You are on page 1of 1

“Change is coming”.

Isa sa mga litanyang binitawan ng ating mahal na pangulo sa simula ng


kanyang termino. Pagbabago. Isa sa mga bagay na inaasam asam ng bawat mamayang Pilipino. Hindi
ba’t ang sarap pakinggan ng mga katagang matagal na nating nais makamtan?

Ilang administrasyon na ba ng dumaan sa atin? Ilang beses na ba tayong umasa at nabigo? Muli
ba tayong aasa sa mga pangakong binibitawan ng ating gobyerno?

Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Iron Fist kung siya’y tawagin ng ilan. Hanga ang karamihan sa
kanyang taglay na kaprangkahan at katapangan. Masasabi nating siya’y naiiba sa mga pangulong nauna
ng nagsilbi sa ating bansa. Ang kasulukuyang pinuno ng gobyernong inaasahan nating magbago sa ating
estado ng ating pamumuhay.

Bagama’t ang administrasyong Duterte ay napapaligiran ng mga mangilan-ngilang negatibong


kritiko at kontrobersiya, di naman natin maikakailang unti-unti na nating nararamdaman at nakikita ang
ilan sa mga pagbabagong nagawa ng kasalukuyang administrasyon. Mula sa mga ligtas na kalsada,
malinis na mga pampublikong lugar, rehabilitasyon ng Boracay, pagkawala ng masangsang na amoy ng
Manila Bay, pagkatugis sa mga gumagamit at nagbebenta ng mga pinagbabawal na gamot at higit sa
lahat paglinis sa mga marurumi at di tapat na mga ahensya ng ating pamahalaan.

Base sa mga nabanggit, tunay ngang ipinakikita ng ating kasalukuyang pamahalaan ang
determinasyon at dedikasyon nitong isakatuparan ang pangakong darating ang pagbabago. Paunti-unti
man, mas mabuti na ito kaysa patuloy tayong manatiling nakatigil at uhaw sa mga pangakong napapako
lamang sa huli katulad ng mga nagdaang administrasyon.

Muli ay nabuhayan tayo ng loob at sana’y tuloy tuloy na ang pagunlad ng ating bansa at ng ating
pamumuhay. Ngunit huwag sana nating kalimutang, ang totoong pagbabago ay nakasalalay parin sa
atin. Sa ating mga sarili. Gaano man kagaling ang ating gobyerno o an gating mga pinuno, kung wala
tayong pagkukusa sa ating mga sarili na magbago, maniwala ka’t sa hindi, wala parin tayong
patutunguhan. Tulungan din natin ang ating mga sarili. Uhaw tayo sa pagbabago, pero tayo mismo di
makuhang magbago. Simulan na natin ito, dahil sa huli, tayo at tayo rin ang papawi sa ating matagal ng
pagkauhaw.

You might also like