You are on page 1of 7

ANG KAHALAGAHAN NG WIKANG PAMBANSA

SA PAGBUBUO NG KAKANY AHANG PILIPINO

Andrew Gonzalez, FSC

Ang Wikang Pambansa at ang Kakanyahan

Marami na ang nagsabi at nasulat sa paksang ito, at hindi na


kailangan pang sabihin muli. Nais ko lamang na tingnan natin ang
nangyari at nangyayari sa ibang mga bansa upang magkaroon tayo
ng bagong pananaw sa mga suliranin tungkol sa ating wikang pam-
bansa.
Mabuti at maaari nating ihambing ang kaso ng Indonesya at
ng Singapore, ating mga kapit-bansa sa Timog-Silangang Asya, sa
kaso ng Pilipinas, sapagkat ang dalawang bansang ito ay magbibigay
sa atin ng isang kakaibang larawan. Sa mga salita ng mga dalub-
hasa, ang mga kaso ng dalawa ay limiting cases sapagkat kumakata-
wan sa kaibhan ng dalawang extremes (o dulo).
'
Ang Sitwasyon sa lndonesya

Ang halimbawang pangklasiko sa mga bansa na ang wikang


pansarili ay naging tanda ng kasarinlan at kakanyahan ay ang Indo-
nesya sa pamamagitan ng Bahasa Indonesya (wikang Indonesya).
Ang base ng wikang ito ay ang Pasar Malay o Malay na ginagamit
sa mga basar o mga pamilihan. Noong 1928, na binibilang nata-
ong pinagsimulan ng pambansang kilusan sa Indonesya, ang wi-
kang ito ay wikang pampalengke lamang.
Noong panahong iyon, ang Pasar Malay ay wika ng mga
mangkakalakalan. Isang batas ng buhay-panlipunan na kung nag-
kakasalamuha ang iba't ibang di-marunong ng mga wika ng kani-
lang pinakikisalamuhaan ay pipili sila ng isang wika bilang wikang
2 WIKANGI PAMBANSA SA PAGBUBUO NG KAKANYAHANG PILIPINO

pangangalakal upang maging madali ang pakikitungo. Karaniwan,


ang wikang ito ay payak. Maaari itong ibatay sa isang tunay na wi-
ka, ngunit gagawing simple ang wika.
Sa mga wikang pampamilihan, ang mga panlapi (unlapi, git-
lapi, hulapi) ay di-ginagamit at ang payak na ugat lamang ng pan-
diwa, pang-uri, at pangngalan ang ginagamit. Sapagkat ang mga
wikang ito ay ginagamit lamang sa simpleng pangangalakal, pakiki-
pagsalita sa larangan ng pamilihan, at sa simpleng pakikipagtalasta-
san, ang mga wikang ito ay hindi karafiiwang magagamit sa lara-
ngan ng agham at panayam pang-akademika. Ito ang mga wikang
tinatawag na pidgin.
Ang Pasar Malay ay Malay ng palengke. Simple ang balangkas
at halos walang mga panlapi, hindi kagaya ng Tagalog. At mara-
ming mga salitang hiniram sa iba't ibang wika ng mga tao sa pa-
lengke na ginagamit bilang wikang pansamantala lamang sa panga-
ngalakal - - walang panitikan at walang literatura. Ngunit mabisa
itong gamitin sa pangangalakal. Ang Pasar Malay ay isang uri ng
pidgin Malay na ginagamit bilang pangalawang wika ng mga tao.
Nanggaling ang Malay sa Riau Archipelago, malapit sa Singapore.
Ngunit ang mga Malay ay magagaling na magdaragat at dahil dito
lumalaganap ang kanilang wika bilang wikang pangangalakal na
ginagamit ng marami bilang pangalawang wika. Ngunit bilang
pangalawang wika, hindi mahusay ang pag-uusap ng mga manga-
ngalakal - - saligang komunikasyon lamang ang maaari, kaya't nag-
karoon ng isang diyalekto ang Malay na tinatawag nating Pasar
Malay.
Ito ang kalagayan ng wika noong "1928; sa taong ito, ang mga
Indones ay nagpahayag ng kanilang pagpupunyagi sa pagsasarili
laban sa kanilang mga kolonyalista, mga Holandes o Dutch. Ang
kanilang slogan ay ISANG BANSA, ISANG KATAUHAN, AT
ISANG WIKA. At dahil sa laganap ang Malay, ito ang wikang ka-
nilang pinili bilang tanda ng kanilang pagkakaisa.
Ang mga Indonesyan ay naging malaya lamang pagkaalis ng
mga Holandes, pagkatapos ng Pangalawang Digmaang Pandaigdig.
Ngunit nang mangyari ito, matagal.na nilang ginagamit ang kani-
lang sariling wika at ngayon halos sa buong kapuluan ay laganap
na ang Bahasa Indonesya. Ginagamit na ito hindi lamang sa pa-
lengke kundi maging sa buong bansa, sa lahat ng mga pahayagan,
mga paaralan, at pamantasan. Nagkakaisa nasa wika ang mga Indo-
Andrew Gonzalez, FSC 3

