You are on page 1of 11

ARTICLE XIV

Education, Science and Technology, Arts, Culture, and Sports


Education
SECTION 1. The State shall protect and promote the right of all citizens to quality education at all
levels and shall take appropriate steps to make such education accessible to all.
SECTION 2. The State shall:
(1) Establish, maintain, and support a complete, adequate, and integrated system of education
relevant to the needs of the people and society;
(2) Establish and maintain a system of free public education in the elementary and high school
levels. Without limiting the natural right of parents to rear their children, elementary education is
compulsory for all children of school age;
(3) Establish and maintain a system of scholarship grants, student loan programs, subsidies, and
other incentives which shall be available to deserving students in both public and private schools,
especially to the underprivileged;
(4) Encourage non-formal, informal, and indigenous learning systems, as well as self-learning,
independent, and out-of-school study programs particularly those that respond to community
needs; and
(5) Provide adult citizens, the disabled, and out-of-school youth with training in civics, vocational
efficiency, and other skills.
SECTION 3. (1) All educational institutions shall include the study of the Constitution as part of
the curricula.
(2) They shall inculcate patriotism and nationalism, foster love of humanity, respect for human
rights, appreciation of the role of national heroes in the historical development of the country,
teach the rights and duties of citizenship, strengthen ethical and spiritual values, develop moral
character and personal discipline, encourage critical and creative thinking, broaden scientific and
technological knowledge, and promote vocational efficiency.
(3) At the option expressed in writing by the parents or guardians, religion shall be allowed to be
taught to their children or wards in public elementary and high schools within the regular class
hours by instructors designated or approved by the religious authorities of the religion to which
the children or wards belong, without additional cost to the Government.
SECTION 4. (1) The State recognizes the complementary roles of public and private institutions
in the educational system and shall exercise reasonable supervision and regulation of all
educational institutions.
(2) Educational institutions, other than those established by religious groups and mission boards,
shall be owned solely by citizens of the Philippines or corporations or associations at least sixty
per centum of the capital of which is owned by such citizens. The Congress may, however, require
increased Filipino equity participation in all educational institutions.
The control and administration of educational institutions shall be vested in citizens of the
Philippines.
No educational institution shall be established exclusively for aliens and no group of aliens shall
comprise more than one-third of the enrollment in any school. The provisions of this subsection
shall not apply to schools established for foreign diplomatic personnel and their dependents and,
unless otherwise provided by law, for other foreign temporary residents.
(3) All revenues and assets of non-stock, non-profit educational institutions used actually, directly,
and exclusively for educational purposes shall be exempt from taxes and duties. Upon the
dissolution or cessation of the corporate existence of such institutions, their assets shall be
disposed of in the manner provided by law.
Proprietary educational institutions, including those cooperatively owned, may likewise be entitled
to such exemptions subject to the limitations provided by law including restrictions on dividends
and provisions for reinvestment.
(4) Subject to conditions prescribed by law, all grants, endowments, donations, or contributions
used actually, directly, and exclusively for educational purposes shall be exempt from tax.
SECTION 5. (1) The State shall take into account regional and sectoral needs and conditions and
shall encourage local planning in the development of educational policies and programs.
(2) Academic freedom shall be enjoyed in all institutions of higher learning.
(3) Every citizen has a right to select a profession or course of study, subject to fair, reasonable,
and equitable admission and academic requirements.
(4) The State shall enhance the right of teachers to professional advancement. Non-teaching
academic and non-academic personnel shall enjoy the protection of the State.
(5) The State shall assign the highest budgetary priority to education and ensure that teaching
will attract and retain its rightful share of the best available talents through adequate remuneration
and other means of job satisfaction and fulfillment.

https://www.slideshare.net/AleyanCelso/education-actof1982 (PANGALAWANG SANAYSAY)

Batas Republika Blg. 9155


August 11, 2001
*Salin ng Official Gazette sa layuning maghatid ng impormasyon. Hindi ito ang opisyal na salin
ng naturang batas.
[Read in English]
BATAS REPUBLIKA NG PILIPINAS
KONGRESO NG PILIPINAS
IKATLONG SESYONG REGULAR
Batas Republika Blg. 9155
ISANG BATAS NA NAGPAPALOOB NG ISANG BALANGKAS NG PAMAMAHALA
PARA SA BATAYANG EDUKASYON, NAGTATATAG NG AWTORIDAD AT
PANANAGUTAN, NAGPAPALIT NG PANGALAN NG KAGAWARAN NG
EDUKASYON, KULTURA, AT PALAKASAN BILANG KAGAWARAN NG
EDUKASYON, AT PARA SA IBA PANG LAYUNIN

Ginagawang batas ng Senado at Mababang Kapulungan ng Pilipinas na natitípon sa Kongreso:


