You are on page 1of 23

COUPLES FOR CHRIST

North 1E Chapter, Angeles City

CHRISTIAN LIFE PROGRAM


Oryentasyon
Layunin
 Upang ibahagi ang isang pakikipag-ugnayan kay
Jesus bilang Siya lamang ang tanging paraan
upang makalabas tayo sa kalunos-lunos na
kalagayan ng mundo ngayon at
 Upang ihandog sa mga tagapakinig ang isang
hakbang para makapasok sa pakikipag-ugnayang
ito sa pamamagitan ng CLP at
 Ang pagkakaroon ng pakikipag-ugnayang
Kristiyano sa Couples for Christ (CFC)
A. Introduksyon

1. Bakit tayo nagbubuhos ng panahon


at pagsisikap para makasali sa mga
programang katulad nito?
Lukas 4:16-21.
Ipinahayag ni Jesus ang Kanyang misyon.

 “Umuwi si Jesus sa Nazaret na kanyang nilakhan. Gaya ng


kanyang kinagawian, pumasok siya sa sinagoga nang Araw
ng Pamamahinga. Tumindig siya upang bumasa; at
ibinigay sa kanya ang aklat ni Propeta Isaias. Binuksan
niya ang aklat sa dakong kinasusulatan ng ganito:
‘Sumasaakin ang Espiritu ng Panginoon, sapagkat hinirang
niya ako upang ipangaral sa mga dukha ang Mabuting
Balita. Sinugo niya ako upang ipahayag sa mga bihag na
sila’y lalaya, At sa mga bulag na sila’y makakikita; Upang
bigyang-kaluwagan ang mga sinisiil, At ipahayag ang
pagliligtas na gagawin ng Panginoon”. Nilulon niyan ang
kasulatan at matapos isauli sa tagapaglingkod, siya’y naupo.
Nakatitig sa kanya ang lahat ng nasa sinagoga. At sinabi
niya sa kanila: “Natupad ngayon ang bahaging ito ng
Kasulatan samantalang nakikinig kayo.”
Ang kaligtasang ipinangako ng Diyos ay
natupad sa pamamagitan Niya.
Ipahahayag Niya ang Mabuting Balita ng
paghahari ng Diyos
(Lukas 4:43) .
“Subalit sinabi niya, “Dapat ko ring
ipangaral sa ibang bayan ang Mabuting
Balita tungkol sa paghahari ng Diyos;
sapagkat iyan ang layunin ng
pagkasugo sa akin.”
• Ang Kanyang misyon ay para
sa lahat.
• Ang Kanyang proklamasyon
ay panghabang-panahon.
• Ang pangako ay nauukol din sa
atin.
B. NAINTINDIHAN BA NATIN ANG
MENSAHE NI JESUS? KUNG ITO’Y PARA
SA ATIN, PAANO BA NATIN NATANGGAP
ANG KANYANG HANDOG NA
KALIGTASAN?
1. Apat ang uri ng tao ang binanggit ni
Jesus. Nakikita ba natin ang ating
mga sarili sa Kanyang mga
nabanggit?
Apat ang uri ng tao
ang binanggit ni Jesus

a) Ang mga dukha. (THE POOR)


b) Ang mga bilanggo (THE CAPTIVES)

c) Ang mga bulag. (THE BLIND)

d) Ang mga inaapi o sinisiil. (THE OPPRESSED)


2. Ngunit eksaktong dumating si Jesus
upang dalhin ang kaligtasan sa atin sa
lahat ng nabanggit.

a) Ipinaaabot Niya ang Mabuting Balita sa mga


dukha.

b) Ipinahahayag Niya ang kalayaan sa mga


bilanggo
c. Siya’y nagbibigay paningin sa mga bulag.
•Juan 8:12.
“Muling nagsalita si Jesus sa mga tao. Wika
niya, “Ako ang ilaw ng sanlibutan. Ang
sumusunod sa akin ay magkakaroon ng ilaw na
nagbibigay-buhay, at di na lalakad sa kadiliman.”

d) Pinapalaya Niya ang mga sinisiil.


C. PERO NARARANASAN BA NATIN
NGAYON ANG INIHAHANDOG NA
KALIGTASAN NI JESUS? MAYROON BA
TAYONG KASAGANAANG-ESPIRITWAL,
NABUBUHAY BA TAYO SA KALAYAAN,
TUMITINGIN BA TAYO SA PANANAW NG
DIYOS?
1. Ano ba ang nakikita natin sa mundo
ngayon?

