You are on page 1of 55

Pakikipaglaban ng

mga Pilipino
~Ms. Hanna Loren L. Pal
O Ano ang ipinararating sa
atin ng mga awiting ito?
O Magagawa mo bang
magbuwis ng buhay para sa
ating Inang Bayan? Bakit?
O Ano ano ang mga karapatang
tinatamasa ng Pilipinas?
1.Karapatang mamahala sa Mamayan
2. Karapatang Makapagsarili
3. Karapatang Mang-angkin ng Ari-arian.
4. Karapatan sa pantay na Pagkilala.
5. Karapatang Ipagtanggol ang
Kalayaan.
6. Karapatang Makipag-ugnayan.
Kilalanin natin! 
JOSE RIZAL
MARCELO H. DEL PILAR
GRACIANO LOPEZ-JAENA
EMILIO JACINTO
ANDRES BONIFACIO
Andres Bonifacio
O Isinilang si Andres Bonifacio sa Tondo,
Maynila noong Nobyembre 30, 1863.
O Nakapag aral sa paaralan ni Guillermo
Osmena sa Cebu subalit sa kahirapan
nakatapos lamang ng pang unang grado
sa mababang paaralan.
O Nang labing apat na taong gulang ay
naulila at napilitang maghanapbuhay para
sa kanyang kapatid.
O Binalikat ang pagsuporta sa pamilya sa
pamamagitan ng pagbebenta ng
pamaypay na yari sa papel de hapon at
mga bastong yari sa ratan.
O Naging eskribyente-mensahero siya ng
Flemming and Co., isang kumpanyang Ingles
at dito natuto siya ng wikang Ingles. Naging
ahente sa Fresell and Co., isang
kumpanyang Aleman at ng maglaon bilang
isang bodegero sa Tondo. Naging isang aktor
din sya sa moro-moro.
O Noong labing walong taong gulang, Si
Bonifacio ay nakilala at nagpakasal kay
Gregoria de Jesus ng Kalookan (kilala din
bilang Lakambini ng Katipunan) sa simbhan
ng Binondo, isang taon matapos maitatag
ang katipunan.
O Kasama ang ilang makabayan, itinatag niya
ang KKK.
O Noong ika 22 ng Marso 1897, sa kapulungan ng Tejeros na
ginanap sa San Francisco de Malabon, natalo si Bonifacio
kay Gen. Aguinaldo bilang pinuno ng katipunan at binuo
ang kapulungan ng isang bagong pamahalaang
rebolusyonaryo na hahalili sa Katipunan.
O Sumalakay ang mga tauhan ni Gen. Aguinaldo sa Limbon,
Indang Cavite kung saan napatay ang isa sa kanyang mga
kapatid na si Ciriaco at sila kasama ni Procopio ay nahuling
sugatan at dinalang bihag sa Marogondon. Nilitis sa harap
ng hukumang militar at noong ika-7 ng Mayo, hinatulan ng
kamatayan at iniutos na ipatapon sa malayong lugar. Binaril
at napatay kasama ng kapatid na si Procopio ng isang
platun ng tauhan ni Gen. Aguinaldo sa ilalim ng pamumuno
ni Koronel Lazaro Macapagal noong ika-10 ng Mayo 1897
sa Bundok Tala, sa Maragondon, Cavite.
Emilio Jacinto
O Isinilang noong Disyembre 15, 1875.
O Ipinanganak sa Trozo, Tondo, Manila.
O Si Emilio Jacinto ay ipinanganak sa Trozo,
Manila noong Disyembre 15, 1875. Ang
kaniyang mga magulang ay sina Mariano
Jacinto at Josefa Dizon.
O Ang kanyang Ama, si Mariano Jacinto ay tatag
ang hanap buhay bilang tenedor-de-libro. Ang
kanyang ina na si Josefa dizon ay isang
comadrona.
O Siya ang kinikilalang Utak ng Katipunan.
Sinulat niya ng Kartilya ng Katipunan at ang
mga tulang “Sa Mga Kababayan”,ang
“Pahayag”at ang “A La Patria”.
O Nautusan si Jacinto na iligtas si Jose Rizal
mula sa kinasasakyan nitong bapor
papunta sa Cuba. Hindi pumayag si Rizal.