SEKSIYON 1. Maikling Pamagat. – Makikilala ang Batas na ito bílang “Batas Pamamahala sa
Batayang Edukasyon ng 2001.”
SEK. 2. Pagpapahayag ng Polisiya. – Ipinahahayag dito ang polisiya ng Estado upang
pangalagaan at itaguyod ang karapatan ng lahat ng mamamayan para sa pagkakaroon ng batayang
edukasyon na may kalidad at upang gawing bukás para sa lahat ang naturang edukasyon sa
pamamagitan ng pagkakaloob sa lahat ng batang Filipino ng isang edukasyong libre at
kinakailangan sa antas elementarya at libreng edukasyon sa antas sekundarya. Kasama sa naturang
edukasyon ang mga sistema ng pagkatutong alternatibo para sa mga kabataang wala-sa-paaralan
at matatandang mag-aaral. Magiging layunin ng batayang edukasyon na pagkalooban sila ng mga
kasanayan, kaalaman, at halagahan na kinakailangan nila upang sila’y maging mga mamamayang
mapangalaga, nakapagsasarili, produktibo, at makabayan.
Ang paaralan ang magiging puso ng pormal na sistema ng edukasyon. Dito natututo ang mga bata.
Magkakaroon ng isang layunin ang mga paaralan na magkaloob ng pinakamabuting maaaring
batayang edukasyon para sa lahat ng mag-aaral.
Magsisimula ang pamamahala sa batayang edukasyon sa antas pambansa. Sa mga rehiyon,
dibisyon, paaralan, at sentro ng pagkatuto—na tatawagin dito bílang mga tanggapan sa larang—
kung saan isasalin ang mga polisiya at prinsipyo para sa pamamahala ng batayang edukasyon
bilang mga programa, proyekto, at serbisyong binubuo, hinahalaw, at iniaalok upang tumugma sa
mga pangangailangang lokal.
Hihikayatin ng Estado ang mga inisyatibang lokal para sa pagpapabuti ng kalidad ng batayang
edukasyon. Titiyakin ng Estado na ang mga halagahan, pangangailangan, at aspirasyon ng isang
pamayanang pampaaralan ay sinasalamin sa programa ng edukasyon para sa mga bata, mga
kabataang wala-sa-paaralan, at matatandang mag-aaral. Palalakasin ang mga paaralan at mga
sentro ng pagkatuto upang gumawa ng mga desisyon sa kung ano ang pinakamabuti para sa mga
mag-aaral na pinaglilingkuran nila.
SEK. 3. Mga Layunin at Obhetibo. – Mga layunin at obhetibo ng Batas na ito ang:
(a) Magkaloob ng balangkas para sa pamamahala ng batayang edukasyon na magtatakda ng mga
pangkalahatang direksiyon para sa mga polisiya at pamantayang pang-edukasyon, at magtatag ng
awtoridad, pananagutan, at responsabilidad para sa pagkakamit ng mas mataas na tunguhin sa
pagkatuto;
(b) Magpakahulugan sa mga gawain at pananagutan ng, at magkaloob ng mga kagamitan sa, mga
tanggapan sa larangan na magpapatupad ng mga pang-edukasyong programa, proyekto, at serbisyo
sa mga pamayanang pinaglilingkuran nila;
(c) Gawing pinakamahalagang lunsaran ang mga paaralan at mga sentro ng pagkatuto para sa
pagtuturo at pagkatuto ng mga halagahang pambansa at para sa paghubog sa mga mag-aaral na
Filipino ng pagmamahal sa bayan at dangal sa mayaman nitong pamana;
(d) Tiyaking natatanggap ng mga paaralan at sentro ng pagkatuto ang nakatuong atensiyon na
karapat-dapat sa kanila, at na naisasaalang-alang ng mga pang-edukasyong programa, proyekto, at
serbisyo ang interes ng lahat ng kasapi ng pamayanan;
(e) Matulungan ang mga paaralan at sentro ng pagkatuto na salaminin ang mga halagahan ng
pamayanan sa pamamagitan ng pagpapahintulot sa mga guro/tagapagpadaloy ng pagkatuto at iba
pang katuwang na mas maging malaya sa mga pamamaraan upang paglingkuran ang mga
pangangailangan ng lahat ng mag-aaral;
(f) Hikayatin ang mga inisyatibang lokal para sa pagpapabuti sa mga paaralan at mga sentro ng
pagkatuto, at pagkalooban sila ng mga pamamaaraan upang makamit at mapanatili ang mga
pagpapabuting ito; at
(g) Magtatag ng mga paaralan at mga sentro ng pagkatuto bilang mga pasilidad kung saan
makapag-aaral ang mga bata sa paaralan ng saklaw ng mga ubod na kasanayang hinihingi para sa
mga programang pang-edukasyon sa elementarya at hayskul, o kung saan pinagkakalooban ang
mga kabataang wala-sa-paaralan at matatandang mag-aaral ng mga programa para sa pagkatutong
alternatibo at nang makatanggap ng akreditasyon para man lamang sa katumbas ng isang
