You are on page 1of 10

Santillana, Raven

BSED MATHEMATICS 2-C


Panitikan at Lipunan
Iba’t iba ang pagpapakahulugan ng mga manunulat at dalubhasa sa panitikan. Ayon kay Joey
Arrogante, ito ay talaan ng buhay sapagkat dito naisisiwalat ng tao sa malikhaing paraan ang
kulay ng buhay, ang buhay ng kanyang daigdig, ang daigdig na kanyang kinabibilangan at
pinapangarap.
Samantala, ayon naman kay Zeus Salazar, ang panitikan ay siyang lakas na nagpapakilos sa
alinmang uri ng lipunan. Sinasabi ring ito ay bunga ng mga diwang mapanlikha, ng diwang
naghehele sa misteryo ng mga ulap o ng diwang yumayapos sa palaisipan ng buwan. Ito ay isang
kasangkapang lubos na makapangyarihan. Maari itong gumahis o kaya'y magpalaya ng mga
nagpupumiglas na ideya sa kanyang sariling bartolina ng porma at istruktura. Sa isang banda,
maituturing ang panitikan na isang kakaibang karanasan. Ito ay naglalantad ng mga
katotohanang panlipunan, at mga guniguning likhang-isip lamang. Hinahaplos nito ang ating
mga sensorya tulad ng paningin, pandinig, pang amoy, panlasa at pandama. Kinakalabit nito ang
ating malikhaing pag-iisip at maging sasal na kabog ng ating dibdib. Pinupukaw din nito ang
ating nahihimbing na kamalayan. Lahat ng ito ay nagagawa ng panitikan sa pamamagitan lamang
ng mga payak na salitang buhay na dumadaloy sa ating katawan, diwa at damdamin. Ang
panitikan ay buhay na pulsong pumipintig at mainit na dugong dumadaloy sa ugat ng bawat
nilalang at ng buong lipunan. Isang karanasan itong natatangi sa sangkatauhan.
Ayon kay naman kay Terry Eagleton, maraming mga paraan para bigyang kahulugan ang
panitikan. Unang-una, maaari itong ituring na isang likhang-isip gamit ang mga malikhaing salita
o talinghaga. Ito ang tinatawag na “fiction”. Subalit nagbigay siya ng argumento na hindi lahat
ng malikhaing akda ay matatawag na panitikan. Kabilang dito ang mga komiks, pelikula,
telebisyon, at pocketbooks (romance novels) na bunga ng isang malikhaing pag-iisip subalit
hindi itinuturing na panitikan.
Ikalawa, maaaring bigyang kahulugan ang panitikan dahil sa paggamit nito ng wika sa kakaibang
paraan. Batay sa argumentong ito, ang panitikan ay isang uri ng pagsulat kung saan
kumakatawan ng isang maayos na pagwasak sa karaniwang anyo ng pagsasasalita.[1]
Binabagong-anyo at pinapasidhi ng panitikan ang karaniwang wika, sistematikong lumilihis sa
pang-araw-araw na pananalita. Kapag may nagsabi sa akin ng “Ang tag-araw ay nasa iyong mga
matang nangungusap” habang ako’y nakasakay sa dyip, alam kong nasa presensiya ako ng isang
‘literary’ o maalam sa panitikan. Alam kong gayon dahil sa ang kayarian, indayog at tunog ng
kanyang mga salita ay labis sa kanilang kahulugang abstrakto. Umaakit ng atensiyon ang
kanyang mga salita, ipinapayagpag ang kanilang kalikhaang materyal. Ang depinisyong ito ang
sinaligan ng mga Formalist na umusbong sa bansang Rusya.
Totoo na marami sa mga pinag-aaralang akda bilang panitikan sa akademya ay “constructed” na
basahin bilang panitikan subalit marami sa mga ito ay hindi panitikan – canonized lang
kumbaga. Samakatwid, nasa pagbabasa kung ituturing na ‘literary’ o hindi ang isang akda.
