You are on page 1of 2

Ang documentary film na “Inside Job” ay patungkol sa nangyaring pandaigdigang krisis pinansyal

noong taong 2008. Ito na nakahati sa limang bahagi kung saan ipinaliwanag nang detalyo ang
pangyayari bago ang krisis, noong kasalukuyang krisis, at pagkatapos ng krisis. Sa introduction ng
palabas, ipinakita ang bansang Iceland bilang modelo ng isang bansang labis na naapektuhan ng
krisis. Kung gaano ito kaayos at kastable na bansa bago ang krisis at kung paano ito lumubog
noong dumating ang krisis. Maganda ang ginawa nilang ito sapagkat naipakita nila nang malinaw
ang malaking epekto ng problema na tatalakayin sa palabas at kung paano nito naapektuhan
hindi lamang ang isang partikular na bansa kundi pati na rin ang buong mundo. Sa unang parte
ay ipinaliwanag kung paano at bakit nangyari ang krisis. Nagsimula ang lahat nang nagderegulate
ang US noong taong 1980s. Sinasabing makatutulong ito sa paglago ng ekonomiya ngunit di
kalaunan ay nagpakita ito ng mga senyales ng pagkalugi. Kahit alam nilang mangyayari ito,
itinuloy pa rin nila. Nagpatuloy ang ganitong kalakarang hanggang sa taong 2000s kung saan
pinangunahan ng limang investment banks, dalawang financial conglomerates, at tatlong
securitized insurance companies. Nagbago ang kalakaran sa mga pautang ng mga ari-arian lalo
na sa mga pabahay. Kung dati ay nasa mga nagbebenta lamang ng ari-arian at sa mga gustong
bumili nito ang transaksyon, ngayon ay nasama na sa usapan ang mga investment banks at mga
investors. Ang nangyari, kapag umutang ang isang bibili ng bahay, ipapasasalo ito ng mga lenders
sa mga investment banks na siya namang magbebenta nito sa mga investors. Ang naging bunga
nito, malayang nagpapautang ang mga lenders kahit sa mga taong walang kapasidad magbayad
nito dahil hindi na sila takot kahit hindi mabayaran ito ng mangungutang. Ang mga investment
banks naman ay mag-iipon lamang ng mga ito pautang na tinatawag ngayon na Collateralized
Debt Obligations (CDO) upang maibenta sa mga investors. Kung gaano kasi karami ang
nangutang, mas malaki ang kita nila. Sa kabila ng pagiging risky nito ay binigyan pa rin ito ng mga
rating agencies ng triple A ratings upang magkaroon ng pagtingin ang mga tao na magandang
proyekto ito. Sa nangyaring ito, ang ratio ng mga hiniram na pera ng bangko sa kanilang pera
mismo ay lumayo nang lumayo. Gumawa ang mga bangko ng insurance policy na tinatawag
nilang Credit Default Swap upang masiguro na may makukuha ang mga investors sakaling hindi
makapagpabayad ang mga tao. Dito nagsimula ang krisis. Nagsimulang malugi ang mga bangko.
Maraming mga nawalan ng trabaho. Nawalan ng stability sa pag-ikot ng pera sa merkado. Mabilis
kumalat ang krisis sa buong mundo. Sa kabilang banda, ang mga tao sa likod ng
kompanya/bangko ay kumita ng malaking pera mula 2000 hanggang 2007 at hanggang sa
nagkaroo ng krisis ay hawak pa rin nila ito. Kumabaga sinira nila ang kanilang kompanya at pati
na ang ekonomiya ng mundo para lamang magkaroon sila ng malaking pera. Pagkatapos ng krisis,
sinabi sa palabas na nawala na ang pagiging dominante ng US sa mga aspetong dating dominante
ito. Bumaba ang porsyento ng mga average Americans na nakapagaaral. Tumaas din ang
unemployment rate. Noong naluklok si Ex-President Obama sa pwesto, sinabi niya magkakaroon
ng reporma sa bagay na ito ngunit maraming eksperto ang nagsasabi na hindi nila ito
naramdaman sa panahon niya. Nagulat din ang mga eksperto sa pagpili niya sa ilang mga tao sa
likod ng pangyayari noon sa krisis sa kanyang gabinete. Wala ring nanangot sa nangyaring ito.
Walang nakulong o napagmulta. Sa maikling salita, hindi naabot ang hustisya sa nangyaring
pandaigdigang krisis na ito.
Maganda ang pagprisenta ng palabas sa mga pangyayari ukol sa problema. Iba’t-ibang opinyon
ang narinig upang makabuo ng ideya tungkol sa nangyaring krisis. Hanga rin ako sa tapang ng
mga gumawa ng pelikula sa pagsasabi ng nakikita nilang mali sa nangyayari.
Ipinakita sa palabas ang tahasang pangungorakot ng mga tao sa itaas ng limpak-limpak na
salapi habang ang buong mundo ay nakararanas ng krisis. Gayupaman, hindi sila nanagot, bagkus
ay ang ilan sa kanila ay nanatitili pa sa pwesto sa gobyerno. Kung ihahambing ito sa nangyayari
sa ating bansa, masasabi ko na halos magkapareho lang din ito. Ang mga taong nagnakaw sa ating
kaban at pumatay ng libo-libong inosenteng tao noon ay unti-unting bumabalik sa pwesto sa
gobyerno na tila walang nangyari.
Sa dulo ng palabas, sinabi ng narrator ang mga katagang “Some things are worth fighting
for”. Dito ay tahasang sinasabi na dapat ay matuto tayong tumindig sa kung ano ang tama.
Magising sa katotohanang hindi maganda ang nangyayari sa ating lipunan. May magagawa tayo
upang mabago ang nangyayaring hindi maganda. Sa katunayan, ang mga katagang iyon ang
maaaring/sanang magmulat sa isipan ng mga tao higit lalo na sa kanilang bansa. Na may
karapatan silang ipaglaban kung ano ang mali. Na hindi sila nabubuhay dapat nang naghihirap
habang may mga mayayamang may masasamang budhi ang may kapangyarihan ay asensado ang
buhay.
Sa totoo lang, hanga ako sa palabas na ito hindi lang dahil sa pagpapakita niya ng
masususing analyzation ng mga pangyayari noong krisis kundi higit lalo na sa tapang nitong
ipahayag sa mga tao na may maling nangyayari sa sistema hindi lang ng kanilang bansa kundi pati
na rin ng buong mundo. na hindi makapangyarihan ang salitang “hustisya” sa lipunang ito.
Kailangan din nating magising sa katotohanang kailangan din nating kumilos upang may mabago.
Na hindi porket hindi tayo apektado paminsan ay hihinto na lamang tayo at tatanggapin ang
lahat. Matuto tayong magmasid sa ating paligid. Matuto tayong magbantay ng ating kalayaan
dahil baka hindi natin napapansin, kinukuha na pala ito sa atin.

You might also like