You are on page 1of 135

Memoirs of the Casanova's Wife (Completed)

by loveorhatethisgurl

Only death can make us apart and can bring us back together. Book 2 of Marrying the
Casanova

=================

Author's Note

First, bago niyo basahin ang Memoirs of the Casanova’s Wife make sure na nabasa
niyo na ang Marrying the Casanova. Obviously, Book 2 ito. You will be spoiled big
time if uunahin niyo ang book 2 kesa sa book 1.

Second, ilang chapters lang 'to. Hindi na sobrang haba gaya ng book 1. Siguro
around 20 chapters lang. Maximum na iyong 30 chapters. Ayokong pahabain dahil may
isang story ako na nasa utak ko. Isusunod ko na pagkatapos nito. Ayoko muna simulan
dahil for sure hindi ko kayang pagsabayin ang dalawang stories plus pag-aaral.

Third, gusto ko mang bigyan kayo ng update everyday, hindi ko na magawa. Kailangan
kong mag focus sa pag-aaral ko dahil ayokong bumagsak. Please be patient. Huwag
niyo akong madaliin.

Fourth, hindi ko alam kung sang genre ko ito ilalagay. Since hindi ko alam,
itutulad ko nalang sa book 1 na humor at romance.

Finally, gusto kong magpasalamat sa lahat ng readers na hindi talaga bumitaw sa


book 1 kahit na sobrang haba nito. hahaha. Thank you at sana tapusin niyo ang book
2 hanggang sa finale. I ASSURE YOU, HAPPY ENDING 'TO!!!! Iyon lang. Ayokong ispoil
kayo :P

----------------------------------------------------------------------------------
--------------------------------------
Memoirs of the Casanova’s Wife
written by loveorhatethisgurlThis is a complete fictional story
from the events to the characters. Any similarities to real life events, or any
other form of entity, living, dead or in any other state of existence, is purely
coincidental. The author cannot and will not be held accountable for such
similarities or any other parallels that are imagined and/or drawn by you, the
reader, between the fictional work and real life events.
© 2012. All Rights Reserved
=================

Prologue

Ilang segundo na ba ang lumipas? Ilang minuto? Ilang oras? Ilang linggo? Ilang
buwan? o ilang taon?

Hindi ko na alam at hindi ko na maalala. Pero alam ko.. Siya parin iyong mahal ko.
Siya parin iyong babaeng tinitibok ng puso ko. Siya parin ang Maybelline na minahal
ko ng lubusan. Kahapon, ngayon at bukas..

Habang nakaupo ako sa kama namin ni Maybelline, binuksan ko iyong drawer sa bedside
table at kinuha iyong libro na ginawa niya. Nasa front cover ang paborito naming
litrato na dalawa. Iyon ang isa sa mga pinakamasasayang araw namin ni Maybelline.

Memoirs of the Casanova’s Wife.

Iyon ang nakalagay na title sa taas ng picture. Hanggang ngayon natatawa parin ako
sa napili niyang title. Sa lahat ba naman kasi ng pwede iyon pa talaga. Ilang beses
ko ng sinabi sa kanya na hindi na ako Casanova simula nong nangako ako sa kanya na
gagawin ko ang lahat para sa relationship namin.

Wala parin siyang pinagbago. Napapangiti parin niya ako. Dahan dahan kong binuksan
iyong makapal na libro na ginawa ni Maybelline at binasa iyong page one.

Love is stronger than death even though it can't stop death from happening, but no
matter how hard death tries it can't separate people from love. It can't take away
our memories either. In the end, love is stronger than death.

Hindi ko alam kung san niya napulot ang katagang iyan pero sobrang namamangha ako
dahil sa katotohanan na dala dala nito. Hinawakan ko iyong dulo ng unang pahina
saka ko ito inilipat sa kabila para basahin ulit ang sinulat niyang unang kabanata
ng love story namin. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko ng binasa ang librong
ito pero hindi parin ako nagsasawa. Siguro dahil si Maybelline ang mismong gumawa
nito at dahil ito ang pagpapatuloy ng love story naming dalawa mula nong maghiwalay
kami.
=================

Chapter 1: Him

Naisipan kong isulat ang librong ‘to dahil hindi ko alam kung anong mangyayari
sa’kin mamaya. O bukas o sa susunod na mga araw. Pagkatapos kong malaman na may
sakit ako. Andaming pumasok sa utak ko, pero pagkatapos ng araw na iyon, naisipan
kong, siguro binigyan ako ng ganitong sakit hindi para pahirapan ako, kundi para
maging mas malakas ako. Para marealize ko at ng kung sino man ang babasa nito na
sobrang ikli ng buhay ng tao. Tama nga iyong sinasabi ng iba na habang may chance
ka pa, live your life the fullest.

Hindi mo malalaman kung gaano kalang katagal na pahihintulan ng Panginoon na


tumira sa mundong ibabaw. Hindi ko narealize noon na sa bawat umaga na ginigising
tayo ng Panginoon, dapat tayong magpasalamat dahil iyong iba, ginagawa ang lahat
para lang mabuhay sila.

I have learned my lesson, gusto kong gawin lahat ng gusto kong gawin habang andito
pa ako sa mundo. Pero ang masakit, hindi ko magawa lahat ng iyon. Dahil alam kong
may masasaktan pag nawala ako.

Hindi ko alam kung san ko sisimulan ang kwento ko. Isa lang ang alam ko, isa lang
ang nasa isip at puso ko. At siguro don ko sisimulan ang lahat.

Kay Kevin..

Sa araw araw na gumigising ako, masaya ako dahil buhay parin ako. Pero ang
nakakalungkot, wala na siya sa tabi ko.

“Good morning baby..”

Hinimas himas ko ang tiyan ko para kamustahin si baby.

“How was your sleep? Pagkatapos ng ilang minuto kakain na tayong dalawa ha? Siguro
gutom ka na.”

Dumeretso na ako sa banyo para maghilamos at maglagay ng make up. Wala naman akong
planong lumabas para sa araw na iyon kaya kung tutuusin hindi ko na kailangan pang
mag make up. Pero gusto ko talaga. Ayokong lumabas ng kwarto ko na hindi ako
maganda. Gusto ko presentable iyong itsura ko kahit na ang parents ko lang naman at
si Ate Kate ang makikita ko.

Sabi nila, pag lalaki daw ang baby na binubuntis mo nagiging panget ka daw. Tapos
pag babae naman nagiging maganda ka. Iyon siguro ang dahilan kung bakit gustong
gusto kong palagi akong maganda. Dahil baka babae si baby.

Dahil assuming akong tao, at I already assumed na baby girl ang magiging anak ko.
Napagisipan ko na ang magiging pangalan niya pag lumabas na siya.

Kevia..

Huwag niyo ng tanungin kong bakit Kevia dahil obvious naman ang reason kung bakit
napili ko ang pangala niya. Kev for Kevin and ia for Mia.

Gusto ko sanang Kevia Choi ang dadalhin niyang pangalan pero alam kong magiging
malabo iyon dahil hindi naman talaga kami kasal ni Kevin. Iyon iyong secreto na
tinago ko kay Kevin. Akala ko talaga eh walang makakalam non bukod sa'kin at sa
parents ko pero nalaman iyon ni Jun.

Pero masaya parin ako at naisip kong gawing peke iyong kasal namin ni Kevin. Para
din naman sa kanya iyon.

Nakahawak ako kay baby habang nakatingin ako sa repleksyon ko sa salamin. Ang
bilis bilis niyang lumaki. I am two months pregnant pero hindi pa halata na buntis
ako dahil hindi na ako nagsusuot ng mga fitting na damit.

Mahigit isang buwan nadin mula nong huling pagkikita namin ni Kevin. Iyong gabing
hindi ko tinanggap ang proposal niya. Ayokong maging selfish kaya ko ginawa iyon at
iyon ang sa tingin ko ay tama.

Pagkatapos kong ayusan ang sarili ko, bumaba na ako para mag almusal.

“Good morning baby..at sa isa pa naming baby..”

Sambit ni Mommy saka niya hinipo iyong tiyan ko.

“Good morning din Ma. Si Dad po?”

Tanong ko.

“Nasa hapagkainan na. Halika na para makakain na tayo.”

Ang parents ko lang ang tanging nakakaalam ng sitwasyon ko at iyong isa pang tao
na labas sa pamilya namin. Lumipat na kami ng tirahan para lumayo sa mga kaibigan
ko at kay Kevin. Simula nong gabing iyon, bigla nalang kaming naglaho na parang
bula. Gusto kong lumipat na kami ng states pero ayaw ng parents ko. Binenta nadin
namin sa iba ang shares namin sa kompanya at nag-iba na ng negosyo.

Hindi man sang-ayon ang parents ko nong una, na hindi ako magpagamot, pumayag na
din sila. Mas gusto ko pang ako iyong mamatay kesa ang magiging anak ko. Ayokong
siya iyong mahirapan. Pero pag nakalabas na si baby at may pag-asa pa akong
magpagamot, syempre magpapagamot ako. Pero sa ngayon, first priority ko si baby
Kevia.

Pabalik balik parin ako sa hospital, para ma monitor ang sitwasyon ng baby at para
nadin sa mga vitamins na dapat kong inumin.

“Good morning Dad.”

Pabati ko kay Daddy habang nagbabasa siya ng newspaper.

“Good morning din anak. Kamusta ang tulog mo?”

“Okay naman po Dad. Kain na po tayo?”

Kahit ganun lang iyon family bonding namin, masaya parin ako dahil nakakasama ko
sila sa hapagkainan.

“Oo nga pala Maybelline. Tumawag si Jun kanina, siya na daw muna iyong sasama
sa’yo sa ospital.”

Banggit ni Mommy habang nasa kalagitnaan kami ng pagkain.

“Maaa~ Bakit ka naman pumayag?”

Maliban sa parents ko at kay Ate Kate, si Jun lang ang tanging may alam ng sakit
ko. Hindi dahil sa sinabi ko sa kanya, kundi dahil nalaman niya pagkatapos niya
kaming sundan sa ospital. Hindi ko alam kung bakti ganun iyong personality niya.
Para siyang babae kung maka usisa.

“Kung pwede ka lang sana naming samahan ng Daddy mo sa ospital hindi na sana kami
pumayag.”

Sagot ni Mommy.

“Ma, kaya ko na ang sarili ko. Hindi naman ako ganun ka hina para...”

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil nagsalita ulit si Mommy.

“I know baby. Pero hindi natin alam kung anong pwedeng mangyari..”

Kahit na makipagtalo pa ako kay Mommy, alam kong sa bandang huli siya parin iyong
masusunod. Wala na akong choice kundi ang magpasama kay Jun sa ospital.

-MCW-

“Good morning..”

Bati sa’kin ni Jun pagkatapos kong lumabas ng gate namin. Nakatiklop iyong
dalawang braso niya sa dibdib niya habang nakaupo siya sa hood ng kotse niya.

“Anong maganda sa umaga kung ikaw iyong maghahatid sa’kin?”

Sambit ko.

“Ang sungit sungit mo talaga. Akala ko magbabago ka na dahil buntis ka pero mas
lalo ka atang lumala. hehehe.”

Hindi naman nakakatawa iyong sinabi niya pero tumawa parin siya. Nakakainis!

Binuksan ni Jun ang pinto sa front seat saka ako pumasok.

“Kung may choice lang sana ako, hinding hindi ako sasama sa’yo.”

Sambit ko sa kanya saka ko sinara ng padabog ang pinto ng kotse.

Lumibot na muna siya saka niya binuksan iyong pinto sa driver’s seat saka siya
naupo at pinaandar iyong makina ng kotse.

“haha. Wala ka ng choice diba? Kaya mas mabuti pa huwag ka nalang sumimangot
diyan. Ang gwapo gwapo ng nasa harapan mo tapos..”

Hindi ko na pinatapos si Jun dahil nairita ako sa boses niya. Nairita ako sa
sinabi niyang gwapo siya. Ang kapal niya. Ang hangin niya. Napaka hambog niya. Daig
pa niya si bagyong Pablo.

“Pwede ba tumigil ka na sa kakadaldal mo. Daig mo pa ang babae kung makadaldal.


Tayo na nga para naman makauwi na ako agad.”

Pagtataray ko sa kanya.

Sa buong biyahe namin, hindi ako nagsalita at ganun din naman siya. Siguro
nagsalita niya pero hindi ko lang narinig dahil naka earphone ako at nakikinig ng
music.
Nasa bintana lang ng kotse ang dalawang mata ko at tumingin tingin sa paligid
hanggang sa makita ko iyong mall. Hindi ko na alam kung ilang linggo na akong hindi
nakapasok ulit sa mall.

“Jun, pumunta na muna tayo dito. Gusto kong kumain ng ice cream.”

Sambit ko sa kanya.

“Sa mall? Pano kung may makakita sa’yo? Huwag nalang. Don nalang tayo bibili ng
ice cream.”

Sabi niya.

“Mabilis lang naman eh. Sige na. Huminto ka na. Alam mo bang bawal hindian ang mga
buntis?”

Pagpapaguilty ko sa kanya.

“Tss.. Sige na nga. Pero saglit lang tayo ha?”

Tumango ako sa kanya saka kami pumasok sa parking space ng mall.

Malayo naman ang mall na’to sa tinitirhan namin dati kaya sigurado akong walang
makakakita sa’kin dito.

Pagkatapos naming magpark ni Jun, pumasok na kami sa mall. Ang lamig! Sobrang
namiss ko iyong aura ng mall.

“Don tayo.”

Sambit ni Jun saka niya hinawakan iyong kamay ko.

“Huwag mo nga akong hawakan.”

Inalis ko agad iyong kamay ko mula sa pagkakahawak niya.

“Ang arte mo talaga. Aalalayan lang naman kita eh.”

“Kaya ko na ang sarili ko.”

Pumasok kami ni Jun sa ice cream shop saka siya nag order. Kalahati palang ang
naubos kong ice cream ng bigla akong tumayo.

“San ka pupunta?”

Tanong niya.

“Comfort room. Bakit? Sasama ka?”

Pagtataray ko ulit sa kanya.

“Kung pwede lang sana bakit hindi..”

“Tss..”

Tumalikod na ako sa kanya saka ako dumeretso sa comfort room. Dahil maliit lang
ang ice cream shop, isang comfort room lang ang meron sila at may tatlo pang
nakapila kaya naisipan kong lumabas nalang ng shop para maghanap ng ibang comfort
room.

Hindi ko masyadong kabisado ang mall na pinuntahan namin ni Jun kaya medyo
natagalan ako sa paghahanap.

Biglang nabaling ang atensyon ko, ng makita ko ang baby’s section ng mall. Sobra
akong natuwa kaya tumingin tingin ako ng mga gamit na pwede kong bilhin sa susunod
na buwan.

Ang cute ng mga gamit nila. Gusto ko lahat pink dahil girl ang magiging baby ko.

Naging busy ako sa kakatingin ng mga gamit ng baby kaya nakalimutan kong kasama ko
pala si Jun at sigurado akong hinahanap na niya ako.

Maybelline?

Bigla akong nanigas pagkatapos kong marinig ang pangalan na iyon. Maybelline.
Sobrang tagal na mula nong huli kong marinig ang pangalan na iyon mula kay Kevin.
Kamusta na kaya si Kevin?

Masaya kaya siya ngayon? Iniisip parin kaya niya ako? Hinahanap kaya niya ako?
Mahal parin niya kaya ako?

Pero dahil sa sobrang dami ng pangalang Maybelline, hindi na ako lumingon dahil
sigurado naman akong hindi ako iyong tinutukoy ng taong nagsalita non.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad ko hanggang sa makalabas ako ng baby’s section.
Dumeretso na ako sa ice cream shop kung san ko iniwan si Jun pero wala na isya don.

“Excuse me Miss. Nakita mo ba iyong lalaking nakaupo dito?”

Tanong ko sa babaeng nasa tabi ng table namin.

“Ahh iyong gwapong lalaki ba ang tinutukoy mo? Kakaalis lang niya. Boyfriend mo ba
iyon? Ang swerte mo naman.”

Sambit niya.

“Eww lang ha. Hindi ko boyfriend iyon. Pero salamat sa impormasyon.”

Lumabas na ulit ako ng shop para hanapin si Jun. Lagot na talaga!!! Sigurado akong
lumabas siya ng shop para hanapin ako.

Mabilis iyong paglalakad ko habang tumingin tumingin ako sa paligid para hanapin
si Jun.

“Maybelline! Saglit lang!!!”

Napatigil ulit ako pagkatapos kong marinig ulit ang pangalan ko. Lumingon ako
dahil baka sakaling ako iyong tinatawag ng tao.

Pero paglingon ko...

Nakita ko ulit siya..

Pakiramdam ko, mamamatay ako ng maaga hindi dahil sa sakit ko kundi dahil sa heart
attack. Hindi ko kayang ipaliwanag kung ano ang eksaktong naramdam ko non.

Tatlong linggo lang kaming hindi nagkita pero pakiramdam ko tatlong taon na ang
lumipas simula nong huling pagkikita namin.

Ang laki ng pinagbago niya. Mahaba na iyong buhok niya na parang hindi na siya
nagpagupit. Bagay parin naman sa kanya iyon pero mas gusto ko iyong maikling buhok
niya.

“Maybelline ikaw nga!!”

Hindi ako nakagalaw pagkatapos kong makabalik sa tamang pag-iisip. Si Kevin nasa
harapan ko.
=================

Chapter 2: Again

Si Kevin..

“Maybelline.. Sa wakas nakita nadin kita..”

Dahan dahang lumapit si Kevin sa’kin.

Kahit na tumalikod ako at tumakbo alam kong mahahabol parin niya ako. Kahit na
magpanggap ako at umarte na hindi ko siya kilala at nagka amnesia ako, alam kong
hindi parin iyon gagana.

Andun na eh. Hindi ko na matatakasan ang nangyari. Sadya talagang mapagbiro ang
tadhana. Ayokong makita si Kevin dahil gusto kong makapag move on kaming dalawa.
Kahit na alam kong imposibleng makalimutan ko siya.

“Matagal ka naming hinanap. Bakit naglaho ka nalang na parang bula? Hindi mo naman
kailangang gawin iyon.”

Sambit ni Kevin.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya.

Dahil gusto ko lang?

Anong paki mo?


Hindi ako nakapagsalita dahil walang lumabas na boses mula sa bibig ko. Walang
laman ang utak ko at pakiramdam ko non para akong nakalipad sa ere.

“Mia.. Kanina pa kita hinaha...”

Bigla kong nakita si Jun mula sa likod ni Kevin. Pero hindi niya natapos ang
sasabihin niya sana ng mapansin niya na si Kevin pala ang kaharap ko.

“Anong ginagawa mo dito?”

Tanong niya kay Kevin.

Nabigla din si Kevin pagkatapos niyang makita si Jun. Alam ko, hindi niya inasahan
na makita si Jun at hindi niya nagustuhan iyon.

Ayoko man sanang gawin iyong nasa utak ko ay ginawa ko parin. Dahil iyon lang ang
tanging naisip ko para matakasan si Kevin.

“Ahh Jun andito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap. Pasensya na talaga kung
bigla nalang akong nawala kanina. Masyado kasing madaming nakapila sa comfort room
ng shop kaya lumabas ako saglit. Pero pagbalik ko wala ka na. Mabuti nalang at
nahanap mo ako.”

Sambit ko saka ako lumapit kay Jun at humawak sa braso niya.

Nagulat si Jun sa ginawa ko pero hindi na siya umimik. Hindi ako sigurado kung
dahil ba iyon sa sobrang gulat niya oh dahil nagustuhan niya iyong ginawa ko.

“Kayo na ba?”

Tanong ni Kevin sa’kin.

“Kaya ka ba lumayo dahil pinili mo si Jun?”

Tanong niya ulit sa’kin.

Mas mabuti pang isipin ni Kevin na mahal ko si Jun kesa sa isipin niyang mahal ko
pa din siya. Mas gusto ko pang iyon ang nasa isip niya para magalit siya sa’kin at
para maisipan niyang kalimutan na ako.

“Tara na?”
Tanong ko kay Jun saka kami tumalikod kay Kevin.

Pagkatapos kong tumalikod kay Kevin, pinikit ko lang ang mga mata ko at hayaan
nalang na gabayan ako ni Jun.

Dinasal ko na sana, hindi kami sundan ni Kevin. Na sana, manatili nalang siya sa
kinatatayuan niya at tumalikod nadin pagkatapos. Sanamagalit siya sa’kin.
Sanakalimutan na niya ako. Sanamaghanap nalang siya ng ibang babae na mas deserving
sa kanya.

“Wala na siya...”

Pagkatapos sabihin ni Jun iyon, saka ko lang binuksan ang mga mata ko at tinanggal
ang mga kamay ko sa mga braso niya.

Ni isang patak ng luha, walang lumabas sa mga mata ko habang nasa harap ako ni
Kevin non. Pero pagkatapos naming makarating ni Jun sa parking space, bigla nalang
akong napaiyak.

Hindi ko inasahan na magkikita ulit kami ni Kevin. Kahit nasa panaginip hindi ko
naisipan iyon.

“Bakit ka umiiyak?”

Tanong ni Jun sa’kin.

Ang totoo, hindi ko din alam kung bakit ako umiyak non. Hindi ko alam kung dahil
ba sa sobrang saya ko at nakita ko ulit si Kevin o dahil sa nagkita nga kami ulit
pero hindi naman kami pwedeng magsama. Hindi ko man lang siya pwedeng hawakan.
Hindi ko man lang pwedeng sabihin sa kanya na namiss ko siya, na mahal ko parin
siya.

“Alam mo Mia. Dapat sana eh masaya ako ngayon. Dapat nagbubunyi ako dahil wala na
kayo ni Kevin. Na may malaking chance na magiging tayo ulit. Gusto ko eh.. Gusto
kong maging masaya pero hindi ko magawa. Dahil alam ko na nasasaktan ka ngayon. Na
kahit, wala na kayo ni Kevin. Kahit na hindi na kayo magkasama, alam kong sa puso
mo siya parin ang andiyan. Siya parin iyong mahal mo. Alam kong kahit ilang dekada
akong maghihintay sa’yo, hindi mo parin ako mamahalin. Alam ko na kahit anong gawin
ko, hindi mo parin siya makakalimutan..”

Kahit na anong pagpigil ang gawin ko, hindi parin tumitigil ang mga luha ko sa
pagdaloy mula sa mga mata ko.

“Hindi kita maintindihan.. Bakit pinapahirapan mo pa ang sarili mo? Bakit hindi mo
nalang sabihin kay Kevin ang totoo? Mahal ka niya Mia kaya kahit na malaman niyang
may sakit ka, hindi ka niya iiwan. Huwag kang matakot.”
Sambit ni Jun.

Pinahiran ko iyong mga luha ko, saka ko inangat ang ulo ko at hinarap si Jun.

“Iyon na nga iyong punto ko Jun eh. Alam kong kahit na malaman ni Kevin na may
sakit ako, tatanggapin parin niya ako. Iyon iyong kinatatakot ko Jun. Natatakot ako
na pag nawala na ako sa mundong ito, masasaktak ng husto si Kevin..”

“Napakaselfish mo Mia..”

Bigla akong nasaktan sa sinabi ni Jun.

Matatawag ba talaga akong selfish sa ginawa ko? Ginawa ko iyon para sa kapakanan
ni Kevin. Pero bakit sinasabi ni Jun na selfish ako?

“May karapatan si Kevin na malaman ang totoo.”

Pagpapatuloy ni Jun.

“Pwede ba Jun tigilan na natin ‘to.”

Papasok na sana ako sa kotse ng magsalita ulit si Jun.

“Hindi ka mamamatay Mia. Hindi pa naman huli ang lahat, pwede ka pa namang
magpagamot Mia. Bakit ba ayaw mong magpagamot?”

Naiinis ako kay Jun. Nabubweset ako sa kanya. Sadya bang ang kitid ng utak niya at
hindi niya maintindihan ang consequence ng pagpapagamot ko?

“Kung magpapagamot ako, pwedeng ikamatay iyon ng baby.”

Mahinang sabi ko sa kanya habang nakahawak ako sa tiyan ko.

“Eh di gumawa ulit kayo ni Kevin.”

Kung hindi lang talaga ako malayo kay Jun, nasampal ko na siya sa sinabi niya.

“Ang dali lang sabihin sa’yo iyan dahil hindi ikaw iyong nagdadala sa baby ko.”

Bulalas ko saka ako pumasok sa kotse niya.


Pumasok nadin si Jun sa kotse at naupo sa driver’s seat.

“Alam mo Mia, may karapatan si Kevin na malaman ang totoo. Karapan niyang malaman
ang tungkol sa sakit mo. O di naman kaya sa pagbubuntis mo. May karapatan siya Mia
dahil siya iyong ama ng bata. Huwag mo naman sanang ipagkait iyon.”

Sambit ni Jun.

“Ayokong marinig ang tungkol diyan Jun. Please lang tigilan na natin ‘to.”

“Kung hindi mo sasabihin kay Kevin ang lahat Mia. Ako na ang magsasabi sa kanya.
Paradin naman sa kabutihan mo ang gaga..”

Hindi ko na pinatapos si Jun sa sasabihin niya sana.

“Huwag mong gawin iyan Jun. Please.. Gagawin ko ang lahat ng gusto mo para lang
hindi mo sabihin kay Kevin ang totoo.”

Napaka cliche ng linyang iyon. Nasabi ko nadin kay Jun ang linyang iyon pagkatapos
niyang malaman na hindi kami kasal ni Kevin.

Ang unang malaking sekreto ko kay Kevin na nalaman ni Jun. At sa pangalawang


sekreto ko tungkol sa sakit at pagbubuntis ko, nalaman ulit ni Jun.

“Haayy!!”

Napabuntong hininga si Jun.

“Bibigyan kita ng panahon para pag-isipan ang lahat. Pero sasabihin ko sa’yo Mia,
hindi habang buhay kaya kong itago ang lihim na’to. Huwag mong hintayin na sa’kin
pa malaman ni Kevin ang lahat.”

----MCW----

“Your baby is doing fine Ms. Park. Huwag mo lang kalimutan na mag exercise every
morning at huwag kang mag over eat dahil nakakasama iyon sa bata. Mahihirapan kang
mag normal delivery pag masyadong malaki ang baby.”

Sambit ng doctor.

Binigyan niya ulit ako ng mga vitamins dahil malapit ng maubos ang mga vitamins
ko.
“Thank you doc. Oo nga pala doc may hihingin lang sana akong pabor.”

“Ano iyon?”

“Kung may magtatanong po tungkol sa’kin at kung anong sitwasyon niyo huwag na
huwag niyo pong sasabihin.”

Pakiusap ko sa doctor.

Hindi naman sa nag a-assume ako na sinundan kami ni Kevin pero gusto ko lang
makasigurado.

“Don’t worry Miss Park. Tungkulin namin na protektahan ang privacy ng mga pasyente
namin kaya makakasa ka.”

“Thank you doc.”

Sambit ko ulit.

“Sige po doc mauna na po kami.”

Sambit ni Jun saka niya dinala iyong mga vitamins na binigay ng doctor.

Pagkatapos ng appointment ko sa doctor, bumalik na ulit kami ni Jun sa kotse saka


niya ako hinatid.

Ni isa sa amin walang nagsalita hanggang sa makarating kami sa tapat ng gate


namin.

“Mag-iingat ka.”

Sambit ni Jun.

Tumango lang ako saka ako lumabas ng kotse niya.

*diiing* *doong*

Dahil hindi ko dala iyong susi ng gate namin, nagpabukas nalang ako kay ate Kate.

“Andito ka na pala Ma’am.”


“Hi Ate Kate..”

Sabay na kaming pumasok ni Ate Kate ng bahay.

Iinom na sanaako ng vitamins ng maalala ko na naiwan ko pala iyong vitamins na


binigay ng doctor sa kotse ni Jun.

Tinawagan ko agad si Jun bago pa siya makalayo sa bahay namin.

*riing* *riing*

“Hello Jun? Nasan ka na?”

(haha. Ilang minuto pa lang tayong naghiwalay namiss mo na agad ako? Bakit Mia?
Nahuhulog ka na ba sa’kin? hehe)

“Ang feeling mo. Iyong vitamins ko naiwan sa kotse mo.”

(Oo nga pala. Andito.)

“Pakihatid naman dito.”

(Oo sige babalik ako diyan.)

“Hintayin nalang kita sa labas.”

(Huwag na. Medyo nakalayo nadin kasi ako sa inyo eh. Mag dodoorbell nalang ako para
hindi ka na mapagod.)

“Sige ikaw ang bahala.”