nesyan, ngunit para sa karamihan, pangalawang wika lamang nila '


ang Bahasa Indonesya sapagkat mayroon silang mga sariling wi-
kang pamamahay (home language o bernakular). Maraming mga
pulo sa Indonesya; higit pa kaysa sa mga pulo sa Pilipinas.
Mahigit pa sa doble ( 130 milyon) ang populasyon rtg Indones-
ya kaysa sa Pilipinas (50 milyon) at tayo'y mayroong humigit-
kumulang na walumpung (80) wika sa buong arkipelago. Ang
Indonesya ay may halos 350 wika!
Ngunit kahit laganap na ang Bahasa Indonesya, kakaunti pa
rin ang mga inilalathala sa wikang ito, lalo na sa larangan ng ag-
ham. Dahil dito, nangangailangan pa rin ng world language o wi-
kang pandaigdig o language of wider communication ang mga
lndonesyan. Noong nasa pananakop pa sila ng mga Holandes, ang
kanilang wikang pandaigdig ay ang wikang Holandes o Dutch.
Ngunit ngayon, ang wika nila para sa larangang panlabas ay ang
Ingles.
Ginagarnit din ang Malay sa Malaysia , ngunit sa bansang ito,
may iba't ibang uri ng diyalekto ng Malay. At dahil pinili na ng
Malaysia ang Bahasa Melayu bilang wikang pambansa at nagpu-
punyagi ring paunlarin ang wikang ito, may pagkakaisa na ngayon
sa Indonesya at Malaysia sa pagkakahawig ng dalawang wika sa pa-
mamagitan ng pamamaraang tinatawag nating istandardisasyon ng
baybayin (spelling), balarila (grammar), bokabularyo (lexicon), at
ng istilo ng pagsulat ng mga sanaysay.

Ang Sitwasyon sa Singapore

Iba naman ang sitwasyon sa Singapore. Nang maitatag ang


bansang Malaysia noong 1957, ang Singapore ay bahagi pa ng
Malaysia. Ngunit noong 1965, naging independyente rin ang Sin-
gapore bilang city-state at naiba na ang pamamahala ng Singapore
pagkatapos ng taong ito. ,
Ang Singapore ngayon ang pinakamayaman at pinakamaun-
lad sa industriya at paghahanapbuhay sa mga bansa ng Timog-Sila-
ngang Asya. Ang pa capita GNP (Gross National Product) ng Sin-
gapore ngayon ay US$3000 sa isang taon; sa Pilipinas narnan ay
US$750, at sa Indonesya ay US$450. At ang per capita GNP sa
Malaysia ay US$1100 naman.
4 WIKANG PAMBANSA SA PAGBUBUO NG KAKANYAHANG PILIPINO

