng isang tao, at mas malamang ang paggawa niya ng bagay na

mapanganib sa sarili at sa ibang mga tao.

Kaugnay pa rin ng kanilang pagkaadik, humahantong sila sa pagsisinungaling at

pagnanakaw mula sa kapwa o kamag-anak upang matugunan ang kanilang

pangangailangan.

8
Prebensiyon Sa Bawal Na Gamot

Mayroong mga kaparaanang maisasagawa upang maiwasan ang

pagkalulong sa mga bawal na gamot. Pinakamahalaga at nangununa sa mga ito

ay ang mismong pag-iwas na makasanayan ng isang tao o pasyente ang

pagkakaroon ng pagkahumaling sa mga ito.

Kabilang ang mga sumusunod sa mga bagay na maisasagawa ng mga

magulang upang maiwasan o mabawasan ang pagkakaroon ng posibilidad na

gumamit ang anak ng bawal na gamot: ang pagiging mabuting huwaran (hindi

paninigarilyo, hindi pag-inom ng alak, at hindi paggamit ng bawal na gamot), ang

pagiging maalam sa mga paksang may kaugnayan sa bawal na gamot upang

magkaroon ng kakayahang makapagpaliwanag sa anak ukol sa masasamang

mga maidudulot nito, ang pagiging bukas at pagkakaroon ng katapatan hinggil sa

paksa, at ang hindi pagtatangkang takutin lamang ang anak hinggil sa bagay na

ito. Mahalaga rin ang tamang pakikipag-usap at pakikinig sa anak, na

kinasasangkutan ng pagdinig at pag-unawa sa kanilang mga problema at mga

alalahanin, ang hindi pagkakaroon ng labis na reaksiyon, ang hindi

pagbabalewala sa mga sinasabi ng anak. Sa pakikipag-usap, kinakailangan ang

pagpapalitan ng mga opinyon at pananaw. Hindi lamang ukol sa bawal na gamot

ang huwarang tinatalakay ng mga magulang at anak, kasama dito ang mga

pang-araw-araw na mga paksang katulad ng kaugnay ng pangyayari sa

paaralan, musika, at palakasan. Sa pagiging bukas sa ganitong mga paksa, mas

magaang mapag-usapan ang hinggil sa bawal na gamot.

9
Kabanata III

Teoretikal ng Balangkas

Paano maititigil ang pagka-adik sa


droga?

Pumili ng mabuting kaibigan. Maghanap ng makabuluhang Makisama sa pamilya.


Iwasan ang mga pagkakaabalahan tulad ng sports, at
masasamang kaibigan. pagsali sa mga programa ng gobyerno.
Pagdalo sa mga misa.

Mabuting Tao

10
Kabanata IV

Metodolohiya

Gumamit ang mga mananaliksik ng internet para mapaliwanag ng maayos

ang paksa at makakalap ng mga datos. Nakatulong ito sa pagbibigay ng mga

opinyon ng ibang tao tungkol sa paksang napili.

Gumamit ang mga mananaliksik ng questionnaire, kung saan nakalagay ang

mga tanong na makakatulong sa aming pananaliksik.

Disenyo at Paraan ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay sa disenyong naratib analitik na pananaliksik. Ang

mga kaalaman, pananaw at dahilan ng mga kabataan sa pagddroga ay

ipinahayag ng mga mananaliksik sa pag-aaral na ito.

11
Kabanata V

A. Lagom

Ang pag-aabuso ng mga kabataan sa bawal na gamot ay bunga ng

kapabayaan sa mga kabataan. Ayon sa mga nakalap na datos ang bawal

na gamot ay may iba’t-ibang pangkat at ito ang nagiging dahilan ng

pagkalito o di sinasadyang pag-abuso ng bawal na gamot na nauuwi sa

pagkalulong pa rito. Marami ang mga ahensya ng gobyerno ang kumikilos

upang maresolbahan ang napakasakit na katotohanang ang mga

kabataan sa panahong ito ay tuluyan ng naligaw ng landas. Kahit ang

simpleng mamamayan ay may magagawa upang matapos na ang

problema sa bawal na gamot.

Dapat nating isuplong sa mga alagad ng batas ang mga taong

nagpapakalat ng bawal na gamot, hindi lang upang mailigtas ang mga

taong maaaring gumamait nito kundi mailigtas din sa kasamaan ang mga

taong nagbebenta ng ng pinagbabawal na droga.

B. Konklusyon

Ang mga kabataang nalulong sa bawal na gamot na mas pipiliin

ang pagbabagong buhay ay walang dudang magkakaroon ng panibagong

kinabukasan. Maaaring may mga taong walang pakialam sa kung ano

man ang kahihinatnan nila ngunit natitiyak naman na mayroong mga

taong hangad ang kanilang magandang kinabukasan at pagbabago.

12
Napakahirap para sa isang kabataan ang masira ang buhay dahil

lamang sa sandaling pagkahumaling sa bawal na gamot, sisirain nito hindi

lamang ang buhay niya kundi pati na rin ng mga taong nagmamahal at

nagmamalasakit sa kanya.

