You are on page 1of 159

3

Araling Panlipunan
Kagamitan ng Mag-aaral

Ang aklat na ito na gagamitin ng mga mag-aaral ay magkatuwang


na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at
pribadong paaralan, kolehiyo, at/o unibersidad. Hinihikayat
namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-
email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon
sa action@deped.gov.ph.

Ang inyong mga puna at mungkahi ay mahalaga sa amin dahil ito


ay lubos na makatutulong sa pagpapaunlad ng kagamitan.

Kagawaran ng Edukasyon
Republika ng Pilipinas
Araling Panlipunan – Ikatlong Baitang
Kagamitan ng Mag-aaral
Binagong Edisyon 2017

ISBN: ___________

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon ng


karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito’y
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.”

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand names,
tatak o trade marks, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay ng isang kasunduan ng Kagawaran
ng Edukasyon at Filipinas Copyright Licensing Society (FILCOLS), Inc. na ang FILCOLS ang
kakatawan sa paghiling ng kaukulang pahintulot sa nagmamay-ari ng mga akdang hiniram
at ginamit dito. Pinagsumikapang matunton upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng
materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring
iyon.

Tanging mga institusyon at kompanyang nakipagkontrata sa FILCOLS at yaong nakasaad


lamang sa kasunduan, ang maaaring kumopya mula dito sa Kagamitan ng Mag-aaral. Ang
hindi nakipagkontrata sa FILCOLS ay dapat, kung ninanais makakopya, makipag-ugnayan
nang tuwiran sa mga tagapaglathala at sa mga may-akda.

Maaaring tumawag sa FILCOLS sa telepono bilang (02) 439 22 04 o mag e-,mail sa filcols@
gmail.com ang mga may-akda at tagapaglathala.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Kalihim: Leonor Magtolis-Briones


Pangalawang Kalihim: Dina S. Ocampo, PhD
Direktor III: Marilette R. Almayda, Phd

Mga Bumuo ng Kagamitan ng Mag-aaral

Tagasuri: Eligio M. Jacob


Mga Manunulat: Marlou G. Roderos, Rhodora L. Fabrero, Imelda C. Chongco,
James T. Zamora, Dennis A. Bermoy, Joemar L. Linga
Illustrator/Layout Artist: Ransel E. Burgos, Angel Ellaine C. dela Rosa
Punong Tagapangasiwa: Anna Lourdes Abad-Falcon

Inilimbag sa Pilipinas ng ____________

Department of Education – Bureau of Learning Resources


Office Address: 1st Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City,
Philippines 1600
Telefax: (02) 634-1054 or 634-1072
E-mail Address: imcsetd@yahoo.com
Paunang Salita
Sa pag-iral ng programang K–12, maraming mahahalagang pagbabago sa
nilalaman at pamantayan sa pagkatuto sa Baitang 3. Pangunahin dito ang
masusing pag-aaral tungkol sa Rehiyon ng Pilipinas na kinabibilangan
ng mag-aaral, na siyang pangkalahatang pokus ng baitang na ito.

Ang aklat na ito ay nahahati sa apat na yunit. Bawat yunit ay tumatalakay


ng mga paksa tungkol sa rehiyon ng mag-aaral.
Yunit I – Mga Lalawigan sa Aking Rehiyon
Yunit II – Ang mga Kuwento ng mga lalawigan sa Sariling Rehiyon
Yunit III – Ang Pagkakakilanlang Kultural ng Kinabibilangang Rehiyon
Yunit IV – Ekonomiya at Pamamahala sa Rehiyon

Maliban sa talakayan, ang bawat aralin ay may mga gawain na higit na


magpapaunlad sa kaalaman ng mga mag-aaral at upang gawing kasiya-
siya ang pagtalakay sa aralin.

Inaasahang sa pamamagitan ng aklat na ito ay malinang sa mga mag-


aaral ang pagmamahal at pagmamalasakit di lamang sa lipunang Pilipino
kundi gayundin sa kapuwa mamamayan nito.

Punong Tagapangasiwa
Pasasalamat
Lubos na pasasalamat ang ipinararating sa lahat ng nag-ambag ng
kanilang panahon at talento upang masulat at mabuo ang aklat na ito sa
Araling Panlipunan para sa ikatlong na baitang.

Gayundin ang pasasalamat sa mga nag-review at nag-edit sa nilalaman


ng aklat at nag-ayos sa kabuuang materyal upang mabuo ang aklat.

Sa mga konsultant, editor, layout artist, illustrator, ang aming pagpupugay


sa inyong taos-pusong paggawa.

Punong Tagapangasiwa
Aralin 1: Ang mga Simbolo sa Mapa

Isang masayang pagtuntong sa Ikatlong Baitang!

Noong nasa ikalawang baitang ka pa, napag-aralan mo ang


tungkol sa iyong kapaligiran. Ngayon, mas mapapalawak pa ang
iyong kaalaman ukol sa iyong lalawigan at maging mga karatig na
lalawigan na kabilang sa inyong rehiyon.

Napansin mo marahil ang ilang matatanda gaya ng iyong


magulang na nagtatanong sa mga tao kapag hindi nila kabisado
ang isang lugar. Pero, paminsan-minsan nakikita mo silang tumitingin
sa mapa upang tuntunin ang isang lugar. Maraming simbolo ang
makikita sa mapa gaya ng mga napag-aralan mo noong nasa
ikalawang baitang ka pa. Mahalagang malaman mo ang mga
simbolong ginamit sa mapa upang mapadali ang pagtunton sa mga
lugar na nais mapuntahan o malaman.

Handa ka na ba? Tara na at lakbayin ang daan patungo sa


karunungan!

Sa araling ito, inaasahang:


1. maiisa-isa mo ang mga simbolo na ginagamit sa mapa;
2. mabibigyang kahulugan mo ang mga simbolo na ginagamit
sa mapa sa tulong ng mga panuntunan; at
3. matutukoy mo ang kahalagahan ng bawat simbolo na
ginagamit sa mapa.
1
Ang mapa ay isang larawan o isang patag “flat surface” na
representasyon sa papel ng isang lugar na maaaring kabuuan o
bahagi lamang nito, na nagpapakita ng pisikal na katangian, mga
lungsod, kabisera, mga daan, at iba pa.

Ang mapa ay gumagamit ng iba’t ibang simbolo upang


kumatawan sa mga bagay. Ginagamit ang mga simbolong ito
upang ipahiwatig ang ilang mga bagay, katangian, at iba pang
impormasyon ukol sa mga lugar. Nagtuturo ito ng eksaktong
kinalalagyan ng isang lugar o pook at ng mga matatagpuan dito.

Bago pa naimbento ang mapa, ang mga tao ay gumagawa
na ng sariling simbolo upang magamit nila sa pagtunton ng lugar.

2
Tayo rin ay maaaring mag-isip ng mga simbolo ng mga bagay upang
ipakita sa mapa. Ang mga imbentong simbolo ay hindi ginagamit sa
mga aktuwal na mapa na nabibili. Ang mga imbentong simbolo ay
pananda lamang ng mga taong gumagamit nito.

Gumuhit ng mapa ng silid-aralan. Lagyan ito ng mga simbolo,


halimbawa, simbolo ng upuan o mesa ng guro. Ipabasa sa iyong
kaklase ang mapa. Matutukoy ba niya ang kinalalagyan ng mga
upuan at mesa ng iyong guro?

Ang mga simbolo o panandang ginagamit sa aktuwal na mapa ay


may kahulugan. Kailangang malaman at maintindihan ang bawat
simbolo upang mas madaling makilala o mapuntahan ang isang
lugar.

Madali lamang kilalanin o intindihin ang mga simbolo sa mapa.


Karaniwang ginagamit na larawan sa mga simbolong mga bagay
ay ang mismong hugis nito. Isang halimbawa ay ang hugis ng bundok
na kagaya nito .Kung ang lugar ay bulubundukin, nakikita ang
ganitong simbolo sa mapa.

Ibigay ang sinisimbolo ng mga larawang ito.

- ( burol, kapatagan, lambak)



- (kapatagan talamapas, bulkan)

- (kapatagan, karagatan, burol)

Sasabihin ng inyong guro ang tamang sagot. Nahulaan ba ninyo


lahat ng sagot? Ano-ano ang palatandaang ginamit?

3
Gawain 1 Hulaan Mo Ako!

Pagmasdan muli ang mga simbolo. Isulat sa katapat na kahon


ang pangalan at kahulugan nito ayon sa iyong napag-aralan. Pumili
sa kahon sa ibaba para sa iyong sagot.

Simbolo Pangalan ng anyong- Kahulugan


lupa


burol lawa ilog
talampas bulkan bundok
talon kapatagan

4
Sagutin ang sumusunod na tanong:

1. Paano ninyo nabuo ang kahulugan ng bawat simbolo?


2. Kung wala sa mga naipakitang simbolo ang gagamiting
pananda sa isang lugar, maaari ba kayong lumikha ng
ibang simbolo? Bakit?
3. Sa inyong palagay, paano makatutulong ang mga simbolo
sa pagbabasa ng mapa?

Gawain 2 Sagutan

Basahin ang halimbawang mapa sa ibaba. Pag-aralan ang


mapa. Isulat sa sagutang papel ang mga simbolo na makikita sa
bawat lugar sa mapa

5
Punan ng sagot ang mga kahon sa talahanayan. Gawin ito sa
sagutang papel:

Simbolo sa Kahulugan ng Pangalan Lugar kung


mapa simbolo ng anyong- saan ito
lupa/ tubig o matatagpuan
istruktura

Gawain 3 Ilagay
Mapa at Simbolo

1. Iguhit ang mapa ng inyong lalawigan sa isang manila paper.


2. Isulat ang mga pangalan ng bawat bayan at lungsod sa
tamang kinalalagyan nito sa mapa.
3. Lagyan ng kaukulang simbolo at pangalan ang mahahalagang
anyong-lupa, anyong-tubig, at istruktura na matatagpuan sa
lalawigan.
4. Maaari mong dagdagan ang mga anyong-lupa o tubig at istruktura
na ipinakita sa naunang mapa. (Gumawa ng sariling-likhang
simbolo kung may nais kang ilagay na istruktura at walang
magamit na simbolo para rito. Ilagay mo rin ito sa ibaba ng
mapa bilang pananda.)
5. Idikit sa nakalaang lugar ang inyong nagawang mapa upang
makita rin ng ibang grupo.
6
I. Hanapin sa Hanay B ang kahulugan ng mga simbolo na nasa
Hanay A. Isulat sa kuwaderno ang titk ng tamang sagot.

Hanay A Hanay B

1. a. Ilog

2. b. Ospital

3. c. Bulubundukin

4. d. Kagubatan

5. e. Bulkan

6. f. Paaralan

7. g. Lawa

8. h. Talampas

9. i. Burol

10. j. Kabuhayan

K. Talon

7
II. Lagyan ng kaukulang simbolo ang mga kahon sa mapa.

8
Calapan
Pier

Calapan
Airport

Sto. Nino
Cathedral

Oriental Mindoro
Provincial Capitol

Oriental Mindoro
National High
School

NewOriental
Mindoro
Provincial Capitol

Oriental Mindoro
Provincial
Hospital
Calapan
City Hall

DepEd Division
Office Oriental
Mindoro

9
Aralin 2: Kinalalagyan ng mga Lalawigan sa
Rehiyon Batay sa Direksiyon

Sa nakaraang aralin, natutuhan mo ang kahulugan at


kahalagahan ng mga simbolo sa mapa. Nalinang din ang iyong
kakayahan na maiguhit ang mga simbolong ito upang ipakita ang
kinalalagyan o lokasyon ng isang lugar o bagay.

Saan ba matatagpuan ang iyong lalawigan sa mapa? Paano


tutukuyin ang lokasyon ng mga karatig-lalawigan sa iyong rehiyon?
Makikita sa mapa ang pangunahin at pangalawang direksiyon at
ang distansiya ng mga lugar o bagay sa isa’t isa. Upang mas madali
mong matukoy ang kinalalagyan ng isang lugar, kailangan mong
pag-aralan at maintindihan ang mga pangunahin at pangalawang
direksiyon.

Sa araling ito, inaasahang ikaw ay:

1. makapagtutukoy ng kinalalagyan ng bawat lalawigan sa


rehiyon gamit ang mga pangunahin at pangalawang
direksiyon; at
2. mailalarawan ang kinalalagyan ng iba’t ibang lalawigan sa
rehiyon gamit ang mapa.

10
Ang lahat ng mapa ay nakaayon sa hilaga.
Kung titingnan ang mga mapa, mapapansin sa
isang panig nito ang may ganitong simbolo H
Kung ito naman ay nasusulat sa Ingles ay N ang
makikita. Ang kaalaman mo sa mga direksiyon
ay makatutulong nang malaki upang masanay
ka sa pagbasa ng mapa.

May mga mapa naman na ganito ang ginagamit na pananda.


Compass rose ang tawag dito. Ipinapakita nito ang kardinal na
direksiyon o ang primaryang direksiyon, ang hilaga, kanluran, timog,
at silangan. Nakaturo ito sa hilaga. Ang gawing kanan nito ay silangan
at ang dakong kaliwa ay kanluran. Timog naman ang katapat ng
11
hilaga. Ito ang mga cardinal o pangunahing
direksiyon.

May mga mapa naman na gumagamit ng
North Arrow upang ituro kung saan ang hilaga.
https://openclipart.org/
image/2400px/svg_

to_png/100207/north- Ito naman ang
arrow-2.png
compass. Ito ay laging
North Arrow
nakaturo sa hilaga. Nakikita
mo ba ang mga pangunahing direksiyon na
nakalagay rito? Nakagamit ka na ba nito?
Ito ay isang kagamitan upang matukoy ang
tiyak na lokasyon. Ginagamit ito ng mga
iskawts at mga manlalakbay upang hindi sila https://vignette1.wikia.nocookie.
maligaw net/powerlisting/images/6/61/
Compass.jpg/revision/
latest?cb=20150825010320

Paano kung ang isang lugar ay hindi Compass


eksaktong makikita sa cardinal o pangunahing lokasyon at ito ay
nasa pagitan ng hilaga at silangan? Ng timog at ng kanluran? Paano
sasabihin ang kinaroroonan nito? Kailangan nating gumamit ng
pangalawang direksiyon. Ang tawag natin dito ay ang ordinal na
direksiyon.

Kung ang lugar ay nasa pagitan ng hilaga at


silangan, sinasabing ito ay nasa hilagang- silangan
(HS). Kung ang lugar ay nasa pagitan ng timog at
silangan, ang kinaroroonan nito ay nasa timog-
silangan (TS). Samantala, angdireksiyon sa pagitan
ng timog at kanluran ay timog-kanluran (TK).
Hilagang-kanluran (HK) naman ang nasa pagitan
ng hilaga at kanluran. Masdan ang compass rose
http://www.clker.com/
cliparts/L/3/6/V/s/w/map- na may pangunahin at pangalawang direksiyon.
compass-hi.png
12
Kapag tumingin sa mapa, hindi naman maaaring
ilagay ang totoong distansiya ng bawat lugar sa isa’t isa. Ang mga
gumagawa ng mapa ay gumagamit ng pananda upang ipakita ang
distansiya ng mga lugar sa isa’t isa sa mapa. Nakikita ang pananda
sa ilalim na bahagi ng mapa kagaya ng nasa larawan.

Tanong North Arrow Compass Compass rose


1. Anong direksiyon ang
ipinapakita?
2. Ano ang kahalagahan ng
mga ito?

Sabihin ang hinihingi ng bawat instrumento na nakatala sa kolum.

1. Ano-ano ang pangunahing at pangalawang direksiyon?


Paano natutukoy ang distansiya sa mapa?
2. Anong pananda ang ginagamit sa mga mapa upang
malaman kung ano ang kinaroroonan ng isang lugar ?

13
Gawain 1 Sagutan

Tingnan ang mapa ng ilang lalawigan ng bansa. Sagutin ang


mga tanong sa ibaba ng mapa.

14
1. Ilang lalawigan ang bumubuo sa Rehiyon MIMAROPA?
2. Ano ang ibig sabihin ng MIMAROPA?
3. Kung ikaw ay nasa Mindoro, saang direksyon mo matatagpuan
ang mga sumusunod na lalawigan?
a. Marinduque
b. Romblon
c. Palawan

Gawain 2 Punan

Tingnan ang mapa ng iyong rehiyon. Punan ang bawat


patlang ng angkop na lalawigan upang maging wasto ang bawat
pangungusap. Gawin ito sa sariling sagutang papel.

1. Ang Palawan ay nasa gawing _______________ ng Romblon.


2. Ang Occidental Mindoro ay nasa direksiyong _______________ ng
Marinduque.
3. Ang Oriental Mindoro ay nasa gawing _______________ ng Palawan.
4. Ang Puerto Princesa City ay nasa direksiyong _______________ ng
Occidental Mindoro.
5. Ang Marinduque ay nasa direksiyong _______________ ng
Marinduque.
6. Ang Oriental Mindoro ay nasa gawing _______________ ng Puerto
Princesa City.
7. Ang Romblon ay nasa direksiyong _______________ ng Oriental
Mindoro.
8. Ang Marinduque ay nasa _______________ ng Marinduque.
9. Ang Palawan ay nasa _______________ ng Marinduque.
10. Ang Romblon ay nasa _______________ ng Palawan.

15
Gawain 3 Tukuyin

Gamitin muli ang mapa na nagpapakita ng ilang lalawigan sa


sariling rehiyon. Tukuyin ang ilang mga lalawigan, bayan, o lungsod na
matatagpuan sa rehiyon. Gamitin ang kaukulang talulot sa bulaklak
para matukoy ang lokasyon nang bawat lalawigan, bayan, o lungsod
sa rehiyon.

16
I. Iguhit ang mga panandang ginagamit sa pagtukoy ng direksiyon.

1. compass
2. compass rose ng pangunahin at pangalawang direksiyon
3. North Arrow ilagay kung saang direksiyon ito nakaturo.

II. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Alin dito ang pananda para sa hilagang-kanluran?


a. TS c. HK
b. HS d. TK

2. Bawat mapa ay may simbolo o sagisag na palaging nakaturo sa


direksiyong _________________.
a. timog c. silangan
b. hilaga d. kanluran

3. Madaling hanapin ang kinaroroonan ng isang lugar sa pamamagitan


ng paggamit ng _________________ .
a. panturo c. larawan
b. mapa d. guhit

4. Ano ang ibang tawag sa pangunahing direksiyon?


a. North Arrow c. cardinal na direksiyon
b. bisinal na direksiyon d. ordinal na direksiyon

17
5. Kung ilalarawan ang pangalawang direksiyon, binabanggit muna
ang direksiyong _________________.
a. cardinal c. relatibo
b. bisinal d. ordinal

III. Pag-aralan muli ang mapa ng sariling rehiyon at sagutin ang


sumusunod na tanong gamit ang pangunahin at pangalawang
direksiyon:

1. Anong mga lalawigan ang nasa Timog na bahagi ng rehiyon?


2. Anong mga lalawigan ang nasa Timog-Kanluran na bahagi
ng rehiyon?
3. Anong mga lalawigan ang nasa Hilaga-Silangan na
bahagi ng rehiyon.
4. Anong lalawigan ang nasa pinaka Hilaga na bahagi ng
rehiyon?
5. Anong mga lalawigan ang nasa Silangan?