Literature cannot be objectively defined.[2]Walang kalikasan ang panitikan. Ang panitikan ay
isang uri ng panulat na sa ibang dahilan ay mataas na pinapahalagahan ng isang tao (highly
valued writing). Kung ganun, ang mahalagang palagay o kapasyahan ay nakakaapekto kung alin
ang panitikan.
Hindi kinakailangang maging maganda para maging ‘literary’, dapat ay kauri ng itinuturing na
maganda. Halimbawa, walang magsasabi na ang klaskard ay isang mahinang panitikan pero
mayroong magsasabi na ang mga leaflets (manifesto) na ipinamumudmod ng mga aktibista ay
hindi magandang uri ng panitikan.
Sa panukalang ang panitikan ay isang “highly valued writing”, kahit ano ay maaaring maging
panitikan. Sa kabilang dako, ang mga itinuturing na panitikan ngayon ay maaaring hindi na
panitikan sa hinaharap. Nagbabago ang pagpapahalaga at paniniwala ng tao kaya maaaring
baguhin niya ang kanyang pananaw sa isang akdang itinuturing na panitikan. Samakatwid,
maaaring magkaroon ng isang lipunang hindi naniniwala na ang mga akda ni Shakespeare ay
panitikan.
Sa dahilang ang tao ang nagbibigay ng interpretasyon sa mga akdang pampanitikan batay sa
kanilang sariling point of view, ang depenisyon ng panitikan ay hindi obhetibo kundi subjective.
Ang lipunan ay kalipunan o grupo ng mga taong may pare-parehong interes at naiibang kulturaat
institusyon. Maaring nagmula sa magkakaibang pangkat-etniko ang mga kabilang sa isang
lipunan. Maari rin itong tumukoy sa partikular na grupo ng mga tao o sa mas malawak na
grupong kultural. Tumutukoy rin ito sa sistematikong grupo ng mga tao na pinag-uugnay ng
layuning makarelihiyon, kultural, pulitikal, siyentipiko, makabayan at iba pa. [3]
Sa agham pampulitika, ang lipunan ay karaniwang nangangahulugan ng kabuuan ng relasyong
pantao, salungat sa estado na kasangkapan ng pamumuno o pamahalaan sa loob ng isang
teritoryo. Ibig sabihin, ang lipunan ang totalidad ng mga konsepto ng mga relasyon at institusyon
sa pagitan ng mga tao.
Sa agham panlipunan naman, partikular sa sosyolohiya, ginagamit ang lipunan upang
ipakahulugan ang grupo ng mga taong bumubuo sa isang sistemang sosyal, kung saan halos lahat
ng interaksiyon ay sa kapwa indibidwal na kabilang sa grupo.
Nilalarawan ng panitikan ang ating lipunan at panlahing pagkakakilanlan. Ang ating kaugalianay
mababakas sa ating mga kwentong bayan, alamat, epiko, kantahing-bayan, kasabihan, bugtong,
palaisipan at sinaunang dula. Ayon sa mga mananakop na dayuhan, ang ating mga ninuno ay
mayaman sa mga katitikan na nagbibigay ng kasiyahan at nagtatampok sa kalinangan at kultura
ng ating lahi. Ang mga ito ay gumamit ng kawayan, talukap ng niyog, dahon, balat ng
punungkahoy bilang mga sulatan habang ang ginamit nilang mga panulat ay matutulis na kahoy,
bato o bakal.
http://astrodeus.blogspot.com/2008/06/panitikan-at-lipunan.html?m=1
Uri ng Panitika
May dalawang uri ng panitikan ito ay Piksyon at Di-piksyon
Piksyon
Ginagamit ng mga manunulat ang kanilang imahinasyon para sa pagsulat ng mga akdang tanging
bungang-isip lamang. Umiimbento sila ng mga kathang isip na tauhan, pangyayari, sakuna at
pook na pinangyayarihan ng kwento para sa kanilang mga prosang katulad ng nobela at maikling
kwento.