Pinindot ko na iyong end call button saka ko binalik sa bag ko ang cellphone ko.
Umupo ako sa couch at pinaandar ang TV.

*diiing* *doong*

“Ate Kate?”

Tinawag ko si Ate Kate para siya nalang iyong kukuha ng vitamins kay Jun. Sigurado
akong si Jun na iyong nasa labas ng gate namin.
“Ate Kate pakibukas naman iyong gate..”

Sumigaw ulit ako pero hindi parin ako narinig ni Ate Kate kaya napilitan akong
tumayo para buksan ang gate namin.

Inasahan kong si Jun iyong makakaharap ko pagbukas ko ng gate. Pero pagbukasan ko,
si Kevin ulit ang nakita ko.

Ang gwapong mukha ni Kevin ang nakaharap ko.

Bakit andito siya?

Pano niya nalaman ang bagong bahay namin?

Sinundan kaya niya kami?

=================

Chapter 3: Decision

Nakatitig lang siya sa’kin.

Anong gagawin ko?

Dapat ba akong tumakbo?

“Maybelline... Bakit mo ginagawa sa’kin ‘to?”

Hindi ko maintindihan ang tanong ni Kevin.

“Anong ibig mong sabihin? Teka.. Bakit ka ba andito? Sinusundan mo ba ako? Umalis
ka na. Nakakasira ka ng araw.”

Pagtataray ko sa kanya.

Parang ako iyong namatay sa sobrang sakit dahil sa sinabi ko. Parang ako iyong
binuhusan ng isang milyong thumbtacks sa ulo.
Isasara ko na sana iyong gate namin ng bigla nalang akong pinigilan ni Kevin.

“Araayy!!!!”

Dahil sa ginawa niya, naipit iyong kamay niya sa gate.

Gusto kong hawakan ang kamay niya at tanungin kung okay lang ba siya. Kung masyado
ba siyang nasaktan. Kung sobra ba iyong sakit ng kamay niya pero hindi ko magawa
dahil alam kong wala na akong karapatan sa kanya.

“Ikaw naman kasi!!”

Sigaw ko sa kanya.

“Bakit mo ba hinaharang ang kamay mo sa gate namin? Pwede ba Kevin umalis ka na.
Ayokong makita ka.”

Nagdasal ako na sana umalis na si Kevin dahil hindi ko na kayang pigilan ang
sarili ko. Pag nanatali pa siya ng matagal, baka hindi ko na kayang lumayo sa
kanya. Baka hindi ko na kayang itaboy siya.

Natatakot ako.

“Sinundan ko kayo ni Jun sa ospital kaya ko nalaman ang bagong bahay niyo..”

Nanigas ako na parang bato dahil sa sinabi ni Kevin. Tama nga ang hinala ko.
Nasundan niya kami kaya siya andito ngayon sa harap ko.

Kung sinundan niya kami..

Ibig sabihin ba non.. Nasundan din niya kami hanggang sa ospital? Nalaman niya kaya
na..

“Sinundan ko kayo mula sa ospital hanggang dito sa bahay niyo Maybelline. Bakit?”

Nalito ako sa tanong ni Kevin.

“Anong ibig mong sabihin sa tanong mo?”

Tanong ko sa kanya.
“Bakit kayo pumunta ng ospital? Kinausap ko iyong doctor na pinuntahan niyo at
hindi lang basta doctor iyon Maybelline. Isa siyang obstetrician.”

Kung pwede lang sanang mahimatay nalang ako para hindi ko na kailangan pang
sagutin ang tanong ni Kevin.

Kung pwede lang sanang ibalik ang oras. Sana hindi na ako pumunta ng mall. Sana
hindi na kami nagkita ni Kevin. Sana hindi na ako nahirapan.

“Bakit ko naman sasagutin iyong tanong mo? Kevin wala na tayo. Gusto ko lang
ipaalala sa’yo iyan dahil baka nakalimutan mo.”

Sambit ko.

“Maybelline... Buntis ka ba?”

Sobrang lakas ng tibok ng puso ko pagkatapos sabihin ni Kevin iyon. Nalaman niya
kaya ang totoo? Sinabi kaya ng doctor ang sitwasyon ko?

“Nakausap ko ang doctor mo.. Tinanong ko sa kanya ang tungkol sa’yo pero ayaw
niyang sabihin sa’kin kaya tinatanong ko sa’yo.”

Saka lang ako nakahinga ng maluwag pagkatapos sabihin ni Kevin na hindi sinabi ng
doctor ang sitwasyon ko.

Hindi niya dapat malaman ang totoo.

“Hindi ako buntis. At kung buntis man ako wala ka ng pakialam don.”

Pagtataray ko ulit sa kanya.

“Umalis ka na nga Kevin! Isasara ko na ‘tong gate. Huwag mo ng iharang ang kamay
mo sa gate. Pero kung gusto mo talaga eh di bahala ka diyan. Wala na akong pakialam
kung maputol man iyang mga daliri mo.”

Pagsisinungaling ko kay Kevin. Sobrang dami na ng kasalanan ko sa Diyos dahil


andami ng kasinungalingan na lumabas sa bibig ko.

“Wala din akong pakialam kung maputol man ang mga daliri ko. Hindi na ako
nakakaramdam ng sakit sa katawan mula nong iwan mo ako. Maybelline.. Mag usap naman
tayo. Alam ko may dahilan ka kung bakit mo ako iniwan. Alam ko na may tinatago ka
sa’kin.”

Dahil sa ginawa ni Kevin mas lalo lang akong nahirapan. Mas lalo lang naming
pinapahirapan ang mga sarili namin.

Pwede naman siyang maghanap ng iba.

Pwede naman siyang magpakasal sa ibang babae. Madami naman diyan na nagkakandarapa
sa kanya.

Bakit kailangan pang ako?

“Wala na tayong dapat na pag-usapan pa Kevin kaya umalis ka na. Wala akong
tinatagong sekreto sa’yo kaya kalimutan mo na ang bagay na iyan.”

Isasara ko na sa na iyong gate ng namin ng dumating si Jun dala dala iyong


vitamins na galing sa doctor.

Nagkakatitigan ulit sila ni Kevin. Pero iyong mga titig ni Jun kay Kevin, hindi na
tulad ng dati. Hindi na tulad nong kami pa ni Kevin na nanlilisik sa galit.

Parang naaawa iyong mga titig niya. Naaawa sa sitwasyon ni Kevin.

“Kung hindi mo pa sasabihin ang sekreto mo Maybelline, tatanggapin ko. Kung hindi
mo sasabihin sa’kin kung ano iyon, tatanggapin ko. Pero aalamin ko kung ano man ang
lihim mo sa’kin. Alam kong may koneksyon ang lihim mo kung bakit mo ako iniwan.
Kung bakit ka lumayo sa’kin.”

Sambit ni Kevin saka siya umalis.

Pagkatapos makalayo ni Kevin, bigla na lang akong nanghina. Bigla nalang nanghina
ang mga tuhod ko at hindi na nakayanan ng mga tuhod ko na suportahan ang katawan
ko. Mabuti nalang at nahawakan agad ako ni Jun.

“Nasundan ba niya tayo?”

Tanong ni Jun sa’kin.

“Andito nga siya diba? Kaya malaman nasundan niya tayo. Ikaw naman kasi Jun eh.
Hindi ka nag-iingat. Tignan mo tuloy ang nangyari.”

Alam kong walang kasalanan si Jun pero kailangan ko lang talaga ng tao na
mapagbubuntungan ko ng galit ko.

Alam kong kasalanan ko ang lahat. Kung hindi lang sanaako nagpunta ng mall. Kung
hinid ko lang sanapinilit si Jun na pumunta kami ng mall hindi na sanakami nagkita
pa ni Kevin.
Hindi na sana umabot ng ganun.

Hindi nagtagal dumating nadin sina Mommy at Daddy. Agad akong lumapit sa kotse
nila na hindi pa napark ng maayos ni Dad at binuksan ang pinto kung nasan si Mommy.

“MAAAA!!!”

Bulalas ko na ikinagulat naman ni Mommy.

“Anong problema? May nangyari ba? May masakit ba sayo? May masama bang balita?”

Natatarantang tanong ni Mommy.

Agad siyang lumabas sa kotse ni Dad saka niya ako niyakap.

“Ma, kailangan na nating umalis dito. Ngayon na.”

Sambit ko.

“Relax lang iha. Sabihin mo sa’kin kung anong nangyari.”

Pinakalma ako ni Mommy saka ako nagsalita ulit.

“Si Kevin Ma, alam na niya na andito tayo. Alam na niya na dito tayo nakatira.
Kailangan na nating umalis Ma. Please. Wala na tayo dapat dito bukas. Pano kung
bumalik siya? Pano kung malaman niya ang tungkol sa baby namin?”

“Shhh!! Mabuti pa pumasok na muna tayo sa bahay. Don na tayo mag-usap.”

Tumango lang ako saka ako inalalayan ni Mommy papasok ng bahay. Si Jun naman
nagpaalam na sa Daddy ko at umalis na.

Pinainom ako ni Mommy ng tubig saka niya ako tinanong ulit.

“Pano nalaman ni Kevin na andito tayo?”

“Pumunta kasi kami ng mall ni Jun. Tapos nagkita kami ni Kevin. Hindi ko inasahan
na andun din pala siya. Hindi ko alam kung anong ginagawa niyo don pero sinundan
niya kami pagkatapos. Nalaman niya na pumunta kami ng ospital at tinanong niya
sa’kin kung buntis ako.”
Pagsasalaysay ko kay Mommy.

“Sinabi mo ba sa kanya ang totoo?”

Tanong ni Mommy.

“Syempre hindi Ma. Pero natatakot ako na baka malaman niya ang totoo. Ma, please
kailangan na nating umalis dito agad agad.”

Ayokong bumalik si Kevin sa bahay namin na andun pa kami. Natatakot ako na baka
malaman niya ang totoo. Natatakot ako na baka bumalik siya.

“Bakit ka ba nagtatago sa kanya anak? Hindi mo naman kailangang gawin iyon.”

Sambit ni Mommy.

Hindi ako nakasagot sa tanong ni Mommy. Hindi ko din naman kasi alam kung bakit
talaga ako nagtatago kay Kevin.

“Ganyang klaseng buhay ba ang gusto mo anak? Para kang isang kriminal na tago ng
tago sa pulis. Gusto mo bang panghabang buhay mo nalang pagtaguan si Kevin? Ilagay
na natin na makakatago ka ulit kay Kevin ng limang taon. Pano kung magkita ulit
kayo kasama ang anak mo. Anong sasabihin mo sa kanya? Anong kasinungalingan ang
sasabihin mo tungkol sa anak niyo? Bakit mo ba pinagkakait sa kanya na malaman ang
totoo?”

Napaiyak ako sa sinabi ni Mommy dahil alam ko na may punto siya.

“Pero Ma, siguro naman wala na ako sa mundong ‘to pagkatapos ng limang taon...”

“SHHH!!!!! Huwag mong sabihin iyan anak. Gagaling ka. Kailangan mong gumaling.
Gusto mo bang lumaki ang anak mo na walang ina na gagabay sa kanya? Magpagaling ka
para sa anak mo! Kailangan mong lakasan ang loob mo.”

Niyakap ko lang si Mommy dahil sobra iyong takot ko. Sa tuwing gumigising ako sa
umaga at naaalala ko ang sakit ko, natatakot ako.

“Listen to me Maybelline. Mommy mo ako at alam ko kung anong makakabuti sa’yo.


Pinagbigyan ka na namin ng Daddy mo na itago sa lahat ang tungkol sa pagbubuntis at
tungkol sa sakit mo. Pero sa tingin ko, ngayon na ang tamang panahon para malaman
nila ang totoo. Walang sekreto na hindi nabubunyag anak. Kaya, sabihin mo na kay
Kevin ang tungkol sa sitwasyon mo habang maaga pa.”

Suhestyon ni Mommy.
“Pero Ma, hindi pa ako handa..”

“Anak. Hindi ka hihintayin ng panahon hanggang sa maging handa ka. Hindi titigil
ang pag ikot ng mundo para lang sa’yo. Ipunin mo nag lakas mo at sabihin mo kay
Kevin ang totoo. Pero kung hindi mo pa talaga kaya, kahit na sa mga kaibigan mo
lang muna sabihin ang lahat. Alam ko na ginagawa mo ‘to dahil ayaw mong masaktan
sila. Pero naisip mo ba na sa ginagawa mo, mas lalo mo silang nasasaktan?”

Ang totoo hindi ko naisip iyon. Hindi ko naisip na mas lalo ko silang nasaktan
dahil tinago ko ang lahat sa kanila.

“Naglaho nalang tayo na para tayong kainin ng lupa. Hindi man lang nila alam kung
nasan na tayo. Kung anong ginagawa natin. Kung anong dahilan at nawala tayong
bigla..”

Naiintindihan ko iyong punto ni Mommy.

Pinahirap ni Mommy ang mga luha ko.

“Huwag kang mag-alala anak.. Hindi ba mas magkakaroon ka ng lakas ng loob na


labanan ang sitwasyon mo pag alam mong andiyan ang mga kaibigan mo para sa’yo. Pag
naririnig mo ang boses nila, pag nalaman mo kung gano ka nila kamahal.”

Tumango lang ako dahil hindi na ako makapagsalita dahil sa pag iyak ko.

Inipon ko ang lahat ng lakas ng loob ko.

“Sasabihin ko na sa mga kaibigan ko ang tungkol sa’kin Ma. Pero ang tungkol kay
Kevin, hindi ko pa magagawa iyon ngayon. Kailangan ko pang pag-isipan ang lahat.”

Tumango lang si Mommy saka niya kinuha ang phone niya at binigay sa’kin para
matawagan ko na ang mga kaibigan ko.

=================

Chapter 4: On the way

Nakaupo lang ako sa isang bakanteng bench ng park na malapit lang sa bahay namin
habang hinihintay ko ang pagdating ng mga kaibigan ko.

Halos isang buwan ko nadin silang hindi nakita. Hindi ko alam kung may pinagbago
ba sa kanila. Kung may pimple na ba iyong mukha nila. Kung nagpakulay ba sila ng
buhok. Kung nagpagupit ba sila. O kung ano ano pa.
Pagkatapos naming mag-usap ni Mommy napagtanto ko na tama talaga siya. Kaya ko
pinapahirapan ang sarili ko para sa kanila. Kaya ko nilihim sa kanila ang lahat
dahil akala ko hindi sila masasaktan. Pero sa ginawa ko, hindi ko namalayan na mas
lalo ko silang nasaktan.

Kinuha ko iyong cellphone ko at tinignan ang repleksyon ko sa screen dahil


nakalimutan kong dalhin ang maliit na salamin ko.

“Huwag kang mag-alala dahil maganda ka na.”

Sambit ng isang pamilyar na boses.

Hindi ko pa siya tinignan pero alam ko kung sino ang nagmamay-ari ng boses na
iyon. Si Zelle.

Kahit na konti lang iyong panahon na magkasama kami ni Zelle, di tulad nila Aya at
May, tinuring ko na siya na parang kapatid ko.

Pakiramdam ko, matagal na din kaming nagkakilala.

“Mia namiss ka namin..”

Sambit ni Aya.

“Mia!!!!”

Bulalas ni May saka niya ako pinatayo at niyakap.

Sobra ko silang namiss.

Kahit tatlong linggo lang kaming hindi nagkita, pakiramdam ko tatlong taon na
iyong lumipas mula nong huling pagkikita namin.

Niyakap ko silang tatlo pabalik.

“Namiss ko din kayo..”

Sabi ko sabay tulo ng mga luha ko.

Hindi dahil sa nasasaktan o nalulungkot ako kundi dahil sa sobrang tuwa.


Pagkatapos naming magdramahan, kinalma na namin ang mga sarili namin saka kami
umupo sa bench. Bakante naman iyong magkabilang bench sa tabi ng bench na kinaupan
namin pero nagsiksikan talaga kami sa kinauupuan namin.

Ganun namin ka miss ang isa’t isa.

“Bakit ba ngayon ka lang nagpakita?”

Tanong ni Zelle.

“Alam mo bang araw araw kaming naghahanap sa’yo? Kung hindi ka pa talaga nagpakita
sa’min ngayon baka nabaliw na kami sa kakahanap sa’yo.”

Sambit naman ni May.

“May problema ka ba Mia? Hindi mo naman kailangang ilihim sa’min ang lahat. Kahit
na ano pa iyang problema mo andito naman kami para tulungan ka.”

Sambit naman ni Aya.

Nahihiya akong sabihin sa kanila lahat. Kung pwede lang sana na mag back out ako
ginawa ko na iyon pero hindi na pwede.

“Hindi ko alam kung san ko sisimulan ang lahat.”

Pagsisimula ko.

Tumahimik lang silang tatlo na nagpapahiwatig na handa silang makinig sa’kin.

“Lumayo ako sa inyo hindi dahil hindi ko na kayo gusto bilang kaibigan ko. Lumayo
ako dahil mahal na mahal ko kayo. Alam niyo naman na para nang kapatid ang turing
ko sa inyo.”

Akala ko madali lang na aminin sa kanila ang lahat pero hindi pala. Natatakot ako.
Natatakot ako sa magiging reaksyon nila pagkatapos nilang malaman ang lahat.

“Mia...”

Hinawakan ni Zelle ang dalawang kamay ko.

“Alam namin na may maganda kang dahilan kung bakit ka lumayo sa’min. Pero ang
hindi namin maintindihan ay kung anong klaseng dahilan iyon. Para na kaming mababaw
sa kakaisip kung ano iyon.”

Pagpapatuloy ni Zelle.

“I’m sorry. Ang boba ko kasi. Padalos dalos ako sa pagdedesisyon. Hindi ko
ginagamit ng maayos ang utak ko.”

Muli na namang tumulo ang mga luha ko.

“Shhh! Don’t be sorry Mia..”

Pinahiran ni Aya ang mga luha ko.

“Ang mabuti pa Mia, kalimutan na natin ang lahat. Kung hindi mo kayang sabihin sa
amin ang dahilan mo non kung bakit ka nagpakalayo layo hindi ka namin pipilitin.
Ang importante ngayon, magkasama na ulit tayo.”

Sambit ni May.

“Kailangan niyong malaman ang lahat..”

Sabi ko.

Huminga ko ng malalim saka ako nagsalita ulit.

“Nong gabing nag propose sa’kin si Kevin, alam ng Diyos kung gaano ko kagusto na
sabihin kay Kevin ang salitang ‘OO’. Pero..hindi ko nagawa dahil...”

Napahinto ulit ako sa pagsasalita.

“dahil?”

Sabay sabay na tanong nilang tatlo.

“Dahil buntis ako..”

Hindi ko maipaliwanag ang naging reaksyon nila. Nagkaroon ng nakakabinging


katahimikan sa pagitan naming apat hanggang sa basagin ito ni May.

“Malaking problema nga iyan Mia. Kung sa’kin nangyari iyan baka hindi lang
pagtatago ang ginawa ko. Baka tumalon na ako ng building niyan.”
“Mia... Ang boba mo! Bakit mo ginawa iyon? Akala ko ba mahal mo si Kevin?”

Tanong ni Aya sa’kin.

Hindi ko agad nakuha iyong tanong ni Aya.

“Mahal ko nga si Kevin kaya ko ginawa iyon.”

Sagot ko.

“Mia sana man lang naisipan mong gumamit ng contraceptives bago mo ginawa iyon sa
ibang lalaki. Kahit kaibigan kita hindi kita kayang...”

Pinutol ko na iyong pagsasalita ni Zelle dahil nagets ko nadin iyong nasa utak
nila.

“Ano ba kayo?!!!”

Tumayo ako sa bench na kinaupuan ko.

“Ang dudumi ng isip niyo. Ano ako prostitute? Akala ko ba mga kaibigan ko kayo.
Buntis nga ako pero hindi sa ibang lalaki. Buntis ako at si Kevin ang ama.”

Bigla nalang silang tumawang tatlo pagkatapos kong sabihin iyon.

“ehehehe. Ikaw naman kasi Mia, hindi mo nilagyan ng apelyido iyong sinabi mo.”

Sambit ni Aya.

Hindi ko talaga alam kung matatawa ako sa naging reaksyon nila. Pinahirapan nila
ako nong una pero pinagaan naman ng tawa nila ang aura sa pagitan namin.

“Tama ka nga Mia.. Boba ka. Buntis ka naman pala kay Kevin bakit kailangan mo pang
lumayo?”

Tanong ni May.

Hindi ko pa nasabi sa kanila ang isa ko pang dahilan. Kung sana, iyong
pagbububntis ko lang ang narinig ko mula sa doctor sigurado akong hindi na kami
umabot pa sa ganito.
Pero ganito talaga. HIndi natin hawak ang tadhana..

“Mia, balikan mo na si Kevin..”

Sambit ni Zelle.

“Hindi ganun ka dali iyon..”

Sabi ko.

“Anong ibig mong sabihin Mia?”

Tanong ulit ni Zelle.

Bumalik ulit kami sa seryosong aura. Pakiramdam ko, napakaitim at napakalungkot ng


paligid namin. Hindi pa nga ako namamatay pero parang nasa loob na ako ng kabaong
dahil sa sobrang lungkot ng paligid.

“May sakit ako..”

Simple at deretsong sambit ko.

“Sakit?”

Tanong ni Aya.

“Anong klaseng sakit Mia? Sipon? Ubo? Lagnat? Sakit ng ulo?”

Tanong ni May.

“Kung ganyang klaseng sakit lang sana meron ako hindi ko na kailangan pang
lumayo.”

sabi ko.

“Ibig sabihin ba niyan Mia, seryoso iyong sakit mo?”

Tanong ni Zelle saka tumulo ang luha niya pero pinahiran niya agad ito.

Tumango lang ako saka ko sinabi sa kanila ang lahat lahat.


“Sabi ng doctor may leukemia daw ako..”

“Pero gagaling ka pa naman Mia diba? Kahit anong sakit meron ang tao gagaling iyon
panigurado. Pag may pananalig lang tayo sa Panginoon. At dahil nadin sa sensya
ngayon sigurado akong gagaling ka. May gamot naman diyan diba?”

Sabi ni May.

“Madami akong options na pagpipilian. Pero dahil buntis ako, may side effects ang
gamot sa baby ko. Either, lalabas siya na may deperensya sa katawan o baka ikamatay
niya.”

Tumahimik ulit silang tatlo. Niisa sa kanila walang gustong magsalita. Siguro
dahil hindi nila alam kung anong sasabihin nila. Kung anong dapat na sabihin nila
at kung papano nila mapapagaan ang loob ko.

“Ano ba kayo.. Ang hahaba na ng mga mukha niyo..”

Saway ko sa kanila saka ako pilit na ngumiti.

“Andito pa ako sa harap niyo oh. Buhay pa ako at ang lakas lakas ko pa. Kung
makapag react naman kayo diyan para kayong namatayan na ng kaibigan.”

Sambit ko sa kanila to cheer them up.

“Wala naman akong sinabi diba na mamamatay na ako mamaya o bukas? At wala naman
din akong sinabi na hindi ako magpapagamot. Syempre magpapagamot ako. Sino ba naman
ang gustong mamatay na hindi nakakasama ang anak niya? Kung meron man, hindi ako
iyon.”

Pagpapatuloy ko.

“Mia...”

Hindi na napigilan ni Zelle ang mga luha niya. Alam kong mas natatakot siya para
sa’kin. Hinawakan ko iyong magkabilang pisngi niya.

“Don’t worry Zelle. Pagkatapos na pagkatapos kong manganak, magpapagamot ako.


Mabubuhay ako. Hindi lang para sa sarili ko kundi para nadin sa inyo.”

Kailangan kong palakasin ang loob ko dahil ayokong mas magalala sila para sa’kin.

Tumalikod si Aya at si May sa’kin dahil ayaw nilang makita ko na umiiyak sila.
“Nasan na ba ang mga fighting spirit niyo? Huwag nga kayong ganyan. Mabuti pa mag
ice cream nalang tayo. Libre ko kayo.”

Sabi ko sa kanila pero ni isa sa kanila walang sumagot.

“Aya? Ayaw mong mag ice cream? Ililibre kita.”

Tanong ko sa kanya dahil siya naman iyong matakaw palagi pagdating sa pagkain.

“Kaya kong hindi na kumain ng ice cream habang buhay, basta alisin lang ng kahit
na sinong Genie ang sakit mo Mia. Kaya ko iyon.”

Sambit ni Aya.

Gusto kong umiyak pero pinigil ko ang mga luha ko.

“Huwag nga kayong ganyan. Halina kayo. Alis na tayo bago pa magbago ang isipan ko.
Gusto nadin kasing kumain ng baby ko ng ice cream. Basta ninang kayo ha?”

Tanong ko sa kanila.

Tumayo na ulit ako pero biglang hinawakan ni Zelle ang kanang kamay ko.

“Mia.. Alam na ba ni Kevin ang tungkol sa’yo?”

Tanong niya.

Umiling ako.

“Kelan mo sasabihin sa kanya? Pag huli na ang lahat?”

May plano akong sabihin kay Kevin ang lahat. Pero siguro pagkatapos ng lumabas ni
Kevia. Malalaman din naman niya ang lahat, hindi lang muna ngayon.

“Kamusta na pala siya?”

Tanong ko kay Zelle.

“Kung kaming tatlo nina Aya at May mababaliw na sa kakaisip kung nasan ka. Siya
naman literal na baliw na talaga. Hindi na siya nagtatrabaho, tuwing umaga palagi
siyang umaalis para hanapin ka. Kung san san na siya nagpupupunta. Pag gabi naman,
naglalasing siya sa bar.”

Parang dinukot ang puso ko sa sobrang sakit. Akala ko.. Akala ko magiging okay
lang si Kevin pagkatapos ng lahat pero hindi pala.

Ang tanga tanga ko!

“Mia, sabihin mo na kay Kevin ang lahat. Naaawa na kami sa kanya. Sa tuwing
nakikita namin sia, wala na siyang ibang bukam bibig kundi ang pangalan mo.”

Sambit ni Aya.

“Mia huwag mo ng patagalin pa ang lahat. Sa ginagawa mong iyan, baka mauna pang
mamatay si Kevin sa’yo..”

*rriiing* *rriiing*

Biglang tumunog ang cellphone ni Zelle kaya tumahimik na muna kami.

“Hello?”

“Na naman? Asan ba siya?”

“Sige po. Papunta na kami diyan. Pakibantayan nalang muna siya hangga’t wala pa
kami.”

Saka binaba ni Zelle iyong cellphone niya.

“Tayo na! Tayo na!”

Bulalas niya saka siya nagmamadaling tumayo.

“Si Kevin. Lasing na naman. Kailangan natin siyang puntahan.”

Sambit nito.

“6 pm palang ah. Ang aga niya atang naglasing?”

Tanong ni Aya kay Zelle.


“May nangyari ba? May masamang balita kayang nakarating sa kanya?”

Tanong naman ni May.

Naalala ko iyong muling pagkikita namin ni Kevin. Sigurado akong iyon ang dahilan
kung bakit lasing na naman siya.

Handa na ako!

Handa na akong sabihin kay Kevin ang lahat.

Nong una inakala ko na makakabuti sa kanya na ilihim ko ang tungkol sa sakit ko


pero mas lalo ko pang pinalala ang sitwasyon.

“Tayo na!!!”

Sambit ko sa kanila saka ako tumakbo papunta sa kotse ko.

“Mia dahan dahan. Baka may mangyari kay baby!”

Sigaw nilang tatlo.

Hintayin mo lang ako Kevin. Papunta na ako diyan.

=================

Chapter 5: Secret Revealed

Pagpasok ko ng kotse, pinaandar ko agad iyon at sinundan ang kotse ni Zelle. Siya
naman kasi iyong may alam kung nasan si Kevin.

Si May kay Zelle nakasakay habang si Aya naman nakasakay sa kotse ko.
“Palagi bang naglalasing si Kevin?”

Tanong ko kay Aya habang nagmamaneho ako.

“Gabi gabi Mia. Wala na siyang ibang ginawa mula nong mawala kundi ang hanapin ka
at magpakalasing.”

Ang tanga tanga ko talaga.

Bakit hindi ko naisip na gagawin iyon ni Kevin?

Sobrang guilt ang naramdam ko non. Kung maibabalik ko lang sanaang panahon at ang
oras.

Dahil malayo ang tinitirhan namin sa dati naming tinitirhan, umabot ng dalawang
oras mahigit bago kami nakarating sa bar na sinasabi ni Zelle.

Agad na kaming lumabas ni Aya sa kotse ko at sinundan sina Zelle papasok sa bar.

