You are on page 1of 8
OFFICE OF THE PRESIDENT OF THE PHILIPPINES NATIONAL ANTI-POVERTY COMMISSION KILOS SAMBAYANAN KILOS PARA SA SAMPUNG BATAYANG PANGANGAILANGAN a ace, 5 atk ‘Ang Kilos SAMBAYANAN (Kilos para sa Sampung Batayang Pangangailangan) ay kampanya ng National Anti-Poverty Commission (NAPC) para sa pagtatamasa ng ‘Sampung Batayang Pangangailangan ng sambayanang Pilipino. Sa pananaw ng NAPC, matitiyak lamang ang Pagpawi ng kahirapan kung maisasakatuparan ang ‘Sampung Batayang Pangangailangang ito para sa bawat Piipino. Ang Kilos SAMBAYANAN ay nagmumula sa pagkilala ng mga ugat ng kahirapan sa underdevelopment, 0 sa atrasadong agrikultura at industriya sa ating bansa, at sa inequality, 0 sa pagkakatipon ng yaman at kapangyarihan sa iilan sa halip ng nakararami. Bunga ng mga ito, napagkakaitan ang maraming Pilipino ng iba’t ibang pangangailangan na dapat sana’y kanilang natatamasa bilang karapatan. Ito ang kinakatawan ng Sampung Batayang Pangangailan na itinukoy sa bisa ng pakikipag-ugnayan ng NAPC sa mga batayang sektor ng lipunan, kabilang sa _ National Anti-Poverty Sectoral Summit noong 2016 at sa inisyatibang Partnerships for Change. ‘Ang Kilos SAMBAYANAN ay isang panawagan para sa convergence o pagtutulungan ng lahat ng sektor ng lipunan, sa loob at labas ng pamahalaan, upang likhain ang kilusan laban sa kahirapan. Ito rin ang magsisilbing ultimong sukatan sa bisa ng mga programa at proyekto ng pamahalaan sa pagpapauniad ng pamumuhay ng bawat Pilipino. Q, _PAGKAIN at REPORMANG AGRARYO \ 4 Food and Land Reform Itinatalaga ng karapatan sa sapat na pagkain na ang bawat isa ay may kakayahang magtamo ng sapat na pagkain sa anumang oras ayon sa_kanyang Pangangailangan. Subalit sa huling tala ng Philippine Statistics Authority (PSA, 2015), may 1.3 milyong pamilya o katumbas sa 8.2 milyong Pilipino ang walang sapat na kita upang tugunan ang kanilang buwanang pangangailangan sa pagkain. Ayon pa sa huling survey ng Social Weather Stations, tinatayang may 2.2 milyong pamilya ang nakaranas ng kagutuman nang di-bababa sa isang beses sa loob ng ikalawang kwarto ng 2017. ‘Ang kakulangan sa seguridad sa pagkain sa bansa ay nakabatay sa mataas na antas ng kahirapan at mababang produksyon sa sektor ng agrikultura. Hadlang ang kawalan ng sariling lupang sinasaka at kakulangan ng mga serbisyong agraryo sa pagiging produktibo ng mga magsasaka. Dagdag pa, ang mga produktong pang-agrikultura ng bansa ay kadalasang la sa ibayong-dagat at hindi natatamasa ng it na nangangailagan nito sa murang wiusic Water halaga. Itinuturing ang karapatan sa malinis na tubig at sanitasyon bilang saligan sa katuparan ng iba pang mga karapatang-tao. Ang kawalan nito ay tiyak na hadlang sa pagtatamasa sa iba pang batayang Pangangailangan, gaya ng pagkain, kalusugan, at Paninirahan. ‘Ayon sa 2014 Annual Poverty Indicators Survey, 14.5 Percent ng mga pamilyang Pilipino (tinatayang 3.29 milyong pamilya) ang walang napagkukunan ng malinis na tubig, at umaasa lamang sa mga di-ligtas na pinagkukunan gaya ng mga bukas na balon, mga bukal, sapa, ilog, at lawa, tubig-ulan, at mga naglalako ng tubig. Samantala, 6.1 percent (1.33. milyong pamilya) ang walang malinis na palikuran. mmilyong pamilya ang hindi sapat ang kita para sa pangangailangan a pagkain «psa milyong pamilya ang nakaranas ng kagutuman sa ikalawang kwarto 792017 6 ee sws ‘Ang pagtatamo ng seguridad