You are on page 1of 2

Panimula

Kaligiran ng Pag-aaral

Ang larong online (online game) ay isang laro na nilalaro sa ilang uri

ng computer network. Ito ay halos palaging gumagamit ng Internet o katumbas

na teknolohiya, at kung anong teknolohiya ang mayroon: modem bago ang

Internet, at hard wired terminal bago ang modem. Ang paglawak ng online

gaming ay sumasalamin din sa pangkalahatang pagbabago ng mga network na

kompyuter mula sa maliit na lokal na network sa Internet at ang paglago ng

Internet mismo. Ang online games ay maaaring sumaklaw mula sa simpleng

texto na laro hangang sa mga larong may kumplikadong grapiko at virtual na

mundo na may maraming manlalaro. Maraming mga online games ay

kadalasang mayroong online na komunidad, na nagpapakita na may malawak na

pakikisalamuha sa kapwa alinsunod sa pang-isahang laro.

Bunga ng online games ang pagdami ng mga bilang ng mga estudyante

na lumiliban sa klase, dahil pilit nilang lumabas dahil gusto nilang maglaro,naging

dahilan din ito sa pagiging mag nanakaw ng isang tao,dahil nalulong na sila at

pilit na makapaglaro ng games. Marami ding namatay dahil sa online games,

dahil hindi na nila nararamdaman ang gutom at puyat na dulot ng online games

sa ating mga tao.

Maraming mag-aaral ang nagwawaldas ng kanilang pera sa paglalaro ng

computer games. Ang adiksyon sa mga computer games ang nagpapalayo sa

mga mag-aaral satunay na mundo na kanilang ginagalawan. Ang mundo na


dapat lumilinang sa kanilang mga isipan para maging mga propesyonal sa

hinaharap. !to ay nagbibigay ng mga halimbawang hindi nakatutulong sa

paghubog ng mga mag-aaral at sa kanilang pagkatuto. Minsan pa nga sa

sobrang adiksyon ay hindi na pumapasok ang mga mag-aaral sa paaralan.

Napili naming mga mananalisik ang pag-aaral na ito, dahil bilang mag-

aaral tulad nila ay nais naming mananaliksik na malaman kung ano ang dahilan

at epekto ng paglalaro ng online games sa Masiag National High School.

Ang Masiag National High School ay hinango sa Barangay na

kinbibilangan nito kung saan ang Baranggay Masiag , ang pangalang Masiag ay

nag simula sa salitang manubo nakung saan ang Masaig ay nangangahulugan

kaalaman ng mamumuno sa tribo na sa pamamagitan ng kanyang

kapangyarihan at autoridad magampanan niya ang kanyang gampanin na

nakapaloob sa kanilng tradition at kultura.Sa pamamagitan ng Baranggay ay

napagpasyahan ng mga christiano na ipangalan ang pangalang Masiag.

You might also like