Di-piksyon
Bumabatay ang may-akda sa tunay na balita at iba pang kaganapan ayon sa kaniyang kaalaman
hinggil sa paksa. Pinipilit dito ng mga manunulat na maging tumpak sa mga detalye ng mga
pangyayari. Hindi ito gawa-gawa lamang ito ay nakakainganyong kwento. Katulad ng mga hindi
kathang-isip na mga sulatin at babasahin ay ang mga, talambuhay, awtobiyograpiya, talaarawan,
sanaysay at mga akdang pang-kasaysayan.
https://prezi.com/m/-jdnlvnvhqkd/ang-mga-uri-ng-panitikan/
May dalawang pangunahing anyo ang panitikan:
1. tuluyan o prosa (Ingles: prose) – maluwang na pagsasama-sama ng mga salita sa loob ng
pangungusap. Ito ay nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap o pagpapahayag.
2. patula o panulaan (Ingles: poetry) – pagbubuo ng pangungusap sa pamamagitan ng salitang
binibilang na pantig sa taludtod na pinagtugma-tugma, at nagpapahayag din ng mga salitang
binibilang ang mga pantig at pagtutugma-tugma ng mga dulo ng mga taludtod sa isang saknong.
Mga akdang tuluyan:
1. Tuluyan o prosa (Ingles: prose) – maluwang na pagsasama-sama ng mga salita sa loob ng
pangungusap. Ito ay nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap o pagpapahayag.
a. Alamat – isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-
bagay sa daigdig. Karaniwang nagsasalaysay ang mga ito ng mga pangyayari hinggil sa tunay na
mga tao at pook, at mayroong pinagbatayan sa kasaysayan. Kaugnay ang alamat ng mga mito at
kuwentong-bayan.
b. Anekdota – isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay sa kakaiba o kakatwang pangyayaring
naganap sa buhay ng isang kilala, sikat o tanyag na tao. Ito ay may dalawang uri: kata-kata at
hango sa totoong buhay. Ito rin ang mga ginagawa ng mga pagpapaliwanag sa mga ginagawa ng
mga tao.
c. Nobela o kathambuhay– isang mahabang kuwentong piksyon na binubuo ng iba’t ibang
kabanata. Mayroon itong 60,000-200,000 salita o 300-1,300 pahina. Noong ika-18 siglo, naging
istilo nito ang lumang pag-ibig at naging bahagi ng mga pangunahing literary genre. Ngayon, ito
ay kadalasan may istilong artistiko at isang tiyak na istilo o maraming tiyak na istilo.

d. Pabula – isang uri ng kathang-isip na panitikan kung saan mga hayop o kaya mga bagay na
walang-buhay ang gumaganap na mga tauhan, katulad ng leon at daga, pagong at matsing, at
lobo at kambing. May natatanging kaisipang mahahango mula sa mga pabula, sapagkat
nagbibigay ng mga moral na aral para sa mga batang mambabasa. Tinatawag din itong kathang
kuwentong nagbibigay-aral
e. Parabula ay maikling salaysay na maaaring nasa anyong patula o prosa na malimit
nangangaral o nagpapayo hinggil sa isang pangyayari, na kadalasang isinasalarawan ang isang
moral o relihiyosong aral. Taliwas sa pabula, ang parabula ay walang inilalahok na tauhang
hayop, halaman, bagay, at puwersa sa kalikasan na pawang kumikilos at nagsasalita gaya ng tao.
f. maikling kuwento – binaybay ding maikling kwento – ay isang maigsing salaysay hinggil sa
isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan
o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan. Tulad ng nobela at dula, isa rin
itong paggagad ng realidad, kung ginagagad ang isang momento lamang o iyong isang madulang
pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing tauhan.
g. Dula – isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo. Pinakalayunin
nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado.
h. sanaysay – isang maiksing komposisyon na kailimitang naglalaman ng personal na kuru-kuro
ng may-akda.
i. Talambuhay – isang anyo ng panitikan na nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang tao
hango sa mga tunay na tala, pangyayari o impormasyon.