sa pagkain ay nangangallangan ng pagbibigay ng kapangyarihang magdesisyon sa mga magsasaka at mga lokal na komunidad ukol sa sistema ng pagkain. Sa Pagpapatupad ng tunay na repormang agraryo, kaakibat ang mga suportang serbisyo gaya ng irigasyon at paglalaan ng mga akmang pasilidad at kagamitan, mailalatag ang kun para sa pagyabong ng produksyon sa agrikultura, pag-ahon ng mga magsasaka mula sa kahirapan, at pagbubunga rng seguridad sa pagkain para sa lahat. sa Pilipinas ang walang napagkukunan, ng malinis na tubig milyong pamilya ang walang maayos : na palikuran esac Poverty Indicators Survey Batay naman sa 2015 Listahanan Database ng Department of Social Welfare and Development (OSWD), 332 munisipalidad sa bansa ang itinuturing nna ‘waterless’, o nangangahulugang 50 percent o higit, pa sa mga maralitang naninirahan dito ay walang napagkukunan ng malinis na tubig. Nararapat ituring ng pamahalaan bilang kagyat na tungkulin ang pagtitiyak ng malinis na tubig at sanitasyon para sa lahat. PANINIRAHAN - Shelter Bahagi ng karapatan sa nakasasapat na pamantayan ng pamumuhay (adequate standard of living) ang karapatan sa pabahay. Ito ay hindi lamang dapat unawain bilang —karapatang — magkaroon ng masisilungan, kundi ang manirahan sa isang pook nang may katiyakan, kapayapaan, at dignidad. Sa pagtatapos ng 2016, nasa 2.02 milyong yunit ng pabahay ang housing backlog sa bansa, ayon sa Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC). Kabilang dito ang naipong pangangailangan para sa 1.29 milyong pamilyang naninirahan sa di-katanggap-tanggap na pabahay (799,780) 0 may kahating pamilya sa loob ng iisang bahay (493,427). Kasama ang backlog, tinatayang abot sa 6.8 milyong yunit ang kabuuang pangangailangan sa pabahay sa bansa mula 2017 hanggang 2022. & ‘Ang karapatan sa trabaho ay sumasaklaw sa kalayaang maghanapbuhay, sa ilalim ng makatarungan at maayos na kalagayan ng paggawa, at sa pangangalaga laban sa kawalan ng hanapbuhay. Ayon sa Saligang Batas, “dapat itaguyod ng Estado ang industriyalisasyon at pagkakataon na maghanapbuhay ang lahat... sa Pamamagitan ng mga industriya na gumagamit nang lubos at episyente sa mga kakayahan ng tao at mga likas na kayamanan.” ‘yon sa huling Labor Force Survey (July 2017), tinatayang nasa 5.6% ng mamamayang nasa wastong edad ang walang trabaho (unemployed) sa bansa. Subalit sa mga itinuturing na may trabaho, 27.7% dito ay self-employed at 5.2% naman ay unpaid family worker. Samantala, 16.3% ng mga may trabaho ay nasa kategoryang underemployed o naghahanap pang karagdagang trabaho. 3 PNR Ue Bsr B acura) Dagdag pa sa usapin ng wastong pamantayan, 12.4 percent ng mga pamilya sa bansa ang nananatiling walang kuryente, ayon sa 2013 National Demographic and Health Survey. Samantala, 14.5 percent at 6.1 percent ang walang napagkukunan ng malinis na tubig at walang nagagamit na maiinis na palikuran, ayon sa pagkakasunod, ayon naman sa 2014 Annual Poverty Indicators Survey. ‘Sa matagal na panahon, ang polisiya sa pabahay sa Pilipinas ay nakatuon sa pagbawi o pagpapalago ng puhunan ng estado at pribadong sektor, Karaniwang mababa pa sa 0.5 percent ng pambansang badyet ang inilalaan sa pabahay. Upang ganap nang matugunan ang napakalaking pangangailangan, napapanahon na upang ituring ang pabahay bilang tunay na serbisyong * pagugulan ng pondo ng pamahalaan. milyong yunit ang housing backlog sa bansa (2016) milyong yunit ang kabuuang pangangailangan RA sa pabahay sa bansa mula 2017-22 Souree: HUDCC ‘Ayon naman sa Decent Work Statistics ng PSA, noong 2015, 18.2% ng mga manggagawang sahuran ay itinuturing na precariously employed o walang katiyakan sa trabaho. Kabilang dito ang mga manggagawang kaswal, nasa seasonal na hanapbuhay, © palipat-lipat ng trabaho. Samantala, 11.9% naman ay itinuturing na ‘low-paid’, o kumikita kada oras nang mas mababa sa 2/3 ng median hourly basic pay ng mga manggagawa. lto ay maikling paglalarawan lamang sa Pangangailangan pa ng tugon sa mga panawagan ng mga manggagawa, kabilang ang umento sa sahod at pagwawakas sa kontraktuwalisasyon, _habang hinuhulma naman ang programa ng pambansang industriyalisasyon na siyang makapagluluwal ng ganap na empleyo para sa lahat at magsisilbing saligan ng makabayang pag-unlad. Ang Sampung Batayang Pangangailangan Karapatan ng bawat isang makamit ang pinakamataas na maaabot na pamantayan ng kalusugan. Karaniwang dulot ng kahirapan ang masamang lagay ng kalusugan, lalo na ng mga babae at bata, habang mahalaga ang mabuting kalusugan sa paglinang ng mga kakayahan upang makaahon ang isa sa kahirapan. 55.8 porsyento ang out-of-pocket costs Kabuuang gastos ng programa 2 ‘Source: PDP 2017-2022 EDUI Education ‘Ang edukasyon ay isa__sa__pinakamahalagang kasangkapan upang ang isang tao ay makaahon sa kahirapan, gayundin na ang kakulangan dito ay isa sa pangunahing indikasyon ng kahirapan. ‘Ayon sa 2013 Functional Literacy, Education, and Mass Media Survey ng PSA, 92.6 percent ng mga batang nasa edad. 6-11 ang naka-enrol_sa_mababang paaralan. ‘Subalit 64.9 percent na lamang ng mga nasa edad 12-15 ang naka-enrol sa mataas na paaralan, habang 20.7 percent na lamang ng mga nasa edad 16-24 ang nasa kolehiyo. 92.6% 64.9% 222=- ng mga bang ase ecad 611 ang (0 rae at senainbarg 20.7% sas BE KILOS SAMBAYANAN Umabot na sa 93 milyong Pilipino (0 92 percent ng Populasyon) ang nasasaklaw ng National Health Insurance Program noong 2015, papalapit sa inaasam na universal health insurance coverage bagamat pumapatak pa rin sa 55.8 percent ng gastusin ang inaako ng maysakit (out-of-pocket cost). Ito at ang iba pang mga kakulangan, gaya ng nananatiling mababang bilang ng pampublikong doktor kada bawat Pilipino (1:33,000, ayon sa DOH), ay indikasyon ng pangangailangan pa sa lubos na pag-uukol ng estado sa serbisyong pangkalusugan, sa halip ng mga hakbangin gaya ng __pinangangambahang pribatisasyon ng 70 pampublikong ospital na nagmula pa sa nakaraang administrasyon. Tungkulin ng pamahalaan na tiyakin ang pagtatamo ng lahat sa angkop at abot-kayang pangangalagang pangkalusugan, pati na ang iba pang Pangangailangan sa mabuting kalusugan gaya ng ‘sapat na pagkain, ligtas na inuming-tubig, at malinis na kapaligiran. Sa _mga hindi naka-enrol, nangunguna ang mga nagsabing trabaho 0 paghahanap ng trabaho ang kanilang pangunahing dahilan (28.8%), na sinusundan ng kakulangan ng kita ng pamilya para sa gastusin sa pag-aaral (15.7%). Dagdag pa, bagamat libre ang pag-aaral sa pampublikong mababa at mataas na paaralan, isa sa bawat sampung bata pa rin ay out-of-school. Karapatan ng bawat isa ang de-kalidad na edukasyon, at kaakibat nito ang obligasyon ng pamahalaang tiyakin na ang lahat ay nakakatamasa ng edukasyon sa primarya at segundaryang antas. Isinusulong din ang libreng kolehiyo hindi lamang bilang