18
Aralin 3: Relatibong Lokasyon ng mga
Lalawigan sa Rehiyon

Sa nakaraang aralin, sinubukan ninyong ilarawan ang


kinaroroonan ng inyong lalawigan at maging ang mga karatig na
lalawigan nito sa mapa gamit ang mga pangunahin at pangalawang
direksiyon. Isang paraan lamang ang pag-alam ng mga direksiyon
upang matukoy ang kinalalagyan ng mga lugar. Nasubukan na
ba ninyong magtanong sa isang tao ukol sa isang gusali pero ang
naging sagot sa iyo ay ang katabi nito na mas tanyag na gusali?
Maaaring mas mapapadali ang pagtunton sa hinahanap na gusali
dahil may katabi itong mas kilalang gusali. Gayundin ang pagtukoy
ng mga lugar sa mapa. Maaari ding tukuyin ang mga lugar sa mapa
batay sa mga katabi o kalapit na lugar. Bagama’t, ang pagtukoy
ng lugar batay sa karatig-lugar nito ay hindi eksaktong pagtukoy,
mahalaga pa ring malaman ang kinalalagyan ng mga lalawigan
batay sa katabing lalawigan o kaanyuang tubig at lupa nito.

Sa araling ito, inaasahang ikaw ay:

1. makatutukoy ng lokasyon ng mga lalawigan sa rehiyon


batay sa mga kalapit na lugar; at
2. makapaglalarawan ng lokasyon ng mga lalawigan sa
rehiyon batay sa mga nakapaligid dito.

19
Maliban sa paggamit ng mga pangunahin at pangalawang
direksiyon, ng distansiya sa iba’t ibang bagay, simbolo, at pananda,
ang pagtukoy ng isang lugar ay ibinabatay rin sa kinaroroonan ng
mga nasa paligid at katabing-pook ng lokasyon ng isang lugar.
Relatibong lokasyon ang tawag dito. Halimbawa, kung gusto mong
ituro ang kinaroroonan ng inyong bahay, sasabihin mo ang mga
katabi o nakapaligid dito. Katabi ba ito ng paaralan? Malapit ba ito
sa pamilihan? Malapit ba ito sa dagat?

Kung ang isa namang lugar sa mapa ang iyong ituturo, sasabihin
mo ang lugar na malapit dito. Hindi eksakto ang ibinibigay na direksiyon
ng relatibong lokasyon pero nagagamit ito upang matuntun ang
lugar na nais mong makita.

20
Gamitin nating halimbawa ang mapang ito.

Pagbatayan natin ang plasa na nasa gitna ng lahat ng mga


gusali batay sa larawang ito. Saan makikita ang plasa? Anong
gusali ang nasa tapat nito? Anong gusali ang nasa likod nito? Paano
kung ang gusaling pamahalaang ang pagbabatayan? Paano mo
tutukuyin ang lokasyon ng plasa? Mula sa gusaling pamahalaan at
kung ikaw ay nakaharap sa plasa, anong gusali ang nasa gawing
kanan mo?

Pansinin ang mapa ng Rehiyong MIMAROPA. Kung iba’t ibang


pulo ang pagbabatayan, mapapansin na nagbabago ang pagtukoy
ng lokasyon ng mga ito. Halimbawa, kung ang pagbabatayan ay
ang isla ng Palawan, ang lokasyon nito ay nasa timog ng Occidental
Mindoro. Pero kung ang pagbabatayan ay ang Occidental Mindoro,
ang lokasyon nito ay nasa hilaga ng Palawan. Pag- aralan ang
pagtukoy ng mga kinalalagyan ng isla ng
rehiyon. Suriin ito sa tulong ng mapa.

21
1. Ang Oriental Mindoro ay nasa kanluran ng Marinduque.
2. Ang Marinduque ay nasa silangan ng Oriental Mindoro.
3. Ang Romblon ay nasa timog ng Marinduque.
4. Ang Palawan ay nasa timog ng Occidental Mindoro.
5. Ang Occidental Mindoro ay nasa hilaga ng Palawan.

Gawain 1 Subukan

Ang sumusunod na halimbawa ay isang paraan ng pagtukoy sa


kinalalagyan ng isang lugar gamit ang relatibong lokasyon. Subukan
mong hanapin sa mapa ng Marinduque ang sumusunod.

22
A. (Indibidwal na gawain)
1. Anong lalawigan o mga lalawigan ang nasa kanluran ng
Romblon?
2. Anong mga lalawigan nasa hilaga-silangan ng
Palawan?
3. Anong lalawigan ang nasa timog silangan ng Mindoro?
4. Anong mga lalawigan ang nasa silangan ng Mindoro?
5. Anong lalawigan ang nasa hilaga ng Marinduque?

Gawain 2 Ibigay

Pag-aralan ang mapa. Ibigay ang mga detalye ayon sa


relatibong lokasyon ng mga lugar. Isulat ang mga pangungusap sa
sagutang papel.

Halimbawa:
Ang sari-sari store ay malapit sa kabahayan

23
1. _______________________________________________________________
2. _______________________________________________________________
3. _______________________________________________________________
4. _______________________________________________________________
5. _______________________________________________________________

Gawain 3 Pasyalan

Gumuhit ng isang parke. Ilagay ang sumusunod ayon sa tinutukoy


na direksiyon.

1. fountain – gitna ng parke


2. mga halamang namumulaklak – gawing silangan at kanluran
ng fountain
3. malalaking puno – sa likod ng mga halaman
4. palaruan – gawing hilaga ng parke
5. lawa – gawing timog ng parke

24
Pag-aralan ang mapa ng Pilipinas. Tukuyin ang mga lalawigan na
nilalarawan sa bawat bilang.

1. Aling isla o mga isla ang nasa pinakatimog ng bansa?


2. Kung ang pagbabatayan ay ang isla ng Panay, saang
direksiyon ang isla ng Negros?
3. Saan naroon ang isla ng Mindoro kung ang
pagbabatayan ang isla ng Palawan?
4. Kung ang pagbabatayan ay ang isla ng Masbate, saan
naroroon ang mga isla ng Panay, Negros, at Cebu?
5. Saan naroroon ang isla ng Polilio kung ang pagbabatayan ay
ang isla ng Catanduanes?
25
Aralin 4: Katangian ng mga Lalawigan sa Rehiyon

Mailalarawan mo ba ang iyong lalawigan o rehiyon kapag may


nagtanong sa iyo? Anong pakiramdam mo kapag nasagot mo ang
ilang mga bagay tungkol sa iyong lalawigan at rehiyon? Mahalagang
kaalaman ang mga pisikal na katangian ng sariling lalawigan at
rehiyon. Ang kaalaman sa mga impormasyon ng sariling lalawigan at
rehiyon ay nakakatulong upang maunawaan mo ang iyong kultura
at kasaysayan. Makakatulong rin ito upang mas maliwanag ang
iyong paghahambing ng mga lalawigan. Magiging tiyak ang iyong
paglalarawan sa mga pisikal na katangian ng bawat lalawigan na
kabilang ng iyong rehiyon.

Sa araling ito, inaasahang ikaw ay:

1. makatutukoy ng mga katangian ng lalawigan sa sariling


rehiyon batay sa kanilang mga lokasyon, direksiyon, laki,
at kaanyuan;
2. mailalarawan ang sariling lalawigan at ng mga karatig nitong
lalawigan sa rehiyon; at
3. maihahambing ang mga lalawigan sa sariling rehiyon ayon
sa mga nabanggit na katangian nito.

26
Ang Rehiyong MIMAROPA ay binubuo ng limang lalawigan. Ito
ay ang mga lalawigan ng Oriental Mindoro, Occidental Mindoro,
Marinduque, Romblon at Palawan. Ang rehiyong ito ay natatangi
sapagkat wala itong katabing kalupaan na nasasakupan ng ibang
rehiyon. Ang kanyang pangalan ay hango sa mga daglat na
salita mula sa mga lalawigan na nasasakupan nito. Ang Mindoro,
Marinduque, Romblon at Palawan. Ito rin ay kilala sa tawag na Timog
Katagalugan.

27
ORIENTAL MINDORO

Ang lalawigan ng Oriental Mindoro ay matatagpuan sa Timog


Hilaga ng bansa. Ang Lungsod ng Calapan ang kabisera nito at
nasasakop ang Silangang kalahati ng pulo ng Mindoro. Sa silangan
ng lalawigan naroon ang dagat Sibuyan at Romblon. Sa Hilaga ay
Batangas sa ibayo ng daanan ng pulo ng Verde. Ang mga pulo ng
Semirara ng Antique ang nasa
timog nito.

Ito ay binubuo ng
labing apat na bayan, apat
na daan at dalawampu‘t
anim na barangay at
nahahati sa dalawang
distrito. Ika-tatlumpo ito sa
pinakamalalaking lalawigan
na may kabuuang sukat na
4238.38 km².

Ang pangunahing wika dito


ay Tagalog at ang pangkat
etniko na naninirahan dito ay
kilala sa tawag na Mangyan.
Sila ay binubuo ng pitong tribu http://www.maphill.com/philippines/region-4/oriental-
na halos nakakalat sa buong mindoro/3d-maps/political-map/cropped-outside/

lalawigan.

Kilala ang Oriental Mindoro sa mga turista,lalo na sa Puerto


Galera. Ilang oras lamang ang munisipalidad na ito sa Maynila at
ipinagmamalaki ang puting baybay dagat at mga nagagandahang
korales sa ilalim nito.

28
Ang bundok ng Halcon ay isa ring ipinagmamalaki ng lalawigan
sapagka‘t sa kagubatan nito ay makikita ang mga kahalihalinang
flora at fauna. Dinarayo rin ito ng mga mahilig umakyat sa kabundukan
upang tuklasin ang yaman at kariktan na nakapaloob dito.

OCCIDENTAL MINDORO

Sa bisa ng Batas Republika blg. 505 natamo ng lalawigang ito


noong 1950 ang ganap na pagsasarili mula sa kaniyang pagiging
bahagi ng Oriental Mindoro.
Mamburao ang kapital nito at
sinasakop ang kanlurang kalahati
ng pulo ng Mindoro.Nasa kanluran
nito ang Timog Dagat Tsina ,sa
Timog Kanluran ang lalawigan ng
Palawan at sa hilaga ang Batangas
na nakahiwalay sa pamamagitan
ng Daanan ng Pulo ng Verde.
Ito ay may kabuuang sukat na 5,
879.9 km². Ang lalawigang ito ay
binubuo ng labing isang bayan
(11) at isandaan animnapu‘t
dalawang (162) barangay. Ito
ay isa sa dalawampu‘t isa (21)
http://www.maphill.com/philippines/region-4/ pinakamaliit na lalawigan sa
occidental-mindoro/maps/satellite-map/
shaded-relief-outside/ bansa ayon sa populasyon.
Pagsasaka ang pangunahing
hanapbuhay. Tagalog at Mangyan ang mga pangunahing wika
.Ang ipinagmamalaki ng lalawigan ay ang Apo Reef National Marine
Park at ang kanilang Mt.Iglit National Park kung saan matatagpuan
ang Tamaraw.

29
MARINDUQUE

Isang isla sa kapuluan ng Pilipinas. Ang kabisera nito ay ang


bayan ng Boac na nakahalayhay sa baybayin ng Tayabas sa hilaga
at dagat ng Sibuyan sa timog. Ito ay matatagpuan sa Timog at
Kanluran ng Quezon, Silangan ng Mindoro at Romblon sa Hilaga.
Ang Marinduque ay hugis pusong anyong lupa na matatagpuan
labing isang milya (18 km) mula sa isla ng Luzon. Ito ay may sukat na
tatlong daan at pitumpong milya kwadrado (370 sm) at kilala bilang
ika-labing tatlong pinakamalaking pulo sa bansa. Nakahiwalay ito sa
Bondoc Peninsula ng Quezon sa pamamagitan ng Mompong Pass .
Meron itong mga malilit na isla sa Timog Silangan tulad ng isla ng
Maniwaya, isla ng Sta. Cruz at isla ng
Mompong. Ang pinakamataas na
bundok na matatagpuan dito ay ang
bundok ng Malindig ( dating bundok
ng Marlanga ) isang aktibong bulkan
na may taas na 1157 metro. Ang mga
Marinduqueño ay mga mababait na
tao lalo‘t higit sa mga dumarayo dito.
Isang patunay ng katangiang ito ay
kanilang ―putong,isang kaugalian
upang tanggapin at parangalan ang
isang kaibigan sa pamamagitan ng
h t t p s : / / l o y d t r a v e l t r a i l . b l o g s p o t . pag-awit kaalinsabay ang pagsayaw
com/2016/02/magnificent-marinduque.html
at pagsasabog ng mga barya at mga
bulaklak . Dinarayo ang lalawigang ito
tuwing buwan ng Abril sa pagdiriwang ng kanilang Moriones Festival.
Ipinapakita dito ang pangyayari kay Longinos nang matalsikan ng
dugo ng Panginoong Hesus na siyang nagbalik ng kanyang paningin.
Sa kabuuan ito ay merong anim(6) na bayan at dalawandaan at
labing walong (218) barangay at may sukat na 952.58 km²

30
ROMBLON

Isang lalawigan na binubuo ng maraming pulo na matatagpuan


sa Dagat Sibuyan (katubigang sakop ng Romblon). Romblon din
ang pangalan ng kabisera nito. Nakahimlay ang lalawigang ito sa
timog ng Marinduque at Quezon, sa silangan ng Mindoro, sa Hilaga
ng Aklan at Kanluran ng Masbate.Ayon sa senso, ang lalawigan ay
ika-16 sa maliliit kung
ang pagbabatayan
ay populasyon. Ang
kabuuang sukat nito
ay 1,355.9 km² at
nabibilang sa ika-11
sa malilit na mga pulo
sa bansa. Nahahati
sa 17 munisipalidad
ang Romblon at
219 ang kabuuang
bilang ng barangay.
Romblomanon ,
Asi at Onhon ang
3 pangunahing
w i k a . A n g
Hiligaynon,Tagalog at
Ingles ay ginagamit
din depende sa http://www.maphill.com/philippines/region-4/romblon/maps/
p a n g a n g a i l a n g a n . physical-map/
Karamihan sa mga
taga Romblon ay Kristiyano 72% ng populasyon ay Katoliko Romano
at 25% ang kaanib ng ibang relihiyon.Pangunahing prodyuser ng
mataas na uri ng marmol ang lalawigan.Iyon ay maihahambing sa
gawa ng mga Italyano.

31
PALAWAN

Ang Palawan ang pinakamalaking lalawigan sa bansa base


sa laki ng kanyang nasasakupan. Sa hilagang Silangan nito ay ang
lalawigan ng Occidental Mindoro at sa Timog Kanluran ay ang Borneo.
Ito ay nakahalayhay sa pagitan
ng dagat Timog China at dagat
ng Sulu. Ang pangalan nito ay
hango sa pinakamalaking isla
na Palawan at may sukat na
450 kilometro pahaba at 50
kilometro ang luwang. Ito ay
binubuo ng mga mahahaba
ngunit maliliit na mga pulo.
Ang Calamian Group of Islands
na matatagpuan sa Hilagang
Silangan nito ay binubuo ng
Busuanga Island, Coron Island
at Culion Island. Bahagi rin
nito ang pinagkakaguluhang
Spratly Islands na matatagpuan
http://www.palawanislandphilippines.com/
sa halos mahigit isang daang
kilometro mula sa sentro
patungo sa kanlurang bahagi
nito. Kilala rin ito sa tawag na ―Kalayaan Group of Islands. Sa isla
ring ito nadiskubre ang Taong Tabon na sinasabing isa sa mga
pinagmulan ng mga sinaunang tao. Ito ay natagpuan sa yungib ng
Tabon sa bayan ng Quezon. Ang mga katutubo na naninirahan dito
ay ang Batak na tinatayang nagmula sa mga Aeta at Negrito na
tumawid mula Borneo sa pamamagitan ng Tulay na Lupa. Sa tribu ng
Batak din tinatayang nagmula ang mga Palawano at Tagbanwa na
kapwa rin mga katutubo ng Palawan. Kilala rin ito sa kanyang mga

32
naggagandahang lugar na kinawiwilihan ng mga turista, lokal man o
mga banyaga. Ilan sa mga kinawiwilihang pasyalan dito ay ang mga
baybayin ng El Nido, Isla ng Coron, Puerto Princesa Subterranean River
National Park, Tubbataha Reef Marine Park at ang Brooke‘s Point sa
Timog Palawan kung saan makikita ang mga iba‘t-ibang uri ng ibon
na dumadayo dito. Matapos ang Digmaaang Pilipino-Amerikano ay
idineklara ang Puerto Princesa bilang kapital sa pamamagitan ng
Philippine Commission Act No. 1363 noong 1903. Ito ay binubuo ng
367 barangay at 23 mga bayan at may kabuuang sukat na 14, 649.7
km².

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Ano ano ang mga lalawigan na bumubuo sa iyong rehiyon?


2. Ano-ano ang mga katangiang nabanggit sa bawat lalawigan?
3. Ano-ano ang mga lugar na nakapalibot sa
a. Orriental Mindoro? c. Marinduque?
b. Occidental Mindoro? d. Romblon?
e. Palawan?
4. Aling lalawigan ang may pinakamalaking sukat ng
kalupaang sakop? Alin naman ang pinakamaliit?
5. Sa mga nabangit na lugar, may naiuugnay ba kayong tanyag na
anyong lupa o anyong tubig? Ano ano naman ito at saang lugar
ninyo maiuugnay?
6. Paano nagkakaiba at nagkakapareho ang mga lalawigan sa iyong
sariling rehiyon?

33
Gawain 1 Tukuyin
A. (Isahang Gawain)

Batay sa nabasa, ilarawan ang kabuuang pisikal na katangian


ng mga lalawigan sa iyong rehiyon. Alin kaya sa mga lalawigan ang
tinutukoy ng bawat bilang? Hanapin ang mga sagot sa puzzle at
isulat sa sagutang papel.

1. Ang lalawigan na binubuo ng malilit at mahahabang mga pulo?


2. Ang lalawigan na hugis pusong anyong lupa at binubuo ng mga
maliliit na isla sa silangan nito?
3. Ang lalawigan na may munisipalidad na pinakamalapit sa
Kamaynilaan?
4. Ang lalawigan na sumasakop sa kanlurang bahagi ng pulo ng
Mindoro?
5. Ang lalawigan na binubuo ng maraming pulo at pawang
napaliligiran ng katubigan?

