You are on page 1of 4

ABSTRAK

PANIMULA

Ang kabataan ay ang pag-asa ng ating bayan. Ngunit ang mga kabataan ngayon ay maagang napasok sa mga mabibigat na
resonsabilidad. Isang isyu ng ating bansa, yun ay ang agarang paglaganap at pagdami ng mga kabataang maagang nabuntis na nasa
edad na labing dalawa hanggang labing walong taon. Sa mga sumusunod mababasa o maiiulat rito ang mga impormasyon tungkol sa
mga karanasan ng isang batang ina sa mga sumusunod na salik: emosyonal, espiritwal, mental pinansyal,relasyon at sosyal: na
malalaman kung posotibo o negatibo ba nila itong mararanasan

PIGURA 1. BALANGKAS NG PANANALIKSIK

Ang parteng ito ay nagpapakita ng pagkakakilanlan ng mga respondente, kung kailan o kung anong taong gulang sila
nagkuwal ng sanggol, at kung plano aba nilang ituloy ang kanilang pag-aaral. Ipapahayag din ang kanilang mga pinagdaan sa ibingay
na salik: emosyonal > na naglalaman kung nakaramdam ba sila ng saya o lungkot , espiritwal >pananampalataya ng isang batang ina
sa panginoon , mental > mga magiging pananaw nila sa buhay , pinansyal > pangangailangan at mga gastusin , at relasyon > ang
relasyon nila sakanilang mga magulang , nobyo at pakikitungo nila sa lipunan o tao.

LAYUNIN NG PAG-AARAL

Ang layunin nito ay ang malaman ang mga pinagdaan ng bawat isa sakanila lalo na sakanilang murang edad. Ang pag-aaral
na ito ay sasagutin ang mga sumusunod ayon sa:

 Ano ang pagkakakilanlan ng mga batang ina ayon sa


1.1 ANTAS NG EDUKASYON
1.2 EDAD NG UNANG PANGANGANAK
1.3 MARITAL STATUS ; AT
1.4 TUMIGIL O IPINAGPATULOY ANG PAG-AARAL
 Ang mga pinagdaanang karanasan ayon sa ibat-ibang salik:
2.1 EMOSYONAL
2.2 ESPIRITWAL
2.3 MENTAL
2.4 PINANSYAL
2.5 RELASYON; AT
2.6 SOSYAL
 Pagkakaiba ng mean score pag igrinuo ang respondente ayon sa pagkakakilanlan:
1.1 ANTAS NG EEDUKASON
1.2 EDAD NG UNANG PANGANGANAK
1.3 MARITAL STATUS; AT
1.4 TUMIGIL O IPINAGPATULOY ANG PAG-AARAL

METODO

Nakapokus sa mga karanasan o pinagdaanan ng mga batang ina batay sa anim na salik. Sa lugar ng brgy. Sta. rosa, alminos,
laguna. Sa tulong ng mga mga record na binigay ng munisipalidad ng alminos, laguna mas madaling matukoy kung anong taon silaang
nanganak , at kung ilang taon o edad silang nung unang magkaanak.

Ang bahaging ito ay nahahati sa dalawa. UNANG BAHAGI –nakapaloob dito ang kanikanilang ersonal status sa buhay.
PANGALAWANG BAHAGI – ay gumamit ng 4 point likert scale ito ay ang hindi sumangayon, sumang-ayon, at lubos na sumang-
ayon paraan para makuha ang lebel na naramdaman sa amamagitan ng anim na salik.

PROSESO NG PANGANGALAP NG DATOS

Para sa pag-apruba, sa mga isinumeting pamagat, at pag konsulta sa kanilang propesor , mga pag papasuri ng mga
instrumentong ginamit at pagsumiti ng communication letter sa munisipyo ng brgy. Alaminos, laguna. Sa mga kakailanganing record.
Ang mga resulta ay inilalahad sa diskusyon, kongklusiyon at rekomendasyon.

RESULTA AT DISKUSYUN

Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng presentasyon, analisis at resulta ng mga sagot na nakalap at na tally na sa
pamamaitan ng SPSS.
SA TALAHANAYAN 1,

Makikita ang mga bilang ng mga respondente na naaayon sa edad. Katulad ng labing isa (11) o 31.43% na nabuntis sa
elementaryang antas. Dalawamput dalawa (22) o 62.86% naman na nabuntis na nasa sekondaryang antas at dalawa o 5.71% na
nabuntis naman na nasa kolehiyong antas.

SA TALAHANAYAN 2,

Ipinakita and edad ng mga respondente ng sila ay mabuntis, isa (1) o 2.86% sa labing tatlo at labing apat, apat (4) o 11.43%
naman sa edad na labing lima, dalawa (2) o 5.71% sa labing anim , labing lima (15) o 42.86% ay nanganak sa edad na labing walo

SA TALAHANAYAN 3,

Ang pagpapakita ng estadong marital ng batang ina. Labing isa (1) o 31.43% na live-in, apat (4) o 11.43% na single Tanging
magulang lang ang kasama ; dalawampo (20) o 57.14% na kasal.