j. Talumpati – isang buos ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng
pagsalita sa entablado. Layunin nitong humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng
kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala. Ito ay isang uri ng komunikasyong
pampubliko na nagpapaliwanag sa isang paksa na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig.
k. Kuwentong-bayan – ay mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip na mga tauhan na
kumakatawan sa mga uri ng mamamayan, katulad ng matandang hari, isang marunong na lalaki,
o kaya sa isang hangal na babae. Karaniwang kaugnay ang kwentong-bayan ng isang tiyak na
pook o rehiyon ng isang bansa o lupain. Kaugnay nito ang alamat at mga mito
l. Balita -mga iba’t-ibang makatotohanang pangyayari na nagaganap sa isang lugar o bansa.
Mga akdang patula
Mga tulang pasalaysay – pinapaksa nito ang mahahalagang mga tagpo o pangyayari sa buhay,
ang kagitingan at kabayanihan ng tauhan.
+ Awit at Korido
+ Epiko
+ Balad
+ Sawikain
+ Salawikain
+ Bugtong
+ Kantahin
+ Tanaga

https://www.google.com/amp/s/tnhsg9filipinomanlantao.wordpress.com/2014/10/25/ang-
panitikan-at-mga-uri/amp/
Panitikang Filipino sa Iba’t ibang Panahon
Panahon ng Katutubo
Bago pa man dumating ang mga Kastila sa Pilipinas, mayroon nang sining at panitikan ang mga
sinaunang Pilipino
Karamihan sa mga panitikan nila’y yaong mga pasalin-dila gaya ng mga bulong, tugmang-bayan,
bugtong, epiko, salawikain at awiting-bayan na anyong patula; mga kwentong-bayan, alamat at
mito na anyong tuluyan at ang mga katutubong sayaw at ritwal ng babaylan bilang pinakaunang
anyo ng dula sa bansa.
Karamihan sa mga panitikang ito ay pasalin-dila. May mga panitikan ring nasulat sa mga piraso
ng kawayan, matitibay na kahoy at makikinis na bato. Ngunit iilan na lamang ang mga
natagpuan ng mga arkeologo (archeologists) sapagkat batay sa kasaysayan, pinasunog at pinasira
ito ng mga prayle nang dumating sila sa bansa sa paniniwalang ang mga ito ay gawa ng
demonyo.
Pananakop ng Kastila
Dumating ang mga Kastila sa bansa taglay ang tatlong Gs – GOD, GOLD at GLORY. Dumating
sila na ang pangunahing layunin ay ihasik ang Kristiyanismo, maghanap ng ginto at upang lalong
mapabantog sa pamamagitan ng pagdaragdag ng kanilang nasasakop.
Mahahati ang panitikan sa dalawa sa panahong ito: una ay pamaksang pananampalataya at
kabutihang-asal at ang ikalawa ay ang panitikang panrebolusyon.
(1) Panitikang Pamaksang Pananampalataya at Kabutihang-asal
Dahil sa pananampalataya ang pangunahing pakay ng mga Kastila, karamihan sa mga unang
akdang nalikha sa panahong ito ay halos paksang pananampalataya. Halimbawa sa mga ito ay
ang mga uri ng dulang senakulo,santa cruzan at tibag; tulang gaya ng mga pasyong inaawit. Sila
rin ang nagpakilala ng konseptong maharlika o dugong bughaw sa mga Pilipino na mababatid sa
mga akdang awit na ang mga pangunahing tauhan ay mga hari, reyna, prinsipe at prinsesa –
isang patunay ang awit na Florante at Laura ni Balagtas at mga dulang duplo at karagatan

Sa panahong ito, piling-pili lamang ang nakasusulat sapagkat wikang Kastila lamang ang
kinikilala sa ganitong larangan. Kaunti lamang ang nakasusulat sa Kastila dahil sa pagpipigil, sa
nadaramang takot at pagiging madamot ng mga Kastila.
Sa panahong ito nalimbag ang pinakaunang aklat sa bansa; angDoctrina Christiana na nalimbag
noong 1553 na isang panrelihiyong aklat.
