Isa sa nabangit ni Gat. Jose Rizal tungkol sa kabataan ay ito ang
pag-asa ng Inang Bayan.
Ngunit asan na nga ba ang mga pag-asa ng Bayan? Ito ba yung
mga makikita sa mga computer shop na doon nag aaksaya ng pera at panahon sa paglalaro at panonood ng mga may iskandalong palabas. Mga makikita sa madilim na eskinita at mga kabataang lulong sa droga. O mga kabataang na sa murang edad pa lamang ay nagkaroon na ng sariling pamilya. Kung ito lagi ang pagbabasehan ay masasabi mo na rin na wala ng pag-asa ang ating bayan.
Ngayun na ang pagbabago.
Tayo na at mag tulungan. Tayo ang inaasahan ng ating mga
magulang na mag aahon sa kanila sa putik ng kahirapan. Ang panahon ng pag kilos ay ngayon.