edukasyon sa hayskul.
Sek. 4. Kahulugan ng mga Termino. – Para sa mga layunin ng Batas na ito, ang mga ginagamit na
termino o parirala ay mangangahulugan o uunawain sang-ayon sa mga sumusunod:
(a) Sistema ng Pagkatutong Alternatibo – isang kapantay na sistema ng pagkatuto na magkakaloob
ng maaaring alternatibo sa kasalukuyang pagtuturo ng pormal na edukasyon. Binubuo ito ng
parehong di-pormal at impormal na bukal ng kaalaman at kasanayan;
(b) Batayang Edukasyon – ang edukasyong layuning tugunan ang mga batayang pangangailangan
sa pagkatuto na naglalatag ng mga pundasyon na siyang pagbabatayan ng mga kasunod na
pagkatuto. Binubuo ito ng maagang yugto ng pagkabata, edukasyon sa elementarya at hayskul,
gayundin ng mga sistema para sa mga kabataang wala-sa-paaralan at matatandang mag-aaral, at
nagsasangkot ng edukasyon para sa mga may espesyal na pangangailangan;
(c) Klaster ng mga Paaralan – isang pangkat ng mga paaralan na pinaglapit-lapit ng heograpiya
at pinagsama-sama upang mapabuti ang mga tunguhin ng pagkatuto;
(d) Edukasyong Pormal – ang sistematiko at sinadyang proseso ng pagkatutong may
pagkakasunod-sunod at antas ang balangkas na sang-ayon sa pangkalahatang konsepto ng antas
ng pag-aaral sa elementarya at sekundarya. Sa dulo ng bawat antas, kinakailangan ng mag-aaral
ng isang katibayan upang makapasok o makasulong sa kasunod na antas;
(e) Edukasyong Impormal – isang habambuhay na proseso ng pagkatuto kung saan ay nakakukuha
at nakapag-iimpok ang isang tao ng kaalaman, kasanayan, mga pag-uugali at kabatiran mula sa
mga pang-araw-araw na karanasan sa tahanan, sa trabaho, sa paglilibang, at mula sa mismong
búhay;
(f) Mga Paaralang Integrated – isang paaralang nag-aalok ng isang kompletong batayang
edukasyon sa isang lunang pampaaralan at mayroong nagkakaisang mga programang panturo;
(g) Mag-aaral – sinumang indibidwal na naghahangad ng batayang kasanayang panliterasi at
magagamit na kasanayan sa buhay o mga serbisyong pantulong para sa pagpapabuti ng kalidad ng
kaniyang buhay;
(h) Sentro ng Pagkatuto – isang pisikal na espasyong tahanan ng mga gamit at pasilidad sa
pagkatuto ng isang programa sa pagkatuto para sa mga kabataang wala-sa-paaralan at matatanda.
Lunan ito para sa harapang gawain sa pagkatuto at iba pang pagkakataon para matuto para sa
pagbubuo ng pamayanan at pagpapabuti sa kalidad ng buhay ng mga mamamayan;
(i) Tagapagpadaloy ng Pagkatuto – ang táong pantulong na susi sa pagkatuto na may pananagutan
sa pagbabantay/pagpapadaloy sa proseso ng pagkatuto at mga gawain ng mag-aaral;
(j) Edukasyong Di-Pormal – anumang gawaing pang-edukasyon na organisado at sistematiko na
isinasagawa sa labas ng balangkas ng isang sistemang pormal upang magkaloob ng mga pilîng uri
ng pagkatuto sa isang bahagi ng populasyon;
(k) Edukasyong May-Kalidad – ang pagiging angkop, may kaugnayan, at kahusayan ng
edukasyong ibinibigay upang tumugma sa mga pangangailangan at mga hinahangad ng isang
indibidwal at ng lipunan;
(l) Paaralan – isang institusyong pang-edukasyon, pribado at pampubliko, na nagsasagawa ng
operasyong pang-edukasyon sa isang tiyak na pangkat-edad ng mga mag-aaral o estudyanteng
nagsusulong ng tiyak na pag-aaral sa tiyak na antas, nakatatanggap ng pagtuturo mula sa mga guro,
karaniwang nakalunan sa isang gusalo o isang pangkat ng mga gusali sa isang partikular na lunang
pisikal o cyber; at
(m) Pinuno ng Paaralan – isang taong may pananagutan para sa administratibo at instruksiyonal
na pangangasiwa ng paaralan o klaster ng mga paaralan.
KABANATA 1
Pamamahala ng Batayang Edukasyon
Sek. 5. Mga Prinsipyo ng Pamamahalang Pinagsasaluhan. – (a) Ang pamamahalang
pinagsasaluhan ay isang prinsipyo na kumikilalang ang bawat yunit sa burukrasyang pang-
edukasyon ay may partikular na papel, gawain, at pananagutang nakapaloob sa tanggapan kung
kaya ito pangunahing may pananagutan sa mga kahihinatnan;
(b) Susundin ang proseso ng pagsangguning demokratiko sa proseso ng pagpapasya sa mga angkop