Ang pasyon ang isa sa patulang anyo na makarelihiyon. Samantalang ang mga dula sa nama’y
ang mga senakulo, Santa Cruzan, at tibag. Ang mga dulang Moro-Moro naman ay pumapaksa sa
tagumpay ng mga Kastila, isinasadula rito ang mga himagsikan sa pagitan ng mga sundalong
Kastila at mga Muslim sa Mindanao at sa wakas ng dula, palaging nagwawagi ang Kastila at
talunang niyayakap ng mga Muslim ang Kristiyanismo. Nauso rin angcarillo o mga dulang
puppet na yari sa karton na gumalaw sa likod ng isang mailaw at puting tela.
Ang mga panitikan namang ukol sa kabutihang-asal ay ang Urbana at Feliza ni Padre Modesto
de Castro.
Nalimbag rin sa panahong ito ang pinakaunang newsletter sa bansa noong 1637 – ang Successos
Felices (Fortunate Events) ni Tomas Pinpin na may 14 na pahina. Ngunit noong Agosto 8, 1811
lamang nalathala ang pinakaunang pahayagan sa bansa – ang Del Superior Govierno na umabot
hanggang labinlimang tomo.
(2) Panitikang Rebolusyonaryo at Sedisyoso
Sa ikalawang bahaging ito ng kasaysayang pampanitikan sa panahon ng pananakop ng Kastila,
karamihan sa mga panitikang nalikha ay may diwang rebolusyonaryo at nagbukas sa kamalayang
Pilipino sa di-makataong pagtrato sa kanila ng mga Kastila at nag-uudyok na kalabanin ang
pamahalaan.
Dahil sa labis na pang-aalipin at pang-aalispusta at masidhing diskriminasyon ng mga Kastila sa
mga Pilipino; nagsilunsad ng mga kilusan ang iilang Pilipinong hindi na sumasang-ayon sa
pamamalakad ng mga prayle at pamahalaang Kastila.
Nagsisulat ang mga Pilipino sa panahong ito ng mga panitikang nagrerebolusyon. Nalathala ang
mga pahayagang propagandista na pinangunahan ng La Solidaridad noong Pebrero 19, 1889 na
naglalayong“matamo ang pagbabagong kailangan ng bansang bilang tugon sa kalagayang
panlipunan at pang-ekonomiya, maisiwalat ang malubhang kalagayan ng bansa sa ilalim ng
pamamalakat ng mga Kastila at upang pairalin ang kalayaan at demokrasya.”
Dahil sa mahigpit ang pamahalaan, nagsitago ang mga manunulat sa ilalim ng iba’t ibang
sagisag-panulat upang maprotektahan ng mga sarili laban sa mapang-alipustahang Kastila at
upang patuloy na makasulat.
Ang pambansang bayaning si Dr. Jose P. Rizal na may sagisag-panulat na Laong Laan ay naging
bahagi ng pahayagang La Solidaridad; at ang may-akda ng mga nobelang Noli Me Tangere at El
Filibusterismo na unang nalimbag at nalathala sa Espanya at naging mitsa sa mga
rebolusyonaryong Pilipino na mag-aklas laban sa mga Kastila. Sumulat din si Rizal ng mga
sanaysay gaya ng Hinggil sa Katamaran ng mga Pilipino at Sa Mga Kabataang Dalaga sa
Malolos.
Ang mga bayaning sina Marcelo H. Del Pilar (na may sagisag-panulat na PLARIDEL), Graciano
Lopez-Jaena, Antonio Luna, Mariano Ponce, Pedro Serrano Laktaw, Emilio Jacinto, Apolinario
Mabini, at marami pang iba ay nagsisulat din.
Pananakop ng Amerikano
Dahil sa pagnanais ng mga Pilipino na mapatalsik ang mga Kastila, naging tagapagsagip ang
mga Amerikano nang dumating sila noong 1898 na tuluyang nagpabagsak sa pamahalaang
Kastila.