R O R I E N T A L M
P O B A T A N G I S
A D M K M J O N R G
L I Q B U Y D E I C
A N E N L O N I S A
W U N I R O A N A V
A A E O U D N O L I
N I M E L D A C H O
M A R I N D U Q U E
O C C I D E N T A L
34
Gawain 2 Lalawigan ko yan!
(Isahang Gawain)

Punan ng tamang impormasyon ang bawat kahon sa ibaba


upang makumpleto ang talaan ng mga katangian ng mga lalawigan.
Sundan ang nagawa kasama ng guro upang inyong maging gabay.

Katangian ng mga Lalawigan sa


Rehiyong B MIMAROPA

Lalawigan Lokasyon Sukat Pisikal na


Direksiyon Anyo
Oriental
Mindoro
Occidental
Mindoro
Marinduque

Romblon

Palawan

Gawain 3 Paghambingin

Paghambingin ang pares ng lalawigan sa iyong rehiyon ayon sa


lokasyon, direksyon, sukat at anyo na hindi lalampas sa tatlong
pangungusap ang bawat isa.

1. Oriental Mindoro at Marinduque


2. Romblon at Palawan
3. Marinduque at Romblon
4. Oriental Mindoro at Palawan
5. Palawan at Marinduque

35
Sa pamamagitan ng ginawang talahanayan sa Gawin Mo,
sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ang tamang sagot sa
sagutang papel.

1. Ano ang pinakamalaking isla sa MIMAROPA?


2. Alin sa mga isla ang pinakamaliit?
3. Anong isla ang matatagpuan sa gitnang bahagi ng rehiyon ng
MIMAROPA?
4. Anong lalawigan ang may pinakamalaking anyong-tubig?
5. Anong lalawigan sa rehiyon ang halos binubuo lamang ng burol at
bulubundukin?
6. Nais kong mamasyal sa lugar na may pinakamalaking lawa, saan
ako tutungo?
7. Saang lalawigan ko puwedeng makita ang sikat na Moriones
Festival?
8. Anong lalawigan sa rehiyon ang matatagpuan sa kanluran ng
Marinduque?
9. Saang lalawigan sa rehiyon matatagpuan ang kilalang Bundok
Halcon?
10. Anong lalawigan sa rehiyon ang tanyag dahil sa magagandang
tanawing dinarayo ng mga turista sa buong mundo?

36
Aralin 5: Populasyon sa Aking Pamayanan

Ang bawat lalawigan at rehiyon ay may kani-kaniyang dami ng


tao o populasyon. Ang pag-alam at pag- unawa ng populasyon ng
sariling pamayanan ay mahalaga upang malaman ang mga hakbang
sa pagtugon ng mga suliranin maaaring dulot nito. Makakatulong din
ang kaalaman sa populasyon upang maipakita ang pagmamalasakit
ng mga taong bumubuo sa pamayanan sa bawat isa.

Isang magandang paglalarawan ng pagkakaiba o


pagkakapareho ng mga populasyon ng mga lugar ay ang
paggamit ng bar graph. Ang bar graph ay isa lamang uri ng graph
na nagpapakita ng dami ng mga tao sa iba’t ibang pamayanan.
Maraming impormasyon ang makukuha tungkol sa populasyon ng
mga lugar sa paggamit ng bar graph.

Sa araling ito, inaasahang ikaw ay:

1. makapagtutukoy ng populasyon ng iba’t ibang pamayanan


sa sariling lalawigan;
2. makapaghahambing ng mga populasyon ng iba’t ibang
pamayanan sa sariling lalawigan;
3. mailalarawan ang populasyon ng mga pamayanan sa
bayang kinabibilangan gamit ang bar graph; at
4. mabibigyang halaga ang katangian ng populasyon sa
pamayanang kinabibilangan.

37
38
Narito ang kailangan nating mga datos:

1. Ilan ang populasyon ng limang barangay sa San Narciso?


2. Ilan ang mga babae at lalaki sa bawat bayan?
3. Ilan ang mga bata at ilan ang matatanda?

“Huwag kalimutang magpasalamat pagkatapos maibigay ang


impormasyon na kailangan. At sa huli, magalang na magpaalam sa
mga tumulong sa atin.”

39
Populasyon ng Bawat Barangay ng San Narciso, Quezon
Ayon sa 2010 Census Population and Housing
(Approximated Value)
Barangay Populasyon
Buli 1,634
Del Razon 1474
Malaya 1,276
Papandayan 6,803
Rosario 1,560

Bilang ng mga Babae at Lalaki

Barangay Babae Lalaki Kabuuan


Buli 809 825 1,634
Del Razon 731 743 1,474
Malaya 624 652 1,276
Papandayan 3,295 3,508 6,803
Rosario 796 764 1,560

Bilang ng Matatanda at Bata


Barangay Bata (edad Matatanda Kabuuan
18-pababa) (edad mataas
pa sa 18)
Buli 833 901 1,634
Del Razon 780 694 1,474
Malaya 776 500 1,276
Papandayan 2,661 4,142 6,803
Rosario 879 681 1,560

40
Sagutin ang mga tanong

1. Ilang barangay ang pinagkuhanan ng impormasyon/ datos ni Jing


at Ding tungkol sa populasyon? Ano-ano ang mga ito?
2. Anong barangay ang may pinakamaliit na bilang ng naninirahan?
3. Anong barangay ang may pinakamalaking bilang ng naninirahan?
4. Aling mga barangay ang mas maraming naninirahan na babae
kaysa lalaki?
5. Ano-anong barangay naman ang mas marami ang nakatirang
mga matatanda kaysa mga bata?
6. Sa palagay ninyo, aling mga barangay ang maraming
makikitang bilihan o palengke? Bakit mo ito nasabi ?
7. Aling barangay naman kaya sa palagay ninyo ang
mas magkakakilala ang mga tao, sa Rosario o sa Buli? Bakit mo
ito nasabi?
8. Sa barangay na maraming bata, ano ang magandang magkaroon
para sa kanila? Ano naman ang mainam magkaroon kung
maraming matanda ang nakatira sa barangay? Bakit?
9. Bakit kaya may malaki at may maliit na populasyon ang mga
pamayanan?
10. Ano kaya ang epekto ng malaki at maliit na populasyon?

41
Gawain 1 Buuin
(Isahang Gawain)

Ang nasa ibaba ay isang uri ng graph na hindi kumpleto ang


detalye. Gawin itong isang bar graph sa pamamagitan ng paglalagay
ng tamang graph sa bawat barangay gamit ang mga impormasyon.
1. Ang Barangay Bagsok ay may 1,547 bilang ng tao.
2. Sa Barangay Batong Dalig 921 ang bilang ng mga taong
naninirahan.
3. Ang barangay ng Zone1 at Monteverde ay may 1,100 na
bilang ng populasyon.
4. 2,400 ang bilang ng mga taong tumitira sa Barangay Subaan.

42
Gawain 2 Sagutan

Batay sa sumusunod na bar graph, sagutin ang sumusunod na


tanong. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.

Bilang ng mga Tao sa ilang Barangay ng Pinamalayan,


Oriental Mindoro

Mga Barangay
Buli
Del Razon
Malaya
Papandayan
Rosario

1. Alin sa mga barangay ang may pinakamaraming nakatirang mga


babae? Alin naman ang pinakamarami ang mga lalaki?
2. Aling mga barangay ang mas marami ang nakatirang lalaki kaysa
sa mga babae?
3. Paghambingin ang bilang ng mga babae sa mga barangay ng
Malaya at ng Rosario.
4. Paghambingin ang bilang ng mga lalaki sa mga barangay
Papandayan at del Razon.
5. Aling barangay ang pinakakaunti ang populasyon?

43
Gawain 3 Paghambingin

(Isahang Gawain)
Pag-aralan muli ang datus ng limang barangay sa Pinamalayan,
Oriental Mindoro. Paghambingin ang mga barangay na nabangit sa
pamamagitan ng pagbuo ng mga pangungusap

Bilang ng
mga Tao

1. Sa Barangay Papandayan, ____________ mga matatanda ang


nakatira kaysa sa mga bata.
2. Halos magkasing-dami ang mga matatanda at mga bata na
nakatira sa barangay _______________.
3. Sa limang barangay, tanging sa _________ lamang mas marami ang
mga bata kaysa matanda.
4. Sa mga barangay Buli at del Razon, ang mga matatanda ay
_____________ kaysa sa mga bata.
5. Mas lubos na mapapakinabangan ang mga lugar palaruan sa
mga barangay ____________________.

44
Gamit ang bar graph sa ibaba, unawain at sagutin ang
sumusunod na katanungan. Isulat ang tamang sagot sa sagutang
papel.

Buli Del Razon Malaya Papandayan Rosario

1. Kung ikaw ay nakatira sa lugar na pinakamarami ang tao, anong


lugar ito ayon sa graph?
2. Ang mga kamag-anak mo ay matatagpuan sa barangay na
pinakakaunti ang tao, anong barangay ito?
3. Kung ang bahay ng iyong kapatid ay matatagpuan sa lugar na
ikalawa sa pinakamalaking populasyon, anong barangay ito?
4. Anong dalawang barangay ang may magkasindami ang taong
naninirahan?

45
5. Kung ang mga tao sa barangay Buli at Malaya ay pagsasamahin,
ilan ang magiging populasyon sa dalawang barangay?
6. Aling mga barangay ang maaaring maraming pamilihan o
tindahan?
7. Saang barangay ang sa palagay mo ay mas magkakakilala ang
mga tao, sa barangay Buli o sa barangay Rosario?
8. Paano mo maihahambing ang populasyon ng barangay Del Razon
at barangay Papandayan?
9. Anong masasabi mo sa dami ng tao sa barangay Del Razon kung
ikukumpara sa barangay Rosario?
10. Aling barangay ang sa palagay mo ay mas makikilala ang mga
bagong dayo, sa barangay Del Razon o sa barangay Rosarion?

46
Aralin 6: Populasyon ng mga Lalawigan sa
Rehiyon

Sa araling ito, matatalakay at maihahambing ang populasyon


ng mga lalawigan sa kinabibilangang rehiyon gamit ang mapa ng
populasyon. Maipapakita rito ang pagkakaiba-iba ng dami ng tao sa
mga lalawigan na nagkakaroon ng epekto sa mga pamumuhay sa
mga lalawiganng rehiyon. Mahalagang malaman ang populasyon
ng mga lalawigan sa pagsusulong at pagpapabuti ng mga ito at ng
rehiyon.

Sa araling ito, inaasahang ikaw ay:

1. makagagamit ng mapa upang mailarawan ang populasyon


ng mga lalawigan sa sariling rehiyon;
2. makapaghahambing ng mga lalawigan sa sariling rehiyon
ayon sa dami ng populasyon gamit ang mga datos ukol
sa populasyon; at
3. makagagawa ng talata tungkol sa iba’t ibang pangkat ng
tao at kung paano sila mapapahalagahan.

47
Ang pamayanan ay kinabibilangan
ng mga tao na siyang bumubuo
ng populasyon. Dalawang uri ang
karaniwang pagsukat ng populasyon.
Ang isa ay ang simpleng pagbilang ng
mga tao sa isang pamayanan. Ang
isa pa ay ang pagsukat ng kapal ng
populasyon batay sa dami ng taong http://mimaropa.neda.gov.ph/

48
naninirahan sa isang bahagi nito.

Ginagamit ang mapa ng populasyon sa pagtukoy ng bilang ng


mga taong naninirahan sa bawat pamayanan. Nagagamit din ang
ganitong mapa sa pagtutukoy at paghahambing ng populasyong
ng mga tao sa iba’t ibang lugar ay nakatira rito.

Ang pamayanan ay maaring barangay, bayan, lalawigan,


rehiyon, bansa o buong daigdig. Ito ay kinabibilangan ng mga tao
na siyang bumubuo ng populasyon. Dalawang uri ang karaniwang
pagsukat ng populasyon. Ang isa ay ang simpleng pagbilang ng
mga tao sa isang pamayanan. Ang isa pa ay ang pagsukat ng kapal
ng populasyon batay sa dami ng taong naninirahan sa isang bahagi
nito.

Suriin natin ang ating rehiyon. Bawat lalawigan sa ating rehiyon


ay may iba’t ibang dami ng populasyon. Kung makikita natin sa
mapa, ang ating rehiyon ay binubuo ng mga maliliit na mga pulo .Ang
bawat lalawigan ditto ay halos magkakalayo at mararating lamang
sa pamamagitan ng mga sasakyang pandagat. Ano sa palagay
ninyo ang epekto nito sa populasyon ng rehiyon? Gaano kalaki o
kaliit ang populasyon ng ating rehiyon? Sa talahanayan makikita
ang populasyon ng mga lalawigan ng rehiyon nuong sa taong 2010.

Tingnan muli ang mapa ng ating rehiyon, di nga ba’t malaki


ang sinasakupan nito? Tinatayang ang kabuuang lupain ng Rehiyong
MIMAROPA kabilang ang limang lalawigan ay mayroong 2,962,087
hektaryang lupain.

49
Talahanayan ng Kabuuang Sukat ng Rehiyong
MIMAROPA
Lalawigan Kabuuang Sukat Populasyon
Oriental Mindoro 436,472 ha. 785,602
Occidental Mindoro 587,985 ha. 452,971
Marinduque 95,925 ha. 227,828
Romblon 135,593 ha. 283,930
Palawan 1,489,626 ha. 994,340
Kabuuan 2,962,087 ha. 2,744,671

Pag-aralan sa talahanayan ang kapal ng populasyon sa


bawat lalawigan ng Rehiyong MIMAROPA . Bakit kaya magkakaiba
ang bilang ng mga tao sa iba’t ibang lalawigan? Suriin ang mga
paglalarawan ng bawat lalawigan ng rehiyon. Nakakatulong ba ito
upang mabigyang rason ang pagkakaiba-iba ng mga populasyon
ng mga lalawigan sa rehiyon?
50
Lalawigan Katangian ng Pangunahing Katangian
Anyong Lupa o Hanapbuhay (Dami ng Tao)
Tubig
Oriental Mindoro Bulubundukin na Pagsasaka (Tingnan sa
may kapatagan, Pagpapastol talahanayan sa
May mahabang Pangingisda itaas)
baybayin
Occidental Bulubundukin na Pagsasaka (Tingnan sa
Mindoro may kapatagan, Pagpapastol talahanayan sa
May mahabang Pangingisda itaas)
baybayin
Marinduque Bulubundukin na Pagsasaka (Tingnan sa
napaliligiran ng Pagpapastol talahanayan sa
dagat Pangingisda itaas)

Romblon Bulubundukin na Pangingisda (Tingnan sa


napaliligiran ng Pagmimina talahanayan sa
dagat itaas)
Palawan Bulubundukin na Pagsasaka (Tingnan sa
may kapatagan, Pangingisda talahanayan sa
May mahabang Turismo itaas)
baybayin

Magkakaiba- iba rin ang mga pangkat ng tao na kabilang sa


populasyon ng bawat lalawigan. Sa ating rehiyon, malaking bahagi
ang mga pangkat pangkat ayon sa kanilang kabuhayan. Kung
kaya’t marami dito ang mga magsasaka, mangingisda at minero.
Ang buong rehiyon ay tinatawag na rehiyon ng Timog Katagalugan
dahil sa kaniyang lokasyon.Tagalog ang pangunahing wika dito.
Paano natin mapahahalagahan ang iba’t ibang pangkat ng tao sa
ating mga lalawigan?

51
Gawain 1 Sakto!
Indibidwal na Gawain)

Isipin ang populasyon ng Rehiyong B MIMAROPA. Alin ang


pinakamalaki? Alin ang pinakamaliit? Gamit ang mga larawan ng
iba’t ibang dami ng tao, ilagay ang akmang larawan sa bawat
lalawigan ayon sa kanilang populasyon sa inyong sagutang papel.
Tandaan na ang may pinakamalaking populasyon ay ang may
pinakamaraming tao.

Sanggunian:

Rehiyon MIMAROPA

52
Gawain 2 Paghambingin
(Indibidwal na Gawain)

Tingnan ang bar graph tungkol sa populasyon ng iba’t ibang


pangkat na matatagpuan sa isang bayan sa rehiyon. Ano ang
masasabi mo tungkol sa pagkakaiba iba ng dami ng mga pangkat?
Paghambingin ang mga barangay ayon sa graph.

Sanggunian:

1. Alin sa mga barangay ang may pinakamaraming nakatirang


magsasaka? Alin naman ang pinakamarami ang mga
mangingisda?
___________________________________________________
___________________________________________________
2. Bakit sa palagay mo maraming nakatira na magsasaka sa
___________? Ano ang maaring dahilan na maraming gustong
tumira dito?
___________________________________________________
___________________________________________________
53
3. Ano ang katangian ng barangay ng ______________ at marami ang
nakatirang mangingisda dito?
___________________________________________________
___________________________________________________
4. Paghambingin ang bilang ng mga magsasaka sa mga barangay ng
Pili at umambayan. Alin ang barangay na mas maraming magsasaka?
___________________________________________________
___________________________________________________
5. Paghambingin ang bilang ng mangingisada sa mga barangay ng
Papandayan at ng Quinabigan. Aling lalawigan ang mas kakaunti
ang populasyon?
___________________________________________________

Gawain 3 Isulat
(Indibidwal na Gawain)

Basahin muli ang mga katangian ng populasyon ng mga


lalawigan sa ating rehiyon. Sumulat ng 1-2 pangungusap tungkol sa
iba’t ibang pangkat sa sariling lalawigan ayon sa mga sumusunod:

1. Ihambing ang iba’t ibang pangkat sa mga pangkat ng karatig na


lalawigan.
2. Ilahad ang kaugnayan ng mga uri ng kabuhayan at uri ng lupain
ng sariling lalawigan sa karatig na lalawigan.
3. Ilahad kung paano pahalagahan ang iba’t ibang pangkat sa
sariling lalawigan.

54
Gawing gabay ang halimbawang talata sa ibaba.

Ang mga Pangkat sa Aking Lalawigan

Ako’y nakatira sa isang napakagandang lalawigan. Maraming


taong nakatira dito. Malawak ang baybayin dito kung kaya karamihan
sa hanapbuhay ay pangingisda. Malawak din ang bukid kaya marami
ang magsasaka. Pero mas marami ang mangingisda kaysa sa mga
magsasaka

Basahin at unawain ang sumusunod na pahayag batay sa datos


tungkol sa bahagi ng populasyon ng mga lalawigan sa Rehiyong
MIMAROPA.Tukuyin ang pinakatamang sagot sa bawat tanong/
pahayag. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

Lalawigan Manggagawa Mangingisda Magsasaka Kabuuan

Mindoro 1,860 620 620 3,100

Palawan 1,080 675 945 2,700

Romblon 960 480 960 2,400


Occidental 1,750 (walang 750 2,500
Mindoro datos)
Marinduque 380 760 760 1,900

55
1. Aling lalawigan ang magkasingdami ang populasyon ng
mangingisda at magsasaka?