2. Bakit ganito ang mga pagtugon na


ginagawa ng mga Kristiyano sa
makabagong mundong ito?
D. BAKIT TAYO NAGKUKULANG NG LAKAS NA
ESPIRITWAL BILANG MGA KRISTIYANO?
MAYROONG MGA SUMUSUNOD NA
KADAHILANAN:
1. Ang iba ay ayaw bitawan ang pagkakasala.
2. Maaring ang isang tao ay mabuti, ngunit ang
pagbabalik sa Panginoon ay hindi lubos.
Nasisiyahan na lamang tao sa isang
madamdaming karanasan at hindi natin
pinababayaan ang ating pagbabalik-loob para
magkaroon ng epekto sa ating pamamaraan ng
pag-iisip, pamumuhay, pag-galaw at pakikitungo
sa ibang tao.
D. BAKIT TAYO NAGKUKULANG NG LAKAS NA
ESPIRITWAL BILANG MGA KRISTIYANO?
MAYROONG MGA SUMUSUNOD NA
KADAHILANAN:

3. Marami ang walang personal na pakikipag-


ugnayan kay Jesus.

4. Mayroong mga taong walang suportang


Kristiyano.
5. Ang ibang mga Kristiyano ay hindi namumuhay
sa lakas at kapangyarihan ng Espiritu Santo.
a) Naniniwala tayo sa Santisima Trinidad at alam
nating mabuti ang Ama at ang Anak. Ngunit
maraming mga Kristiyano ang hindi nakaaalam ng
Espiritu at hindi nakakaintindin ng papel nito

•Juan 16: 7-8.


“ Ngunit dapat ninyong malaman ang katotohanan: ang pag-
alis ko’y sa ikabubuti ninyo, sapagkat hindi paparito sa inyo
ang Patnubay kung hindi ako aalis. Ngunit kung umalis ako,
susuguin ko siya sa inyo. Pagdating niya ay kanyang
patutunayan sa mga tao sa sanlibutan na mali ang
pagkakakilala nila sa kasalanan, at ipakikilala niya kung ano
ang matuwid, at kung ano ang kahatulan.”
•. Lukas 24:49.

“Tandaan ninyo: susuguin ko sa inyo ang ipinangako ng


aking Ama, kaya’t huwag kayong aalis sa lunsod
hanggang hindi kayo napagkakalooban ng kapangyarihan
mula sa itaas.”

•Mga Gawa 1:8.

“Ngunit bibigyan kayo ng kapangyarihan pagbaba sa


inyo ng Espiritu Santo, at kayo’y magiging mga saksi ko
sa Jerusalem, sa buong Judea at Samaria, at hanggang
sa dulo ng daigdig .”
b) At and Espiritu ay dumating, sa araw ng Pentekostes

b) Ito ang kapangyarihan ng Espiritu Santo na


nagtatrabaho.
E. ANO NGAYON ANG DAPAT NATING
GAWIN SA ATING SITWASYON?
1. Bilang umpisa, intindihin natin na hindi tayo para
sa mundong ito kungdi sa isang mas mataas na
buhay na kasama ang Diyos.

2. Pansarili mong imbestigahin kung ano ang


iniaalay ni Jesus. Huwag mo lang basta
palampasin ito. Sa ngayon, harapin mo ito ng
may pananampalataya at alamin na ang Diyos
mo ay nag-aalay sa iyo ng isang paanyaya.
Pahayag 3:20.
“Nakatayo ako sa labas ng pintuan at
tumutuktok, kung diringgin ninuman ang aking
tinig at bubuksan ang pinto, ako’y papasok sa
kanyang tahanan at magkasalo kaming kakain.”
3. Sa isang matibay na pananaw, ano ang
ibig sabihin sa iyo ng paanyayang ito?
a) Ibig ng ating Panginoon na mag-alay sa iyo ng isang
personal at konkretong pagpapahayag ng Kanyang
katotohanan sa inyong buhay sa paraang nangyayari
ngayon
b) Ang unang hakbang ay ang pagsali sa
Christian Life Program na ito
c) Pagkatapos ng CLP, ikaw ay aanyayahan na sumapi
sa Couples for Christ upang sa ganoon ay patuloy
kang magkaroon ng tulong at suporta sa iyong
Kristiyanong pamumuhay
d) Sa lahat ng mga ito, ikaw ay dadalhin sa pintuan ng
espiritwal na kalayaan, kagulangan at lakas sa
pamumuhay Kristiyano
Ang pagsali sa Christian Life Program
na ito:

• Ang CLP ay may tatlong modyul na


may kanya-kanyang apat na sesyon.

• Hindi mo kailangan na italaga ang


iyong sarili sa buong CLP, kungdi ang
pagdalo lamang nang paisa-isa sa
bawat sesyon.
A Powerpoint Presentation prepared by:

Bro. Rodel (Chat) E. Sinamban


North 1E Chapter, Angeles City

For some CLP Talks, visit slideshare.com. type


CFC CLP Talks and click search.

Bro. Rodel (Chat) E. Sinamban


North 1E Chapter, Angeles City

You might also like