You are on page 1of 1

Pangalan: Neil Russell D.

Endoy BSA-I
Wika at Kultura
Ang wika ay isang napakaimportanteng imbensyon na naimbento ng tao dahil
ginagamit natin ito upang tayo ay maintindihan at upang tayo rin ay nakakaintindi.
Araw-araw tayo ay gumagamit ng wika, pero hindi natin pinahahalagahan ang
biyayang ito sapagkat binabalewala lang ito.
Hindi ko naaalala ang panahon kung saan hindi tayo gumagamit ng wika,
siguro dahil halos imposible gumawa ng kung ano kung wala tayong wikang
ginagamit, pasalita man o pasulat. Ginagamit natin ang wika kahit sa mga simpleng
gawain tulad sa pagsusulat hanggang sa pakikipaglaro natin sa ating kaibigan.
Ang Wikang Filipino naman ay isang napakaimportanteng simbolo sa ating
pagkapilipino dahil isinasagisag nito ang pagiging isang Pilipino, sapagkat marami
ang nagsakripiso, nasugatan at nasawi para lamang makamit natin ang ating
kalayaan at para tayo ay magkaroon ng sariling wika, at iyon ay ang Wikang
Filipino.
Sa Wikang Filipino naman ay may nakaukit na kultura na kasama nito dahil,
maraming kulturang Pilipino ang pwede maiugnay sa wikang ito, sapagkat walang
kultura kung hindi nabuo ang wika. Sa pamamagitan ng ating sariling wika, ang
ating bansa ay may sariling pagkakakilanlan, tayo ay madaling nakikilala dahil sa
ating wika. Hindi natin maipagkakaila na unti unti nang nakakalimutan ang ating
sariling wika, napapalitan na ito o nahahaluan ng wikang ingles.
Tayo ay Pilipino, dapat natin bigyang halaga ang ating wika sa pamamagitan
ng pag intindi at pagbigay unawa nito dahil ito ay isang biyaya na ipinaglaban ng
ating mga ninuno. Kaya’t bigyan natin ito ng pansin. Tayo ay Pilipino kaya’t upang
mapanatili natin ang ating kultura, huwag na huwag natin kalimutan ang ating wika.

You might also like