You are on page 1of 17

Kakayahang

Lingguwistiko sa
Wikang Filipino

Tinalakay ni: Rochelle S. Nato


Sanggunian: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Dolores R. Taylan et.al (Akda)
Aurora E. Batnag (Koordineytor)
LAYUNIN

• Matalakay ang sampung bahagi ng


pananalita sa makabagong gramatika.
• Makakapagtala ng mga halimbawang pangungusap sa
bawat bahagi ng pananalita.
Bahagi ng pananalita/panalita (sa Ingles:
part of speech), o kauriang panleksiko,

• Ito ay isang lingguwistikong kaurian ng


mga salita (o mas tumpak
sabihingbahaging panleksiko) na
pangkalahatang binibigyang kahulugan
sa pamamagitan ng sintaktiko at
morpolohikong asal ng bahaging
panleksikong tinutukoy.
BAHAGI NG PANANALITA

I. Mga salitang pangnilalaman

(mga content word)


1. Mga nominal
a. Pangngalan (noun) - mga salitang
nagsasaad ng pangalan ng tao, hayop,
bagay, pook, katangian, pangyayari, atbp.
Mga Uri ng Pangngalan

1 PANTANGI - pangngalang
ginagamit sa tiyak na ngalan ng
tao, bagay o lunan. Lagi itong
nagsisimula sa malaking titik.

halimbawa: Panay, Setyembre,


Saligang Batas
2. PAMBALANA - pangngalang
ginagamit sa sinumang tao o
anumang bagay, lunan o
pangyayari nang walang pagtatangi.
Ito ay nagsisimula sa maliliit na
titik.
halimbawa: pulo, gusali, dokumento
Kasarian ng Pangngalan

1. Panlalaki
hal. ama, lolo, tandang, itay, tatay,
boy
2. Pambabae
hal. reyna, ina lola, nanay, ate,
inahin
3. Di-tiyak
hal. bata, manok, kapatid, aso, pusa
4. Walang Kasarian
hal. mesa, kahoy, bag, lapis, papel
b. Panghalip (pronoun) - mga
salitáng pánghalilí sa
pangngalan.

Mga uri ng panghalip


1 Panghalip na panao
2. Panghalip na pananong
3. Panghalip na panaklaw
4. Panghalip na pamatlig
Mga Halimbawa

Panao - ka, niya, amin, iyo, ikaw,


mo
Pananong - ano, alin, ilan, sino,
kanino
Panaklaw - lahat, sinuman,
anuman
Pamatlig - ito, iyon, doon, diyan,
heto, ganito
2. Pandiwa ( verb)

- ito ay mga salitang nagsasaad ng kilos o


nagbibigay-buhay sa isang lipon ng mga salita

Mga Halimbawang pangungusap

Pumunta ako sa tindahan


Binili ko ang tinapay
Kumain ako ng tinapay kaninang
umaga
3. Mga Panuring (modifier)
a. Pang-uri (adjective) - mga salitang
nagbibigay-turing o naglalarawan sa
pangngalan at panghalip
May apat na anyo ang mga pang-uri.
Payak - Ito'y binubuo ng mga salitang-ugat
lamang. Mga halimbawa: hinog, sabog, ganda,
Maylapi - Ito'y mga salitang-ugat na
kinakabitan ng mga panlaping Ka-, ma-, main,
ma-hin, -in, -hin, mala-, kasing-, kasim-,
kasin-, sing-, sim-, -sin, at kay-,
Inuulit - Ito'y binubuo sa pamamagitan ng
pag-ulit ng buong salita o bahagi ng
salita.

Mga halimbawa: pulang-pula,puting-


puti,araw-araw gabi-gabi.

Tambalan - Ito'y binubuo ng dalawang


salitang pinagtatambal.
Mga halimbawa: ningas-kugon, ngiting-
aso, balat-sibuyas, kapit-tuko at bahag
buntot.
b. Pang-abay (adverb) - mga salitang
nagbibigay-turing o naglalarawan sa
pandiwa, pang-uri at kapwa nito pang-
abay
Mga Uri ng pang Abay:
1. Pamanahon hal. araw-araw
2. Panlunan hal. kina, kay
3. Pamaraan hal. nang, na,
4. Pang-agam hal. baka, wari, parang
5. Panang-ayon hal. talaga, siyempre, opo
6. Pananggi hal. hindi, di, ayaw
7. panggaano (tinatawag ding pampanukat)
8. Pamitagan hal. paggalang
9. Panulad hal. higit na magaling
II. Mga Salitang Pangkayarian
(functions words)

1. Mga Pang-ugnay (Connectives)

a. Pangatnig (conjunction) - mga salitang nag-


uugnay ng dalawang salita, parirala o sugnay
hal. at pati, ni, subalit, ngunit
b. Pang-angkop (ligature) - mga katagang nag-
uugnay sa panuring at salitang tinuturingan
hal. na, ng
c. Pang-ukol (preposition) - mga salitang nag-
uugnay sa isang pangngalan sa iba pang
salita
hal. sa, -ng
2. Mga Pananda (Markers)

a. Pantukoy (article/determiner) - mga salitang


laging nangunguna sa pangngalan o
panghalip
hal. si, ang, ang mga

b. Pangawing o Pangawil (linking o copulative) -


salitang nagkakawing ng paksa (o simuno) at
panaguri
hal. ay
Gawain

Magtala ng mga tig 2 halimbawang


pangungusap sa bawat bahagi ng
pananalita.

1. Pangngalan
2. Panghalip
3. Pandiwa
4. Pang- uri
5. Pang- abay

You might also like