You are on page 1of 2

Maraming bago sa porma at teksto ng SONA sa taong ito, Ito ay hindi naglalaman ng paglatag ng mga

bagay na nagawa na at mga nakamit ng Administrasyon bagkus ito ay nakasentro sa pagbabagong


gustong makamit ng bawat mamamayang pilipino.

Ang Noo'y mstapang at walang habas na pagsasalita ng pangulo ay napalitan ng mahinahon at


mapagkumbabang tono ng pananalita halos wala akong narinig na masamang salita na namutawi sa
kanyang bibig.

Halos isang oras naantala ang pagsisimula ng SONA dahil sa nangyaring pagpapatalsik sa Punong
tagapagsalita ng kamara. Ito ay nagsimula sa ganap na 5:22 PM at nagtapos ng 6:09 ng hapon. Ang ilan sa
mga mahahalagang bagay na tinalakay ng pangulo ay ang sumusunod una niyang binigyang diin na
simula't sapul ng nanumpa siya bilang bahagi ng gobyerno ay nakatatak na sa kanyang isip ang
pagpapabuti sa bawat mamayan. Hindi rin nawala ang tahasan niyang pagsabi na hindi pa tapos ang
laban kontra-droga at ayon sakanya ito ay mananatiling pangunahing prayoridad ng kanyang
administrasyon. Ang isa sa hindi makakalimutang bahagi sa unang bahagi ng kanyang talumpati ay sa
bahaging sinabi niya na higit na Mahalaga ang buhay ng tao kaysa sa karapatang pantao. Ayon sa kanya
marami nang namatay at nasira ang buhay dahil sa Ilegal na droga.

Hindi rin niya pinalampas ang korapson aniya upang mas mapabilis ang serbisyo ng gobyerno ito ay
kailangan munang mawala. Naging makabuluhan din ang pagtalakay niya sa Bangsamoro Organic law,
ayon sakanya sapat na ang mga aral na nadulot ng giyera ayon sakanya hindi solusyon ang paglaban sa
mga teroristang grupo gayunpaman balak niya igony5 sugpuin sa pamamagitan ng negosasyon at sinabi
niya rin na Handa siyang tanggapin ang mga rebeldeng grupo.

Inabangan din ng lahat ang sasabihin ng pangulo hinggil sa Tsina, sinabi niya na taos puso ang
kanyang pasasalamat sa patuloy na kooperasyon at tulong ng tsina sa bansa pero sinabi niya rin na
ilalaban parin ng ating bansa ang ating karapatan sa Scarborough shoal. Tinalakay din ng pangulo ang
kabayanihan ng mga mangagawang pilipino aniya nararapat lamang na puriin ang hindi makasariling
paghihirap ng mga OFW. Nangako din siya na darating na ang pangatlong Telco player sa bansa upang
mapalakas Sistema ng Internet sa bansa. Ang isa pa sa tinutukan ay ang TRAIN Law kung saan nanindigan
ang pangulo na ito ay solusyon at hindi dagdag pasanin, sa mga taong gustong ipatigil ito ay wala raw
silamg makukuha dahil ito raw ay para sa kabutihan ng nakararami. Pinangako niya rin ang pagpapatatag
ng sistema ng kalusugan sa pamamagitaj ng National Health care System. Sa pederalismo naman sinabi
niyang ito ay magbibigay ilaw sa bawat pilipino----- wala raw siyang ambisyon na magdagdag pa ng taon
sa kanyang termino. Kumpiyansa din siyang susuportahan ito ng nakararami.

Para sa akin napakahalaga ng isang salitang bibigkasin ng pangulo dahil ito ay nagbibigay ng pag-asa sa
bawat pilipino pero napakalungkot na ang ilan sa mga dapat sana'y binibigyang pansin ng pangulo ay
hindi nabigyan ng karampatang oras upang talakayin. Dapat sigurong talakayin noya ang sistema ng
edukasyon at mga hakbang ng bansa at ang mangagawang pilipino oo nadaanan niya ngunit hindi niya
nabigyang diin.

Kung susumahin nakasentro ang SONA sa mga isyung kinakaharap ng gobyerno, mga isyung napupuna ng
karamihan pero paano naman ang ilan sa mga isyung kinakaharap ng regular na pilipino. Para sa akin
naarapat lamang na konsultahin ang ilan sa mga normal na tao upang mabihisan ang SONA ng angkop sa
bawat isa. Ang ilang minutong pagtdtalumpati ng pangulo ay mahalaga ang ginagampanang papel sa
pagpapataas ng antas ng buhay ng bawat mamayang pilipino kung kaya't mainam na himayin ang bawat
kuro-kuro upang makarating sa ating paroroonan.

You might also like