Higit lamang sa dalawang milyong tao ang Singapore. Ang


kanilang target na populasyon sa susunod na sandaang taon ay
tatlong milyon lamang. Kaya nga kung maliit ang populasyon ng
isang bansa, madali itong mapaunlad sapagkat kakaunti lamang
ang mga problema. At masipag naman ang mga taga-Singapore sa-
pagkat sila ay naiimpluwensiyahan ng mga payo ni Konpusiyus
(Confucian ethic).
Ang kahihinatnan ng Singapore, sa kanilang intensyon, ay
maging sentro ng pananalapi sa Katimugang-Silangang Asya. Sila
rin ang magiging sentro ng internasyunalismo at buhay-intelektwal
at ng pagpapaunlad at pananaliksik. Kaya handa silang gumastos
para sa kanilang mga paaralan lalo na sa kanilang mga pamantasan.
Sa kanilang pananaw, ang kinabukasan ng kaginhawaan ay ibaba-
tay sa high technology, sa paggamit ng agham sa mga bagong in-
dustriya na magiging bunga ng mga agham - - sa larangan ng genetic
engineering, mga computer, sa electronics at communications, at
tinatawag na bio-engineering. Dahil dito, malaki ang atensiyon
na ibinihigay sa agham at ngayon sa paggamit ng mga kompyuter
bilang instrumento sa pagtatrabaho. Sa larangang ito, ang modelo
ng mga taga-Singapore ay ang Hapon.
Ang kanilang slogan ay LOOK EAST, hindi LOOK WEST.
Ganito rin ang slogan ng mga taga-Malay sia.
Ngunit ibang-iba ang pananaw ng mga taga-Singapore sa wi-
ka kung itutulad sila sa mga taga-Malaysia na maka-Bahasa Mela-
yu. Inalis na ng mga taga-Malaysia ang Ingles bilang wikang pan-
turo sa kanilang mga pamantasan.
Ang Singapore naman ay iba. J?ahil·sa sila'y bahagi ng Malay-
sia noong araw, sa kaniiang Konstitusyon o Saligang Batas, ang
wikang pambansa nila ay ang Bahasa Malay pa rin at ang kanilang
pambansang a wit ay nasa wikang Malay pa rin. Ngunit halos hindi
ginagamit ang Malay -sa Singapore. Ang ginagamit ngayon ay Ingles
at ang wikang pambahay, isa sa mga wikang Intsik batay sa home
language ng mga tao: Hakka, Hokkien, Teo Chew, o Cantonese.
~vfay tatlong taon, dahil sa inspirasyon ni Lee Kuan Yew, na nag-
aaral din ng Mandarii1 o Putonghua (uniFersallanguage) ang mga
taga-Singapore. Ngunit ang diin ay sa Ingles dahil sa paggamit ng __
Ingles sa agham. Maraming paaralan ngayon ang gumagamit sa !a-
hat ng asignatura ng Ingles kahit na sa mga mababang paaralan.
Ang mga mababang paaralan na gumagamit ng ibang wikang pan-
turo dahil sa wikang pambahay (halimbawa, Tamil, Mandarin, Ma-
lay) ay umuunti at nagbibigay-daan sa Ingles.
Andrew Gonzalez, FSC 5

Sa mga taga-Singapore, ang wikang pambansa ay isang tanda


lamang - - kagaya ng pambansang awit - - na simbolo ng pagka-
baPsa. Ngunit higit na mahalaga sa kanila ang kaunlaran at ang
kasanayan kaya't hindi sila nagpapaumanhin na ang wikang pina-
uunlad nila ay wikang dayuhan, ang Ingles, na kailangan nila sa
pagpapaunlad ng kanilang maliit na bayan. Ngunit kung makiki-
pag-usap ka sa isang Singaporean, malaki ang kamalayan niya na
siya ay hindi taga-Tsina, taga-Hong kong, taga-Taiwan, ngunit taga-
Singapore at tunay na Singaporean, isang bagong bansa na naiiba
sa Tsina at ngayon ay isang miyembro ng ASEAN. Sa tingin ko'y
mainam din ang pambansang kamalayan ng Singaporean. Burna-
batik sila sa kanilang bansa pagkatapos mag-aral sa ibang lupain.
Halos walang brain-drain sa Singapore!
Inilalarawan ko ang sitwasy~ ng Singapore sapagkat ito ay
halos kabaligtaran ng Indonesya. Malaki ang empasis sa wikang
pambansa sa Indonesya; halos walang empasis sa wikang pambansa
sa Singapore. Wikang dayuhan ang pinipilit nilang pag-aralan.
Ngunit mas maunlad ang Singapore kaysa sa Indonesya. Hindi
lamang iyon. Sa palagay ko, mas mayabong ang pambansang kama-
layan ng mga taga-Singapore kaysa sa mga Indones, at ang patunay
nito ay bumabalik ang mga taga-Singapore sa kanilang bansa. Sa-
man tala, malaki ang brain drain sa Indonesya.

