You are on page 1of 1

Ang dating ikaw, at ako.

Naalala mo pa?
Mga panahong tayong dalawa.
Ni hindi nga tayo mapaghiwalay, diba?

Mga panahong ikaw, ako, may tayo.


Oo tayo nga. Naaalala mo pa ba?
Sa palagay ko hindi na.

Tila isa na ngabang ala-ala


Pagsasamang, pagsasamang minsan ng naipinta..
Naipinta, na sa mata ng iba'y mali pala.

Ngunit, ngunit?! bakit ngayo'y nagiba na?


Ang dating tayo'y wala na.
Masasayang alaala.. ikaw at ako, tayo'y magkasama.

Mga sandaling nawala.


Mga luhang napawi na ng hangin,
Sakit at hapdi na akala ko'y panandalian lang, ngunit ako'y nagkamali.

Naging mundo kita, mundong akala ko hindi mawawala..


Ngunit isa nanamang pagkakamali.
Ito'y isa lamang pala'y pansamantala.

Panaginip nga ba ito?


Kasi kung oo, gisingin mo ako. Pakiusap.
Oo, minahal kita. Kulang ang sobra para sabihin sayong mahal kita.

Ngunit nagising ako, nagising akong wala ka.


Nagising akong mag-isa.
Nagising ako sa isang panaginip na kung saan akala ko, tayo na.

Na akala ko..
Tayo ang tinakda para sa isa't isa,
Pero hindi pala.

Nagising ako sa katotohanang wala kana.


Wala ng ikaw, at ako.
Wala na ang pag-ibig na dati'y meron tayo.

You might also like