A. Palawan, Romblon C. Mindoro, Marinduque


B. Mindoro, Marinduque D. Occ. Mindoro, Palawan

2. Alin sa sumusunod ang may pinakamaliit na kabuuang populasyon?

A. Palawan B. Mindoro C. Marinduque D.Romblon

3. Aling lalawigan ang mas marami ang mangingisda kaysa sa


manggagawa?
A. Marinduque B. Romblon C. Palawan D. Mindoro

4. Kung pagsama samahin ang mga populasyon ng mangingisda


at magsasaka, aling lalawigan ang may pinakamarami sa
buong rehiyon?
A. Mindoro B. Marinduque C. Romblon D. Palawan

5. Alin dito ang dahilan kung bakit kakaunti ang populasyon ng


mangingisda sa lalawigan ng Romblonl?

A. Mas gusto ng mga taga-Romblon ang pagsasaka kaysa


pagingisda.
B. Kakaunti lamang ang anyong-tubig kung saan
makapangisda ang mga tao.
C. Mas gusto ng mga taga-Romblon magtrabaho sa bukid
D. Maraming pumupunta sa mga karatig na lalawigan upang
maging magsasaka.

56
6. Malalaki ang bilang ng populasyon sa bahaging Mindoro at
Palawan marahil dahil .

A. Malaki ang sakop ng kanilang yamang tubig.


B. Magkasinlaki ang mga lalawigang ito.
C. Masisipag ang mga tao doon.
D. Bulubundukin ang mga lalawigan na ito.

7. Batay sa datos, aling lalawigan ang mas naaangkop ang kabuhayan


sa pagtatanim?

A. Mindoro B. Romblon C. Palawan D. Marinduque

8. Bakit pinakamarami ang pangkat ng manggagawa sa Mindoro


kaysa ibang lalawigan sa rehiyon?

A. Mas gusto ng mga taga-Mindoro ang magtrabaho sa


kompanya kaysa pangingisda.
B. Mas naaangkop ang lupain ng Mindoro sa pagsasaka.
C. Maraming anyong-tubig ang nakapalibot sa Mindoro
D.Maunlad na lugar ang Mindoro sa buong lalawigan ng
MIMAROPA.

9. Alin sa mga lalawigan sa rehiyon ang maraming taong nangingisda?


A. Mindoro B. Marinduque C. Romblon D. Palawan

10. Kung pagsamasamahin ang mga manggagawa at magsasaka,


aling lalawigan sa rehiyon ang may pinakamaraming ganitong
pangkat?

A. Marinduque B. Mindoro C. Romblon D. Palawan

57
Aralin 7: Katangiang Pisikal na Nagpapakilala ng
Iba't Ibang Lalawigan sa Rehiyon

Paano mo mailalarawan ang iyong lalawigan? Maipagmamalaki


mo ba ang iyong lalawigan at rehiyon? Paano mo ba ito ipinakikilala?
Ang pagkilala sa sariling lalawigan ay nagpapakita ng pagpapahalaga
sa kinabibilangang lalawigan. Mahalaga sa atin ang ating lalawigan
sapagkat dito tayo nabibilang at dito rin nakatira ang ating pamilya
at mga kaibigan. Kaya’t marapat na alamin natin kung ano ang
natatangi sa ating lalawigan at mga karatig-lalawigan sa rehiyon
upang lubos na maipakikilala ang mga ito sa mga tao sa ibang
lalawigan. Halika at pag- aralan natin ang magagandang lugar sa
ating lalawigan,ang mga anyong pisikal na makikita dito kasama
ang mga tanyag na mga lugar na nagpapakilala sa ating lalawigan
at ang pagiging kabilang sa isang rehiyon.

Sa araling ito, inaasahang ikaw ay:

1. makapagsasabi ng ilang katangiang pisikal ng mga lalawigan


sa rehiyon;
2. makapagtutukoy ng mga anyong-tubig o anyong- lupa na
nagpapakilala sa lalawigan at rehiiyon;
3. makapaghahambing ng katangiang pisikal ng iba't ibang
lalawigan sa rehiyon; at
4. makapagpapakita ng pagpapahalaga sa mga katangiang
pisikal na nagpapakilala ng lalawigan at rehiyon.

58
Inimbitahan ni Brenda ang pamilya ng kaniyang pinsan na si Jane
na makipiyesta sa kanila. Malapit na kasi ang piyesta sa bayan ng
Buenavista, Marinduque. Manggagaling pa sa Quezon City sinaJane.

59
Sagutin ang sumusunod:

• Ano ang usapan ng mag-pinsang sina Brenda at Jane?


• Ano-ano ang katangian ng mga lugar na madadaanan nila
Jane mula sa Lucena City hanggang sa Buenavista?

Lugar Katangian

Lucena City

Balanacan

Buenavista

60
Gawain 1 Isulat

Batay sa pisikal na mapa ng sariling rehiyon, isulat ang mga


nakikitang mga pisikal na katangian ng mga lalawigan. Isulat sa
sariling sagutang papel.

MIMAROPA
Pangalan ng Mga simbolong Ipinapahiwatig na
Lalawigan nakikita sa mapa katangiang pisikal
1 Mindoro
2 Marinduque
3 Romblon
4 Palawan
5 Occidental Mindoro
61
Gawain 2 Tara na!

Halina't tayo’y maglakbay. Alam mo ba ang mga natatanging


lugar sa iyong lalawigan sa MIMAROPA at mga karatig nito? Sabihin
kung saan matatagpuan ang mga kilalang anyong- tubig at anyong-
lupa na nasa larawan. Piliin ang sagot sa kahon at isulat sa sariling
sagutang papel.

Mt. Malindig sa Marinduque

Bundok Iglit sa Occidental Mindoro



Underground River sa Palawan

White Beach sa Oriental Mindoro


62
Gawain 3 Iguhit Mo

Iguhit ang anyong-tubig o anyong-lupa na makikita sa iyong


lalawigan. Buuin ang brochure tungkol dito at hikayatin ang mga tao
na pumunta rito sa pamamagitan ng paglalarawan ng kagandahan
nito.

Ang aking lalawigan ay _____________________.


Makikita dito ang tanyag na _______________________.
Ang anyong tubig/lupa na ito ay ____________________
marami ang pumupunta dito dahil __________________
kaya't inaanyahan namin kayo na dalawin ang
tanyag na lugar na ito sa aming lalawigan. Dahil
dito, masisiyahan kayo.

63
Buuin ang bawat pangungusap upang ilarawan ang iba't ibang
lalawigan sa sariling rehiyon. Gawing batayan ang mga napag-
aralang pisikal na katangian ng rehiyon. Pumili ng sagot sa kahon.
Isulat sa sariling sagutang papel.

1. Ang malaking bahagi ng lalawigan ng __________ay


bulubundukin.
2. Sa lalawigan ng Marinduque makikita ang natatanging
anyong-lupa na __________.
3. Sa lalawigan ng __________ makikita ang anyong tubig na
pinakamaganda sa buong Pilipinas.
4. Nakawiwili ang natatanging dalampasigan na may maputing
buhangin ng __________ sa lalawigan ng __________.
5. Sapagkat ang lupain ng lalawigan ng __________ ay karagatan,
pangingisda ang pangunahing pangkabuhayan ng mga
tao dito.
6. Maraming turista ang dumadayo sa lalawigan ng __________
dahil sa natatanging anyong tubig nito.
7. May mga lalawigan sa rehiyon na bulubundukin kagaya ng
lalawigan ng __________ na mabuting lugar sa pagsasaka.
8. Kapatagan naman ang malaking bahagi ng lalawigan ng
__________.
9. Napapalibutan ng tubig ang lalawigan ng __________
kung kaya sagana ito sa yamang dagat.
10. Ang lalawigan ng __________ ay may malawak na dagat
kung kaya’t pangingisda ang isa sa mga pangkabuhayan
ng mga tao dito.
64
Mindoro Bundok ng Malindig Puerto Galera
Underground River Manuraya Island
Marinduque Romblon Puerto Princesa
Occidental Mindoro Oriental Mindoro

65
Aralin 8: Ang mga Anyong-Tubig at Anyong- Lupa
sa Aming Rehiyon

Marami bang turista ang pumupunta sa ating lalawigan?


Marahil, dahil sa magagandang anyong-lupa at anyong-tubig na
makikita rito. Di ba’t naririnig natin na dinarayo ang mga talon,
lawa, ilog, at look sa ating lugar? Hindi ba’t dinarayo din naman ang
mga natatanging anyong-lupa kagaya ng mga kagubatan at mga
bulubunduking bahagi ng ating lalawigan?

Kung iisipin, ang ilan sa mga ito ay nagpapatanyag at


nagpapakilala sa ating rehiyon. Marami ang dumarayo sa mga
natatanging anyong-lupa at anyong-tubig ng lalawigan. Karamihan
sa pinagkukunan ng pangkabuhayan ng mga tao sa lalawigan ay
ang mga anyong-lupa at anyong-tubig. Mahalagang pangalagaan
ang mga anyong-lupa at anyong-tubig ng ating rehiyon. Kaya’t halika
at muling tuklasin ang kagandahan ng ating mga anyong- lupa at
anyong-tubig.

Sa araling ito, inaasahang ikaw ay:

1. makatutukoy ng iba’t ibang anyong-tubig at anyong-lupa ng


sariling lalawigan at mga karatig lalawigan sa rehiyon;
2. makapaghahambing ng mga pangunahing anyong-lupa at
anyong-tubig ng mga lalawigan sa sarili at ibang rehiyon; at
3. makapagpapakita ng pagmamalaki sa mga anyong- tubig at
anyong-lupa sa mga lalawigan ng sariling rehiyon sa
pamamagitan ng pagawa ng polyeto o poster.
66
#25 Narra St. Lopez
Quezon 4316

Mahal kong Aiza,

Kumusta na? Maganda dito sa lugar na napuntahan


ko. Sana mayroon nito sa atin. Ano kaya ang mga tanawin
na matatagpuan sa atin? Mayroon din ba tayong mga
tanawin na kagaya nito? Sana sa susunod kasama na
tkita dito.

Ang nagmamahal mong kaibigan,


Joey

Ang mga rehiyon ay may mga anyong-lupa at anyong-tubig


na natatangi at nagpapatanyag sa bawat lalawigan nito. Kapag
binanggit ang ilan sa mga anyong- lupa at anyong-tubig na ito,
agad naaalala ng mga tao ang lalawigan kung saan matatagpuan
ito. Tuklasin natin ang ilan sa mga ito na makikita sa ating rehiyon at
sa karatig nito.

67
Ang Rehiyong MIMAROPA ay binubuo ng limang lalawigan
ng Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Marinduque, Romblon at
Palawan. Kilala rin ito bilang Timog Katagalugan na sagana sa lupain
at katubigan.

Maraming anyong lupa at anyong tubig ang kilala sa iba’t


ibang lalawigan ng rehiyon. Matatagpuan sa Mindoro ang kilalang
Bundok ng Halcon, na ika-3 sa pinakamataas na bundok sa bansa.
Sa Oriental Mindoro naman matatagpuan ang Talon ng Tamaraw at
puting baybayin na dinarayo ng mga turista . Sa mga bulubunduking
lugar ng Romblon matatagpuan ang mga naglalakihang marmol. Sa
Palawan ay makikita ang isa sa pitong kahangahangang tanawin sa
mundo, ang Underground River. Sa lalawigan ng Occidental Mindoro
masisilayan ang Mt. Iglit-Baco na tinitirahan ng ipinagmamalaking
tamaraw.

Ang Rehiyong MIMAROPA naman ay sadyang pinagpala ng sari-


saring anyong-lupa at anyong-tubig. Ang mga turista ay dumarayo
pa upang makita ang mga tanyag na ito. Matatagpuan sa Mindoro
ang kilalang Bundok ng Halcon, na pangatlo sa pinakamataas na
bundok sa bansa. Sa Oriental Mindoro naman matatagpuan ang
Talon ng Tamaraw at puting baybayin ng Puerto Galera na dinarayo
ng mga turista.

Sa Marinduque, matatagpuan ang aktibong bulkan ng Malindig.
Sa Palawan ay makikita ang isa sa tinanghal na pinakabagong
pitong kahanga-hangang tanawin sa mundo, ang Puerto Princesa
Underground River (PPUR).

68
Pag-aralan natin ang mga katangian ng ilang anyong- lupa
at anyong-tubig ng bawat lalawigan. Ano kaya ang masasabi natin
tungkol sa mga ito? Alin kaya dito ang nagpapakilala ng bawat
lalawigan? Mayroon bang mga natatanging anyong-lupa at anyong-
tubig sa inyong lalawigan?

Mga anyong lupa sa rehiyon Mga anyong tubig sa rehiyon


Taas/ lawak Taas/ haba/
lawak
Bundok Halcon 2,586 m Talon ng 423 ft.
Tamaraw
Bulkan ng 1,157 m Baybayin ng
Malindig Puerto Galera
Bundok ang 75,445 ha Underground 8.2 km
Iglit-Baco River
Tubbataha 97,030 ha
Reef
Bundok Halcon

Mount Halcon o Monte Halcón ay isang bundok na matatagpuan


sa isla ng Mindoro sa Pilipinas. Ito ay may taas na 2,586 metro at
itinuturing na ika-18
pinakamataas na peak sa
Pilipinas.
Taas mula sa lupa:2,586 m
Katanyagan: 2,586 m

https://www.google.com.ph/?gfe_rd=ctrl&ei=vKUJU-
WbKciJ8QfNnYHgCw&gws_rd=cr#q=MT.%20HALCON

69
Bundok Malindig

(Kilala rin sa tawag na Bundok Malindik at Bundok Marlangga)


ay isang potensiyal na aktibong stratovolcano sa isla ng Marinduque
sa Pilipinas. Ang pangalang Marinduque ay maaaring nagmula sa
salitang “Marindik” o “Malindik” ayon sa kwento ng mga naninirahan
sa Buenavista, isang bayan sa paanan ng bundok Malindig. Noon
daw panahon ng mga Espanyol ay isang sundalo ang naligaw at
nakita niya ang isang babaeng naka-upo at naghihirang ng palay
sa bigas. Tinanong niya ito kung ano ang pangalan ng lugar na iyon.
Sumagot ang babae ng “matindig”
upang makita niya
ang itinuturo ng sundalo. Hindi siya
naunawaan nito kaya tinawag niya
ang lugar na “Malindig” sang-ayon
sa pagkabigkas niya sa salitang
“Matindig”.
Taas mula sa lupa: 1,157 m (3,796 ft)
Katanyagan: 1,157 m (3,796 ft)
Lokasyon: Marinduque
http://en.wikipedia.org/wiki/Mount_Malindig

Bundok Iglit-Baco National Park

Protektadong lugar sa Pilipinas at isang ASEAN Heritage Park


na matatagpuan sa gitna ng Pilipinas sa isla ng Mindoro. Ito ay may
kabuuang sukat na 75,445 ektarya at
nakapalibot sa mga bundok ng Iglit at
Baco sa gitnang bahagi ng Mindoro.
Ang parke na ito ay naitayo noong
1970 sa pamamagitan ng Batas
Republika Blg. 6148. Noong 2003 ay
ibinilang ng Association of Southeast
70
Asian Nations ang parke bilang isa sa apat na mga heritage parks
sa Pilipinas. Ito ay naging nominado rin sa listahan ng mga UNESCO
World Heritage Sites.
http://en.wikipedia.org/wiki/Mounts_Iglit-Baco_National_Park

Puerto Princesa Subterranean River National Park

Isang protektadong lugar sa Pilipinas na matatagpuan


limampung kilometro (50 km) mula sa Puerto Princesa Palawan. Ang
ilog na ito ay kilala rin sa tawag na Puerto Princesa Underground River.
Ang National Park na ito ay matatagpuan sa Saint Paul Mountain
Range sa bandang hilaga ng isla. Ang mga hangganan nito ay ang
St. Paul Bay sa hilaga at ang
Babuyan River sa silangan. Ito
ay pinangangasiwaan ng
Pamahalaang Panlungsod ng
Puerto Princesa simula pa noong
1992. Mararating ang pook na ito
sa pamamagitan ng pagdaan
sa Bayan ng Sabang.

Bahurang Tubbataha Natural Park (Tubbataha Reefs Natural Park)

Isang protektadong lugar sa Pilipinas na matatagpuan sa gitna


ng Dagat Sulu. Ang tirahan
ng mga ibon at mga lamang
dagat na binubuo ng dalawang
malalaking atoll (Ang Hilagang
Atoll at ang Timog Atoll). Makikita
rin dito ang maliit na Jessie
Beazley Reef na may kabuuang
http://thecoraltriangle.com/uploads/default/content/
tropical-reef-fish_00440524.jpg sukat na 97,030 ektarya (239,800
71
acres; 374.6 sq mi). Ito ay may 150 kilometro (93 mi) mula sa Lungsod
ng Puerto Princesa at matatagpuan sa timog silangang bahagi nito.
Ang mga islang walang naninirahan at mga bahura ay bahagi ng
Bayan ng Cagayancillo, Palawan na matatagpuan 130 kilometro
(81) mula sa hilagang silangan ng mga bahura.
http://en.wikipedia.org/wiki/tubbataha_reef

Sagutin ang sumusunod na tanong:

1. Ano-ano ang nabanggit na anyong-tubig at anyong- lupa sa


iba’t ibang rehiyon?
2. Anong masasabi mo tungkol sa bawat isang anyong- lupa at
anyong-tubig na nabanggit sa talata?

Lugar Anyong-lupa/ Pangalan Katangian


Anyong-tubig
Marinduque bundok Bundok ng mataas,
Malindig maganda

3. Ano pang ibang mga anyong-tubig at anyong-lupa sa iyong


rehiyon ang alam mo? Ano-ano ang mga katangian nito?
4. Paano naapektuhan ng anyong-lupa at anyong- tubigang uri ng
pamumuhay ng mga tao sa kinalalagyan nito?
5. Paano ka makatutulong sa pagpapanatili ng kagandahan ng mga
anyong-lupa at anyong-tubig sa rehiyon?

72
Gawain 1 Pagtatala

Iba-iba ang mga anyong-lupa o anyong-tubig na makikita


sa ilang lalawigan sa rehiyon. Isulat ang ilan sa mga ito sa sariling
sagutang papel.

73
Gawain 2 Pagkumparahin Natin

Batay sa talata, subukin na paghambingin ang ilan sa mga


anyong-lupa at anyong-tubig sa rehiyon. Maaaring sundan ang
pattern sa ibaba.

(Isahang Gawain)

Batay sa datus sa talata, subukin na paghambingin ang ilan sa


mga anyong lupa at anyong tubig sa rehiyon. Maaring sundan ang
pattern sa ibaba.