SA TALAHANAYAN 4,

Dito ay pinapakita ang edukasyonal status nila matapos ang kanilang panganganak; tatlumpo (30) o 91.43% na tumigil sa
pag-aaral , at tatlo (3) o 8.57% na nagatuloy ng pag-aaral. Pero mas marami sa ang tumigil at mas piniling pagtuunang pansin ng
kanilang anak at mas inuna nila ang trabaho ara matustusan ang kanilang mga pangangailanagan.

SA TALAHANAYAN 5,

Ay tumatalakay ng pinagdadaanang buhay ng mga batang ina sa pandamdaming salik. Pinaka mataas na mean score na 1.14
na ang resultang lumabas ay “lubos na sumang-ayon” ay ang statement na ‘ipinagmamalaki ko ang aking anak” na may positibong
sagot na naranasan nila ito. Ang pumangalawa sa meanscore ay umabot sa 1.17 “masarap sa pakiramdam kapag kayakap ko ang aking
anak” at ang mababang mean score naman na umabot sa 3.14 na ang resulta ay “hindi sumang-ayon” na ang statement ay “malungkot
sng magdalang tao , at ang may pinakamababa ay umabot sa 2.37 na mg negatibong nagagawa nila.ang kabuuan ng lahat ay umabot sa
1.61 na kung saan ang sagot ay nasa “sumang-ayon”

SA TALAHANAYAN 6,

Sa talahanayanang ito pinapakita ang mga inagdaanang buhay ng mga kabataang ina sa espiritwal na salik: na ang inaka
mataas na mean score ay umabot sa 1.91 na ang resulta ay “sumasang-ayon” na ang statement ay ang pag isip ng mabuti at harain ito.
Ang sunod na may mataas na mean score ay umabot sa 2.06 na ang resulta ay positibo , at ang may score na mababa ay 3.91 na ang
resulta ay “hindi lubos na sumasang-ayon” na ang sagot ay malayo ang loob sa panginoon na negatibo ang resulta.

SA TALAHANAYAN 7,

Mga pinagdaananng buhay sa mental na salik: ang may score na mataas na umabot sa 1.60 na ang resulta “ sumasang-ayon”
na ang ibig sabihin ay “ nakakatulog ako ng maayos” na positibo ang kasagutan , ang sumunod ay ang statement na “sapat ang oras ng
aking pag tulog” na umabot sa 1.77 ang score na may positibong sagot. Ang may mababa Sa Talahanayan 7. Makikita ang
pinagdadaanang buhay ng mga batang ina sa mental na salik. Ang pinakamataas na mean score ay 1.60 na “Sumasang-
ayon” ang batang ina sa statement na “Nakakatulog ako ng maayos” na positibong nararanasan nila. Ang statement
naman na may pinakamababang mean score na 3.89 na mayroong sagot na “Lubos na hindi sumasang-ayon” ay ang
“Naisip kong ipalaglag ang sanggol sa sinapupunan ko” na negatibong nararanasan nila, ang sunod na may
pinakamababa na mean score ay 3.83 sa statement na “Nais kong maglayas” na negatibong nararanasan. Ang kabuoang
weighted mean ay 2.79 kung saan ang resulta ay “Hindi sumasang-ayon”.

Sa Talahanayan 8. Makikita ang pinagdadaanang buhay ng mga batang ina sa pinansyal na salik. Ang
pinakamataas na mean score ay 1.60 na “Sumasang-ayon” ang batang ina sa statement na “Maayos ang bahay na
tinitirahan namin” na positibong nararanasan nila, ang sunod sa pinakamataas ay ang statement na “Sapat ang pagkain
namin sa pang araw-araw” na may positibo ring sagot .Ang pinakamababa na may mean score na 3.11 na “Hindi pagsag-
ayon” ay ang statement na “Tinitipid ko sa wastong pangangailangan ang aking anak na negatibo nilang nararanasan.
Ang kabuuang weighted mean ay 2.36 na nagreresulta na “Sumasang-ayon”.

Sa Talahanayan 9. Makikita ang pinagdadaanang buhay ng mga batang ina sa relasyonal na salik. Ang
pinakamataas na mean score ay 1.29 na “Lubos na sumasang-ayon” ang batang ina sa statement na “Maayos ang
relasyon ko sa kinakasama ko” at sinundan ng mean score na 1.37 sa statement na “Maayos ang relasyon ko sa anak ko”
kung san parehong may positibong sagot. Ang statement na pinakamababang mean score na 3.26 na “Hindi pagsang-
ayon” ay “Nagalit ang mga kapatid ko sa akin” na may negatibong sagot.. Ang kabuuang weighted mean ay 2.07 na
nagreresultang “Sumasang-ayon”.