Kung relihiyon ang naging pamana ng mga Kastila sa Pilipino, edukasyon naman ang naging
pangunahing ipinamana ng mga Amerikano. Sa panahong ding ito isinilang ang mga ilang
imortal na makatang Pilipino na nagsisulat sa Ingles at Tagalog.
Sa mga unang taon ng pananakop ng Amerikano sa bansa, sumulat ang mga Pilipino sa Kastila,
Tagalog at iba pang wikang panlalawigan. Nagsimula lamang umusbong ang mga panitikan sa
Ingles noong 1910 dahil sa mga bagong silang na manunulat.
Kabilang sa mga manunulat sa panahong ito sina Cecilio Apostol na sumulat ng mga oda para
kay Rizal; Claro M. Recto na naging tanyag sa kanyang natatanging mga talumpati; si Lope K.
Santos na sumulat ng obra-maestrang “Banaag at Sikat” at nagpauso ng panitikang sosyalista; si
Jose Corazon de Jesus na tinaguriang Makata ng Pag-ibig at may panulat-sagisag na ‘Huseng
Batute;’ at si Jose dela Cruz na may panulat-sagisag na ‘Huseng Sisiw’ dahil sisiw ang
ipinababayad kapag nagpapagawa sa kanya ng tulang pag-ibig; si Severino Reyes na sumulat ng
imortal na dulang “Walang Sugat” at tinaguriang Ama ng Dulang Tagalog; si Zoilo Galang na
pinakaunang nobelistang (A Child of Sorrow) Pilipino sa Ingles at maraming-marami pang iba.
Ang mga Amerikano ang nagpakilala ng mga fairy tale sa mga Pilipino na ginamit ng mga
gurong Tomasites sa pagtuturo.Ipinakilala rin ng mga ito ang iba pang uri (genre) ng panitikan
gaya ng oda at nagpakilala sa pinilakang-tabing – ang pelikula.
Dahil sa impluwensiyang pangteknolohiyang dala ng mga Amerikano, naimpluwensiyahan din
ang panitikan sa bansa. Dula ang naging pangunahing panitikan sa panahong ito. Dala nila ang
mga bodabilna isang uri ng dula kung saan umaawit at sumasayaw ang mga artista na nagbunga
sa sarsuwela ng Pilipinas. Dahil sa dala rin ng mga Amerikano ang pelikula sa bansa, ngunit nag-
umpisa ito sa mga artistang gumagalaw lamang at nagsasalitang walang tinig (silent films); unti-
unting naisantabi pansamantala ang dulang panteatro sa bansa dahil sa nakahiligan na ng mga
Pilipino ang panonood ng pelikulang-tahimik.
Ang mga unang pelikulang ginawa sa bansa ay halos mga dokumentaryo ukol sa pagsabog ng
mga bulkan at iba pang kalamidad at ang iilang dokumentaryong bunga lamang ng pagka-
ignorante ng mga Amerikano sa mga katutubong Pilipino.
Ang mga unang pormal na pelikula sa bansa ay ukol sa buhay ng bayaning si Rizal at ng
kanyang dalawang nobela. Ang pinakaunang pelikulang Hollywood na ginawa sa bansa ay ang
pelikulang Zamboanga. Ito ang kauna-unahang Hollywood film na may underwater scene.
Ngunit ang pinakaunang pelikulang produksyon ng Pilipino ay sa pamumuno ni Jose
Nepumuceno hango sa dulang panteatrong Dalagang Bukid (dula ni Hermogenes Ilagan) na
malateatro rin ang kinalabasan.
Di naglaon, ninais na rin ng mga Pilipino na makawala sa kamay ng mga Amerikano. Ngunit
hindi rin naging mabilis ang pagkamit sa kalayaan.
Ang dula ay sadyang kinasangkapan ng mga manunulat na Pilipino upang ipahayag ang hangad
na paglaya ng bayan at makabayang pananaw. Ang kalayaang tinamasa sa kamay ng mga
Amerikano ay alangang ihambing sa ipinalasap ng mga Kastila. Gayunpaman, hindi rin
nasiyahan ang mga manunulat.