Hal. Ang bundok ng Iglit-Baco ay mas maliit kumpara sa bundok ng


Halcon.
1. __________________________________________________
2. _________________________________________________
3. __________________________________________________
4. __________________________________________________

Gawain 3 Maisasabuhay Mo Kaya?

A. Ipinagmamalaki mo ba ang mga natatanging anyong- lupa o


anyong-tubig sa iyong lalawigan o rehiyon? Paano mo
maipakikita ito? Hikayatin mo ang iyong mga kaibigan sa ibang
lugar na bisitahin ang alin man sa mga natatanging anyong-
lupa at anyong-tubig sa inyong lalawigan, sa mga karatig na
lalawigan, o sa rehiyon. Pumili ka ng isa na pinakagusto mo.
B. Matapos itong gawin, gumawa ng limang pangungusap
tungkol sa maaaring epekto sa pamumuhay ng mga tao ng
mga natatanging anyong- lupa o anyong-tubig na ito sa
kinalalagyang lugar.
C. Gawin ito sa isang malinis na papel.

74
A. Ano-anong uri ng anyong-lupa at anyong-tubig ang makikita sa
mga natatanging lugar sa ating rehiyon? Pumili ng apat gamit
ang talahanayan sa ibaba at isulat ito sa sariling sagutang
papel.

Pangalan ng Lugar Uri ng Anyong-lupa/tubig


Occidental Mindoro
Marinduque
Romblon
Palawan
Oriental Mindoro
Bundok Malindig
Bondok Halcon
Underground River
Tubbataha Reef
Mt. Iglit
B. Tingnan ang datos sa ilang pangunahing anyong-lupa/
anyong-tubig sa mga lalawigan ng MIMAROPA at karatig
rehiyon . Paghambingin ang mga katangian ayon sa datos
nito.
Anyong Tubig Anyong Lupa
Laki Taas
Bahurang 97,030 Ha. Bundok 2,586 m
Tubbataha Halcon
Talon ng 390 ft. Bulkan ng 1157 m
Pagsanjan Malindig
Talon ng 423 ft.
Tamaraw
75
Aralin 9: Pagkakaugnay-ugnay ng mga Anyong-
Tubig at Anyong-Lupa sa Aking Lalawigan at Rehiyon

Matapos pag-aralan at maihambing sa nakaraang aralin ang


iba’t ibang pangunahing anyong-lupa at anyong-tubig ng iba’t ibang
lalawigan sa sariling rehiyon, tatalakayin naman ang pagkakaugnay-
ugnay nito sa bawat isa.

Alamin natin kung ano-ano ang mga anyong-tubig at anyong-


lupa na magkakaugnay sa rehiyon at karatig nito.

Sa araling ito, inaasahang ikaw ay:

1. masasabi ang pagkakaugnay-ugnay ng mga anyong-tubig


at anyong-lupa sa sariling lalawigan at rehiyon; at
2. mapahalagahan ang pagkakaugnay-ugnay ng mga anyong-
tubig at anyong-lupa sa sariling lalawigan at rehiyon.

76
Bigkasin nang maayos ang tula at sabay-sabay na isagawa.

Sa ating lalawigan ay matatagpuan,


mga bundok, burol, talampas, at kapatagan,
ilog, lawa, talon, at dagat ay mapaliliguan
sapagkat mayaman ito sa likas na yaman.

Anyong-lupa at anyong-tubig ating pag-ugnayin


upang makilala rehiyong kinabibilangan natin.
Ating alagaan at ganda'y panatilihin ipagmalaki
ito at ating mahalin.

77
Ang Rehiyong MIMAROPA ang isa sa dalawang rehiyon sa bansa
na walang hangganang kalupaan sa mga karatig rehiyon.Ang mga
lalawigan nito ay napaliligiran ng iba’t-ibang anyong tubig. Ilan sa
mga ipinagmamalaki ng rehiyon ay mga nagagandahang baybayin
na may mapuputing buhangin; White Beach sa Puerto Galera, Oriental
Mindoro, Ambulong Island sa Occidental Mindoro, Manaha Beach at
Batom Beach sa Romblon.

Ang mga kweba tulad ng Lis Ong na matatagpuan sa isla ng


Corcuera, Romblon at ang kamangha manghang Kweba ng Bathala
na may lawak na 19 na hektarya kung saan nakapaloob ang 8 pang
mga maliliit na kweba na matatagpuan sa pulo ng Marinduque ay
mga tanawin na kawili-wili sa rehiyon.

Dito rin makikita ang mga malilit na mga isla na nakapalibot


sa mga lalawigan tulad ng; Isla de Gallo sa San Fernando, Romblon,
Isla ng Maniwaya sa Marinduque at Isla ng Ambulong sa Occidental
Mindoro. Ang mga naggagandahang reef tulad ng Apo Reef na
pangalawa sa pinakamalaki sa mundo na nasa Occidental Mindoro
ay kaugnay ng Tubbataha Reef sa Palawan na mga kahanga-
hangang lugar na may likas na kagandahan.

Ang mga kabundukan, isla, kweba, baybayin at reef ay pawang


magkakaugnay sa rehiyon sapagkat ang mga ito ay pawang
nakakalat sa bawat lalawigan sa MIMAROPA.

78
Sagutin ang sumusunod na tanong:

1. Paano nagkakaugnay ang mga kabundukan,isla, kweba, at mga


baybayin sa rehiyon nag MIMAROPA gaya nang:
a. White Beach sa Puerto Galera?
b. Kweba ng Bathala sa Marinduque?
c. Isla de Gallo sa Romblon?
d. Bahura ng Tubatahah sa Palawan?

Gawain 1 Itala
(Pangkatang Gawain)

Itala ang magkakaugnay na anyong lupa at anyong tubig sa inyong


lalawigan gamit ang mapang topograpiya ng Rehiyong MIMAROPA.

MAPANG TOPOGRAPIYA NG
REHIYONG MIMAROPA

79
1. Pumili ng lider at tagatala upang maipon ang mga datos na
kailangan.
2. Isulat sa talahanayan o talaan ang magkakaugnay na mga
anyong lupa at anyong tubig na matatagpuan sa bawat
lalawigan at ipaliwanag ito.

Lalawigan: _____________
Magkaugnay na Anyong Lupa Paliwanag
at Anyong Tubig

3. Iulat ang natapos na gawain ng bawat pangkat. Gamitin ang


nakahandang rubric sa ibaba.

Mga Batayan

1. Naipaliwanag nang may kawastuhan ang


pagkakaugnay ng mga anyong lupa at anyong
tubig na matatagpuan sa bawat lalawigan
ayon sa mapang topograpiya.
2. Naitala nang may kawastuhan ang
pagkakaugnay ng mga anyong lupa at anyong
tubig na matatagpuan sa bawat lalawigan
ayon sa mapang topograpiya.
3. Naipakita nang may kawastuhan ang
pagkakaugnay ng mga anyong lupa at anyong
tubig sa pamamagitan ng pagsasabi nito ayon
sa nakita sa mapang topograpiya.
4. Napahalagahan ang mga anyong lupa at
anyong tubig sa pamamagitan ng pagsasabi
ng kaugnayan nito sa isa’t-isa ayon sa nakita sa
mapang topograpiya.
5. Nakiisa sa mga gawaing pangkatan ayon sa
hinihingi ng pangkat at ng aralin.
80
Gawain 2 Iulat
(Isahang Gawain)

Panuto :
1. Sagutin ang inihandang katanungan.
2. Sumulat ng limang pangungusap tungkol sa tanong.
3. Iulat ang isinagawang gawain sa malikhaing paraan
4. Pag-aralan ang batayan ng iyong pagkamit ng puntos.

Tanong:
Paano nagkakaugnay-ugnay ang mga anyong mga lupa at
anyong tubig?

Gawain 3 Magsaliksik
(Pangkatang Gawain)

Magsaliksik ng mga anyong lupa at anyong tubig sa iyong


rehiyon na magkakaugnay. Ano ano ang mga ito?

Gumuhit ng mga magkakaugnay na anyong lupa at anyong


tubig sa inyong lalawigan at rehiyon sa isang malinis na papel.

Kulayan ito ayon sa kagustuhan ng pangkat at hinihingi ng


pagkakataon. Pag-aralan ang mga dapat tandaan upang makakuha
ng mas mataas na puntos ang pangkat.

81
Gumamit ng sariling sagutang papel sa pagsagot sa mga
tanong. Basahing mabuti ang mga katanungan. Sumulat ng dalawa
o higit pang pangungusap upang sagutin ang mga ito.

I. Paano naaapektuhan ang pamumuhay ng mga mga lalawigan


na nasa may baybaying dagat?

II. Ano ang kahalagahan ng pagkakaugnay-ugnay ng mga anyong


lupa at anyong tubig sa mga lalawigan sa rehiyon sa kabuhayan
na mga tao doon?

82
Aralin 10: Paggawa ng Mapa ng Mahahalagang
Anyong-Tubig at Anyong-Lupa sa Sariling Lalawigan
at Rehiyon at mga Karatig Nito

Ang mapa ay isang mahalagang instrumento upang matunton


ang mga lugar na hindi kilala. Iba’t ibang mapa ang maaaring
gamitin. Karamihan sa mga mapang ito ay nagpapakita ng iba’t
ibang layunin. Kung nais natin makita kung anong uri ng produkto
ang mayroon sa isang lugar, maaaring nating tingnan ang kanilang
mapang pang- ekonomiya. Kung nais naman alamin ang uri ng
klima sa isang lugar, maaaring tumingin sa kanilang mapang pang-
klima. Mainam ito kapag nais natin pumunta sa lugar na iyon upang
mapaghandaang mabuti sa paglalakbay. Ang pinakaraniwang
mapa na ating napag-aralan ay ang mapang pang-topograpiya.

Sa pag-aaral ng lalawigan at rehiyon, mahalagang matutuhan


ang paggamit at paggawa ng mapa. Ito’y upang magsilbing gabay
sa lubusang pagkilala ng katangiang-pisikal ng sariling lalawigan,
rehiyon, at ng karatig nito.

Sa araling ito, inaasahang ikaw ay:

1. makagagawa ng payak na mapa na nagpapakita ng


mahahalagang anyong-lupa at anyong-tubig sa sariling
lalawigan at rehiyon; at
2. makagagamit ng mapa sa pagtukoy ng mahahalagang
anyong-lupa at anyong-tubig sa sariling lalawigan at
rehiyon.

83
Gumawa Tayo ng Mapa

Naalala mo ba ang dayuhan na pumunta sa ating lalawigan?


Hindi ba ipinakilala natin ang ating lalawigan sa kanila? Paano kung
hindi nila napuntahan lahat ng mga magagandang tanawin sa atin?
Siguro kailangang bigyan na lang natin sila ng mapa upang matunton
nila ang ating lugar. Halika, gawa tayo ng mapa.

Paano nga ba gumawa ng mapa? Ano ang ating kailangan?


Narito ang ating gagawin. Narito ang isang halimbawa nang mapang
pisikal sa ating rehiyon.
84
1.Ang mapa ay isang larawan ng mga bagay sa ating lalawigan.
Iba-iba man ang mapa, pumili ka ng kaya mong gawin.
Mas mainam na gawin ang pisikal na mapa upang maipakita
ang anyong-lupa at anyong-tubig sa mga bisita. Ano na nga
ba ang mga anyong-lupa at anyong-tubig sa inyong lalawigan?
Isulat ang mga pangalan sa talaan.

Pangalan ng Anyong-lupa Pangalan ng Anyong-tubig

2. Naalala mo ba ang mga simbolong nakikita sa mapa?


Iguhit ang mga ito sa tabi ng mga anyong-lupa at anyong-
tubig na itinala.

85
Halimbawa:
Pangalan ng Anyong-lupa Pangalan ng Anyong-tubig

Bundok Malindig Talon ng Tamaraw

3. Naalala mo ba ang iba’t ibang direksiyon na iyong napag-aralan?


Subukin nga isipin kung saang direksiyon papunta ang mga
naisulat na mga anyong-lupa at anyong-tubig. Ilagay natin sa
mga kahon. Iwanang blanko ang kahon kapag walang makita
sa nasabing direksiyon.

86
4. Ngayong naiisip mo na kung saang banda ang mga anyong-lupa
at anyong-tubig, alamin naman kung gaano kalayo ang mga
ito sa isa’t isa. Hindi maaaring iguhit ang aktuwal na distansiya
sa mapa, kaya kailangan gawan ng pananda ng distansiya.
Subuking alamin ang pananda ng distansiya sa mga sumusunod.

• Gaano kalayo ang bituin sa tatsulok?


• Gaano naman kalayo ang bituin sa bilog?
• Gaano kalayo ang bituin sa parisukat?

Ang bawat guhit sa ruler ay 1 (cm) sentimetro. Kung gagawing 1


cm ay 1 kilometro (km), ilang kilometro ang layo ng bituin sa tatsulok?
Tama ang iyong sagot kung ang sagot mo ay 10 kilometro. Sagutin
ulit ang mga tanong sa itaas. Sabihin:

• Ang layo ng bituin ay __________ kilometro sa bilog.


• Ang bituin ay __________ kilometro ang layo sa parisukat.

Paano mo malalaman ang layo ng bilog at tatsulok? Paano mo


naman malalaman ang layo ng tatsulok sa parisukat?

Balikan ang naisulat ninyong mga anyong-lupa at anyong-


tubig. Lagyan ng distansiya ang mga anyong-lupa at anyong-tubig
sa iyong mapa batay sa inyong karanasan. Sa ngayon, hindi pa
ito ang tamang distansiya. Ngunit ito ay pagtatantiya kung gaano
kalayo ang lugar sa isa’t isa.

87
Sa palagay mo ba makagagawa ka ng pisikal na mapa ng
iyong lalawigan at rehiyon? Gumawa at ipakita sa mga kaklase
pagkatapos.

Sagutin ang mga sumusunod:

1. Ano ang dapat na makita sa mapa?


2. Ano-ano ang kailangan natin malaman upang makagawa
ng pisikal na mapa?

Gawain 1 Tukuyin

Batay sa pisikal na mapa ng iyong rehiyon, tukuyin ang mga


lalawigan na tinutukoy ng mga pahayag. Isulat ang tamang
kasagutan sa patlang.

(Isahang Gawain)
Batay sa pisikal na mapa ng iyong rehiyon, tukuyin ang mga
lalawigan na tinukoy ng mga sumusunod na pahayag. Isulat ang
tamang kasagutan sa patlang.

_________1. Dito makikita ang Underground River.


_________2. Tampok sa lugar na ito ang kuweba ng Bathala.
_________3. Ang kuweba ng Lis Ong ,Manaha at Batom Beach ang
tampok sa lugar na ito.
_________4. Sa lalawigang ito makikita ang White Beach Resort.
_________5. Matatagpuan dito ang Apo Reef at Bundok Iglit-Baco.

88
Gawain 2 Unawain
(Pangkatang Gawain)

Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na sitwasyon.


Sagutin ang mga katanungan sa TASK CARD sa bawat istasyon.Buuin
ang puzzle ng mapa ng mga lalawigan pagkatapos nito.

89
90
Gawain 3 Pahalagahan

Gumawa ng mapa ng sariling rehiyon. Ipakita ang mga


natatanging mga anyong-lupa at anyong-tubig ng mga lalawigan.
Isipin ang direksiyon at distansiya sa bawat anyong-lupa at anyong-
tubig na makikita sa bawat lalawigan. Ilagay ang mga simbolo ng
bawat isa.

Huwag kalimutang isulat ang mga pangalan ng mga ito sa


tabi ng guhit na sumisimbolo sa kanila. Ipakita sa mga kaklase ang
nagawa.

A. Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na kalagayan. Isulat


ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

Buwan ng Mayo kung kaya't panahon na ng


bakasyon. Ang magpipinsang Gemma, Benilda, at Jenny
ay mga bata mula sa ikatlong baitang. Nais nilang
magbakasyon sa kanilang lolo at lola sa Marinduque.
Subalit hindi nila alam ang patungo roon. Dahil abala rin
ang kanilang mga magulang sa paghahanap-buhay ay
hindi sila masasamahan sa pagtungo roon. Tanging isang
nakatatandang kapatid lamang ni Gemma ang maaaring
sumama sa kanila. Sila ay kasalukuyang nakatira at nag-
aaral sa Paaralang Sentral ng Buenavista . Sinabihan sila
ng kanilang magulang na magdala ng mapa upang hindi
sila mawala.

91
1. Sa pagpunta nila Gemma, Benilda, at Jenny sa Marinduque, ano
ang kailangan nilang makita sa mapa?
a. ang mga daanan papunta sa Marinduque
b. kung gaano kataas ang bundok sa Malindig
c. kung ano ang kabisera ng Marinduque
d. ang mga pangalan ng lokal na namumuno

2. Aling mapa ang gagamitin nila para mas madali nilang matunton
ang Paaralang Sentral ng Buenavista?
a. mapang pang-klima
b. mapang pang- ekonomiya
c. mapang pangkultura
d. mapang pisikal

B. Gumawa ng mapa ng rehiyon upang matulungan sina Gemma,


Benilda, at Jenny sa pagpunta sa kanilang mga lolo at lola.
Kulayan ng dilaw ang lalawigang madaraanan nila at pula sa
mga lalawigang hindi nila madaraanan.
Lagyan ng mga simbolo ng mga anyong- lupa at anyong-tubig
ang mga lalawigan.

92
Aralin 11.1: Ang mga Lugar na Sensitibo sa
Panganib Batay sa Lokasyon at Topograpiya

May mga panganib na naidudulot ang ating kapaligiran.


Mahalagang malaman kung ano-ano ang mga likas na panganib
na ito upang mapaghandaan at maiwasan ang anumang sakuna
na maaaring maidulot nito. Bilang bansa na nasa daanan ng bagyo,
nakararanas tayo ng maraming bagyo sa buong taon. Nakakaranas
din tayo ng mga pagyanig ng lupa. Hindi natin ito malaman kung
kailan mangyayari. Kung tag-init naman, minsan na tayong nakaranas
ng matinding init ng panahon o sa tag- ulan naman, sobrang dami
ng ulan na nagdudulot ng matinding pagbaha.

Sa pag-aaral ng ating sariling lalawigan at rehiyon, mahalagang


matukoy at malaman ang mga lugar na sensitibo sa panganib.
Ipinababatid nito kung ano ang kaugnayan ng topograpiya at
lokasyon ng lalawigan o rehiyon sa maaaring maibungang panganib
sa pamumuhay natin.

Sa araling ito, inaasahang ikaw ay:

1. makapagtutukoy ng mga lugar na mapanganib sa sariling


lalawigan at rehiyon gamit ang hazard map;
2. makagagawa ng mga hakbang bilang; at paghahanda sa
mga posibling sakuna sa sariling lalawigan at rehiyon.