O Noong Febrero, 1898, siya ay nasugatan sa


pakikipaglaban sa mga sundalong Kastila
sa Maimpis, Laguna. Siya ay ginamot ng
isang doctor na Kastila.
O Namatay si Jacinto sa edad na
dalawampu’t apat sa sakit na malaria.
Jose Protacio Rizal Mercado Y
Alonzo Realonda
Pambansang Bayani ng Pilipinas

O Ipinanganak noong Hunyo 19, 1861 sa


Calamba, Laguna
O Ang kanyang mga magulang ay sina
Fransisco Rizal at Teodora Alonzo
O ikapito sa labing isang magkakapatid.
O ikasiyam na gulang siya ay ipinadala sa
Binyan Laguna.
O “TO THE FILIPINO YOUTH”
O Ateneo De Manila-
Unibersidad ng St. Tomas
O Leonor Rivera.
O Namatay sa pamamagitan
ng pagbaril sa kanya sa
Bagumbayan noong
Disyembre 30, 1896.
O Inilathala ang 2 nobela:
Noli Me Tangere –Huwag mo
Akong Salingin
(Alemanya, 1887) at
El Filibusterismo – Ang
Tampalasan (Ghent, Belgium 1891)
Inilahad sa aklat na ito ang pang-aabuso ng mga
opisyal at prayleng Espanyol na gumising sa
diwang makabayan ng mga Pilipino.
Marcelo H. Del Pilar
O Ipinanganak noong Agosto 30,
1850 sa Cupang Bulacan, San
Nicolas Bulacan

O Tinatag niya ang kaunaunahan


pahayagang tagalog sa
Pilipinas na Diariong Tagalog
O Ilan sa mga isinulat niya ay ang :
 Dasalan at Tocsohan
 La Soberania Monacal en
Filipinas
(Isiniwalat nito ang mga problemang
panlipnan nooon.)
 La Patria at
 Ministerio de la Republica
Filipina
(Pananaw sa isang bansang malaya)
O Napilitang iwan ang asawa at
2 anak upang tumakas
papuntang Espanya

O Naging kasapi ng Samahang


Propaganda at pinalitan si
Graciano Lopez Jaena bilang
patnugot ng La Solidaridad
O Nanatiling namuhay si Del Pilar ng
mahirap kapalit ang pag-asang
lalaya ang Pilipinas.

O Namatay siya sa sakit na


Tuberkulosis
noong Hulyo 4, 1896 sa
Barcelona, Espanya
Graciano Lopez-Jaena
“Prinsipe ng mga
Mananalumpating Pilipino”

Kasama sina Del Pilar at Rizal


tinagurian silang Triumvirate ng
Samahang Propagandista
O Ipinanganak noong Disyembre 18,
1856 sa Jaro, Iloilo

O Sa edad na 6 na taon ay sinanay na


ni Padre Francisco Jayme sa
pagtatalumpati

O Sa pagnanais na maging doktor,


pumasok siya bilang baguhan sa
Ospital ng San Juan de Dios sa Jaro
O Napalapit siya sa mga tao doon at
nakita ang paghihirap nila sa
kamay ng mga kawal Espanyol

O 1874, isinulat niya ang Fray


Botod
(Inihayag ang kasakiman, katamaran,
at kalupitan ng mga paring Espanyol)
ONatukoy ito ng awtoridad
kaya tumakas siya
papuntang Hong Kong at
bumalik sa Madrid.