Isa sa mga unang dulang itinanghal sa panahon ng mga Amerikano na umuusig sa mga
Amerikano at sedisyoso ay ang kay Juan K. Abad na itinanghal noong Mayo ng 1903 – ang
Tanikalang Ginto.Inakyat ng mga alagad ng batas ang Batangas habang itinatanghal ang dulang
ito dito at dinakip ang may-akda. Ngunti napawalang sala rin sa tulong ng isang mahusay na
manananggol na Pilipino. Ang dulang Kahapon, Ngayon at Bukas ni Aurelio Tolentino ay
tumuligsa rin sa Amerikano. Ngunit pinakamatindi ang paghihimagsik ng dulang “Hindi Ako
Patay” na hindi na nakilala ang may-akda dahil sa ginamit nito ang pangalan ng kanyang may-
bahay.
Pananakop ng Hapon
Sa pambobomba ng Amerika sa Hiroshima, gumanti ang Hapon sa paglusob nito sa Pearl Harbor
noong Disyembre 7, 1941. Dahil nasa isalalim ng kolonya ng Estados Unidos kaya’t sinakop ng
Hapon ang Pilipinas. Ngunit para sa karamihang manunulat na Pilipino, isang biyaya sa
larangang panitikan ng bansa ang pangyayaring ito. Sumibol nang lubos ang panitikan ng bansa
sa panahong ito dahil ipinagbawal ng namumunong Hapon ang paggamit ng wikang Ingles at
itinaguyod ang pagpapayaman sa panitikan gamit ang mga katutubong wika sa bansa. Sinunog
din ang mga aklat na nasusulat sa Ingles upang masigurong hindi mababahiran ng kanluraning
ideya ang panitikang nililikha.
Ang panahong ito sa kasaysayan ng bansa at ng panitikan ang tinaguriang Gintong Panahon ng
Panitikang Filipino dahil higit na malaya ang mga Pilipino (kaysa noong sa Amerikano) sa
pagsulat ng panitikan at pagsanib ng kultura, kaugalian at paniniwalang Pilipino sa mga ito.
Sa panahon ding ito kinilala ang mga manunulat na babaeng Pilipino sa pangalan nina Liwayway
A. Arceo at Genoveva Edroza-Matute dahil sa mga makintal na maka-feministang maikling-
kwento.
Dahil sa dinalang haiku (maikling tulang may tatlong taludtod at may bilang na pantig na 5-7-5
sa taludtod), nagkaroon ang mga Pilipino ng tanaga(maikling tulang may apat na taludtod at ang
bilang ng pantig ay 7-7-7-7)
Panahon ng Pagkamit ng Kalayaan hanggang Kasalukuyan
Naging makasaysayan sa mga Pilipino ang pagbabalik ng kanilang kalayaan mula sa kamay ng
mga Hapon. At dahil sa kalayaang natamo, higit ring sumigla ang kalayaang pampanitikan ng
bansa.
Bilang patunay ng kasiglahan ng panitikang Filipino sa iba’t ibang uri sa panahong ito ay ang
pagkakalimbag ng mga sumusunod na katipunan ng mga aklat: Mga Piling Katha at Mga Piling
Sanaysayni Alejandro Abadilla, Maiikling Kwentong Tagalog ni Teodoro Agoncillo, Ako’y
Isang Tinig ni Genoveva Edroza-Matute at marami pang iba. Kinilala rin buhat sa panahong ito
ang mga panitikang panlalawigan dahil sa mga inilunsad na mga pambansang pananaliksik at
pagsasaling-wika ng panitikan ng Pilipinas. Lalo pang sumigla ang panitikang Filipino nang
ilunsad ang gawad Carlos Palanca Memorial Awards for Litetature.
Sumilang din sa panahong ito ang aktibismo ng mga batang mag-aaral noong nagsisimula ang
dekada ’80 at ang kanilang panitikang aktibista gaya nina Virgilio Almario (na may sulat-panulat
na Rio Alma) at Quintin Perez.