na antas. Itatatag ang mga mekanismo ng feedback upang tiyakin ang koordinasyon at bukás na
komunikasyon ng tanggapang sentral sa mga antas na panrehiyon, pandibisyon, at pampaaralan;
(c) Isasagawa ang mga prinsipyo ng pananagot at pagiging bukás sa paggawa ng mga tungkulin at
pananagutan sa lahat ng antas; at
(d) Palalakasin ang mga daluyan ng komunikasyon ng mga tanggapan sa larangan upang
pangasiwaan ang pagpapadaloy ng impormasyon at mapalawak ang mga kawing sa ibang mga
ahensiya ng pamahalaan, mga yunit ng pamahalaang lolal, at mga samahang di-pampamahalaan
upang maging mabisa ang pamamahala.
Sek. 6. Pamamahala. Mula rito ay tatawaging Kagawaran ng Edukasyon ang Kagawaran ng
Edukasyon, Kultura, at Palakasan. Pagkakalooban ito ng kapangyarihan, pananagutan, at
responsabilidad upang tiyakin ang akses, pagtataguyod ng pagkakapantay sa, at pagpapabut ng
kalidad ng batayang edukasyon. Ang mga sining, kultura, at palakasan ay sang-ayon sa itatalaga
sa mga Seksiyon 8 at 9 mula rito.
Sek. 7. Mga Kapangyarihan, Tungkulin, at Gawain. – Ang Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon
ang magkakaroon ng pangkahalahatang kapangyarihan at pamamahala sa mga operasyon ng
Kagawaran.
A. Pambansang Antas
Bilang karagdagan sa kaniyang mga kapangyarihan sa ilalim ng mga kasalukuyang batas, ang
Kalihim ng Edukasyon ay magkakaroon ng kapangyarihan, pananagutan, at responsabilidad para
sa mga sumusunod:
(1) Pagbubuo ng mga pambansang polisiyang pang-edukasyon;
(2) Pagbubuo ng isang pambansang planong pambatayang edukasyon;
(3) Pagpapatibay ng mga mga pambansang pamantayang pang-edukasyon;
(4) Pagbabantay at pagtatasa sa mga pambansang bunga ng pagkatuto;
(5) Pagsasagawa ng mga pambansang pananaliksik at pag-aaral na pang-edukasyon;
(6) Pagpapabuti ng estadong pang-empleo, kakayahang propesyonal, kapakanan at kondisyon sa
paggawa ng lahat ng kawanin ng Kagawaran; at
(7) Pagpapabuti sa kabuuang pag-unlad ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga lokal at
pambansang programa at/o proyekto.
Tutulungan ang Kalihim ng Edukasyon ng hindi hihigit sa apat na undersecretary at hindi hihigit
sa apat (4) na mga kawaksing kalihim na ang mga gawain, tungkulin, at pananagutan ay sang-ayon
sa batas. Magkakaroon ng isa man lamang undersecretary at isang kawaksing kalihim na magiging
mga career executive service officer na pinili mula sa mga kawani ng Kagawaran.
B. Antas Panrehiyon
Maaaring magkaroon ng kahit ilang tanggapang rehiyonal nang naaayon sa batas. Bawat
tanggapang rehiyonal ay magkakaroon ng isang direktor, isang katulong na direktor, at isang
kawanihang pantanggapan para sa pagpapalaganap at pagtataguyod ng mga programa,
pagpaplano, at mga serbisyong administratibo at piskal.
Sang-ayon sa mga pambansang polisiyang pang-edukasyon, mga plano at mga pamantayan,
magkakaroon ang panrehiyong direktor ng kapangyarihan, pananagutan, at responsabilidad sa mga
sumusunod:
(1) Pagpapakahulugan sa isang panrehiyong balangkas ng polisiyang pang-edukasyon na
sumasalamin sa mga halagahan, pangangailangan, at inaasahan ng mga pamayanang
pinaglilingkuran nila;
(2) Pagbubuo ng isang panrehiyong plano para sa batayang edukasyon;
(3) Pagbubuo ng panrehiyong pamantayang pang-edukasyon na patungo sa pagtatakda ng mga
kahingian para makasabay sa pamantayang pandaigdig;
(4) Pagmomonitor, ebalwasyon, at pagtatasa sa mga panrehiyong kinalabasan ng pagkatuto;
(5) Pagsasagawa ng mga proyektong pampananaliksik at pagbubuo at pangangasiwa ng mga
proyektong para sa buong rehiyon na maaaring pondohan sa pamamagitan ng mga opisyal na
tulong pangkaunlaran at/o iba pang ahensiyang nagpopondo;
(6) Pagtiyak sa mahigpit na pagsunod sa itinalagang pambansang kahingian para sa pagkuha,
pagpili, at pagsasanay sa lahat ng kawani sa rehiyon at mga dibisyon;
(7) Pagsasaayos ng badyet, sa pakikipagtulungan sa mga panrehiyong lupong pangkaunlaran,
upang tulungan ang mga panrehiyong planong pang-edukasyon na magsasaalang-alang sa mga
planong pang-edukasyon ng mga dibisyon at mga distrito;