Ang Sitwasyon sa Pilipinas

At dito naman sa ating bansa, ano ang sitwasyon?


Mayroon na tayorlg kasarinlan mula pa noong 1946 sa mga
Amerikano - - at sa mga Kastila, noon pang 1898. Ngunit bakit ba
tuwing mayroon tayong problema, lumalapit pa tayo kay Uncle
Sam? At tingnan naman natin ang mga Pilipinong nakapila sa
American Embassy sa Roxas Boulevard na nag-aaply ng kanilang
immigration papers. At ilan sa atin ang naghihintay ng tawag
upang angkinin tayo ng isang kamag-anak upang maging Kayu-
mangging Kano?
Natatandaan ko ang panahon ng mga aktibista sa ating mga
kampus noong taong 1969-1972, kung gaano karami ang nagde-de-
monstrate sa harapan ng American Embassy at isinusumpa tng
mga Kano. At marami sa mga aktibistang iyon - - lalo na iyong
mga taga-La Salle - - ay nandayuhan na sa Amerika ngayon. Ano
ang nangyari sa nasyonalismo ng ating mga kabataan?
6 WIKANG PAMBANSA SA PAGBUBUO NG K.AKANYAHANG PILIPINO

Ang tunay na nasyonalismo ay ang pagsisilbi sa ating mga ka-


babayan dito sa Pilipinas kahit na mahirap magtrabaho sa isang
diktadura. Sa palagay ko, kaming hindi nag-migrate, kahit na pu-
wede, ay ang mga totoong nasyonalista sa ating bayan, hindi iyong
tinatawag ni Ka Doroy Valencia na steak commandos na nagka-
kampanya sa ilalim ng kaginhawaan at salapi ng Amerika, lalo na
sa Honolulu, Hawaii. Walang kredibilidad maging makabayan ang
isang tao kung ang intensyon niya ay lumayas dito sa ating bayan.
Sa kanila. sasabihin ko: Lumayas na nga kayo at huwag na niny~
kaming pagtrabahuhin pa sa inyong edukasyon dito sa La Salle sa-
pagkat dito sa la Salle nagtatrabaho kami hindi upang makaalis
kayo kundi upang magkaroon kayo ng kaalaman at mga kasanayan
upang paglingkuran ang bayan natin at ang ating mga mamamayan.
Ito ang tunay na pagkamakabayan.
At ang wika, ano naman ang bahagi nito?
Hindi natin maitatatwa na ang isang wikang pansarili, isang
wikang taal at di-dayuhan, ay mahalaga sa pagkakaroon ng self
identity o kakanyahan. Ang simbolo ng isang bandila, isang
marcha nacional, isang pambansang awit, isang pambansang bulak-
lak, isang pambansang kasuutan ay makabuluhang lahat bilang mga
tanda ng kakanyahan at pagsasarili. Ngunit ito ay mga tanda la-
mang - - ang tanda ay simbolo. Nangangailangan ng kahulugan sa
mga gumagamit ng mga simbolo. At mas mahalaga ang kahulugan
kaysa sa simbolo. Ang simbolo ay simbolo lamang- - walang kabu-
luhan kung wala roon ang damdamin ng mga gumagamit ng simbo-
Jo. At ang mga palatandaan ay maaaring palitan, gawing makabago
kung kailangan. Kaya nga mabuti na rin na ang ating pambansang
awit ay nasa wikang sarili na ngayon, hindi sa Ingles. Ngunit nang-
yari ito noong 1963 lamang nang ang pangulo ay si Diosdado
Macapagal.
Magiging maka-Indonesya ba tayo o magiging maka-Singapore
sa larangan ng wika?
Sa wari ko, tama na ang debate at pagtatalo. Napakaraming
panahon ang inaaksaya natin sa pakikipagtalo at sa mga panayam.
Ang kailangan ay ang GA WA, hindi ang SALIT A.
Gamitin natin ang ating wikang pansarili, at kahit na ayaw pa
ng mga taga-Bisaya, lalo na ng mga Cebuano, ng Tagalog, hindi na
ito mapipigil sa paglaganap sa buong kapuluan, lalo na sa mga lun-
sod, bilang lingua franca. Hindi na bale kung tawagin nating wi-
kang pam ban sa o wikang opisyal ang Tagalog o ang Pilipino: Laga- .
Andrew Gonzalez, FSC 7