Sa Talahanayan 10. Makikita ang pinagdadaanang buhay ng mga batang ina sa sosyal na salik. Ang pinakamataas
na mean score ay 2.20 na “Sumasang-ayon” ang batang ina sa statement na “May nagbibigay sa amin ng gamit ng mga
bata” na may sagot na positibong nararanasan ito. Ang statement na may pinakamababang mean score na 3.71 na
“Lubos na hindi sumasang-ayon” ay “Nahihiya akong lumabas ng bahay kasama ang aking anak” na may sagot na
negatibo.Ang kabuuang weighted mean ay 3.22 na nagreresultang “Hindi pagsang-ayon”.

Sa Talahanayan 11. Naipapakita ang test for significant difference sa antas ng huling pag-pasok. Ang anim na
salik ay mayroong computed level of significance na mas mataas sa set value of significance at 0.01 level 2-tailed, kaya
null hypothesis is accepted.Ang resulta ay walang pagkakaiba sa mean score ng anim na salik kapag grinupo sa antas
huling pagpasok, sa elementarya, sekondarya, at kolehiyo.

Sa Talahanayan 12. Naipapakita ang test for significant difference sa edad ng unang panganganak. Ang anim na
salik ay mayroong computed level of significance na mas mataas sa set value of significance at 0.01 level 2-tailed kaya
null hypothesis is accepted.Ang resulta ay walang pagkakaiba ang mean score ng anim na salik pag grinupo sa edad ng
unang panganganak.

Sa Talahanayan 13. Naipapakita ang test for significant difference ng estadong marital sa anim na salik. Ang
resulta ay walang pagkakaiba ang mean score ng espiritwal,pinansyal at relasyonal subalit mayroong pagkakaiba sa
mean score sa emosyonal at sosyal na salik kaag grinupo sa estadong marital.

Sa Talahanayan 14. Naipapakita ang test for significant difference kapag tumigil o ipinagpatuloy ang kanilang pagaaral sa
anim na salik. Lahat ng salik ay mayroong computed levels of significance na mas mataas sa set value of significance at
0..01 level 2-tailed ,kaya null hypothesis accepted. Ang resulta ay walang pagkakaiba ang mean score sa anim na salik
kapag grinupo sa pagkakakilanlan; tumigil o ipinagpatuloy ang kanilang pagaaral V. Konklusyon at
Rekomendasyon

Konklusyon
Pinakamaraming nabubuntis na respondente ay edad 17-18 at kaunti lamang ang nasa edad 13-16. Ilan sa mga
batang ina ay huminto sa pagaaral sa hayskul dahil nalaman nilang sila ay buntis,sinundan ng elementarya, at kolehiyo.
Ang ilang respondente rin ay ikinasal sa ama , na sinundan ng live-in, at kaunti lamang ang single.Halos lahat naman ay
huminto sa pagaaral dahil sa nagdadalang tao sila.

Sa pandamdaming salik, may mga positibong nararanasan ang mga batang ina katulad ng nagaalala sila kapag
nagkakasakit ang kanilang anak at nasasaktan kapag umiiyak ito.Natural din na masigawan ang anak dahil sa galit. Sa
espiritwal na salik, ang negatibo nilang nararanasan ay ang hindi makapagsimba tuwing linggo. Sa mental na salik
positibong nararanasan ng mga batang ina na mag-isip kung bakit sila nabuntis kaagad o kaya ba nilang maging ina, na sa
halip ay nagaaral sila at walang problema. S. pinansyal na salik, positibong nararanasan na mangutang o manghiram ng
pera ang batang ina kapag nagkulang sa pinansyal na pangangailangn at negatibong nararanasan naman ay hindi na niya
mabibili ang mga gusto niya ,magstock ng pagkain at makakain sa restawran. Sa relasyonal na salik positibong
maranasan na mapagsabihan ng nakatatanda dahil sa nangyari sa kanila,sa negatibo naman ay hindi sila malapit sa
kanilang byenan at hindi na nakakasama sa mga kaibigan nila. Sa sosyal na salik naman ,positibong nararanasan na
bigyan ng kagamitan ang kanilang anak ,sa mga negatibo naman ay hindi na sila nakakasama sa proyektong panlipunan,
hindi inuuna sa pila at hindi nakakapag party.

Wala ring pagkakaiba sa mean score ng anim na salik kapag grinupo sa antas ng huling pag-pasok,edad ng unang
panganganak at sa pagkakakilanlan; kung tumigil o ipinagpatuloy ang pagaaral. Walang ring pagkakaiba sa mean score
ng espiritwal,mental,pinansyal at relasyonal na salik sa marital status at naiba lamang sa mean score sa emosyonal at
sosyal
Rekomendasyon
Ang pagkakaroon ng kaalaman ng mga magulang sa maaaring pagdaanan ng isang batang ina ay makatutulong
upang maturuan at magabayan ng maayos ang anak. Sa mga kabataan ang kaalaman nila sa maaaring maging sitwasyon
kapag naging batang ina ay makatutulong upang ito ay maiwasan, at maitatak sa isipan na hindi lamang sila aasa sa
kanilang mga magulang. Gayundin sa mga batang ina, nararapat lamang na malaman ang maaari pa nilang maranasan at
magandang makinig sa payo ng mga magulang.

You might also like