You are on page 1of 5

Ito ang buhay nating mga pilipino

Sa lahat ng mga problemang


Napagdaanan nito

Digmaan!
DIGMAAN!

Mga dugong nag-aagusan!


Mga taong nag-sisigawan
Iyak na kasing haba ng lawa ng Laguna
Mga hikbing kasidhi sidhi
Mga labanang kababaliwan

At higit sa lahat
Mga bayaning nagsilabasan!

Handang pumatay!

Hindi takot mamatay!


Nakipaglaban sandatahan
Kalayaan lang ay makamtan!

Shhhhhhhhhhhhh!

Pero ang tanong


Malaya ka ba?

Malaya ka ba?
Malaya ba tayo?
Mula sa galit na namumuno sa ating mga puso?

Galit na sinisira ang ating pagiging


Makabansa, makadiyos, makatao?
Malaya ka ba?
Malayaba tayo?

Bansa’y tila nagkagulo


Galit ang namumuno sa bawat tao!
Ngayo’y wala ng pinagkaiba sa noon!
Digmaa’y nagaganap,

kalungkutan ang pinalalaganap


Mga taong nagpapanggap
Bayani ang kung tawag!

Handang mamatay
Hindi takot pumatay
Nakikipaglaban sandatahan
Kapanalunan lang ay makamtan!

Tao ba dito ay nagkakaisa?


Nagtutulungan?
Nagdadamayan?

Nakatikim ng kalayaan mula sa may kapangyarihan?


HINDI!

Kalayaa’y di nabigyang tuon

Kapangyarihan pilit tinutunton


Mga pilipinong nagsisigawan
Nalulunod sa kahirapan
Ay di kailanma’y nabigyang pansin!

TULLOOOOONNGGGG!

Watawat ay napunit

Bansa’y tilang napatay


Pagkakamakasarili ay binuhay

Iisang lahi ang naglalabana

Iba’t ibang adhikaing ipinaglalaban


Kayamana’y tila kinakawayan
Hinahagkan
Pinag-aagawan

Ngunit!

Iisang wika sila nagkakaintindihan


Sa wikang Filipino!
Wikang makadiyos!
Wikang makatao!
Wikang pinagkakaisa kultura ng mga pilipino
Wikang ginagamit, mapasyudad man o bundok!

Wikang Filipino!

Pero ano nang nangyari ngayon?


Sariling wika’y nadudungisan!

Pagkakaisa’y nababawasan
Kapahamakan sa bansa’y nadadagdagan
Pagdadamayan ng bawat isa’y ipinagtatabuyan

Malaya ka pa ba?

Sino!

Ako!

Siya!

Tayo!

Tayo ay Filipino!
Paglalabanan ng bawat isa’y di makatao!

Di makadiyos!
At di kailanma’y naging makabansa!
Kalayaan ma’y atin ng nakamtan
Pagkakaisa parin nati’y di nasakatuparan

Pagtutulunga’y nahaharangan
Kabutiha’y kinukulong sa kadiliman
Panahong pagmamahal ang naghahari ay kinalimutan

Tuyong dugo’y
Nag-aagusan sa daan
Mga baril ay nagpuputukan
Mga bombang nagsasabugan

Mga pilipinong sugatan

Sino ang kalaban


PILIPINOOOOO

Tayo!
Sarili sa sarili!
Pilipino sa Pilipino!

Tayo!
Tayo ang naglalaban!
Tayo ang humaharang!
Tayo ang kadiliman!

Wikang Filipino na di dapat madungisan


Nandoon at nakikipaglaban
Mga protestang sigaw ng mamamayan

Rinig na rinig san man abutan

Wikang Filipino dapat ay ating hagkan!


Yakapin!

Gamitin!
Gamitin sa pagkakaisa!
Gamitin sa pagtutulungan!
Gamitin sa pagdadamayan!

Gamitin bilang gabay!


Gabay sa isang bansang makulay!

Dilaw sa pagiging pag-asa


Pula sa ating mga alaala
Puti sa isang bansang malinis
At asul sa mga taong malaya!
Kanurungan!

Katarungan!

Yan tayo, Pilipino!

Ibalik ang dating pagmamahalan!


Kadilima’y di na dapat katakutan
Nandiyan ang wikang ilaw ng daan!
Kalayaan nating mga Pilipino

Dapat ay ating kilalanin!


Hindi para sa mga bayaning nakipaglaban
Hindi para sa araw na iginunita ang araw ng kalayaan
Kundi para sa bawat isang pilipinong

Araw-araw nakipagsapalaran sa baluktot na daan ng buhay

Ikaw ba,
Malaya ka na

You might also like