daan ng mga mahihirap tungo sa mas maunlad a hanapbuhay, kundi para sa paghubog ng mga mamamayang may aktibong pakikilahok sa lipunan, Oe EET talent eeu eae Ee ure PANGANGALAGANG PANLIPUNAN Social Protection ‘Ang pangangalagang panlipunan o social protection ay nangangahulugan ng katiyakan sa harap ng kawalan ng hanapbuhay, pagkakasakit, pagkakaroon ng kapansanan, pagtanda, o iba pang sanhi ng pagkawala ng kabuhayan na labas sa sariling kontrol. May mga umiiral na programa sa pangangalagang panlipunan sa bansa subalit may mga limitasyon sa saklaw at benepisyo ng mga ito. Kinikilala ang paglaganap ng nasasaklaw sa National Health Insurance Program at sa Social Pension Program (1.3 milyong indigent senior citizens 0 95.6 ng target na populasyon). Tumaas din ang produktibong bahagi ng populasyon na kasapi sa Social Security System (SSS) (30.6%, mula 27.7% noong 2010). Subalit kung titingnan, halimbawa, ang 2014 datos ng SSS at Government Security Insurance System (GSIS), may 68% pa ng produktibong bahagi ng populasyon ang hindi pa bahagi sa sistema ng panseguruhang panlipunan (social security), habang 81% ng mga Tetirado ay hindi nakikinabang sa mga benepisyo ng SSS 0 GSIS. Isinusulong ang pagtatakda ng universal social protection floor na bubuuin ng mga batayang garantiya Sa pangangalagang panlipunan na-dapat matamasa’ng lahat. Kalakip nito ang batayang serbisyong pangkalusuguan, —_kabilang ang Pangangalaga sa mga buntis, at batayang seguridad sa kita para sa mga wala o kulang ang kinikita, at sa mga matatanda. Dapat isakatuparan ang universal at transformative na Pangangalagang panlipunan sa bansa upang ang bawat mamamayan ay makapamuhay nang may dignidad at may kakayahang matamasa ang iba pa nilang batayang pangangailangan. MALINIS AT LIGTAS NA KAPALIGIRAN Healthy environment ‘Ang karapatan sa malinis at ligtas na kapaligiran ay susi sa pagtatamasa sa iba pang mga karapatan, at ang pagkakait dito ay nagdudulot din ng kahirapan. Sa patuloy na pagkasira ng kalikasan at sa pagbabago ng pandaigdigang klima, nanganganib ang kabuhayan ng milyung-milyong Pilipino, lalo na yaong mga nasa kabundukan at tabing-dagat. Tinatayang aabot sa kabuuang 130 bilyong Pilipino, kabilang ang mga paulit-ulit na nasasalanta, ang apektado sa mga kalamidad sa loob ng dalawang dekada, ayon sa United Nations Office for Disaster Risk Reduction. ‘Samantala, ang polusyon sa hangin at mga katubigan ay nakapipinsala sa pagtatamo ng mabuting kalusugan at maayos na paninirahan. Ang kakulangan ‘sa adaptation at resilience sa pagbabago ng Klima at sa_mga kalamidad, na katangian ng atrasadong agrikultura sa bansa, ay nagbabanta sa seguridad sa pagkain ng sambayanan. Nagdudulot naman ng ‘mga sigalot sa kanayunan at kawalan ng kapayapaan ang, pang-aabuso:ng ilan sa mga likas-yaman, gaya ng mga kumpanyang nagsasagawa ng mapanirang pagmimina at pangangakamkam ng mga lupang ninuno ng mga katutubo. Hindi mahihiwalay. ang usapin ng kaunlaran ng bansa sa mga usapin ng kalikasan at kapaligiran..Susi sa Matatag na ekonomiya at masaganang lipunan ang sustenableng paggamit ng mga likas-yaman at ang ‘Sapat na kahandaan sa mga epekto ng pagbabago ng klima at mga kalamidad. OEE ‘Ang pagkakatipon ng yaman at kapangyarihan sa iilan at ang pananatiling atrasado ng agrikultura at industriya ang pangunahing dahilan kung bakit may mga armadong tunggalian. Ang mga batas at polisiyang