93
7.1 Magnitude na Lindol: Yumanig sa Oriental Mindoro

Araw ng Martes,madaling araw ng Nobyembre 15, 1994 ginising


ang mga mamamayan ng lalawigan ng isang pagyanig na may
lakas na 7.1 ,na kumitil sa 78 katao .Ang malaking pinsala ay natamo
ng mga bayan ng Baco at Calapan dahil sa tsunami. Sa 7,566
apektadong kabahayan ,1530 dito ang nawasak at di na maaaring
tirhan.Malaking bitak sa mga kalsada ,pinsala sa mga imprastraktura
ang idinulot ng lindol.Takot at pangamba ang nadama ng mga
mamamayan sapagkat sinundan pa ito ng mga manakanakang
94
pagyanig. Ideneklara ng nakaupong gobernador ng lalawigan ang
suspensyon ng klase hanggang Nobyembre 18 araw ng Biyernes
sapagkat lubhang mapanganib para sa mga mag aaral ang bumalik
agad sa paaralan.

Alam natin na ang buong bansa ay nakatungtong sa tinatawag
na “PACIFIC Ring of Fire” kung saan maraming lugar ang may aktibong
bulkan at paggalaw
ng mga kontinente
Preliminary Geohazard group of Mindoro Island
na nararanasan ng
buong bansa. Hindi
lang lindol ang ating
dapat paghandaan
andyan ang bagyo
na laging may
dalang panganib.
Anong paghahanda
ang dapat gawin sa
mga panahon ng
bagyo? Bagaman
hindi malaman kung
kailan magkakaroon
ng lindol, anong
paghahanda ang
maaring gawin
kapag may lindol?

Mahalaga na
makialam sa mga
panganib na maaring idulot ng kapaligiran. Pansinin ang Geo Hazard
Map. Dito makikita ang mga lugar na nasa fault line na nagpapakita
ng mga lugar na maaring bahain.

95
Ang madidilim na linya ay tumutukoy sa mga lugar na malaking
porsyento ang pagkakataon na mangyayari ang pagbaha. Batay sa
mapa, saang mga lugar ito sa ating rehiyon? Ano ang paghahanda
na dapat gawin upang maiwasan ang sakuna.

Flood Hazard Map ng Oriental Mindoro


96
Gawain 1 Paghandaan Natin
(Pangkatang Gawain)

Pag-aralan ang mga lugar na sensitibo sa panganib batay sa


lokasyon at topograpiya nito gamit ang iba’t ibang hazard maps.
Ang bawat pangkat ay inaasahang natutukoy at natatalunton sa
iba’t ibang hazard maps ang mga lugar na sensitibo sa panganib.

Pangkat 1 at 2:
Paksa: Pagguho ng Lupa
Kagamitan: Mapa ng Pagguho ng Lupa
• Pag-aralan ang mapa ng pagguho ng lupa.
• Italunton ang mga lugar na maaaring labis na maapektuhan
ng pagguho ng lupa.

Mga Gabay na Tanong:


• Aling mga lugar ang may mataas na antas na maaaring
maapektuhan ng pagguho ng lupa?
• Bakit kaya mas mataas ang posibilidad ng pagguho ng lupa
sa mga lugar na ito?
97
98
Pangkat 3 at 4:
Paksa: Bagyo
Kagamitan: Mapa ng Tinatayang Bagyo sa Bawat Taon
• Pag-aralan ang Mapa ng Tinatayang Bagyo sa Bawat Taon.
• Italunton ang mga lugar na maaring maapektuhan ng bagyo.

Mga Gabay na Tanong:


• Aling mga lugar ang mataas ang antas na maapektuhan
ng bagyo?
• Aling lugar ang katamtamang antas na maaaring maapektuhan
ng bagyo?
• Aling mga lugar ang mababa ang antas na maaapektuhan
ng bagyo?
Pangkalahatang Dami ng Bagyo sa Ibat- ibang
Panig ng Pilipinas sa Buong Taon
Bilang ng bagyo
3.7 bagyo
2.1 bagyo
1.9 bagyo
1.1 bagyo
0.6 bagyo
0 bagyo

99
Gawain 2 Punan at Isulat
(Isahang Gawain)

Punan ng impormasyon ang “Data Retrieval Chart.” Itala ang


pangalan ng lalawigan sa mga hanay ng mga sensibong panganib
na maaaring maranasan dito

100
Baha Lindol Bagyo Pagguho ng
lupa

Oriental Mindoro Marinduque


Occidental Mindoro Romblon
Palawan

Mga tanong:

• Ano-ano ang mga natural na panganib na karaniwang nararanasan


ng ating lalawigan/lungsod? Rehiyon?
• Aling mga lugar sa rehiyon ang sensitibo sa mga panganib?
• Ano-anong mga kalamidad ang nararanasan ng bawat lalawigan/
lungsod sa lugar?
• Ano ang katangian ng mga lugar na ito?
• Ano ang kaugnayan ng lokasyon at topograpiya sa nararanasang
kalamidad sa ating rehiyon?
• May mga lungsod/lalawigan ba na maraming panganib na
kinakaharap? Ano-ano ito?
• May mga lungsod/lalawigan ba na walang panganib na
kinakaharap?

101
Gawain 3 Sundin
(Pangkatang Gawain)

Isagawa ng buong pangkat. Sundin ang mga dapat tandaan


sa pangkatang gawain.

1. Gumupit ng tig-isang larawan o news clip ng mga kalamidad


na naganap sa ating rehiyon at naganap sa ibang rehiyon.
Sa dalawa hanggang tatlong pangungusap paghambingin
ang dalawang larawan ng mga kalamidad
2. Gumamit ng sagutang papel sa pagsulat ng mga pangungusap.
Maaring sagutin ang mga sumusunod na gabay na tanong.
a. Ano ang kalamidad na naganap sa lalawigan at
rehiyon?
b. Ano ang nangyari sa mga tao at ari-arian?
c. Ano ang mga pagtugon ng mga tao sa kalamidad?
d. Gaano naman ang mga pinsalang dulot ng kalamidad
kung ikumpara sa nangyari sa ibang rehiyon?

Bukod sa panganib ng bagyo, mapanganib din ang paglindol.


Pansinin ang Fault Line Map sa susunod na pahina. Ang mapang ito
ay nagpapakita ng mga lugar na maaaring magiging sentro ng
paglindol. Ang madidilim na linya ay tumutukoy ng mga lugar na
malaking porsyento ang pagkakataon na mangyayari ang paglindol.
Batay sa mapa, saang mga lugar ito sa ating rehiyon? Ano ang
paghahanda na dapat gawin upang maiwasan ang sakuna

102
Pag-aralan ang mapa ng tinatayang paglindol, pagbaha, at
paglindol ng lupa. Sagutin ang mgatanong

1. Aling lalawigan ang may mataas na antas na makaranas at


makaramdam ng malakas na lindol?
A. Boac B. Gasan C. Buenavista D. Mogpog

2. Aling lungsod ang may mababang antas na makaranas at


makaramdam ng malakas na lindol?
A. Torrijos B. Gasan C. Buenavista D. Boac

103
Tingnan ang mapa sa itaas. Pag-aralan ang mga panandang ginamit
at sagutin ang mga tanong.

3. Anong mga lugar sa MIMAROPA ang may “active fault”?


________________________________________________________
4. Aling mga lugar sa MIMAROPA ang may “transform fault”?
_________________________________________________________
5. Ano-anong mga lugar ang may panganib sa “liquefaction”?
_________________________________________________________

104
Tingnan naman natin ang kalagayan nang mga kapatid natin
sa karatig rehiyon sa Timog Katagalugan. Mayroon ding panganib
silang nararanasan sa pagguho na lupa. Tingnan natin ang mapa sa
ibaba at sagutin ang mga tanong.

Landslide Prone Areas

Mababang antas na maaaring pagguhong lupa


Katamtamang antas na maaaring pagguho ng lupa

Mataas na antas na maaaring pagguho nglupa

8. Mataas ang antas na makaranas ng pagguho ng lupa sa lalawigan


ng Mindoro at Marinduque dahil ang malaking bahagi ng mga
ito ay __________.
A. mga nasa tabing dagat
B. mga kagubatan
C. mga kapatagan
D. mga bulubundukin

105
7. Mababa ang antas na makaranas ng pagguho ng lupa ang
lalawigan ng Oriental Mindoro dahil .
A. ito ay nasa kapatagan
B. ito ay isang isla
C. malapit ito sa Maynila
D. maraming pabrika dito

8. Batay sa mapa ng mga lugar na landslide prone, alin sa mga


lalawigan ang malaking posibilidad na magkakaroon ng
pagguho ng lupa?
A. Marinduque
B. Palawan
C. Romblon
D. Oriental Mindoro

9. Ano-ano ang mga lugar na malapit sa mga bulubundukin?


A. Mindoro at Marinduque
B. Romblon at Palawan
C. Oriental at Occidental Mindoro
D. Puerto Princesa at Puerto Galera

10. Aling mga bahagi sa mapa ang maaaring laging nakakaranas ng


pagguho ng lupa?
A. malapit sa kabundukan
B. malapit sa tabing dagat
C. malapit sa kalsada
D. malapit sa kabahayan

106
Aralin 11.2: Maagap at Wastong Pagtugon sa
mga Kalamidad

Ayon sa Philippine Disaster Report 2012, isa ang Pilipinas sa


pinakamaraming naranasan na sakuna dulot ng kalikasan sa buong
mundo. Tinatayang mahigit sa labindalawang (12) milyon na katao
ang apektado sa mga pagbaha, paglindol, at iba pang panganib. Sa
naturang datos, ang Pilipinas ang may pinakamaraming namatayan
sa mga ganitong pangyayari sa nasabing taong 2012. Patuloy ang
mga nararanasan na panganib tulad ng bagyo, lindol, at pagguho ng
lupa ng ating bansa. Kung kaya’t nararapat lamang na talakayin
ang mga bagay na maaaring magawa ng mga batang kagaya mo
sa mga ganitong pagkakataon.

Sa pag-aaral ng ating sariling rehiyon, mahalagang matukoy


ang maagap at wastong pagtugon sa mga kalamidad na madalas
maranasan. Mahalagang malaman ang wastong paghahanda
sa mga kalamidad, kung ano ang dapat gawin bago, habang, at
pagkatapos ng kalamidad.

Sa araling ito, inaasahang ikaw ay:

1. makapagtutukoy ng mga wastong pagtugon sa mga


kalamidad na madalas maranasan sa sariling rehiyon; at
2. makapagsasagawa ng maagap at wastong pagtugon sa
mga kalamidad na madalas maranasan sa rehiyon.

107
Nag-uusap ang magkakaibigang Jose, Marco, Ana, at Linda
ukol sa mga nangyari pagkatapos ng pananalanta ng Bagyong
Ondoy.

Jose: Sabi ng Inay, grabe daw ang nangyari noong


Bagyong Ondoy.
Ana: Oo, sabi ni Kuya Mario, umabot hanggang baywang
ang baha noong siya ay nasa paaralan niya.
Linda: Ang tanging naalala ko, malakas ang tunog ng radyo
sa bahay. Tila ito ay nagsasabi na maraming tao ang
naapektuhan ng bagyo. Marami nag mga humingi
ng tulong para sila ay mailikas.
Marco: Marami ang hindi nakapaghanda sa mabilis na
pagtaas ng baha.
108
Sagutin ang mga sumusunod na tanong
1. Ano ang nangyari noong bumagyo?
2. Ano ang naranasan ng mga tao?
3. Bakit sila humingi ng tulong?
4. Ano ng nararapat gawin sa pagdating ng isang bagyo?
5. Paano ka makakapaghanda sa panahon ng bagyo?

Gawain 1 Isadula
(Pangkatang Gawain)

Pangkat 1:
Paksa: Maagap at Wastong Pagtugon sa lindol
Graphic Organizer: Tree Diagram
Estratehiya sa Pag-uulat: Dula-dulaan

• Pumili ng pinuno ng pangkat.


• Maglunsad ng “Brain Storming” ukol sa maagap at wastong
pagtugon sa lindol.
• Gawin ang graphic organizer at ihanda ang dula-dulaan.

Maagap at Wastong Pagtugon sa Lindol

Bago Mangyari ang Lindol


• Maghanda ng emergency kit tulad ng flashlight,battery
powered radio,ekstrang baterya at first aid kit.
• Magplano kung saan magtatago o tatakbo upang maging
ligtas.
• Maging kalmado para makapag-isip ng tama.
109
Sa Panahon ng Lindol
• Pumunta sa isang lugar na puwedeng taguan na hindi ka
matatamaan ng mga nahuhulog na bagay.
• Huwag lumapit sa bintana ,salamin,ref,at iba pang mabigat
na kagamitan.
• Kung nagluluto ka patayin ang stove bago magtago.

Pagkatapos ng Lindol
• Tingnan kung may nasaktan at pumunta sa pinakamalapit na
ospital.
• Kung may bitak ang gusali na kinaroroonan mo ay lumabas
agad .Siguraduhin na ligtas ito bago bumalik.
• Kung nakaamoy ka ng gas lumabas sa bahay o gusali at
buksan ang mga bintana at pinto .Kung kaya mo, patayin
ang gas o ireport sa gas company o bumbero.

110
Pangkat 2:
Paksa: Maagap at Wastong Pagtugon sa Pagbaha
Graphic Organizer:
Estratehiya sa Pag-uulat: News Casting
• Pumili ng pinuno ng pangkat.
• Maglunsad ng “Brain Storming” ukol sa maagap at wastong
pagtugon sa pagbaha.
• Gawin ang graphic organizer at ihanda ang news casting sa
pag-uulat.

Pangkat 3:
Paksa: Maagap at Wastong Pagtugon sa Bagyo
Graphic Organizer: Concept map
Estratehiya sa Pag-uulat: News Casting
Pumili ng lider ng pangkat
1. Maglunsad ng “Brain Storming” tungkol sa maagap at
wastong pagtugon sa Bagyo.
2. Gawin ang graphic organizer at ihanda ang news casting sa
pag-uulat.

Pangkat 4:
Paksa: Maagap at Wastong Pagtugon sa Pagguho ng Lupa,
Graphic Organizer: concept map
Estratehiya sa Pag-uulat: Dula-dulaan
• Pumili ng lider ng pangkat.
• Maglunsad ng “Brain Storming” tungkol
• sa maagap at wastong pagtugon sa pagguho ng lupa.
• Gawin ang graphic organizer at ihanda ang dula-dulaan sa
pag-uulat.

111
Maagap at Wastong Pagtugon sa Pagguho ng Lupa

Bago ang pagguho ng Lupa


• Tukuyin ang mga lugar na mataas ang posibilidad ng pagguho
at iwasang magtayo ng anumang istruktura rito.
• Maging alerto kung nakaroon ng lindol o kaya ay malakas at
matagal na pag-ulan na maaring maging sanhi ng
pagguho
• Gumawa ng maayos na plano sa paglikas kung gumuho ang
lupa.

Sa Panahon ng pagguho ng lupa


• Agad na lisanin ang lugar patungo sa mas mataas na pwesto.

Pagkatapos ng pagguho ng lupa


• Makinig sa balita tungkol sa naganap na kalamidad
• Lumayo muna sa lugar na gumuho dahil baka may kasunod
pang pagguhong mangyari
• Magpatulong sa mga rescuers kung may nangangailangan
ng tulong sa gumuhong lupa

112
Gawain 2 Punan
(Isahang Gawain)

Punan ng impormasyon ang “Data Retrieval Chart.”

Mga Maagap at Wastong Pagtugon sa mga Kalamidad


Lindol Baha Bagyo Pagguho ng
Lupa
1.

2.

A. Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng


tamang sagot at isulat sa iyong sagutang papel.

1. Sa panahon ng bagyo nararapat na ako ay __________.


a) maligo sa ulan
b) manatili sa loob ng bahay
c) sumilong sa ilalim ng mesa
d) mamasyal sa labas ng bahay

2. Kapag lumilindol kailangang kong .


a) manatiling nakaupo sa sariling upuan
b) mataranta at magsisigaw
c) sumilong sa ilalim ng mesa
d) itulak ang aking mga kamag-aral

113
3. May bagyong parating kaya’t ako ay .
a) makikinig ng balita tungkol sa bagyo
b) babaliwalain ang mga babala
c) magtatago sa ilalim ng mesa
d) mamamasyal sa parke

4. Malakas ang ulan kaya bumaha sa inyong lugar. Ano ang nararapat
mong gawin?
a) Ipagwalang-bahala ang pagtaas ng tubig.
b) Mag-imbak ng tubig ulan upang ipanlinis.
c) Makipaglaro sa mga kaibigan sa baha.
d) Sumunod kaagad sa panawagang lumikas.

5. Nakatira kayo sa gilid ng bundok at malakas ang ulan. Napansin


mong malakas na ang agos ng tubig mula sa bundok at may
kasama na itong putik. Ano ang nararapat mong gawin?
a) Maglaro sa ulan.
b) Lumikas na kaagad.
c) Manatili na lamang sa bahay.
d) Paglaruan ang putik mula sa bundok.

114
B. Itambal ang mga pangungusap sa Hanay A sa Hanay B. Isulat ang
titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

Hanay A Hanay B
Pagtugon sa mga Kalamidad Mga Kalamidad

1. Iwasang lumusong sa tubig A. bagyo


2. Pagsasagawa ng earthquake B. baha
drill sa mga paaralan C. lindol
3. Lumikas na ng tirahan kung D. pagguho ng lupa
malakas na ang agos ng E. ulan
tubig mula sa bundok
4. Kung malakas na ang ihip ng
hangin manatili na lamang
sa loob ng bahay

115
Aralin 12: Ang mga Pangunahing Likas-Yaman sa
mga Lalawigan sa Rehiyon

Marahil ay alam mo na kung gaano kayaman sa likas na


yaman ang bansang Pilipinas. Ang bawat lugar dito ay biniyayaan
ng maraming likas na yaman na nakukuha sa iba’t ibang anyong-
lupa at anyong-tubig. Alamin kung ano- ano ang likas na yaman
na matatagpuan sa iba’t ibang lalawigan ng isang rehiyon sa ating
bansa.

Sa araling ito, inaasahang ikaw ay makapaglalarawan ng


pangunahing likas na yaman na matatagpuan sa iyong lalawigan o
rehiyon.

116
Mga Likas ng Yaman ng Rehiyong MIMAROPA

Ang Rehiyong MIMAROPA ay Katatagpuan ng mga bundok at


mga baybaying dagat sapagkat ito ay binubuo ng mga kapuluan.
Binubuo ang Rehiyong MIMAROPA ng mga lalawigan ng Oriental
Mindoro, Occidental Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan.

Ang Rehiyong ito ay kilala sa taguring “Gateway to the Southern
Philippines”, simula nang buksan ang Strong Republic Nautical
Highway. Kilala rin ito sa tawag na “Food Basket of Metro Manila and
CALABARZON” sapagkat dito nagmumula ang mga pangunahing
kalakal na iniluluwas sa kamaynilaan at mga karatig na Lungsod. Ito
ang patunay na ang mga lupain sa rehiyon ay sagana, mataba at
pinagkukunan ng mga pangunahing pagkain.

