You are on page 1of 2

Ang Mga Anak Ni Limocon

Myth of Origin of the Mandayas, in Mindanao


Ang limokon, sa tingin ng mga Mandaya, ay ibon ng tadhana, ang tagapag-hatid mula
sa ‘kabilang buhay’ (limbo, spirit world ) ng babala (aviso, warning) ng durating
na panganib, o ng pahiwatig ng napipintong tagumpay. Kapag narinig ang ‘ku-ku-ru’
ng limokon mula sa kanan, paniwala ng Mandaya, matutupad ang binabalak, subalit
kung nagmula sa kaliwa, mabibigo ang tangka...
Itong alamat ay lubhang kaiba sa mga alamat ng mga Bukidnon at Bagobo na nahaluan
ng mga pangaral ng catholico at mga Amerkano. Bagaman at mga kalapit pangkat nila
ang mga Bukidnon at Bagobo, itong alamat ng Mandaya ay likas na makaluma, at
maniwaring galing pa sa panahon bago dumating ang mga dayuhan... -- Mabel Cook
Cole, Philippine Folk Tales, 1916

NUONG pinaka-unang panahon, nuong wala pang tao sa daigdig, naglipana ang mga
limokon, isang uri ng kalapati ( paloma, dove) na malakas at marunong magsalita
tulad ng tao bagaman at sila ay anyong ibon. Minsan, isang limokon ay nangitlog -
isa sa bukana ng ilog Mayo, at isa sa puno o simula ng ilog ding iyon. Pagkaraan ng
panahon, napisa (empollar, hatch) ang 2 itlog at, at sa halip na limokon, ang
lumabas ay 2 tao - lalaki sa bukana, at babae sa sibulan, ng ilog Mayo.
Lumaki at matagal na panahon namuhay ang 2 unang tao nang magkahiwalay, at walang
malay na ibang tao na buhay maliban sa sarili nila. Lumbay na lumbay sila kapwa, at
panay ang hangad na magkaruon sila ng kasama.
Ang lalaki ang unang nawalan ng tiyaga at nagsigasig na maghanap ng kapwa tao dahil
isang araw, may pumatid sa kanya habang tumatawid siya sa ilog. Malakas ang patid
sa kanya, tumumba siya at muntik nang malunod. Nang maka-ahon siya, natuklas niyang
makapal na buhok ang pumatid sa kanya, at ipinasiya niyang hanapin kung kangino
nagmula ito.
Malayo ang narating paakyat sa pinagmulan ng ilog Mayo, inusisa ng lalaki ang
magkabilang pampang hanggang sa wakas, natagpuan niya ang babae sa sibulan ng ilog.
Tuwang-tuwa sila kapwa at nakakita na ng makakasama. Nag-asawa sila at maraming
naging anak - mga tao na tinatawag pang Mandaya hanggang ngayon, at namumuhay pa
rin sa tuntunin ng ilog Mayo

——

Ayon sa matatanda, ang bathalang lumikha ng daigdig ay si Laor. Ayon sa paniwala


ng marami ay matagal siyang namuhay na nag-iisa dito sa daigdig. Hindi nalaunan at
siya ay nakaramdam ng pagkalungkot sa kanyang pag-iisa. Upang maiwasan ang
ganitong pangyayari ay umisip siya ng isang magandang paraan.

Isang araw ay naisipan niyang kumimpal ng lupa upang gawing mga tao, sa gayon ay
malunasan ang kanyang kalungkutan. Iniluto niya sa hurno ang lupang kanyang
ginawa. Sa hindi malamang sanhi ay nakalingatan niya ito, kaya't nang kanyang
buksan ay maitim at sunog. Ang lumabas na sunog ay naging nuno ng mga Ita.
Hindi nasiyahan ang Bathala sa una niyang pagsubok. Kumuha uli siya ng lupa at
hinubog na anyong tao at isinilid sa hurno. Sa takot niyang ito'y masunog tulad ng
una, hinango agad sa kalan. Ang lumabas ngayon ay hilaw at maputi. Ito naman ang
mga ninuno ng mga puting lahi.

Muling humubog si Bathala ng lupa at iniluto sa hurno. Palibahasa'y ikatlo na


niyang pagsubok ito, hindi napaaga ni napahuli ang pagkakahango niya sa pugon.
Hustong-husto ang pagkakaluto ngayon at katamtaman ang kulay. Ito ang pinagmulan
ng lahing kayumanggi na kinabibilangan ng mga Pilipino.

——

Sicalac at Sicavay
Noong unang panahon si Kaptan ay diyos na may kakayahang lumikha. Nagtanim siya ng
isang damo. Nang lumaki ang dahon nito ay biglang lumitaw ang isang babae at
lalaki. Ang lalaki ay si Sicavay.
Isang araw, hinimok si Sicalac na mapangasawa si Sicavay ngunit tumanggi si Sicavay
sapagkat sila ay magkapatid. Tinanong ng dalawa ang hangin, ang mga hayop, ang
dagat at humingi ng payo tungkol sa kanilang kagustuhan. Pumayag ang lahat at
sinabing maaari silang maging mag-asawa upang dumami ang tao sa mundo. At naging
mag-asawa nga sina Sicalac at Sicavay kung kaya’t lalong dumami ang tao sa mundo.

You might also like