pabor sa pribatisasyon ng mga serbisyong panlipunan ay lalong nagpahirap sa mamamayan na matamasa ang mga ito. Sa mga mahihirap na komunidad na hindi naaabot ng mga serbisyo ng pamahalaan, nabubuo ang mga armadong tunggalian. Sa ulat ng programang Payapa at Masaganang Pamayanan (PAMANA) ng OPAPP noong 2016, 523 na munisipalidad ang may naninirahang apektado ng tunggalian sa pagitan ng gobyerno at CPP-NPA-NDF at ng MNLF. Ibig sabihin, 1 sa bawat 3 munisipalidad sa buong bansa ay may direktang pakinabang sa usaping pangkapayapaan. Dapat tiyakin ang pagsulong ng mga repormang pampulitika, ang-ekonomya, at panlipunan tungo sa lipunang may pagkakapantay-pantay. Ito ang sentrong usapin sa pagkakamit ng kapayapaan. Og, PAKIKILAHOK 1s Participation Karapatan ng mamamayan na makilahok sa Ppamamahala at pagpapaunlad ng bansa. Subalit upang maging makabuluhan ang pakikilahok na _ ito, Kinakailangang palawigin ang bahagi ng mga batayang sektor, kabilang ang mga magsasaka, manggagawa, maralitang-lungsod, —_kababaihan, kabataan, mga katutubo, at iba pa, sa Pang-ekonomya at pampulitikang kapangyarihan sa ating lipunan. Kinakailangan ang pamamahagi ng lupa at yaman ng bansa sa higit na nakararami, at mga reporma sa sistemang pampulitika upang laging manaig ang pagpapasya ng taumbayan sa lahat ng mga usapin. Sa huli, ito rin ang daan patungo sa paglutas sa mga ugat ng kahirapan: ang atrasadong agrikultura at industriya sa bansa (underdevelopment) at ang pagkakatipon ng yaman at kapangyarihan sa ilan (inequality). PNR eM r le Cue Maule tele Uy Nilalayon ng pamahalaan na makipagkasundo sa mga grupong rebolusyonaryo at ipatupad ang mga kasunduang pangkapayapaan. Habang umuusad ang mga usapan, isusulong ang mga pagbabago sa pamamagitan ng pagiutas sa ugat ng kahirapan sa pamamagitan ng mga programa, polisiya, at mga mahahalagang reporma na titiyak sa mas ‘makabuluhang pag-unlad para sa lahat ng Pilipino. Magagawa ito ng pamahalaan sa pamamagitan ng pagbibigay suporta at pagtitiyak na maisabatas ang Pagtatatag ng isang Bangsamoro Political Entity. Bilang bahagi ng pagbubuo ng kumpyansa sa usapang pangkapayapaan, mahalagang mabigyan ng, amnestiya ang mga tinaguriang bilanggong pulitikal. Kailangang itaguyod ng pamahalaan ang pagpapabilis sa paglagda sa isang kasunduang pangkapayapaan sa pagitan ng CPP-NPA-NDF. Dapat. ipatupad ang lahat ng mga kasunduang nilagdaan ng pamahalaan at ang mga kalakip na repormang pampulitika, konstitusyonal, pang-ekonomya, at Panlipunan. Adhikain ng administrasyong Duterté ang holistic, convergent, and participatory approach ukol_ sa pamumuno at pamamahala, sang-ayon sa Executive Order No. 1-ng Pangulo. Samantala, ang NAPC sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon ay lubos.na nakataya sa pagpapalakas ng pakikilahok ng mga batayang sektor ng lipunan, ayon samga nabanggit na tunguhin. upang matugunan- ang Sampung, Batayang Pangangailangan ngmamamayan. Sa pagtutulungan ng lahat ng sektor ing lipunan,, ‘malilikha ang kilusan upang tuluyang mawakasan ang kahirapan. Address: Water System Training Center, Local Water Utilities Administration, MWSS-LWUA Complex, Katipunan Avenue, Quezon City 1105 Philippines Trunklines: (02) 426-5028 / 426-5019 / 426-4956 / 426-5144 Fax: (02) 927-9838 Email: epro@nape.gov.ph | Website: www.nape.gov.ph wwwctwitter.com/napc_ph | www.facebook.com/napc.ph

You might also like