Totoong napakahirap lutasin ang ganitong klaseng problema,

lalung lalo na kung wala tayong pagkakaisa at pagtutulungan. Sa dami ng

mga kaso ng kabataang nalulong sa bawal na gamot siguradong

mahihirapan ang mga ahensya ng gobyerno na tulungan sila. Ang mga

mamamayang may malasakit at kagandahang loob ay maaaring mga

taong magsilbing gabay at tulong sa ilang kabataang nalulong sa bawal

na gamot.

C. Rekomendasyon

Maiirekomenda ng mga mananaliksik na lalong bigyan ng pansin at

gabayan ng mga magulang ang kanilang mga anak para hindi ito maligaw

ng landas.

Hindi pa huli para magbago ang mga kabataang nalulong sa bawal

na gamot.

13
Bibliyograpiya

Websites

 http://pdea.gov.ph/drug-trends/facts-about-drugs#cocaine, Linggo, 22 Pebrero

2015

 http://pdea.gov.ph/drug-trends/facts-about-drugs#shabu, Linggo, 22 Pebrero

2015

 http://pdea.gov.ph/drug-trends/facts-about-drugs#marijuana, Linggo, 22 Pebrero

2015

 http://tl.wikipedia.org/wiki/Pagkalulong_sa_bawal_na_gamot), Sabado, 28

Pebrero 2015

 http://roelcalma.blogspot.com/, Linggo, 22 Pebrero 2015

14
APENDIKS

LIHAM SA PAGHINGI NG PAHINTULOT SA PAG-INTERBYU

Mahal naming Respondante,

Ang mga mag-aaral ng COLEGIO DE SAN LORENZO na kumukuha ng kursong

Business Administration ay kasalukuyang gumagawa ng pag-aaral tungkol sa mga

Epekto ng bawal na gamot sa mga kabataa. Nais po naming hingin ang inyong opinyon

sa ilang mga tanong.

Asahan nyo na ang mga tanong na itatanong ay patungkol lamang sa paksa.

- Mga Mananaliksik

15
APENDIKS

PORMULARYO SA PAG-EEBALWEYT NG PAMANAHONG PAPEL

Pamagat:

________________________________________

Mananaliksik:

________________________________________

________________________________________

Taon at Pangkat: Semester: Taong Akademiko:

Sistema ng pagmamarka:

Apat na puntos (4) ang pinakamataas na maaaring ibigay sa bawat aytem.


Maaaring magbigay ng puntos ng may desimal ayon sa paghuhusga ng ebalweytor.
Pagsasamahin ang mga nakuhang sub-total ng puntos upang makuha ang marka.

A. Paksa at Suliranin.

1. Sapat ba ng pagtalakay sa introduksyon?

2. Malinaw at sapat ba ang saklaw at limitasyon ng paksa

upang makalikha ng mga valid na paglalahat?

3. Maayos at malinaw baa ng pamagat at angkop ba

iyon sa paksa ng pag-aaral?

16
4. Malinaw, ispesipik at sapat baa ng tiyak na layunin ng pag-aaral?

Sub-total

B. Kaugnay na literatura

1. Sapat at angkop ba ang pag-aarala at literaturang tinalakay?

2. Malinaw at maayos baa ng pagtalakay sa mga pag-aaral

at literaturang iyon?

3. Wasto at maayos ba ang dokumentasyon

ng mga pag-aaral sa iba pang hanguang gamit?

Sub-total

C. Disenyo ng Pag-aaral

1. Angkop ba sa paksa ang pamamaraan/metodong

ginamit sa pananaliksik?

2. Malinaw ba ang disenyo ng pananaliksik at naaayon

ba iyon sa sayantipik na metod ng pananaliksik?

3. Sapat at angkop baa ng respondeng napili sa paksa ng pananaliksik?

4. Malinaw at wasto baa ng disenyo ng instrumenting

ginamit sa pangangalap ng datos?

Sub-total

17
D. Presentasyon

1. Sapat, valid at relayabol baa ng mga datos na nakalap?

2. Maingat bang nasuri at nalapatan ba ng wastong

istatistikal na tritment ang mga datos ?

3. Wasto at sapat ba ang nagging interpretasyon ng mga datos?

4. Malinaw, maayos at konsistent ba ang tekstwal at

tabulat/grapikal na presentasyon ng mga datos?

Sub-total

E. Lagom, kongklusyon at rekomendasyon

1. Mabisa at sapat baa ng pagkakalagom sa mga datos?

2. Lohikal at valid baa ng mga kongklusyon? Nakabatay

ba iyon sa mga datos na nakalap?

3. Nasagot ba sa kongklusyon ang mga ispesipikong

katanungan sa layuning pag-aaral?

4. Lohikal, pisibol, praktikal at ateynabol baa ng mga inilahad na

rekomendasyon? Makakalutas ba iyon sa mgasuliraning natukoy sa

pag-aaral?

5. Malinaw, tuwiran at maayos ba ang paglalahad ng mga

lagom, kongklusyon at rekomendasyon?

Sub-total

18
F. Mekaniks at Pormat

1. Wasto ba ang bawat pormat ng bahagi ng pamanahong papel?

Nasunod ba ang mga tuntuning panggramatika sa teksto ng pamanahong

papel?

2. Nasunod ba ang tuntuning panggramatika sa teksto ng pamanahong

papel?

3. Sapat at maayos ba ang pagkaka-proofread at pagkaka-edit ng

pamanahong papel?

Sub-total

Kabuuang/katumbas na Marka:

Ebalweytor:

Petsa:

19

You might also like