ONamatay siya sa sakit na


tuberkulosis noong Enero
20, 1896
O Kilusang Propaganda at Repormista-
Pangkat 1
O Kilusang La Liga Filipina-Pangkat 2
O Kilusang katipunan at ang Kartilyang
Katipunan- Pangkat 3
O Digmaang United States at Spain-
Pangkat 4
Kilusang Propaganda
O Ito ay isang samahang itinatag ng mga
liberal na Pilipino upang matamo ang
pagbabago sa mapayapangpamamaraan.
O Ang hindi makatarungang pagpatay sa
tatlong pari ang naging daan sa
paghahangad ng reporma o pagbabago
ng mga Pilipino laban sa pamahalaang
Kastila.
O Padre Mariano Gomez, Jose Burgos, at
Jacinto Zamora
Layunin ng Kilusang Propaganda

O 1. Pagkakapantay-pantay ng mga Pilipino at


Kastila
O 2. Pagkilala sa Pilipinas bilang bahagi o
probinsiya ng Espanya
O 3. Pagkakaroon ng representasyon sa Spanish
Cortes ng Espanya
O 4. Pagtatalaga ng mga Pilipinong paring
secular sa mga parokya
O 5. Pagkilala sa mga karapatang pantao ng mga
Pilipino
O 6. Pagkakaroon ng mga pagbabago sa
pamamalakad sa pamahalaan
Pamamaraan
O Sumulat sila ng mga nobela, magasin, aklat, at
iba pang babasahin upang maipahayag ang
kanilang mga kahilingan sa pamahalaang
Kastila.
O Upang mapalaganap ang layunin ng kilusan,
bumuo ang samahan ng isang pahayagan. Ang
La Solidaridad ang opisyal na organ ng kilusang
propaganda.
O Enero 15, 1889 – Inilathala sa Barcelona,
Espanya ang unang sipi.
O Graciano Lopez Jaena – ang unang patnugot ng
pahayagan
O Marcelo H. del Pilar – pumalit siya sa taong
Disyembre 1895
Mga Limang
Pilipinong Manunulat
O Marcelo H. del Pilar – Plaridel, Araw at
Gabi, Dolores Manapat
O Jose Rizal – Dimasalang, Laong Laan
O Mariano Ponce – Tikbalang, Naning,
Kalipulako
O Antonio Luna – Taga-ilog
O Jose Maria Panganiban – Jomapa
Kilusang La Liga Filipina
O Itinatag ni Dr. Jose P. Rizal noong
Hulyo 2, 1892 sa Ilaya, Tondo.
O Nabuo ang samahang ito sa layon nilang
mawakasan ang pang-aaping
nararanasan nilang mga Pilipino sa
kamay ng mga Kastilang mananakop.
Pero ang mas mabigat na dahilan ng
pagkabuo ng samahang ito ay ang
kanilang pare-parehong mithiin na maging
malaya ang Pilipinas sa kamay ng
Espanya sa mapayapang paraan.
Mga Layunin ng La Liga
Filipina
O 1. pagkakabuklod ng buong kapuluan;
O 2. pagtutulungan sa panahon ng
pangangailangan at kagipitan;
O 3. pagtatanggol laban sa lahat ng uri ng
karahasan at kawalang-katarungan;
O 4. pagtataguyod ng edukasyon,
agrikultura at komersiyo;
O 5. pagsasagawa ng mga reporma o
pagbabago.
Mga Nahalal sa Pamunuan
O Ambrosio Salvador – pangulo
O Agustin de la Rosa – piskal
O Bonifacio Areval – ingat-yaman
O Deodato Arellano – kalihim
O Jose P. Rizal – ang nagsulat ng Saligang-
Batas sa Hong Kong katulong si Jose
Maria Basa
Mga Nagawa at Kinalabasan ng Kilusan