117
Ang pangingisda ay isa rin sa
pinagkukunan ng kabuhayan ng mga
mamamayan sa buong rehiyon.

Matatagpuan din sa rehiyon ang
malaking deposito ng marmol.Ito ay
nasa lalawigan ng Romblon.

Ang mga mamamayan sa lalawigan


ng Marinduque ay kilala sa paggawa
ng bagoong na isda.

Makikita rin sa Rehiyon ang mga sumusunod na yamang tubig :


Lambingan Falls, Manaha at Batom Beach sa lalawigan ng Romblon;
talon ng Bulusukan at Hinulugan sa Marinduque; St. Paul Underground
River at Tubbataha Reef sa Palawan ; Apo Reef sa Occidental Mindoro;
at Talon ng Tamaraw sa Oriental Mindoro. Ang Bundok Halcon
(Mindoro), Bundok Iglit-Baco (Occidental Mindoro), bundok Guiting-
Guiting at kweba ng Lis-Ong (Romblon), Bundok Malindig at kweba
ng Bathala (Marinduque), malawak na kagubatan (Palawan)ay ilan
lamang sa mga yamang lupa na matatagpuan sa rehiyon.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:


1. Anong Rehiyon ang tinalakay sa iyong binasa?
2. Ano ang tawag sa Rehiyong MIMAROPA? Bakit?
3. Ano-anong mga lalawigan ang kabilang dito?
4. Ano-anong yamang-lupa ang makikita sa bawat lalawigan sa
Rehiyong MIMAROPA? Yamang-tubig?
5. Ano-anong yamang gubat ang matatagpuan dito?
6. Ano-anong yamang mineral ang mayroon dito?
7. Ganito rin ba sa iyong lugar? Ano-anong likas na yaman ang
matatagpuan sa inyong lalawigan o rehiyon?

118
Gawain 1 Suriin Natin
Pangkatang Gawain

Ano-ano ang yamang lupa at tubig sa sariling rehiyon? Ano-ano


naman ang yaman sa karatig na rehiyon? Pag- usapan sa sariling
pangkat at punan ng impormasyon ang Venn Diagram. Gawin ito sa
sagutang papel.

Yamang Yamang
Lupa/Tubig Lupa/Tubig
Sa Dalawang
Sariling rehiyon rehiyon Sa Ibang rehiyon
1.__________ 1.__________ 1.__________
2.__________ 2.__________ 2.__________
3.__________ 3.__________ 3.__________

119
Gawain 2 Punan Natin

Ilagay ang mga pangunahing likas na yaman ng mga lalawigan


sa sariling rehiyon sa data retrieval chart. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.
Mga Yamang-Lupa Yamang-Tubig Yamang- Yamang-
Lalawigan Mineral Gubat
sa Rehiyon
MIMAROPA
Oriental
Mindoro
Occidental
Mindoro
Marinduque

Romblon

Palawan

Gawain 3 Hanapin
(Isahang Gawain)

Hanapin ang mga pangunahing likas na yamang matatagpuan


sa Rehiyong MIMAROPA. Piliin ang sagot sa “Loop a Word” isulat sa
mga patlang na nasa ibaba.
M U S C B A B O Y T
A B I F S Q N M K A
N O A S I N X A O L
G D A K S H L N R O
A M A R M O L L A N
A P R K L N O K L M
O O N K H G D A E E
J G B A S K E T S R
K A G U B A T A N Y
P A L A Y Z G K I T

120
Mga Pangunahing Likas na Yaman ng Rehiyong MIMAROPA
1.____________________________________________________________
2.____________________________________________________________
3.____________________________________________________________
4.____________________________________________________________
5.____________________________________________________________
6.____________________________________________________________
7.___________________________________________________________
8.____________________________________________________________
9.____________________________________________________________
10.___________________________________________________________

I. Basahin at unawain ang sumusunod na pahayag batay sa


datos tungkol sa mga pangunahing produkto ng mga
lalawigan sa Region IV-B Tukuyin ang pinakatamang sagot sa
bawat tanong/pahayag. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
patlang.

Produksiyon ng mga Produkto ng Region IV-B


Produkto Bilang ng produksiyon kung ikumpara sa buong
bansa
niyog Una sa lahat ng rehiyon
Palay Una sa lahat ng rehiyon
pinya Una sa lahat ng rehiyon
isda Pangalawa sa lahat ng rehiyon
pagmimina Pampito sa lahat ng rehiyon
Mais Panglabingisa sa lahat ng rehiyon
2006-2013 Country Stat Philippines
121
1. Alin ang pangunahing produkto ng rehiyon?
a. niyog, palay, pinya
b. niyog, isda, pagmimina
c. niyog, pinya, mais
d. niyog, pagmimina, isda

2. Alin kaya ang mas angkop na dahilan kung bakit isda ang isa sa
mga pangunahing produkto ng rehiyon?
a. Ang malaking bahagi ng rehiyon ay anyong- tubig.
b. Ang malaking bahagi ng rehiyon ay kapatagan.
c. Ang malaking bahagi ng rehiyon ay bulubundukin.
d. Ang malaking bahagi ng rehiyon ay kagubatan.

3. Alin ang likas yaman ng Rehiyong B na naangkop sa produksiyon


ng isda?
a. mayabong na kagubatan
b. malawak na pastulan
c. malawak na dagat
d. bundok na mayaman sa mineral

Produksiyon ng mga Produkto ng Region IV-MIMAROPA


Produkto Bilang ng produksiyon kung ikumpara sa buong
bansa
Palay Pangwalo sa lahat ng rehiyon
Baboy Panglabindalawa sa lahat ng rehiyon
Calamansi huli sa lahat ng rehiyon
Niyog Pansampu sa lahat ng rehiyon
Saging Pangsiyam sa lahat ng rehiyon
Baka Panglabingtatlo sa lahat ng rehiyon
2006-2013 Country Stat Philippines

122
4. Alin ang pangunahing produkto ng Rehiyong MIMAROPA?
a. niyog
b. palay
c. saging
d. baka

5. Ano kaya ang mas angkop na dahilan kung bakit mas malaki ang
produksiyon sa pagsasaka kaysa sa pagpapastol?
a. Mas malawak ang bukid upang magsaka.
b. Mas malawak ang dagat upang mangisda.
c. Mas mayabong ang kagubatan ng rehiyon.
d. Mas malapit ang rehiyon sa mga industriya.

6. Ano kaya ang mas angkop na dahilan kung bakit mas mataas ang
produksiyon ng niyogkaysa sa palay?
a. Mas marami ang bukid na tinataniman ng palay.
b. Mas marami ang nagmimina sa mga bundok.
c. Marami ang naghahanap buhay sa pangingisda.
d. Mas marami ang nagtotroso sa kagubatan.

7. Ano ang maaaring dahilan kung bakit nangunguna ang rehiyon sa


produksiyon ng calamansi?
a. Malawak ang dagat na pangisdaan ng rehiyon.
b. Naangkop ang lupa sa pagtatanim ng kalamansi.
c. Sagana sa yamang mineral ang kabundukan.
d. Mas gusto ng mga tao ang magtrabaho sa opisina.

123
Produksiyon ng mga Produkto ng Region IV-MIMAROPA
Produkto Bilang ng produksiyon kung ikumpara sa buong
bansa
Baboy Pangalawa sa lahat ng rehiyon
Manok Pangalawa sa lahat ng rehiyon
Itlog Una sa lahat ng rehiyon
Palay Panglabinglima sa lahat ng rehiyon
Niyog Panglima sa lahat ng rehiyon
Tubo (asukal) Panglabingtatlo sa lahat ng rehiyon
2006-2013 Country Stat Philippines

8. Ano ang pangunahing produkto ng rehiyon?


a. tubo
b. niyog
c. itlog
d. manok

9. Aling likas yaman ng rehiyon ang naangkop sa produksiyon ng


tubo?
a. mayabong na kagubatan
b. malawak na pastulan
c. malawak na dagat
d. bundok na mayaman sa mineral

10. Ano ang mas angkop na dahilan kung bakit nangunguna ang
rehiyon sa produksiyon ng asukal?
a. Malawak ang dagat na pangisdaan ng rehiyon.
b. Mataba ang lupain sa pagtatanim ng tubo.
c. Sagana sa yamang mineral ang kabundukan.
d. Mas gusto ng mga tao magtrabaho sa opisina.

124
Aralin 13.1: Wasto at Di-Wastong Pangangasiwa ng
Likas na Yaman ng Sariling Lalawigan at Rehiyon

Sa nagdaang aralin ay naisa-isa mo ang mga likas- yaman sa


iba’t ibang lalawigan ng inyong rehiyon.

Sa araling ito, alamin ang mga paraan ng wasto at di- wastong


pangangasiwa ng mga likas-yaman. Tatalakayin din ang bawat
pamamaraan upang higit mong maunawaan ang kahalagahan nito.

Sa araling ito, inaasahang ikaw ay:

1. makapagsusuri nang wasto at di-wastong paraan ng


pangangasiwa sa mga likas-yaman ng sariling lalawigan
at rehiyon; at
2. makapagpapahalaga sa mga paraan ng matalinong
pangangasiwa ng likas-yaman sa sariling lalawigan at
rehiyon.

125
126
Pag-aralan ang mga larawan. Lagyan ng ang kahon sa
gawing itaas nito kung sa palagay mo ay wastong pangangasiwa at
kung hindi wasto.

• Lahat ba ng nasa larawan ay nagpapakita ng wastong


pangangasiwa sa likas na yaman?
• Alin ang nagpapakita ng wastong paggamit ng likas- yaman?
Ipaliwanag ang sagot?
• Alin ang hindi? Bakit mo nasabi ito?

127
Pangangasiwa sa Likas na Yaman

Kilala ang Pilipinas sa pagkakaroon ng masaganang likas na


yaman. Mayroon tayong mayamang kagubatan, pangisdaan,
at minahan sa ating kapaligiran na nakatutulong sa pag-unlad ng
pamumuhay at katatagan ng ating kabuhayan. Makikita ang mga
ito sa iba’t ibang lalawigan o rehiyon ng ating bansa.

Paano natin mapapangalagaan ang mga ito? Ano- anong


paraan o hakbang ang dapat gawin ng isang lalawigan o rehiyon
upang mapangasiwaan nang wasto ang mga likas-yaman na
matatagpuan sa kanilang lugar? Narito ang ilang salik sa wasto at di-
wastong pangangasiwa ng mga likas-yaman.

Pangangasiwa sa Yamang Kagubatan


Wastong Pangangasiwa Di-Wastong Pangangasiwa
1. Maagap na pagtatanim sa 1. Hindi pagsasaalang-alang
mga nakakalbo o tiwangwang sa masidhing kampanya hinggil
na gubat sa global deforestation

2. Pagpigil sa gawaing 2. Pagkakaingin


pagkakaingin
3. Walang tigil na pagputol
3. Pagputol ng punong may ng mga punongkahoy sa
sapat na gulang lamang kagubatan

4. Pagtatanim ng punlang puno 4. Pagmimina nang kulang ang


bilang kahalili ng pinutol na puno kaalamang panteknolohiya

5. Paghuli ng mga ibon

128
Pangangasiwa sa Yamang Tubig
Wastong Pangangasiwa Di-Wastong Pangangasiwa
1. Pag-iwas sa paggamit ng mga 1. Paggamit ng dinamita,
kasangkapang nakapipinsala sa koryente, lason o cyanide, at
pangingisda pagsasagawa ng sistemang
muro-ami (paggamit ng pinong
2. Pag-iwas sa paggamit lambat sa pangingisda)
ng bangkang de motor sa
pangingisda 2. Pagtatapon ng dumi o basura
sa mga anyong-tubig
3. Pagsasaayos sa
lugar ng bakawan sa 3. Kumbersyon ng mga
pangingisda bakawan sa aquaculture
(fishpond)
4. Paggamit ng lambat na may
malalaki o katamtamang mga 4. Pagtatapon sa dumi ng mga
butas pabrika sa mga katubigan na
nagdudulot ng polusyon
5. Hindi pagtatapon ng dumi at
basura sa ilog, dagat, lawa, o 5. Pagpapabaya sa pagdami ng
sapa water lily na nakahahadlang
sa pagdaloy ng tubig

6. Pagtatayo ng mga bahay-


eskwater sa baybay-ilog

129
Pangangasiwa sa Yamang Mineral
Wastong Pangangasiwa Di-Wastong Pangangasiwa
1. Pagkontrol sa polusyong idudulot 1. Paghuhukay upang magmina ng
ng pagmimina walang pahintulot

2. Pag-aaral sa makabago at 2. Pagsasagawa ng pagmimina kahit


siyentipikong pamamaraan ng walang sapat na kaalaman
pagmimina sa bansa
3. Pagtatapon ng pinagminahan sa
3. Pag-ingat sa pagkasira ng ilog na nagiging sanhi ng polusyon sa
lupang- minahan tubig

Pangangasiwa sa Yamang Lupa


Wastong Pangangasiwa Di-Wastong Pangangasiwa
1. Pagpapalit ng pananim upang 1. Ginagawang subdibisyon,
makatulong sa pagpapanatili ng mall, pabrika, sementeryo, at golf
pagiging mataba ng lupa course ang mga lupain sa halip na
pagtatanim
2. Muling pagtatanim ng mga ng pangunahing pagkain
puno upang mapigilan ang
pagguho ng lupa 2. Labis na paggamit ng mga kemikal
at pataba
3. Paggamit ng mga nabulok na
dahon, basura, at dumi ng hayop 3. Pagpapalit ng pananim sa
sa kompos pit bilang pataba ng mas pagkakakitaang pananim para
lupa maipagbili sa ibang bansa tulad ng
asparagus, prutas, at iba pa sa halip
4. Pagtatanim sa pagitang ng na palay, mais, at tubo
mga pananim upang ang lupang
ibabaw ay mapanatiling mataba.

130
Sagutin ang mga tanong:

1. Ano ang kahalagahan ng mga likas na yaman sa tao?


2. Ano ang mangyayari kung hindi mapapangasiwaan nang wasto
ang mga likas na yaman?
3. Ano ang dapat gawin ng mamamayan sa isang lalawigan o
rehiyon upang mapangasiwaan nang wasto ang kanilang mga
likas na yaman?
4. Bilang isang mag-aaral may maitutulong ka ba upang
mapangasiwaan nang may katalinuhan ang mga likas na
yaman sa inyong lalawigan o rehiyon? Paano?
5. Maliban sa mga natalakay tungkol sa wasto at di- wastong
pangangasiwa sa likas na yaman, mayroon ka pa bang
maidadagdag? Ano-ano ang mga ito?

Gawain 1 Iguhit

Gumawa ng poster tungkol sa wastong pangangasiwa ng likas


na yaman. Sumulat ng maikling talata tungkol sa ginawa. Isulat din
ang mga halimbawa ng hindi matalinong pangangasiwa ng likas
yaman.

Pangkat I – Yamang-Lupa
Pangkat II – Yamang-Tubig
Pangkat III – Yamang-Gubat
Pangkat IV – Yamang-Mineral

131
Gawain 2 Punan

Ano-ano ang naisip ninyong mga gawain ng matalinong


pangangasiwa ng likas yaman? Punan ang cluster map ng hinihinging
impormasyon. Isulat ang sagot ng pangkat sa sagutang papel

132
Gawain 3 Pahalagahan

Gumawa ng islogan kung paano mapapahalagahan ang


sumusunod na likas na yaman.

Pangkat I - Yamang-Mineral
Pangkat II - Yamang-Lupa
Pangkat III - Yamang-Tubig
Pangkat IV - Yamang-Kagubatan

Iguhit ang masayang mukha sa patlang kung wastong


pangangasiwa sa likas na yaman ang ipinahihiwatig ng pangungusap
at malungkot na mukha kung hindi wasto. Gawin ito sa sagutang
papel.

___1. Ang basura ay itinatapon sa kanal, sapa, ilog, at dagat.


___2. Gumagamit ng maliit na butas ng lambat sa panghuhuli ng isda.
___3. Nagtatanim na muli bilang pamalit sa mga pinutol na puno.
___4. Nagwawalis ng bakuran at kapaligiran upang mapanatiling malinis.
___5. Pagsusunog ng mga bundok upang gawing kaingin.
___6. Nagdidilig ng mga halaman para maging sariwa at mabuhay ito.
___7. Pitasin ang mga bulaklak at bungangkahoy sa mga lugar na
pinupuntahan.
___8. Pagpuputol ng mga puno na matatagpuan sa kabundukan.
___9. Paggamit ng lason sa panghuhuli ng hipon at isda sa ilog at sapa.
___10. Paghihiwalay ng mga basurang nabubulok at hindi nabubulok.

133
Aralin 13.2: Ang Wastong Pangangasiwa ng Likas-
Yaman: Kaunlaran ng Rehiyon at mga Lalawigan

Sa katatapos na aralin, nagkaroon ka ng batayang kaalaman


tungkol sa mga paraan ng matalino at di- matalinong pangangasiwa
ng likas na yaman. Natutunan mo rin ang wastong pangangalaga nito.
Masusing tatalakayin ang kinalaman ng matalinong pangangasiwa
ng likas na yaman sa pag-unlad ng sariling lalawigan at rehiyon.

Sa araling ito, inaasahang ikaw ay:

1. makabubuo ng konklusyon na ang wastong pangangasiwa


ng likas na yaman ay may kinalaman sa pag-unlad ng
sariling lalawigan at rehiyon; at
2. makapagbibigay ng mga halimbawa ng lalawigan o rehiyon
na umunlad dahil sa wastong pangangalaga ng kanilang
likas na yaman.

134
Pansinin ang mga larawan.

135
• Ano ang inihahatid na mensahe ng bawat larawan?
• Ano ang epekto ng mga gawain ng tao sa kapaligiran?
• Paano natutulungan ng ganitong mga gawain ang kabuhayan
ng mga tao dito?

Alamin natin kung ano ang epekto ng wastong pangangasiwa


ng likas yaman sa mga tao. Narito ang artikulo tungkol sa tanyag
na likas na yaman ng isang lalawigan. Ano ang ipinakita ng mga
taga roon upang mapanatili ang kanilang likas yaman. May mga
ganitong gawain rin ba sa inyong lalawigan?

Ang Puerto Princesa Underground River


(PPUR)

Ang Puerto Princesa ay isang 1st class na lungsod at ang


pangunahing lungsod ng lalawigan ng Palawan sa Rehiyong B. Tanyag
ang lungsod sa mga crocodile farm, mga ilog sa ilalim ng lupa, at
mga dive spot. Sa Puerto Princesa rin matatagpuan ang itinatagong
ganda ng ating bansa. Ito ay ang Puerto Princesa Underground River.
Isa ito sa mga 7 Wonders of Nature na kinilala ng buong mundo. Ito
ay dahil sa magagandang
porma ng mga limestone
sa loob nito. Maraming
hayop ang makikita rito.
Makakapasok ka sa loob ng
kuweba sa pamamagitan
ng isang bangka.