(8) Pagtiyak sa mga bumubuo sa organisasyon ng mga dibisyon at mga distrito at pagtanggap sa
mga mungkahing padrong pangkawanihan ng lahat ng mga kawani sa mga dibisyon at mga
distrito;
(9) Pagtanggap sa trabaho, paglalagay sa puwesto, at ebalwasyon ng lahat ng mga kawani sa
panrehiyong tanggapan, maliban sa posisyon ng katulong na direktor;
(10) Ebalwasyon ng lahat ng mga superintendente at katulong na superintendente ng mga
pampaaralang dibisyon sa rehiyon;
(11) Pagpaplano at pangangasiwa sa epektibo at mabisang paggamit sa mga kawani, sa mga
yamang pisikal at pampiskalya ng panrehiyong tanggapan, kasama na ang pagpapaunlad sa
kawanihang propesyonal;
(12) Pangangasiwa sa database at management information system ng rehiyon;
(13) Pagtanggap sa pagtatatag ng mga pampubliko at pribadong paaralang pang-elementarya at
panghayskul at mga sentro ng pagkatuto; at
(14) Paggawa ng iba pang tungkulin na maaaring iatas ng angkop na awtoridad.
C. Antas Pandibisyon
Bubuuin ang isang dibisyon ng isang lalawigan o isang lungsod na magkakaroon ng isang
superintendente ng pampaaralang dibisyon, hindi bababa sa isang katulong na superintendente ng
pampaaralang dibisyon, at isang kawanihang pantanggapan para pagpapalaganap ng mga
programa, pagpaplano, at mga serbisyong administratibo, piskal, legal, pansuhay at iba pang
pansuporta.
Sang-ayon sa mga pambansang polisiyang pang-edukasyon, mga plano at mga pamantayan,
magkakaroon ang superintendente ng pampaaralang dibisyon ng kapangyarihan, pananagutan, at
responsabilidad sa mga sumusunod:
(1) Pagbubuo at pagpapatupad ng isang pandibisyong plano para sa pagpapaunlad ng edukasyon;
(2) Pagpaplano at pangangasiwa sa epektibo at mabisang paggamit sa mga kawani, sa mga yamang
pisikal at pampiskalya ng dibisyon, kasama na ang pagpapaunlad sa kawanihang propesyonal;
(3) Pagtanggap sa trabaho, paglalagay sa puwesto, at ebalwasyon ng lahat ng mga superbisor ng
dibisyon at superbisor ng mga pampaaralang distrito, gayundin ng lahat ng mga kawani sa
dibisyon, kapwa sa mga nagtuturo at di-nagtuturong kawani, kasama na ang mga pinuno ng
paaralan, maliban sa katulong na superintendente ng dibisyon;
(4) Pagbabantay sa paggamit ng mga pondong ipinagkaloob ng pambansang pamahalaan at mga
yunit ng lokal na pamahalaan sa mga paaralan at sentro ng pagkatuto.
(5) Pagtiyak sa pagsunod sa kalidad ng mga pamantayan para sa mga programa ng batayang
edukasyon at para sa layuning ito, pagpapalakas sa gampanin ng mga superbisor ng mga dibisyon
bilang mga espesyalista sa mga saklaw na aralin;
(6) Pagpapalaganap ng kamalayan sa at pagsunod ng lahat ng mga paaralan at mga sentro ng
pagkatuto sang-ayon sa mga pamantayan ng akreditasyong itinalaga ng Kalihim ng Edukasyon;
(7) Superbisyon ng mga operasyon ng lahat ng pampubliko at pribadong paaralang pang-
elementarya, pansekundarya, at integrated, at mga sentro ng pagkatuto; at
(8) Paggawa ng iba pang tungkulin na maaaring iatas ng angkop na awtoridad.
D. Antas Pampaaralang Distrito
Sa rekomendasyon ng mga superintendente ng mga pampaaralang dibisyon, maaaring magtatag
ang panrehiyong direktor ng mga dagdag na pampaaralang distrito sa loob ng isang pampaaralang
dibisyon. Ang mga pampaaralang distrito na nariyan na sa sandali ng pagpapasá ng batas na ito ay
pananatiliin. Ang pampaaralang distrito ay magkakaroon ng isang superbisor ng pampaaralang
distrito at isang kawanihang pantanggapan para sa pagpapalaganap ng programa.
Ang superbisor ng pampaaralang distrito ay may pananagutan sa:
(1) Pagkakaloob ng mga payong propesyonal at pampagtuturo at pagsuporta sa mga pinuno ng
paaralan at mga guro/tagapagpadaloy ng mga paaralan at mga sentro ng pagkatuto sa distrito o
klaster nito;
(2) Pagbabantay sa mga kurikulum; at
(3) Paggawa ng iba pang tungkulin na maaaring iatas ng angkop na awtoridad.
E. Antas Pampaaralan
Magkakaroon ng pinuno ng paaralan para sa lahat ng pampublikong paaaralan sa elementarya at
hayskul o sa isang klaster nito. Ang pagtatatag ng mga paaralang integrated mula sa mga nariyan
