You are on page 1of 1

Wikang Katutubo:

Tungo sa Isang Bansang Filipino

Sa panahon ngayon, kadalasan na nating naririnig at ginagamit ang mga wikang banyaga sa ating bansa.
Mayroong Ingles, Korean, Mandarin, French, Japanese, Spanish, at iba pa. Madaming tao ang gusto matuto ng mga
wikang banyaga na ito. Kadalasan na rin itong ginagamit sa mga bagay-bagay tulad ng social media at kung ano pa. Kung
titingnan nga ay parang mas mahalaga pa ang mga wika na ito para sa kanila, o baka sa iyo pa. Ngunit ang tanong,
katulad ng mga wikang banyaga na ito, pinahahalagahan mo nga rin ba ang Wikang Filipino o Wikang Katutubo natin?

Ang wikang Filipino ay ang pambansang wika at isa sa mga opisyal na wika ng Pilipinas, kasama na rin dito ang
Ingles. Matatawag rin ang mga wikang ito bilang wikang katutubo.. Ito ay binubuo ng iba’t-ibang lengwahe na ginagamit
ng mga tao sa iba’t-ibang lugar sa Pilipinas, halimbawa na lamang rito ang Tagalog, Bisaya, Hiligaynon, Kapampangan,
Chavacano, at iba pa. Ang mga wikang katutubo ay minana pa natin sa ating mga ninuno simula noong unang panahon
pa lamang. Ito ay maituturing bilang isa sa mga kayamanan ng ating bansang Pilipinas, at ito rin ay tulay upang
pagyamanin an gating pagka-Pilipino. Napaka-ganda, napaka-malikhain, at ibang-iba ito sa mga lengwahe sa mundo. Ito
ay ang mga lengwahe na dapat sana ay ating ipagmalaki, ngunit ngayon ay bakit ito ay ating na lamang kinakalimutan o
di naman ay hindi pinapahalagahan? Paano kapag dumating ang araw na ang ating wikang katutubo ay tuluyan ng
mawala? Maiisip mo ba na sana ay pinahalagan mo ito noong una pa lamang? At may magagawa ka pa ba para ibalik
ito?

Ang mga wikang katutubo ay isang napaka-halagang yaman na ipinagkaloob sa ating mga Pilipino at sa ating
bansa, kung kaya’t ngayon pa lamang, nawa’y ito’y ating bigyan ng halaga, mahalin at tangkilikin, ipagmalaki, at ipakilala
sa buong mundo. Ito ay ating igalang kabilang banda, panatilihin itong buháy sa paglipas ng panahon. Dahil ang mga
wikang katutubo ang nagpapakita ng ating pagka-Pilipino, kahit saan man parte ng mundo tayo pumunta. Ito ang
simbolo na magpapakita kung gaano kayaman ang ating bansa, at ito ang magbibigay daan sa atin tungo sa isang
bansang Filipino.

Ipinasa ni :

AJ Valerie A. Bustamante

Baitang at Seksyon :

9 – SPA Amorsolo

Ipinasa kay :

Sir Reynan C. Garino

You might also like