You are on page 1of 3

I.

Layunin:
 Naibibigay ang mga pangalan ng mga bagay na ginagawa sa tamang pangangalaga ng
katawan,
II. Paksang Aralin:
 Pangalan ng mga Bagay na Gamit sa Pangangalaga ng Katawan.
Sanggunian:
 K to 12 Curriculum Guide
Mga kagamitan:
 Larawan ng malusog na bata, kartolina, tape, encoded na visual aid.
III. Pamamaraan:
1. Paunang pagtataya
a. Ipakita ang Larawan.

b. Sa inyong palagay, malusog ba ang batang lalaki? Paano niyo nasabi?


c. Malinis ba ang kanyang pangangatawan? Ano kaya ang ginagawa nya upang
maging malinis ang kanyang pangangatawan?
2. Pagtuturo at Paglalarawan
a. Ipaskil sa pisara ang likiro ng awit.
b. Basahin ang liriko ng awit at ituro sa mga mag-aaral ang tono nito.
c. Sabay-sabay na awitin ang awit.
“Paa, Tuhod, Balika’t Ulo”

Paa, tuhod, balika’t ulo,


Paa, tuhod, balika’t ulo,
Paa, tuhod, balika’t ulo.

d. Lapatan ng aksyon ang awitin.


3. Tunguhin.
Matututunan ang pangalan ng mga bagay.
4. Kasanayang Pagpapayaman.
a. Itanong: Anu-ano ang mga bahagi ng katawan ng isinasaad sa awit?
b. Itanong: Paano kaya natin mapapangalagaan an ating katawan?
c. Itanong: Anu-ano ang mga bagay na maari nating magamit upang
mapangalagaan ang ating katawan kaugnay sa kalinisan? Magbigay ng mga
halimbawa.
d. Itanong: Bakit kailangan nating pangalagaan an gating katawan?
5. Kasanayang Pagkabisa
a. Sa guro: Maghanda ng iba’t ibang kagamitan na maaring magamit sa
pangangalaga sa katawan. Ilagay ito sa loob ng kahon.
b. Sa guro, bumonot ng isang gamit sa loob ng kahon.
c. Halimbawa: Ano ito?Ito ay isang suklay. Ito ay ginagamit natin sa ating
buhok.
d. Sa guro: Ipapakita ang paraan ng panggamit ng suklay. Sabihin: Ang suklay
ay isang bagay. Bagay na maaring nating gamitin sa pangangalaga n gating
katawan.
e. Sa guro, tumawag ng mag aaral na bubunot sa kahon. Sabihin kung anong
pangalan ng bagay ang nabunot. Ipakita sa klase kung saan ito ginagamit.
6. Paglalapat.
a. Ipalagay sa mga bata ang tsek sa mga gamit sa pangangalaga ng katawan.

Direksyon: Lagyan ng tsek ang mga bagay na maaring gamitin sa pangangalaga


Ng katawan.
MGA GAMIT SA PANGANGALAGA SA KATAWAN

NAIL
BOLA SEPILYO
CUTTER

SABON ROBBOT LAPIS

KOTSENG BIMPO
SHAMPOO
LARUAN
b. Sa guro,
7. Paglalahat.
a. Ang mga gamit sa katawan tulad ng sabon, shampoo, sepilyo, suklay, at iba ay
mga bagay na nakatulong sa pamgangalaga n gating katawan.
b. Mahalagang pangalagaan natin an gating katawan upang malayo tayo sa sakit.
8. Takdang Aralin
Magdala ng dalawang bagay na maaring gamitin sa pangangalaga sa katawan.

You might also like