“Ma’am. Pasensya na po talaga. Wala na po kasi akong alam na pwedeng tawagan


maliban sa’yo.”

Sabi nong waiter.

“Okay lang kuya. Magkano pala ang babayaran niya?”

Tanong ni Zelle.

Kinuha ni Zelle iyong wallet niya at umakmang bayaran ang mga nainom ni Kevin pero
pinigilan ko siya.

“Huwag na Zelle. Ako na iyong magbabayad.”

Sabi ko.

“Okay lang sa’kin Mia.”

“Please Zelle. Hayaan mo na ako.”

Pinilit ko si Zelle kaya wala nadin siyang ibang nagawa kundi ang pumayag. Ang
totoo, sobrang nahihiya ako kay Zelle.
Siya iyong palaging tinatawag pag lasing si Kevin. Siya iyong palaging naaabala.
At kung tutuusin, hindi naman kasalanan ni Kevin kung bakit siya naging abala kay
Zelle. Kasalanan ko.

Kung hindi ko lang sana iniwan si Kevin, hindi siya naglalasing ng ganun at hindi
maabala si Zelle.

Bakit kasi ang tanga ko?

Bakit kasi hindi ko ginagamit ang utak ko?

Balik kasi ang boba ko?

Kinuha ko na iyong wallet ko mula sa bag saka ko binayaran iyong mga nainom ni
Kevin.

“Salamat pala sa pagtingin sa kanya Kuya. Tip niyo po.”

Inabot ko iyong sukli na natanggap ko.

“Hindi na po kailangan Ma’am.”

“Sige na Kuya tanggapin mo na. Kung tutuusin nga kulang pa ‘tong ibinigay ko sa
inyo.”

Tinanggap rin ng waiter sa huli ang inabot kong konting pera.

“Salamat po Ma’am. Kaano ano niyo po ba si Sir? Girlfriend ka po ba niya?”

Gusto kong tumango sa tanong ng waiter.

Pero hindi ko alam kung may karapatan pa ba akong tawaging girlfriend ni Kevin.
Hindi ko alam kung anong estado ng relasyon namin.

“Ahh Kuya pakitulungan nalang kami na dalhin si Kevin sa kotse namin.”

Utos ko sa kanya.

“Sige po Ma’am.”
Inalalayan ng waiter si Kevin na talagang tulog na tulog dahil sa sobrang
pagkalasing. Kahit na kalahating metro pa ang layo namin sa isa’t isa, amoy na amoy
ko iyong alak sa bibig niya.

Pinahiga ng waiter si Kevin ng maayos sa backseat.

“Salamat talaga Kuya.”

Tumango lang siya saka siya bumalik ulit si bar.

“Anong plano mo ngayon Mia?”

Tanong ni Zelle.

“Iuuwi ko na muna siguro sa bahay namin..este sa bahay niya. Don padin ba siya
nakatira sa dating bahay namin?”

Tanong ko kay Zelle dahil wala talaga akong ideya kung san na nakatira si Kevin
mula nong maghiwalay kami.

“Don parin Mia. Ayaw kasi niyang sumama sa bahay ng mga magulang niya. May susi ka
ba?”

“Wala eh. Magpapabukas nalang ako kay Manang.”

Sabi ko.

“Mia, matagal ng wala si Manang don.”

Sabi ni May.

“Ha? Bakit? May sakit ba siya o may masama bang nangyari?”

“Pinaalis na siya ni Kevin mula nong maghiwalay kayo. Hindi na kasi daw niya
kailangan si Manang.”

Naawa ako kay Manang pagkatapos kong marinig ang balitang iyon dahil alam kong
kailangan talaga ni Manang ng trabaho.

Pero mas lalo akong naawa kay Kevin dahil wala na nga ako, pati si Manang wala
nadin. Ibig sabihin wala na talagang ibang kasama si Kevin.
Kinapa ko iyong bulsa ni Kevin baka sakaling mahanap ko iyong susi ng bahay at
hindi naman ako nabigo.

“Oh pano Mia? Ikaw ng bahala kay Kevin?”

Sabi ni May.

Tumango lang ako.

“Mia, kina Zelle na ako sasabay.’

Sabi ni Aya.

“Huwag kang mag-alala Mia. Kaya mo iyan. Huwag kang kabahan. Ang isipin mo lang,
pag nalaman na ni Kevin ang lahat lahat ng dapat niyang malaman, makakabuti iyon sa
kanya.”

Binigyan nila ako ng encouraging words bago sila umalis.

Tama si Mommy, mas gumaan ang loob ko pagkatapos kong sabihin sa mga kaibigan ko
ang totoo.

Pakiramdam ko, kalahati nalang ng cancer ang meron ako.

Pakiramdam ko ang lakas lakas ko na. --------------- Inalalayan ko si Kevin


hanggang sa taas. Sobrang bigat niya. Hindi ko nga alam kung papano ko siya
naalalayan hanggang sa kama niya.

Dahan dahan ko siyang pinahiga sa kama saka ko siya tinitigan.

“I’m sorry Kevin. Kasalanan ko ang lahat ng ‘to. Kung hindi lang sanaako
nagpakatanga, hindi na sanaumabot sa ganito.”

Napaiyak na naman ako ng wala sa oras. Ang babaw ng mga luha ko.

Tinanggal ko ang mga sapatos ni Kevin saka ko siya kinumutan.

Naupo ako sa sahig sa tabi ni Kevin, habang nakapatong ang dalawang braso ko sa
kama.
“Hindi ko sinasadya na humantong tayo sa ganito.”

Sabi ko sa kanya kahit na alam kong tulog siya.

“Nong gabing nag propose ka sa’kin, gustong gustong gustong gusto kong sumagot ng
Oo pero naging duwag ako. Nangibabaw iyong takot ko. Natakot ako na pag nalaman mo
ang totoo, iikot nalang ang buhay mo sa’kin. Natakot ako na pag nawala na ako, baka
hindi mo makayanan. Natakot ako na baka masanay ka na kasama mo ako.”

Pinahiran ko iyong mga luha na dumaloy sa pisngi ko.

“Pero ngayon, alam ko na na mali pala ako..”

“Mali ako, dahil kahit na pinakawalan kita, kahit na pinalaya kita, hindi ka parin
magiging buo. Dahil dinala ko ang puso mo sa pag alis ko.”

“I’m sorry Kevin. Sana pwede pa tayong magsimula ulit. Sana.. hindi pa huli ang
lahat. Kung sadya mang bilang nalang ang araw ko dito sa mundong ibabaw, gusto
kong ikaw ang kasama ko at ang baby natin.”

Dahil sa sobrang iyak ko at sa sobrang pagod ko nadin, hindi ko namalayang


nakatulod na pala ako.

Nakapatong lang iyong ulo ko sa mga braso ko na nakapatong din sa kama ni Kevin
habang naka upo ako sa sahig.

Hindi ko alam kung pano ako nakatulog sa ganun ka inkomportableng posisyon.

Nagising nalang ako dahil sa mga huni ng ibon at sa sikat ng araw.

Itinaas ko ang ulo ko at tumingin tingin ako sa paligid. Wala paring nagbago.
Ganun parin ang ayos ng kwarto namin.

Inalis ko ang tingin ko sa paligid at tinignan si Kevin. Pero nagulat ako ng


makita ko siyang nakatitig sa’kin. Hindi agad ako nakakilos. Akala ko kasi tulog pa
siya.

“Ahhh~ ah~ Ah~ go~ good mor-ning..”

Pautal utal na sabi ko.

“Gising ka na pala. Akala ko kasi tulog ka pa..”


Hindi ko mabasa kung anong nasa isipan ni Kevin. Hindi ko alam kung natuwa ba siya
dahil nasa harap ko siya. O naiirita siya dahil ako iyong una niyang nakita sa
pagising niya.

Tatayo na sanaako ng biglang bumangon si Kevin saka naupo sa kamaniya. Nakatitig


parin siya sa’kin.

“Gusto mo ba ng breakfast? Anong gusto mong kainin? Ipaghahanda kita.”

Tumayo na ako pero bigla akong napaupo sa kama dahil naipon iyong mga dugo sa
binti dahil magdamag akong nasa ganung posisyon.

“Okay ka lang?”

Tanong ni Kevin sa’kin.

Nakatitig lang ako sa kanya habang nakatitig siya sa’kin. Ganong ganon din iyon
pakiramdam nong una kaming magkita.

Nong natapunan niya ako ng lasagna. Nagalit ako sa kanya nong una kaming nagkita
pero kabado ako.

Sobra iyong bilis ng tibok ng puso ko.

“Ikaw ba talaga iyan Maybelline? Nananaginip lang ba ako?”

Tanong ni Kevin sa’kin.

Umiling ako sa kanya.

“Hindi ka nananaginip Kevin. Ako ito. Andito ako. Andito na ulit ako at hinding
hindi na kita iiwan. Pangako.”

Bigla akong niyakap ni Kevin ng mahigpit at kasabay non ang pagtulo ng mga luha
ko. Hindi ko na alam kung ilang litro na ba ng luha ang nailabas ko mula nong gabi.

Niyakap ko din ng mahigpit si Kevin pabalik.

“Sobrang tuwa ko nong nakita kita pagising ko. Gusto kitang hawakan. Gusto kitang
yakapin. Pero natatakot ako. Natatakot ako na baka pag hinawakan kita, bigla ka
nalang maglalaho at magising sa panaginip ko.”

Sabi ni Kevin habang yakap yakap niya parin ako.


“Hindi ‘to panaginip Kevin.”

Iyon lang ang tanging nasabi ko dahil natabunan na ako ng mga luha ko. Hindi ko na
mahanap ang boses ko dahil sa nangibabaw iyong iyak ko.

Kumawala si Kevin sa pagyayakapan namin saka niya hinawakan ang magkabilang pisngi
ko at tinitigan ako ng husto.

Parang sinigurado niya kung totoo ba talaga ako. Kung totoo ba talaga ang lahat ng
nangyari.

Pagkatapos ng kalahating minuto, niyakap niya ulit ako.

“Kevin.. May kailangan kang malaman..”

Ako naman ang kumawala sa pagitan ng pagyayakapan namin. Kailangan ko ng sabihin


sa kanya ang totoo bago pa ako mawalan ng lakas ng loob.

Bago pa ako maging duwag ulit.

“Kevin...”

Pinakalma ko muna ang sarili ko. Hinintay ko muna na hindi na tutulo ang luha ko
para maging klaro ang sasabihin ko.

“Kevin.. Hindi ako pumayag na pakasalan ka hindi dahil hindi na kita mahal. Lumayo
ako hindi dahil gusto kong makasama si Jun...”

Tumingin ako sa taas para pigilan ang mga luha ko.

“Naalala mo ba iyong sinabi ko sa’yo nong araw na iyon na may good news ako sa’yo
pag uwi ko? Dahil naghinala ako non na buntis ako. Pumunta ako ng doctor para
iconfirm kung buntis talaga ako at positive iyong naging resulta..”

Tahimik lang si Kevin habang nakatitig sa’kin.

“Pero ang problema.. May sakit daw ako.. May leukemia daw ako sabi ng doctor. May
cancer ako Kevin..”

Pagkatapos kong sabihin ang salitang cancer, hindi ko na napigilan ang mga luha
ko. Akala ko magugulat si Kevin. Pero niyakap lang niya ako at pinatahan.
“Alam ko Maybelline...Nalaman ko kahapon...”

=================

Chapter 6: Surprise

“Alam ko Maybelline...Nalaman ko kahapon...”

Sobrang nagulat ako sa sinabi ni Kevin. Paano niya nalaman ang tungkol sa? Sinabi
ba ni Jun?

“Pano mo nalaman ang tungkol sa kodisyon ko? Sinabi ba ni Jun iyon sa’yo?”

Umiling si Kevin saka siya nagkwento.

“Dahil hindi sinabi ng doctor sa’kin kung anong ginawa niyo ni Jun sa ospital.
Bumalik ako at hinintay na makalabas ang sekretarya ng doctor. Binayaran ko siya..
Kaya niya sinabi ang lahat sa’kin.”

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na nalaman ni Kevin sa iba ang tungkol sa’kin o
hindi. Hindi ako nakapagsalita dahil hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin
kay Kevin.

“Hindi ko alam..Hindi ko alam na sobrang hirap pala ng pinagdaraanan mo. Pero


hindi ko maintindihan kung bakit nilihim mo sa’kin. Bakit hindi mo sinabi sa’kin?
Bakit hinayaan mong harapin ang lahat ng iyon ng mag-isa Maybelline? Bakit hindi mo
man lang ako binigyan ng pagkakataon na malaman ko ang lahat? Lalo na sa magiging
baby natin. Kung hindi ba tayo nagkita ulit, hindi ko ba malalaman ang lahat?”
Hindi ko napigilan na umiyak dahil sa mga sinabi ni Kevin. Kung alam lang niya na
pinagsisihan ko na ang lahat.

Nagsisisi ako dahil inakala ko na ako lang iyong masasaktan sa ginawa ko.
Nagsisisi ako dahil pati rin si Kevin nasaktan dahil sa naging desisyon ko.

“I’m sorry Kevin.. Ginawa ko lang naman iyon dahil mahal kita at ayokong masaktan
ka. Pero hindi ko alam na dahil sa ginawa ko, mas lalo kitang nasaktan...”

Hindi ko na natapos ang mga sinabi ko dahil niyakap nalang ako ni Kevin. Dahil sa
yakap niya, nakalimutan ko lahat ng sakit at kirot na naramdaman ko.

Nakalimutan ko kahit sandali na may sakit pala ako. Na may cancer pala ako.

Ang nasa isipan ko lang, kasama ko si Kevin at buntis ako. At pagkatapos ng ilang
buwan, magiging buo na ang pamilya namin. Magiging masaya kami.

“Shhh.. Kalimutan nalang natin ang lahat ng iyon. Pareho tayong nasaktan at wala
sa’tin ang may gusto non..”

Hinawakan ni Kevin ang baba ko, saka niya inangat ang mukha ko para magkatinginan
kami.

“Pwedeng kalimutan nalang natin ang lahat ng masamang nangyari? Pwede bang
magsimula ulit tayo? Pwede bang bumalik nalang ulit tayo don sa araw na masaya
tayo?”

Tanong ni Kevin sa’kin habang tumulo ang luha niya mula sa kanang mata niya.

Halos gabi gabi kong napapanaginipan ang mga nakaraan namin ni Kevin. Ang
masasayang araw na magkasama kami. Ang lahat ng simpleng bagay na ginagawa namin,
pero nagdudulot ito ng malaking tuwa sa aming mga puso.

Hindi na ako nag-alinlangan pa na tumango sa kanya.

“Hindi pa naman huli ang lahat diba Kevin? Pwede pa naman tayong magsimula ulit.
Pwede naman tayong bumalik don sa araw na masaya tayo.”

Tumango lang si Kevin saka niya ako hinalikan sa labi. Sobrang namiss ko siya..
Sobra sobra..

--------------------
“Ikaw ba ang ama ng bata?”

Tanong ng doctor kay Kevin.

“Opo doc.”

“Pasensya ka na at hindi ko nasabi sa’yo ang tungkol sa sitwasyon ni Miss Park


nong isang araw. Alam mo naman na kailangan kong protektahan ang privacy ng mga
pasyente ko.”

Sabi ng doctor.

“Naiintindihan ko po doc.”

Ayoko sanang pumunta ng doctor dahil hindi naman kailangan at kagagaling ko lang
din ng ospital pero mapilit talaga si Kevin.

“Anong maitutulong ko sa inyo?”

“Doc, pwede na po bang malaman kung babae o lalaki ang anak namin?”

Excited na tanong ni Kevin.

“Dalawang buwan palang na buntis si Miss Park..”

“Mrs. Choi po doc..”

Biglang bulalas ni Kevin.

Natawa naman ako sa ginawa niya. Pano ba naman kasi. Napakaseryoso nong doctor sa
pag eexplain sa kanya pero bigla nalang niyang siningit iyong Mrs. Choi.

ahahahha!!

Pero infairness sobrang namiss ko iyong apelyido ko.

hihihi!!

“Oh yes..si Mrs. Choi..Hindi pa natin malalaman kung anong gender ng baby since
sobrang aga pa.”
Sinundot ko si Kevin sa balikat.

“Sabi ko naman sayo eh maaga pa. Ikaw naman kasi..Excited ka masyado..”

“Sige po doc. Maraming salamat po sa oras niyo. Aalis na po kami..”

Paalam ko sa doctor. Tumayo na ako para aalis na sana pero biglang hinigit ni
Kevin ang braso ko at pinaupo ako ulit.

“Doc, may itatanong pa po ako sa inyo. Gusto ko sana na kay Maybelline na itanong
ang lahat pero nababahala po ako. Ano po ba ang kondisyon niya? At anong klaseng
cancer ba ang meron siya? Kelan po ba pwedeng simulan ang pagagamot sa sakit niya?”

Nagulat ako sa sinabi ni Kevin sa doctor. Napag-usapan na kasi namin na, babalik
na kami sa dati kung san masaya kami.

Inakala ko, na kasama na don ang pagpapanggap na wala akong nararamdaman. Akala ko
hindi na namin pag-uusapan pa ulit ang tungkol sa sakit ko pero nagkamali pala ako.

“Your wife has a leukemia.. If a person is healthy, the bone barrow makes white
blood cells, red blood cells at platelets. Ang tatlong iyan may iba’t ibang role sa
katawan natin. But in Mia’s case, Ang bone marrow niya, gumagawa ng madami at
abnormal na white blood cells. Tinatawag itong leukemia cells. Dapat sana, ang
white blood cells tumutulong na lumaban sa mga impekson na papasok sa katawan
natin. Pero ang leukemia cells, hindi na nagwowork gaya ng white blood cells.
Patuloy ang mabilis na production nito and they don’t stop growing when they
should.”

Pagpapaliwanag ng doctor kay Kevin.

Alam ko naman kung ano ang sitwasyon ko at alam ko ang tungkol sa sakit ko dahil
pinaliwanag na sa’kin to ng doctor noon. Kung tutuusin, hindi ko na kailangan pang
marinig iyon dahil mas lalo akong napanghihinaan ng loob, pero dahil kasama ko
naman si Kevin, alam ko na hindi na ako dapat pang mag-alala.

Sa tingin ko, mas mabuting alam ni Kevin ang tungkol sa sakit ko para nadin
matulungan niya ako.

Alam kong, malalampasan namin ang lahat ng ‘to dahil magkasama kami.

“Kelan po natin masisimulan ang paggamot sa asawa ko?”

Tanong ni Kevin sa doctor.


“Actually Mr. Choi, we can start the chemotherapy right away. I have already
explained it to your wife that chemotherapy is possible but not without risk of the
fetus. Inaavoid ang chemotherapy sa first trimester ng mga buntis. Ibig sabihin,
the first three months ng pagbubuntis ng isang babae. Sa first trimester kasi ang
time na mabilis ang fetal growth. Since chemotherapy targets rapidly growing cells,
the fetus is at risk for birth defects or the mother itself is at risk to lose the
pregnancy.”

Pagpapaliwanag ulit ng doctor.

Hinigipitan ni Kevin ang paghawak sa kamay ko. Hindi maganda ang balita na narinig
niya mula sa doctor ko, pero gaya ng paniniwala namin, malalapagsan namin ang
lahat.

“Pano po sa second trimester ng asawa ko o sa third trimester? Pwede na bang


masimulan ang chemotherapy doc?”

“Sa second and third trimester Mr. Choi, the fetus is further develop na. At kaya
na niyang i-withstand ang ilan sa mga types ng chemotherapy.. but it will be
closely monitored and there are no guarantees that the fetus is not at risk for
future developmental problems. Gaya nga ng sabi ko, napag-usapan na namin ng asawa
mo ang tungkol diyan at napagdesisyunan niya na hintayin na muna na lumabas ang
baby niyo bago niya tanggapin ang chemotherapy.”

Tinignan ako ni Kevin na parang sinasabi niyang, ‘kailangan nating mag-usap


mamaya.’ kaya nagsalita na ako.

“Buo na ang desisyon ko Kevin. Hindi ko kayang ilagay sa alanganin ang baby natin
dahil lang sa kaligtasan ko. Gagaling ako. Pangako ko iyan sa’yo.”

I assured him.

“Ano pong mangyayari sa asawa ko habang hindi pa po nasisimulan ang chemotherapy?


May mga mararamdaman po ba siya?”

Tanong ulit ni Kevin sa doctor.

“Hindi maiiwasan iyon Mr. Choi. Mula ngayon and the three months after from now,
normal parin naman ang magiging takbo ng buhay ni Mia. Pero makakaramdam siya ng
sakit sa katawan, madaling pagkapagod, maglolose din siya ng weight at lalagnatin.
And after three months, ayoko mang sabihin ‘to pero baka magiging suki na siya ng
ospital. Pero I’m assuring you Mr. Choi, we will do our best to monitor the
condition of your wife. Gagawin namin ang lahat para matulungan kayo sa abot ng
aming makakaya.”

Pagkatapos ng sampung minuto pang diskusyon ni Kevin at ng doctor, tumayo nadin si


Kevin at nagpaalam.
“Maraming salamat po talaga doc.”

Sambit niya sabay pakikipagkamay sa doctor.

“You’re welcome Mr. Choi.”

Nagpaalam kami ng maayos sa doctor saka kami umalis ni Kevin.

“Huwag kang mag-alala, magiging okay din ang lahat.”

Sambit niya sa’kin pagkatapos naming makapasok sa kotse.

“Hindi naman ako nag-aalala at hindi na ako natatakot. Dahil andito ka na, at alam
kong makakaya nating lampasan ang lahat ng pagsubok pag magkasama tayo..”

Ngumiti ako kay Kevin.

Ilang linggo nadin akong hindi nakangiti ng totoo, iyong ngiting nagpapakita na
masaya talaga ako.

Nangyari lang ulit iyon pagkatapos kong makasama si Kevin.

“Ang ngiti mo ang nagpapalakas sa’kin. At dahil diyan sa ngiti mong iyan.. May
sorpresa ako sa’yo..”

Sambit ni Kevin.

Bigla naman akong natuwa at na excited sa sinabi niya.

“Sorpresa? hahaha. Anong klaseng sorpresa?”

Tanong ko.

“Paano magiging sorpresa ang sorpresa ko kung sasabihin ko sa’yo?”

Tanong ni Kevin.

Hinila ko iyong braso niya gamit ang dalawang kamay ko.

“Sabihin mo na..Sabihin mo na..”


Pamimilit ko sa kanya.

Pinisil niya iyong ilong ko saka siya ngumiti sa’kin.

“Ang kulit mo talaga. Kahit na magpacute ka pa diyan, hinding hindi ko parin


sasabihin sa’yo. Pero dahil cute ka, bibigyan kita ng hint..”

“Hint? Sige na nga..ano iyon?”

“May pupuntahan tayo.. Isang lugar kung san matagal na tayong hindi nakabalik don..
At mananatili tayo don ng tatlong araw at dalawang gabi..at syemre..aalis na tayo
ngayon.”

Sabi ni Kevin.

“Haaaa? Ngayon na ba talaga? Pero wala akong dalang gamit..”

Bulalas ko. Syempre gusto ko ng umalis kami agad agad pero ayoko namang manatili
don na wala akong dalang gamit. Anong isusuot ko?

“Huwag kang mag-alala, naayos ko na lahat ng gamit mo ng hindi mo nalalaman..”

Waaa!!

Si Kevin talaga!!!

San kaya kami pupunta?

=================

Chapter 7: Second Home

“Hoyyy Kevvinnn!! San ba talaga tayo pupunta?”

Pangungulit ko sa kanya. Kahit na anong pilit ko, kahit na anong pacute ko hindi
niya talaga sinasagot iyong tanong ko ng maayos.

“Maghintay ka lang kasi muna..Malalaman mo rin din naman mamaya eh. Ang mabuti pa
ipikit mo nalang muna ang mga mata mo at matulog ka. Pag gising mo, andun na tayo.”

Sabi ni Kevin.

“Ayoko. Hindi ako inaantok eh.”

“Bakit ba napaka stubborn mo Maybelline? Sige ka. Ikaw din naman mapapagod. Mahaba
haba pa ‘tong byahe natin.”

“Sige na nga. Pero idlip lang ha? Gisingin mo ako after 30 minutes.”

Tumango naman si Kevin kaya pinikit ko na iyong mga mata ko. Hindi naman talaga
ako inaantok non kaya sigurado akong hindi ako makakatulog. Pero nagising nalang
ako ng ginising ako ni Kevin.

“Maybelline.. Andito na tayo..”

Sambit ni Kevin.

Tumingin tingin ako sa paligid gamit ang bintana ng kotse.

“Anong lugar to?”

Tanong ko sa kanya. Hindi kasi pamilyar sa’kin ang lugar.

Sabi niya, pupunta daw kami sa isang lugar na matagal na naming hindi pa
napuntahan pero sigurado akong hindi pa ako nakapunta don. Kahit sa panaginip ko.

“Hindi mo ba alam kung nasan tayo? hehe. Baka tulog pa iyong diwa mo. Mabuti pa
lumabas na tayo.”

Sabi ni Kevin.

Nauna na siyang lumabas ng kotse saka niya ako pinagbuksan ng pinto.

Busy parin ang mga paningin ko sa kakasusi sa paligid namin. Hanggang sa makita ko
iyong isang bahay na nasa tapat ko lang.

Siguro kung naging ahas iyon baka tinuklaw na ako.

Bakit hindi ko agad napansin ang bahay na’to? hehehe.


Kinuha ni Kevin iyong mga gamit namin sa likod ng kotse saka kami naglakad papunta
don sa bahay.

Ahhh!!!!

“Antagal na nga nating hindi nakapunta ulit dito Kevin.”

Bulalas ko sa sobrang pag ka excited ko. Pinindot ko na iyong doorbell saka kami
pinagbuksan ng mag-asawa.

Sina Manang at Manong.

Don din kami nakitira nong minsang na stranded kami ni Kevin dahil sa sobrang
lakas ng ulan.

“Maybelline!!! Kevin!!!”

Bulalas ni Manang.

“Manang Josefa... hehehe”

Bulalas ko.

“Pasok na kayo pasok..Kanina ko pa kayo hinihintay..”

Sabi ni Manang.

Si Manong Pat naman tinulungan si Kevin na magdala ng ibang gamit namin.

“Talaga po Manang? Paano niyo po nalaman na pupunta kami dito?”

“Sinabi kasi ni Kevin nong isang araw pa kaya naman nakapaghanda kami. Sabi niya
may good news daw kayo. Ano ba iyong good news na iyon?”

Tinignan ko si Kevin.

Ilang araw nadin pala niyang pinaghandaan ang pagpunta namin kina Manang. Bakit
hindi ko man lang napansin?

“Mabuti pa pag-usapan nalang natin iyang bagay na iyan sa hapagkainan. Nagluto


kami ni Josefa ng pagkain dahil sigurado kaming nagutom kayo sa byahe.”
Sambit naman ni Manong Pat.

Inayos na muna namin ni Kevin iyong mga gamit namin sa kwarto na tinulugan din
namin dati. Wala paring pinagbago ang lahat. Ganung ganun parin ang itsura.

“Thank you Kevin.”

Sambit ko sa kanya habang nag-aayos kami.

“Para san?”

“Para dito. Masaya kasi ako at nakabalik ulit tayo dito. Akala ko kasi non hindi
na tayo makakabalik rito. Diba nong una nating pagpunta dito eh hindi naman talaga
tayo non? Nagpanggap lang naman tayong mag-asawa. Pero ngayon.. hehehe”

Napaka mapagbiro talaga ang tadhana. Sino ba naman ang mag-aakala na mauuwi pala
talaga sa totohanan ang pagpapanggap namin ni Kevin non.

Hmm. Pero siguro nangyari iyon dahil talagang para kami sa isa’t isa ni Kevin.
Ginawa si Kevin ng Panginoon para sa’kin at ginawa ako ng Panginoon para kay Kevin.

“You’re welcome Maybelline..”

Tumayo si Kevin sa kinauupuan niya at tinigilan ang pag-aayos nga gamit para
lumapit sa’kin.

Ibang iba iyong mga titig niya. Iyong mga mata niya, puno ng pagmamahal. Parang
sinasabi nito sa’kin kung gaano ako kamahal ni Kevin.

Dahan dahang lumapit ang mukha ni Kevin sa’kin kaya napapikit ako habang nakahawak
ako ng mahigpit sa isang damit na hawak hawak ko na ililigpit ko sana.

Hinintay ko lang na lumapat iyong labi ni Kevin sa labi ko. Pero hindi nangyari
iyon dahil...