nang pampublikong paaralan sa elementarya at hayskul ay hihikayatin.
Ang pinuno ng paaralan, na maaaring tulungan ng isang katulong na pinuno ng paaralan, ay kapwa
magiging pinuno sa pagtuturo at tagapangasiwang administratibo. Magbubuo ang pinuno ng
paaralan ng isang pangkat kasama ang mga guro sa paaralan/tagapagpadaloy ng pagkatuto para sa
paghahatid ng mga may-kalidad na programang pang-edukasyon, mga proyekto, at mga serbisyo.
Isang pangkat ng kawanihang di-nagtuturo ang hahawak ng mga serbisyong administratibo, piskal,
at iba ng paaralan.
Sang-ayon sa mga pambansang polisiyang pang-edukasyon, mga plano at mga pamantayan,
magkakaroon ang pinuno ng paaralan ng kapangyarihan, pananagutan, at responsabilidad sa mga
sumusunod:
(1) Pagtatakda ng misyon, bisyon, mga tunguhin, at mga layunin ng paaralan;
(2) Paglikha ng kaligiran sa loob ng paaralan na para sa pagtuturo at pagkatuto;
(3) Pagpapatupad ng kurikulum ng paaralan at pananagot para sa mga kalalabasan ng mas mataas
na pagkatuto;
(4) Pagbubuo ng pampaaralang programa sa edukasyon at pampaaralang plano sa lalong
pagpapahusay;
(5) Pag-aalok ng mga programang pang-edukasyon, mga proyekto at mga serbisyong nagkakaloob
ng pantay na pagkakataon para sa lahat ng mga ibig matuto sa pamayanan;
(6) Pagpapakila ng mga bago at inobatibong moda ng pagtuturo upang magkamit ng mas mataas
na kalalabasan ng pagkatuto;
(7) Pangangasiwa at pagsasaayos sa lahat ng kawani, at mga yamang pisikal at piskal ng paaralan;
(8) Pagmumumungkahi ng kawanihang tumutugon sa pangangailangan ng paaralan;
(9) Paghikayat sa pag-unlad ng kawanihan;
(10) Pagtatatag ng mga network na pampaaralan at pangkomunidad at paghikayat ng aktibong
pakikilahok ng mga samahang pangguro, mga kawaning di-akademiko ng mga pampublikong
paaralan, at mga samahan ng magulang-guro-pamayanan;
(11) Pagtanggap ng mga donasyon, mga regalo, mga kaloob, at mga grant para sa layunin ng
pagtataas sa kakayahan ng mga guro/tagapagpadaloy ng pagkatuto, pagpapabuti at pagpapalawak
ng mga pasilidad ng paaralan, at pagkakaloob ng mga gamit at kasangkapan sa pagtuturo. Ang
mga naturang donasyon o grant ay kinakailangang maiulat sa angkop na superbisor ng distrito at
superintendente ng dibisyon; at
(12) Paggawa ng iba pang tungkulin na maaaring iatas ng angkop na awtoridad.
Ang Kalihim ng Edukasyon ay magbubuo ng lupon sa promosyon, sa mga angkop na antas, na
siyang magbubuo at magpapatupad ng isang sistema ng promosyon para sa mga superbisor ng
pampaaralang dibisyon, mga superbisor ng mga pampaaralang distrito, at mga pinuno ng paaralan.
Ang promosyon ng mga pinuno ng paaralan ay sang-ayon sa kuwalipikasyong pang-edukasyon,
merito, at naisagawa, kaysa sa dami ng mga guro/tagapagpadaloy ng pagkatuto at mga nag-aaral
sa paaralan.
Ang mga kuwalipikasyon, grado ng suweldo, estado ng empleo at kapakanan at mga benepisyo ng
mga pinuno ng paaralan ay iisa para sa mga pampublikong paaralan sa elementarya, sekundarya,
at integrated.
Walang isasagawang pagtatalaga sa mga posisyon ng panrehiyong direktor, katulong ng mga
panrehiyong direktor, mga superintendente ng mga pampaaralang dibisyon, at mga katulong ng
mga superintendente ng pampaaralang dibisyon maliban kung ang itinatalaga ay isang career
executive service officer na mas mainam na umangat ang tungkulin.
KABANATA 2
Paglilipat ng mga Ahensiyang Kultural
Sek. 8. Mga Ahensiyang Kultural. — Ang Komisyon ng Wikang Pilipino, Natinal Historical
Institute, Record Management and Archives Office, at Pambansang Aklatan ay administratibong
nakakabit na ngayon sa National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at hindi na sa
Kagawaran ng Edukasyon. Mananatiling bahagi ng kurikulum ng paaralan ang programa ng
paaralan para sa mga sining at kultura.
KABANATA 3
Paglalansag ng Kawanihan ng Edukasyong Pisikal at Palakasang Pampaaralan
Sek. 9. Paglalansag ng BPESS. Lahat ng mga gawain, programa, at aktibidad ng Kagawaran ng
Edukasyon na may kinalaman sa paligsahang pampalakasan ay isasalin sa Komisyon sa Palakasan
