You are on page 1of 1

Siena Villas, Habay II

Bacoor City, Cavite

Oktubre 7, 2018

Presidente Rodrigo Roa Duterte,

Magandang Araw!

Isang napakalaking karangalangan ang makapagbatid ng mensahe sa isang katulad niyo, lalong lalo na’t
napakarami nang namatay sa inyong mga kamay aking minamahal na presidente. At siyempre, hindi
puwedeng kaligtaan ang mga pagtatakda niyo ng mga napakagaling at mga napaka-akmang mga
indibidwal sa mga matatas na posisyon sa gobyerno tulad na lamang ni Mocha Uson bilang Assistant
Secretary of the Presidential Communications Operations Office (PCOO). Tunay ngang nakakagaan ng loob
at panatag ang lahat ng iyong pinamumunuan dahil galing at napakagandang imahe ng mga naka-upo sa
puwesto. At huwag din natin kalimutan ang pulis at mga miletanteng grupo na kahit kalian ay hindi
napabalitang umabuso sa kanilang kapangyarihan. Tunay ngang napakasarap maging Pilipino ngayon dahil
mura at abot kaya ang mga bilihin, at napakataas ng sahod ng mga manggagawa. Wala na po talang
mahihiling pa ang sambayanan sa inyo, yun lamang ang aking nais ipabatid. Muli, maraming salamat sa
pagsalaba at pagtugis ng korupsyon tulad na lamang ng ipinangako niyo nung kayoý nangangapanya pa
lamang. Maraming salamat sa lahat ginoo, nawaý magpatuloy ang iyong kagalingan.

Lubos na gumagalang,

Jestine Anne P. Britanico

You might also like