“Maybelline! Kevin! Mamaya na iyan. Kumain na tayo!”

Sambit ni Manang saka niya biglang binuksan ang pinto ng kwarto namin. Pareho
kaming nanigas ni Kevin habang nakatitig kami kay Manang.

“May problema ba? Bakit parang nakakita kayo ng multo?”


Tanong ni Manang sabay iling namin ni Kevin.

Ibig sabihin eh walang nakita si Manang. Hoo!! Buti nalang.

“Mamaya na iyan. Halina kayo.”

Tumango lang kami saka namin iniwan iyong mga aayusin pa sananamin.

“Ahhh!! Manang ang sarap nito! Parang fiesta!”

Ganitong ganito din iyong setting noon. Iyong paligid, iyong mga taong kasama ko at
pati narin iyong pagkain.

“Naghanda talaga kami ng marami para sa inyong dalawa. Mabuti pa magdasal na tayo
para naman makakain na tayo.”

Sabi ni Manong Pat.

“Oo nga po Manong. Naglalaway na ‘tong si Kevin eh. hahahaha”

Pagbibiro ko.

Si Manong Pat na iyong naglead ng dasal. Pagkatapos ng dasal syempre kainan na.
Mapapadami na naman ang kain ko nito dahil sa sobrang sarap ng mga pagkain na nasa
mesa.

“Masaya kaming dalawa ng asawa ko at nakabalik kayo dito.”

Sambit ni Manang habang kumakain kami.

“Kami din po Manang. hehe. Hindi ko po talaga alam na pupunta kami dito dahil
hindi naman po sinabi ni Kevin sa’kin. Pero ang saya ko talaga na makita kayo
ulit.”

Sabi ko.

“Maraming salamat po talaga Manang at pumayag kayo sa pabor ko. hehe. Pasensya na
po talaga kayo sa abala.”

Sabi naman ni Kevin.


“Anong abala ba ang sinasabi mo diyan iho? Naku! Basta kayong dalawa hinding hindi
kami maaabala.”

Sabi ni Manong Pat.

“Oo nga pala. Nong unang punta niyo dito, hindi niyo na enjoy ang lugar namin
dahil bagyo non. Pero ngayon na nakabalik na kayo, sigurado akong mag eenjoy kayo.
Sobrang daming pwede niyong gawin dito sa’min. Kulang pa ang tatlong araw na
pananatili niyo dito.”

Sabi ni Manang.

“Gaya po ng ano?”

Tanong ko.

“Hayy naku Maybelline. Huwag mo ng itanong. Malalaman mo rin naman ang sagot sa
tanong mo. Sinabi ko na kay Kevin kung anong pwede niyong gawin dito kaya siya na
ang bahala sa’yo.”

Si Manang talaga oh. Nakipag sabwatan pa kay Kevin.

Pero may tiwala naman ako sa kanila kaya sigurado akong mag-eenjoy talaga ako.

“Oo nga pala. Ano ba iyong good news ta tinutukoy mo Kevin?”

Tanong ni Manang Josefa.

Ngumiti ako dahil alam ko naman kung ano ang tinutukoy ni Kevin eh. hehehe!

“Manang, Manong.. Magkakababy napo kami ni Maybelline. Buntis po siya.”

Sambit ni Kevin.

Sobra sobra iyong tuwa nilang dalawa pagkatapos nilang marinig iyon kay Kevin.
Siguro mga anak nadin ang turing nila sa’min kaya ganun nalang iyong reaksyon nila.

Para silang nanalo ng milyong milyong pera sa lotto dahil sa narinig nilang
balita.

“Totoo ba iyong narinig namin? Totoo ba iyong sinabi ni Kevin?”


Tanong ni Manang sa’kin.

“Opo Manang. six weeks na po akong buntis. Hindi lang po halata masyado.”

Sabi ko saka ako ngumiti.

“Naku iha, hindi namin inasahan iyon. Hindi naman kasi halata dahil hindi ka naman
tumaba. Para ka ngang pumayat eh.”

Sabi naman ni Manong.

Totoo iyong sinabi ni Manong. Ako lang iyong buntis na hindi tumaba, dahil sa
sakit ko. Pero hindi ko na dapat isipin iyon. Dapat masasaya lang ang isipin ko.

“Naku!! Bakit hindi niyo sinabi agad para naman nakapagluto pa ako ng madami.”

Bulalas ni Manang.

“Naku Manang! Sobra sobra na nga po itong niluto niyo para sa’min ni Maybelline.”

Sambit ni Kevin.

Sobra kaming natagalan sa hapagkainan hindi dahil sa mabagal kaming kumain kundi
dahil sa sobrang dami ng pinag-usapan namin.

Sabi din ni Manang na uuwi daw iyong anak niya para bakasyon kaya excited sila.
Sayang nga at hindi kami makakabisita sa kanila pag dating ng anak niya dahil 6
months pregnant na ako pagdating ng anak niya.

Alas diyes na ng gabi ng matapos kaming magkwentuhan. Madami pa sana kaming pag-
uusapan pero dahil gabi na, kailangan na naming magpahinga.

Tinulungan ni Kevin si Manong Pat sa pagliligpit ng mga pinagkainan namin.

“Goodnight po Manang. Manong..”

Bati ko sa kanila pagkatapos ng pagliligpit nila Kevin.

“Goodnight din.”

Pagpasok namin ng kwarto ni Kevin, naupo agad ako sa kama. Sobrang saya ko. Sobra
sobra!
Napatanong tuloy ako sa sarili ko kung anong kalagayan ko kung hindi ko kasama si
Kevin. Siguro, para parin akong kriminal na may kasalanan sa batas. Tago ng tago sa
mga pulis.

“Mabuti pa, matulog ka na dahil maaga pa tayo bukas.”

Sambit ni Kevin.

“Kevin.. Hindi ko talaga alam kung paano kita mapapasalamatan. Sobra sobra ang
saya ko.”

Sabi ko.

“Alagaan mo lang ang sarili mo. Iyon lang iyong hinihingi ko.”

Sabi ni Kevin saka niya ako hinalikan sa noo.

Niyakap ko naman si Kevin pagkatapos. Napakaswerte ko! Sobrang swerte ko. Dahil
kay Kevin, hindi ko nararamdaman na ibang iba na ako sa dating Mia. Pakiramdam ko,
ako parin iyong Mia na karapat dapat kay Kevin.

-----

AN: Dedications close na muna.. saka ko na ipopost ang dedications pag naayos ko
na..masyadong madaming request..di ko inasahan.. enjoy.. :)

=================

Chapter 8: Sandy's World

“Good morning sunshine!”

Nagising ako dahil sa bati ni Kevin sa’kin. Ang sarap pasana matulog ulit, pero
kung sobrang gwapo naman ng mukha na makikita mo pagkagising mo, ayaw mo na ulit
matulog dahil gusto mo nalang siyang yakapin.

“Good morning din.”

Bati ko sa kanya pabalik sabay ngiti sa kanya.

“Bumangon ka na diyan para makapag almusal na tayo. Kanina pa tayo tinawag ni


Manang Josefa.”

Sabi ni Kevin.

Halata sa kanya na tapos na siyang mag-ayos. Nakaligo na siya at nakapag bihis


nadin. Ako nalang talaga ang kagigising palang.

Tinignan ko ang oras gamit ang wall clock na nakasabit at 5:30 AM pa lang.

“Bakit sobrang aga naman ata?”

Tanong ko kay Kevin. Usually kasi hindi pa siya naliligo ng ganung kaaga.

“Sabi ko sa’yo kahapon diba na marami tayong gagawin ngayon? Mas mabuti ng maaga
tayo para marami tayong magagawa.”

Sagot ni Kevin.

Ngumiti lang ako saka ako tumango. Inayos ko na muna iyong hinigaan ko saka ako
tuluyang bumangon para maligo at magbihis.

“Ano bang dapat kong dalhin?”

Tanong ko kay Kevin para naman maprepare ko kung anong kakailanganin namin para sa
lakad namin.

“Inayos ko na kanina ang mga dadalhin natin pati nadin ang mga gamit mo. hehe.
Maaga kasi akong nagising dahil sobrang excited ako. Mabuti pa kumain na tayo.”

Nakaramdam parin ako ng konting hiya kahit papano. Pano ba naman kasi, dapat ako
iyong nag-aayos nga mga gamit namin ni Kevin dahil ako iyong babae.

“Tss.. Ang panget mong tignan pag ganyan ang mukha mo. Mabuti pa ngumiti ka nalang
diyan.”
Sabi ni Kevin sa’kin sabay akbay. Nahalata niya siguro iyong emosyon ko dahil sa
reaksyon ng mukha ko.

“Pano kasi. Pakiramdam ko wala na akong nagagawa para sa’yo. Ako nalang palagi ang
pinagsisilbihan mo.”

“Shhh..”

Nilapat ni Kevin ang hintuturo niya sa labi ko.

“Huwag mong isipin iyan dahil ang dami mo kayang ginagawa para sa’kin. Nasa tabi
lang kita, malaking bagay na iyon para sa’kin. Nakikita lang kita, parang binigay
mo na ang langit sa’kin. At isa pa, kailangan kitang pagsilbihan hindi lang dahil
mahal kita kundi dahil dinadala mo ngayon si Baby.”

Biglang napawi ang pakla ng mukha ko dahil sa sinabi ni Kevin. Kaaga aga,
pinapakilig niya ako.

“hihihihi! Ikaw talaga! Nakakainis ka! Kasisikat palang ng araw pero pinapakilig
mo na ako.”

Paglalambing ko sa kanya sabay sundot sa balikat niya.

Lumabas na kami ng kwarto para sabayan ng almusal sina Manang Josefa at Manong Pat
pagkatapos.

----

“Sige po Manang, Manong alis na po kami!”

Paalam ko kay Manang at Manong sabay kaway ko sa kanila.

“Sige mag-iingat kayo. Mag enjoy kayo don ha?”

Sigaw naman ni Manang Josefa.

“Mag-iingat kayong dalawa.”

Sabi naman ni Manong.

Tumango lang kami ni Kevin at kumaway ulit saka kami pumasok sa loob ng kotse.
“San ba tayo pupunta?”

Tanong ko kay Kevin habang nagmamaneho siya.

“Secret.”

Tanging sagot niya.

Tiniklop ko ang mga braso ko sa dibdib saka ako nagpout. Pano ba naman kasi, paulit
ulit nalang iyong sagot niya sa’kin. Secret.

“Sabihin mo na Kevin total malalaman ko din naman kung san tayo pupunta eh.”

Pagpupumilit ko sa kanya. Dahil sa sobrang excited ko, curious ako kung san talaga
kami pupunta.

“That’s the point Mia. Malalaman mo rin naman kung san tayo pupunta kaya hindi ko
na muna sasabihin sa’yo.”

Sabi ni Kevin sabay ngiti ng nakakaloko. Pinagtitripan niya talaga ako.

“Sige ka. Hindi na kita kakausapin. Bahala ka na diyan.”

Pagbabanta ko sa kanya.

Binaling ko na iyong tingin ko sa labas para tumingin tingin sa paligid. Akala niya
siguro nagbibiro lang ako. Hindi ko talaga siya kakausapin hanggga’t hindi niya
sasabihin sa’kin kung san kami pupunta.

“Mia, may lugar ka ba na gustong puntahan? O may gusto ka bang makita na hindi mo
pa nakikita?”

Tanong ni Kevin sa’kin pero hindi ko siya sinagot. Nagpanggap lang ako na para
akong bingi na walang naririnig.

“Miaa!!”

“Miaaa! Galit ka ba?”

Tanong ni Kevin sa’kin.


Nagpanggap parin ako na parang galit talaga ako pero ang totoo, sobrang natutuwa
ako dahil akala niya galit talaga ako. haha. Pang best actress na talaga ang drama
ko.

“Sige na nga. Sasabihin ko na sa’yo kung san tayo pupunta.”

Sa huli, ako din ang nanalo at nahulog din si Kevin sa patibong ko. Lumingon ako
sa kanya saka ako nagtanong sabay poker face.

“San tayo pupunta?”

“Ipikit mo muna ang mga mata mo.”

Utos niya.

“Niloloko mo ba ako?”

Tanong ko sa kanya pero umiling lang siya.

“Seryoso ako.”

Sabi niya. Seryoso naman ang mukha ni Kevin kaya sa huli, sinunod ko iyong utos
niya. Ipinikit ko ang mga mata ko.

“Huwag kang madaya ha?”

Tanong niya sa’kin habang patuloy parin siya sa pagmamaneho. Tumango lang ako.

“Sasabihin ko sa’yo kung kelan mo pwedeng buksan ang mga mata mo.”

Sambit ni Kevin.

“Ehhh!!! Dinadaya mo ako noh? Kelan ko ba talaga pwedeng buksan ang mga mata ko?”

Pag-aapura ko kay Kevin. Konting konti nalang sana, bubuksan ko na iyong mga mata
ko pero nagsalita ulit si Kevin kaya hindi ko ginawa.

“Magbilang ka muna ng isa hanggang tatlo. Pagkatapos non buksan mo na ang mga mata
mo.”

Sambit ni Kevin.
Para naman akong uto uto na sinunod ang sinabi ni Kevin.

“One.. two.. three.. Bubuksan ko na talaga ang mga mata ko. Wala ng bawian ha?”

Sabi ko sa kanya sabay bukas ng mga mata ko. Pagbukas ko sa mga mata ko, tinuro
agad ni Kevin ang labas ng kotse.

“Waaaaaaa!!!!”

Kung pwede lang sana akong tumalon sa sobrang pagkatuwa ko ginawa ko na iyon. Pero
hindi ko magawa dahil nakaupo ako sa kotse ni Kevin.

Mas lalo pa akong nabighani sa nakita ko pagkatapos buksan ni Kevin ang


retractrable roof ng kotse niya.

Dahil sa sobrang bilis ng takbo ng kotse namin, sobrang lakas din ng impact ng
hangin sa mukha ko. Halos liparin na nga ng hangin ang mga hibla ng buhok ko pero
okay lang dahil sa sobrang sarap at sariwa ng simoy ng hangin.

“Ang ganda!!!”

Sigaw ko habang nakatuon parin ang mga mata ko sa paligid.

“Huminto na muna tayo dito para kumuha ng picture.”

Sabi ni Kevin saka niya pinahinto ang kotse sa gilid ng daan.

“Ang ganda dito Kevin!”

Bulalas ko saka ako bumaba sa kotse at itinaas ang dalawang kamay ko at humarap sa
view ng dagat. Sobrang ganda ng dagat. Sobrang ganda ng kulay nito. Deep blue at
iyong mga alon na humahampas sa malalaking bato. Sobrang ganda talaga!

Kapag nakakakita ka ng ganitong klaseng view, hindi mo mapigilan na humanga sa


Maykapal dahil sa sobrang galing ng kamay niya.

Kinuha ko agad iyong camera mula sa kamay ni Kevin saka ako kumuha ng pictures.
Syempre iyong subject ko is pure nature.

hahaha!

“Mia, kanina pa ako pose ng pose dito pero hindi mo pa ako kinukunan kahit isa.”
Pagrereklamo ni Kevin pero tumawa lang ako.

“Ayaw kitang isama sa piece of art ko dahil baka masira lang ang view pag nasali
ka sa picture. hahahaha!”

Pinagpatuloy ko parin iyong pagkuha ko ng picture.

“Anong masira? Baka masira iyong view ng dagat dahil sa sobrang kagwapuhan ko.
Matabunan iyong ganda ng dagat dahil sa magandang lalaki ako.”

Tumawa ako ng wagas dahil sa sinabi ni Kevin.

“Hahahaha! Kaya pala malakas ang hangin dito. hahaha. Sige na nga, kukunan na din
kita. Gandahan mo iyong pose mo ha.”

Utos ko kay Kevin.

Nakailang click din ako ng camera bago siya huminto sa pagpopose niya.

“Ikaw naman.”

Sabi ni Kevin.

Ibinigay ko iyong camera sa kanya saka ako pumunta sa harap para magpapicture.
Nakailang pose din ako bago ako nagsawa.

“Sayang wala tayong picture na dalawa.”

Sambit ko.

Wala naman kasi kaming ibang kasama kaya wala kaming mautusan na kumuha ng
picture. Wala din kotseng dumaan.

“Ehhh!! Boyscout ako ngayon!”

Sambit ni Kevin.

Nong una hindi ko naintindihan kung anong ibig niyang sabihin. Pero nakuha ko din
pagkatapos niyang kunin ang tripod mula sa trunk ng kotse namin.
“Hahaha. Boyscout!!”

Sambit ko sabay gulo sa buhok niya.

Inayos muna namin iyong camera sa tripod saka sinet iyong time at nagpose ng
nagpose sa camera habang nasa likod naman namin ang magandang view.

Pagkatapos naming magsawa sa kakapose, sabay naming tinignan ang mga pictures
namin sa camera.

Kahit ganon lang ang ginawa namin, sobrang saya parin ang dulot nito sa’min.

“Thank you Kevin. Hindi ko talaga inasahan ‘to.”

Niyakap ko si Kevin dahil sa sobrang pagkatuwa ko pero ngumiti lang siya ng


nakakaloko pagkatapos kong gawin iyon.

“Bakit?”

Tanong ko sa kanya.

“hehe. Wala lang! Natatawa lang ako kasi akala mo ito na iyong sorpresa ko sa’yo.”

“Huh? Hindi pa talaga ito? Ehh.. San ba talaga tayo pupunta?”

Tanong ko kay Kevin.

“Ang ganda ng view diba? Ang ganda na nga ng dagat mula sa malayuan. Pano pa kaya
kung sa malapitan?”

Nakuha ko agad iyong sinabi ni Kevin. Tumalon talon naman ako na parang bata
pagkatapos niyang sabihin iyon.

“Waaa!! Pupunta tayo sa dagat ngayon?”

Tumango lang si Kevin sa tanong ko.

“At may pupuntahan tayong isang importanteng...”

Hinintay ko na matapos ni Kevin ang sasabihin niya pero hindi na niya tinapos
iyon.
“Tao? Bagay? Lugar?”

Tanong ko sa kanya.

“Malalaman mo rin mamaya. Tayo na para makarating na agad tayo don.”

Sambit ni Kevin.

Dahil sa alam ko naman kung san kami pupunta, hindi ko na siya kinulit tungkol don
sa imemeet namin.

Hinayaan lang ni Kevin na nakabukas iyong retractable roof ng kotse namin para
maramdaman nam in iyong sarap ng hangin. Habang nasa byahe kami, enjoy na enjoy
parin ako sa kapapanood ng view.

‘Sana ganito nalang kami lagi.’

Sabi ko sa sarili ko.

Pagkatapos ng halos kalahating oras nakarating nadin kami sa destinasyon namin.

“Andito na tayo.” Sambit ni Kevin saka siya unang lumabas ng kotse. Lumabas nadin
ako ng kotse at dinala ang bag ko. Tutulungan ko sana si Kevin na dalhin iyong
ibang gamit namin pero sabi niya kaya na daw niya iyon.

Tumingin tingin ako sa paligid.

Parang resort lang naman ang lugar na pinuntahan namin. Hindi ko alam kung anong
magandang gawin dito bukod sa magswimming.

Siguro espesyal iyong tubig dagat nila dito kaya naisipan ni Kevin na pumunta kami
sa resort na iyon.

“Sandy’s World?”

Tanong ko kay Kevin.

“Yup. Mag eenjoy tayo dito.”


=================

Chapter 9: Meeting Sandy

AN: Dahil sa isang buwan nga akong nawala..nakalimutan ko na Maybelline pala ang
tawag ni Kevin kay Mia..hahahahahha.. peace! Nakalimutan ko talaga..thank you sa
nagremind sa’kin :* hindi ko pa ata napapalitan..edit ko nalang later..
----------------

Sobrang babait ng mga staffs ng Sandy’s World. Akala ko talaga eh buong araw
kaming mananatili don pero mali pala ako. Hindi lang kami isang araw don kundi pati
din isang gabi. Pero kahit na nasa loob na kami ni Kevin sa suite namin, hindi ko
parin gets kung anong tinutukoy niya don sa imemeet namin at kung bakit napili niya
ang resort na iyon.

Maganda naman ang resort pero may ibang resort pa na mas maganda pa don.

“Anong iniisip mo?”

Tanong ni Kevin sa’kin habang nakaupo ako sa couch.

“Kung anong gagawin natin dito. Hindi naman siguro tayo pumunta dito para lang
makitulog diba? At iniisip ko din kung sino iyong imemeet natin.”

Tumayo nadin si Kevin pagkatapos kong sabihin iyon.

“Excited ka ng mameet siya noh?”

Tanong ni Kevin sa’kin saka siya ngumiti.

“Oo. Pwede ko na ba siyang makita?”

Tanong ko kay Kevin.

“Fortunately..Oo. Tayo na?”

Nilapitan ako ni Kevin saka niya inalay iyong kamay niya. Inabot ko naman iyon at
magkahawak kamay kaming lumabas ng suite.

Pero habang naglalakad kami palabas, hindi parin mawala sa isipan ko ang malaking
tanong na ‘Sino kaya iyong tinutukoy ni Kevin?’.

Hindi kaya mga parents ko? Or parents ni Kevin? O di naman kaya mga friends ko? O
baka naman may birthday party? O may surprise?

Ang dami kong naisip na sagot pero hindi ko alam kung alin don ang tama. O kung
may tama ba sa sagot ko.

“Oo nga pala Kevin. Bakit Sandy’s World ang pangalan ng resort nito? Sandy ba ang
pangalan ng may-ari nito?”

Tanong ko kay Kevin.

Nakalabas nadin kami ng pension house. Ramdam na ng balat ko ang sikat ng araw
pero nakapaglagay naman ako ng sunblock.

“Hmmm.. Sandy’s World dahil si Sandyiyong main attraction dito.”

Sagot ni Kevin.

Main attraction. Iniisip ko talaga kung anong ibig sabihin ng main attraction. Diba
iyon iyong dahilan kung bakit pumupunta ang mga tao sa isang lugar? Dahil gusto
nilang makita ang main attraction na iyon?

“Ibig sabihin clown si Sandy?”

Tanong ko ulit kay Kevin pero sa haliip na sagutin niya ako ng maayos.
Pinagtawanan lang niya ako.

“Hahahaha.. Bakit ba ang cute mo Maybelline?”

Tanong niya sabay pisil sa ilong ko.

“Eyyy... Matagal na tayong magkasama pero hindi mo parin alam ang dahilan kung
bakit ako cute? Syempre dahil cute nag Mommy ko..”

Sagot ko sa kanya.

Hindi nagtagal nakarating din kami ni Kevin sa isang malaking pool kung saan naka
konekta don ang dagat.

“Magsiswimming tayo?”

Tanong ko kay Kevin.


“Yes Maybelline..at imemeet din natin iyong sinasabi ko sa’yo.”

Tumingin tingin ako sa paligid. Dalawa lang iyong tao bukod sa amin ni Kevin.
Isang babae at isang lalaki na nakasuot ng speedo swimming suit.

Akala ko may isang tama ako don sa naisip kong imemeet namin pero mali pala ako.
Hindi ko kilala ang dalawang tao na nasa unahan namin at sigurado akong hindi ko
sila kapamilya o kaibigan.

“Sila? Sila iyong imemeet natin?”

Tanong ko kay Kevin dahil hindi ako sigurado kung sila ba talaga iyong tinutukoy
niya.

“Partly yes Maybelline. Huwag kang mag-alala. Magugustuhan mo sila lalo na si


Sandy.”

Sagot ni Kevin.

Nilapitan namin ni Kevin ang lalaki at babae. Obviously si Sandy iyong babae at
siya iyong imemeet namin. Hindi ko alam kung bakti ko pa siya kailangang imeet?

Waaa!!

Bigla akong nataranta pagkatapos pumasok sa isipan ko na baka pumunta kami ni


Kevin dito dahil gusto niyang turuan ako ni Sandy na lumangoy.

Oo hindi nga ako marunog lumangoy at maaring ikamatay ko iyon pag nalunod ang
barkong sasakyan ko pero ayokong magpaturo kay Sandy. Pano kung maarte pala siya at
pagagalitan niya ako dahil hindi ako fast learner?

“Hi!!!”

Bati ni Kevin sa kanilang dalawa.

Lumingon naman sila sa’min pagkatapos naming makuha ang atensyon nila.

“Andito na pala kayo. Kanina pa namin kayo hinihintay.”

Sabi nong lalaki.

“Pasensya na Jay, nagpahinga lang ng ilang minuto sa suite. Oo nga pala si


Maybelline. Ang asawa ko.”
Ngumiti ako kay Mark.

“Jay..”

Sabi niya saka niya inabot iyong kamay niya. Nakipaghandshake naman ako sa kanya.

“Nice to meet you.”

“Oo nga pala...”

Sambit ni Jay saka niya inakbayan si Sandy para ipakilala.

“Siya iyong makakasama natin.. Si..”

Hindi na natapos ni Jay iyong sinabi niya dahil ako iyong nagpatuloy.

“Sandy right?”

Tanong ko sa babae saka ko inabot ang kamay ko.

“Nice to meet you Sandy..”

Sabi ko agad pero may pag alinlangan sa mukha ni Sandy. Sabi ko na nga ba maarte
siya. Sana hindi ko nalang inabot iyong kamay ko.

Babawiin ko na sanaiyon dahil ayokong mapahiya pero nakipaghandshake na siya


sa’kin.

“Nice to meet you din Maybelline pero hindi ako si Sandy. I’m Maricar.”

“Maricar? Akala ko ikaw si Sandy.. Sabi kasi ni Kevin imemeet daw namin si Sandy.”

Imbes na sagutin ako ni Maricar na inakala kong si Sandy, ngumiti lang siya
sa’kin. Tumingin ako kay Kevin para bigyan siya ng ‘magpaliwanag ka look’.

Baka naman kasi niloko na naman niya ako.

“Huwag kang mag-alala Maybelline. Si Sandy talaga iyong imemeet natin. Pero
unfortunately hindi si Maricar iyong tinutukoy ko.”
Sambit ni Kevin.

“Eh di sino? Asan siya? Bakit wala pa siya? VIP ba siya?”

Takang takang tanong ko.

“Kanina pa siya andito Maybelline. And she’s not a VIP. She’s a VID.”

Sagot ni Kevin.

“VID?”

Tanong ko sa kanya.

“Very Important Dolphie Maybelline.”

Sagot ni Maricar.

“Ayun siya oh!”

Tinuro ni Jay iyong dagat na may layong tatlong metro mula sa kinatayuan namin.
Hindi ko nakita iyong dolphin pero kitang kita ko iyong buntot niya na gumegewang
gewang.

“She’s waving at you Maybelline..”

Excited na sambit ni Kevin.

Hindi ko pa nga nakita ang mukha ni Sandy pero parang gustong gusto ko na siyang
yakapin. Dahil sa sobrang pagka excite ko, para akong batang tumatalon talon sa
kinatayuan ko sabay wave sa kanya pabalik gamit ang dalawang kamay ko.

“Sandy!!! Sandy!!!”

Para akong isang fan girl na nasa isang concert dahil sa paghiyaw ko.

Pagkatapos ng ilang minuto eh tinigil na ni Sandy ang pagwave sa kanyang buntot


saka siya bumalik sa ilalim ng tubig. Hindi ko man lang siya nasilayan kahit isang
beses lang.

“Pwede ko ba siyang makita?”


Tanong ko kina Maricar at Jay.

“Oo naman Maybelline..”

Sagot ni Jay.

“Kaya tayo andito ngayon para imeet si Sandy. Hindi lang para makita siya kundi
para makilala siya.”

Sambit ni Kevin.

Ngumiti ako sa kanya ng malawak. Iyong ngiti na abot hanggang tenga ko.

“Thank you.”

Naglakad kaming apat papunta don sa dulo ng pool. Hanggang tuhod lang naman iyong
tubig pero pag hahakbang pa daw ako ng tatlong hakbang eh bigla nalang lalalim
iyon.

“Hindi ako marunong lumangoy.”

Bulong ko kay Kevin.

“Alam ko Maybelline. hehe. Hindi mo na kailangang sabihin iyan. May life jacket
naman sila eh. Huwag kang mag-alala dahil magsusuot din ako ng life jacket para
naman parehos tayo.”

hihihihi!!

Sinudot ko ulit si Kevin sa braso niya. Ang sweet niya kasi eh at maalalahanin pa.

Isinuot na nga namin ni Kevin iyong life jacket na binigay nina Maricar at Jay.
Tinulungan pa ako ni Kevin sa pagsuot nito.

“Handa na kayong mameet si Sandy?”

Tanong ni Maricar.

