You are on page 1of 5

UNIVERSITY OF THE EAST – CALOOCAN

College of Arts and Sciences


BASIC EDUCATION DEPARTMENT
VISUAL ARTS STRAND – FILIPINO
Unang Semestre, Taong Panuruan 2019-2020

Mga Salik na Nakakaapekto sa Paggawa ng Commisioned Artworks ng mga Mag-aaral ng


Sining Biswal taong 2018 hanggang 2019 mula sa Pamantasan ng Silangan

Isang Pananaliksik sa Kursong


HFI 112 – Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

Ipinasa nina:

Catacutan, Luis

Dejumo, Matt Andrei

Gonzales, Marife C.

Perfecto, Erika

Santos, Erica Irishjoyce

VAS 12-2
UNIVERSITY OF THE EAST – CALOOCAN
College of Arts and Sciences
BASIC EDUCATION DEPARTMENT

KABANATA 1
SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO
INTRODUKSYON

Sa panahon ngayon ay marami nang mga estudyante ang umaasa sa kanilang

talento upang mapagkakitaan, at isa na dito ang paggawa ng sining pambiswal bilang

isang komisyon para sa kanilang mga customer. Ayon sa American Art. Org (YEAR),

ang mga non-profit na sining at culture industries ay may naiambag na higit kumulang

166.3 bilyong dolyares sa ekonomiya mula sa 4.5 milyong trabaho noong taong 2015.

Nangangahulugan na lamang na malaki ang naiaambag ng sining sa ekonomiya ng iba’t

ibang bansa.

Ayon din sa Bureau of Economic Analysis ng Estados Unidos (YEAR), ang

sector ng sining at cultural production ay may naiambag na 764 bilyong dolyares sa

ekonomiya ng estados Unidos noong taong 2015 na nagrerepresenta ng 4.2 % sa

kanilang GDP. Nangangahulugan na ang sining ay pwedeng gawing primaryang

pagkukuhanan ng kita kahit na estudyante pa lang. Ang pananaliksik na isasagawa ng

mga mananaliksik ay may layunin na tignan kung mayroon bang pagbabago sa porsyento

ng mga estudyanteng nag kokomisyon ng kanilang mga obra sa paglipas ng taon at kung

ano ang mga salik na nakakaapekto sa kanilang paggawa.

LAYUNIN NG PAG-AARAL

Ang pangkalahatang layunin ng pag-aaral ay malaman ang mga pangunahing

salik na nagiging dahilan kung bakit sila gumagawa ng mga Commissioned Artworks.
UNIVERSITY OF THE EAST – CALOOCAN
College of Arts and Sciences
BASIC EDUCATION DEPARTMENT

TIYAK NA SULIRANIN

Ang mga tiyak na pag-aaral ay ang mga sumusunod:

1. Ano ang porsyento ng mga mag-aaral na gumagawa ng Commissioned

Artworks?

2. Ano-ano ang mga salik na nakakaapekto sa paggawa ng Commissioned

Artworks ng mga mag-aaral?

3.

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
Ang resulta ng pag-aaral na ito ay may malaking pakinabang sa mga sumusunod:

Mag-aaral. Lalawak pa ang perspektibo ng bawat mag aaral ng sining biswal sa

paggawa ng mga obra na magiging daan din upang sila’y mahikayat na

tumanggap ng Commissioned Artworks sa kadahilanang may kita o pera dito.

Layon din ng mga mananaliksik na hikayatin ang mag-aaral na balewalain ang

mga salik na humahadlang sa kanilang hilig sa larangan ng sining.

Lipunan . Madalas na isipin ng tao na walang kahahantungan at walang pera sa

pagpasok sa industriya at larangan ng sining, gayunpaman, nais ng mga

mananaliksik na manghikayat pa ng mga mag-aaral na pagbutihin pa ang

paggawa, hindi lang sa pag aaral ngunit pati na rin sa mga likhang sining tulad

ng Commissioned Artworks.
UNIVERSITY OF THE EAST – CALOOCAN
College of Arts and Sciences
BASIC EDUCATION DEPARTMENT

Mga susunod na Mananaliksik. Layunin rin ng pag aaral na ito na matulungan

ang mga susunod na mananaliksik lalo na ang mga mag aaral sa larangan ng

sining para malaman kung meron mang pagbabago sa pag aaral na ito sa

paglipas ng panahon. Makakatulong rin na ang lengguwaheng ginamit ay

tagalog upang mas maintindihan ng mga Pilipinong mag-aaral ang kanilang

binabasang tekstong pananaliksik at sa gayon makakatulong ito dahil marami sa

mga tekstong pananaliksik ay nakahango sa wikang ingles.

SAKLAW AT LIMITASYON

Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw lamang sa paksa tungkol sa mga

pagbabago ng bilang ng mga gumagawa ng Commissioned Artworks at mga salik

na nakakaapekto sa kanilang paggawa. Ang mga paksang hindi namn nabanggit

ay hindi na sakop ng pag-aaral.

Ang mga mananaliksik ay nagtakda ng mga respondente, limitado lamang sa

bilang na dalawampu (20) hanggang limampu (50) kung saan ang mga

respondenteng ito ay kasalukuyang mag-aaral at nagtapos na ng Senior High

School sa Pamantasan ng Silangan, Caloocan, taong 2018 hanggang 2019.

DEPINISYON NG TERMINOLOHIYA

Ang mga sumusunod na salita ay binigyang kahulugan upang mas mapaigi pa ang

pag-aaral na ito.

1. Commisioned Artworks ay mga likhang sining na pinasadya o ginawa para sa

mga interesado at handing magbayad ng halaga ayon sa napag-usapan ng isang

kliyente at manlilikha.
2. Non-profit ay ang hindi pagkita ng pera ang layunin kung hindi ang pagbibigay

serbisyo sa lipunan bukod sa pinansiyal na pagtulong.

3. Obra ay ang tawag sa likhang sining na ginawa o nilikha ng isang tao.

You might also like