You are on page 1of 1

NORTHWESTERN UNIVERSITY

Laoag City

ISTRUKTURA NG WIKANG FILIPINO


(Huling Markahang Pagsusulit)

I. Isulat ang salita o lipon ng salitang tinutukoy ng mga sumusunod ng pahayag.

1. Ito ay isang salita o lipon ng mga salitang nagpapahayag ng isang diwa at may patapos na himig sa dulo.
2. Ang bahagi nga pangungusap na pinagtutuunan ng pansin sa loob ng pangungusap.
3. Ito rin ay bahagi ng pangungusap na nagbibigay ng kaalaman o importmasyon tungkol sa paksa.
4. Bahagi ng panalita na nagbibigay turing sa pang-uri, pandiwa at kapwa pang-abay.
5. Ito ay uri ng pang-abay na nagsasaad kung kailang naganap o magaganap ang kilos na taglay ng
pandiwa.
6. Bahagi ng panalitang naglalarawan sa pangngalan at panghalip.
7. Ito ay mga batayang laging sumusunod sa unang salita ng kayariang kinabibilangan.
8. Tawag sa mga kataga o salitang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, o sugnay na pinagsusunod-
sunod sa pangungusap.
9. Ito rin ay mga katagang laging nangunguna sa pangngalan o panghlaip na ginagamit na suimuno o
kaganapang pansimuno.
10. Tawag sa mga salitang hindi nagpapahayag ng sariling kahulugan.

II. Piliin ang simuno o paksa at panaguri ng mga sumusunod na pangungusap. Isulat rin kung anong
bahagi ng pananalita ng bwat bahagi ng pangungusap.

1. Tumaba ako nang limang libra.


2. Nagkasakit sai Vianing dahil sa pagpapabaya sa katawan.
3. Si Dr. Antonia F. Villanueva ay masugid na tagataguyod ng wika.
4. Malusog na kabataan ang tinatanggap na sundalo ng hukbo.
5. Ang umaawit ay kapatid ko.

III. Piliin ng paningit na gainamit bilang pagpapalawak sa mga sumusunod na pangungusap.

1. Ang bata na ang tawagin mo.


2. Hindi man kayo matuloy ay dapat kang maghanda.
3. Bakit ka nga ba hindi dumating?
4. Maswerte na rin naman ang batang iyon.
5. Iabot mo lang sa akin ang peryodiko bago ka umalis.
6. Buhay raw ang mga nakulong sa minahan.
7. Kalabaw raw ni Badong ang nawala.
8. Isasangguni po lamang naming sa tagapangulo ng komite ang hinggil sa suliranin ng mga kasapi.
9. Alam mo ba ang dahilan ng kanyang biglang pag-alis.
10. Swelduhan din daw ang ama niya

IV. Pagsulat. Sumulat ng isang salaysay ng mga pangyayari sa alin man sa mga paksang ito.

1. Na-jay-walking Ako
2. Ang Una kong Sayaw
3. Napagkamalan Ako

Inihanda ni: GNG. ROSARIO P. DEJOLDE

You might also like