Tumango kaming dalawa ni Kevin.


Inihip na ni Maricar iyong whistle niya saka lumabas mula sa ilalim ng tubig ang
tatlong dolphin. Tumalon sila sa ere saka sila bumalik ulit sa tubig. Sobra akong
napahanga kaya hindi ko namalayang pinalakpak ko na pala ang dalawang kamay ko na
parang bata.

Pagkatapos nilang tumalon talon sa ere, lumapit agad silang tatlo sa’min. Pinatong
nila iyong ulo nila sa dulo ng pool na hanggang tuhod ang lalim.

Ang kyuuut talaga!!

“Maybelline, Kevin.. This is Moy..”

Pakilala ni Maricar habang hinahaplos halos niya iyong ulo ni Moy.

“Eto naman si Muffy..”

Sabi naman ni Jay.

“And of course, si Sandy.. Siya iyong kumaway sa’yo kanina..”

Sabi in Maricar. Agad akong lumapit kay Sandy saka ko siya hinaplos. Ang cute cute
niya talaga. Sobra akong nangigil sa kanya. Kung pwede ko lang sana siyang yakapin
ng mahigpit na parang stuff toy.

“Ofcourse, hindi magiging kompleto ang first meeting pag hindi kayo nakapaghand
shake diba?”

Sabi ni Maricar.

Tumango naman ko sa kanya.

Inihip ulit ni Maricar ang whistle niya saka nilublob ng tatlong dolphn ang ulo
nila sa tubig.

“Tumayo lang kayo dito sa dulo saka niyo iwagay way ang mga kamay niyo.”

Sabi naman ni Jay habang inaassist niya kami ni Kevin.

“Pagkatapos kong magbilang ng tatlo iwagayway niyo lang iyong kamay niyo.”

Utos ni Jay saka kami tumango ni Kevin.


“Isa.. Dalawa.. Tatlo..”

Nagwave naman kami ni Kevin. Akala ko eh gagawin nila ulit iyong pagwave sa buntot
nila pero hindi pala.

Bigla nalang tumalon ang dalawang dolphin sa harapan namin ni Kevin. Saka nila
winagayway ang dalawang fins nila.

Iyong tipong nahawakan ko talaga ng tatlong segundo ang dalawang fins nila. Para
kaming nakipaghand shake sa dolphin.

“WAAAAA!!!!”

Hindi ko talaga napigilan na mapasigaw dahil sa sobrang tuwa ko.

“hahahahahha!!!”

Natawa naman si Kevin sa nangyari saka siya nakipag high five sa’kin.

Nagtawanan lang kaming dalawa dahil sa sobrang pagkamangha namin. Ang tatalino ng
mga dolphin nila.

Pinakain nila Maricar at Jay ang dolphin pero pagkatapos non, bumalik na iyong
dalawang dolphin sa malalim na part ng tubig.

“Sa tingin ko gusto kayo ni Sandy. Ang next na gagawin natin is iyong favorite ni
Sandy..”

Sabi ni Maricar.

Tahimik lang kami ni Kevin para marinig namin ng maayos ang mga salita ni Maricar.
Ibinalik ulit ni Sandy ang ulo niya sa dulo ng pool para ipatong iyon.

*weeekk* *weekkk*

Sobrang kakaiba iyong sounds ni Sandy pero alam ko nagsasalita siya. Hindi lang
talaga namin maintindihan ni Kevin.

“Weekkk!! Weeekk!!!”

Ginawa ko iyong tunog ni Sandy at tumawa naman ng malakas si Kevin.


“Hahahahha!! Para namang naintindihan mo iyong sinabi ni Sandy..”

Sambit ni Kevin.

“Oo noh. Nagkakaintindihan kami. Week!! Weekkk!!”

hahahah!! Ako na talaga baliw.

“Sabi ni Sandy, gusto daw niya kayong halikan.”

Sambit ni Maricar.

“Haaa?”

Nagulat kami sa sinabi ni Maricar. Nagbibiro lang ba siya o totoo talaga iyon?

=================

Chapter 10: New Bestfriend

“Pano ba gawin iyon?”

Tanong ko kay Maricar pero ngumiti lang siya. Tinitigan ko naman si Kevin.

“Bakit? May dumi ba sa mukha ko?”

Tanong ni Kevin sa’kin dahil sa kakaiba kong titig sa kanya.

“Wala naman. Gusto ko lang sabihin sa’yo na pwede akong ikiss ni Sandy pero bawal
ka.”

Sambit ko sa kanya.

“Bawal? Bakit naman?”

Sa loob loob ko natawa ako ng husto dahil sa kakaibang reaksyon ng mukha ni Kevin.
Para kasing hindi niya maintindihan ang dahilan ko kung bakit ko siya binawalan.
Iyong mukha niya, parang gusto niya talagang makipaghalikan kay Sandy.

“Obviously lalaki ka at babae si Sandy kaya bawal. At isa pa, may asawa ka na
noh.”
Pagpapaalala ko sa kanya.

Napakaironic dahil sa totoo naman talaga eh hindi kami kasal ni Kevin. Walang bisa
iyong kasal namin at kung tutuusin pwede naman talaga siyang makipaghalikan kay
Sandy o kahit pa sa isang totoong babae in human form. Pero dahil napagusapan namin
na balikan nalang namin kung ano iyong dating samahan namin, I still consider
myself na asawa ni Kevin at legal at kasal namin.

“Ahahaha! So nagseselos ka niyan?”

Tanong niya sa’kin.

Pero sa halip na sagutin ko iyong tanong ni Kevin, tumahimik lang ako.

“Silence means yes so nagseselos ka talaga. Halika nga dito..”

Hinila ni Kevin ang mga kamay ko para ipalapit ako sa kanya saka niya ako niyakap
ng mahigpit.

“Sabi ko naman sa’yo noon diba na ikaw ang boss kaya kung anong sabihin mo,
susundin ko. Kahit na ang cute cute ni Sandy at ang sarap sarap niyang yakapin.
Hindi ako makikipaglandian sa kanya dahil ayaw mong pumayag.”

Niyakap ko din si Kevin pabalik pero humiwalay din ako kaagad dahil nakakahiya sa
mga taong nasa paligid namin.

“Grabeh naman iyong word mo ha. Makipaglandian. haha! Pero ang ganda naman talaga
ni Sandy. Wala akong laban sa kanya.”

“Ehem!!..”

Parehos kaming napalingon ni Kevin kay Jay pagkatapos niyang iklaro iyong boses
niya para ipaalam sa amin ni Kevin na andun pa sila kasama namin.

“Sorry.. hehehe..”

Paghingi ko ng pasensya.

“So pano pala?”

Tanong ko ulit kay Maricar.


“Kailangan mo lang hagurin si Sandytapos ilapit mo iyong pisngi mo sa kanya. Pag
gusto ka niya, hahalikan ka niya sa pisngi.”

Sabi ni Maricar.

“hahahah!!! Akala ko talaga lips to lips eh. Grabeh naman iyong imagination ko.
haha. Kevin, pumapayag na akong makipaglandian ka kay Sandy..”

Bulalas ko sabay tawa.

Ang OA ko talaga mag-isip. Natawa nalang ako sa sarili ko dahil para talaga akong
baliw.

Sinunod ko na iyong sinabi ni Maricar. Hinaplos ko si Sandysaka ko nilapit iyong


pisngi ko sa kanya para halikan niya ako.

Confident ako na gusto ako ni Sandy at hindi naman niya ako binigo. Hinalikan niya
talaga ako. At dahil sa sobrang pagkatuwa ko, nahanap ko nalang ang sarili ko na
niyakap si Sandysaka ko siya hinalikan.

*weeek* *weeek*

“Ang cute cute talaga ni Sandy!!!”

Bulalas ko.

Kahit na pinayag ko si Kevin na halikan siya ni Sandy, hindi parin niya ginawa.
Hindi ko alam kung bakit.

“Ngayon magpapakitang gilas naman si Sandysa pagliligtas..”

Sambit ni Maricar.

Nauna na si Kevin dahil siya naman iyong marunong lumangoy. Lumangoy siya papunta
sa gitna ng tubig kung nasan si Jay saka siya huminto. Pagkatapos ng ilang segundo,
lumangoy na papunta kay Kevin si Sandysaka siya tumihaya para makahawak si Kevin sa
dalawang fins niya. Pagkatapos humawak ni Kevin kay Sandy, nakarating na ulit siya
sa may dulo kung nasan kami ni Maricar pagkatapos lang ng ilang segundo.

“Woaaah!! Woaahh!!!”

Pumalakpak ulit ako dahil sa sobrang pagkamangha ko kay Sandy. Ang galing galing
niya talaga.
“hahahaha!!! Ang galing!!!”

Bulalas ni Kevin sabay tawa. Namangha din siya sa pagtulong ni Sandysa kanya.
Naghigh five kami ni Kevin na parang mag barkada lang.

“Ikaw naman Maybelline..”

Sambit ni Maricar.

“Kaya mo iyan. May life jacket ka naman eh. Basta pag andiyan na si Sandy, humawak
ka lang ng mabuti sa magkabilang fins niya. Hindi ka niya pababayaan.”

Sabi ni Kevin sabay tapik sa kaliwang balikat ko.

Tumango lang ako saka ako inalalayan ni Maricar papuntang gitna ng tubig dahil
hindi ako marunong lumangoy.

Kinabahan ako ng konti pero paglapit ni Sandy sa’kin, agad kong inabot ang
dalawang fins niya at ilang segundo lang nakarating agad ako sa dulo ng tubig.

Ang galing talaga! Sobrang galing!

Kung naging tao lang talaga si Sandy, siguro naging mag bestfriends na kami. Sobra
sobrang lakas ng charms niya.

“hahahaha!!”

Tawa ako ng tawa pagkatapos akong ihatid ni Sandysa may dulo ng tubig.

“Ang galing noh?”

Tanong ni Kevin sa’kin saka niya ako inalalayan.

Tumango ang ako ng tumango habang nakatawa parin ako.

“Ang susunod naman gagawin ni Sandy..”

Iyon lang ang narinig at naintindihan ko kay Maricar. Alam ko mahaba pa iyong
sinabi niya pero bigla nalang akong hindi nakaintindi at hindi nakarinig.
“Okay ka lang?”

Tanong ni Kevin sa’kin pagkatapos niyang mapansin na wala na ako sa mood.

“Oo.”

Pagsisinungaling ko sa kanya kahit na ang totoo eh wala na akong maintindihan kung


anong nangyari sa paligid ko.

“Siguro napagod lang ako.”

Pagpapatuloy ko.

“Ahh Maricar. Siguro hanggang dito nalang muna. Pagod na kasi si Maybelline..”

Sambit ni Kevin kay Maricar.

Nagpaalam kami sa kanila ni Jay saka kami bumalik sa suite namin.

“May masakit ba sa’yo?”

Tanong ni Kevin sa’kin habang nakaluhod siya sa harap ko at nakaupo naman ako sa
dulo ng kama.

“Wala naman. Napagod lang siguro ako.”

Sabi ko sa kanya.

“Magpapahinga na muna ako Kevin..”

Sabi ko.

“Kumain na muna tayo bago ka magpahinga. Baka gutom ka lang din. Magpapa room
service ako.”

Tumango ako.

Habang nasa telepono si Kevin, pumasok ako sa banyo para magbihis ng pantulog.
Para pagkatapos kong kumain makapagpahinga na agad ako.

Pero pagkatapos kong hubarin ang blusa ko, napansin ko agad iyong malaking pasa sa
gilid ng tiyan ko.

“Napagod lang talaga ako. Mawawala nadin ‘to bukas. Magiging okay ulit ako.”

Sabi ko sa sarili ko.

Masaya ako at kahit isang araw nakalimutan ko na may sakit pala ako. Pero
pagkatapos ng araw, bumalik ulit ako sa dating ako.

Ramdam ko na hindi na ako iyong dating Mia. Hindi na ako sing lakas ng dating ako.
Ramdam na ramdam ko na, na konting gawain lang, madali na akong napapagod. Madali
ng nanghihina ang katawan ko.

“Huwag kang mag-alala baby. Magiging okay din ang lahat. Lalabas ka ng malakas at
malusog. Pagkatapos mong lumabas, promise ko sa’yo gagawin ko ang lahat para naman
sa sarili ko. Magpapagaling ako. Magpapagamot ako. Promise ko sa’yo, pag magaling
ana ako, babalik ulit tayong tatlo dito ni Daddy at ipapakilala kita kay Sandy..”

Sabi ko sa baby na nasa loob ng tiyan ko.

“Pero ngayon, ikaw na muna ang uunahin ko dahil mas importante ka baby. Promise mo
naman kay Mommy, na kakapit ka ng husto kay Mommy ha. Huwag na huwag kang bibitaw..
Kahit anong mangyari. Gawin natin ‘to para sa Daddy mo.”

Kahit na hindi sumasagot si baby sa loob ng tiyan ko. Alam ko na naintindihan niya
lahat ng sinabi ko. Alam ko gagawin niya rin ang lahat para sa amin ng Daddy niya.

*tok* *tok*

“Maybelline? Tapos ka na ba diyan? Dumating na iyong pagkain natin.”

Pinahiran ko iyong luha ko gamit ang mga palad ko saka ako sumagot kay Kevin.

“Lalabas na ako.”

Nagbihis na ako pagkatapos at naghilamos bago ako lumabas ng banyo.

------------------

“Paalam Manang. Maraming salamat talaga sa pag-aalaga niyo sa’min ng asawa ko.”

Sambit ko kay Manang habang pinipigilan ang mga luha ko. Napalapit na ng husto si
Manang Josefa sa’kin at tinuturing ko nadin siyang parang ina ko.
“Ano ka ba iha. Kami dapat ni Pat ang magpapasalamat sa inyo ni Kevin dahil hindi
niyo kami kinalimutan. Masaya kami at bumalik kayo dito. Sana hindi ito iyong
huling pagbisita niyo sa’min. Gusto pa naming makita ang magiging anak niyo ni
Kevin.”

Sabi ni Manang habang magkahawak kamay kaming dalawa.

Si Manong Pat naman at si Kevin ang nag-usap sa gilid namin.

“Promise iyan Manang. Babalik kami dito ni Kevin pagkatapos kong manganak.”

Niyakap ako ni Manang Josefa ng mahigpit at niyakap ko din siya pabalik.

“Salamat po talaga..”

Sabi ko ulit kay Manang.

Hindi ko na napigilan ang mga luha ko nong nasa kotse na kami ni Kevin.

“Huwag kang mag-alala..”

Sabi niya sabay hawak sa kamay ko at iyong isang kamay naman niya eh nakahawak sa
manibela ng kotse.

“Babalik naman tayo dito pagkatapos ng ilang buwan..”

Pagpapatuloy ni Kevin.

Tumango lang ako sa kanya.

“Thank you sa lahat lahat. Sobra mo akong pinasaya. Hindi ko alam kung papano ko
masusuklian ang lahat ng ginawa mo para sa’kin.”

Sabi ko kay Kevin.

“Huwag mo ng isipin iyan Maybelline. Ang dapat mo lang isipin ngayon eh ang sarili
mo at si baby..”

Dapat sana mananatili pa kami ng dalawa pang araw kina Manang Josefa pero dahil
nag-alala ng husto si Kevin sa sitwasyon ko, napagdesisyunan niyang bumalik na kami
ng bahay.
Hindi ko na sinabi sa kanya ang malaking pasa na nakita ko dahil ayokong mas lalo
pa siyang mag-alala para sa’kin.

Iniinom ko naman iyong vitamins ko kaya sigurado akong hindi ko napapabayaan ang
sarili ko.

=================

Chapter 11: Prank

Pagdating namin ni Kevin ng bahay, natulog agad ako dahil sa sobrang pagod. Ewan ko
lang talaga kung napagod ba ako dahil sa ginawa namin sa Sandy’s World o dahil sa
mahabang byahe namin.

Hindi man lang ako nakapag hapunan. Naalala ko na ginising ako ni Kevin para
makakain man lang daw ako pero hindi ko na mawari kung totoo ba iyon o panaginip ko
lang.

Nagising ako ng hating gabi dahil sa bigla akong nakaramdam ng uhaw at dahil nadin
sa sobrang init. Akala ko nga nakapatay iyong aircon pero hindi naman pala.

“Kevin?”

Mahina kong tinapik ang braso ni Kevin pero hindi siya nagising.

“Kevin? Samahan mo naman ako.. Natatakot akong bumaba para uminom ng tubig. Pano
kung may mumu don? Pano kung kainin kami ni Baby ng mumu?”

Narealized ko na para lang akong tanga na nagsasalitang mag-isa. Bakit pa ako


nagsasalita at nagpapaliwanag eh tulog naman iyong kausap ko. Obviously hindi niya
ako narinig dahil nasa dreamland pa siya.

“Haayy!!!”

Napabuntong hininga nalang ako dahil hindi talaga nagising si Kevin.

Hinaplos ko iyong tiyan ko saka ko kinausap si baby.

“Wala naman sigurong mumu don baby noh? Tayo nalang dalawa ang bumaba. Basta ha,
huwag mong takutin si Mommy. Pag may nakita kang hindi ko nakikita huwag kang
sumigaw dahil baka mahimatay ako sa takot.”

Ganun lang talaga siguro ang pakiramdam pag nagdadalang tao ka. Para kang baliw
dahil kinakausap mo ang isang taong hindi naman nakakapagsalita pabalik sa’yo.

Kinuha ko iyong flashlight sa drawer saka ako bumaba ng kusina para uminom ng
tubig.

Pagkatapos na pagkatapos kong uminom, agad kong binalik sa refrigerator ang


pitsel. Nagmadali akong lumabas ng kusina para makabalik na ako agad sa kwarto
namin. Pero hindi pa ako nakarating sa hagdanan namin ng mapahinto ako.

“Baby? Naririnig mo ba ang naririnig ko?”

Ayokong magpadala sa takot ko pero hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko.
Agad agad akong tumakbo papunta sa hagdanan para bumalik sa kwarto namin ni Kevin.

“Kevin? Kevin?”

Lumakas ang tibok ng puso ko ng makita kong wala na si Kevin sa kama namin.
Lumingon lingon ako sa paligid pero wala talaga siya. Binuksan ko din iyong banyo
namin pero wala parin siya.

“KEVIIINNNNN!!!!!”

Sumigaw ako ng malakas para marinig niya ako kung nasan man siya pero wala paring
sagot mula sa kanya.

“Paano kung? Paano kung kinain na si Kevin ng mumu? Sigurado ako boses ng mumu
iyong narinig ko kanina..”

“Pero.. Baka hindi pa huli ang lahat. Baka.. Baka kinidnap lang siya.. Kailangan
kong hanapin si Kevin..”

Kahit na sobra iyong takot ko, bumaba parin ako hawak hawak ang flash light.
“Kevin??”

*ek!! ek ek ek ek!!*

Narinig ko na naman ang boses na narinig ko nong una. Tumayo lahat ng balahibo ko
sa katawan dahil don. Parang gusto ko ng bumalik sa taas at magtago nalang pero pag
hindi ko pinagpatuloy ang paghahanap ko kay Kevin. Baka hindi ko na siya makita.

*ek!! ek ek ek ek!!*
Huminto ako dahil pinakinggan ko ng husto kung san nanggangaling ang boses ng
mumu.

*ek!! ek ek ek ek!!*

“Sa kusina.”

Sabi ko sa sarili ko.

Dahan dahan akong naglakad para hindi niya malaman na papalapit na ako sa kanya.
Kinuha ko iyong walis namin para may madala man lang akong sandata.

Pinailaw ko ang lahat ng sulok ng kusina gamit ang flashlight na hawak ko pero wala
akong nakita.

*ek!! ek ek ek ek!!*

“HOYY!!!! NASAN KA? ILABAS MO ANG ASAWA KO!!!”

Sigaw ko don sa mumu pero hindi ko na ulit narinig ang boses niya na parang
tumatawa.

*hihihi*

Narinig ko nalang na parang may tumawa ng mahina. Tinawanan kaya ako ng mumu?

“Nakakabweset!! Lagot ka talaga sa’kin ngayon!!”

Dahan dahan kong hinakbang ang mga paa ko patungo sa mesa namin. Sigurado akong don
nanggagaling ang boses ng mumu.

Isa.. Dalawa..Tatlo...

“HULI KA!!!!”

Agad akong yumuko para iharap sa mumu ang ilaw ng flashlight na dala ko.

Pero nagulat ako ng hindi mumu ang makita ko kundi si..

“Kevin?”
Tutulungan ko sanasiya para makalabas siya mula sa ilalim ng mesa namin pero iyong
mukha niya parang hindi iyong tipo na kinidnap ng mumu.

“May nakakatawa ba?”

Tanong ko sa kanya pero sa halip na sagutin niya iyong tanong ko, tumawa pa siya ng
malakas.

“hahahaha!! I’m sorry Maybelline..”

Saka ko lang naintindihan ang lahat ng humingi na siya ng tawad sa’kin.

Agad akong tumayo at derederetsong naglakad papunta sa taas. Ihahakbang ko na


sanaang paa ko sa isang baitang ng hagdan ng niyakap ako ni Kevin mula sa likod.

“I’m sorry na! Hindi ko naman sinadya eh. Bumaba ako pagkatapos kong magising na
wala ka na sa tabi ko. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isipan ko at naisipan
kong takutin ka. I’m sorry na Maybelline. Hindi na talaga mauulit.”

Sobra akong nainis kay Kevin dahil sa ginawa niya. Sobra akong natakot don. Akala
ko talaga na totoo na iyong multo. At mas lalo akong natakot sa naisip ko na baka
nakidnap na si Kevin ng multo.

Pero pagkatapos niya akong yakapin mula sa likod, nawala lahat ng galit na iyon.
Para itong magic na pumawi sa konting galit ko sa kanya.

“Pasalamat ka at mahal kita. Dahil kung hindi..”

Sabi ko sa kanya saka ako humarap kay Kevin.

“Kung hindi ano?”

Tanong niya sa’kin.

“Hmmm.. Wala lang.. haha..”

Hinawakan ni Kevin ang dalawa kong kamay saka niya sinabi ang tatlong salita
sa’kin. Ang tatlong mahiwagang salita na nagdala sa’kin sa mga ulap.

“I love you..”
Sobrang ramdam ko ang sinseredad ni Kevin sa mga sinabi niya.

“I love you too..”

Sagot ko sa kanya saka ko nilapit ang mukha ko kay Kevin para halikan siya sa
labi. ---------- Gumising ako ng maaga para ipaghanda si Kevin ng almusal. Palagi
nalang kasing siya iyong nag-aalaga sa’kin.

Nasa kalagitnaan na ako ng pagluluto ng dumating si Kevin sa kusina.

“Goodmorning muffin..”

Bati niya sa’kin saka siya umupo sa isa sa mga upuan sa dining table namin.

“Gooodmorning din muffin ko.. Ang killjoy mo talaga noh.. Sanamamaya ka pa nagising
pagkatapos kong magluto. Isusuprise pa naman kita ng breakfast in bed..”

Sabi ko sa kanya habang busy parin ako sa pagluluto.

“Babalik nalang ako ng kwarto natin para matulog ulit. hehehe. Isipin mo nalang na
hindi pa ako nagising..”

Sabi niya saka siya tumayo.

Akala ko talaga joke lang niya iyon pero tinotoo niya talaga. Agad siyang lumabas
ng kusina saka siya bumalik sa taas namin.

“hehe. Ang cute cute talaga ng asawa ko..”

Sambit ko sa sarili ko.

“Diba baby? Ang cute ng daddy mo?”

Pagkatapos kong makapagluto, inilagay ko na sa tray ang breakfast ni Kevin kasama


ang juice at tubig.

Pagktapos non eh umakyat nadin ako papunta sa kwarto namin.

Pagpasok ko ng room namin, tulog nga si Kevin. hehehe. Gayang sinabi niya
magpapanggap nalang ako na hindi pa siya nagising.

“Goodmorning muffin.. Rise and shine.. Naghanda ako ng breakfast para sa’yo...”
Lalapit na sanaako sa kama namin para umupo don ng bigla nalang akong nakaramdam ng
hilo. Humakbang ako papalapit sa dulo ng kamapero huli na ang lahat..

Bigla ko nalang nabitawan ang tray na hawak ko at nag total black out..

=================

Chapter 12: Surprise

Pagdilat ko sa mga mata ko, isang pamilyar na kisame at ilaw agad ang nakita ko.
Kahit na malabopa ang lahat sa paligid ko siguradong sigurado ako kung nasan ako.
Hindi ako pwedeng magkamali.

I’m in the hospital.

“Maybelline?”

“Muffin?”

“Mia?”

“Mia naririnig mo ba kami?”

“Muffin okay ka na ba?”

Pagkalipas ng kalahating minuto, luminaw na ang lahat. Lumitaw agad ang mga
pamilyar na mukha ng mga kaibigan ko at pati mga magulang ko. Including my husband,
Kevin.

“Maybelline baby okay ka lang ba?”

Tanong ni Mommy sa’kin na sobra sobra iyong pag-alala sa mukha niya.

“Mommy, huwag mo na akong tawaging baby. Magkaka apo na kayo pero binibaby niyo
parin ako.”
Mahinang sagot ko kay Mommy saka ako ngumiti ng konti.

“Kahit na puti na iyang buhok mo tatawagin parin kitang baby..”

Sagot naman ni Mommy.

“Ehem.. Ehem.. Baka sa sweetness niyo ng Mommy mo makalimutan mong andito pa ako..”

Sambit ni Kevin.

Hinaplos ko ang kaliwang pisngi ni Kevin.

“Hinding hindi kita makakalimutan kahit na langgamin pa kami ni Mommy dito..”

Sabi ko kay Kevin.

“Yieee!! Kayo na sweet! Labas na kami? Labas na kami?”

Bulalas ni Aya.

Tumawa naman ako ng malakas dahil hindi parin nagbabago si Aya. Ganun parin siya.
Gaya parin ng dati. Malakas mang asar.

“Di ko naman kayo pinapalabas ah..”

Sabi ko sa kanya.

“Mia okay ka na ba talaga? Kamusta na ang pakiramdam mo?”

Tanong naman ni Zelle sa’kin.

“Okay na ako Zelle. Huwag niyo na akong alalahanin.”

Sabi ko kay Zelle.

Dalawang linggo nadin kaming hindi nagkita ng mga kaibigan ko. Naging busy kasi
ako masyado kay Kevin dahil bumabawi ako sa kanya.

“Mia, sa susunod pag may naramdaman kang hindi maganda sa katawan mo sabihin mo
agad kay Kevin.”
Sambit naman ni May saka niya hinawakan ang isang kamay ko.

“Thank you May. I’ll remember that.”

Hindi nagtagal pumasok nadin ang doktor sa room kung nasan kami.

“Kamusta na ang pakiramdam mo Mrs. Choi?”

Tanong ng doktor sa’kin.

Iyong nurse naman na kasama niya kinunan ako ng blood pressure.

“I’m feeling better Doc.”

Sagot ko.

“I already warned you na huwag masyadong pagurin ang katawan mo. Your body is on a
fragile state Mrs. Choi. Konting kilos mo lang and you will end up on this four-
sided hospital room.”

Sabi ng doctor.

“Pasensya na talaga doc. Kasalanan ko po kung bakit kami andito ngayon. Masyado
ko siyang pina-interact sa mga activities.”

Sabi ni Kevin.

“Hindi mo kasalanan Kevin. Kasalanan ko naman eh.”

Okay na sanaang lahat. Sobrang saya na namin ni Kevin nong pumunta kami kina
Manang. Pero hindi ko inasahan na pagbalik namin ng bahay, babalik ulit ako sa
normal na Mia. Ang Mia na may sakit.

Sabi nga nila, pagkatapos ng masasarap at maliligayang sandali, kasunod non ang
mapait naman na mga sandali.

“Don’t blame yourself Mia, alam naman nating wala sa inyo ni Kevin ang may gusto
ng nangyari. Just be careful next time.”

Sabi ng doktor at tumango naman ako.


Pagkatapos akong kunan ng blood pressure ng nurse, lumabas nadin sila ng doktor
dahil kailangan pa daw nilang mag round sa ibang pasyente.

“Narinig mo iyon Mia ha? Huwag mo kasing pinapagod ang sarili mo. Eto naman si
Kevin palagi nalang pinapagod si Mia. Ano bang ginagawa mo sa kaibigan ko tuwing
gabi at palagi nalang siyang napapagod?”

Malisyosong tanong ni Aya na nagpatawa sa lahat maliban nalang sa’min ni Kevin.

