You are on page 1of 3

Ang Hari at Ang Pastol

Alam po nating lahat na ang isang hari ay ang pinuno ng isang kaharian. Karaniwang

nakikita natin ang kanyang mga imahen na nasa mataas na palasyo, may gintong upuan, may

koronang nakasisilaw, may taga-paypay sa gilid at may magandang dilag na taga-subo ng mataba

na ubas. Pamilyar din po tayo sa isang pastol? Ang pastol naman ang pinuno ng kanyang kawan.

Simple lang ang damit at sapat na ang baston na gamit niya sa pagpapastol ng kanyang mga tupa.

Siya ay isang payak at hamak lamang.

Ang hari po sa ngayon ay galit na galit sa ilegal na droga, galit sa mga gumagamit at

nagbebenta nito, sa totoo lang ayon nga sa nilabas na datos ng Philippine National Police, may

higit sa limang libo na ang napapatay nila kaugnay ng illegal na droga. Iba magalit ang ating hari.

Ang hari po natin sa ngayon ay galit din sa mga tiwaling opisyal, lalo na po siguro yung mga

tinatawag na dilawaan, galit na galit po siya doon. Ngunit ito ang mas nakakatawa, kakampi niya

ang ilan sa mga buwayang opisyal ng ating pamahalaan. Ang hari natin ngayon ang siyang

nakapaglinis ng Boracay at Manila Bay, ngunit hirap linisin ang mga tiwali sa kanyang gobyerno,

kasi nga yung iilan dito ay kakampi niya. Ang hari ngayon ay mapagmahal sa mga kababaihan,

ilang batas na ang kanyang napirmahan para sa karapatan nila. Subalit sa labis niyang pagmamahal

ay bumabanat siya ng mga joke na nakasisira ng imahen ng mga ito, naalala ko yung isang balita

na sinabi ng hari na may balak niyang gahasain ang kasambahay nila noon.Tunay nga na may

pagbabagong hatid ng ating hari, ngunit ang pagbabagong inilatag niya ay hindi madali, kailangan

mag alay ng libo-libong kalis ng dugo. At dahil sa mga ito sobrang nag-init ang ulo ng mga Pastol

at binatikos nila ang hari. Kaya naman ang mga pastol sa ngayon ay sinisiraan ng hari ng

pamahalaan. Ang mga ito ay pinaparatangang mga bakla, mga manyak, mga tulak din raw ng droga

at kung ano-ano pa. Ang mga Pastol sa ngayon ay nagiging mapangahas na, sapagkat tila
natatapakan na ang kanilang mga kapuri-puring habito at estola. Ngunit base sa mga ginagawa

nilang pag-atake sa hari ay parang nakakalimutan na nila ang utos ni Kristo na maging

mapagkumababa at matutuhang mahalin ang bumabatikos sa kanila. Kaya itong mga Pastol ay

nakakatikim ng mga paninira mula sa hari ng pamahalaan, at nakatataanggap ng mga bantang

pagpatay.

Mukhang hindi na maganda ang nangyayari sa ating bansa mga kapatid. Kapwa mga

pinuno na natin ang silang nag aaway-away, ang ating hari, ang pangulo at ang ating mga pastol,

ang mga pari at Obispo. Kayo po ay mga pinuno ng ating pamahalaan at simbahan,puro patusada

na ang nangyayari sa bawat isa. Ngayon ay kinakabahan ako, sapagkat kamakailan lang ay naging

seryoso na ang pagbabanta ng hari na sususpendehin niya ang Writ of Habeas Corpus, at

ipapadakip ang mga bumabatikos o mga kritiko niya. Kasama rito ang mga pastol. Hindi porket

nakasaad sa ating saligang batas ang paghihiwalay ng estado at simbahan, ay magsisiraan na kayo.

Maari naman silang magtulungan at mag kaintindihan, ‘di ba? Lahat naman siguro tayo ay

nangangarap ng pagbabago, yung magandang pagbabago. Ngunit sa ginawagawa ng hari at ng

mga pastol, tila nagiging Malabo na ito.

Kailanman hindi ako nanngarap na maging politiko, ngunit noon hanggang sa ngayon

pangarap ko maging isang pari. Bilang pagtatapos, kung pahihintulutan ako ng Diyos na maging

pastol ng kanyang piniling sambayanan ito ang aking gagawin. Aalukin ko ng isang basong alak

ang haring Presidente, at ito aking sasabihin, “tara uminom tayo saglit, mag-usap tayo bilang mga

pinuno, ikaw na hari nitong bansa, at akong pastol ng aking kawan, magtulungan tayo, maglatag

tayo ng mga bagay na makabubuti sa ating nasasakupan, nakabubuti sa marami at hindi sa iilan,

tayo ay mga pinuno, kumilos tayo bilang tunay na mga pinuno. Nandito tayo upang maglingkod

hindi upang paglingkuran. Sa paghalik ng mga hawak nating baso, tapusin na nating mga alitan
maroon tayo. Ang alak na ito ay hindi para sa atin, ito ay para sa ating mga nasasakupan. Kung

pagkatapos nito ay patuloy parin tayong magsisiraan at mag babangayan, siguro nga’y malabo na

ang pagbabagong inaasam natin. Ngunit kung pagkatapos nito ay magkakasundo at

magkakaintindihan na tayo, tiyak na makakamit na natin ang pagbabagong pangarap natin para sa

ating bayan at ating kawan.”

You might also like