Ang kulay ng tubig ay luntian at asul. Maraming turista ang


pumupunta rito dahil sa kabighabighaning tanawin at kapanapanabik
na karanasan.

136
Sa loob ng kuweba ay may naggagandahang stalactites at
stalagmites na may iba’t ibang korte at imahe. Mayroon ding ilang
mga malalaking chamber. Sa bukana ng kuweba ay may lagoon
at doon matatagpuan ang mga halaman na tumutubo sa gilid ng
tubig. Maraming hayop na makikita rito tulad ng unggoy, monitor
lizard, paniki, at squirrel.

Dahil sa katangiang ito ng underground river, naging sentro


ito ng turismo sa lalawigan na nagbibigay ng malaking ambag sa
kanilang ekonomiya dahil sa pondong nalilikom mula sa mga turista,
lokal, o international. Naging malaking tulong ito sa kanilang pag-
unlad. Dumami ang naglalakihang mga istruktura at nagkaroon ng
maraming trabaho para sa mamamayan ng lalawigan.

Pangangasiwa ng PPUR

Paano pinapangasiwaan ng lalawigan ang Puerto Princesa


Underground River upang mapanatili ang kaunlaran ng turismo at
ekonomiya sa lugar? May mga ipinatutupad na batas sa mga turista
o dayuhan na gustong mamasyal sa Underground River. Dahil sa
katanyagan ng lugar, ang gobyerno ay nagpataw ng mga patakaran

137
ukol sa Puerto Princesa Underground River Tour. Narito ang ilan sa mga
ito:
• Bawal Pumasok Nang Walang Pahintulot-
Upang panatilihin ang kagandahan ng parke, ang pamahalaang
lungsod ay nagtakda ng limitasyon sa bilang ng mgaturista
ng papunta sa parke araw-araw. Tanging 900 turista lamang
ang pinapayagang pumasok. Ang panukalang ito ay nagsisiguro
na sa paraang ito, ang parke ay mananatili sa mahabang
panahon at ang turismo ay hindi magkakaroon ng negatibong
epekto sa parke.

• Huwag Pakainin Ang Mga Unggoy.


Para sa sariling kaligtasan at para sa mga unggoy na nakasalalay
sa mga gubat, ang pagkahalintulad ng normal nilang gawain,
ang pagpapakain o pagbibiro sa mga ito ay hindi ipinapahintulot.
May ilang turista na nangahas magpakain sa mga ito sa kabila
ng pagbabawal. Bilang resulta, ang ilang mga unggoy ay may
posibilidad na mang-agaw ng pagkain mula sa mga bisita.
Kaya, upang mapabalik ang mga ito sa kanilang natural na
pagkuha ng kanilang pagkain at upang maiwasan ang pinsala,
ipinapayo na huwag silang pakainin. Iwasan ang pagdadala
ng plastic bag o anumang supot sapagkat maaaring isipin ng
mga unggoy na ito ay pagkain kaya posible nila itong agawin.
Ito ay magdudulot ng pinsala sa tao.

138
Sagutin ang mga tanong:

1. Ano ang likas na yaman sa Puerto Princesa na tanyag sa buong


mundo at dinarayo ng mga turista?
2. Ano-ano ang ilan sa mga alituntuning ipinatutupad sa Puerto
Princesa Underground River upang mapanatili ang kagandahan
at kaayusan nito?
3. Sa palagay mo, kung hindi mapapangasiwaan nang maayos ang
Underground River, marami pa kayang turista ang bibisita rito?
4. Paano nakatutulong sa lalawigan ang mga alituntuning ito sa pag-
unlad ng: kapaligiran, kabuhayan, turismo?
5. Maliban sa Puerto Princesa Underground River, mayroon ka bang
alam na iba pang likas na yaman na pinagkukunan ng kita ng
isang lalawigan o rehiyon?
6. Paano ito nakakatulong sa kanilang pag-unlad?
7. Kung ikaw ay isasama upang mamasyal sa Puerto Princesa
Underground River, susundin mo ba ang mga ibinigay na mga
alituntunin? Bakit?

Gawain 1 Iguhit
Pangkatang Gawain

Gumawa ng poster ng sumusunod batay sa itinakda sa inyong


pangkat. Maaaring gamitin ang likas yaman ng sariling lalawigan.

Pangkat I -Pagpapanatiling malinis ng kapaligiran


Pangkat II -Pag-aalaga ng mga punongkahoy
Pangkat III -Pagtitipid sa tubig
Pangkat IV-Wastong Pangingisda
139
Gawain 2 Halina
Indibidwal na Gawain

Batay sa larawan, ipaliwanag kung paano ito nakatutulong sa


pag-unlad ng isang lugar.

1. Ano ang ipinapakita sa larawan?


Paano ito nakatutulong sa pag-unlad ng
kabuhayan?

2. Ano ang ipinapakita sa larawan?


Paano ito nakatutulong sa pag-unlad ng
kapaligiran?

3. Ano ang ipinapakita sa larawan? Paano


ito nakatutulong sa pag-unlad ng turismo?

Gawain 3 Ang Aking Tula


Pangkatang Gawain

Pangkat I-IV – Sumulat ng maikling tula o awit kung paano


nakakatulong sa pag-unlad ang wastong pangangasiwa sa kalikasan.
Lagyan ito ng magandang pamagat.
140
A. Sagutin at ipaliwanag sa maikling talata ang sumusunod.

1. Ano-anong likas na yaman ng iyong lalawigan ang pinagkukuhanan


ng hanapbuhay ng mga tao?
Halimbawa:
Likas Yaman Pangunahing
Mayamang dagat Hanapbuhay
pangingisda
Pangunahing
Likas Yaman Hanapbuhay
1. __________ 1. __________
2. __________ 2. __________
3. __________ 3. __________
4. __________ 4. __________
5. __________ 5. __________
2. Bakit mahalaga na pangalagaan ang mga likas na yaman?
3. Ano ang mga gawain na nakapagpapanatili ng likas na yaman?

B. Magtala ng mga lalawigang umuunlad dahil sa wastong


pangangalaga ng kanilang likas na yaman. Itala kung anong
likas na yaman ang nakakatulong sa kanilang pag-unlad.
Halimbawa:
Marinduque: Pag-iingat sa mga yamang tubig

a.____________________________________________________
b.____________________________________________________

141
Aralin 14: Ang Kapaligiran ng Aking Lalawigan at
mga Karatig na Lalawigan sa Rehiyon

Lakbayin ang ating lalawigan at mga karatig lalawigan nito sa


rehiyon gamit ang mapa. Paano mo mailalarawan ang katangiang
pisikal ng ating lalawigan at rehiyon? Ang huling aralin na ito ay
pagbubuod ng larawan ng ating lalawigan at rehiyon. Mahalagang
kaalaman ang mga natatanging pisikal na katangian ng ating
lalawigan at rehiyon upang madali natin mailalarawan ang sariling
nating lalawigan at rehiyon. Sa pag-alam ng mga katangiang ito,
hindi lamang makikilala ang ating lalawigan at mga karatig-lalawigan
sa rehiyon.

Sa araling ito, inaasahang ikaw ay:

1. makapagtutukoy ng ilang katangiang pisikal katulad ng klima,


panahon, lokasyon, at kabuuang kaanyuan ng kapaligiran
ng sariling lalawigan at ng mga karatig-lalawigan ng
rehiyon gamit ang mapa;
2. mapahahalagahan ang mga natatanging katangiang pisikal
at kabuuang kaanyuan ng pisikal na kapaligiran ng sariling
lalawigan at karatig- lalawigan ng rehiyon; at
3. makabubuo ng sariling interpretasyon o paglalarawan ng
kapaligiran ng kinabibilangang lalawigan at karatig-
lalawigan ng rehiyon.

142
Ang Rehiyong MIMAROPA ay nasa Timog Katagalugan. Ang mga
karatig rehiyon ay ang Rehiyong CALABARZON sa Hilaga, Rehiyon V sa
Silangan at Rehiyon VI Timog Silangan, Dagat Sulu sa Timog at Timog
Dagat China sa Kanluran . Ang mga lalawigan na nasasakupan nito
ay pawang mga napalilibutan ng katubigan at walang nag-uugnay
na kalupaan maliban sa dalawang lalawigan ng Mindoro. Sa isla
ring ito matatagpuan ang pinakasentro ng rehiyon, ang Lungsod ng
Calapan.

143
Sa kabuuan, ang Rehiyong MIMAROPA ay sagana sa mga
produktong pang-agraryo at pandagat dala marahil sa matabang
lupa para sa sakahan at ng mahabang baybayin. Makikita sa
kabuuan ng Mindoro ang malaking bundok ng Halcon na naghahati
sa Occidental at Oriental Mindoro. May mga maliliit na pulo naman
sa Romblon na kinalalagyan ng ilan sa kanilang mga bayan ganon
din ang Occidental Mindoro at Palawan. Ang lalawigan naman ng
Marinduque ay nakapaloob lamang sa iisang isla ang mga bayan dito
ngunit may ilang malilit na isla na bahagi ng mga bayan ng Gasan at
Sta Cruz.

Ang klima sa rehiyon ay nauuri sa dalawa; ang tag-araw at


tag-ulan. Tuwing buwan ng Hunyo hangang Oktubre nakakaranas
ang mga lalawigan ng magkakaparehong panahon, ang tag –
ulan.Sa mga nalalabing buwan ay tag-araw ang nararanasan ng
rehiyon. Sa limang lalawigan ng MIMAROPA Palawan ang merong
konting pagkakaiba sapagkat ang kanyang Silangang bahagi ay
nakararanas ng tatlong buwang tag-araw at hindi mahulaan ang
panahon ng tag-ulan sa buong taon.

Pansinin ang iba’t ibang anyong lupa at anyong tubig na


makikita sa iba’t ibang lalawigan ng rehiyon ayon sa mapa. Ano
ano ang pagkakapareho o pagkakaiba iba ng mga kaanyuang ito?
Sadya ngang natatangi ang mga ganitong kaanyuan sa rehiyong ito.
Katunayan, nakaka-enganyo pa sa mga turista ang mga natatanging
anyong lupa at anyong tubig ng rehiyon.

Sa kabuuan, ang Rehiyong MIMAROPA ay sagana sa mga


produktong pang-agraryo at pandagat. Makikita sa kabuuan
ng Mindoro ang malaking bundok ng Halcon na naghahati sa
Occidental at Oriental Mindoro. May mga maliliit na pulo naman sa
Romblon na kinalalagyan ng ilan sa kanilang mga bayan ganon

144
din ang Occidental Mindoro at Palawan. Ang lalawigan naman ng
Marinduque ay nakapaloob lamang sa iisang isla ang mga bayan
dito ngunit may ilang maliliit na isla na bahagi ng mga bayan ng
Gasan at Sta Cruz.

Mapapansin na ang mga lalawigan sa Rehiyon MIMAROPA ay


magkakahiwalay ngunit sa kabila nito ay mayroon din itong mga
itinatagong likas na yaman.

Ang Palawan na ikaapat sa pinakamalaking lalawigan sa


Pilipinas ay binubuo ng dalawandaang maliliit na pulo ang ilan sa
mga ito ay ang Busuanga,Culion,Linapacan,Cuyo,Cagayancillo at
Balabak.Ang kahabaan nito ay maburol at bulubundukin.Ang mga
kapatagan ng lalawigan ay makikitid at matatagpuan sa baybayin.
Marami etong batis at Talon tulad ng talon ng Kayulo.Ipinagmamalaki
145
din ng lalawigan ang St,Paul Underground River.Sinasabing may haba
etong 15km. subalit 7km lamang nito ang maaaring baybayin.

Dumadaloy ito sa ilalim ng mga bato at limestone.Sa Palawan


din matatagpuan ang yungib ng Tabon kung saan natuklasan ang
mga labi ng sinasabing pinakaunang tao sa Pilipinas.

Ang kalupaan ng Mindoro ay nahahati sa Mindoro Oriental


at Mindoro Occidental sa pamamagitan ng Bulubundukin ng
Halcon.Itinuturing na pangunahing yaman ng pulo ang mga burol
at kapatagan nito.Sa Oriental Mindoro matatagpuan ang Talon ng
Tamaraw na may taas na 423 talampakan. Ang gitnang bahagi ng
Marinduque ay mabundok dito matatagpuan ang Bundok Malindig
na isang aktibong bulkan.Ang mga kapatagan naman ay makitid
at paikot sa pulo.Ang Romblon ay binubuo ng tatlong pangunahing
pulo,Tablas,Sibuyan at Romblon.Sa mga pulong ito ang Tablas ang
pinakamalaki.Mabundok ang Tablas lalo na ang gitnang bahagi
ay umaabot sa 616m.Ang mga kapatagan dito na nasa baybayin
ay makikitid.Ang pulo naman ng Sibuyan tulad mg ibang pulo ng
Romblon ay baku bako at mabundok.Ang pinakamataas na bundok
ay ang bundok Guiting –Guiting na umaabot sa 2058 m.

Ang Rehiyong MIMAROPA ay may malawak na pinagkukunang


yaman mula sa matabang lupain para sa taniman hanggang sa
mahabang baybayin upang pangisdaan. Ang saganang likas na
yaman ng rehiyon ang isa sa mga dahilan kung bakit ang malaking
bahagi ng ikinabubuhay ng mga taga rito ay pagsasaka at
pangingisda.

146
Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Ano ano ang katangian ng bawat lalawigan sa rehiyon?


2. Ano-anong anyong lupa at anyong tubig ang matatagpuan sa
inyong
lalawigan at rehiyon?
3.Ano-ano ang mga panahon na karaniwang nararanasan sa inyong
lalawigan
at rehiyon?
4. Paano naaapektuhan ang hanapbuhay ng mga tao ng pisikal na
kapaligiran
ng lalawigan at rehiyon?

Gawain 1 Punan
Pangkatang Gawain

Gamit ang napag-aralan na sa mga nakaraang aralan, punan


ang Data Retrieval Chart ng angkop na kasagutan. Sagutin ang mga
katanungan.

Lawigan Natatanging Mga Mga Klima


Pisikal ng Anyong Anyong
Kaanyuan Lupa Tubig
Oriental Mindoro
Occidental Mindoro
Marinduque
Romblon
Palawan

147
1. Ano ang natatanging pisikal na kaanyuan ng bawat lalawigan sa
inyong rehiyon?
2. Ano ang mga anyong-lupa o anyong-tubig na tanyag sa bawat
lalawigan ng mga rehiyon?
3. Ano ang natatangi sa Metro Manila? Paano nagkakaiba o
nagkakapareho ang sariling rehiyon sa ibang rehiyon na
nabanggit?
4. Ano ang mga klima na karaniwang nararanasan sa buong taon sa
mga lalawigan?

Gawain 2 Maglakbay Tayo


Pangkatang Gawain

Magkakaroon ng imaginary field trip ang mga pangkat ng


mag-aaral sa iba’t ibang lalawigan ng rehiyon. Gamit ang rehiyon
na itinakda ng guro sa iyo, gumuhit ng mga akmang simbolo sa
sagutang papel sa mapa. Ano-ano ang mga anyong-lupa at anyong-
tubig na makikita dito? Ano-ano ang mga katangian ng lalawigan
na pupuntahan ninyo? Anong uri ng panahon ang madalas na
nararanasan dito?

148
149
150
Gawain 3 Punan Mo

Tingnan ang mapa ng sariling rehiyon. Gamit ang kaalaman


sa mga nagdaang aralin, ilarawan ang mga lalawigan sa sariling
rehiyon sa pamamagitan ng pagsulat ng1-2 talata tungkol dito.
Maaaring paghambingin ang dalawa o higit pang lalawigan sa
rehiyon. Sagutin muna ang mga tanong sa Gawain A bilang gabay
upang mas maayos ang paglalarawan ng mga napiling lalawigan.
Lawigan Natatanging Mga Mga Klima
Pisikal ng Anyong Anyong
Kaanyuan Lupa Tubig

Batay sa mapa ng rehiyon, piliin ang pinakaangkop na


paglalarawan ng pisikal na katangian ng mga lalawigan at rehiyon.

1. Si Ding ay taga-Mindoro, at naimbitahan ng kaniyang pinsan na


bisitahin siya sa Marinduque. Paano niya ilalarawan ang kaniyang
biyahe papuntang?
a. Siya ay dadaan sa isang lawa.
b. Siya ay paakyat sa bulubunduking lugar.
c. Siya ay bibiyahe sa patag na daan.
d. Siya ay dadaan sa isang kagubatan.

151
2. Ang pinakamalapit na daanan mula San Jose sa Mindoro Occidental
papuntang Marinduque ay isang barko sapagkat .
a. Isang ilog ang madadaanan papunta roon.
b. Isang lawa ang madadaanan papunta roon.
c. Isang dagat ang madadaanan papunta roon.
d. Isang talon ang madadaanan papunta roon.

3. Aling mga lalawigan sa MIMAROPA ang dinadaanan ng barko o


bangka?
a. Mindoro
b. Marinduque
c. Romblon
d. lahat ng ito

4. Alin sa mga lalawigan ang mayaman sa magagandang tanawin?


a. Palawan c. Romblon
b. Marinduque d. Mindoro

5. Ano ang kabuuang pisikal na katangian ng lalawigan ng


MIMAROPA?
a. Kapatagan c. Kabundukan
b. Katubigan d. Tangway

6. Aling lalawigan ng rehiyon ang pinakamalaki?


a. Mindoro c. Palawan
b. Marinduque d. Romblon

7. Anong bundok ang naghahati sa Oriental Mindoro at Occidental


Mindoro?
a. Bundok Malindig c. Bundok ng Halcon
b. Bundok Banahaw d. Bundok Pinatubo

152
8. Bukod sa gawain ng tao, halos ay pangingisda ang hanapbuhay
sa MIMAROPA. Dahil ito ay
a. kabundukan c. kapatagan
b. katubigan d. kagubatan

9. Dumarayo ang mga turista sa Palawan sapagkat ito ay sagana


sa magagandang tanawin. Alin dito ang pisikal na katangian
ng Palawan?
a. ito ay isang tangway
b. Ito ay isang burol.
c. Ito ay kapatagan.
d. Ito ay bulubundukin.

10. Ano ang pisikal na katangian ng Mindoro at Marinduque kaya


mabilis itong naging daanan ng kalakalan?
a. Bulubundukin ito kaya madaling iangkat ang mga kalakal.
b. Ang Mindoro at Marinduqueay magandang daungan sa
paglabas at pagpasok ng mga kalakal.
c. Ang malaking bahagi ng MIMAROPAay isang kapatagan
kaya ito ay angkop sa kalakal.
d. Mas gusto ng mga tao na magkalakal kaysa sa pagsasaka
sa bukid.

153

You might also like