“AYAAA!! ANO BANG SINASABI MO..”

hehehehe

hahahaha

hihihihihih

“Bakit ka namumula diyan Mia? Ang tinutukoy ko lang naman eh kung nagkukwentuhan
ba kayo ni Kevin buong magdamag kaya palagi kang pagod. Napaka dirty minded niyo
talaga ng asawa mo..hehehehe”

Sambit ni Aya.

“Hindi ahh!!!”

Ilang oras ding nanatili ang mga kaibigan ko sa hospital room ko. Nagkwentuhan lang
kami ng nagkwetuhan. Pero syempre, kailangan nadin nilang magpaalam dahil kailangan
na nilang umuwi.

“Basta girls ha, paglabas na paglabas ko dito bonding ulit tayo...”

Sabi ko sa kanila.

“Bonding agad Mia? Diba pwedeng magpahinga ka muna?”

Tanong ni Zelle sa’kin.

“Masisisi niyo ba ako kung sobra ko kayong namiss?”

Tanong ko sa kanilang tatlo.

“Puntahan ka na lang namin Mia para naman hindi ka na mapagod ng husto.”


Sambit naman ni May.

“Promise iyan ha?”

Tumango naman silang tatlo bilang tugon sa sinabi ko.

“Pero promise niyo din ni Kevin ha na i-lelessen niyo na iyong ginagawa niyo
tuwing gabi. Okay?”

Pilyang sambit ni Aya. Inulit na naman niya iyong nakakahiyang topic na may double
meaning.

“AYAAA!!!”

Saway ko sa kanya habang si Kevin eh tahimik lang na nakaupo sa tabi ko. Alam ko
nahihiya din siya sa sinabi ni Aya.

“Iyong magdamagan na kwentuhan niyo ang tinutukoy ko. hahahaha”

“Ikaw talaga Aya napakapilya mo..”

Saway ni May sa kanya.

“Aya tigilan mo na silang dalawa. Parana silang kamatis oh. ahhahaha.”

Saway naman ni Zelle pero tumawa parin siya.

“Wala naman talaga akong ibig sabihin don ahh.. hahaha.. O sige na nga. Alis na
kami.. Ingat kayo ha? Ingat ka din baby..”

Nagpaalam na sila isa isa samin saka sila tuluyang lumabas ng room.

------

“Kevin kelan ba tayo lalabas ng ospital? Gusto ko ng umuwi.”

Tanong ko kay Kevin na nasa couch lang nakaupo at nanonood ng TV.

“Under observation ka pa daw muffin ko. Huwag nang makulit..”


Sagot niya habang nakatitig parin iyong mga mata niya sa telebisyon.

“Ehh? Pero okay na iyong pakiramdam ko. Ayoko na dito. Masyado na akong nabobore..”

Wala na akong ibang nagawa sa ospital kundi ang manood ng TV, magbasa ng dyaryo,
maglaro sa cellphone at mag post ng mga pictures ni Kevin na natutulog sa
instagram.

Paminsan minsan din tinutusukan ako ng kung mga ano ano sa braso ko ng mga nurse.
Hindi ko na alam kung para saan iyon. Ang sinasabi lang nila para daw iyon sa
ikabubuti ko at para sa ikabubuti narin ni baby.

“Tiis na muna muffin. Mas mabuti ng andito tayo para naman ma monitor ang
kondisyon mo at pati narin ang kondisyon ni baby. Oo nga pala, sabi ng doctor
kailangan mong mag pa ultrasound to check the baby’s condition.”

Sabi ni Kevin.

“Kelan daw?”

Tanong ko sa asawa ko.

“Today daw.”

“Samahan mo ako?”

“Gusto ko sana pero darating daw dito si Zelle. Gusto niya kasing siya na iyong
sumama sa’yo.”

Gusto kong sinasamahan ako ni Kevin sa mga test na ginagawa sa’kin. Pero gusto ko
din na si Zelle na iyong sumama sa’kin sa ultrasound room dahil pakiramdam ko isang
taon na kaming hindi nakapagbonding kahit dalawang linggo lang naman talaga ang
lumipas.

“Okay. Pero sana naman pagkatapos ng ultrasound makakalabas na tayo. Gusto ko na


talaga lumabas eh.”

Pinatay ni Kevin iyong telebisyon saka siya lumapit sa’kin.

“Bakit naman? May gusto ka bang puntahan o gawin? Is there something special about
today?”

Tanong ni Kevin sa’kin.


“Not really. Feel ko lang talagang manatili sa bahay. Hindi ko na gusto ang amoy
ng ospital. Pakiramdam ko nasusuka ako.”

*tok* *tok*

“Pasok...”

Sambit ko.

Gaya nga ng sabi ni Kevin, pinuntahan nga ako ni Zelle sa ospital.

“Hi Mia. Kamustang pakiramdam mo?”

Tanong ni Zelle sa’kin saka siya lumapit para makipag beso beso.

“I’m feeling good Zelle. Gusto ko na nga umuwi eh.”

Sagot ko sa kanya.

“I heard magpapaultrasound ka daw?”

“Yeah. Iyon ang sabi ng doctor eh. Samahan mo ako?”

“Sure.. Para naman makapag bonding tayo kahit papano..”

Tumawag ng nurse si Kevin para tulungan kami ni Zelle papunta sa ultrasound room.
Nakaupo lang ako sa wheelchair habang tinutulak ni Zelle ang inupuan ko.

Usually hindi naman talaga matagal magpa ultrasound lalo na’t wala namang ibang
pasyente. Pero hindi ko alam kung bakit kami umabot ng isang oras kakahintay.

“Hindi pa ba tayo babalik Zelle? Para kasing kanina pa tayo andito. May hinihintay
pa ba tayo?”

Tanong ko sa kanya.

“Oh yeah.. Babalik na tayo.. Pero pwede bang dumaan muna tayo ng cafeteria?
Parakasing gusto kong uminom ng kape..”

Sagot niya.
“Is it okay with you Zelle? Medyo malayo pa iyong cafeteria dito. Baka mahirapan
kang magtulak sa’kin niyan.”

Sabi ko sa kanya.

“It’s okay with me Mia. Hindi naman isang tonelada ang timbang mo para mahirapan
ako. hehe. Gusto ko lang din kasi na makapag usap tayo ng wala si Kevin. You know,

gayabefore..I really miss those times Mia.”

Umabot hanggang tenga ang ngiti ko dahil sa sinabi ni Zelle. Sobra ko ding namiss
iyong mga ginawa namin noon.

Iyong mga kalokohan na ginawa namin. Iyong time na tinulungan ako ni Zelle para
mapalapit kay Kevin.

“Ako din Zelle. I miss those times.”

Magkasama kami ni Zelle sa cafeteria. Isang kape lang iyong inorder namin para sa
kanya tapos kwentuhan na iyong iba.

Binalikan lahat namin iyong magaganda at hindi magagandang nangyari sa’min. Iyong
nakakainis na nangyari sa’min with Wendy aka Venice, tinawanan nalang namin ni
Zelle. ----

“Bumalik na tayo Mia. I’m sure hinahanap na tayo ni Kevin.”

Tumango lang ako saka kami bumalik ni Zelle sa room.

Nakatulak parin si Zelle sa’kin hanggang huminto kami sa tapat ng pinto ng room ko.

“Ikaw na magbukas Mia..”

Sambit ni Zelle habang nasa likod ko siya at nakahawak sa handle bar ng wheel
chair.

Inabot ko iyong doorknob saka ko ito inikot at tinulak papasok sa room.

*booooommm*

Biglang nagliparan ang mga confetti sa harap ko.


“SURPRISE!!!!!!!”

=================

Chapter 13: Something Visual

“SURPRISE!!!!!!!”

“Ano ‘to? Bakit may ganito?”

Tanong ko sa kanila kahit na may ideya na ako kung ano talaga ang nangyari. Lahat
sila ngumiti sa’kin na abot hanggang tenga nila. Ang parents ni Kevin, ang parents
ko, Sina May, Aya, Axelle, Jerome, Mark at syempre si Kevin.

Lahat sila may suot na party hat. Si Kevin naman hawak hawak ang isang cake na may
kandilang nakasindo.

“It’s your day Mia. Happy Birthday!!”

Bati sa’kin ni May saka niya ako sinuotan ng party hat.

“Thank you May.”

Sagot ko sa kanya saka ko siya niyakap.

Tinignan ko naman si Zelle na nasa likod ko nakatayo.

“Huwag mong sabihing?”

Tumango naman siya agad kahit na hindi ko pa natapos ang sinabi ko.

“It’s all part of the plan Mia. Kaya tayo pumunta ng cafeteria to kill time. Para
naman may oras sila para ihanda ang lahat ng ‘to.”

Sagot ni Zelle sa’kin saka niya tinulak ang wheelchair na kinaupuan ko papasok ng
room. Isinara nadin niya pagkatapos ang pinto.

“AHHH!!!! Ang daya niyo talaga!!!”


Bulalas ko dahil hindi talaga ako nagkaroon ng kahit isang clue sa ginawa nila.
Nawala nga sa isipan ko na araw ko pala iyon. Iyon pala ang araw ng kapanganakan ko
tapos hindi ko man lang naalala.

“Ano pang hinihintay natin? Let’s sing na!”

Sambit naman ni Mommy na cute na cute sa suot niyang party hat.

♫ Happy Birthday to YouHappy Birthday to YouHappy Birthday Dear Mia...Happy


Birthday to You. ♫

Hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko. Para akong kiniliti sa sobrang sorpresa
at tuwa ko. Iyong tipong mapapaisip ka na kung anong nagawa mo nong nakaraang buhay
mo para bigyan ka ng napakamabuting magulang. Napakamababait na mga kaibigan at
syempre mapagmahal ng asawa.

Napakaswerte ko dahil nakuha ko ang lahat ng biyaya ng pwedeng ibigay ng Panginoon.


Maliban nalang sa magandang kalusugan. Pero malakas ang pananalig ko sa Panginoon
na gagaling ako sa sakit ko.

Gagaling ako. Kailangan kong gumaling para sa mga magulang ko, para sa mga kaibigan
ko, para sa asawa ko, para sa sarili ko at higit sa lahat para sa magiging baby ko.

♫ From good friends and true,From old friends and new,May good luck go with you,And
happiness too. ♫

Pagkatapos nila akong kantahan, pumalakpak naman ako para sa kanila.

“Thank you!! Hindi ko talaga inasahan na gagawin niyo ‘to sa’kin. Thank you sa
effort.”

Sobra sobra iyong pasasalamat ko sa kanila dahil sa effort na binigay nila. May
mga balloons na nakadikit sa dingding ng hospital room ko. May banner para sa’kin.
May mga nakasabit na iba’t ibang kulay na papel sa kisame.

Lumapit si Kevin sa’kin habang dala dala niya sa palad niya iyong cake.

“You’re welcome muffin. Happy birthday. Tumanda ka na naman ng isang taon at


nagpapasalamat ako sa Panginoon na andito ka parin kasama namin. Ang hiling ko lang
ngayon, sanamarami pang taon ang lumipas na kasama ka namin. Hanggang sa lumabas na
si baby at lumaki na siya. Hanggang sa madagdagan pa ng isa si baby. Hanggang sa
puti na lahat ng buhok mo. I love you. And I will love you more everyday kahit na
pumuti na ang buhok natin at kahit na nasa kabilang buhay na tayo..”
Tumulo agad ang mga luha ko pagkatapos sabihin ni Kevin iyon. Sobrang naramdaman
ko iyong sincerity niya. Naramdaman ko kung gaano niya ako kamahal.

“Hindi ko alam kung papano kita pasasalamatan muffin sa lahat ng ginawa mo para
sa’kin. Hindi ko alam kung papano ko masusuklian iyon. Pero I promise you, kahit na
sa kabilang buhay mamahalin parin kita. I want to be with you hanggang sa pumuti na
ang mga buhok natin. Pero if ever na mauna ako sa’yo, I will wait for you kahit na
ilang taon pa because I love you..”

“Shhh!! Don’t say that. Magkakasama pa tayo ng matagal na matagal pa. Now make
your wish and blow your candle..”

Sambit ni Kevin.

Ipinikit ko ang mga mata ko saka ako humiling.

Sana magiging okay ang lahat. Sana, lalabas si baby ng healthy.

Pagkatapos kong humiling, binuksan ko ang mga mata ko saka ko hinipan ang kandila
na nakapatong sa cake.

*clap* *clap* *clap*

“WOOOOOO!!!!!”

Nagsigawan kaming lahat pagkatapos.

“Happy birthday baby...”

Nilapitan ako ni Mommy at Daddy saka nila ako niyakap ng mahigpit.

“Thank you Ma.”

“Hindi namin alam ng Daddy mo kung anong ibibigay namin sa’yo. Nasa sa’yo na kasi
ang lahat kaya naisipan nalang namin na bigyan ka ng something na magagamit ng apo
namin paglabas niya.”

Inabot ni Mommy at Daddy ang isang kahon sa’kin saka ko binuksan ang wrapper. Mga
damit ng baby ang binigay ng parents ko sa’kin.

“Thank you Ma.”

May mga dala ring regalo ang mga kaibigan ko para sa’kin at pati narin ang parents
ni Kevin pero hindi ko na binuksan iyon dahil inuna na namin ang pagkain.

Parang ginawa lang naming party hall ang hospital room ko. “Kainan na!!!”

Sigaw ni Aya saka niya sinugod ang pagkain.

“Aya! Dahan dahan lang. Hindi ka naman mauubusan eh..hehehe”

Saway ko sa kanya.

“Alam ko iyon Mia pero talagang gutom na ako eh. Ang sarap na talagang kumain.
Hindi kasi ako nag lunch dahil gusto kong paghandaan ang party na’to. Para naman
madami akong makain ngayon.”

Sagot ni Aya.

“hahaha!!!”

“Ang takaw mo!!!”

Saway ng boyfriend ni Aya sa kanya.

“Hindi ka na nasanay? Kahit na matakawa ko maganda naman ang katawan ko noh! Ohh!!
Anong sabi mo sa katawan ko? Eh di wala? Tuloy laway mo!!”

Kumembot kembot pa si Aya sa harap ng boyfriend niya na nagpatawa saming lahat.


Hindi parin talaga nagbabago si Aya. Ganun parin.

“Anong gusto mong kainin?”

Tanong ni Kevin sa’kin.

“Hmmm.. Everything? hehe. Minsan lang naman ‘to eh kaya kainin ko na lahat..”

Sabi ko sa kanya.

“Hehe! Ikaw talaga!!”

Bulalas niya saka niya kinurot iyong pisngi ko.

“I’ll get you something. Diyan ka lang muna..”


Sabi nito saka ako tumango.

Pagbalik ni Kevin, punong puno na ang dala niyang plato ng iba’t ibang pagkain.

“Let’s eat na? Gusto mo subuan na kita? hehe”

Tanong niya sa’kin.

“No need. Nakakahiya sa kanila eh.. hehe..”

Hindi lang kami ni Kevin ang sweet. Si Zelle at si Axelle din pati narin sina May
at Aya sa kani kanilang boyfriend.

Ofcourse, si Mommy at Daddy at pati narin parents ni Kevin.

“Wala na bang ibang plato?”

Tanong ko kay Kevin dahil isang plato lang iyong gamit naming dalawa.

“Meron pa naman. Pero gusto ko kasi share na tayo.. hehe”

Kinurot ko naman si Kevin sa pisngi niya.

“Ehhh!! Ang sweet sweet talaga ng asawa ko. Thank you for this surprise event.
Hindi ko talaga insahan ‘to.”

“You’re welcome. hehe. Pinag isipan ko talaga ng husto ang lahat ng ‘to. Mabuti
nalang at cooperative ang mga kaibigan natin pati nadin ang mga parents natin.”

Sambit ni Kevin at ngumiti naman ako.

“By the way.. Parang may nakalimutan ka ata muffin..”

Pagpapaalala ko sa kanya.

“Me? Ano naman iyon?”

“Ehhh!! Ayoko sanasabihin ‘to pero napansin ko lang na lahat sila binigyan ako ng
gift pero ikaw wala. Don’t tell me this is your gift for me? Wala bang something
visual? Iyong something na mahahawakan ko? Hindi naman ako nagrereklamo ha. Pero I
just want something na..”

“Remembrance?”

“Uhmm.. Yeah you can say that.. hehe”

Kinurot ulit niya ako sa pisngi.

“Ikaw talaga!! Palagi mo nalang akong inuunahan. Ofcourse I have something for you
beside this event. Pero mamaya ko na ibibigay iyon..”

Tumango lang ako saka namin pinagpatuloy ang pagkain namin.

-----------------

Pagkatapos naming kumain lahat, hindi na kami nagtaka kung hawak hawak parin ni
Aya ang plato niya at lumalamon parin.

Walang nagbago sa kanya eh. Ganun parin siya.

“I really don’t know how to thank all of you..”

Sambit ko sa kanilang lahat.

“I know, saying thank you a hundred times is not enough pero gusto ko lang ulit
sabihin na Thank You. Thank you sa effort, thank you sa pagpunta and ofcourse thank
you for making me feel that I’m special. Hindi ko talaga makakalimutan ang lahat ng
‘to. Thank you”

Pagpapatuloy ko.

“Mia, if you’re thinking na tapos na ang party at ang special event namin para
sa’yo. Syempre hindi pa.”

Sambit ni Zelle.

Lumapit si Zelle sa’kin para itulak iyong wheelchair papunta sa harap kung san
kita ako ng lahat.

“Stay here. I’m telling you that it’s okay to cry as long as you cry dahil sa
sobrang tuwa at pagkataouch.”
Pagpapatuloy ni Zelle.

Pagkatapos non eh tumahimik ang lahat. Alam nilang lahat kung anong mangyayari
pagkatapos non pwera nalang ako.

“You ask me for something visual kanina Muffin. Ngayon, ibibigay ko na sa’yo ang
isa ko pang gift para sa’yo.”

Tumayo si Kevin sa inupuan niya saka siya lumapit sa closet ng room at binuksan
iyon para kumuha ng something.

And it turned out na ang something na iyon ay isang bouquet ng bulaklak.

“For you muffin..”

Sambit ni Kevin pagkatapos niyang iabot sa’kin ang bulaklak.

“Thank you muffin..”

Akala ko iyon na iyon. Akala ko hanggang don na iyong event pero nagkamali ako.
Pagkatapos inabot ni Kevin ang bulaklak sa’kin, agad siyang lumuhod sa harapan ko.

Alam na alam ko kung anong gagawin niya non. I know he’ll propose to me.

“Nagpakasal tayo non kahit na hindi pa natin mahal ang isa’t isa. Kahit na hindi pa
tayo sobrang attached s isa’t isa. Pero pagkatapos ng ilang buwang pagsasama natin,
nahulog agad ko sa’yo. Minahal agad kita. Pagkatapos non, sigurado na ako na ikaw
na iyong babaeng gusto kong makasama habang buhay. Ang babaeng gusto kong iharap sa
altar. Gagawin ko na sanaiyon muffin. Pero sinubok ulit tayo nag tadhana, at ngayon
na magkasama ulit tayo. Hinding hindi ko na hahayaan na ipaghihiwalay ulit tayo ng
tadhana. Hinding hindi ako papayag na malayo ka sa’kin. Sigurado ako sa
nararamdaman ng puso ko Maybelline. Sa araw araw na gumigising ako, alam ko na ikaw
lang ang hinahanap at tinitibok ng puso ko. Pangalan mo lang ang sinisigaw nito.
Ikaw lang Maybelline..”

“I love you...”

Dinukot ni Kevin ang isang maliit na kahon mula sa bulsa niya saka niya binuksan
ito at hinarap sa’kin.

“And I want to marry you.. I want to be with you for the rest of my life..”“Will
you marry me muffin?”
=================

Chapter 14: Two Options

“Will you marry me muffin?”

Ganito din iyong tanong ni Kevin sa’kin non. Tumangi ako noon sa kanya, at sa
tanong niya ulit sa’kin, hindi ko na alam kung anong isasagot ko.

“Kevin... Alam mo naman na mahal kita diba? Iyon ang dahilan kung bakit ayaw
kitang itali sa’kin. Hindi naman kasi tayo sigurado kung hanggang kelan lang
ako...”

“Hindi ko kailangan ang lahat ng paliwanag mo Maybelline.. I’m just giving you two
options.. Is it a yes? or a yes?”

Natuwa ako sa sinabing options ni Kevin. Dahil don hindi ko na kailangan pang
malito kung ano ang isasagot ko sa kanya. Hindi ko na kailangan pang pag-isipan ng
husto kung ano ang tamang sagot ko para sa kanya.

Dahil dalawa lang naman ang pagpipilian ko. It’s between a yes or another yes.
Kahit saan sa dalawang iyan ang pipiliin ko, pareho lang naman iyon.

Ngumiti ako kay Kevin saka ko siya sinagot.

“Yes....”

“Yes Muffin! I will marry You!!!”

Bulalas ko.

WOOOOOOOO!!!!!

YEEEEESSSS!!!

*CLAP CLAP CLAP*

WOOOOOOO!!!
CONGRATSSS!!!!

FINALLY!!!!!

Sigaw ng sigaw ang mga kaibigan namin ni Kevin at mga parents nadin namin dahil sa
sobrang tuwa nila.

Pero alam ko, mas sobra ang tuwa na naramdaman ni Kevin dahil sa sagot ko. Literal
na umabot na ng tenga niya ang ngiti niya sa sobrang lapad.

Bakas sa mukha niya ang sobrang tuwa na naramdaman niya.

Tinanggal ni Kevin ang singsing sa kahon saka niya kinuha ang kamay.

“Thank you Muffin. Hindi mo lang alam kung gaano mo ako pinasaya ngayon.”

Dahan dahang isinuot ni Kevin ang singsing sa ring finger ko.

“Halata naman sa mukha mo eh.”

Sambit ko kay Kevin.

Pagkatapos niyang isuot sa’kin ang singsing, itinaas ko ang kamay ko para tignan ng
maayos ang singsing.

Ang ganda.

Akala ko talaga non na hinding hindi na ako makakasuot ng singsing na galing kay
Kevin. Sino naman ang mag-aakala na sa dami dami ng pinagdaanan namin, kami parin
pala hanggang sa huli.

Siya parin pala iyong lalaking, makakasama ko sa pagharap sa altar.

*CLAP CLAP CLAP CLAP*

“Congrats!!! Ipakita niyo naman sa’min kung gaano niyo kamahal ang isa’t isa...”

Sigaw ni Axel.
Tumayo si Kevin mula sa pagkakaluhod niya saka siya humawak sa gilid ng wheelchair
ko. Dahan dahan niyang dinikit ang mukha niya sa mukha ko hanggang sa naglapat ang
mga labi namin. ------------------ Dalawang linggo na ang lumipas simula nong
magpropose sa’kin si Kevin. Lumalaki nadin si Baby sa loob ng tiyan ko pero mabuti
nalang at hindi pa siya ganun kalaki para mahalata siya habang suot suot ko ang
wedding dress ko.

Kung ako lang sana ang masusunod, ayokong ikasal pa kami ni Kevin. Mas gusto kong
nasa mabuti akong kalusugan pag kinasal kami, pero ayaw ni Kevin.

Dahil konti lang iyong oras namin sa pagpeprepare, hindi ganun ka laki at hindi
ganun ka engrande ang kasal namin pero mas gusto ko iyong simple lang.

“You’re the most beautiful bride I’ve ever seen anak. I admit, mas maganda kapa
sa’kin nong ikasal ako sa Daddy mo.”

Sambit ni Mommy sa’kin.

“Mommy naman. Binobola mo ako eh. Alam ko naman na pangalawa lang iyong
kagadandahan ko sa’yo... hehe.”

Handa na ang lahat at handa narin ako para pumunta ng simbahan kung san
naghihintay sa’kin si Kevin.

Hindi ko alam kung anong naramdaman ko. Kinakabahan ako, naiihi, natatae, hindi ko
talaga maipaliwanag. Halo halo na kasi lahat ng emosyon ko.

“You ready? Tayo na? Sigurado akong naghihintay na silang lahat sa’yo..”

Sambit ni Mommy.

Tumango ako sa kanya bilang tugon ko.

Pagdating namin sa tapat ng simbahan, mas lalo akong kinabahan. Nasa loob palang
ako sa bridal car pero parang gusto ko na talagang mahimatay sa sobrang kaba ko.

Hindi nagtagal, pinalabas na ako nina Daddy at Mommy.

Nahanap ko nalang ang sarili ko na naglalakad sa aisle ng simbahan kasama ang


parents ko. Nasa dulo palang ako ng aisle pero kitang kita ko na si Kevin na
nakatitig lang sa’kin. Halos hindi na siya kumukurap para lang tignan ako.

♫ Forever can never be long enough for meTo feel like I've had long enough with
youForget the world now we won't let them seeBut there's one thing left to do♫
Nagsimulang tumugtog ang musika habang naglalakad ako sa gitna ng simbahan.
Gustong gusto ng tumulo ng mga luha ko pero pinigil ko iyon. Hindi pa nga ako
nakarating sa harap ng altar pero sobra na iyong luha ko. Ayokong mangyari iyon.

♫ Now that the weight has liftedLove has surely shifted my wayMarry MeToday and
every dayMarry MeIf I ever get the nerve to say "Hello" in this cafeSay you will♫

Alam ko na kung anong pakiramdam pag ikinakasal ka. Dahil sa pagiging emosyonal mo
kaya hindi mo mapigilan ang mga luha mo. Bumalik lahat ng alala namin ni Kevin
habang naglalakad ako.

Iyong una naming pagkikita. Natawa nalang ako dahil natapunan niya ako ng Lasagna
sa ulo ko. Syempre dahil iyon sa pagkatanga ko. Masaya ako at nabawasan na ng konti
ang pagiging tanga ko simula nong makasama ko si Kevin. Kung hindi siguro ako
naging tanga, baka hindi kami nagkakilala ni Kevin. Baka wala ako sa simbahan at
baka hindi na ako naglalakad papunta sa kanya. Minsan, nakakatulong rin pala ang
pagiging tanga. ♫ Together can never be close enough for meFeel like I am close
enough to youYou wear white and I'll wear out the words I love youAnd you're
beautifulNow that the wait is overAnd love and has finally shown her my way♫

Hindi ko inalis ang mga mata ko kay Kevin. Wala na akong pakialam kung madapa man
ako sa harap ng maraming tao. Ayoko lang talagang alisin ang mga tingin ko kay
Kevin dahil ayokong mamiss kahit na isang millisecond lang ng sandali.

♫ Marry meToday and every dayMarry meIf I ever get the nerve to say "Hello" in this
cafeSay you willMm-hmmSay you will ♫ Konti nalang.. Konting konti nalang at
makakarating na ako kay Kevin. Makakasama ko na siya sa harap ng altar. Haharap
kami sa Diyos para ideklara ang pagmamahalan naming dalawa.♫ Promise meYou'll
always beHappy by my sideI promise toSing to youWhen all the music dies ♫

Isang hakbang nalang. Isang hakbang nalang papunta kay Kevin.

♫ And marry meToday and everydayMarry meIf I ever get the nerve to say "Hello" in
this cafeSay you willMm-hmmSay you willMarry meMm-hmm ♫

Pagdating namin ng mga magulang ko sa harap ng altar, hindi ko na talaga napigilan


ang mga luha ko.

Ibinigay na ng mga magulang ko ang kamay ko kay Kevin. Alam kong hindi sila
nagdadalawang isip sa pagbigay sa’kin dahil alam nila na mamahalin ako ni Kevin
hindi lang hanggang sa huling hininga niya. Kundi hanggang sa kabilang buhay.

“Ang ganda mo kaya huwag ka ng umiyak para hindi masira ang make up mo.”

Sambit ni Kevin saka siya ngumiti.


Sinunod ko naman siya.

Humarap kami ni Kevin sa altar at sa harap ng pari na nagkasal sa’min.

“Dear family and friends, we have gathered here today to witness and celebrate the
wedding of Kevin and Maybelline. Marriage is the promise of hope between two people
who love each other sincerely, who honor each other as individuals, and who wish to
unite their lives and share the future together. In this ceremony, they dedicate
themselves to the happiness and well-being of each other, in a union of mutual
caring and responsibility.”

“Taught by our own joys, by our own sorrows, even by our own failures, that in
marriage, as in all life, whosoever insists upon saving their lesser goods and
their little self, shall miss what is greater, but whosoever forgets themselves in
devotion to their beloved and in consecration to their common enterprise, is surest
to find a full and happy life”.

“The values, traditions and hopes this couple represent have been nurtured by their
family and friends standing here today. As our Sons and Daughters find partners and
found homes for the next generation, each family is enriched and enlarged. Do you,
who have nurtured these two, bestow your blessing on their union and their new life
together as a family?”