May mga ilan ding pagbabago ang nakamit ng Kilusan


tulad ng:
1. ang pagkakaalis ng katungkulang panghukuman sa
pangangasiwa ng pamahalaang bayan;
2. pagkakatanggal ng monopoly sa tabako;
3. pagpapatibay ng Batas Maura sa pagtatag ng pamahalaang
municipal;
4. ang pagbabayad ng buwis ay ibinatay sa kakayahan ng tao
at tinawag na cedula;
5. pagkakatatag ng maraming hukuman sa mga lalawigan at
Maynila upang mapadali ang pagdinig ng mga kaso;
6. pagbabago ng pamamaraan ng pagpili ng gobernador
sibil na mangangasiwa sa mga pamahalaang
panlalawigan
Kartilya ng Katipuna
O Noong 7 Hulyo 1892, pagkatapos mabuwag ang
La Liga Filipina at ipinatapon si Rizal sa Dapitan,
itinatag sa pangunguna ni Andres Bonifacio ang
Kataastaasan, Kagalanggalang na Katipunan ng
mga Anak ng Bayan(K.K.K. ng mga A.N.B.), ang
Katipunan.
O Kasama sina Teodoro Plata, Ladislao Diwa,
Valentin Diaz at Jose Dizon, itinatag nila ito sa
bahay ni Deodato Arellano sa #72 kalye
Azcarraga sa Tondo, Maynila.
Layunin
O Layunin nitong samahan na
magkaisa ang bayan upang
palayain ang Pilipinas mula sa
Espanya sa pamamagitan
ng himagsikan. Malinaw sa kilusan na
hindi na sapat ang paghingi ng
reporma sa Espanya dahil hindi
naman ito nakinig sa mga hinaing ng
mga Pilipino.
Kartilya ng Katipunan
ni Emilio Jacinto
O 1.Ang buhay na hindi ginugugol sa isang malaki at
banal na kadahilanan ay kahoy na walang lilim,
kundi damong makamandag.
O 2.Ang gawang magaling na nagbuhat sa
paghahambog o pagpipita sa sarili, at hindi talagang
nasang gumawa ng kagalingan, ay di kabaitan.
O 3.Ang tunay na kabanalan ay ang pagkakawang-
gawa, ang pag-ibig sa kapwa at ang isukat ang
bawat kilos, gawa't pangungusap sa talagang
Katuwiran.
O 4.Maitim man o maputi ang kulay ng
balat, lahat ng tao'y magkakapantay;
mangyayaring ang isa'y hihigtan sa
dunong, sa yaman, sa ganda...;
ngunit di mahihigtan sa pagkatao.
O 5.Ang may mataas na kalooban,
inuuna ang puri kaysa pagpipita sa
sarili; ang may hamak na kalooban,
inuuna ang pagpipita sa sarili kaysa
sa puri.
O 6.Sa taong may hiya, salita'y
panunumpa.
O 7.Huwag mong sayangin ang
panahon; ang yamang nawala'y
mangyayaring magbalik; ngunit
panahong nagdaan ay di na muli pang
magdadaan.
O 8.Ipagtanggol mo ang inaapi;
kabakahin ang umaapi.
O 9.Ang mga taong matalino'y ang may pag-
iingat sa bawat sasabihin; matutong
ipaglihim ang dapat ipaglihim.
O 10.Sa daang matinik ng buhay, lalaki ang siyang
patnugot ng asawa at mga anak; kung ang
umaakay ay tungo sa sama, ang pagtutunguhan
ng inaakay ay kasamaan din.
O 11.Ang babae ay huwag mong tingnang isang
bagay na libangan lamang, kundi isang katuwang
at karamay sa mga kahirapan nitong buhay;
gamitin mo nang buong pagpipitagan ang kanyang
kahinaan, at alalahanin ang inang pinagbuharan at
nag-iwi sa iyong kasanggulan.
O 12.Ang di mo ibig gawin sa asawa mo, anak at
kapatid, ay huwag mong gagawin sa asawa, anak
at kapatid ng iba.
Jose Rizal Andres Boifacio
Nagtatag ng La Liga Nagtatag ng
Filipina Katipunan

Sumulat ng El Gumamit ng
Filibustirismo at Noli Pahayagang
Me Tangere Kalayaan at Kartilya
ng Katipunan

Gumamit ng Panulat Gumamit ng


Rebolusyon
Kilusan Mga Bayani Layunin

1. Propaganda 1. 1.

2. 2.

2. La Liga Filipina 1. 1.

2.

3. Katipunan 1. 1.

2. 2.
O Kung Nabuhay ka noon ,
ano ang gagawin mong
pakikipaglaban para sa
kasarinlan ng Pilipinas?
O Sinong Pilipino ang Iyong
tutularan?

You might also like