ng Pilipinas (PSC). Ang programa para sa mga palakasang pampaaralan at pisikal na kakayahan
ay mananatiling bahagi ng kurikulum sa batayang edukasyon.
Nilalansag na nito ang Kawanihan ng Edukasyong Pisikal at Palakasang Pampaaralan (BPESS).
Ang kawanihan ng BPESS, na kasalukuyang nasa PSC, ay inililipat na sa PSC nang walang
naaapektuhang ranggo, maging sa posisyong pamplantilya na inookupa nila. Ang lahat ng iba pang
kawanihan ng BPESS ay pananatiliin ng Kagawaran.
KABANATA 4
Suporta at Pagtulong ng Iba Pang Mga Ahensiya
Sek. 10. Ang Kalihim ng Edukasyon at ang Kalihim ng Badyet ay magkasamang magpapatibay,
sa loob ng siyamnapung (90) araw mula sa pagtanggap sa Batas na ito, sa mga tuntuntin sa
alokasyon, pamamahagi, at paggamit ng mga yamang ipinagkaloob ng pambansang pamahalaan
para sa mga tanggapang panlarang, nang isinasaalang-alang ang pagkanatatangi ng mga kondisyon
sa paggawa ng paglilingkod sa pagtuturo.
Titiyakin ng Kagawaran ng Edukasyon na ang apropriyasyon ng mga yaman para sa mga
tanggapang panlarang ay sapat at na tuwiran ang alokasyon at agarang nailabas ng Kagawaran ng
Badyet at Pangangasiwa ang mga yaman para sa mga kawanihang pampaaralan, mga mesa at aklat
na pampaaralan, at iba pang gamit sa pagtuturo sa mga naturang tanggapan.
Sek. 11. Ang Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon, sa ilalim ng mga batas at regulasyon ng
serbisyo sibil, ay maglalabas ng angkop na mga tuntunin at regulasyon sa polisiyang
pangkawanihan na pinakamakatutugon sa mga kahingian ng propesyon ng pagtuturo at nang
isinasaalang-alang ang natatangi sa kondisyon ng paggawa sa serbisyo ng pagtuturo.
Sek. 12. Ang Komisyon ng Awdit, sa paglalabas ng mga tuntunin at regulasyon sa awdit na
mamamahala sa paggamit ng mga yaman, gayundin sa likwidasyon, pagtatala, at pag-uulat nito,
ay magsasaalang-alang sa iba’t iba at natatanging katangian ng mga tanggapang panlarang ng
kagawaran, ang kaayusang pang-organisasyon nito, gayundin ang kalikasan ng mga operasyon ng
paaralan at mga sentro ng pagkatuto.
KABANATA 5
Mga Probisyong Pangwakas
Sek. 13. Pamamahala sa ARMM. — Ang Panrehiyong Kalihim ng Edukasyon para sa Nakapag-
iisang Rehiyon sa Muslim Mindanao (ARMM) ay magpapatupad ng kaparehong kapangyarihan
sa pamamahala sa mga dibisyon, distrito, paaralan at mga sentro ng pagkatuto sa rehiyon sang-
ayon sa nasa Batas Organiko nang may pagsasaalang-alan sa mga probisyon ng Batas Republika
Blg. 9054, na pinamagatang “Isang Batas upang Palakasin at Palawakin ang Batas Organiko para
sa Nakapag-iisang Rehiyon sa Muslim Mindanao, Sinususugan para sa Layuning Batas Republika
Blg. 6734, na pinamagatang ‘Isang Batas na Nagtatakda para sa Nakapag-iisang Rehiyon sa
Muslim Mindanao, sang-ayon sa pagsusog.’”
Sek. 14. Mga Tuntunin at Regulasyon. – Ang Kalihim ng Edukasyon ay magsasabatas ng mga
kinakailangang tuntunin at regulasyon para sa pagpapatupad ng Batas na ito nang hindi lalampas
sa siyamnapung (90) araw simula sa pagkakabisà ng Batas na ito; Basta at, Na, ang Kalihim ng
Edukasyon ay magpapatupad nang buo sa prinsipyo ng pinagsasaluhang pamamahala sa loob ng
dalawang (2) taon matapos ang pagtitibay sa Batas na ito.
Sek. 15. Takda sa Kakayahang Mapaghiwalay. – Kapag ang alinman sa mga probisyon ng Batas
na ito ay ipinahayag na walang bisa o labag sa konstitusyon, hindi niyon maaapektuhan ang
pagiging katanggap-tanggap at bisa ng iba pang mga probisyon dito.
Sek. 16. Takda sa Pagbawi. – Lahat ng mga batas, mga dekreto, at mga kautusang tagapagpatupad
at mga tuntunin at mga regulasyon na kasalungat o hindi sang-ayon sa mga tuntunin ng Batas na
ito ay binabawi rito o binabago nang naaayon dito.
SEK. 15. Pagkakaroon ng Bisà. – Magkakaroon ng bisà ang Batas na ito nang labinlimang (15)
matapos ang pagkakalathalà nito sa hindi bababa sa dalawang (2) pahayagang may malawak na
sirkulasyon.
Kusang naisabatas noong 11 Agosto 2001 nang walang lagda ng Pangulo, sang-ayon sa Sek. 27(1),
Artikulo VI ng Saligang Batas.