“Yes Father!!”

Sagot ng mga bisita namin kay Father.

“Kevin and Maybelline please face each other and join hands.”

Tumayo kami ni Kevin saka kami humarap sa isa’t isa.

“No other human ties are more tender and no other vows more important than those
you are about to take. Both of you come to this day with deep realization that the
contract of marriage is sacred as are all of its obligations and responsibilities.”

“Kevin. will you have this woman to be your wedded Wife, to share your life with
her, and do you pledge that you will love her, and tenderly care for her in all the
varying circumstances of your lives?“

“I will Father..”

“Maybelline, will you have this man to be your wedded Husband, to share your life
withhim, and do you pledge that you will love him, and tenderly care for him in
allthe varying circumstances of your lives?”

“Yes Father. I will..”


Tumulo ang luha ko pagkatapos naming ideklara ang pagmamahalan namin ni Kevin.It
is customary to exchange rings as a symbol of love. As the rings have no end, so
your love shall have no end. A circle is the symbol of the sun and the earth, and
of the universe. It is a symbol of wholeness, and perfection, and of peace. The
rings you give and receive this day, are symbols of the union you enter together as
Husband and Wife.

Kevin, place the ring upon Maybelline’s hand and repeat after me:

“Maybelline this ring I give to you, in token and pledge, of my constant faith,
and abiding love.”

Sambit ni Kevin habang isinisuot niya iyong singsing sa ring finger ko.

Maybelline, place the ring upon Kevin’s hand and repeat after me:

Kinuha ko iyong singsing na para kay Kevin saka ko hinawakan ang kamay niya para
isuot ang singsing bilang token ng pagmamahal ko sa kanya.

“Kevin this ring I give to you, in token and pledge, of my constant faith, and
abiding love.”

For as much as Kevin and Maybelline have consented together to join their lives in
the bonds of matrimony, and have witnessed the same before this company of family
and friends, and have pledged their love and loyalty to each other, and have
declared the same by the joining and the giving of rings, I therefore, by the
authority granted by the creator of the universe pronounce that they are Husband
and Wife.

Iyon na siguro ang pinakamatamis na narinig ko mula sa paring nagkasal sa’min. Ang
sinabi niyang Husband and Wife.

Hindi na iyon ang kasal na tulad nong nasa judge kami. Peke lang ang lahat ng
iyon. Pero ngayon na ikinasal na kami sa simbahan, alam na alam ko na totoo na ang
lahat.

*CLAP CLAP CLAP*

Kevin, you may now kiss your beautiful Bride!

WOOOOO!!!!!

YIEEEEEEE!!!!
WOOOOOOOTTTT!!!

Naghiyawan naman ang mga tao pagkatapos sabihin ng pari ang mga salitang iyon.

Tumingin si Kevin sa’kin saka siya ngumiti at dahan dahan niya akong hinalikan.
Hindi naman iyon ang first kiss namin pero parehong pareho lang iyong pakiramdam.
Ramdam na ramdam ko parin ang kilig na dulot ni Kevin sa’kin

=================

Chapter 15: Little Argument

Sobrang bilis ng panahon. Hindi mo nalang namamalayan na ilang araw, ilang linggo
at ilang buwan na pala ang lumipas.

Parang kahapon lang ng kinasal kami ni Kevin tapos bigla nalang nagising ako ng
isang araw at napagtanto ko na pitong buwan na pala akong buntis.

“Goodmorning muffin. Gising ka na pala..”

Bigla nalang pumasok si Kevin sa kwarto namin dala dala ang isang tray na may
nakapatong na pagkain.

“Ano iyan?”

Tanong ko sa kanya.

“Breakfast in bed para sa’yo..”

Sagot ni Kevin saka siya umupo sa kama at pinatong ang tray sa harap ko.

Palagi nalang ganun ang ginagawa ni Kevin sa’kin sa tuwing hindi maganda ang
pakiramdam ko kinagabihan.

Ayoko mang isipin pero lumalala na ang sakit ko. Sumasakit palagi ang tiyan ko,
sumasakit ang ulo ko at ang malala pa, nagkakaroon ako ng excessive nose bleed.

Kinakabahan ako syempre pero ayokong ipakita kay Kevin na natatakot ako. Na mahina
ako dahil ayokong mag-alala pa siya ng husto sa’kin.

“Thank you..”

Sambit ko sa kanya saka ako ngumiti.

“Kamusta na ang pakiramdam mo?”

Tanong ni Kevin sa’kin.

“Okay na ako.. Baka napagod lang ako kahapon..”

Sagot ko.

“Pagkatapos mong magbreakfast pumunta tayo ng doctor para naman mainform natin si
doc tungkol sa kalagayan mo..”

“Pero..Kagagaling lang natin sa ospital nong isang araw ahh.. Ayoko ng bumalik
don.”

“Maybelline.. Alam kong ayaw mo ng bumalik don pero kailangan lang talaga nating
pumunta ng doctor para naman makasigurado tayo..”

Wala na akong ibang nagawa kundi ang tumango kay Kevin. Ayoko kasing makipagtalo
sa kanya at alam ko naman na tama siya.

Dahil wala pa akong masyadong lakas para tumayo, sabay na kaming kumain ni Kevin
sa kwarto namin.

Isang linggo nadin akong naka bed rest dahil sa palaging pagsakit ng tiyan at ulo
ko. Paminsan minsan din ang mga buto at kalamnan ko.

“Kevin.. Pwede bang mamayang hapon nalang tayo pumunta sa doctor? Para kasing
tinatamad pa akong lumabas eh. Mas gusto kong magpahinga..”

Pakiusap ko kay Kevin pagkatapos naming kumain.

“Sige pero dapat makapunta tayo ngayong araw..”


“Oo..”

Inayos ko na iyong mga pinagkainan namin ni Kevin sa maliit na tray.

“Ako na maghuhugas dito..”

Sambit ko sa kanya.

“Muffin... Huwag na matigas ang ulo. Ako na dito. Diba sabi mo gusto mo ng
magpahinga? Magpahinga ka nalang para naman magkaroon ka ng lakas mamayang hapon..”

Mahinang sabi ni Kevin.

Pero kahit na sobrang mahinahon iyong pagkasabi niya non, nainsulto parin ako.

“Kevin..May sakit ako oo. Pero hindi naman ibig sabihin non na hindi na kita
kayang pagsilbihan. May silbi padin ako bilang asawa mo. Hindi porke’t may sakit na
ako eh hindi ko na kayang gawin ang mga gawaing bahay na dapat eh ako ang gumagawa
at hindi ikaw..”

Pagkatapos kong sabihin iyon, bigla nalang akong nakaramdam ng guilt. Hindi naman
ako galit kay Kevin. Galit ako sa sarili ko dahil nagkasakit ako. Naiinis ako sa
sitwasyon ko dahil sa halip na ako ang magsilbi sa asawa ko, ako pa iyong
pinagsisilbihan niya. Pinigil ko ang mga luha ko.

“Maybelline ano ba iyang sinasabi mo?”

Parang nagulat din si Kevin dahil napagtaasan ko siya ng boses.

Niyuko ko lang ang ulo ko dahil sa hiya ko.

“Hindi ko naman ginagawa ang lahat ng ‘to para ipamukha sa’yo na wala kang silbi.
Ginagawa ko lang ‘to dahil ayokong mapagod ka. Ayokong maubos ang lakas mo sa
gawaing bahay na kaya ko namang gawin. Bakit Maybellie? Minsan ba naramdam mo na
ginagawa ko lang ang lahat ng ‘to dahil wala ka ng silbi?”

Kinuha ni Kevin ang tray na nasa harapan ko saka siya umalis at lumabas ng kwarto.

Ang tanga ko!!

Ang tanga tanga ko!!

Gusto kong ibalik ang ilang minutong lumipas para baguhin ang lahat ng sinabi ko.
Hindi ko naman intensyon na mag-away kami. Hindi ko naman intensyon na magkasagutan
kami. Hindi ko naman intensyon na sumama ang loob ni Kevin dahil sa’kin.

Tumulo ang mga luha sa mga mata ko na ilang minuto ko ng pinigilan.

Nasaktan ko si Kevin. Kahit na sabihin ko pang hindi ko sinadya, nasaktan ko parin


siya. ------------------- “Maybelline?”

“Maybelline?”

Nagising ako mula sa pagkakatulog ko na inakala kong nasa dreamland parin ako.
Inakala ko lang na tinawag ako ni Kevin sa panaginip ko pero totoo na palang
tinatawag niya ako.

“Uhmmm?”

Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko. Nong una, masyadong blurry na mukha pa ni
Kevin ang nakita ko pero naging malinaw na rin iyon pagkatapos ng ilang segundo.

“Kumain na tayo.. San mo ba gustong kumain? Sa baba o gusto mong dalhan nalang
kita ng pagkain dito?”

Tanong niya sa’kin.

“Galit ka pa ba sa’kin? Hindi ko naman sinasad..”

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko sana dahil tinakpan na ni Kevin ang labi ko
gamit ang daliri niya.

“Shhh... Hindi naman ako galit sa’yo at hindi ako nagalit sa’yo. Medyo nagtampo
lang ako pero okay na ako. Mabuti pa kumain nalang tayo..”

Ngumiti ako kay Kevin.

Napakaswerte ko dahil alam kong mahal na mahal ako ni Kevin. Kahit na may nagawa
akong malisa kanya, hindi parin niya nagawang magalit sa’kin.

Sinantabi niya iyong sarili niyang damdamin para sa’kin.

“Thank you. Hindi na talaga mauulit iyon..”

Sambit ko sa kanya.
“San mo ba gustong kumain? Gusto mo dalhan nalang kita rito?”

Tanong niya ulit sa’kin. Umiling ako dahil mas gusto kong sa baba na kami kumain.

“Sa baba nalang tayo kumain. Gusto ko nadin kasing bumangon para naman makapag
lakad ako kahit konti lang.”

Sagot ko.

“Kaya mo na ba?”

Tumango ako sa kanya.

“Tulungan na kita..”

Hinawakan ni Kevin ang isang kamay ko para alalayan ako pero bigla nalang siyang
nahapinto. Hinawakan niya rin ang isa ko pang kamay pagkatapos eh iyong pisngi ko
naman.

“May problema ba?”

Tanong ko sa kanya.

“Masama ba ang pakiramdam mo? May lagnat ka kasi. Ang init init mo.”

Pinatong ni Kevin ang palad niya sa noo ko.

“May masakit ba sa’yo? Gusto mo bang pumuta tayo ng doctor?”

Pinakiramdaman ko ang sarili ko saka ko napagtanto na may lagnat pala talaga ako.

“Hindi na kailangan. May gamot pa naman ako diyan diba? Iinumin ko nalang muna iyan
pagktapos nating kumain. At isa pa, pupunta rin naman tayo mamaya sa doctor kaya
wala na tayong dapat ipag-alala pa.”

Kumain na nga kami ni Kevin gaya ng request ko. Pero sa halip na sa baba kami
kumain, bumalik ulit kami sa lunch in bed dahil nagbago ang isip ni Kevin. Ayaw daw
niyang mas lalo pang tumaas ang lagnat ko.

Pagkatapos namin kumain, pinainom na sa’kin ni Kevin ang gamot ko saka niya ako
kinunan ng temperatura.
Hindi naman bago sa’kin ang ganitong sitwasyon. Palagi naman akong dinadapuan ng
lagnat kaya sanay na ako.

Pero first time na umabot ng 41 degree celsius ang lagnat ko.

“Maybelline sa tingin ko kailangan na nating pumunta ng doctor ngayon..”

Sambit ni Kevin pagkatapos niyang basahin ang thermometer.

“Okay lang naman ako Kevin. Kaya ko pa naman.”

“Sigurado ka ba talaga? Sabihan mo lang ako pag hindi mo na kaya..”

“Sigurado ako Kevin.... Pupunta lang ako ng banyo..”

Paalam ko sa kanya.

Hinawakan niya iyong kamay ko para alalayan ako papunta ng comfort room pero inalis
ko iyong kamay niya.

“Kaya ko naman eh..”

Pag i-insist ko sa kanya. Gusto ko lang naman kasing ipakita sa kanya na kaya ko pa
ang mga simpleng bagay.

Naglakad na ako papunta sa banyo pero wala pa ako sa kalahati ng bigla nalang
akong nahilog. Napahawak ako sa may closet namin saka dali daling lumapit si Kevin
sa’kin.

“Okay ka lang? May masakit ba? Anong pakiramdam mo?”

Sunod sunod na tanong ni Kevin sa’kin.

“Okay lang..”

Gusto kong sabihin kay Kevin na okay lang ako. Na nahilo lang ako ng konti. Pero
bigla nalang niya akong binuhat ng mapansin niyang may dugo na naman na lumabas sa
ilong ko.

Pagkatapos non, wala na akong maalala dahil nawalan na ako ng malay.


=================

Chapter 16 : Decision

Nagising ulit ako sa isang pamilyar na kwarto. Sa ospital. Hindi ko alam kung ilang
beses ng nangyari sa’kin ang ganun. Pero sanay na ako. Nawawalan ako ng malay,
pagkatapos pagdilat ko sa mga mata ko nasa ospital ulit ako.

Nakakapagod na. Pero wala akong magawa. Wala na akong magawa dahil ganun na talaga
ang kapalaran ko.

Minsan sumasagi sa isipan ko na itanong sa sarili ko kung bakit sa’kin pa nangyari


ang lahat. Bakit ako pa?

Pero sa tuwing tinatanong ko ang sarili ko sa mga katanungang hindi ko alam ang
sagot, ako lang palagi ang naiistress. Ako lang palagi ang lugi. Ako lang palagi
ang nalulungkot.

“Kevin?”

Hinanap ng mga mata ko si Kevin sa loob ng apat na sulok na kwarto. Hanggang sa


nakita ko siya na nakaupo sa couch, nakayuko at nakapatong ang noo niya sa dalawang
palad niya.

“Kevin? May problema ba?”

Pagkatapos niya akong marinig, tumalikod siya sa’kin saka niya pinahiran ang mukha
niya gamit ang mga palad niya.

Kahit na nakatalikod siya, alam na alam kong umiyak siya at ayaw niyang ipakita
sa’kin iyon.

“Kevin? Umiiyak ka ba?”

Pagkatapos ng ilang segundo, lumingon din siya para harapin ako saka siya ngumiti
ng pilit.

“Napuwing lang ako..”

Sagot niya.

Bentang benta na ang ganong sagot kaya alam kong nagsinungaling lang siya. Alam
kong umiyak siya pero hindi ko alam ang dahilan kung bakit siya umiyak.

“Pwede mo namang sabihin sa’kin..”

Sambit ko sa kanya.

Lumapit siya sa’kin saka niya hinawakan ang kamay ko.

“I love you...”

Mahinang sambit niya.

Ngumiti ako sa kanya saka ko siya sinagot.

“I love you too.. May masama bang nangyari?”

Hindi makasagot ng deretso sa’kin si Kevin kaya alam kong may nangyari talagang
masama. O baka mangyayari palang nong oras na iyon.

*tok* *tok*

Pumasok din ang doctor pagkatapos kasama ang isang nurse. Katulad ng dating
gawain, kinunan ulit ako ng blood pressure ng nurse.

“Nakapagdesisyun na ba kayo?”

Tanong ng doctor sa amin ni Kevin.

Tinignan ko si Kevin para itanong sa kanya gamit ang mga mata lang kung anong ibig
sabihin ng doctor pero yumuko lang siya. Hindi siya makatingin ng deretso sa’kin o
kahit sa doctor man lang.

“Desisyun? Tungkol saan po?”


Tanong ko sa doctor dahil alam kong wala akong makukuhang sagot kay Kevin.

Tinignan ng doctor si Kevin na nakayuko parin.

“Hindi mo pa sinabi sa asawa mo ang sitwasyon Mr. Choi?”

Tanong ng doctor kay Kevin.

“Doc.. Kagigising niya lang po.. Baka pwedeng sa susunod nalang natin pag-usapan
iyan..”

Mahinang sambit ni Kevin.

“Mr. Choi, alam mo ang sitwasyon. Hindi tayo pwedeng magsayang ng oras. Kahit na
isang minuto, malaki ang pwedeng...”

“TEKA!!!!”

Pinigil ko silang dalawa ni Kevin dahil hindi ko maintindihan kung anong ibig
nilang sabihin. Hindi ko alam kung anong pinag-uusapan nila. Alam ko na tungkol
sa’kin ang tinutukoy nila pero hindi ko alam kung anong nangyayari.

“Anong ibig mong sabihin doc? Anong sitwasyon? Anong desisyun ba ang tinutukoy
niyo?”

Tanong ko sa doctor.

“Kevin may tinatago ka ba sa’kin? Kaya ka ba umiiyak dahil diyan sa desisyun na


iyan? Ano bang nangyayari?”

Naglabas ng malaking buntong hininga si Kevin.

“Mr. Choi, kailangang malaman ng asawa mo ang tungkol sa sitwasyon nila ng baby..
Kung hindi mo kayang sabihin ako na mismo ang magsasabi..”

Sambit ng doctor.

“Kevin.. Ano bang nangyayari? Sabihin mo naman sa’kin...”

Pakiusap ko sa kanya.

Bumuntong hininga ulit si Kevin saka siya tumingin sa’kin. Inipon niya lahat ng
lakas na meron siya para sabihin sa’kin ang lahat.

“Maybelline...”

Pinisil ni Kevin ang kamay ko saka siya nagpatuloy.

“Delikado na daw ang pagbubuntis mo...”

Hindi na natapos ni Kevin ang sasabihin niya dahil tumulo na ang mga luha sa mga
mata

niya.

“Dederetsuhin na kita Mrs. Choi...”

Sambit ng doctor.

“Kailangan niyong pumili if you will continue to carry the baby until she is fully
develop.. or we will do an emergency cs operation.”

Kailangan niyong pumili if you will continue to carry the baby until she is fully
develop.. or we will do an emergency cs operation.

Kailangan niyong pumili if you will continue to carry the baby until she is fully
develop.. or we will do an emergency cs operation.

Kailangan niyong pumili if you will continue to carry the baby until she is fully
develop.. or we will do an emergency cs operation.

Paulit ulit na tumatak sa isipan ko ang sinabi ng doctor. Bakit kailangan pang
pumili?

“Anong ibig sabihin niyo doc? 31 weeks palang akong buntis. Bakit kailangan ng
emergency cs operation?”

Tanong ko sa doctor sabay tulo ng mga luha ko.

“Mrs. Choi.. Your condition is getting worse everyday. Humihina na ang katawan mo.
Pag pinagpatuloy mo ang pagdadala sa bata hanggang sa ipanganak mo siya, baka hindi
mo na kayanin ang mga gamot para sa sakit mo. Sa susunod na aatakahin ka, you might
have a miscarriage.. or worst, we might lose you and the baby..”

Pakiramdam ko, nabasag ang eardrums ko pagkatapos kong marinig ang mga salitang
iyon galing sa doctor.

Akala ko magiging okay ang lahat. Akala ko, malalabas ko ang baby ko ng maayos.

“Nagbibiro ka lang doc diba? Hindi naman totoo ang lahat ng narinig ko diba?”

Tinignan ko si Kevin.

“Kevin hindi naman totoo ang lahat ng iyon diba? Sabihin mo sa’kin na hindi totoo
iyon Kevin!!!”

Niyakap ako ni Kevin.

“Shhh!! It’s okay Maybelline.. It’s going to be okay..”

Bulong niya sa’kin.

“Paano magiging okay ang lahat Kevin? Paano? Sabihin mo sa’kin dahil hindi ko na
alam kung paano magiging okay ang lahat!!!!”

Gusto kong magwala para kahit papano maibsan ang galit at takot na naramdaman ko.
Gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa dahil hindi ko na mahanap ang boses ko. Ang
tanging nagawa ko nalang ay ang umiyak at umiyak.

-------------------

Pagkatapos akong pakalmahin ni Kevin, naging malinaw na ang isipan ko.

“Pagkatapos po ng cs operation doc. Ano pong mangyayari sa baby? Magiging okay ba


siya? Makakasigurado ba kayong mabubuhay siya?”

Mahinahong tanong ko sa doctor.

“I can’t guarantee a hundred percent Mrs. Choi. When a baby is born too early, his
or her major organs are not fully formed. This can cause health problems. Babies
who are born closer to 32 weeks may not be able to eat, breathe, or stay warm on
their own kaya mananatili na muna sila sa incubator. But after these babies have
had time to grow, most of them can leave the hospital.”

Pagpapaliwanag ng doctor.

“Pero gaya nga ng sabi ko Mrs. Choi, hindi kita mabibigyan ng hundred percent
chance na mabubuhay ang baby. Maaring magkaroon siya ng komplikasyon at maaring
ikamatay niya ito.”

“Kung ganun doc. Hindi ako papayag.”

Sambit ko sa doctor.

“Mrs. Choi... Gusto kong sabihin sa’yo na kahit na hindi ka pumayag sa emergency
cs operation. Malaki parin ang chance na mamatay ang baby...”

Litong lito na ako. Hindi ko na alam kung anong desisyun ang pipiliin ko. Isa lang
naman ang gusto ko, ang makasiguradong ligtas ang baby ko pero kahit na saan sa
dalawa ang pipiliin ko, manganganib parin ang baby.

“Maybelline.. Siguro mas makakabuti na pumayag ka na sa operation. Kung hindi


natin gagawin iyon, hindi lang ang baby ang maaring mawala. Baka mawala karin
sa’kin. Hindi ko makakayanan kung mangyari man iyon..”

Pagpapaliwanag ni Kevin.

Tumulo ulit ang mga luha ko. Bakit kailangan ko pang pumili, eh kahit saan naman
ang pipiliin ko hindi naman siguradong ligtas ang anak ko.

“Wala na bang ibang option doc?”

Tanong ko sa doctor.

“I’m sorry Mrs. Choi pero wala na. The best choice is to have the emergency cs
operation..”

“Huwag kang mag-alala Mrs. Choi dahil mas malaki ang chance na mabubuhay ang 7-
month old babies kesa sa 8 month old babies..”

Pagpapatuloy ng doctor.

“Anong ibig niyong sabihin doc?”

“Usually kasi Mrs. Choi, 7 months baby undergoing fetal stage has developed its
lungs, as its lungs are in high function than on 8 months.. and as the baby reaches
its 8 months the function of its lungs depleted because the baby doesn't needed it
yet..that's why it's better to give a pre-term birth in 7 months than in 8 months
although 8 months baby can also survive but it is risky..”

Pagpapaliwanag ng doctor.
Kung wala man sa dalawang options ang nakakasigurado sa kaligtasan ng baby ko.
Pipiliin ko na kung anong mas makakabuti para sa kanya at para narin sa’kin.

“Pumapayag na ako doc..”

Sambit ko sa doctor.

Malakas parin ang pananampalataya ko sa Panginoon. Kung ano man ang mangyari,
ipapaubaya ko na sa mga kamay Niya.

----------AN: This is FICTION!! Kaya hindi lahat ng nakasulat dito eh totoo. Iyong
iba gawa gawa ko lang for the sake of the story. Hindi ko sinasabing tama lahat ng
sinulat ko ah. Hindi ko din sinasabi na this is reality. FICTION nga eh!!!

=================

Chapter 17: Kevia

“Kamusta na ang pakiramdam mo?”

Tanong ni Kevin sa’kin pagkatapos na pagkatapos kong buksan ang mga mata ko.

Hinawakan ko ang kanang pisngi niya gamit ang palad ko saka ako ngumiti sa kanya.

“I’m okay. Nag-alala ka ba sa’kin?”

Tanong ko sa asawa ko.

“Sobra sobra..Tatlong araw ka ding natulog. Masaya ako ngayon at gising ka na.”

Sagot niya saka niya hinaplos ang pisngi ko.

“Kamusta na siya? Pwede ko na ba siyang makita?”

Mahinang tanong ko kay Kevin at tumango naman siya.

--------------------------
Tulak tulak ni Kevin ang wheelchair na inupuan ko habang papunta kami sa baby ko.
Hindi ko maipaliwanag ang naramdam ko habang papunta kami sa anak ko. Iyon din
iyong klase ng pakiramdam ko habang naglalakad ako sa simbahan papuntang altar kung
nasan si Kevin.

Excited.. Naiiyak.. Natutuwa.. Masaya.. Kinakabahan..

Halo halong emosyon.

Hindi nagtagal huminto na kami ni Kevin sa isang room. Akala ko papasok kami don
pero hindi pala.

“Dito lang tayo..”

Sambit ni Kevin..

“Hindi ba tayo pwedeng pumasok?”

Tanong ko kay Kevin.

“Hindi pwede eh. Hindi din kami nakapasok nong isang araw..”

“Pano natin siya makikita?”

Tanong ko kay Kevin.

Lumapit si Kevin sa’kin saka niya hinawakan ang kamay ko. Di nagtagal, inayos din
nong nurse na nasa loob ang kurtina para makita namin ang loob ng room.

Sobrang daming baby na nakahiga sa loob ng incubator. Lahat sila tulog. Hindi ko
nga alam kung nagigising din ba sila tulad ng baby na normal o hindi.

Sinundan lang namin ng tingin ang nurse hanggang sa tinuro niya ang isang baby.

“Iyon na siya Maybelline.. Siya ang baby natin..”

Masayang sambit ni Kevin.

Idinikit ko ang mga palad ko sa glass na nasa pagitan namin ng baby. Ang ganda
niya.. Ang ganda ng labi niya. Ang ganda ng ilong niya..
“Iyong kilay niya Kevin tulad na tulad ng kilay mo.. hehehe”

Sambit ko kay Kevin sabay tawa. Kuhang kuha kasi ng baby ang kilay ng Daddy niya.

“At ang labi niya katulad ng labi mo. hehe.”

Sabi naman ni Kevin.

Hindi man siya pinanganak ng normal, tulad parin siya ng ibang baby. Ang himbing
himbing ng tulog niya sa loob ng incubator.

“Ang liit liit niya noh?”

Tanong ko kay Kevin.

“Kamukhang kamukha ka niya..”

Sambit ni Kevin.

“hehehehe. Nalungkot ka ba dahil kilay mo lang iyong nakuha ni baby?”

Panunukso ko kay Kevin.

“Hindi Muffin. Masaya nga ako at kamukhang kamukha mo siya..Ang ganda niya..”

Sambit nito.

“Syempre maganda ang pinagmanahan eh.. hehehe..”

Hindi ko maipaliwanag ang saya na dulot ng baby namin. Parang ayoko ng umalis sa
pwesto ko dahil ang gusto ko lang gawin eh titigan siya buong araw.

“May pangalan na ba siya? Pinangalanan niyo na ba siya habang tulog ako?”

Tanong ko kay Kevin pagkatapos.

“Hindi pa. Hinintay kasi kita na magising. Gusto ko, sabay tayong magpapangalan sa
baby natin..”
Hindi ko na pinag-isipan pa ang magiging pangalan ng baby namin ni Kevin dahil
isang buwan palang akong buntis, alam ko na kung anong ipapangalan ko kung sakaling
maging lalaki man o maging babae ang baby.

At ngayong babae nga ang baby namin ni Kevin..

“Kevia...”

Sambit ko.

“Kevia ang magiging pangalan niya. Kevia Choi..”

Pagpapatuloy ko.

Dahil sobrang ikli lang ng pangalang Kevia, gusto ko sanang bigyan pa siya ng
second name pero naisip ko na huwag nalang. Simple lang ito pero meaningful.

Kevin at Mia..

“Gusto ko dala dala niya ang pangalan natin hanggang sa lumaki siya..”

Dagdag ko.

“Bagay sa kanya ang pangalan niya..”

Pagkokomento naman ni Kevin.

“Excited na ako Kevin.. Excited na akong mahawakan siya sa braso ko. Excited na
akong palitan ang diapers niya.. Excited na akong suotan siya ng magagandang damit.
Iyong mga damit na tulad ng isang prinsesa.. Excited na akong maging Mommy..”

Hindi ko kayang itago ang naramdaman ko. Kung kaya ko lang sanang tumalon talon at
tumakbo ginawa ko na.

“Excited nadin naman ako Maybelline. Magiging mabuting magulang tayo sa kanya.
Palalakihin natin siya ng maayos at may takot sa Diyos..”

Sambit ni Kevin.

Tumango ako kay Kevin saka ko binalik ang mga mata ko kay Kevia.

Pagkatapos ng ilang minuto, pinuntahan kami ni Kevin ng nurse para pabalikin na sa


kwarto ko.

“Pwede bang mamaya na? Hindi ko kasi kayang iwan ang baby ko.”

Pakiusap ko sa nurse.