nap na ang wikang ito. Ginagamit nang halos lahat ng tao sa bu-
ong kapuluan. Sa aking pagtatantiya, higit na sa 70% ang maaaring
makipagtalastasan sa Pilipino ngayon at sa taong 2000, sa bagong
siglo 21, halos 100% na ang magiging marunong sa Pilipino. Bay a-
an na kung ganoon at huwag nang pagtalunan pa. Maski na anong
gawin ngayon, lalaganap ang Pilipino.
Ang dapat gawin ay linangin ang Pilipino bilang wikang pang-
akademika sapagkat ngayon ay ginagamit na ito ng magkakalapit-
bahay sa mga palengke at tindahan, sa mga opisina, sa mga bagay
na pang-araw-araw. Kailangang gamitin natin ang Pilipino bilang
wikang panturo at unti-unting magsulat ng mga lathalain, mga ak-
lat, mga sanaysay na pang-intelektwal sa Pilipino. Sa ganito la-
mang yayabong at maigagalang ang isang wika. Ang kailangan ay
panahon, pagtitiyaga, at pagkamalikhain - - at mga magagaling na
siyentipiko na magsusulat sa Pilipino. Ganoon ang nangyari sa
Aleman, sa Pranses, sa Ingles. Ganoon din ang mangyayari sa Pili-
pino kung magtitiyaga tayo.
May mga disbentaha sa posisyon ng lndonesya at sa posisyon
ng Singapore. Ang mainam ay ang kompromiso, isang middle-way.
Gamitin natin ang Ingles hanggang kailangan natin, lalo na ngayon
sa larangan ng agham at teknolohiya. At magpunyagi naman ta-
yong paunlarin ang Pilipino sa paggamit nito sa bagong larangan ng
mga asignatura. Unti-unti. Maraming paghahanda at mga pampa-
sigla sa ating mga makata at marurunong ang kailangan upang ma-
ganyak silang magsulat sa Pilipino.
Sa panahpng ito, kailangan natin ang dalawang wika. Ang
Ingle~, sa kagamitan lamang - - upang umunlad tayo sa agham at
teknolohiya at mapagbuti natin ang kalidad ng buhay natin dito
sa pinakamadaling panahon.
Ngunit para sa ating kasarinlan, lalo nasa kasarinlan ng ~ting
pag-iisip, at sa ating kakanyahan bilang taal na Pilipino, P}:Iipino
ang kailangan natin. Tayo ay talagang taal na Pilipino. Ipinagka-
kapuri na tayo ay Pilipino. Malaya na tayo hindi lamang sa gob-
yemo, kundi sa ating paghahanapbuhay at lalo na sa ating pag-
iisip at kalinangan.
Ang wika ay isa lamang bahagi - - ngunit napakahalagang ba-
hagi ng ating kakanyahan. Ang mas mabigat ay ang nasa puso
natin, ang nasa isip at nasa gawa.

You might also like