Pinakamasigla rin ang mga panitikang namayagpag sa media gaya ng sa radyo, telebisyon at
sinehan. Nagsilang ang panahong ito ng mga musikerong Imelda Papin at Victor Wood, ng
Hotdog, Sampaguita, Asin, Ryan Cayabyab, Levi Celerio, Pepe Smith at Freddie Aguilar na
naging laman ng mga jukebox. Mga lagaristang gaya nina Ricardo “Ricky” Lee (may-
akda/Himala at Oro, Plata, Mata), Lino Brocka (tagadirehe/Maynila sa Mga Kuko ng Liwanag)
at Ishmael Bernal (tagadirehe/Himala) at Marilou Diaz-Abaya (tagadirehe/Oro, Plata, Mata).
Nagsilabasan rin ang mga karikaturang (komiks) na Darna, Liwayway at Zuma ni Mars Ravelo
at ang pinakatanyag na Pugad Baboy.
Nag-uumpisa pa lang ang ikadalawampung siglo, higit na sumigla ang panitikang Filipino dahil
sa trendo pinauso na dulot ng media.
Kinilala ang Eraserheads (isang bandang binubuo ng mga mag-aaral ng UP) sa pagpapasigla
muli sa OPM. Nagbukas ng daan sa marami pang musikero ang Eheads gaya ng sa Yano, Siakol,
Green Department, the Teeth, Rivermaya at Parokya ni Edgar. Nagbigay ng bagong hihip sa
kulturang Pilipino ang mga bandang ito na nagpakilala ng iba pang genre ng musika sa lahi.
Kinilalang The Beatles of the Philippines ang Eheads dahil sa init na taglay ng bawat pagtanghal
at bagong awitin. Ilan sa mga awiting kinilalang imortal sa panahong ito ay ang Huling El
Bimbo, Iskin, Banal na Aso Santong Kabayo,Himala, Silvertoes, Alapaap, Overdrive, Peksman,
Prinsesa, Pare Ko at Miss sa Loob ng Jeepney. Maliban sa mga banda, kinilala rin ang mga
musika ni Jolina Magdangal, Jeremiah, Rossel Nava at Carol Banawa na mga supling ng
makabagong melo-musika ng bansa.
Sumigla rin ang mga dulang pantelebisyong pambata lalung-lalo na angBatibot, Ang TV at 5 and
up. At mga dulang panradyo ay kinagigiliwan naman ng mga nakatatanda. Puspusan din ang
produksyong pampelikula na nagsalin ng mga maikling-kwento at nobela sa pelikula at
ginawang inspirasyon ang mga awit, tula, sanaysay at kasaysayan sa pagbuo ng marami pang
dulang pampelikula. Naipanganak din ang maraming genre ng pelikula gaya ngindependent flims
at cinema veritae film.
Sa kasalukuyan, sinasalin ang mga panitikan hindi lamang sa mga pahayagan, magazine at aklat,
hindi lamang sa anyo ng pelikula, palabas pantelebisyon o kaya’y programang panradyo; kundi
sa pamamagitan din ng hi-technology – ang Internet. Dahil sa internet nagkaroon ng blogging,
video clipping at audio airingna patuloy na bumubuhay sa panitikan hindi lang ng Filipino kundi
ng ibang lahi mandin.
Patuloy na dumarami ang mga manunulat na Pilipino sa iba’t ibang anyo at uri ng panitikan
gamit ang iba’t ibang media dahil sa mga inumpisahang kurso sa mga universidad at kolehiyo at
pangangasiwa ng gobyerno ng mga pagsasanay sa mga kinakikitaang husay na mga
mamamayan. Ngunit ang kasiglahan ng panitikan ay hindi magiging buo kung aasahan lamang
ang pagdami at pag-usbong ng mga manunulat; kailangan din ang pagpapahalaga at
pagmamalasakit ng mga mambabasa na katuwang sa pagtaguyod ng panitikan ng lahi.
http://kadipanvalsci.blogspot.com/2010/08/panitikang-filipino-sa-ibat-ibang.html?m=1

You might also like