The four pillars of education

• Education throughout life is based on four pillars: learning to know, learning to do, learning to live together and
learning to be.
• Learning to know, by combining a sufficiently broad genera! knowledge with the opportunity to work in depth on a
small number of subjects. This also means learning to learn, so as to benefit from the opportunities education
provides throughout life.

• Learning to do, in order to acquire not only an occupational skill but also, more broadly, the competence to deal
with many situations and work in teams. It also means learning to do in the context of young peoples' various social
and work experiences which may be informal, as a result of the local or national context, or formal, involving courses,
alternating study and work.

• Learning to live together, by developing an understanding of other people and an appreciation of interdependence
- carrying out joint projects and learning to manage conflicts -in a spirit of respect for the values of pluralism, mutual
understanding and peace.

• Learning to be, so as better to develop one's personality and be able to act with ever greater autonomy, judgement
and personal responsibility. In that connection, education must not disregard any aspect of a person's potential:
memory, reasoning, aesthetic sense, physical capacities and communication skills.

• Formal education systems tend to emphasize the acquisition of knowledge to the detriment of other types of
learning; but it is vital now to conceive education in a more encompassing fashion. Such a vision should inform and
guide future educational reforms and policy, in relation both to contents and to methods.

https://www.slideshare.net/statisense/the-4-pillars-of-education

THE DEPED VISION

We dream of Filipinos
who passionately love their country
and whose values and competencies
enable them to realize their full potential
and contribute meaningfully to building the nation.

As a learner-centered public institution,


the Department of Education
continuously improves itself
to better serve its stakeholders.

THE DEPED MISSION

To protect and promote the right of every Filipino to quality, equitable, culture-based,
and complete basic education where:

Students learn in a child-friendly, gender-sensitive, safe, and motivating environment.


Teachers facilitate learning and constantly nurture every learner.
Administrators and staff, as stewards of the institution, ensure an enabling and
supportive environment for effective learning to happen.
Family, community, and other stakeholders are actively engaged and share
responsibility for developing life-long learners.

OUR CORE VALUES

Maka-Diyos
Maka-tao
Makakalikasan
Makabansa

OUR MANDATE

The Department of Education was established through the Education Decree of 1863 as
the Superior Commission of Primary Instruction under a Chairman. The Education
agency underwent many reorganization efforts in the 20th century in order to better
define its purpose vis a vis the changing administrations and charters. The present day
Department of Education was eventually mandated through Republic Act 9155,
otherwise known as the Governance of Basic Education act of 2001 which establishes
the mandate of this agency.

The Department of Education (DepEd) formulates, implements, and coordinates


policies, plans, programs and projects in the areas of formal and non-formal basic
education. It supervises all elementary and secondary education institutions, including
alternative learning systems, both public and private; and provides for the establishment
and maintenance of a complete, adequate, and integrated system of basic education
relevant to the goals of national development.

You might also like