“Pasensya na po talaga Ma’am pero kailangan niyo ng magpahinga. Baka ho kasi


mabinat kayo. Hindi pa po kayo lubos na magaling.”

Sagot ng nurse.

“Kevin..Please pakiusapan mo siya na mamaya na. Ayokong iwanan si Kevia..”

Pakiusap ko naman kay Kevin.

Parang may kakaibang gayuma si Kevia. Hindi ko kayang alisin ang tingin ko sa
kanya, hindi ko kayang iwan siya kahit sa sandaling panahon lang.

“Huwag na matigas ang ulo Muffin. Babalik din naman tayo dito mamaya. Magpahinga ka
na muna. Hindi naman aalis si Kevia diyan eh.”

Sagot ni Kevin.

Tinignan ko ulit si Kevia.

“Baby.. Aalis na muna kami ni Daddy pero babalik din kami mamaya..”

Sambit ko kay Kevia. Kahit na hindi siya sasagot, gusto ko paring kausapin siya.
Kahit na hindi niya ako naririnig.

“Magpapahinga lang ako saglit pero babalik din tayo dito mamaya ha?”

Tanong ko sa asawa ko.

“Promise iyan.. Pero sa ngayon, bumalik na muna tayo sa room mo para naman
makapagpahinga ka na..”

Sambit ni Kevin.

“Tulungan na po kita Ma’am..”


Sambit ng nurse saka niya hinawakan ang handlebar ng wheelchair.

“Huwag na nurse. Ako na lang..”

Sambit ni Kevin.

“Sige po Sir..”

Pagbalik namin ni Kevin sa room, binuhat niya ulit ako para ipahiga ako sa
hospital bed.

“Oo nga pala Muffin.. Nakita na ba nila Zelle si Kevia? Sila Mommy nakita na ba
nila ang apo nila?”

Excited na tanong ko kay Kevin. Hindi parin mawala sa isipan ko si Kevia. Kahit na
isang beses ko palang siyang nakita non, hindi ko makalimutan ang mukha niya.

Akala ko noon, magkakamukha lahat ng baby pero ngayon na magulang na ako, alam ko
na hindi pala sila magkakamukha lahat. Ibang iba ang mukha ni Kevia sa ibang baby.

“Oo nakita na nila. Andito sila kahapon pero babalik din sila mamaya para sa’yo at
para kay Kevia..”

“Mrs Choi..Kamusta na ang pakiramdam mo?”

Tanong ulit ng doctor pagkatapos niyang sumulpot sa eksena.

“Mabuti Doc. Kelan po ba tayo magsisimula?”

Tanong ko sa doctor.

Pagkatapos kong makita ang anak ko, buong buo na ang lakas ng loob ko. Para siyang
vitamins na nagbigay sa’kit ng sapat ng lakas sa katawan.

Kailangan kong magpagaling para sa kanya.

“Mukhang maganda at ang gising mo..”

Sambit ng doctor.

“Nakita ko na po kasi ang baby ko doc. Pagkatapos ko siyang makita, parang


nakalimutan ko na malala pala ang sakit ko. Pakiramdam ko, parang may lagnat lang
ako ngayon.”

Sagot ko.

“That’s good Mrs. Choi. Your baby is responding well with her environment sa
incubator. Wala namang komplikasyon nong operasyon kaya wala tayong dapat na ipag-
alala. Ang dapat mo lang isipin ngayon eh ang kalagayan mo. And about your
question, we can’t start the chemotherapy right away. Kailangan na muna nating
maghintay ng isang linggo for your body to recover from the operation. Pagkatapos
non, sisimulan na natin ang chemotherapy. “

Pagpapaliwanag ng doctor.

“Doc, pwede po bang malaman kung ano po talaga ang chemotherapy? Naririnig ko lang
po iyan sa TV pero wala po talaga akong ideya kung ano iyan. Ano po ba ang
procedure ng chemo?”

Tanong ng doctor.

“In your case Mrs. Choi, you have acute myeloid leukemia. The chemotherapy is
divided into two phases. First is iyong remission induction and the second is
consolidation.”

Pagpapaliwanag ng doctor.

“Iyong induction is the first part of the treatment. Induction is aimed at getting
rid of all visible leukemia. It involves treatment with two chemo drugs. Ang
cytarabine at ang anthracycline drug. Paminsan minsan, dinadagdagan namin ng
pangatlong drug ang induction which is 6-thioguanine. It depends on how your body
will respond to the drugs.”

Pagpapatuloy ng doctor.

“Ilang linggo po ba ang phase na ‘to doc?”

Tanong ni Kevin sa doctor.

“About a week lang Mr. Choi. But she will have to stay in the hospital for that.”

Sagot ng doctor.

“Ano naman po ang second phase doc?”

Tanong ko naman sa doctor.


“If induction is successful, further treatment is given to try to destroy any
remaining leukemia cells and help prevent a relapse. This is called consolidation.
We have options naman Mrs. Choi para dito. We may choose several cycle of high-dose
cytarabine chemo, allogeneic stem cell transplant and autologous stem cell
transplant.”

Sagot ng doctor.

“Ano po bang best choice para sa phase na iyan doc?”

Tanong ko.

“It is not always clear which of the treatment options is best for the patient
Mrs. Choi. Sa bawat option na iyan laging may pros and cons. We have to look first
at several different factors when recommending what type of post-remission therapy
a patient should receive. Sa ngayon, hindi ko na muna masasagot iyan.”

Magpapaliwanag ng doctor.

“Ihahanda ko ang sarili ko doc..”

Sambit ko sa doctor. Hindi ko na tinatanong sa kanya kung anong mga side effects ng
chemotherapy dahil alam ko na ang lahat ng iyon. Palagi kong nakikita sa TV ang mga
ganito pero hindi ko inasahan na magiging isa ako sa kanila.

Lalagas ang buhok ko, magiging kalbo ako. Magsusuka ako ng magsusuka, magiging

mahina ang katawan ko pero kakayanin ko.

Kailangan kong lakasan ang loob ko para sa mga taong mahal ko.

------------------- AN: Final Chapter is already posted

=================

Finale

Kevin’s POV Isinara ko na iyong libro pagkatapos kong basahin ang huling isinulat
ni Maybelline. Hindi ko namalayan na basang basa na pala ang mukha ko sa mga luha
na galing sa mga mata ko.
Sobrang namimiss ko na siya.

“Memoirs of the Casanova’s Wife..”

Binasa ko ulit iyong title ng libro na ginawa ni Maybelline. Hindi na niya nagawang
tapusin ang libro dahil wala na siyang lakas para magsulat pa simula nong
chemotherapy niya.

Ipinikit ko ang mga mata ko saka bumalik sa isipan ko ang lahat ng nangyari.
Hanggang ngayon, sariwang sariwa parin ang lahat.

“Ma magpahinga na kayo. Ilang araw na kayong andito.”

Sambit ko sa Mommy ni Maybelline na hindi na makatulog ng maayos dahil sa sobrang


pag-aalala sa anak niya.

Isang linggo na ang lumipas mula nong simulan ni Maybelline ang chemotherapy niya.

“Bakit si Maybelline pa? Bakit ang anak ko pa? Bakit hindi nalang ako? Matanda na
ako, pwede na akong kunin kahit anong oras pero ang anak ko.. Ang batang bata pa
niya..”

Hindi na napigilan ni Mommy na humagolgol.

“Ma tama na.. Hindi rin naman makakatulong kung umiyak man tayo. Ang kailangan ni
Maybelline ngayon, maging malakas tayo para sa kanya..”

Sabi ko kay Mommy saka ko siya niyakap.

Ang totoo, hindi lang si Mommy ang nasasaktan. Pero ayokong ipakita sa kanila
lalong lalo na kay Maybelline na nasasaktan at pinaghihinaan ako ng loob. Dahil
alam ko na ako lang iyong kinakapitan niya ngayon. Ako lang iyong kinukunan niya ng
lakas ng loob. Ayokong biguin siya.

“Alam ko Kevin.. Pero.. Pero hindi ko kaya...”

Alam na alam ko at ramdam ko ang hinagpis ni Mommy. Palagi ko ding tinatanong sa


sarili ko kung bakit hindi nalang ako ang nagkasakit. Bakit si Maybelline pa?

Sila Zelle at nag iba, hindi pinalalagpas ang isang araw na hindi sila nakakabisita
kay Maybelline. Kahit na may kanya kanya silang trabaho, may kanya kanya silang
buhay, naghahanap parin sila ng panahon para makasama si Maybelline. Kahit na
masulyapan man nila ito sa tuwing tulog siya.
“Ma, kakayanin natin ‘to...”

Pinalakas ko ang loob ni Mama kahit na sobrang hinang hina na ako. Paminsan minsan
gusto ko nading sumuko, pero sa tuwing nakikita ko si Kevia, bumabalik ang lakas ng
loob ko.

Ako ang haligi ng tahanan kaya hindi ako pwedeng panghinaan ng loob. Sa’kin dapat
sumandal ang pamilya ko kaya hindi pwedeng sumuko ako.

Hindi nagtagal, nagising nadin si Maybelline.

“Maybelline Anak... Kamusta na ang pakiramdam mo?”

Tanong agad ni Mommy sa kanya.

“I’m okay Ma kaya huwag ka ng mag-alala. Magiging okay din ang lahat. Gagaling din
ako. You’ll see Ma..”

Pinilit ni Maybelline na ngumiti para sa Mama niya. Kahit na alam naming


nahihirapan na siya, ngumingiti parin siya para ipaalam sa’min na okay lang siya
kahit na ang totoo eh hindi siya okay.

“I’m sorry anak. Wala man lang akong magawa para sa’yo. Labis labis na ang sakit na
dinanas mo pero wala man lang akong magawa kundi ang tignan kang nahihirapan. Kung
pwede lang sanang ipalit ko ang katawan ko para ako nalang ang magkasakit.. Kung
pwede lang sana anak gagawin ko..”

Humagolgol ulit si Mommy sa harap ni Maybelline. Maski ako, hindi ko mapigilan na


umiyak dahil sa masakit na eksena.

Ni minsan sa buong buhay ko, hindi ko naisip na mangyayari sa’min ang lahat ng ‘to
pero gaya nga ng palaging sinasabi ni Maybelline sa’kin, may plano ang Diyos.

“Ma..”

Pinahiran ni Maybelline ang luha ng Mommy niya.

“Hindi mo kailangang humingi ng tawad. Hindi mo naman kasalanan diba? Walang may
gusto ng nangyari. Wala na tayong magagawa. Ang importante ngayon, lakasan mo ang
loob mo para sa’kin Ma. Iyon lang iyong hinihingi ko sa’yo. Okay na sa’kin na ako
lang ang nasasaktan, kakayanin ko iyon. Pero pag nakikita kitang nasasaktan at
umiiyak para sa’kin, mas lalo akong nasasaktan Ma..”
Tumalikod ako sa kanila para itago ang pag-iyak ko. Gaya nga ng sabi ni Maybelline,
ayaw niyang nakikita kaming nasasaktan at umiiyak para sa kanya pero hindi ko
talaga kayang gawin.

“Pero anak...”

“Ma, please huwag ka ng umiyak..”

“Oo anak. Hindi na ako iiyak. Hindi na..”

Pagkatapos ng ilang saglit, humarap na ako sa asawa ko saka ako ngumiti ng pilit.

“May gusto ka bang kainin?”

Tanong ko sa kanya. Dahil sa chemotherapy niya nawawalan na siya ng gana parati,


pero dinadaan naman sa dextrose ang pagkain niya para hindi siya maubusan ng
sustansya.

“Wala akong gana..”

Sagot niya.

Paminsan minsan pinipilit ko siyang kumain kahit na ayaw niya. Napipilit ko din
naman siya paminsan minsan pero parang wala paring epekto iyong pagkain dahil
isinisuka rin naman niya pagkatapos.

Sabi ng doctor, isa daw iyon sa mga side effects ng chemotheraphy niya.

“Kevin.. Asawa ko.. Pwede bang magtanong?”

Mahinang tanong ni Maybelline.

Hinawakan ko iyong kamay niya habang ang isang palad ko ay nakadikit sa pisngi
niya.

“Ano iyon Muffin?”

“Maganda parin ba ako?”

Tanong niya.

Tinitigan ko si Maybelline. Aaminin ko hindi na siya iyong Maybelline dati. Ang


putla na niya ngayon, ang payat na niya. Parang ilang buwan na siyang hindi
natutulog dahil sa itsura niya pero para sa’kin siya parin ang pinakamagandang
babae sa buong mundo.

“Ilang beses mo na bang tinanong sa’kin iyan?”

Tanong ko sa kanya. Hindi ko na kasi mabilang kung ilang beses na niyang tinanong
sa’kin ang tanong niya.

“Hindi ko alam eh. Pero sige na Kevin. Gusto ko lang kasing marinig ang sagot mo..”

Tinitigan ko siya sa mata saka ako sumagot.

“Dahil tinanong mo, sasagutin kita. At hinding hindi magbabago ang sagot ko kahit
na ilang beses mo pang iuulit sa’kin ang tanong na iyan. Para sa’kin.. Ikaw parin
ang pinakamagandang babae sa buong mundo. Ikaw lang ang mamahalin ko Maybelline. I
promise you that..”

Saka ko siya niyakap.

Hinding hindi ako magsasawa na sabihin sa kanya na siya nag pinakamaganda at ang
mga salitang mahal ko siya.

Hindi dahil kailangan kundi dahil gusto ko.

“I love you Kevin...”

“I love you more...”

Hinaplos ko ang buhok niya habang yakap yakap ko siya. Pero napansin ko nalang ang
kumpol kumpol na buhok niya na dumikit sa mga daliri ko.

Bigla akong napatigil dahil sa gulat ko.

“May problema ba?”

Tanong niya sa’kin pagkatapos niya akong yakapin.

“Wala naman..”

Itinago ko sa kanya ang buhok na dumikit sa mga daliri ko dahil alam kong mas
makakabuti na hindi na niya malaman.
Dahil pinapatay ng chemotherapy ang cancer cells sa katawan ni Maybelline,
napapatay din niya ang mga healthy cells gaya ng blood cells at cells sa buhok
niya. Ito daw ang dahilan kung bakit nauubos ang buhok sa isang taong nagpapachemo.

----------

Lumipas ang isang linggo at naging okay naman ang lahat. Tumugon ang katawan ni
Maybelline sa gamot na binigay sa kanya ng doctor.

Pero nagulat nalang kaming lahat ng isang araw nong sinabi ng doctor na kailangan
nilang ulitin ang first phase ng chemotherapy.

“Bakit pa doc?”

Tanong ko sa doctor.

“I’m sorry Mr. Choi. Pero hindi napatay ang lahat ng cancer cells sa katawan ng
asawa mo. Kailangan nating ulitin ang induction.”

Pinilit kong inintindi ang lahat para kay Maybelline. Araw-araw, ilang beses akong
nagdadasal na sana huwag na muna Niyang kunin ang asawa ko sa’min ni Kevia.

Pero sinabihan nalang kami ng doctor na hindi na nagrerespond ang katawan ni


Maybelline sa gamot hanggang sa kumalat na iyong cancer cells sa ibang bahagi ng
katawan niya.

Sa paglipas ng mga araw, para akong onti-onting pinapatay sa impyerno dahil sa


sobrang sakit na naramdam ko. Hindi ako ang nagka cancer pero pakiramdam ko, higit
pa sa cancer ang sakit na dumapo sa’kin.

Sa tuwing nakikita ko si Maybelline na nanghihina sa araw na lumipas, para akong


kandila na unti unti nading nauupos.

“Naalala mo ba iyong pumunta tayo kina Manang? Ang saya natin non..”

Hinang hinang sambit ni Maybelline.

“Naalala ko lahat ng iyon. Pati iyong pinakilala kita kay Sandy.”

Pagpapaalala ko sa kanya.

“Akala ko talaga tao siya. Dolphin pala. Hehehe. Kevin.. Promise mo sa’kin aalagaan
mo si Kevia. Palalakihin mo siya ng maayos. Mamahalin mo siya gaya ng pagmamahal mo
sa’kin..”

“Shhh.. Huwag mong sabihin iyan..”

Hindi ko na natago ang mga luha ko kay Maybelline.

“Huwag kang magsalita ng ganyan Maybelline. Diba gagalign ka pa? Gagaling ka pa


para sa’min ni Kevia. Magiging mabuting Mommy ka pa sa kanya. Sabay natin siyang
palalakihin. Sabay tayong tatanda na dalawa.”

Pinilit ni Maybelline na ngumiti sa’kin.

Sobra akong nasasaktan dahil alam ko konting galaw lang niya, masakit na iyong
buong katawan niya. Alam kong hinang hina na siya.

“Gusto ko. Andami ko pang gustong gawin. Adami ko pang plano na gagawin natin lalo
na at tatlo na tayo. Pero alam ko, hindi ko na magagawa ang lahat ng iyon. Tanggap
ko naman ang lahat ngayon. Masaya ako..”

Sambit niya.

“Masaya ako at nakita ko si Kevia kahit na hindi ko man lang siya nakarga sa mga
bisig ko. Kevin promise me that..”

Hindi ko na pinatapos si Maybelline dahil ayokong marinig ang mga bilin niya.

“Please Maybelline. Huwag kang magsalita ng ganyan. Huwag mo kaming iwan ni Kevia.
Kailangan ka namin. Kailangan kita...”

Tuloy tuloy na ang pag-agos ng luha ko sa magkabilang pisngi ko.

“I’m happy na umabot na ako hanggang dito. Kinasal tayo, naging tayo, nagkahiwalay
tayo, naging tayo ulit at kinasal ulit tayo. Bonus pa na dumating si Kevia, wala na
akong mahihiling pa. Hindi ako nagsisisi. Kung mawawala man ako, okay lang sakin na
maghanap ka ng iba...”

“Pano mo nasasabi iyan ha? How can you say that Maybelline. Hinding hindi ako
maghahanap ng iba kahit na na anong mangyari. Alam ko na hinding hindi na ako
magmamahal ulit gaya ng pagmamahal ko sa’yo.”

Hinaplos ni Maybelline ang pisngi ko saka niya sinabi sa’kin ang.

“I love you. Mahal na mahal kita.”


Dumating na iyong kinatatakutan kong mangyari. Dumating na iyong ayokong mangyari.
Ayoko siyang pakawalan, ayoko siyang hayaan na iwan ako. Hindi ko kaya, dahil sa
oras na ginawa niya iyon, pakiramdam ko mamamatay din ako. Hindi ko alam kung anong
gagawin ko pagkatapos.

Pero kailangan kong gawin.. Kailangan kahit na ayaw ko. Kailangan pag hahawakan ko
pa siya, alam ko mas masasaktan ko lang siya.

“Maybelline....”

Kahit na mahirap.. I have to.. I have to let her go.. Kailangan ko siyang palayain.

“I love you.. I love you.. Hinding hindi magbabago iyan kahit na ilang taon pa ang
lumipas. Masaya din ako. Masaya din ako at nakilala kita. Masaya ako at hinding
hindi ko pinagsisihan na pinakasalan kita. Thank you for giving Kevia to me. Kelan
man, hinding hindi kita makakalimutan at hinding hindi mawawala ang pagmamahal ko
sa’yo hanggang sa magkita tayo sa kabilang buhay. Nothing will change... I
promise.. palalakihin ko ng maayos si Kevia. Hinding hindi niya mararamdaman na
kulang siya.. Kaya huwag ka ng mag-alala..”

Hinalikan ko si Maybelline sa labi niya sa huling pagkakataon.

“I love you..”

Bulong niya sa’kin.

“I love you.. Hintayin mo ako sa kabilang buhay..”

Sambit ko.

“You can rest now my love..”

Iyon na iyong pinakamahirap na salitang sinabi ko. Pinakamahirap at pinakamasakit.


Pero alam ko iyong ang tama. Binigay na niya ang lahat sa’kin. I have to let her go
kahit na sobrang sakit.

Pagkatapos kong sabihin ang salitang iyon, pinikit na ni Maybelline ang mga mata
niya. Pero alam ko sa pag-alis niya masaya siya dahil sa ngiti mula sa labi niya.

“Maybelline!!!!”

Humagolgol ako habang yakap yakap ko si Maybelline sa mga braso ko.


Binuksan ko ang mga mata ko saka ko pinahiran ang mga luha na tumulo mula sa mga
mata ko.

Kinuha ko iyong picture frame na nakapatong sa bedside table. Iyon iyong huling
picture namin ni Maybelline.

“I miss you and I still love you..Malapit na Maybelline. Malapit na..”

Bulong ko sa kanya.

*tok* *tok*

“Dad?”

“Pasok anak..”

Sagot ko.

Binuksan ni Kevia ang pinto ng kwarto saka siya pumasok at naupo sa tabi ko.

“I know you miss her Dad..”

Kinuha ni Kevia nag picture frame na hawak ko saka niya hinaplos ang picture ng
Mommy niya.

“Hindi ko man siya nakita pero mahal na mahal ko siya Dad. Ni minsan, hindi ko
naramdam na may kulang sa’kin. Hindi ko naramdaman na wala akong Momym dahil
binigay mo ang lahat sa’kin Dad and dahil naramdaman ko iyong pag-alalaga niya
sa’kin through her spirit. Hindi ko man nakikita si Mommy araw araw, alam ko na
palagi niya akong ginagabayan. I love her Dad and I love you..”

Saka ako niyakap ng mahigpit ni Kevia.

Binigyan ako ng napakagandang regalo ni Maybelline, si Kevia at siya iyong naging


dahilan kung bakit ako nabubuhay araw araw.

Sobrang bilis ng panahon, sinong mag-aakala na malaki na pala si Kevia. Parang


kahapon lang mula nong una ko siyang nakita sa loob ng incubator pero ngayon, may
sarili na siyang pamilya.

“Lolo!!! Lolo!! Tayo na alis na tayo!!! I want to see Lola na!!”


Patakbong lumapit sa’kin si Maylene, ang apo ko.

“Aalis na tayo apo.. Ready ka na ba?”

Tanong ko sa kanya saka siya lumapit.

“Oo naman Lolo..”

“Maylene. Sinabihan na kita na huwag ka ng magpakarga kay Lolo malaki ka na..”

Saway naman ni Marlo sa anak niya.

“Marlo okay lang naman. Kaya ko pa naman..”

Sambit ko sa asawa ni Kevia.

“Ang kulit kulit naman kasi nitong apo mo Dad. Halika na Maylene. Si Mommy na
magkakarga sayo..”

Hindi nagtagal, umalis na kaming apat para puntahan si Maybelline. Ganito pala ang
pakiramdam pag alam mong bilang na ang mga araw mo sa mundong ibabaw. Mahina ang
katawan ko di tulad ng dati.

Hindi ko na kayang maglakad ng wala ang baston ko. Matanda na talaga ako.

“Andito na tayo Dad.”

Sambit ni Marlo.

Hawak hawak ko iyong bulaklak para kay Maybelline habang naglalakad kami papunta sa
kanya.

“Happy Anniversary Muffin..”

Sambit ko saka ko binigay sa kanya ang bulaklak na hawak ko.

Anniversary namin ngayon at ni minsan hindi ko nakalimutan na bisitahin siya


espesyal na araw namin.

“I miss you. Konting konti nalang magkikita na tayo..”


“AGGHHH!!! AGGHHH!!!”

Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa sobrang sakit ni to. Pakiramdam ko may isang
malaking bato na nakapatong sa puso ko. Hindi ako makahinga ng maayos dahil sa
paninikip ng dibdib ko.

“DAD??? DAD? DAD OKAY LANG BA? DAD!!!”

“DAD!! DAD!! DADALHIN KA NAMIN SA OSPITAL!!”

“LOLO!!! LOLO HUWAG MO KAMING IWAN!!!”

Hanggang sa naramdaman kong unti uti akong lumutang mula sa lupa.

“DAD!!! DAD!!!!

At nasilayan ko sa mga mata ko ang pagiyak ni Kevia habang hawak hawak niya ako sa
mga braso niya.

Ganito pala ang pakiramdam. Alam ko wala na ako. Alam ko humiwalay na ang spirito
ko sa katawan ko.

“Muffin!!!!!! I miss you!!!”

Narinig ko ulit ang isang pamilyar na boses na araw araw kong hinahanap. Pag lingon
ko, nakita kong nakangiti sa’kin at kumakaway si Maybelline. Ang asawa ko. Ganun
parin ang itsura niya. Walang pinagbago.

“Maybelline!!”

“Ang tagal kitang hinintay. Masaya ako at andito ka na. Masaya ako at nakita kita
ulit.”

Agad akong tumakbo papunta sa kanya saka ko siya niyakap.

“Totoo ba ang lahat ng ‘to o nananaginip lang ako?”

Tanong ko sa kanya habang yakap yakap ko siya.

“Totoo ang lahat ng ‘to. Kahit na araw araw ko kayong kasama ni Kevia, miss na miss
ko parin kayo. Pano ba naman kasi hindi niyo ako nakikita. Thank you dahil tinupad
mo iyong pangako mo na mamahalin mo parin ako hanggang dito. I love you Kevin.”
“I love you Maybelline..”

--
The End --

=================

Author's Note

WAAAAA!!! Natapos ko nadin iyong book 2. First of all sorry dahil alam ko nagulat
kayo at sobrang ikli lang ng book 2. Pero sabi ko naman nong una diba na maikli
lang talaga. Supposedly atleast 20 chapters ang book 2 pero hindi umabot dahil
kailangan ko na talagang tapusin. Kailangan kong tapusin dahil sad na iyong susunod
na mangyari. Ayokong magsulat ng ganun.

So how was the ending? Tell me tell me tell me kung anong tingin niyo don. Alam ko
na disappoint ko iyong iba sa inyo sa ending pero iyon ang gusto kong ending. Hindi
naman kasi lahat ng kwento natatapos sa gumaling sa sakit at nagkatuluyan. For me,
I still consider the ending a happy one dahil nagkatuluyan parin sila Kevin at Mia
sa huli.

Sa tingin ko rin, iyon na iyong best ending na pwede kong isulat. Hindi bitin
dahil nalaman nating lahat ang kwento nila from the beginning hanggang sa kabilang
buhay. But that was for me.

Thank you for everything. Sa mga hindi bumitaw from book 1 thank you talaga. THANK
YOU!!!! I can’t stress that enough. For the softcopy gagawa ako pero hindi agad
agad dahil busy pa ako.

AUTHOR WHAT’S NEXT FOR YOU?

I'm writing a new story entitled R.E.D & Dagger.. Read read niyo na!! Nakapost na
eh..

Thank you talaga sa lahat and see you sa R&D.

P.S. Hindi ko inasahan na makakasulat ako ng four completed books in just a year.
Thank you talaga.Saranghamnida <3
=================

Book 3

Annyeong! Konichiwa! Hello! Hi! Ni hao! Kamusta? na miss ko kayo.

I'm planning to write book three of marrying the casanova. Actually nasulat ko na
iyong prologue at iyong unang chapter ng story. But the story will not focus on mia
and kevin's story. It will focus on Kevia's life and love story. Malalaman niyo na
kung pano siya pinalaki ng Daddy Kevin niya. Kung paano lumaki na wala ang mommy
Mia niya. It's not really a book three but a sequel. Okay! Sequel iyong tamang
word. The title is REACHING MY SUPERSTAR. Pero di ko pa siya pinost ha. I need
comments pa or suggestions whether I should push through this story or huwag nalang
:) I need your opinions. Comment it below. I need atleast 100 votes for this bago
ko ipopost iyong prologue ng story ni Kevia Choi. I posted this also sa memoirs of
the casanova's wife at marrying the casanova. Sa tatlong pinost ko pag may atleast
100 votes na, magpopost na ako.

You have been a big part of Kevin and Mia's love story so...

VOTE now if you want me to post the love story of Kevin and Mia's daughter, Kevia
Choi.

=================

Win a signed book of MTC Vol. 2

Magandang araw/gabi sa inyong lahat. Dahil buwan ng wika ngayon ako'y magtatagalog
mula umpisa hanggang dulo.

Baka po gusto niyong manalo ng libro ng Marrying the Casanova Vol 2. Pwede po
kayong sumali sa simpleng game. Eto po ang link. Paki copy and paste na lang po.

https://www.facebook.com/notes/loveorhatethisgurl-wp/win-a-signed-copy-of-marrying-
the-casanova-volume-2/1453487331582560

Pwede niyo rin akong idagdag sa listahan ng inyong mga friends sa Facebook kung
nahirapan kayo sa link:

https://www.facebook.com/loveorhatethisgurl.wp

Maraming salamat po.


Ang game po ay magtatapos sa August 22, 2014.

You might also like