You are on page 1of 3

DAAN

Sa bawat araw

Sa bawat oras

Daang tinatahak araw-araw

Susubukin landas na makupas

Daang kay daming patutunguhan

Ika'y mamili kaibigan ng tamang daan

Pagkat daanang tayo'y sinusubok

Nang ating makita kung tayo'y marupok

Sarili natin ay pagtibayin

Daanang kay daming landasin

Daang mayro'ng matuwid at liko-liko

Piliin magandang daan upang di mabigo

Kaya kaibigan mabuting landas ay mahalaga

Pagkat daang kay daming pagsubok

Wag sumuko kung tayo'y sinusubok

Maging matatag at matibay sa lahat ng problema.


Ang pagmamal ni Jhun kay kyla

Tatlong taon ng magkasintahan sina Jhun at kyla, madaming humahanga sa kanilang


lubos na pagmamahalan. Sila'y hinahangaan rin sa kanilang eskwelahan dahil sa parehas pa
silang matalino at iskolar, matanda ng dalawang taon si Jhun kay kyla at sa kanilang relasyon ay
walang hadlang sapagkat, alam ng kanilang mga magulang ang kanilang pagmamahalan. Sila'y
tuwing magkasama sa oras na may panahon sila sa isat-isa, nagkakasama din sila tuwing may
pupuntahan at lalabas ang kanilang pamilya.

Ngunit damating ang araw na nagkaroon ng sakit si kyla na kanser at umabot na ito sa stage 2,
labis na ikinagulat at ikinabahala ng mga magulang niya ang sakit na ito. Dahil sa karamdaman
ni kyla ay inilihim niya ito sa pinakamamahal niyang kasintahan na si Jhun, at ipinaalam niya na
lamang ito sa kanyang mga magulang na huwag sabihin kay Jhun ang sakit niya kasi ayaw niya
itong malungkot at mag-alala sa kanya. At hanggang sa tumuntung na ang mga araw na halos
hindi na pumapasok si kyla at ito'y ikinatataka ni Jhun dahil hindi niya nakikita ang maha niya at
tuwing pupuntahan niya ito at Tatanungin sa mga kaklase niya wala naman silang balita kung
saan si kyla at bakit kadalasan na itong hindi pumasok sa klase. Lubos na malungkot si Jhun
dahil nangungulila siyang hindi nakikita,nakakasama at nakakausap si kyla at hindi niya pa ito
matawagan at matext halos mabaliw na siya sa kakaisip.

Hanggang sa isang araw pumasok si kyla at lubos na natuwa si Jhun ngunit may halong lungkot
dahil sa malaking pagbabago ni kyla sa kanyang pangangatawan, kinausap at tinanong ni Jhun si
kyla kung ano ang nanyayari sa kanya, at nagtapat si kyla kung bakit bihira na siyang
nakakapasok sa klase. Masakit para kay Jhun lahat ng nalaman niya, hindi niya lubos akalain na
itinago ni kyla ang pagkakasakit niya halos hindi siya makapaniwala at natatakot siya sa
masamang mangyayari balang araw kay kyla. At dumaan pa ang mga araw at nakikita na ni Jhun
at ang pamilya ni kyla na malalang malala na ang kanyang kanser, at kumulang na buwan ay
maari nang malagutan ng hininga si kyla at siya'y unti-unti nang nagpapaalam kay Jhun at sa
pamilya niya. Masakit para sa kanilang lahat ang mga pangyayari ito lalo na kay Jhun halos araw
at gabi niyang inaalagaan at dinadalaw si kyla lagi niyang pnagdadasal na huwag muna siyang
kunin sa piling niya, ngunit wala siyang magagawa kung ito ang ininadhana para sa kanya at
marinara niya man na mawalan ng minamahal. At umabot na nga ang araw ng pamamaalam ni
kyla, at naging masakit sa lahat ng nagmamahal sa kanya ang pagkawala ni kyla. Lumipas ang
isang taon ng pagkakamatay ni kyla ay hindi malimot limot ni Jhun ang mga alalang naiwan
nung ito'y nabubuhay pa lamang. Iniisip nalang ni Jhun na isa itong inspirasyon para sa kanya
upang malimutan lahat ng sakit na nararamdaman niya sa pagkawala ng pinakamamahal niya,
at magsimula ulit siya sa bagong hamon ng kanyang buhay.
MGA NILALAMAN

I. TALAMBUHAY
II. TULANG MALAYA
III. TRADISYUNAL NA
TULA
IV. SANAYSAY
V. MAIKLING KWENTO

You might also like